Rekindled Love
Alina's POV "The court grants the defendant's motion for judgment as a matter of law. The plaintiff has not provided enough evidence to sustain their claims. The case is resolved in favor of the defendant."Nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi ng Judge at hindi pa maiproseso ang mga nangyayari. Nagbunga rin ang ilang gabi kong walang tulog para maresolba ang problemang ito bago man lang bumalik si Yanna. "Oh gosh Alina! You won! You won!"Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin dahil parang lumulutang pa ang isip ko kung saan pero ang mata ko ay naglulumikot hanggang sa mapadpad ito sa babaeng nakatingin na pala sa akin kanina pa. Binigyan ko ito ng ngiti at tumango lang siya sa akin bago ito lumabas ng hindi man lang ako nilalapitan. Nadismaya ako sa ginawa niya. "You literally won the case, Alina. You finally made it." Marcus as he ruffled my hair.Napasimangot naman ako sa ginawa niya. "Tara treat ko dahil napatunayan na walang kasalanan si Alina sa nangyaring aksidente at pakulo lang pala ng pekeng pamilya ng lalake na iyon para huthutan ka ng pera." Sabay sabay kaming napatingin kay Zach nang magsalita ito."Weh? Libre mo? Totoo ba 'yan Zacharias? Baka nanguuto ka lang ha? Kailan ka pa natutong manglibre?" Sunod sunod na tanong ni Zeze sa kaniya at nagdududang lumapit siya kay Zach na ngayon ay nakakunot na ang noo at nakasimangot."Syempre hindi ka kasali, sila lang," Zach replied as he walked out of the room, shaking his head.Lahat kami napatingin sa kabilang parte ng kwarto nang makarinig kami ng ingay. Kita ko ang pekeng ina ng biktima na nakatingin sa akin ng masama habang dinuduro ako. "Makikita mo ring babae ka. Balang araw pagbabayaran mo ito. Magkamatayan man." Madiin na turan ng ginang na siyang nagbigay ng kakaibang kilabot sa buong katawan ko."Don't mind her, Alina. She must be disappointed about this case." Hinila ako ni Zoe at hinayaan ko nalang siya na hilahin ako habang nakasunod lang sa amin ang iba pang mga kaibigan namin. Pagkadating namin sa parking lot ay nadatnan ko pa si Katalyna na papasakay ng kotse ngunit may kasama itong babae. Nakangiti pa siya na kinasimangot ko."Sino tinitingnan mo?" Jade suddenly asked me and glanced in the direction I was looking. However, Katalyna's car was already gone."Wala," Walang ganang sagot ko sa kaniya at sumakay na sa kotse ni Marcus at sila Zeze naman ay doon sa kotse ni Kalein. Tahimik lang akong nakaupo. "Sa usual gala to go ba tayo?" Tanong ni Venny pagkapasok niya ng kotse."Yes, kay Tito Lino tayo ng resto." Turan ni Kalein kaya tumango lang kami at hindi na umimik.Pansin ko naman ang patingin tingin ni Marcus sa rear view mirror niya kaya naman ay tinaasan ko siya ng kilay. "Are you okay?" He mouthed.I just nodded my head in response and thankfully hindi na siya nagtanong pa ulit at tumingin sa akin hanggang sa makarating kami sa resto nila Tito Lino at as usual bunganga ni Zeze at Zach ang maririnig sa buong resto. Mabuti na lang ay mabait si Tito Lino kung hindi kanina pa kami napalayas rito. Wala rin naman kaming natatanggap na reklamo mula sa ibang customer. "Nandito na naman kayong mga batang kayo. Wala ba kayo mga trabaho ha?" Tito Lino asked, giving us the menu."Wala po Tito, We accompanied Alina, to the trial." Sagot ni Aelliana sa tabi ko kaya naman ay nagulat si Tito sa sinabi niya at maagap na tumingin sa akin."Why? What just happened?" Nagaalala niyang tanong pero ngumiti lang ako sa kaniya para masigurado kong ayos lang ang lahat."I won the case, Tito. Nagkaroon kasi ng aksidente sa site nu'ng mga nakaraang linggo at ang gusto ipalabas ng magulang ng biktima ay bayaran ko sila ng limang milyon kung hindi dedemandahan niya ako but to their dismay, gusto lang nila ako huthutan ng pera at ginamit lang nila ang kinukpkop nilang biktima." Pagpapaliwanag ko at tinuro ko kay Tito ang gusto kong orderin na pagkain kaya tumango tango siya sa akin."Poor guy, He was just used to be exploited by the people he called his parents, but it ended up being pointless." "I agree, Tito. Muntikan pang masira ang pangalan ni Alina dahil doon sa mga mukhang pera." Zoe said, holding her phone and texting. Tumingin ako sa kaniya at tinasaan siya ng kilay para tanungin kung sino ang kausap niya pero ngumisi lang sa akin ang gaga tsaka ako binelatan."I'm glad that you won the case, Alina. Does Yanna know about it?" Napatahimik kami sa tanong ni Tito."I see, hindi niya alam so I will keep my mouth shut." Dagdag niya at nagpaalam na para asikasuhin ang mga pagkain namin.Narinig kong tumunog ang chime ng pintuan ng resto ni Tito kaya sa hindi malamang dahilan ay tiningnan ko iyon pero sana ay hindi ko nalang ginawa. It was Katalyna and the girl she with kanina. They were both smiling to each other na para bang wala ng bukas. I haven't see her smile like that. For the past weeks of having her by my side, for helping me to win the case, investigating with her. Hindi naman siya ganiyan sa akin.She flirted with me yes, but not to the point na ngingitian niya ako ng kagaya ng ngiti niya ngayon sa kasama niyang babae. Whether I admit it or not, I cannot deny that she becomes more beautiful especially when she smiles. Her beauty is different, enchanting."Alina,"They both settled down at a table not far from us. Katalyna even helped the woman to sit down. Wow gentle dog siya ha kapag sa akin ang agresibo. Napairap ako sa kawalan at humalukipkip. Nakakainis talaga ang abogadong 'yan."Alina hoy," Nabalik lang ako sa ulirat nang may pumitik na daliri sa harapan ko."Bakit?" Kunot noong tanong ko kay Marcus. Pero hindi siya sumagot at ngumuso lang kaya tiningnan ko kung ano ang nginunguso nguso niya para siyang ewan. Naiirita ako na ewan, hindi ba dapat magsaya ako kasi nabawasan na 'yong pinoproblema ko? Pero bakit ganito nararamdaman ko. Naguumapaw ang kabwisitan ko sa abogadong 'yon. I should be thankful, If not for her, I might end up in jail."Kumain ka na. Kung saan saan ka pa nakatingin tapos nakakunot pa 'yang noo mo." Singit ni Jade kaya tiningnan ko siya. Nakatingin ito sa akin na para bang may gustong ipahiwatig pero may pumipigil sa kaniya. Tinanguan ko nalang siya at nagsimula nang kumain. Hindi na talaga matahimik ang bunganga nila Kaleun kaya may iilan ng customer ang napapatingin sa amin, even her. I could feel her stares towards me but I didn't mind looking back."Wait guys cr lang ako," Paalam ko sa kanila nang makaramdam ako ng maiihi na. Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at agad na tumayo patungo sa restroom.Nang makapasok ay may hindi ako kaaya ayang nakita. They both stared at each other intensely as if they wanted to devour each other. One had their arm around the waist while the other had their hands clasped around their neck. You could also tell from their breathing that they had been running but no alam kong hindi iyon ang totoong nangyari. From the smudged lipstick, I could tell that they had been kissing for a long time.Akala ko umalis na sila kanina kasi wala na sila doon sa p'westo nila but I got it wrong."Oh sorry," Mahina kong turan sa kanila kaya parehas silang napatingin sa akin.Nanlalaki ang mata ni Katalyna nang makita ako pero hindi na ako nag abalang pumasok o magtagal pa sa loob kaya naman ay nagmamadali akong bumalik sa lamesa namin at kinuha ang mga gamit ko. Halo't halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "Where are you going?" Zoe asked, knotting her forehead while besides her is Venny who also wondering."I'm not in the mood lang guys, sa pagod na rin siguro. Uuwi nalang ako." I replied.Tumayo si Marcus. "Hatid na kita," Umiling ako sa kaniya."You should enjoy this day for me, kayo nalang magtuloy ng celebration. I'm sorry if my mood went that bad. Nawalan lang ako talaga bigla ng mood." Paghingi ko ng pasensiya. Halata naman sa mukha nila na nadismayado silang aalis ako."You don't need to be sorry, Alina. We understand. Pero sure ka bang ayaw mong magpahatid?" Umiling ako kay Kalein."No, I'm fine na with taxi. Tuloy niyo na 'yan." Wala naman silang nagawa ng tuluyan na akong lumabas ng resto ni Tito Lino ng hindi man lang nakapag paalam.Pabaling baling ang tingin ko sa daan para maghanap ng masasakyan taxi pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala man lang dumadaan. Papalubog na rin ang araw at nagiging abala na ang daan dahil sa mga taong nagmamadaling umuwi."Hop in,"Ako ba?"Zaria,"Ay ako nga.Nilingon ko naman kung saan nagmumula 'yong boses ng tumatawag sa pangalan ko at kita ko sa gilid ng kalsada ang kotse ng haliparot na abogado. Nang malaman kong siya iyon ay hindi ko siya pinansin."Hop in, Alina. It's getting dark." Saad niya at inatras nito ang kotse niya. Himala at wala ang driver nito.Palibhasa kasi may kinakasakay na iba kaya nagbida bida na magdrive. Napaikot ako ng mata dahil doon.'Where does that harshness of yours come from, huh?' Tanong ng isip ko.Wala kang pake."Love," Tawag niya muli pero naglakad ako papalayo sa kotse niya pero ang hindot na 'to ay umandar rin kung nasaan ako. Mabuti nalang at wala masyadong tao sa pinagpaparkingan niya."Get in," Utos pa nito pero dedma siya sa akin.Nabuhayan naman ako ng loob nang makakita ako ng taxi kaya nagmamadali akong pinara 'yon. Nang nasa gilid na ng kalsada ang taxi ay sasakay na sana ako pero may pumigil sa akin na buksan ko ang pinto. "Ano ba?!" Naiinis kong turan sa kung sino mang ponciong pilato ang nagpigil."I'll send you home." Bulong niya."Ayoko!" Tanggi ko sa kaniya at pilit na binubuksan ang pinto pero nagmamatigas siya. "Ano ba Katalyna! Bitawan mo na kasi!" Naiinis kong turan sa kaniya, kita ko na rin na naiinis si manong at anytime ay p'wede niya akong layasan at hindi ako papayag na mangyari 'yon."Ano ba mga ineng? Sasakay ba kayo o hindi? Nasasayang oras ko. Madaming mga pasahero ngayon at kailangan kong maghabol ng kita." Napakagat ako ng ibabang labi dahil sa sinabi ni manong.Bahagya namang yumuko ang isang 'to ay may inabot kay manong. Hindi ko alam kung ano iyon pero maya maya ay humarurot na papaalis ang dapat kong sasakyan na taxi pauwi. "No!" Angil ko at nagpapadyak."Let's go," She was about to hold my hand when I withdrew it and started walking away from her. The audacity to hold my hand after she holds another woman's hand!'oh ba't ka naiinis?' Kasi nakakainis siya! May germs na kamay niya. 'di hamak na mas maganda naman ako sa kasama niya kanina, halata naman na lamang ako ng sampong paligo.'teka nga nagseselos ka ba?' Tuya ng isip ko kaya naman ay napahinto ako. Dahil sa ginawa kong iyon ay bumunggo sa likod ko ang haliparot na abogado.Ha? Ano 'yon? Nabingi ata ako bigla wala akong marinig."Love..."Isa pa 'yan! Bahala siya sa buhay niya. Love siya nang Love. May pangalan naman ako."I'll send you home please?" It felt like my knees softened when I felt her hand now encircling my waist and her warm breath gently touching my skin.Dang. Huwag kang rurupok Alina. Wala sa lahi niyo ang marupok pwera lang kay Yanna."A-ano kasi..." Napamura ako sa isip ko nang hindi sadya na dumampi ang labi niya sa leeg ko."What?" She whispered as she keeps on giving me light kisses.But all of sudden ay nagflashback sa akin ang nangyari kanina sa loob ng restroom. Kung paano siya maghabol ng hininga habang hawak nito ang bewang ng kasama niyang babae. Umiling iling ako at mabilis na pumiglas sa hawak niya."Love hey where are you going?!" Sigaw niya nang bilisan kong maglakad papalayo sa kaniya. May isang kotse naman ang huminto sa harapan ko at agad na bumaba ang windshield ng passenger seat, revealing Leticia's figure."Hom—" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita nang pumasok ako sa kotse niya. Naririnig ko pa rin ang boses ni bwisit na abogadong 'yon. Parang ayaw ko ng sabihin ang pangalan niya."Drive," Utos ko sa kaniya at kita ko sa gilid ng mata ko na malapit na siya."What?" Naguguluhan nitong tanong sa akin."Zaria!""Drive Leticia!" I yelled at her which caused her to jump from her seat."Fine, fine. Chill geez," Saad niya at bago pa makalapit sa kotse si mema ay umandar na ang kotse ni Leticia. Narinig ko pang may binulong siya pero hindi na ako nagtanong kung ano 'yon."Saan kita ihahatid?" "Saan pa ba ako pupunta bukod sa condo ko?" I told her with a hint of sarcasm."What's with you? What's with the attitude, huh?" She asked, still focusing her eyes on the road. I gently massage my temple as the scene from earlier keeps on reappearing in my mind.This is not jealousy right? We've been together for almost two months palang ngayon. Don't tell me I developed some feelings towards her? That's unbelievable.'Nakita mo lang boobies niya naging ganiyan ka na.' Nagflashback sa akin ang nangyari sa condo ko nu'ng mga nakaraang linggo where she accidentally slipped her hand and accidentally, I saw her nipple, which was pinkish in color. Damn! Damn! Damn!Iwinaksi ko sa isipan ko iyon at para na akong baliw na umiiling at hinihilot ang sentido. Pansin ko rin ang palingon lingon ni Leticia sa akin."Are you okay?" "No," Diretsahang sagot ko sa kaniya."Is it because of that Attorney?" Tanong niya ulit at sa tono ng pananalita niya ay para bang alam na niya agad ang dahilan."No," Pagtatanggi ko."Oh c'mon, I know that it's her." "Just drive, will you?" Naiinis kong turan sa kaniya at nilingon siya. Nakangisi ito at umiiling iling."Alright if you say so." Pang aasar niya sa akin.Nakarating na kami sa parking lot ng condo ko. Hindi muna ako lumabas kahit siya. Tahimik lang kami pareho at nagpapakiramdaman sa isa't isa. Hindi ko alam pero hindi ako nakakaramdaman ng ilang sa pagitan naming dalawa kahit siya ay ganu'n rin."Do you think if I hadn't cheated, would we still be married today and happily living together?" She opened up the topic.I heaved a deep sigh and fixed my gaze out of the window. "Don't start with me, Leticia." Mahinahon kong turan sa kaniya. Narinig kong bumuntong hininga siya."I really didn't intend to hurt you. That wasn't really on my mind..."Naramdaman ko ang kamay nito na humawak sa kamay kong nakapatong ngayon sa kaliwang hita ko at dinala iyon sa labi niya bago ito bigyan ng magaan na halik. "Promise, when the time is right... I'll admit all the pain I've caused you... I know what I've done... the lies, the infidelities... they've hurt you more than I can ever imagine. And for that, I am truly sorry." She paused for a moment, let go of my hands and stared intently at her own as if searching for the right words. "I don't expect you to forgive me. I wouldn't blame you if you never did. But... please let me prove to you that I can be better, let me earn back the trust I ruined and show you that I can make things right... All I ask is for that chance." Nakikita ko naman sa mga niya 'yong sinseridad, pero hindi ko alam kung mapapatawad ko nga ba siya o mabibigyan ng chance na magbago at magpaliwanag.She was the first woman who made me experience my firsts in many things, but she was also the first woman who hurt and give me pain.But if I give her a chance, will anything change? Can we go back to how we used to be? Can what's already broken be fixed?"Leticia... I ca—""Please, don't close your door from me." I sighed.Tumahimik ako ng sandali at tintigan siya. Those eyes, hindi ko makakalimutan kung paano ako panghinaan sa tuwing matitigan ko ang mga 'yon. I loved her, I really do. Handa akong gawin ang lahat para sa kaniya sa puntong kaya ko siyang ilaban at ipaglandakan sa buong mundo.That Leticia Coreen Gracilla is mine."It's fine, you don't have to rush. I can wait." She smiled pero hindi abot hanggang sa mata niya kaya tanging tango nalang ang isinukli ko."Thank you sa paghatid." Turan ko pagbaba ng kotse niya at nginitian siya ng maliit."You're welcome, I'm just making sure that you will get home safe and sound."Still Leticia, the caring ex-wife."I'll get going na," Aalis na sana siya ng pigilan ko ito."What is it?""About what have you said awhile ago..." Tiningnan ko siya sa mata. I'm trying to find something but to my dismay hindi ko makita iyon."Alin du'n?" Kunot noo niyang tanong sa akin."Redeeming yourself to me,""What about it?"Bumuntong hininga ako at pumikit muna, hinawakan ko naman ang puso ko at pinakiramdaman ito."Do you mean it?"We both fell in silence. Tanging makina lang ng kotse niya ang naririnig sa buong paligid.Waiting for her answer."I do bu—"When I finally got her answer ay hindi ko na siya pinatapos pa at tinalikuran ko ito ngunit may sinabi pa siya pero hindi ganu'n kalinaw sa pandinig ko."But not in a way that we'll go back to how we used to love each other. There's something more better for you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co