South Boys 4 Troublemaker
"NASAAN KA?"
Ito ang unang beses na narinig ko ang boses ni Hugo na nabasag nang ganito. He really was not okay...
The call ended. I tried calling him but he wouldn't answer. Maybe he was embarrassed because he didn't expect his voice to break while talking to me. Importante pa rin talaga kay Hugo ang angas niya.
Text na lang ang ipinadala niya sa akin matapos ang ilang minuto.
Aguilar:
Nasa tropa ako rito sa Pascam.
Aguilar:
Dito sana ako papalipas hanggang bukas, kaso kanina pa ako dinidikitan ng babaeng utol ng tropa. Pinapatagay pa ako nang pinapatagay. Langya, baka mapikot ako pag magpaumaga ako rito.
Me:
Anong gagawin ko?
Aguilar:
Samahan mo na lang ako tumambay muna.
Graduate na kami at hindi na kami magkikita pa, kaya ayos lang naman siguro na sa huling pagkakataon ay samahan ko siya. Marami rin namang pagkakataon na kapag ako ang may kailangan ay hindi niya ako pinababayaan.
Besides, I wanted to see him...
Ngayon na lang naman. Pagkatapos ay hindi na kami magkikita ulit. Nauna nang magdesisyon ang katawan ko kaysa sa utak. Nag-type ang mga daliri ko ng text kay Hugo.
Me:
Pumunta ka na rito. Hihintayin kita sa gate ng subdivision.
Susunduin ko siya sa gate dahil anong oras na. Baka hindi na siya papasukin ng guard.
Hindi na ako nagpalit ng damit dahil baka mamaya ay magising si Kuya Jordan, at lumabas ng kuwarto. Baka magtaka kung bakit hindi ako nakapantulog. Cotton yellow long sleeves at pajamas pa rin ang suot ko na may print ng favorite character ko na si Pikachu.
Maingat na lumabas ako ng bahay matapos magsuot ng tsinelas. Bitbit ko ang phone ko na naglakad ako patungo sa gate ng subdivision.
I really thought we would not see each other again. May ganitong pagkakataon pa pala.
Wala nang katao-tao sa kalsada at loob ito ng subdivision kaya hindi ako natatakot kahit dis oras na ng gabi. Sa gate ay natanawan ko agad ang matangkad na pigura sa tabi ng guardhouse.
Nakapasok agad siya dahil nakita ako ng guard na kumakaway. Nakapamulsa si Hugo sa suot na cargo shorts at nang lumapit siya sa akin ay parang binagyo ang dibdib ko.
Sa ilalim ng lamppost kami sa kanto nangpang-abot. Napangisi siya nang mapasadahan ng tingin ang suot kong partner pajamas. "Oy, Pikachu."
Hindi ko pinatulan ang pang-aalaska niya. Mas natuon ang pansin ko sa malamlam niyang ekspresyon na hindi niya maitatago sa akin kahit mag-angas pa siya.
Shirt, cargo shorts at Nike slides ang suot ni Hugo. Magulo ang buhok, pawisan ang makinis na leeg, at amoy alak siya. Hindi naman mabaho, mabango pa rin. Lumalaban ang banayad na amoy ng gamit niyang men's cologne.
"Paano ka nakapag-drive na ganyan?" sita ko dahil nga lasing siya.
"Wala kong dalang motor."
Oo nga. Wala siyang motor. Naglakad lang siya papasok sa gate. Napakamot ako sa ulo.
"Grounded ako sa amin. Kinuha ni Daddy susi ng motor ko. Wala rin akong pera." Inilabas niya ang coin wallet sa bulsa at ipinakita sa akin. Walang pera. Ang laman lang ay dalawang motel discount card. Tag isa ang One Serenata at Sogo.
Nagusot ang mukha ko na ikinatawa naman ni Hugo.
"Judgemental ka, Pikachu. Bigay lang sa akin ito," aniya habang ibinabalik sa bulsa ang wallet.
"Kung wala kang pera, paano ka nakarating dito sa Pascam? Lumipad ka?"
"Nag 1-2-3 ako sa jeep."
Napanganga ako. "Are you serious?"
"Oo." Bumuga siya ng hangin. "Grounded nga ako. Huling barya ko, naibili ko na ng yosi. Wala na ako ngayon maski piso. Pautangin mo nga muna ako."
"Sige." Mapapautang ko naman siya. Malapit lang kami sa bahay kaya madali akong makakakuha ng pera.
"Good, Pika-Pika! Ang hirap mag 1-2-3 sa madaling araw e, mabilis mahalata."
Pinapagaan niya ang paligid sa pamamagitan ng pangbubuwiset sa akin. Akala niya ba makakalimutan ko ang boses niya kanina?
Habang naglalakad ay malumanay ako na nagsalita, "Hindi naman kailangang mag 1-2-3. Kung wala ka talagang pera, puwede namang makiusap nang maayos sa driver."
Nagtutule siya ng tainga gamit ang hinliliit. "Sa tingin mo paniniwalaan at kakaawaan ako ng driver?"
I glanced at him. Malabo nga siyang kaawaan ng driver ng jeep. Hindi naman kasi siya mukhang walang pangbayad. Mestizo, makinis, guwapo. Saka, simple man ang gayak niya na plain shirt at cargo shorts, hindi mumurahin tingnan ang mga damit. Halata ring original na Nike ang slides niya.
Mas hindi nakakaawa ang suplado niyang ekspresyon. Dagdag pa na lalong maangas ang dating niya sa ahit sa kanyang isang kilay. Meron pa siyang kumikinang na silver na hikaw sa tainga at dila.
"Papautangin na lang talaga kita," sabi ko kahit pa wala na akong balak singilin siya.
Pagdating sa kanto ng street kung saan ako nakatira ay nagpaalam ako na may kukunin lang saglit. Bumalik ako sa bahay. Kumuha ako ng buong five-hundred pesos sa wallet ko. Hindi naman kasi ako magastos kaya palagi akong may naitatabing pera. Binalikan ko si Hugo sa kanto at inabot ko agad ang pera.
"Ano ito? Buong limangdaan?" Tinaas niya sa ere ang papel na pera. "Gusto mong isampal 'to sa akin ng driver ng jeep? Di mo ba alam na barya lang dapat sa umaga?"
Napakamot ako ng ulo. Oo nga pala, magko-commute siya. "Sige, bibigyan kita ng coins mamaya."
Ibinulsa niya ang pera at pabukaka na naupo sa gutter ng kalsada. Panay ang pakawala niya ng buntonghininga.
"Ano pala ang problema, Hugo?" tanong ko. Nag-aalala talaga ako. Para sa akin, ang mga taong matitigas na katulad niya ay ang mga tao na mahirap kapag nagkaroon ng problema.
Hindi siya kumibo. Panay tsk lang siya.
Patingkayad ako na naupo sa harapan niya para hulihin ang mailap niyang paningin. "Puwede bang hulaan ko?"
Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Tungkol ba kay Sussie?"
Umismid siya at ibinato ang paningin sa ibang direksyon. Subok lang naman iyong paghula ko pero sa tingin ko ay tumama ako.
"Hugo..." tawag ko sa kanya pero ayaw niya nang tumingin sa akin.
Kahit madilim ay alam ko na pinamumulahan siya ng mukha dahil nahuli ko siya. Matagal ko naman nang alam e. Madali lang naman kasing masabi na may gusto siya kay Sussie.
"Why don't you confess?"
"She doesn't like me."
"Iyon din ang akala ko noon kay Harry."
"So, sinasabi mo na gusto ka ng Harry na iyon pero iniwan ka pa rin? 'Di ka ipinaglaban?"
"Ibang sitwasyon naman kami." Lumabi ako.
Tumayo siya at nagpagpag ng shorts. "Tara, lakad-lakad."
Tinulungan niya akong makatayo. Inalalayan niya ako sa kamay.
"When did you start liking her?" tanong ko habang naglalakad kami sa gilid ng madilim na kalsada.
"'Di ko na maalala."
Siguro bata pa lang sila ni Sussie. Magkababata kasi sila. Nabanggit niya na naging schoolmate niya sa elementary school ang babae. Palagi raw niyang nakakasabay sa uwian sa Memorial. Naging magkaibigan pa ang papa ni Sussie at ang mommy niya. Ahead siya kay Sussie pero dahil nga sa nag-repeater siya ay nagpang-abot sila noong Grade 8.
Sinulyapan ko si Hugo. Tahimik siya. Seryoso ang mukha. Panay ang buntong-hininga. Siniko ko siya. "Okay ka lang ba?"
Hindi siya kumibo. Bumuntong-hininga ulit.
Maliit akong ngumiti. "You like her so much."
"I do," deretsa at walang gatol na sagot niya na ikinagulat ko.
I was aware that Hugo had feelings for Sussie, but I didn't know that I was not prepared to hear it from him.
Nang huminto si Hugo sa paglalakad ay bahagyang nabiyayaan siya ng liwanag mula sa malapit na lamppost. Parang piniga ang puso ko nang makita ang lungkot ng mga mata niya. He was hurting...
Ipinilig ni Hugo ang ulo at yumuko. Napatulala ako nang makitang umuga ang malapad niyang balikat.
"Putangina, Jill. I like her so much." Basag ang boses niya. "B-but I can't say it to her... I can't..."
Nang mag-angat siya ng paningin ay pinangingislapan na ng luha ang gilid ng mga mata niya.
"W-why can't you?"
"She like someone else..."
Naawa ako sa kanya. Hinaplos ko ang likod niya na parang sa ganoong paraan ay matulungan kong mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
"She's too serious for her age but I find her cute. I grew fond of her. Noong una, akala ko ay wala lang. Akala ko noon na naaaliw lang ako. Pero lumalalim na pala ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano susubok kasi kilala niya ako na gago, kaya hinayaan ko na lang na ganoon ako sa mata niya, gago."
Napakapit siya sa balikat ko. Pati ang malaki at mainit niyang palad ay nanginginig.
"Ang tapang ko sa iba pero tangina, sa kanya, tiklop ako. Umuurong ang bayag ko."
"A-and what happened now, Hugo?"
"I thought it's too early to pursue her. Wala pa akong napapatunayan e. Saka kilala ko siya, hindi siya iyong klase na magmamadali. Mas lalong hindi siya iyong klase na basta magkakagusto kahit kanino. Pero alam ko na ngayon na mali ako. May gusto na siyang iba at hindi ako iyon."
That explained his pain. Naunahan na siya ng iba sa puso ng babaeng mahal niya.
Nakayuko siya habang buong katawan ay nanginginig. Nakakapit pa rin siya sa balikat ko at hindi niya napapansin na nasasaktan niya na ako. Hinahaplos ko ang kanyang likod para pakalmahin siya.
"I'm sorry, Herrera," paos na sabi niya.
"It's fine." Siniglahan ko lang ang boses kahit ang totoo ay naiiyak na rin ako. Mahapdi na ang lalamunan ko kakapigil.
May dumaang shooting star sa langit. Ang palagi kong ginagawa ay humiling para sa sarili at sa pamilya ko, ngayon ay ang hiling ko ay para kay Hugo. I wished for him to be happy.
Nakatingala rin pala siya sa kalangitan. May luha pa rin sa gilid ng mga mata niya.
"Hugo, you know..." mahinang simula ko. "Happiness is a choice. Hindi naman puwedeng lagi tayong malungkot. Puwede naman tayong gumawa ng paraan para kahit paano ay mabawasan iyong dinadala natin, di ba?"
Ibinaling niya ang paningin sa akin.
"Tonight, if you want, I'll help you."
"Huh?"
"Just for tonight..." Sinalubong ko ang nagtatanong niyang mga titig. "You can call me by her name."
Matagal siyang nakatingin lang sa akin bago bumukas ang mga labi niya, "Okay. Sussie."
Sandali akong napatigagal nang marinig ang pagtawag niya sa pangalan ni Sussie. But I managed to give him a smile. "Y-yes, Harry."
Natigilan siya at pagkatapos ay napahaplos siya sa kanyang mukha. "Agh! Are we crazy?"
Nagkibit ako ng balikat. "Maybe yes. Maybe no."
Napailing-iling siya. "You're so silly, Herrera."
Mahina akong natawa at ganoon din siya. Until we ended up laughing heartily at our foolishness.
Nang sumikat na ang araw ay nagpaalam na si Hugo na uuwi na. Nag-text na rin ang mommy niya at pinapauwi na siya. Hindi naman kasi siya natitiis ng parents niya.
Pinauuwi ko na rin siya. Natatakot ako na magtagal pa na kasama siya. I might tell him about my feelings without even realizing it.
Kinabig niya ako sa aking pagkagulat. Hinagkan niya ako nang magaan sa buhok. "Thank you, Herrera. If you happen to need me again, anytime, just call me and I will come to you immediately."
Ngumiti ako sa ilalim ng kanyang leeg habang sinasamyo ang amoy ng cologne niya at dinadama ang init ng katawan niya. "I'll keep that in mind..."
....
PAALIS NA KAMI. Dalawang araw na lang, lilipat na kami sa Tagaytay. Bagong lugar at bagong simula na rin ng bagong buhay.
Inaasikaso na lang ni Mommy ang parte niya sa bentahan ng lupa sa Pascam. Para walang gulo, hahatiin niya na lang ang parte niya para sa iba pa naming kamaganakan. Gusto niyang umalis kami na walang kasamaan ng loob.
Kung meron siguro na masama ang loob sa amin ngayon ay si Tita Eva. Hindi na rin talaga naging maayos pa ang samahan nina Mommy at ng nag-iisa niyang kapatid. Sinabihan siya nito na hindi siya mabuting ina dahil hindi niya ako nabantayan. Dinaramdam pa rin iyon ni Mommy hanggang ngayon.
Uminom ako ng tubig sa kusina. Nakatitig ako sa wall clock. Palalim na ang gabi at ako na lang ang gising.
Pagkatapos kong hugasan sa lababo ang baso na ininuman ay siyang pag-beep ng phone ko sa bulsa. Wala akong inaasahan na kahit sino.
Hindi rin si Hugo. Kahapon ay nakita ko ang naka-tag na status kay Hugo ng isa sa mga tropa niya. Inaasar siya ng mga ito. Photo ng warak na phone niya ang naka-tag at nasa caption ang kuwentong lasing. He dropped his phone on the road and a passing tricycle ran over it.
Walang phone ngayon si Hugo. Who would text me at this hour? Was it Dessy? Nasa Novaliches pa ang babae ngayon sa pagkakaalam ko.
Kinuha ko ang phone at binasa habang papunta sa sala. Hindi si Hugo at hindi rin si Dessy ang nag-text sa akin.
Unknown Number:
Do you think that's all? I am not done with you yet :)
Pinanlamigan ako. Alam ko kung sino ito. Pero bakit nagpaparamdam ulit? Akala ko tapos na. Akala ko ay wala nang kasunod pa.
Unknown Number:
I also have photos of you with Aguilar. Sa pagtambay niyo sa plaza nang kalaliman ng gabi at pag-angkas mo sa motor niya. Idadamay ko siya. Ano sa tingin mo ang iisipin ng parents mo kapag nalamang mahilig ka naman pala sa gago?
The text message was a threat.
Nag-alala agad ako na baka gawin niya ang banta. Baka i-send niya kina Mommy ang mga photos na kanyang sinasabi. Hindi ko na kayang dagdagan pa si Mommy ng ikasasama ng loob. Ayaw ko ring madamay pa rito si Hugo.
Nagmamadali at halos magkadulas-dulas ang mga daliri ko na nag-type ng reply sa kanya sa unang pagkakataon.
Me:
Anong kailangan mo?
Nag-ring ang phone ko.
"H-hello, Wayne..."
Narinig ko ang malamig na tawa ng isang lalaki. [ I'm flattered that you know it's me. ]
"Please don't send those photos to my parents. May problema pa kami ngayon sa bahay dahil sa nauna mong sinend. Please, Wayne. Just please..." And don't drag Hugo into this.
[ Meet me tonight and I will not send these photos to your parents. ]
Napatigil ako.
[ You know how much I like you, Jill, however, I realized that liking you is not healthy anymore. I know I must let go of you now. I won't send the photos to your parents and I won't bother Carlyn and your older brother anymore. ]
Mababa ang tono ni Wayne. Hindi ko alam kung paniniwalaan siya sa sinasabi pero kahit paano ay kumalma ako.
[ I just want to see you for the last time, Jill. Can you give me that? Don't worry, I mean no harm. But if you don't meet me tonight, you'll regret it. ]
Humigpit ang hawak ko sa phone. "S-saan tayo magkikita?"
Kahit hindi ko siya kaharap ay batid kong nakangiti siya. [ Let's settle this once and for all. Give me the closure that I deserve. Hihintayin kita ngayon sa bahay nina Dessy. ]
Pero walang tao kina Dessy ngayon. Sino ang makakasama namin kung pupunta ako roon?
Hindi na ako hinintay ni Wayne na makapag-isip pa. Nagbitiw na siya ng tapos na mga salita, [ Jill, you have to go alone. ]
Pagkamatay ng call ay natulala ako sa screen ng phone. Nang matauhan ay bumuo ako ng desisyon. Nagpalit ako ng damit at lumabas ng pinto. May takot at agam-agam sa aking dibdib, pero buo na ang loob ko.
Para matapos na, makikipagkita ako kay Wayne ngayon mismo.
JF
#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co