Truyen3h.Co

Tears Of Betrayal

GEO POV

Ayoko itago ang lahat kay Maybelle. Dahil takot na ako na iwanan niya. Kaya lahat ipinagtapat ko sa kan'ya.

"W-What?!" Maluha-luhang reaksyon njya.

Huminga naman ako ng malalim.

"Bago tayo in-arranged marriage, alam ko na ang nakaraan mo. Dahil sa maling akala, sinira ko ang pagsasama natin," malungkot na saad ko naman.

Napabuntonghininga ito. "P-Pilit kong kinalimutan ang lahat, Geo. Pilit kong lumayo at nagsimula ulit."

Kinuha ko naman ang kan'yang kamay. "Alam ko ang lahat, Belle. Ang nangyari noong gabing nakipagkarerahan ka. Nandoon din ako. Kasama ni Sylvester."

Nanlalaki naman ang mga mata niya. "I-Ikaw?" aniya na labis ang kinagulat.

Tumango naman ako. "I was there to support, my friend, Duncan. Nandoon din ako kung paano pinasabog ang kan'yang sport car."

"S-So, i- ikaw ang may h-hawak sa kan'ya?"

Tumango naman ako. " Kasama ang Daddy mo."

" A-Ano!"

Niyapos ko naman ng mahigpit ito.

" Huwag mo sisihin ang iyong sarili, my wife. Wala kang kasalanan. Okay?"

Yumuko naman ito. Hinaplos ko naman ang kan'yang hindi kalakihang tiyan.

"Si Jacel?" Mahinang saad niya 

"Siya ang nagpasabog sa sasakyan ni  Duncan," diretsong sagot ko naman.

Mahina naman itong napahikbi.

"Gusto mo ba siyang makausap?" Malambing na tanong ko sa aking asawa.

"H-Hindi pa ako handa. K-Kapag kaya ko na siyang harapin. I-Iyong babae mo p-pala?"

"Si Liecel? Nasa probinsya siya. At ibabalik ko na siya kay Zachary Ferrari," mahinang saad ko.

Kumalas naman si Maybelle sa pagyakap sa akin.

"K-Kapatid ni Zachary?!"

Tumango naman ako. "It's a long story. Pero, masaya naman ako na babalik na siya sa tunay niyang pamilya."

"Sino ang tatay na pinagbubuntia niya?!" tanong ng asawa ko na may kasama pang kurot sa aking tagiliran.

"I don't know. Ayoko rin alamin ang personal na  buhay niya. Sa ngayon, tayong dalawa muna," saad ko at mariin itong hinalikan.

Nakasimangot na naman ito sa akin. Kasalukuyan nasa mansion ng parents ko ang triplets. Kami naman ni Belle, nandito sa hideout.

" Baba na tayo, baka tapos na sila magluto," malambing na hinahalikan ko ito sa mukha.

" Ang baho mo, Geo!" Sigaw niya na pinaghahampas pa ako.

Napakamot naman ako sa ulo. Lagi na lang ito nanakit at sobrang Arte ni Maybelle. Naintindihan ko naman na stage ng paglilihi niya.

" Gusto ko ng fried bread with ice cream inside,"aniya na napakagat-labi pa ito.

Nakakunot naman ang noo ko.

" Seriously!" kinakabahang tanong ko rito.

" Yes!" Sigaw niya at pabagsak pa itong sinara ang pinto.

Napahilot naman ako sa aking sentido.

Pagbaba ko, bumungad agad sa akin ang nakangising mukha ng mga kaibigan ko.

"Nakaisa ka ba, bro?" Asar na tanong sa akin ni Bry.

Masama ko itong tiningnan. May kasalanan din ang hinayupak na ito sa akin. Alam kong may pagnanasa ito sa bunsong kapatid ko.

"Ipagluto mo muna si Maybelle ng fried bread with ice cream inside daw," saad ko kay Bry.

"Putang-ina mo! Ipagluto mo dahil asawa mo siya at bawal tanggihan ang naglilihi!" Sigaw naman ni Z sa akin.

Napakamot naman ako sa aking ulo.

" P-Paano lulutuin iyon?! Matutunaw ang ice cream!" Inis na sagot ko naman.

" Magaling ka lang umibabaw! Problema mo na iyan, huwag ka na mandamay!" sagot naman ni Ziena.

" Masarap ba mag-asawa ng  batang-bata, boys?" Nakangising tanong ni Z.

Hindi naman kami umimik ni Kier. Mas bata pa yata si Sheena kaysa kay Maybelle.

" Geo?!"

Napatingin kaming lahat Kay Maybelle na naiinis na ito.

Napabuga naman ako ng hangin at tumayo na. Narinig ko naman ang tawanan ng mga kaibigan ko. Pumunta na ako sa kusina para sundan ang asawa ko. Nandoon din si Wolf at kasama si Ville.

" Paano ba 'yan gagawin," tanong ko sa asawa ko na nakaupo ito katabi ni Ville.

" Kumuha ka ng bread muna," aniya at itinuro sa akin ang lagayan ng tinapay.

" Puwede naman, i-prito muna then lagyan ng ice cream," saad ko kay Maybelle.

" Ayoko nga!"

Napahawak naman ako sa aking ulo at hinihilot-hilot ito. Nakangisi naman si Lobo sa akin.

" Belle, come with me. May ipapakita lang ako sa'yo," Aya ni Ville rito.

Pagkaalis ng dalawa, si Lobo ang inutusan ko para gawin ang fried bread with ice cream inside.

" Bakit ako?! Saka puwede ba, Lee. Hindi lahat na gusto ng mga isip-bata niyong mga asawa, sundin niyo ito!"

Tinaasan ko lang ito ng kilay. "Ang dami mong sinasabi, Lobo. Ako na Ang gagawa!" inis na saad ko rito.

"Puta! Andres ka din pala!" Nakangising saad niya at lumabas na ng kusina.

Padabog ko naman niluto ang gusto ni Maybelle. 

"Tay? Tapos na ba?" Malambing na tanong ng asawa ko.

Nakangiting humarap naman ako sa aking asawa. "Yes, Nay," sagot ko at niyapos ko ito.

"Pakalmahin mo nga ang  alaga mo," aniya na tinulak ako.

Napatingin naman ako sa suot kong short. Tuwing nakadikit lang si Maybelle sa akin, tinitigasan na agad ako.

"Ay bakit ganito?" Nakasimangot na tanong niya.

"Matutunaw talaga iyan, Nay. Please, huwag mo naman ako pahirapan," nakikiusap na saad ko rito.

" H-Hindi naman mahirap magluto ah! Saka a-ayaw mo na ba sa akin?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya.

Napangiti naman ako at siniil ito ng halik.

" Mahal na mahal kita. Kahit ano ibibigay ko," kinindatan ko pa ito. Naintindihan ko naman ang ugali ni Maybelle dahil naglilihi kasi ito.

Bago kami umuwi sa bahay, dinaanan muna namin ang triplets.

"Puta, Ginto!" Galit na minura ko ito. Paano ba naman tinuturuan magsabong ang mga anak ko.

"Tay! Tay!" Nagtatalon sa tuwa na saad ni Gage.

"Patay daw!" Humalakhak na saad naman ni Ginto.

Nakakunot naman ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Gage, kung ako ang tinatawag niyang 'Tay' o ang manok na namatay.

"Baby Ezra, come here!" Sigaw ko naman. Napakamot naman ako sa aking ulo. Hawak-hawak kasi ni Knox ang duguang manok.

Punyeta talaga ang kapatid kong ito!

Napatingin naman ako kay Maybelle. Nakangiti ito habang pinapanuod si Knox na hawak-hawak ang manok.

"Nakakatuwa talaga si Knox. Animal lover talaga ang triplets," aniya na nawiwili pa ito.

Napairap naman ako. Mapagaya pa yata ang mga anak ko sa mga anak ni Sheena na mahilig sa exotic.

"Gold, babarilin talaga kita! Ilayo mo na 'yang manok sa mga anak ko!" Sigaw ko rito.

Gago talaga! Tinuturuan pa ang triplets ng mga kalokohan.

Oo masaya may mga anak. Pero puro konsumisyon naman ang naranasan ko. Pati ang asawa ko nakisabay di sa pagpapasaway.

"Tay!"

Masayang mukha ni Maybelle ang sumalubong sa akin. Kanina kasi nagpa-check-up ito at kasama si Gabby, ang bunsong kapatid ko.

"Guess what?!" 

Napataas naman ang kilay ko. Parang kinakabahan naman ako.

"A-Ano iyon?"

"Tay! Lalaki ulit ang mga anak natin!" Masayang saad niya.

Parang loading pa ako sa sinabi ni Maybelle.

Mga? 

Lalaki?

"M-Mga? Y-You mean, dalawa?" Nauutal na tanong ko.

"Nope. Tay, apat sila! Quadruplets!" Aniya na napahawak pa ito sa aking balikat.

"Q-Quadruplets?!"

Apat?!

Damn!

Parang nanghihina naman ako. 

Apat talaga?!

"Tay, are you okay?" Nag-alalang tanong ni Maybelle sa akin.

Parang nanlabo naman ang paningin ko.

Shit! Bakit apat?!

Saka nagdilim ang paningin ko.

"Geo!" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co