Slept With A Stranger Wattys2015
A/N; Waahh! #7 pangarap ko lang umabot ng top10 ito, pero narating pa ang #7. Thanks guys! Vote pa more, comment pa more. Grabe dumadami na followers ko.. huhuhu! madaming salamat po.__________________________________Binabaybay ni Cassandra at Iñigo ang daan papunta sa bahay ng mga magulang niya. Nakasuot si Cassandra ng isang black sheer spaghetti strap top at isang royal blue printed maxi skirt. Nagpa-bili si Iñigo sa secretary niya ng damit nito bago sila umalis sa condo unit nito.Tumingin si Iñigo kay Cassandra at napangiti dahil sa pag-kakaupo nitong pata-gilid at sa tuwing kikilos napapangiwi. Napansin bigla ni Cassandra ang pagkaka-ngiti nito."Anong ngini-ngiti-ngiti mo?" Kunot noong tanong nito, lalo naman lumapad ang pag-kakangiti ni Iñigo."Masakit ba? Hayaan mo masasanay ka rin, araw-arawin natin para masanay ang katawan mo." "Iñigo! Ikaw pasaway--oucch!" Lalong natawa si Iñigo dahil bigla siya nitong pinalo sa braso pero bigla naman napahawak sa balakang.Natawa na rin lang si Cassandra dahil sobrang sakit talaga ng katawan niya at mukha siyang ewan sa pag-kilos niya.Narating nila ang bahay nila at inihinto ni Iñigo ang sasakyan sa tapat ng gate nito."Opps!" Pigil ni Iñigo kay Cassandra ng akma itong lalabas.Mabilis na lumabas si Iñigo at pumunta sa passenger seat, agad nitong binuksan ang pinto at yumukod sa kanya. Tsaka siya nito hinalikan sa labi, natawa na lang si Cassandra sa ginawa nito.
Lumabas siya at tumingin kay Iñigo."Ganyan ka pa kaya ka-sweet sa mga susunod na araw?" Bigla itong hinapit ni Iñigo sa baywang at pinasandal sa kotse."Hinding-hindi ako mag-babago." Sabay halik ng isang mabilis na halik sa labi nito."Halika ka na. be ready, nakakatakot si daddy, siguradong maraming itatanong yon.""Ako ng bahala." Sinara lang nito ang pinto, inakbayan nito si Cassandra at kinawit naman nito ang braso sa baywang ni Iñigo at sabay na nag-tungo sa gate."Walang alam sila dad sa nangyari sa 'tin noon, alam lang nila nabuntis ako at hindi mo alam." Sabi ni Cassandra pag-katapos mag-door bell. Mga ilang sandali bumukas naman ang gate."Andra ano bang nangyari sa 'yong bata ka? Kanina pa nag-aalala ang daddy at mommy mo sa 'yo." Bungad ng yaya niya sa kanya at biglang nabaling ang tingin kay Iñigo."Siya 'yong kumidnap sa 'yo?""Yaya hindi, siya si Iñigo, boyfriend ko po." Agad na sabi nito sa yaya dahil masama agad ang tingin nito kay Iñigo."Magandang araw po." Magalang na bati ni Iñigo, ngumiti na rin ang yaya nito."Halika ka na." Pumasok sila sa gate, inalis ni Iñigo ang kamay niya sa pag-kakaakbay kay Cassandra.Inalis niya ang kamay ni Cassandra sa pagkakahawak sa baywang niya at hinawakan nalang ang kamay nito at pinisil niya ng husto.Shit! Bakit ba ako kinabahan bigla? Ngayon lang 'to nangyari sakin. -He thought himself as he takes a deep breath.Pumasok sila sa bahay at agad nilang nakita ang magulang ni Cassandra, nakaupo sa living room at kalong-kalong ng mommy ni Andra si Gelo."Mommy, daddy!" Agad na bumababa si Gelo at mabilis na lumapit sa kanila. Agad naman itong binuhat ni Iñigo."How's my big boy?" Iñigo asks"I'm good daddy. Where's my baby brother and sister?" Natutop ni Cassandra ang bibig niya sa tanong ni Gelo."Nasa tummy pa ni mommy baby." Bulong ni Iñigo.Nang-tawagan niya kasi kanina ang yaya ni Gelo at kinausap niya ito, sinabi niyang gagawa sila ng baby ni Andra kasi narinig niya itong parang naiiyak sa tono ng boses."Iñigo naman kasi, ano ba ang pinag-sasasabi mo sa anak mo?" Bulong din ni Cassandra."Ehem!" Sabay silang napa-tingin ng tumikhim ang daddy ni Cassandra. "Dad, mom." Lumapit si Cassandra sa magulang na nakatayo na, humalik ito sa mga ito."Dad, mom, meet Iñigo. My boyfriend." Pakilala ni Cassandra dito."Magandang hapon po."Bati ni Iñigo at napapa-buga siya ng hangin sa kaba dahil sobrang intimidating ang titig sa kanya ng daddy ni Cassandra."Nice to meet you hijo." Sabi ng mommy ni Andra at agad na nilahad nito ang kamay para makipag-kamay kay Iñigo, tarantang inabot naman ni Iñigo ang kamay nito."Iñigo po" Pakilala niya at bumaling ito ng tingin sa daddy ni Andra."Hello po sir, Iñigo po." Inalok niya ang kamay niya dito pero tinignan lang nito at hindi inabot."We have to talk.. alone." Sabay talikod nito, napa-whew si Iñigo sabay haplos sa noo ng may maramdaman siyang parang namumuong pawis sa noo niya."Akin na muna si Gelo." Kinuha ni Andra si Gelo."You look tense." Parang gustong matawa ni Cassandra sa itsura nito."Nakakatakot nga pala talaga siya." Bulong ni Iñigo."Kaya mo yan, use your charm." Hinawakan ni Cassandra ang pisngi nito at hinalikan sa labi."Pang tanggal ng nerbyos." Napangiti naman si Iñigo."Kinakabahan pa rin ako eh, isa pa nga." Natawa ng mahina si Cassandra at akmang hahalik uli si Iñigo."Gaano ako katagal mag-hihintay para lang makausap ka?" Napahaplos si Iñigo sa bibig niya at hindi naituloy ang pag-halik ng biglang mag-salita ang daddy nito.Natawa si Cassandra pero pigil na pigil kahit ang mommy niya na naka-tingin sa kanila natawa din."Sige na, sigaw ka na lang pag-kinakatay ka na ni dad." Huminga muna ito ng malalim tsaka lumapit sa daddy ni Cassandra.Inaya siya nito sa labas ng bahay, sa may pool area at umupo sa isang set ng upuan doon."So... ikaw pala ang lalaking nang-iwan pag katapos buntisin ang anak ko." Napahigit ng hininga si Iñigo sa sinabi nito."Anong balak mo ngayon? May relasyon na ba kayo ni Andra uli? Nasa balita ang ginawa mong eksena sa party kagabi." Tuloy-tuloy nitong sabi."Anong balak mo sa anak ko? hindi magandang tignan na nag-sasama kayo sa iisang bahay. Dapat siguro hayaan mo na munang bumalik si Cassandra at ang apo ko sa sarili niyang bahay--""No sir." Putol niya dito. Kitang-kita niya ang pag-alon ng dibdib nito."I'm sorry sir, I can't let them go.""Ang sinasabi ko lang, ikaw na lang ang dumalaw sa mag-ina, kasi hindi magandang nakikita ng ibang tao na mag-kasama kayo sa iisang bahay.""Pakakasalan ko po si Andra sir." Mabilis at walang kagatol-gatol niyang sagot at sinalubong niya ang titig nito."Pero gusto ko na po silang makasama ngayon, I'm sorry sir, pero hindi ko na po kayang malayo sa mag-ina ko. Sana po ibigay niyo ang blessing niyo dito, importante po kayo kay Cassandra at lalo ang blessing niyo.""Mahal ko po si Cassandra." Dagdag niya, matagal na katahimikan ang namagitan sa dalawa."Well then, kung pakakasalanan mo naman pala si Cassandra, then walang problema. Wag na wag mo lang sasaktan ang anak ko. I'll hunt you down." Napangiti si Iñigo. Naisip niya na parang lahat na lang ganun ang banta sa kanya."You have my word sir." Nilahad niya ang kamay niya at tinanggap naman nito iyon. Hindi na ito nag-tanong pa tungkol kay Martina, dahil malang napanood at nabasa na nito ang naging interview at mga sinabi niya kagabi.**Nag-antay lang si Cassandra sa sala habang inaantay si Iñigo at ang daddy niyang matapos sa pag-uusap. Kasama niyang nakaupo ang mommy niya at si Gelo."Ano na kaya ang ginagawa ni dad sa boyfriend ko mommy?" May pag-alalang tanong ni Andra, alam niya kasi kung gaano katapang ang daddy niya. At kanina pa ang mga ito nag-uusap."Ewan ko Andra, bakit mo pa kasi sinama dito? Galit na galit pa naman ang daddy mo kagabi, nag-punta dito si Miguel at sinabi ngang sinama ka ni Iñigo." "Ang tagal naman nila mom." Kanina pa niya gustong puntahan and dalawa pero sabi ng mommy niya hayaan nalang muna. Sabay na patayo si Andra at ang mommy niya ng marinig ang daddy niya at Iñigo, papasok ito mula sa may pool area. Napamaang ang dalawa ng makita itong nag-tatawanan."Minsan sumama ka sakin mag-golf, basketball kasi hindi ko na kaya. baka mabalian na ako ng buto." Tumawa pa ng malakas ang daddy niya at ganon din si ñigo."Sige po dad, minsan po sasama ako." Nag-tinginan si Cassandra at ang mommy niya."Dad! Did you hear that mom?" Nanglalaki ang matang tanong ni Cassandra. Nag kibit balikat lang ang mommy niya, naka-ngiting lumapit sakanya si ñigo at agad siyang inakbayan."What happened?" Pabulong na tanong niya dito, nginitian lang siya ni ñigo."Iñigo, ikaw na bahala sa mag-ina mo, wag mo silang pababayaan or else babawiin ko sila sa 'yo.""Don't worry dad, hinding-hindi ko po sila pababayaan." Sagot ni Iñigo. Tumingin si Cassandra kay Iñigo, nag-tatanong ang mga tingin nito."Mauna na po siguro kami, babalik na lang po uli kami sa mag susunod na araw." Nag-paalam lang ang lahat sa bawat isa bago sila umalis.**
Pag-labas nila ng bahay ng magulang ni Cassandra, agaf na sumakay si Gelo ay yaya sa backseat, hinarap naman ni Cassandra si Iñigo."Anong nangyari? Anong ginawa mo kay dad? paano mo yon napaamo? and you even called him dad, pumayag siya?" Sunod-sunod na tanong ni Cassandra."Ganon talaga, walang nakaka-tanggi sa karisma ng isang Iñigo Galvez. Madali naman pala makuha ang daddy mo eh." Kompyansang sabi nito at nilahad pa ang dalawang kamay."Woah! Conceited." akmang aalis na sana si Cassandra para pumunta sa may passenger seat ng bigla siyang hilain ni Iñigo pabalik dahilan para masubsob siya sa katawan nito."Stating the fact. Mabilis din naman kitang nakuha diba?" Napaawang ang labi ni Cassandra."Maswerte ka kasi mahal lang kita. Yabang!" Sabay hampas nito sa dibdib niya, sabay alis."Wag kang tatabi sa 'kin mamaya ah." Sabi nito habang papalayo pero napangiti din naman."Biro lang 'yon, ito naman hindi na mabiro." Tumingin si Cassandra dito at iningusan ito sabay pasok ng sasakyan. Pumasok na rin agad si Iñigo."Biro lang 'yon, hard to get ka nga eh." Sabi ni Iñigo pero nag-pipigil na mapa-ngiti."I know, and I'll show that later." Napa-kamot si Iñigo sa ulo sa sinabing 'yon ni Cassandra.Pinakita ni Iñigo ang kamay niya kay Cassandra, taas kilay niya itong tinignan."Ano naman yan?""You can't refuse my heated and skilled hands." Sumilay pa ang makalaglag panga nitong half smirk.Pinalo ito ni Cassandra sa braso ng sariling kamay, natawa ng malakas si Iñigo, kahit si Cassandra natawa rin ng malakas. "Wag ka nang mag-tanong yaya ah." Pinangunahan na ito ni Cassandra dahil sigurado siyang mag tatanong ito. Kaya lalo silang nag tawanan ni Iñigo. Binuhay naman ni Iñigo ang makina ng sasakyan."Ang adik ng magulang mo Gelo." Biglang sabi ni Yaya kay Gelo na nakaupo sa tabi niya."What's adik yaya?" Tumingin si Cassandra sa likod."Yaya ah, ikaw talaga." Saway ni Cassandra dito."Bilis na sir Iñigo, uwi na tayo, mag-s-skype kami ni Craig my labs." Tinutukoy nito ang foreigner na nakilala sa batangas, ito ang kumuha ng calling card na para kay Iñigo sana."Pahiram ako Gelo ng Ipad mo later ah." "Okay po." Sagot ni Gelo sa yaya niya. Niiling na lang si Cassandra dito at napangiti."Iñigo doon mo na muna kami ihatid sa bahay." Nag-okay lang si Iñigo tsaka pinaandar ang kotse.***Narating naman agad nila ang bahay ni Cassandra at umupong mag-katabi si Cassandra at Iñigo sa sofa. Nakasandal si Cassandra sa dibdib ni Iñigo habang ang mga braso nito ay naka-yakap sa kanya."Iñigo, anong napag-usapan niyo ni dad? napatawa mo pa siya. dad pa ang tawag mo talaga ah." Hinaplos ni Iñigo ang ulo niya."Wala naman, sabi ko lang mamahalin at aalagaan ko kayo ni Gelo." "Really? Yon lang at nakuha mo agad ang loob niya?" Hindi makapaniwalang tanong niya."I guess, assurance lang ang gusto niyang marinig mula sa 'kin, na mamahalin kita at hindi ka masasaktan. At yon ang sinigurado ko sa kanya." Napangiti naman si Cassandra sa narinig mula dito."Your dad loves you very much Andra, nakita ko 'yon at naramdaman ng kausap ko siya." Hinawakan ni Iñigo ang tenga ni Cassandra at hinaplos-haplos gamit ang hinlalaki nito."Alam mo bang sabi niya na hindi ka daw nakakatulog noong bata ka pa kapag hindi hinahaplos ang tenga mo." Mabilis na kumalas sa pag-kakayakap si Cassandra at hinarap si iñigo, hindi siya maka-paniwala sa narinig."Sinabi niya 'yon sa 'yo?" Ngumiti si Iñigo at tumango."He felt sorry ng maiparamdam niya sa 'yo na parang ikaw ang sinisisi niya sa pag-kamatay ng kuya mo. Hindi daw niya intensyon 'yon, kahit kailan daw hindi ka niya sinisi. But he had admitted na nag-iba siya ng mamatay ang kuya mo, but he never blamed you for his death." Parang bigla-biglang naiiyak si Cassandra sa mga narinig."Noong na-ospital daw siya ang unang beses na sinabi niyang ikaw ang dahilan ng pag-kamatay ng kapatid mo. He was just mad that time, kailangan niya daw kasing maging matigas sa 'yo, because he felt....." Medyo binitin niya ang sasabihin niya at hinawakan ang kamay ni Cassandra. "Pakiramdam niya daw kasi hindi siya naging mabuting ama, kasi hindi ka daw niya na-manage ng mabuti, kaya niyang pasunurin ang lahat ng tauhan sa kompanya, pero bakit daw ikaw hindi. Pakiramdam niya bigo siya sa pagiging ama. Mali ang estilo niya sa pag-papalaki sa 'yo, kaya hindi ka niya mapa-sunod." Naiyak na ng tuluyan si Cassandra sa sobrang guilt na nararamdam. Agad naman siyang niyakap ni Iñigo. Hindi niya lubos maisip na ganun pala ang nararamdaman ng daddy niya. Inaamin niya na talagang masyadong naging matigas ang ulo niya, lalo ng sabihin nitong BS Administration ang kunin niya pero hindi niya ito sinunod. Yon lang talaga ang hiniling ng daddy niya sa kanya, pero hindi niya ito sinunod. "Pero alam mo ba kung ano ang sinabi niya? Proud na proud daw siya sa 'yo, ngayon daw masasabi niyang hindi siya bigo sa pagiging ama, na napalaki ka niya ng mabuti. Kasi kinaya mong mag-isa ang lahat ng hirap, kinaya mong marating ang pangarap mo na wala sila at ang pag-papalaki mo sa anak natin na ikaw lang." Nilayo ni Iñigo si Cassandra at hinawakan ang mag-kabila niyang pisngi. "At isa kang mabuting tao." Pinunas ni Iñigo ang luha sa mga pisngi niya."Kahit ako Andra proud ako sa 'yo. Masyado kang matapang at ang pag mamahal mo sa anak natin, hindi matatawaran." Hinalikan ito ni Iñigo sa labi at muling niyakap. "From now on Andra, makakasama mo na ako sa lahat ng bagay." Yumakap si Cassandra ng mahigpit dito, habang tuloy-tuloy ang luha sa mata niya.Hindi niya rin inaasahan na mag-o-open up ang daddy niya kay Iñigo, knowing his father, hindi ito pala-kwento at nakapa-seryong tao."I love you very much Andra." Bulong ni Iñigo, hindi magawang mag-salita ni Cassandra. Sobrang saya ng pakiramdam niya, hindi niya maintindihan. Pero isa lang ang sigurado niya ngayon, ayaw niyang matapos ang ganitong kasayang pakiramdam. ***Supermarket:Nasa super market si Cassandra kasama niya ang mag-ama niya at as usual si sexy yaya. Nasa dry goods section siya at kinukuha ang mga nakalista sa ginawa niyang grocery list. Katabi naman niya si Iñigo at nakahawak ito sa push cart, habang si yaya ay hinahabol-habol si Gelo na paikot-ikot sa mga pasilyo."Hay! ang mahal na talaga ng mga bilihin." Sambit ni Cassandra habang naka-tingin sa mga palaman na nasa rack.Pinulupot naman ni Iñigo ang braso nito sa baywang niya mula sa kanyang likuran at dinikit ang pisngi sa pisngi niya."Okay lang 'yon, mahal naman kita." Napangiti siya ng husto sa sinabi nito."Ang corny mo talaga.""Pero ngumiti ka naman.""Kasi nga corny, alisin mo na ang kamay mo." Inalis naman nito ang kamay, kumuha si Cassandra ng dalawang klase ng palaman, isang chocolate spread for Gelo at isang klase pa."Tara" Aya niya dito. Pero kumuha muna si Iñigo ng iba't-ibang klaseng palaman."Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Cassandra."Para kung ano ang gusto mong palaman meron." "Pero Iñigo, kailangan natin mag-tipid.""Hindi natin kailangan mag-tipid pag dating sa pag-kain." Hinila na siya ni Iñigo palayo at wala na siyang nagawa pa.Nag-punta naman sila sa essential section, huminto si Cassandra sa tapat ng mga sanitary napkin at kumuha ng dalawang pack ng sanitary napkin. Kinuha naman ito ni Iñigo at tinignan."Diba pag buntis hindi na gumagamit nito?" Tanong ni Iñigo.Alam naman niya ang gan'on bagay, dahil isa 'yon sa problema ng babae na kapag delay nag-aalala na baka buntis."Yeah, kasi hindi naman nagkakaroon." Agad na binalik ni Iñigo ang napkin na kinuha niya."Ano na naman ang ginagawa mo? Wag mong sabihin na yan ang kailangan kong tipirin?""Hindi mo kasi kailangan yan.""Iñigo I need that.""NO! buntis ka na eh." Napaawang ang labi ni Cassandra, ngumiti naman si Iñigo ng pag- katamis-tamis."You're unbelievable, that's unbelievable.""Believe me, sa dami nun, imposibleng walang mabuo doon. Considered me to have a high sperm count, I can release billion of active sperms in a single ejaculation." "Everyday!" Then he added, drawing out the word."Wow! Lagpas na 'yon sa normal range, hindi kaya pito ang ipag-buntis ko niyan, kasi isang beses lang natin ginawa noon nakabuo agad. Eh ngayon ina-araw-araw mo ako. May lahi ka atang rabbit eh." Natawa si Iñigo sa sinabi niya. Tawa na pagkalakas-lakas, kaya halos pag-tinginan sila ng tao sa paligid. Bigla naman nahiya si Cassandra. "I like that, I think we should buy now some babies' stuffs." "Ewan ko sa 'yo, halika na nga." Inakbayan siya ni Iñigo at umalis na lang sa section ng essentials."Pag ako dinatnan damit mo ang gagawin kong napkin." natawa si Iñigo sa sinabi niya at hinigpitan ang pag-kakaakbay sa kanya.****Napagdesisyunan ni Andra na mamalagi sa sarili niyang bahay dahil wala ngang tumatao dito. Pero itong si Inigo ay ayaw namang pumayag na mahiwalay sa kanila kahit ilang araw lang kaya sumama pa rin sa kanya After nilang mag-grocery umuwi naman agad sila at abala si Cassandra ngayon sa pag-aayos ng mga groceries. Habang nilalagay niya ang mag groceries sa kitchen cabinet bigla naman siyang niyakap ni Iñigo mula sa likod nito.Nilingon niya ito at medyo natawa siya dahil sa itsura nito. May kagat-kagat itong bite size chocolate."Hmm, hmm!" tinuro nito ang tskolate na parang sinasabing kunin ni Cassandra. Kukunin sana niya ito ng kamay niya pero agad siyang pinigilan ni Iñigo.Umungol-ungol uli ito, napangiti naman si Cassandra ng makuha niya ang gusto nitong mangyari, nilapit niya ang bibig niya sa bibig nito para kunin ang tsokolate. Pag kagat ni Cassandra sa tsokolate agad na hinawakan ni Iñigo ang likod ng ulo nito at siniil agad siya ng halik.Gustong matawa ni Cassandra sa ginagawang kalokohan ni Iñigo pero sinabayan na lang niya ang mapusok na galaw ng mga labi nito. Ninamnam at pinag-saluhan ang sarap at tamis ng tsokolate habang natutunaw ito sa bibig nila."Ayyy! sus maryusep!" Nag hiwalay agad ang labi ng dalawa sa biglang pag-sulpot ni yaya na napatili pa ng husto."Naku naman! Dapat nag-lagay kayo ng karatula dito na don't disturb." Natutop ni Cassandra ang sariling bibig sa sobrang pag-kapahiya. tumalikod na lang si yaya at umalis."Pag nakaka-kita ako ng ganong kasarap na laplapan parang gusto kong mang-gapang." Sabi ni yaya habang papalayo. Natakpan na talaga ni Cassandra ang buo niyang mukha at umiling-iling."Ugghh! Nakakahiya." Pinunas niya ang bibig niya na nanglalagkit dahil sa tsokolate gamit ang kamay niya. Pulang-pula si Cassandra dahil sa sobrang pag-kapahiya, natawa naman si Iñigo."Puro ka kasi kalokohan eh, doon ka na nga." Singhal niya kay Iñigo sabay palo sa braso nito. Lalo lang itong natawa at hinawakan siya kamay sabay hila sa kanya palapit dito at niyakap nalang siya nito habang natatawa._______________________________
LynneDoll yong topic natin about sperm na apply ko dito. Ahahaha! #Supermarketscene-Relate much..A/N; Alternate po ang pag-update ko, tatlo kasi ang ongoing stories ko.So doon muna ako sa kathniel fanfic ko.. thanks! !!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co