Truyen3h.Co

Promises He Didn't Make

Kabanata 4

JFstories

VIEN WASN'T MOVING ANYMORE!!!


The other kids who were chasing us also got shocked when Vien fell down. They all ran away like scared chickens!


"Vienny!" Inuga-uga ko si Vien. Hindi talaga siya dumidilat. What to do?! Vien was so heavy! I could not carry him!


May humintong bike na may sidecar sa gilid namin, iyong tinatawag na pedicab. Humahangos na bumaba mula roon iyong ale kanina na sabi ay tutulungan kami. She looked about the same age as my grandmas, but her skin was more wrinkly and dry.

"Nene, anong nangyari sa kuya mo?!" tanong niya.


"Nibato po siya," hikbing sumbong ko.


Tiningnan ng ale si Vien. "Hindi naman siguro malala. Merong dugo. Hindi naman siguro siya magkaka-internal hemorrhoid."

"Hemorrhoid po?"


"Hemorrhoid, hemorrhage, hemoglobin! Basta, iyon na iyon! Tara, dalhin natin siya sa pedicab dahil kailangan na siyang magamot!"


Magamot? Did that mean she was going to help us go to the hospital?

I said okay. A man she called the padyak driver helped carry Vien into the pedicab. I also got it. Siksikan kami sa loob. But then... something was weird. Papunta ang pedicab sa eskinita na madilim. Papunta ba talaga ito sa hospital?


May pinasukan kami na entrance ng baranggay. Nabasa ko iyong pangalan sa batong arko. Maraming kabahayan sa loob na dikit-dikit. Mga sarado na pero maraming tambay sa labas.

Then we turned into a super-narrow street. May street sign na patumba na, but I still managed to read what was written on it. Huminto kami sa tapat ng isang saradong tindahan. Sa gilid niyon ay merong madilim na eskinita. Iyong daan na super sikip!


Bumaba iyong ale pagkabayad at nagbayad ng twenty pesos sa padyak driver. "O, tulungan mo ko na maipasok iyang binatilyo sa loob!"

Kinalabit ko na siya. "Lola, bakit po tayo nandito?"


"Wag mo na ko tawagin lola! Ate lang ako!"

"Pero mukha na po kayong lola." Her hair was white and she had lots of lines on her face. She looked like a bad grandma in a TV drama.


"Bata pa ako. Dati akong model, na-stress lang."


"Bakit po puti buhok niyo?"


"Style iyan."

"E bakit po tayo nandito?" Lumingap ako sa paligid. Madilim dito at walang mga tambay. "Akala ko, pupunta po tayo sa hospital?"


She frowned when I asked. "Ay, Nene, malayo ang ospital rito. Saka, di naman malala ang kuya mo. Ako na ang gagamot sa kanya. Kaya ng dahon-dahon lang iyan!"


She and the driver carried Vien into the dark alley. Madilim din sa loob. Sa dulo niyon ay may isang bahay na ang bakod ay kalawanging yero. Sa isang maliit na kuwarto niya ipinadala si Vien. May papag roon na may manipis na foam. Nang umalis na ang driver ay inasikaso niya na si Vien.

She gave me a t-shirt to wear 'cause mine was soaked from the rain. It was big and old and had a faded picture of the Balcaran church on it. Pagkasuot ko ay para akong naka-duster sa laki niyon.


I looked over at Vien—uh-oh! The ale had changed Vien's clothes, too! Vienny was now wearing an old t-shirt with a picture of some politician, I think. Sa pang-ibaba naman ay naka-boxers lang siya. Hindi na siya nilagyan ng ale ng shorts. Matutuyo rin daw naman iyon. Umiwas naman ako ng eyes doon.

Iyong mga damit namin ni Vien na pinaghubaran at iyong aking bag ay kinuha ng ale. Siya raw muna ang magtatago. Bukas niya na raw ibabalik sa amin pag aalis na kami. Pati pala iyong watch ko at watch ni Vien ay nikuha niya rin.


Pinunasan ng basang bimpo ang ulo, pati na rin ang katawan. Nanonood lang naman ako. May nikuha siya sa labas na dahon, pinaglalagay niya iyon sa noo ni Vien. "O ayan, gagaling na ang kuya mo."

Pinaghanda niya ako ng dinner. Lucky Me noodles. Walang itlog kaya nagreklamo ako. "Sabi po ng mommy ko, kapag kakain ng noodles ay dapat laging may itlog, para may sustansiya pa rin!"


"Ay, next time. Sorry, no budget."


Then she left us in the room. Me and Vien. All alone. I looked at him, all quiet and not moving, and my chest felt tight. What if mamatay na siya? What if di gumana iyong mga leaves sa forehead niya?!


Paiyak na ako habang nakatingin sa kanya nang gumalaw ang mahahaba niyang pilik-mata. "Vien, gising ka na?!"

He opened his eyes and looked around, confused. "Mara, nasaan tayo?"


Halos sumampa ako sa ibabaw niya. "We're safe, Vienny! That lady we saw came back! Mukha lang siyang mangkukulam, but she's mabait pala! She helped us and she treated you!"

"Ano? Pumayag ka na isama niya tayo rito?" Napangiwi siya. "Ah, teka, umalis ka muna! Ang bigat mo!"


Masaya naman akong tumango, saka umalis sa pagkakadagan sa kanya.



Napahawak siya sa kanyang ulo. Naglaglagan tuloy iyong mga dahon na inilagay roon ng ale. "Ano ito?"


Napatingin siya sa damit ko na malaking t-shirt, pagkuwan ay sa sarili niya. Napaungol na lang siya pagkatapos.

"Vienny, gabi na kasi sabi niya, e! Delikado raw sa labas kaya mas okay raw na bukas na tayo umalis! She will help us daw!"


Nagpumilit siyang makabangon. "Oh, I remember something. May kabisado pala akong number, maliban sa number ng wowa ko. Puwede ko iyong kontakin."

Kumiling ang ulo ko. "Sino?"


"Iyong nililigawan ko. Kabisado ko ang phone number niya."


Napasimangot ako at nag-cross arms pa.


"Gising pa iyon kasi nocturnal iyon, e. Iti-text ko siya na i-message si Daddy sa Facebook, o magpasama na pumunta sa amin. Taga PK2 lang din siya. Sigurado na pag nalaman ni Daddy kung nasaan tayo, ay kahit ngayong gabi'y susunduin tayo niyon."


Napapalakpak ako. "You're so smart, Vienny!"


"Pero kailangan muna natin ng phone. Mahihiram mo ba iyong phone ng tumulong sa atin na ale? Siguro naman may load siya kahit piso."


Just then, perfect timing! The lady came in to check on us. She overheard what we were talking about. "Ay, anong phone? Naku, wala akong phone!"


"Weh ba?" tanong ko rito.


Napanguso ito. "Mahirap lang ako, kaya wala akong phone!"


"Sa kapitbahay niyo po," baka-sakali ni Vien. "Baka po may kakilala kayo na puwede naming mahiraman ng phone. Makiki-text lang po. Pasusundo na po kami sa parents namin."


"Ay, wala akong kapitbahay rito sa looban, e. Iyong mga taga labas naman ng eskinita ay mga di ko ka-close. Tulog na rin ang mga iyon. Nakakahiya namang istorbohin. Pero wag kayong mag-alala. Bukas na bukas ay sasamahan ko kayo sa barangay para doon kayo makahingi ng tulong. Puwede rin kayong makihiram doon ng phone."


Sumang-ayon na kami. Mukhang wala nga talagang cell phone iyong ale.


"Masakit pa ulo mo?" tanong ko kay Vien kanya habang nakahiga kami na magkatabi sa papag habang magkahawak ang hands namin.


"Konti. Pero okay lang ako, wag mo kong alalahanin."


"But may sugat ka sa ulo. Baka may lumabas na tren diyan."


Mahina siyang natawa. "Wala, gagi. Charot ko lang iyon."


Pinanlakihan ko siya ng eyes. "You were just joking about my wound?!"


Tumagilid siya paharap sa akin. Nakangiti siya. "Panakot ko lang iyon sa 'yo. Makulit ka kasi."


Napanguso ako. "Ngeee, pampam."


"E ikaw, Mara, okay ka lang ba? Masakit pa ba iyong sugat mo sa tuhod?"


Humarap na rin ako sa kanya. "Hindi na masakit. I'm worrying about you more."


"Sus, sweet naman ng bebe na iyan. 'Lika nga." Niyakap niya ako.


"Vienny, hindi ka ba scared?"


"Kanina lang noong akala ko ay makukuha ka ng mga batang iyon sa akin." Humigpit ang yakap niya sa akin. "Sorry, Mara, muntik ka nang mapahamak."


Gumanti ako ng mahigpit na yakap sa kanya. Sa isip ko, why was he saying sorry to me? Ako naman iyong may kasalanan kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon. At mas napahamak nga siya, may sugat siya sa head niya.


"Tulog ka na," mahinang sabi niya sa akin habang hinahagod ang likod ko.



"I can't sleep. Mainit and matigas iyong bed."


"Gusto mo ba na kantahan kita para makatulog ka?"



Napatingala ako sa kanya. "Yeees!"


Natatawa na pinisil niya ang ilong ko. "Ge, ano ba gusto mo?"

Malawak akong napangiti. "Ikaw na lang bahala!"


"Okay. 1, 2, 3... When we turn out the lights..."


Napangiti ako habang nakasiksik sa kanya. I'd heard him sing that while playing guitar before. I liked that song!


"No one else comes close to you. No one makes me feel the way you do. You're so special, girl, to me. And you'll always be, eternally..."


Hanggang sa nakatulog na ako. Naalimpungatan lang ako na naiihi. Pagmulat ko ay tulog na rin pala ulit si Vien, and he looked so pale. I got up quietly, so I wouldn't wake him.


Lumabas ako sa kuwarto na kinaroroonan namin. Madilim sa maliit na sala, pero kita naman ang paligid kasi bukas iyong ilaw sa bandang dulo ng bahay. Kusina yata iyon. Siguro nandoon din iyong toilet.


Nandoon nga ang toilet, and it was so so dirty inside. Sa lapag na lang ako nag-wiwi. Nibuhusan ko na lang after. When I came out, I wanted to drink water. I looked around for a glass, but saw something on top of the tiny fridge. My eyes went big because it was... a phone!

It was a Vivo phone. Naka-charge iyon malapit sa maliit na fridge. Nang i-tap ko ay nagulat ako sa wallpaper. Hindi dahil sa mukhang mangkukulam ang babaeng nandito na halos mabura na ang mukha sa filter, kundi dahil siya iyong ale na nagdala sa amin ni Vien dito!


Cell phone niya ito! Meaning, nagsinungaling siya sa amin nang sabihin niyang wala siyang cell phone!


I was heading back to tell Vien when I heard voices near the window close to the fridge. I peeked out. Nakita ko iyong ale na may kausap na payat na lalaki with big eyes.


"Mukha bang may kaya iyong mga bata?" tanong ng lalaki sa ale.


"Ay, oo. Ang gaganda ng kutis, iyong babae pa ay minsan kong naririnig na nag-e-English, at halata ring mahal ang mga damit nila at gamit. Pero alanganin kung ipapatubos natin sa pamilya. Maraming nalilintikan sa ganoon, e."



"Kaya nga, pero sabi mo ay magaganda at guwapo ang itsura. May bibili naman siguro sa kanila."


What, bibili sa amin ni Vien?! Ano kami, fish sa market?!

Napatango iyong ale. "Oo, nga. Maghanap tayo mamaya. Iyong babae e bata pa, pero sigurado namang maganda pag lumaki. Iyong binatilyo naman, marami ding kukuha roon. Guwapo e."


I grabbed the phone while they were still chatting and ran back to Vien. Ginising ko siya. "Vienny, wake up! Emergency!"


Nagmulat naman siya. "Mara, di ka pa tulog?"

"Look at this!" I handed him the phone.


Napabangon naman siya kahit hirap. "Saan mo ito nakuha?"


"Sa kitchen ng aleng mukhang mangkukulam. Tingnan mo iyong wallpaper sa screen. Siya iyan. Iyong ale. Ang pangit di ba?"


Nanlaki naman ang mga mata niya pagkakita sa screen. "Ano, may CP siya? Pucha!"


"Pucha ngaaa!"


Then I told him everything I'd heard outside. The creepy stuff about selling us like we were some kind of fish. Nagtagis ang mga ngipin ni Vien. "Shit."


"Shit." Ginaya ko siya. He said it first, so it was okay.


Na-focus siya sa cell phone. Hinulaan niya ang passcode ng phone. 143442. Ganoon din daw kasi ang passcode ng wowa niya. Uso raw iyon sa mga ganoong edad, kaya baka ganoon din iyong ale. Mabuti na lang ganoon nga!

Vien asked me if I remembered anything about the place. I told him the name of the barangay, the street sign, and even the store beside the alley.


Hinimas niya ako sa ulo. "Nice one, Mara. Magaling ka talaga sa memorization!"


Napabungisngis naman ako sa papuri niya.


Vien typed super fast. He texted the girl he liked. She replied right away. Sinabi niya rito na gawin lahat to contact his dad, and the girl agreed. Papasama raw ito na pumunta na sa kanila kahit ngayong hating gabi. Then he told her to not reply anymore. Tapos ay binura niya lahat ng mga text, at ipinabalik na agad sa akin ang phone na pinagkuhaan ko.

"Makinig ka, Mara. Sigurado na pupunta na si Daddy rito. Kailangan na lang nating maghintay at umakto na wala tayong alam sa balak ng ale na iyon, okay?"


I nodded and nodded.


"Kasi kapag nalaman niyang alam na natin, baka makaisip pa iyon ng ibang plano. Wala tayong laban dahil bukod sa mga bata pa tayo, hindi naman natin kabisado itong lugar na pinagdalhan niya sa atin. Hindi rin natin alam kung may kasabwat pa siya rito."


Tango pa rin ako.


"Kailangan mapanatag siya na nagtitiwala tayo sa kanya. Para makatulog siya nang mahimbing. At pag tulog na siya, saka tayo sasalisi. Okay?" Nag-thumbs up siya sa akin.


Nag-thumbs up din ako. "Okayyy!"


Nahiga na kami, dahil sinilip kami ng ale. Good thing I had already returned her phone. Naglatag ito sa baba, at doon nahiga. Nakakainis kasi di pa ito agad natulog. Nag-cell phone pa ito at nanood ng mga reels ni Tulfo.


Mga isang oras siguro bago namin narinig na para na itong may kaaway dahil ang ingay ng hilik. Ang ingay rin ng puwet, panay ang pasabog.


Sinilip ito ni Vien para i-check kung mahimbing na ba talaga ang tulog. Nang matiyak niyang mahimbing na ay niyaya niya na akong tumakas. It was still dark outside, but the screen on her phone said it was already 4:00 a.m.

Marahan naming hinakbangan ang ale na nakabulagta sa lapag. Akala pa nga namin ay nagising ito, pero nagkamot lang pala ng kili-kili. Nagi-sleep talk pa ito. "Ah, Lee Min Ho, sa 'yo pa rin uuwi..." ungol nito, sabay kamot naman ng singit. Eww!


Tinakpan ni Vien ang mga mata ko. "Arat na, Mara."


Paglabas namin ng kuwarto ay nahilo si Vien. Masakit pa siguro ang ulo niya, at kulang pa siya ng sleep. I helped him walk until we got out of the house. We just grabbed a pair of slippers left outside since we couldn't find our stuff.


Naka-malaking shirt pa ako na parang duster sa akin, habang si Vien ay maliban sa shirt niya ay naka-boxers lang sa ilalim. Pero hindi na raw iyon importante. Ang importante ay makaalis na kami. Mabilis na maingat ang mga kilos namin.


Kaya lang, palabas pa lang kami ng eskinita nang biglang sumigaw iyong ale. "Saan kayo pupunta?!"


Paglingon namin ay nanlilisik ang mga mata nito sa pinto. Nagising ito!

"Hoy, putanginang mga bata ito, bumalik kayo rito!" sigaw nito.


Sinigawan ko rin ito. "Hoooy, putangtangna mo rin, ayaw namin bumalik!"


"Mara!" saway sa akin ni Vien. Halos kargahin niya na ako papunta sa eskinita. Partida na, masakit ang ulo niya at madilim pa sa paligid.


Kandadulas naman sa pagbangon ang ale para habulin kami. Nagulat na lang kami nang hindi na lang ito ang humahabol sa amin, pati iyong payat na lalaki ay kasama na nito. Tagarito din pala sa looban.


Malapit na kami sa eskinita nang mapahinto si Vien. Napahinto rin ako. Humihingal siya at pawisan na tumingin sa akin. I think his head was hurting. "M-Mara, mauna ka na. Haharangin ko sila!"


"Nooo!" Ako naman ang humila kay Vien.

Buti na lang, natalisod iyong kapitbahay na humahabol sa amin. Obob.


Nakapasok na kami sa masikip at madilim na eskinita. Natatanaw na namin ang kalsada sa dulo. Ibig sabihin, malapit na kami makahingi ng help kasi may mga house sa labas. Sana may naglalakad na o tambay roon na we could ask for help.

Nang makalabas kami ay bumagsak ang aming mga balikat dahil madilim pa rin dito at sarado ang mga house. Hindi namin alam kung saan kami kakatok. So I tried to shout to wake the people, kaya lang ay paos ang boses ko dahil sa pagtakbo. Vien was pale and shaking. He couldn't even walk anymore!


Isang dipa na lang iyong humahabol sa amin. Nakangisi sa amin pareho ang mga ito. Paiyak na ako sa takot nang mula sa dulo ng daan ay may umilaw. Headlights!

Napapikit pa ako sa pagkasilaw. Huminto iyon sa mismong harapan namin. And from there, bumaba ang isang matangkad na lalaki na kamukha ni Vien. Naka-itim na polo at pantalon. Napahikbi ako nang makilala ito. "Tito Isaiah!"


Nilampasan niya kami dahil sinalubong niya iyong humahabol sa amin. Agaran niyang tinadyakan ang lalaking payat. The guy dropped like a noodle. "Tangina ka!"


Sa takot ng ale ay nanakbo naman ito. Pero may nakasunod na police car sa kotse ni Tito Isiah. Cops jumped out and chased her. Isang SUV pa ang dumating. Nang bumaba mula roon sina Mommy at Daddy ay napaatungal na ako nang malakas na iyak. Si Daddy ang nauna sa aking lumapit at kinarga agad ako.


"Hush, my baby, you're safe now." Hinahagod ni Daddy ang likod ko kasi iyak ako nang iyak.

Si Mommy naman ay inalalayan si Vien. Tito Isaiah was still beating up the skinny guy. "Tangina ka, anong akala niyo sa mga batang iyan, madadali lang gawin?! Pinaghirapan namin iyang mga iyan! E kung durugin ko kaya lahat ng buto mo sa katawan ngayong, tangina mo ka?!"


Sinigawan na ito ni Mommy. "Hoy, Isaiah! Tama na muna iyan, may sugat ang anak mo! Dalhin muna natin sa ospital!"

Only then did Tito Isaiah stop. He came back to us, panting. But just before he could reach us... Vien collapsed!


Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko si Tito Isaiah na nagpa-panic habang yakap si Vien. May dumating pa, police car ulit. Nagising na rin ang mga tao sa mga nakasaradong bahay. Magulo na. Halo-halo na ang naririnig at nararamdaman ko. And then... everything finally went dark.




MOMMY SAID I SLEPT THE WHOLE DAY. I cried when I woke up. I had so much to say. That I was sorry, that I missed them, that I was sorry again. I couldn't stop crying.

Daddy held me the whole time, stroking my hair and whispering, "It's okay now, baby. Mommy and Daddy are here. We're not mad at you."


Hindi nila ako nipagalitan ni Mommy. Si Mommy ay nag-cry lang din, tapos piningot ako nang di naman masakit. Then, ni-hug nila ako ni Daddy. Tapos naki-hug na rin ang baby brother kong si Oze. Lalo tuloy akong nag-cry, because I missed them so so much!

Even my grandparents weren't mad. Just super worried. I still couldn't stop crying, even when my throat hurt.


One big reason I cried was that Vien got hospitalized. He stayed in the hospital for two days. And it was all because of me. Nahuli na iyong mga kumidnap sa amin at naipakulong na, but it didn't change the fact na nanganib kami. What if Tito Isaiah hadn't found us in time? What would've happened to me and Vien?

Nakalabas na sa hospital si Vien, and Mommy and Daddy were asking me if I'd like to visit him in their house in Buenavista, General Trias, Cavite, but I didn't even answer. I just couldn't face Vien. Nahihiya rin ako sa mommy at daddy niya na sobrang nag-worry sa kanya.


Sa room ko lang ako kasama ang baby brother kong si Oze. But one time, I overheard Mommy on the phone talking with Vien's mom. They were talking about the girl who messaged Tito Isaiah. The girl Vien liked. Bidang-bida ito dahil kung hindi raw dahil dito, baka hindi kami natunton nina Tito Isaiah.


Bumalik ako sa room ko na malungkot. Tama naman. I was thankful to that girl too. If she didn't help, I don't know what would've happened to me and Vien. She helped us. And maybe Vien liked her more, and maybe that was okay since I was just a bad kid anyway...







TWO WEEKS HAD PASSED. I heard Vien already went back to school last week. And then last night, Friday, he called our landline and asked Mommy if he could visit.

Alam ko ngayon na dumating na siya, narinig ko ang pagtawag sa akin ni Mommy mula sa labas ng kuwarto. Nanakbo ako papunta sa reading table ko sa room, then inilabas ko ang aking mga books.


Nagbabasa ako nang may kumatok sa pinto. Hindi ko iyon pinansin. Mga ilang beses na katok, bago iyon bumukas. "Pst," tawag sa akin.

Hindi ako lumingon kahit alam ko na kung sino iyon.


Pumasok na siya. Huminto siya sa gilid ko. "Uy, nene, di mo ba ako na-miss?"

I knew it was Vien. I knew his voice, his scent. I even saw his long fingers resting on the edge of my reading table.


Yumuko siya para silipin ang mukha ko. "Mara, bakit di mo pala ako dinalaw sa ospital? Katampo ka naman."

Wala pa rin akong kibo. Focus lang ako sa pagbabasa ng book na nasa harapan ko.


"Uy, sipag mo naman. Saturday pero nag-aaral ka." Nakiusyoso na siya sa mga libro sa harapan ko. "Ano ba itong mga binabasa mo? Patingin, ah?"

Madaldal na ulit siya, ibig sabihin ay okay na talaga siya. Nakapasok na nga siya last week at pinayagan na rin siya na pumunta rito. But what I wasn't sure about... was if his family really wanted him to come here. Maybe they hated me because of what happened.


"Uy, Mara?" he called again, gently poking my shoulder. "Bakit ang suplada mo? Di mo ako pinapansin. Na-miss pa naman kita—"

"Sinagot ka na ba niya?" I cut him off without looking.


He paused. Like he had to think about what I meant. Then he got it. "Ah, iyong sabi kong liligawan ko? Kinausap ko siya. Sinabi ko na sa kanya na—"

"Uhm, I want to study!" bigla kong sabi.


"Study?" Natigilan siya ulit. "May exam ba kayo sa Monday? Sakto, gusto mo ba tulungan kita? Ano ba iyong kailangan mong pag-aralan? Math?"

"No. I want to study by myself."


"Huh?"

Ngayon ko lang siya tiningala para ipakita sa kanya ang serious face ko. "I said I want to study by myself. So can you leave me alone?"


Ang gulat sa guwapong mukha ni Vien ay napawi. Ang mga mata niya ay biglang lumamlam. "Mara, galit ka ba sa akin?"

Walang emotion ang face ko when I talked again. "No. I just want to study alone."


Nakipagtitigan pa siya sa akin ng ilang segundom bago bagsak ang balikat niya na tumango. "Ge, sa baba lang ako. Baba ka na lang din maya, ah? Me arep ko. Order tayo ng pizza—"

"Kuya, pasara ng pinto."


Napatanga siya, hindi lang sa pagputol ko sa sinasabi niya, kundi dahil sa tawag ko sa kanya. Nagulat siya dahil ngayon ko lang siya tinawag na 'kuya'. Ilang minuto pa siyang parang nag-hang.


"At hindi po ako bababa," patag na sabi ko pa. "I want to study, and then sleep after. So if you're gonna leave later, you can just leave without informing me."

Tulala pa rin siya sa akin noong una, hanggang sa parang unti-unti niyang na-gets. Marahan siyang ngumiti. Iyong ngiti na di umabot sa eyes niya. "Sige, Mara. Mag-aral kang mabuti. Sorry, sa abala."


Nagbawi na ako ng tingin. Narinig ko na lang ang mga yabag niya na umalis na siya. I felt sad, like my heart feel heavy and weird, but that was all.

I no longer liked Vien, and I hoped he had forgotten the promise I told him before. Because I wasn't going to keep it anymore...



JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co