Truyen3h.Co

M V Series 11 Saito Yakimoto


Sa bar ni Saito sila nagpuntang apat na nandito sa Uptown hill. Dahil ganitong pinuntahan sila at talagang dinayo pa ni Carlos ay dapat lang silang mag-inuman.  Nakilala ni Saito si Carlos sa isang business venture na pinuntahan niya at nakapalagayan niya nga ito ng loob dahil matalino itong tao. Ipinakilala naman niya sila Khalil at Demon dito at doon na nga din nag-umpisa ang pagkakaibigan nilang apat. 




"Ang tagal kitang hindi nakita ha, ano ng balita sa 'yo? Kumusta na ang pamilyadong tao?" Tanong ni Saito kay Carlos, magiging maganda ang pagkukuwentuhan nila nito lalo pa at masarap ang alak na iniinom nila ngayon. They having The Macallan 2022, one of the expensive brandy. Hindi naman nila kailangang magpakalasing ng sobra, dahil ang mahalaga ay 'yong kuwentuhan.




"Masaya ano pa ba? May pinuntahan lang ako dito sa Roxas kaya sabi ko daanan nga kita. Buti nga nando'n ka kanina sa opisina mo kaya hindi din nasayang ang pagpunta ko." Sabi naman ni Carlos, he knows how Saito is very busy with his businesses. Kung siya kasi ay naka-focus lang sa kanyang hacienda, ay ito naman ay hindi dahil sa kabi-bilang negosyo nito. Nabalitaan niyang nagpakasal nga itong si Saito; akala niya pa naman ay talagang hindi na ito mag-aasawa pa. Pero kita mo naman at talagang nakakita na din ito ng babaeng para dito. He believes that every successful man needs a woman in his life, so..




Saito nodded; he knew about his family. Nakilala na kasi niya ang asawa nitong si Carlos na si Misty Faith, maging ang anak nito. Tuso sa negosyo si Carlos, pero hindi naman ibig sabihin noon na gumagawa ito ng ilegal at masama. He just means that Carlos is so brilliant in business; malawak ang hacienda nito at isang beses na rin siya nakapunta doon.




"Dalas-dalasan mo Pare ang pagpunta dito para naman nakakainuman ka namin." Sabi ni Khalil. 




"Kaya nga, kami na lang laging tatlo ang magkakaharap eh." Sabi din ni Demon, hindi naman sa nagsasawa na siya sa pagmumukha ng dalawa niyang kaibigan pero siyempre mas masaya din kung makasama nila si Carlos kagaya ngayon. 




"Ako ang dapat magsabi na kayo ang magpunta sa Colores, para maipakilala ko sa inyo 'yong mga kaibigan ko do'n." Ani Carlos, kilala ng tatlo kasi ang kaibigan niyang si Wilde dahil na-meet na ng mga ito 'yon. Pero ang iba ay hindi pa. At gusto niyang makilala din ng mga ito ang iba niyang kaibigan na nasa Colores. 






"Don't worry we will try to visit you on your place Carlos, ipapaayos ko ang schedule ko para makapunta kami do'n." Sabi ni Saito. 




"'Yan ang maganda, anyway, nabalitaan ko na lang na nagpakasal ka ha. Sino ba ang napangasawa mo? She's also an heiress right?" Turan ni Carlos, as far as he remembered, Saito's wife is the heir of the Choi company. At alam niya ang tungkol sa negosyo ng mga Choi, at 'yon ay ang minahan.




"Yes, but it's a long story why we ended up in marriage." Sagot ni Saito, hindi niya naman kasi dinideny ang tungkol sa paglapit sa kanya ng asawang si Shania at paghingi nga nito ng tulong. Khalil, the demon, knows about it, but it doesn't matter. Dahil ang mahalaga ay okay sila ng asawa niya at 'yon ang importante. He has heard countless times about their marriage, that Shania is a gold digger. Na kaya lang daw ito nagpakasal ay dahil sa pera, na kinailangan nito ng tulong niya. At totoo naman 'yon, pinahiram niya ito ng pera para muling makabangon ang Choi company. Still, he can proudly say that his wife is not a gold digger; ni hindi nga ito naglalabas ng bahay kapag wala itong pasok sa kompanya niya eh. At hindi din ito maluho. Pero kahit pa 'yon ang mangyari, afford niya namang tustusan ang asawa. He can buy whatever his wife wants. He's not only a millionaire, but a billionaire.




"I see, pero masaya ako at nakapag-asawa ka na. Akala ko pa naman wala ka nang planong magpakasal eh. Pero nabigla ako sa balita na kinasal ka na nga." Sabi ni Carlos, 'yong mga kaibigan niya kasi ay mostly gano'n ang iniisip. 'Yong bang okay na sa buhay katulad niya, may magandang negosyo at trabaho at hindi namomroblema sa pera. Pero may dumating pa rin na isang babae sa bawat isa sa kanila na lalong nagpasaya at nagturo sa kanila kung paano makuntento at maging masaya sa pagkakaroon ng sari-sariling pamilya. Personally, he's happy having a family now; akala niya dati okay na siya sa pagtatanim ng mga gulay at prutas at sa pag-aalaga ng iba't ibang klase ng hayop sa hacienda niya. Pero hindi, dahil dumating sa buhay niya si Misty Faith, his very own damsel in distress.





"Next time I will introduce you to my wife Carlos, or kapag nagpunta kami sa hacienda mo ay isasama ko siya." Ani Saito, he will be very proud to be with his wife. At kakausapin niya nga ito na gusto niyang makasama ito kapag may pupuntahan siyang business event. Nang sa gano'n ay malaman ng mga tao na talagang kasal na siya. 




"Good, sabihan mo lang ako Pare para naman makapaghanda ako sa bahay kapag nagpunta kayo do'n." Ganting sabi ni Carlos.



Dm me on my fb page how to join! (Maribelatenta stories)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co