Truyen3h.Co

Tears Of Betrayal

"Nay!"

"Nay!"

Mahina naman akong napatawa sa dalawang batang lalaki na patakbong lumapit sa akin.

"Careful," mahinang saad ko rito.

Agad naman nakalambitin ang isa sa aking hita. Ang isa naman panay ang talon.

"Ang kulit nila!" bungad sa akin ni Nix na nakakarga naman ang isa sa kan'yang balikat.

Yes. I gave birth to triplets. Knox, Gage, at Ezra. Tatlong batang lalaking super cute. Kuhang-kuha nila ang mga mata ng kanilang ama.

Ibinaba naman ni Nix si Ezra. Nakasimangot naman ang anak ko.

"Suplado talaga ni baby Ezra," aniya ni Nix na pinanggigilan pa ang bata.

"No, Dada!" aniya naman ni Ezra na namumula na ito.

Napapailing na iniwan ko ang mga ito. Pumasok muna ako sa aking silid at mabilisang naligo. Maya maya kasi kakain na kami ng hapunan.

Napatingin naman ako sa salamin at tinititigan ang aking kahubdan.

Si Nix at Zachary ang kasa-kasama ko noong buntis ako hanggang nakapanganak. Mas pinili kong isilang sila ng normal kahit delikado ito. Sobrang saya ko na masilayan ko ang mga anak ko. Nag-uumapaw sa sobrang saya dahil binigay na sa akin ang aking pangarap na maging ina.

Huminga ako ng malalim at nagbihis na. Pagdating ko sa baba, sobrang kalat at ang gulo sa sala.

"Knox, Put it down!"

Buhat-buhat niya kasi ang flower vase. Sobrang kulit talaga nilang tatlo. Kahit si Zachary, sumuko na rin ito. Si Nix, lagi na lang napapamura dahil minsan na itong pinokpok sa ulo ng walis ni Gage.

Dinampot ko muna ang mga kalat sa sala. Pero si Ezra, sagad ang kakulitan. Lahat na lang nakikita niya, sisirain at maya maya lang buuin niya rin ito.

Agad ko naman kinarga si Ezra dahil nakaakma naman itong buhatin ang pigurine.

"Ang hyper mo," hagikhik na saad ko rito.

"Nay!"

Napatingin naman ako kay Knox.

"Knox, behave," Sigaw ko rito.

"Dinner is ready," nakangiting saad ni Nix na buhat-buhat si Gage.

Napabuga naman ako ng hangin. Mabuti na lang nandito si Nix. Nakaraang araw pumunta rin dito su Zachary. Bago ito umuwi may bukol pa ito. Binato ito ni Knox ng laruan. Kapag weekend naman sila Mommy at Daddy ang nag-aalaga sa triplets.

"Dada! Dada!" tawag naman ni Gage na tinuturo kay Nix ang hotdog. Umaga, tanghali at gabi, hindi talaga nawawala ang hotdog sa hapag.

"Okay. Baby Knox, upo ng ayos. Ikaw naman Baby Ezra, huwag mo lamasin ang kanin. Gage, isang hotdog lang," aniya ni Nix na napakamot pa ito sa batok.

Pasimple naman akong ngumiti.

"Saan ka pala galing kanina?" tanong ng binata sa akin.

"Sa underground," diretsong sagot ko rito. Ayoko magsinungaling kay Nix.

"Nag-usap na tayo, di ba?" naiiritang saad niya.

"Alam mo ang dahilan kung bakit bumalik ako sa underground, Nix," saad ko naman.

Napabuntonghininga ito. "Paano mo malalaman na kasamahan mo ang nagpasabog sa sasakyan ni Duncan? Sigurado ka ba? Paano kung mga kalaban din nila!"

"Mamaya na natin pag-uusapan ito. Nasa harap tayo ng mga bata," mahinang saad ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Nay? W--Wa--Wa-ter!" Nagsisigaw na saad ni Ezra.

Dali-daling inabot agad ni Nix ang tubig. After kumain ako na ang nag-asikaso sa mga bata. Pinunasan ko ito at ni-ready sa pagtulog.

"Nay, wa-watch!" Nagtatalon na saad ni Gage.

"Watch tomorrow, okay?" malambing na saad ko rito.

Sa iisang silid lang ang triplets. Kasa-kasama rin nila ang kanilang Yaya.

"Go to sleep, Kiddo's,' nakangiting saad ko at isa-isang hinalikan ang mga ito sa noo.

"I love you," bulong ko.

Hindi maipagkaila ang mga mukha nila. Lahat nakuha nila kay Geo. Mata, ilong at labi. Kahit ang buhok nila.

Tinawag ko muna ang dalawang Yaya ng triplets bago ako lumabas. Agad ko naman pinuntahan si Nix nasa pool area. Nadatnan ko itong umiinom ng alak. Umupo naman ako sa kan'yang tabi.

"Bumalik ka ba talaga sa underground para alamin ang tunay na salarin sa pagkamatay ni Duncan? O dahil gusto mo lang ulit magtrabaho doon?" seryosong tanong ni Nix sa akin.

Huminga naman ako ng malalim.

"Both. Naniniwala ako na kasamahan ko ang may gawa sa pagsabog ng sasakyan ni Duncan. Yes, gusto ko bumalik sa dating trabaho ko. Na dating ako. Ang Elle na noon."

"Hindi mo ba iniisip na na puwedeng madamay ang mga bata! Belle naman! Madadamay sila sa delikadong trabaho mo!"

"It's seven years ago, marami na ang nagbago. Lalong-lalo na ang physical na anyo ko. At lahat na information at identify ko, hindi nila malalaman. At sisiguraduhin ko na safe ang mga anak ko, Nix."

"Damn! Are you sure! May tinatago ka pa ba bukod sa nangyari kay Duncan?!" galit na tanong ni Nix sa akin.

Napalunok naman ako. Nanigas bigla ang aking katawan.

"W-Wala."

Humarap naman ang binata at pinihit paharap sa kan'ya.

"Nandito lang ako, Belle. Mahal na mahal ko kayo. Handa ko gampanan ang responsabilidad para sa mga anak mo. Please, hayaan mo akong pumasok ulit sa buhay mo," mahinang saad niya.

Hinaplos ko naman ang makinis niyang mukha. Sino ba ang hindi magkagusto sa isang Nix Monteverde.

Hinawakan naman niya ang kamay ko, dumukwang ito at  mariin akong hinalikan. Napapikit naman ako at ninanamnam ang matamis na halik ni Nix. Naramdaman ko rin ang kamay niya nasa loob na ito ng aking damit.

Napasinghap ako na pinisil niya ang isa kong dibdib. Agad ko naman itong itinulak.

"S-Sorry. I-I'm so sorry, Nix."

Malungkot naman niya akong tiningnan. Dali-daling tumayo ako at bumalik sa aking silid.

Napatingin ako sa sasakyan ni Nix na palabas na ito ng gate.

Hanggang kailan ko nga ba maitago ang lahat?

Ang pagkamatay ni Duncan.

Ang massacre na nangyari. Sa pamilyang Smith. The innocent people we killed.

Si Grace Chua, ang diniin sa kasalanan na hindi naman niya ginawa.

Si Jacel ang kasa-kasama ko. Walang alam ang underground sa ginawa naming pagmassacred.

I'm so young that time. Nabulag ako sa offer ng taong nag-utos sa amin.

Because of my Dad's connection, nilihis ang investigation. Dahil madumi ang pangalan na ni Grace Chua, ginamit ito ni Daddy para takpan ang imbestigasyon.

Pero alam ko ang totoo. Ako mismo naghanap kay Grace Chua. Na coma siya at oras na magising siya, hahanapin niya ako. Hahanapin niya ang tunay na pumatay sa pamilyang Smith at ibang nadamay sa massacred.

Napaupo ako sa kama. Kahit anong bura ko sa aking ala-ala. Nasa puso ko pa rin ang pagsisisi at takot. Balang araw, alam kong sisingilin nila ako. At iyon ang paghahandaan ko.

Binuksan ko ulit ang isang file na pinasa ng isang kasamahan ko.

Nakatitig ako sa isang napakaguwapong lalaki. Ang matangos niyang ilong. Ang mapula niyang labi. Ang mata niya na parang hinihigop ang aking kaluluwa.

"Trace Dimagiba."

Ang isa sa  suspect ko na may kinalaman kay Duncan.

Isa sa sikat na bar na lagi itong lumalagi. Ang Casa Bar na pag-aari ng mga Geller.

Kailangan ko ng bumalik sa Pilipinas.

Handa na ba ako?

Huminga ako ng malalim. Ibinalik ko ulit ang aking tingin sa monitor.

Trace.

Napangisi naman ako. Sabi ng private investigator ko, sobrang babaero ito.

Well, halata naman.

Patricio "Trace" Dimagiba,  Jr.

Son of Governor Patricio Salvacion Dimagiba,  Sr.  Their family rule Salvacion. He has sister name Patrice Gertrude "Paige" Dimagiba. Pero patay na ang kanilang ina.

Naging head ito ng mafia organization, The FOEDUS CORP.

Nagkibitbalikat lang ako.

See you soon, Trace.

Kinabukasan, hindi na pumunta si Nix sa bahay. Pero dumating naman si Zachary.

"Dada!"

"Dada!"

"Dada!"

Sobrang ingay talga ng triplets.

"Damn! Pagkatapos ko kayong bigyan ng pasalubong, babatuhin niyo na naman ako!" nakasimangot na saad ni Zachy.

Gigil na gigil na kinagat ito ni Gage sa braso.

"Ouch!"

Napapailing na kinuha ko si Gage at binuhat.

"Siguro tinuruan 'yan ni Monteverde!" inis na saad niya.

Mahina naman akong napatawa. "Hindi ka na nasanay sa mga kalokohan ng tatlong ito."

Tinawag ko muna ang mga Yaya nh triplets dahil may pag-uusapan kami ni Zachary.

"I'm going home," seryosong tiningnan ko ito ng diretso sa mga mata.

Nakakunot naman ang kan'yang noo.

"Why? Maganda na ang buhay niyo dito sa Germany. May kinalaman ba ito sa trabaho mo?" diin na tanong niya.

Yes. Alam din ni Zachary na bumalik na ako sa underground.

"Wala. Gusto ko lang umuwi. May kausapin lang akong tao. Iiwan ko muna dito ang triplets."

"Huwag ka na magsinungaling, Elle! Alam kong may kinalaman na naman ang misyon mo kung bakit uuwi ka sa Pinas. See? Iiwan mo ang mga bata dito dahil delikado ang gagawin mo!"

Napabuntonghininga naman ako.

"Kaya ko na ang aking sarili."

Napahilamos naman ito sa mukha.

"Why you're so hard headed! Maliliit pa ang mga bata! Elle, ano ba talaga ang dahilan kung bakit nagtatrabho ka sa organization na iyon?!"

Tumayo ako.

"Hindi mo na kailangan malaman pa. By the way, bukas na ang flight ko. Tatawagan ko na lang si Nix para magpaalam na rin," saad ko rito at tumalikod na.

Kinagabihan, nag-away na naman kami ni Nix. Buti na lang sa telepono kami nag-usap. Wala rin ito nagawa sa desisyon ko.

Maaga akong gumising at ginayak ang aking mga gamit.

Mangiyak-ngiyak na hinalikan ko ang triplets.

"Behave, okay? Babalik agad si Nanay."

Baliwala lang ang mga ito. Walang kaalam-alam na aalis ako.

"Huwag niyo pababayaan ang mga bata," baling ko sa dalawang Yaya.

"Yes, Ma'am."

Nagpaalam na rin ako sa parents ko. Pupunta rin sila dito sa bahay para mabantayan ang mga bata.

Maaga ang flight ko kaya maaga rin akong umalis sa bahay. Sa sobrang haba ng biyahe, parang lupaypay na rin ang akinnmg katawan. Dumiretso na ako sa aking condo. Tinawagan ko na rin si Kuya Crimson na ihatid ang aking kotse. Wala akong sinayang na oras. Nagpahinga ako ng buong araw dahil bukas ng gabi kailangan ko na umpisahan ang aking misyon.

Hindi ko alam, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang kaba. Alas otso ng gabi, gumayak na ako papunta sa Casa Bar. As usual, sobrang daming tao. Nakasuot ako ng fitted jeans, black sando at high heeled stiletto. Bumagay naman ang suot ko sa aking maiksing buhok. Nakalabas ng kaunti ang aking pusod at syempre konting expose ng aking cleavage.

Pagpasok ko pa lang halos napalingon ang lahat sa akin. Ngumiti naman ako ng matamis.

Pasimple naman akong ngumiti. Tamang-tama nasa counter ang grupo ni Trace. At nakita ko rin ito. Nagkasalubong pa ang aming mga mata.

Ngumiti ako sa bartender. "Sex on the beach, please," nang-aakit na saad ko rito.

"Right away, Ma'am."

Humarap naman ako sa aking katabi.

Hazel brown eyes. Iyan agad ang napansin ko rito.

Kung sobrang guwapo niya sa litrato, mas lalo sa personal.

"Hi," bati ko rito sabay kagat ng aking ibabang labi.

Kung nandito si Zachary at Nix, baka mapaaway na naman ang dalawang unggoy na iyon.

Buti na lang nagpaiwan ang mga ito. At dahil na rin abala ang mga ito sa kani-kanilang negosyo.

"Single?" agad na tanong niya.

Tinaasan ko naman ito ng kilay. "What do you think?"

"Your place or mine?" tanong niya na napanganga naman ako.

"A-Ahmm..your's!" agad na sagot ko.

Napasubo na ako.

Ngumisi ito at inabot ang aking kamay.

Naghiyawan naman ang mga kasamahan niya.

"Let's go," paos na boses na saad niya.

Huminga naman ako ng malalim.

Napatingin naman ako sa bartender.

Umiiling-iling lang ito.

"I'm so excited," baling ko kay Trace at hinayaan itong hilahin akong palabas.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co