Truyen3h.Co

Tears Of Betrayal

"Hindi kami sasama! Puwede ba, Geo!" Galit na saad ko rito. Hindi pa rin kami sumunod sa kan'ya. Umuwi kami sa mansion pero ang loko, pumunta dito sa mansion at bitbit halos lahat ang mga kaibigan niya.

"Ziena, anong puwedeng gawin ko? Gusto ko makuha ang mga bata," aniya naman ni Geo.

Nagngingitngit naman ako sa galit.

Talagang kumpleto pa ang dala-dala niya. May lawyer at may police. Si Ate Jenny ay police ito. Si Ate Ziena naman ay abogada.

"Well, ayaw mo ba makuha ang Ina? Or ang mga bata lang?" Nakangising tanong ni Ate Ziena.

Gigil na gigil na talaga ako sa koreanong ito!

"Kung puwede kasama rin ang ina, baka kasi masalisihan ako," sagot naman ni Geo sabay tingin sa akin.

Kapal ng mukha!

"Bayad muna, Lee. Alam mo naman ang policy ko, payment first," saad ni Ate Ziena at kumindat pa sa akin.

"Damn! Sobra-sobra na ang binayad ko sa'yo, Ziena Lara!"

Napairap naman ako.

"Kung puwede na pag-usapan niyo na lang ito. Ikaw naman, Geo, konting effort naman, hindi agad-agad kukunin mo ang mga bata!" Galit na saad ni Ate Gaia.

Mabuti pa si Ate Gaia, naintindihan niya ang sitwasyon ko.

"Yeah. Tama si Gaia. Ang mga bata ang kawawa, naiipit sila sa sitwasyon ninyong dalawa. At Belle, bigyan mo ng chance ang asawa mo, kahit para lang sa mga anak ninyo," mahabang litanya ni Kuya King.

"Hindi anak ni Geo ang triplets!" Inis na saad ko naman.

Lahat sila napatingin sa akin. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi. Tagos na tagos ang mga titig nila sa akin.

"Ang mga mata. Check. Ilong. Check. Labi. Check. Kulay ng balat. Check. So, team South Koreanong oppa  talaga ang triplets,"  saad ni Ate Jenny na nakangisi ito.

Napanguso naman ako.

" Huwag na umabot sa DNA test, Belle. Hindi mo mapagkaila na kalahi talaga ni oppa Geo ang triplets," saad naman ni Ate Ann.

" Sana po maintindihan niyo ako. Iniwan niya ako noon. Halos lugmok na lugmok ako. Tapos ngayon, parang wala lang sa kan'ya ang nangyari noon!" Nahihinakit na sumbat ko.

"Huwag masyado maarte, Belle. Baka mamalayan lang namin, may kapatid na ang Triplets. Sa galing pa naman magtatlong puntos iyang si oppa," saad ni Ate Ziandra na bigla lang sumulpot ito.

Halos lahat sila nasa panig ni Geo. Why not. Kaibigan nila ito at inaasahan ko na kakampi niya ito.

"Bakit hindi niyo subukan magsama ulit. Alam ko naman Belle, na may pagmamahal ka pa kay Lee," saad naman ni Ate Gaia.

Napabuntonghininga  naman ako.

"So, okay na ba? Ikaw Belle, hayaan mo na gampanan ni Geo ang pagiging ama niya. Ikaw naman na tukmol ka, ayusin mo na ang buhay mo!" aniya ni Ate Zia.

Lumapit naman sa akin si Geo.

" Uuwi na tayo sa bahay," aniya nakangiti na ito.

Lalo naman kumukulo ang dugo ko rito.

" Umuwi ka mag-isa mo!' bulyaw ko.

" Akala ko ba okay na tayo," aniya at niyapos ako.

Napanganga naman ako. Agad ko naman ito itinulak.

"Para sa mga bata lang! Pero sa atin, tapos na!" Gigil na gigil na saad ko rito.

Huminga muna ako ng malalim. Pinakalma ko muna ang sarili ko. Kung hindi lang nakakahiya sa mga kaibigan ni Geo, kanina ko pa ito pinalayas.

"Puwede mo isama muna ang triplets pero kasama ang mga Yaya nila. Dito muna ako sa mansion titira," mahinahong saad ko rito.

"Hahanapin ka nila kaya dapat kasama ka rin," aniya sa akin.

"Dami mo palusot, Lee. Kung ayaw sa santong dasalan, idaan sa santong paspasan. It's simple. Tapos!" saad ni Ate Jenny.

Kunsentidor talaga ang mga kaibigan ni Geo!

" Una na akong umuwi. Baka hanapin na ako ni Roice. At matanda na pati kayong dalawa, Geo and Maybelle, kung kaya pa ayusin, ayusin niyo para sa mga bata,"saad ni Ate Gaia at umalis na ito.

Tumayo na rin si Kuya King. At hinila si Ate Ziena.

" My King, saglit sisingilin ko pa si Geo!" Sigaw ni Ate Ziena.

"Paligayahin mo na lang ako, at doble ang ibabayad ko sa'yo," aniya naman ni Kuya King.

Si Ate Jenny naman sumunod na rin ito kay Ate Gaia. Si Ate Zia, nasa kusina ito at kumakain kasama si Kuya Rhenz.

"Baby?" Malambing na tawag sa akin ni Roice.

Masama ko naman itong tiningnan.

"Puwede mo na isama mamaya ang mga bata, bukas ko na sila pupuntahan," seryosong saad ko rito.

Napabuga naman ito ng hangin. "Okay. Alam ko naman na hindi ka tatakas, hindi mo kaya iwanan ang triplets."

"Whatever, Geo!"

Alam kong hindi ko na siya maiiwasan. Gusto ko rin tuluyan na makilala ng mga bata ang kanilang ama. Kahit hindi maganda ang aming nakaraan, ayoko sila idamay sa gulo namin. Gusto ko bigyan ng tahimik na buhay ang mga ito.

Maghapon nasa bahay lang ako. Pilit kong binaliwala ang lungkot dahil namimiss ko na agad ang triplets.

Kasalukuyan nasa pool ako at naliligo. Gusto ko i-relax ang aking katawan.

"Ma'am Belle, nandito po si Sir Nix," saad ng katulong.

Nagtataka naman ako. Akala ko ba pupunta siya sa bahay nila Ate Jane at Kuya Drey.

"Belle?"

"Hey. Akala ko ba pupunta ka sa birthday ni Ate Jane?"

" Hindi na. Kinuha na pala ang triplets?" Seryoso ang mukha niya na nakatitig sa akin.

" Yeah. Bukas pupuntahan ko sila."

Agad naman ito naghubad at tanging boxer lang ang suot. Lumublob agad ito sa tubig. Agad din itong umahon.

Lumapit si Nix sa akin at mariin akong hinalikan sa labi.

"N-Nix?"

"I love you. But I'm prefer to let you go. The kids need a complete family. Masaya na ako makikita na kay Lee ka babagsak.  I know, mahal ka niya."

Yumuko naman ako.

" M-May kasalanan siya sa akin. Hindi basta-bastang mapapatawad ko siya," diin na saad ko naman.

" You have to listen to his side. Baka may reason siya Kung bakit niya iyon ginawa. Okay?" Malambing na sagot naman ng binata.

" P-Paano ka?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko naman.

" Sanay na ako mag-isa. Don't worry, kaya ko na ang aking sarili. Basta, ayusin mo muna ang buhay mo, Maybelle."

Tumango naman ako at niyakap ito ng mahigpit.

" Thank you, Nix!"

" Your always welcome. About naman sa pagkamatay ni Duncan, let me handle this. Pagtuunan mo muna ang pamilya mo."

" H-Hindi puwede!" Natatarantang saad ko rito.

" Maybelle, delikado ang pinapasukan mo kung may involve na grupo ito. Baka pati mga bata madadamay. Trust me, okay?"

Wala rin akong magawa kundi sundin ito. Kagabihan , aga din ako pumunta sa dating bahay namin ni Geo.

"Alam kong hindi mo ako matitiis, Mrs. ko," aniya ni Geo pagkakita sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co