Truyen3h.Co

Slept With A Stranger Wattys2015

Yey yah guys! Try my another story, baka magustuhan niyo. My Stepmother's Man.

_______________________________

I still remember our moments in Hong Kong!! we looked like a perfect happy family.... I could still imagine their face. Their smiles are priceless.. sobrang napapagaan ang loob ko ng mga tawa ng mag ina ko... -

"What a beautiful smile." His thoughts interrupted by someone.

"Mom" Hindi man lang niya namalayan ang pag pasok ng mommy niya.

Tumayo siya at sinalubong ang mommy niya, they hug each other and gave her a peck on the cheek.

"What a pleasant surprise mom. Ang aga mong bumisita." Umupo sila sa sofa na magkatabi.

"Don't you miss me? Hindi ka man lang umuwi sa bahay, nandito ka na pala." May pagtatampo sa himig nito.

"Sorry mom, sa condo muna ako tumuloy."

"So, I think it's about time to hear your story."

"Story?" He repeats

"About your child?" Napangiti si Iñigo.

"Mom wala pang  two weeks." Gusto muna niya kasing makasigurado bago niya sabihin dito, may pagka-over reacting din kasi 'tong mommy niya. Baka pag sinabi niya dito, puntahan agad si Gelo.

"Gusto ko lang malaman. Please tell me. Sino ba ang nabuntis mo? Impossible namang si Martina.. Obviously she's not."

"Iñigo anak sige na sabihin mo na" Napabuntong hininga nalang siya dito dahil alam niyang hindi talaga siya titigilan ng mommy niya. Kahit abutin pa silang magdamag, hindi ito mag sasawang kulitin siya.

"Okay fine, but please mom, just keep yourself calm sa malalaman mo. Don't be so over reacting." Pinangunahan niya na ito.

"Okay"

"Promise?" Pinakatitigan niya ito, pero hindi ito makasagot.

"Mom!"

"Okay fine, I'll try." Sabi nito.

"Mom!" Tinigisan niya ang tinig niya at medyo nilakihan niya ng mata ang mommy niya.

"Yes! okay." Napilitan nalang ito, pero parang hindi sigurado sa sagot.

"Okay, listen. I think may nabuntis ako more than four years ago. No... I'm pretty sure I was the father.  3 years and a half na ang bata." He explained.

"Wow really, do I know her? Where are they?" Tanong ng mommy niya, na halata na ang pag ka excite.

"Excited ka na agad. Tsk. Hindi ko na muna sasabihin kung sino."

"O'cmon Iñigo, you've started it, don't leave me hanging." May pagkairita na sa boses nito.

"Mom baka kasi-"

"Wala akong gagawin, just tell me." Putol nito sakanya at medyo napapalakas na ang boses nito.

"Okay, okay. But please mom." Nginitian lang siya ng mommy niya.

"Remember Cassandra?" He asks

"Who's Cassandra?"

"The one who's renovating my resthouse." Nanglaki bigla ang mata ng mommy at bahagya pang napaawang nag bibig nito.

"So you mean, Gelo is your...." Ngumiti si Iñigo at tumango-tango.

"Oh my god! He's my grandson. Kaya pala ang gaan ng loob ko sakanya...Iñigo I wanna see him, please! " pagmamakaawa ng mommy niya at bakas na bakas ang excitement.

"Mom no! Ito na nga ba sinasabi ko eh. Hindi pa alam ni Andra?"

"Anong hindi niya alam? What do you mean?"

"Basta mom, it's too complicated, tsaka ko nalang ipapaliwanag."

"Iñigo anak, sige na. Asan sila?  Nasa  rest house ba? Puntahan natin."

"Mom hindi pwede, ang kulit mo naman eh. Baka mamaya hindi mo mapigilan masabi mo kay Andra. Hindi niya alam na ako ang daddy ni Gelo." Naiinis na rin si Iñigo dahil sa kakulitan ng mommy niya.

"What?! Anong hindi niya alam na ikaw ang tatay ng anak niya. Eh kayo ang gumawa no'n." Natawa si Iñigo sa sinabi at reaksyon ng mommy niya.

"Wait. Don't tell me, hindi siya sure kung sino ang tatay ni Gelo.... Because she--"

"Mom no! Matinong babae si Cassandra. Ako lang ang naging lalaki sa buhay niya." Putol niya dito dahil mukhang iba ang iniisip ng mommy niya kay Cassandra.

"Then explain Iñigo. Because it seems really puzzle to me." Napabuntong hininga nalang si Iñigo. 

Wala na siyang nagawa kundi ang ipaliwanag ang lahat dito. He tells everything to her mom, every single details,  he left nothing. Hindi naman makapaniwala ang mommy niya sa narinig mula sakanya.

"Oh my god! Why don't you tell her the truth?"

"Sasabihin ko naman, inaantay ko lang ang result ng dna para may proof ako." He says

"Pero don't worry me mom, this is going easy, Cassandra and I are in a relationship now." then he added.

"Really!? Then tell her, baka mamaya magalit sayo yun pag hindi mo agad sinabi sakanya, lalo na kung malalaman niya sa iba?"   Medyo napaisip si Iñigo sa sinabi ng mommy niya.

"I will mom, 2 days from now. I'll have the result by that time, then I'm going to tell her."

"Okay, then what's your plan after that?" Ngumiti si Iñigo.

"I'll ask her to marry me." Nanglaki ang mata ng mommy niya.

"FINALLY! I've been waiting for so long to hear that from you. Seeing you to settle down is my last wish Iñigo,  god is really good! Finally, finally. " Pinagsalikop pa nito ang dalawang palad, napapangiti nalang si Iñigo dito.

Mahal niya si Cassandra, at ito ang babaeng nakikita niyang aantayin niya sa dambana at makasama habang buhay. Maiksing panahon palang ang pinagsasamahan nila, pero siguradong sigurado na siya dito.

"Let me handle the engagement party." Sabi ng mommy niya na talagang excitement ang makikita sa mukha.

"Tss. Proposal muna. Excited naman masyado."

"Oo nga pala." Nagkatawanan ang dalawa.

***

Bar:

Nasa bar sila Iñigo kung saan sila laging nagpupunta. Si Mark, Matthew and David ang kasama niya.

"Dude, sabihin mo na kaya kay David na kayo na ni Andra." Bulong ni Matthew dito.

"Gusto ko nga, nag hahanap lang ako ng t'yempo." Bulong ni Iñigo.

"Hoy! Kayong dalawa kanina pa kayo bulungan ng bulungan ah." Saway ni David dito. Ngumiti lang ang dalawa dito.

"Nga pala Iñigo,  how's Andra?" Tanong ni David.

"She's fine... um.. David, may sasabihin sana ako sayo eh."

"Ano yun?" David asks. Umayos  ng pagkakaupo si Iñigo.

"Kasi--"

"Hi guys!" Hindi natuloy ni Iñigo ang sasabihin sa biglang pagsulpot ni Martina na agad tumabi sakanya.  May kasama pa itong isang babae.

"Can we join you guys? By the way she's Carla, my best friend. Kilala mo na siya Iñigo diba?"

"Yeah" tipid niyang sagot.

Pinakilala ito sa iba pa at umupo naman ito sa kabilang side katabi ni David.

"Kumusta Iñigo? Balita ko nag Hong Kong ka? Sino kasama mo?" Martina asks

"Si An--" Natigilan si Iñigo ng bahagya siyang sipain ni Matthew sa paa. Binigyan siya nito ng warning look.

"Si Andrei, the finance manager." Pagsisinungaling niya.

Alam niya at ni Matthew kung gaano ka-trouble maker si Martina, ilang araw niya 'tong iniiwasan, pero this time na-tyempuhan siya.

Masyado 'tong warfreak lalo pagdating sakanya, marami na 'tong napahiyang babae na sinubukang lumapit sakanya. Kahit mga dati niyang secretary na sabihan lang siyang gwapo, muntik-muntikan na nitong kalbuhin.

Baka nga sugurin nito si Cassandra bigla sa resthouse, hindi naman niya gustong masaktan at malagay sa gulo si Cassandra.

Mas mabuting hindi nalang ipaalam, malalaman din naman niya once na e-announce ko na ang pagpapakasal namin ni Andra.

"Hi, Ms. Martina." Someone approached them.

"Hi" Martina greets her back.

"Ms. Martina, I'm Divina Perez from Fashion Mag. Can I get an interview. Just a short interview, please." Pakiusap nito.

"Sure! Take a seat." Umupo naman ito, may kasama pa itong camera man na kumukuha na ng picture.

Umiwas nalang ng tingin si Iñigo pero biglang umangkla si Martina sa braso niya.

"Ms. Martina, have you ever plan to go back to New York and continue your career?" Tanong ng reporter

"I wouldn't go back  there, I'll stay  here for good. " Martina answers with a sweet smile.

"Is it because of Mr. Galvez, totoo bang magpapakasal na kayo?"

"Yeah" mabilis na sagot nito. Agad na tumingin si Iñigo kay Martina at magsasalita sana pero  agad nitong hinalikan si Iñigo sa labi.

Mabilis na umilag si Iñigo,  but it's too late dahil nakuhanan na sila ng picture.

"Martina!" Pigil ang boses na saway ni Iñigo dito.

"Oh  that's so sweet.. I have no further questions, sa action niyo palang, I already knew the answer. Thanks Ms. Martina for this interview."

"It's  all been my pleasure." Agad na tumayo ang babae at mabilis na umalis.

"What the heck is wrong with you? We're not getting married. So please Martina,  tigilan mo ang pag sama sa pangalan ko sa mga interview mo." Ngumiti lang sakanya si Martina.

"I have to go babe. Don't worry, one of this day, I'll surprise you." Makahulugang sabi nito sabay halik sa pisngi at umalis na kasama ang kaibigan nito.

"You're dead dude.  I think, you can't get rid her off that easily. Ano gusto mo, pa-salvage nalang natin?" Natatawang sabi ni Matthew.

"Bakit ayaw mo nalang balikan? Mukhang in love sayo ah." -David

"Hindi niya gagawin yun, may girlfriend na yan, si Cassandra yung ex mo. I mean dating nililiga-" Natahimik si Mark ng maalala ang pinagsasasabi niya at lahat ng mata sakanya nakatingin.

"Sorry!" Napakamot pa ito ng ulo. Tumingin si David kay Iñigo.

"Is it true?" David asks.

"Sorry dude. Sasabihin ko naman na dapat, naghahanap lang ako ng t'yempo."

"Kailan pa?  Kailan ka pa ng ligaw sakanya." -David

"Nito lang, actually walang masyadong ligawan. Pero nililigawan ko parin siya kahit kami na."

"Napa-sagot  mo si Andra ng gan'on ka dali?" Napahampas pa 'to sa lamesa, tumango si Iñigo.

"How come?"

"Malupit ang karisma ni Iñigo dude, kahit tigre kaya niyang paamuhin." Natatawang sabi ni Matthew. Napainom nalang si David ng alak.

"Impossible! Not Cassandra." Hindi ito makapaniwala.

"By the way... Balak ko na siyang ayaing magpakasal."

"KASAL!" Bulalas ng tatlo.

"Seryoso dude! Kakakilala niyo palang kasal na agad. Seryoso ka ba?" -David

"Oo nga dude, seryoso ka ba d'yan?" Tanong naman ni Matthew,  wala din kasi sa vocabulary ni Iñigo ang salitang kasal.

Kahit n'ong seryosohin niya si Martina, hindi man lang siya nag open up ng topic tungkol sa kasal.

"Seryoso ako. Mahal ko siya, tumatanda na rin ako. Gusto ko ng mag settle down." Seryosong pahayag ni Iñigo.

"Sabagay, may anak na naman kayo. Kailangan mo din naman panagutan yun." Nagtinginan lahat  kya Mark, si Matthew at Iñigo halos panglisikan ito ng mata si David naman, puzzlement naman ang nasa mukha nito.

"Hehe! Diba may anak na si Andra. Instant daddy ka na. Hindi ka na magpapagod." Sabay bawi nito at napakamot ng ulo.

"Dapat pina-plaster bibig mo eh." Matthew says.

"I warn you dude. hurt Andra, and I'll hunt you down to your grave." Seryosong pag babanta ni David.

"I will never hurt her, I Promise." Sagot naman ni Iñigo.

"God dammit! You're one lucky bastard." David says as he emptied the shot glass.

"I know, I'm sorry dude, I think we're meant for each other."

"Okay! Cheers for Iñigo Glavez." Mark raises the shot glass, at gan'on din ang iba at nag cheers sila.

***

Resthouse:

Nasa guest room si Cassandra kasama si Aiken at Iba pang workers, ito na ang tinatapos nila. Dalawang kwarto nalang at tapos na ang trabaho.

"Andra, I'm going to Singapore,  baka sa susunod na araw. Okay lang ba?" Tanong ni Aiken habang nasa taas ng folding ladder.

"Anong gagawin mo d'on?" Bumababa si Aiken.

"Tinawagan ako ni mom. Pinapupunta ako. Ayos lang ba?"

"Of course tapos na naman 'to eh." Tumingin si Cassandra at Aiken sa wall, tinignan  nila ang wall decor na kinabit ni Aiken.

"Hi baby!" Halos manigas ang katawan ni Cassandra ng bigla may yumakap mula sa likod niya. at biglang pagsulpot ng bouquet ng bulaklak sa harap niya.

Halos gulat naman ang mababakas sa mukha ni Aiken, kahit ang mga kasama nilang workers natigil sa mga ginagawa at nakatingin sakanila.

God! Iñigo anong ginagawa mo? -

Napapikit nalang si Cassandra at kinuha ang bulaklak. Hinalikan pa siya ni Iñigo sa pisngi. Dahan-dahan siyang tumingin kay Aiken, at ngumiti ng alanganin.

"Kayo na?" Pabulong na tanong ni Aiken. Marahang tumango-tango si Cassandra.

"Kelan pa?"

"Sa Hong Kong pre! Hindi mo pa ba nasasabi sakanya?" Si Iñigo ang sumagot. Umiling-iling si Cassandra.

"Sa wakas, may nagwagi din sa puso ni ma'am Cassandra." Sabi ng isang workers sa likod nila, alam din ng mga ito na mailap si Cassandra sa mga lalaking nagtatangkang manligaw dito.

Ever since kasi ito talaga ang katulong niya sa mga project niya, lalo na pag major interior renovation ang ginagawa.

"Hiramin ko muna si Andra ah." Tumango lang si Aiken at ngumiti.

"Alagaan mo yan ah. Pag ayan umiyak, hu-huntingin kita."

"Ahaha! Makakaasa ka pre." Natatawa siya dahil, gan'on din ang sabi sakanya ni David. Inakbayan niya si Cassandra at lumabas sila ng guest room.

Niyakap rin ni Cassandra ang isang braso niya sa bewang nito paglabas nila ng guest room.

"Akala ko bukas ka pa?" Tanong ni Cassandra

"Tumakas lang ako, namiss ko kayo eh." Hinalikan nito ang ulo niya. Napangiti si Cassandra.

Grabe! Ganito pala pag may boyfriend!  Ang sarap sa feeling..

Pumasok sila sa kwarto ni Iñigo.

"Ang ganda talaga ng gawa mo sa kwarto natin." Mabilis na tumingin si Cassandra kay Iñigo na nakaakbay parin.

"Natin?" ulit niya, ngumiti si Iñigo.

"Natin. Ayaw mo ba?" Kinuha ni Iñigo ang bulaklak sakanya at initsa sa sofa. Hinapit siya nito sa bewang.

"Gusto mo binyagan natin 'to ngayon?" He asks teasingly. 

"Huh?" Tanging niya nasabi na hindi magets ang sinasabi nito. Natawa si Iñigo.

"Hindi mo alam? Hmm!" Hinalik-halikan siya ni Iñigo sa pisngi sa labi at sa kabilang pisngi.

Bigla naman umiwas si Cassandra ng magets ang ibig sabihin nito.

Natawa  ng malakas si Iñigo dahil sa biglang pamumula ni Cassandra na talagang pansin na pansin.

"Iñigo naman eh." Nasubsob ni Cassandra ang mukha sa dibdib nito sa hiya.

"Hay! Andra baby, why you look so naive? You're so different." Ito ang isa sa gusto niya dito, tama sila Preyh parang virgin Mary nga ito.

May anak na ito, pero ang ka-inosentihan nito hindi nawawala, nahihiya talaga ito pag medyo greeny ang usapan. Parang may girlfriend siyang teenager, hindi nagpapahalik sa harap ng ibang tao, sobrang nahihiya.

Unlike ng iba na masyadong bulgar sa mga bagay bagay, hahalik ng walang pakundangan  kahit maraming nakakakita. Si Cassandra iba, ibang-iba. Na-a-muse talaga siya sa pagiging naive nito.

Inangat nito ang mukha ni Cassandra gamit ang isang palad niya. Nilapit nito ang bibig sa tenga niya.

"Alam mo ba ang ikapitong langit?" He asks teasingly,  Napapikit si Cassandra sa sinabi nito at muli sinubob ang mukha niya malapit sa balikat nito.

"Hey, I'm asking you." He whispered. Nagpipigil si Iñigo ng tawa, hindi niya nakikita ang mukha nito pero alam niyang namumula na 'to.

"Would you want to go there with me?"

"Iñigo!  Arrghh! Ano ba yun?" She stamps her feet automatically.

Natawa na talaga ng malakas si Iñigo, kinalas niya ang pagkakayakap sakanya ni Iñigo.

"Why are you making fun of me?" Pagtatampo niya dito. Natatawang yumakap uli si Iñigo sa kanya.

"Sorry. Matthew told me about that. Si Reghie din ang nagkwento sakanya." He says, while hugging her so tightly.

"Arggh! Ang babaeng yun talaga oh! Ang ewan."

"Ahaha! Ang cute cute mo talaga, parang kang teenager. But you amaze me the way you act, like a virgin teenager." Sabay tawa na naman nito. Napaawang ng husto ang bibig ni Cassandra, kaya kinagat niya ito sa dibdib.

"Aaah! Why?!"

"I hate you!" Mabilis na kumalas si Cassandra at padabog itong umupo sa sofa.

Lalong natawa si Iñigo dahil parang batang paslit na pagkatulis na tulis na ng nguso. Tumabi sakanya si Iñigo.

"Why you hate me?"

"You've insulted me."

"Of course not! It was a compliment." Iningusan lang siya nito.

"C'mon get up!" Hinawakan ni Iñigo ang isang kamay niya at pinatayo siya, ginawa naman niya at pinaupo siya nito sa mga hita.

"Hindi yun insult, compliment kaya yun, I like your innocence. Para ka naman talagang teenager eh."

"Pero hindi na virgin." Natawa na naman si Iñigo dito. 

"Let me take away your innocence..... kiss me baby." He says seductively, trailing his fingers on her cheek and across to her neck, down to her shoulder teasingly.

Napapikit si Cassandra sa sinabi at ginagawa nito. Pakiramdam niya nasa ulo na  niya lahat ng dugo niya.

Oh my god! Don't let him to attempt again... oh please! Oh please! Oh please!

"What's your mantra now?" Napadilat siya bigla, nakangiting mukha ni Iñigo ang nabungaran ng mata niya, halatang amuse na amuse ito sakanya.

"Mantra? What mantra?"

"Are you repeating on your mind... and wishing na wag ako mag attempt." Lalo siyang napapikit sa sinabi nito at muling dumilat.

"Uggh! Did Reghie--" tumango-tango na agad si Iñigo sa itatanong niya sana.

"Hindi yun totoo, sinabi ko lang yun para tigilan ang pangungu-" Iñigo cuts her off by covering her mouth with his, pulling away.

"But I want to attempt.... let me please." Then he kisses her again. Napapikit nalang si Cassandra at pinaubaya niya ang mga labi niya.

To be continued.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co