Truyen3h.Co

Rekindled Love

CHAPTER : THIRTEEN

Auteurelle

It's been a week since what happened in Iloilo, and here we are, back to normal with everything, but I'm still confused about what I'm feeling. I don't want to rush into anything because the last time I gave in to my emotions, I just ended up getting fooled, and I don't want that to happen again.

Masakit ang maloko, masakit ang pagtaksilan ng patalikod. It's not your friend who is your enemy, but someone close to you, someone you truly care about and love, someone who could even be family.

Kaya hindi ko ata kakayanin kung isa sa mga kaibigan ko ang malalapit sa akin ang maaaring pagtaksilan ako. Hindi ko ata makakaya 'yon.

"You're spacing out, boo." I looked at the one who spoke and gave her a small smile.

"Hi boo," Bati ko sa kaniya at maagap na kinuha ang kapeng binigay niya sa akin.

It's a spanish latte, my favorite. Alam na alam niya talaga mga paborito ko and that's the one thing I like about her, she remembers small details about me. Hindi ko man sabihin o hingiin but she already knows. Kaya kahit na nasaktan ko siya dahil mas pinili ko si Leticia kesa sa kaniya at may mga tanong din ako sa isip na kung siya nalang kaya ang pinili ko kesa kay Leticia. Makakaramdam ba ako ng sakit, pagtataksil at panloloko?

Pero ang sama at ang makasarili ko kung sakaling siya ang pipiliin ko, dahil kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko hindi ko siya kayang piliin. Simula no'ng nangyari sa amin ng ex kong asawa ay doon na nagsimula ang nararamdaman ko para kay Leticia. It wasn't meant to happen but it still did.

"Wala lang, naiisip ko lang 'yong malaking project na meron kami ngayon." Sagot ko sa kaniya at sumimsim sa kapeng hawak ko. Napangiti ako dahil katulad pa rin ng dati ang lasa ng kape na palagi niyang ginagawa para sa akin.

"The one you're working with Attorney Lacsamana?" She asked.

Nang marinig ko ang apelyidong 'yon ay kumabog ang dibdib ko. Pagkatapos kasi no'ng nangyari sa swimming pool ay natauhan ako at agad na umalis, iniwan siyang magisa ro'n. Mukha man akong mixed signals pero naguguluhan talaga ako, hindi ko alam kung ano nga ba ang intensyon sa akin no'ng abogadang 'yon at kung bakit patuloy niyang ginugulo ang nananahimik kong buhay. Maging siya rin ata ay nakaramdam dahil kapag nagkikita kami sa site ay hindi niya ako pinapansin o titigan man lang, tanging mga engineers, foreman at ibang tauhan laman ang kinakausap niya patungkol sa mga gusto at suhestyon nito.

"Yea..." Mahina kong sagot sa kaniya at tumingin sa labas ng bintana ng office ko.

The sky was dark, looking like it was about to rain any moment, so it was just right that Sweet made some coffee today to warm us up in this cold weather.

"Balita ko she's a womanizer, is it true? Since ikaw palagi niyang nakakasama base sa kwento mo," Tanong muli nito kaya napatuon ang tingin ko sa kaniya na sumisimsim din sa kape niya.

Bumuntong hininga ako at nilapag sa lamesa ang kape. "I don't know, we're not close enough to know each others details and that's her business not mine,"

"You sound bitter, boo." Kunot noong turan niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"I'm not, boo,"

"By the way, wala ka bang ginagawa o gagawin dahil nakatambay ka rito sa loob ng office ko? Was our sleepover really not enough for you? Still craving more of me?" I teased, changing the topic. Ayaw ko nang sundan pa mga maaari niyang isipin, knowing her she's too nosy.

"Wow ang kapal mo boo!" Angil niya at sinamaan ako ng tingin kaya ngumiti ako sa kaniya ng mapang asar lalo.

"Stop smiling! Nakamove on na ako sa'yo 'no! Anong akala mo sa akin na pagkatapos ng limang taon ikaw pa rin? ha asa ka!" Grabe naman 'to hindi ko naman sinabi na she's still into me, ang defensive naman niya masyado. Maasar nga lalo.

"Ahh kaya pala iniwan ka ng oh so called maid mo dahil hindi ka pa talaga makamove on sa akin?" I asked, still teasing her. Namumula na ang mukha nito at halata na ang pagkapikon sa mukha niya. Isa sa mga ugali niya 'yan, ang mabilis mapikon kaya kahit si Leticia noon ay pinipikon 'yan.

"Stop bringing up that brat! I hate her! Iniwan niya ako pagkatapos nakawan!" Nangangalaiti na ito sa inis kaya matagumpay akong tumawa ng palihim, kahit papaano nachange ko 'yong topic at napunta sa kaniya.

"Anong ninakaw sa'yo?" Tanong ko dahil may naalala ako.

'Even if I file charges against you for violating Republic Act 10344. Section 4, regarding the theft of property that does not belong to you?'

That's exactly what that woman told me, accusing me of stealing something from her, even though, as far as I can remember, I didn't take anything at all. Mapagbintang lang talaga siya.

"Sa'kin na 'yon!"

"Ano nga?" Pagtatanong ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin at pinagkrus ang kamay sa may dibdib.

"Bawal sabihin!" Pagalit niyang turan kaya mas lalo akong nacurious at the same time gusto ko siyang asarin pa.

"Baka naman nakuha niya virginity mo kaya ganiyan ka? sa pagkakatanda ko, you valued your virginity more than anything." Ngising saad ko sa kaniya pero mali ata akong ng tinanong dahil padabog itong tumayo at hinampas ang lamesa ko ng napakalakas bago tumalikod sa akin.

"Shut up boo," So totoo nga? 'yon nga ba ang rason?

"Tot—"

"Vaffanculo!" She shouted while i'm facing her back, she stomps her feet as she stormed out of my office.

I guess iyon nga. Pikon na pikon ba naman. Kabaliktaran talaga siya ng kakambal niyang si Sierra, 'yong isang 'yon mala elsa ang datingan ng frozen eh. The cold never bothered me anyway ang peg.

Naiiling iling na lamang ako para kay boo dahil akalain mo 'yon, conservative pa sa conservative, ayaw niyang may makakuha ng first niya ng hindi pa kinakasal pero nakwento niya sa akin na ginamit niya ung unang halik niya sa oh so called maid niya dahil lang sa gutom.

"Miss Vallega?" Agad akong napatingin sa may pintuan nang lumusot ang ulo ng secretary kong si Sai.

"Yes Sai?"

"Your ex-wife is here, Miss Vallega." Turan niya ngunit bakas ang kaba sa mukha nito.

"Let her in," Utos ko sa kaniya na sinunod naman niya kaya pumasok si Leticia wearing a business suit pairing with a black heels, nakalugay din ang mahahaba nitong buhok at ang mukha niyang hindi masyado nababakasan ng kung ano anong kolorete but still her beauty is extraordinary.

Hindi ko pinapatansya ang dating kong asawa, dinedescribe ko lang siya.

"Hi," Mabini niyang bati at ngumiti ng matamis sa akin kaya sinuklian ko rin 'yon ng isang maliit na ngiti.

Umupo siya sa harap ko. "Why are you here?" Tanong ko sa kaniya pero imbes na sagutin niya ako ay kinuha niya ang kape ko atsaka sumisim do'n.

"Hey! kape ko 'yan, get your own." Saway ko sa kaniya.

Pero umasim ang mukha niya nang malasahan ang kape. "Si Sweet ba gumawa nito?"

Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. "Yes and why? May problema ka ba kung si boo ang may gawa niyan?"

Mas lalong umasim ang mukha niya nang marinig nito ang itinawag ko kay Sweet. "Do you still call her with that endearment?" Ba't ba siya tanong nang tanong, wala na siyang dapat ipakialam dahil una sa lahat wala na akong koneksyon sa kaniya.

"Yes and why?" inulit ko lang ang sinabi ko sa kaniya.

She fell silently and promptly handed me my coffee.

"Hindi ko alam kung ikaw ang bitter o siya." Inis kong turan sa kaniya.

"I'm not, it just that I hate her." Tiningnan ko siya sa mata at tila namamalikmata ata ako na may dumaang sakit sa mga 'yon. Pero bakit at saan?

"Should I know why?"

"No,"

Nagkibit balikat na lang ako at hindi na nagtanong. Nandito lang pala siya para pagusapan 'yong isang kakilala niya na gustong magpatayo ng bahay and this woman recommended our firm kaya sinabi ko nalang din sa kaniya na papuntahin niya lang dito ang kakilala niya para kami nalang ang magusap.

She probably just used her friend as an excuse to come here, even though she could have simply told me to talk to her friend directly.

"Before I leave, can I ask you for a dinner?"

"A dinner really?" Kagat labi kong tanong sa kaniya at tiningnan ito. I noticed that she's tapping her index finger to her thumb. That's her mannerism when she's shy.

"Yeah a dinner. My treat." Nasa iba ang paningin nito.

Since when this woman became shy when it comes to me?

"Alright."

"Thank you! I'll fetch you by 6 pm." Nakangiti niyang turan at lumabas na ng office ko.

At ito na naman ang kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Ibang iba sa kabog sa tuwing nasa harapan ko si Katalyna, hindi ko maramdaman na kinakabahan ako no'ng kaharap ko si Leticia.

It was something i've never felt before to her.

What is this?

Pero ayoko pa rin babaan ang pader ko na matagal ko nang itinayo para kay Leticia. Hindi kapatawad tawad ang ginawa niyang pagtataksil at panloloko niya sa akin. At gaya ng nakuha kong sagot sa kaniya noong mga nakaraang linggo ay alam ko na ang gagawin. This dinner is nothing to me. I should see this as a formalities for the two of us.

I looked at the clock, and it was already past three in the afternoon. I was feeling tired and sleepy because I stayed up late last night reviewing the designs from the draftsmen.

Naisipan kong tumayo at magpahangin nalang muna sa labas ngunit nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang kamay ni Katalyna na nasa ere at nakaambang kakatok sa pintuan ko.

What is she doing here? Pagkatapos ng iwasan namin, nandito siya ngayon para saan?

"What are you doing here?" I asked.

Mariin siyang nakatitig sa akin at nakababa na rin ang kamay niya.

"May I ask you to dinner?"

Tila natuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa tanong niya. Si Sai na seryosong nakatingin sa computer niya ay napatingin sa aming dalawa. Ano ba meron sa mga babae ngayon?

"Ka—"

"boo!" Nilingon ko si Sweet nakabalik na mahinahon na ang mukha. Hindi na 'yong pikon.

"Yes boo?" Tanong ko sa kaniya at nawala ang focus ko sa abogadang nasa harap ko mismo.

"Since wala naman na akong gagawin. Shall we have a dinner later sa condo mo?" Aya niya kaya balisa akong napatingin kay Katalyna na ngayon ay nakataas ang isang kilay kay Sweet.

"I was the first one to ask."

Sweet looked away from me and turned to Katalyna, who still had her eyebrow raised and was glaring at her with a fierce expression.

"Ohh! Attorney Lacsamana, it's nice to see you here? Ano kailangan mo sa boo ko?" Ako naman ang napataas ang isang kilay sa sinabi ni Sweet, hindi malaman kung nang aasar ba siya o normal niya lang na pagtatanong 'yon. May bahid kasi ng pang aasar tono ng pananalita niya.

"boo? what a stupid endearment." Bulong ni Katalyna pero narinig ko iyon kaya tumingin siya ng sandali sa akin at pinandilatan ko siya ng mata. Makuha ka sana sa tingin but the audacity of this lawyer! She rolled her eyes on me.

"Ano 'yon? were you saying something?" Pagtatanong ni Sweet at bahagyang lumapit kay Katalyna.

Hindi maitatanggi ang katangkadan na taglay ni Katalyna dahil kahit na nakatakong si Sweet at nalalamangan niya pa rin ito.

"Alina!"

Napapikit ako ng mariin ng marinig ko pa ang boses na 'yon na ngayon ay papalapit na sa gawi namin.

"I came for this." Inabot niya sa akin ang isang keychain na dinosaur. Agad ko iyong kinuha sa kamay niya dahil 'yon ang paborito kong keychain sa lahat na meron ako.

"I didn't realize it had gotten caught on the button of my sleeve. I only noticed it when I was already inside my car." Pagpapaliwanag niya at hindi pa nito napapansin ang dalawang babaeng katabi niya dahil focus na focus ang mata ni Leticia sa akin hanggang sa tumikhim si Sweet.

"Long time no see, Stealer." May bahid na sarkasmong pagbati ni Sweet kay Leticia.

"Likewise," Tumingin si Leticia sa kaniya at walang  ganang sumagot ito kay Sweet hanggang sa mapadpad ang paningin nito kay Katalyna na ngayon ay madiin at mapanuri ang pagkakatitig ni Katalyna kay Leticia.

"Attorney Lacsamana, nice to see you."

Hindi ko alam kung ako lang nakakaramdam ng namumuong tensyon sa pagitan namin apat ngayon, si Sai na tahimik lang na tumitipa sa keyboard niya pero pansin ko ang pasimpleng sulyap niya sa amin habang ang iilang empleyado na dumadaan ay napapatingin sa amin.

"Yeah," Bored na sagot ni Katalyna.

Leticia's eyes shifted back to me and gave me as small smile. "Bumalik lang talaga ako rito para ibalik 'yan and don't forget our dinner okay?"

Mabilis pa sa alas kwatro na pumagitna si Sweet sa aming dalawa ni Leticia. "Teka teka teka!"

"What now Laurente?" Naiinis na saad ni Leticia kay Sweet.

"I asked her to have a dinner with me," Sweet replied, a curved smile creeping onto her lips as if she were teasing Leticia.

"I ask her first."

"And I did ask her too." Singit ni katalyna sa dalawa na parehas nagpapalitan ng nakakamatay na tingin sa isa't isa.

"You what?!" Sabay na tanong no'ng dalawa kaya pansin ko ang gulat ni Sai sa upuan niya dahil napatalon siya sa gulat dahil sa sigaw nitong dalawa.

"Pwede ba hinaan niyo 'yang mga boses niyo? you're disturbing my employees." Masungit kong turan sa kanilang tatlo ngunit tila hindi ako nageexist sa paningin nila dahil nagsusukatan na sila ng tingin.

"You did not right?" Pangungumbinse ni Leticia kay Katalyna.

"No, I already ask her to have a dinner with me." halukipkip saad ni katalyna.

Habang ako ay nakatayo lang sa harapan nilang tatlo, i should be stopping them pero paano ko sila pipigilan na kahit tawagin ko sila ee hindi nila ako pinapansin at may sariling mundo na sila. Na para bang nawala ngayon sa harapan ko ang tinitingala nilang abogada na si Katalyna, ang magaling na doktor at propesor na si Leticia at ang international model na si Sweet.

"What time did you ask?" Nakapameywang na tanong ni Leticia kay Katalyna.

"Just a while ago, like 10 minutes before this woman interrupted our conversation." Katalyna said with a hint of annoyancei  in her tone.

"Mas nauna ako!"

"Oh anong oras mo ba siya tinanong?" This time si Sweet ang nagtanong kay Leticia na nakalagay ang kamay sa may bulsa ng suot niyang pants.

"Kaninang mga 2:45 before mag 3 pm." Sagot ni Leticia sa kanilang dalawa.

"What about you? what time did you ask her?" Tumingin kaming tatlo kay Katalyna na nakapoker face na.

"Uhh..."

"What?"

"Just right after I interrupted your conversation?" Hindi sigurado nitong sagot.

"So ako ang nauna kaya sa akin siya makikipagdinner and she already said yes." Ngising turan ni Leticia sa dalawa pero sabay na nagtaas ng kilay si Sweet at Katalyna kasabay ang nagbabagang tingin nila.

"Hindi ako papayag,"

"I protest,"

"Come on! First come first serve! hindi niyo ba alam 'yon?" Naiinis na turan ni Leticia ngunit ayaw magpatinag ng mga 'to.

Nagsisimula na rin akong mainis dahil para akong laruan nila na pinagaawayan para lang sa maliit na bagay. They're being petty.

"Alam, but of course we won't allow it this time."

Imbes na 'yong pagpapahangin ko para makapagisip isip at makapagunwind ay hindi na nangyari dahil sa tatlong 'to. They ruined it!

Naiinis na pumasok ako sa loob ng office ko at kinuha ang purse pati ang phone ko habang isinukbit ko naman sa mga balikat ko ang blazer ko.

When I came out again, they were still arguing about who I would have dinner with. I massaged my temple and sighed.

Para silang mga bata na nagtatalo hangga't hindi nakukuha ang gusto sa isa't isa.

"Kung alphabetical order nalang kaya?" I heard Sweet said.

"Then I won I'm K, you're L and you're S."

"Ay 'wag na pala 'yan ang daya e," Napatampal ako sa noo.

Gosh these women!

"By surname nalang," Suggestion ulit ni Sweet kaya napangisi si Leticia habang napapitik ng dila si Katalyna.

"Ano nga ulit surname mo?" Sweet asked.

"Gracilla,"

"What about you?"

"Laurente,"

"And you?"

"Lacsamana,"

"And I won, kaya pwede ba ako ang makakasama niya mamaya," Nagtitimpi na ng inis si Leticia ngunit mas kapansin pansin ang itsura ni Katalyna dahil si Sai na nakikinig kanina pa ay itinuon ang atensyon nito sa ginagawa at nagkunwari na walang naririnig.

"Are you guys still not done yet?" Feeling irritated and impatient, I asked them a question to break up their argument.

And again, they didn't pay any attention to me, which only made my irritation toward them grow even more.

"Madaya pa rin!" Reklamo ni Sweet.

"By height nalang," Napalingon silang dalawa kay Katalyna maging si Sai ay napatingin sa curious.

Nagdikit dikit silang tatlo para tantiyahin ang height ng isa't isa ngunit kahit na nakaheels si Leticia at Sweet ay mas matangkad sa kanila si Katalyna.

"Mas madaya 'yong iyo e! Porket alam mong mas matangkad ka samin kaya ayan sinuggest mo," Ungot ni Sweet at sinamaan ng tingin si Katalyna pero hindi na niya pa pinatulan si Sweet.

Iyon ang paulit ulit na nangyayari sa labas ng opisina ko hanggang sa sumabog na ako sa inis.

"Will you stop bickering?!" Sigaw ko kaya natuon na ang atensyon nilang tatlo sa akin.

"Para kayong mga bata gosh!" Turan ko at napasuklay ng buhok gamit ang mga daliri sa inis.

"Kung mag aaway lang din naman kayo kung sino kasama ko sa dinner then fine! I'm doing it alone, para walang away at walang gulo. There happy?" Madiin kong sabi sa kanilang tatlo at mabibigat ang paa na umalis sa harapan nila.

"Alina!"

"boo!"

"Love..."

What a bunch of childish older women.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co