Truyen3h.Co

The Dare [COMPLETED]

Chapter 5

ImyourQueennn

Chapter 5

LEA CRISTINE'S POV

Nilakihan pa ni Lea ang hakbang ng mga paa, ng marinig ang sunod-sunod ang pag doorbell sa pintuan. Hindi alam ni Lea kong sino ang mag bibisita sakaniya ng ganito ka-aga dahil kaka-alis lamang ni Mark papuntang Office. Wala din naman siyang inaasahan na bisita na darating kaya't ganun na lamang ang pag mamadali ni Lea na puntahan ang pintuan.

"Sandali lang," tuloy niyang tinig. Hinawakan ni Lea ang seradura ng pintuan at binuksan iyon. Ganun na lamang ang gulat ng makita kong sino ang mistulang tao sa likod ng pintuan.

"Lea!" Matinis na tili ng babae.

"J-Jamie?" Gulat na tinig ni Lea, ng makilala kong sino iyon. Lumawak pa lalo ang ngiti sa labi ng dalaga at binuksan nito ang kaniyang balikat para lamang salubongin ako neto ng mahigpit at mainit na yakap. "I miss you so much Lea! Kamusta kana?" Tinig nito at si Jamie na ang pumutol ng kanilang pag-kakayakap.

Hindi na maipinta ang lawak ng ngiti sa labi ng kaniyang kaibigan ng sandaling mag-kita silang muli.

Ginaya ni Lea si Jamie, papasok sa kanilang bahay para makapag-usap ng masinsinan na dalawa. Nang mapa-dako sila sa sala, ginaya niya itong ma-upo sa couch.

"Hindi mo naman sinabi na ngayon na pala ang uwi mo." Nilapag ni Lea ang hinandang snack para sa kaibigan. Isa lamang iyon na simpleng black forest cake at tea. Buong pag-iinga na nilapag ni Lea ang hinandang snack sa glass table.

"Kaya nga surprise hindi ba? Dumiretso na kaagad ako dito sa bahay niyo, dahil gustong-gusto na talaga kitang makita Lea." Umayos ng pag-kakaupo si Jamie sa couch, at mas pinili ni Lea na maupo sa long couch na katabi lamang ng kaibigan. "Hindi din alam nina Mommy at Daddy na ngayon ang uwi ko ngayon. At kahit si Kuya Mark walang kaalam-alam na nandito na ako." Masayang kwento nito.

Hindi mapigilan ni Lea na palihim na pag-masdan ang kaibigan na si Jamie. Maraming pinag-bago sa istura ng kaniyang kaibigan na lalo itong gumanda at pumuti. Naka-suot si Jamie ng black fitted pants at tinernuhan lamang ng white crop-top. She even dyed her hair into black and gray highlights. Simpleng make-up lamang ang nilagay ni Jamie sa mukha, pero kahit ganun lumitaw ang pagiging natural nitong itsura at ganda. Lalo pa itong gumanda at ang kaniyang katawan, napaka skinny talaga. Ibang-iba na talaga ang gandang taglay ng kaniyang kaibigan. It's been 5 years itong hindi umuwi sa Pilipinas dahil pinag-patuloy niya ang pag-aaral narin. She's taking Law kaya't naging abala na rin ang kaibigan niyang si Jamie sa trabaho at pag aaral nito kaya't unti-unti na rin nawawala ang communication nila sa isa't-isa.

"Siya nga pala Lea, may dala akong pasalubong sainyo at lalong-lalo na rin ang pinaka-cute kong pamangkin. Asan na ba si Steven?" Ginala ni Jamie ang paningin para hanapin ang aking anak. Pansin din ni Lea ang ilang piraso na dala pala nitong paper-bag, hindi niya namalayan na may dala pala ito kanina pag pasok kanina ni Jamie.

"He's not here. Nasa school siya ngayon." Namilog ang mga mata nito sa aking sinabi.

"Wow naman. Siguro big boy na ang pamangkin ko hindi ba?" Anito at nilapag sa isang tabi ang paper-bag na hinanda nitong pasalubong sakanila. "Siguro ang guwapo na ni Steven ngayon at kamukhang-kamukha niya si Kuya Mark. Simula no'ng umalis ako, pinag-bubuntis mo pa lang noon si Steven. So tell me, hindi naman nag mana ang pamangkin ko sa napaka-samang ugali ni Kuya Mark ano?" Pag-uusisa pa lalo ni Jamie, na mapa-ngiti na lamang muli si Lea sa sinabi nito. Hanggang ngayon napaka-kulit pa din ni Jamie, at hindi pa din siya nag babago.

"Haha, hindi Jamie. Napaka-buti at napaka-bait na bata si Steven. Tiyak kong matutuwa ka, kapag nakita mo siya mamaya."

"Mabuti naman ano? Pabor pa ako na mag-mana si Steven sa ka-guwapuhan ni Kuya. Pero sa ugali? Jusko, huwag naman sana dahil nakaka-takot naman. Haha." Sabay silang nag-tawanan at nag-kulitan ni Jamie ng sandaling iyon.

Marami rin silang napag-usapan mga bagay-bagay na memorable at magagandang nangyari sa kanila noon ng kaibigan. Ganun din si Jamie, nag kwento din ang kaibigan niya sa naging karanasan at pamumuhay niya sa ibang bansa sa loob lamang ng ilang taon. Nilibot ni Lea din si Jamie sa kabuuang bahay nila.

Malaki naman talaga ang bahay nilang dalawa ni Mark at mayron lamang iyon na dalawang palapag. Sa unang palapag, matatagpuan mo ang napaka-laking sala, kusina, banyo, study room ni Mark, laundry area at isang kwarto na rin. Pinag halong white and brown ang painting ng kanilang bahay. Nag kalap din ang mga mamahalin na mga vase at painting sa bawat paligid. Sa pangalawang palapag naman doon mo rin matatagpuan ang master bed room nilang dalawa ni Mark. Silid ni Steven, stock room, malaking sala na pwede kang manuod ng movie, at dalawang bakanteng room na nilaan nila sa magiging guest nila sa bahay.
Sa likurang bahagi ng kanilang bahay, naroon ang napaka-laking pool at grilling area. Sa unahan naman naroon ang garage area at napaka-lawak na harden na naka-tanim ang sari-sari at makukulay na mga bulaklak.

"Alam mo, ito ang kauna-unahang pag-kakataon na maka-punta ako dito sa bahay ninyo ni Kuya Mark. Napaka-ganda pala ng bahay niyo Lea." Naka-ngiting tugon ni Jamie at naka-sunod lamang si Lea sa kaibigan na kasalukuyang na mapunta sila sa kusina. "Ikaw lang mag-isa dito Lea? Napansin kong wala ka atang maids dito sa bahay." Inosenteng tinig ni Jamie na matigilan si Lea.

"Oo, ako lang mag-isa dito sa bahay." Nahihiyang sambit niya, na kina-kunot naman ng noo ni Jamie.

"What? You mean? Wala man lang kayong kasambahay?" Namilog na ang mga mata nito. Siguro nag tataka siya na ako lamang mag-isa, at walang katulong dito sa napaka-laking bahay namin ni Mark. "Huwag mo rin sabihin sa akin, na ikaw mismo ang gumagawa ng mga gawain dito sa bahay?"

"Oo." Lalo pa itong nagulat sa aking sinabi.

"Ha? Bakit naman? Dapat naman may katulong ka dito. Jusko, napaka-lawak kaya ng bahay niyo na kahit siguro ako, hindi kayang ubusin lahat ng mga lilinisan na ganito kalawak na bahay. Huwag mong sabihin sa akin, na hinahayaan ka lang ni Kuya Mark, na gawin lahat ng mga gawain dito sa bahay?" Naging iba na ang tono ng tinig ni Jamie, na animo'y hindi nito nagustuhan ang kaniyang narinig.

"Ayos lang naman Jamie, at isa pa kaya ko naman na gawin ang mga gawain bahay. Iyon nga ang g-gusto ko, ang nalilibang ako." Tugon ko.

"Ewan ko ba sa'yong babae ka... Huwag mo rin pag-pagudin ang sarili mo kong minsan dahil mag-kakasakit ka sa ginagawa mong iyan eh... Tignan mo nga ang sarili mo, sobrang payat mo na at napaka-putla na nang balat mo." Hindi maiwasan ni Lea na kabahan dahil sa pasimpleng pag-obsera ng kaibigan na si Jamie sa aking kilos at katawan.

Natatakot din si Lea na maka-gawa ng pag-kakamali sa harapan ni Jamie. Buti na lamang naka-suot si Lea ng mahabang skirt na brown at may mahabang longsleeve, na natatakpan ang pasa at sugat niya sa katawan. Tiyak na magagalit at malalaman ni Jamie na sinasaktan ako ng kapatid niya.
Ayaw kong malaman niya din na gano'n ang aking nararanasan na pag-mamalupit ni Mark sa akin.

"Ah eh.. Jamie?" Kabado kong sambit, na humarap naman siya sa akin kaagad. "May balita ka pa ba kay Mae?"

"Mae?" Kunot-noong tinig nito. Siguro hindi niya din nahulaan kong sinong Mae ang tinutukoy ko.

"Si Mae? Yo'ng girlfriend ng Kuya mo, no'ng bago kami ikasal?" Kagat-labi kong tinig. Simula kasi no'ng ikasal kami ni Mark, sinabi niya sa akin nag kahiwalay sila ng kaniyang nobya dahil na rin nalaman nitong nabuntis na ako noon.

Dalawang beses ko lamang nakita noon si Mae, no'ng minsan pumupunta ako sa bahay nila Jamie noon, pero hanggang doon na lamang ang narinig kong balita tungkol sa kanilang dalawa. Akala ko noon break na silang dalawa ng sandaling may nangyari sa aming dalawa, pero mukhang mali pala ako ng akala. Dahil no'ng araw ng malapit na kaming ikasal, doon ko lamang na nakipag-hiwalay na sakaniya ang kaniyang nobya.

"Ah si Mae ba?" Anito na animo'y may inaalala. "Wala akong balita sakaniya Lea. Huli kong pag-kakatanda labis si Mae nasaktan at umiyak sa naging insidente.. Nag migrate ang buong pamilya niya sa States at doon na sila tumira.. Hanggang doon na lang ang balitang nasagap ko. Bakit mo naman pala natanong?"

"W-Wala. Bigla lang ako na-curious kong asan na siya ngayon." Peke na lamang akong ngumiti. Ewan ko ba, kong bakit ko rin naitanong iyon sakaniya. Siguro na-curious lamang ako dahil hindi naman nag ku-kwento sa akin si Mark, simula no'ng ikasal kaming dalawa.

"Jusko huwag mo na siyang isipin ngayon. Ang importante, masaya kayong dalawa ni Kuya. Tignan mo happy married kayong dalawa ni Kuya at mahal na mahal ka niya." Hindi na maipinta ang matamis na ngiti sa labi ni Jamie. Sana nga Jamie. Sana nga totoong mahal nga din ako ni Mark. "Siya nga pala Lea, mayron akong gift for you."

"Ha?" Lumapit siya sa akin at tumigil sa harapan ko.

"Akala mo, kalimutan kong bigyan ng pasalubong ang matalik kong best friend?" nilabas nito ang bracelate na maganda sa bulsa. Napa-titig na lamang doon si Lea dahil napaka-ganda at mukhang mamahalin ang pag-kakagawa no'n.

"H-Hindi na Jamie, nakaka-hiya. Hindi ko ata matatanggap iyan." Pag-tatanggi ko pero, naging mapilit pa din siya.

"Sige na Lea, bihira lang naman ako mag-gift sa'yo, tatanggihan mo pa ba?" Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi nito at, kinuha nito ang aking kamay para ilagay doon ang bracelate.

"Hindi na talaga J-Jamie." Pilit ko naman na nilalayo talaga ang kamay ko sakaniya.

"Akin na ang kamay mo Lea." Pag-pipilit pa din nito at hinawakan nito ang aking pulsuhan, pero patuloy pa din naman ako nakikipag-talo talaga sakaniya.

"Okay lang talaga J-Jamie. A-aray!" Daing ko ng hinatak niya iyon ng hindi naman malakas, pero para saakin napaka-sakit no'n. Labis naman ang pag-kabigla ang gumuhit sa mga mata ni Jamie, sa aking naging expression dahil hindi niya din inaasahan. "J-Jamie, masakit." Naiyak kong tinig sakaniya dahil sobra talagang sakit.

"What? Hindi naman malakas ang pag-kahatak ko sa'yo ah." Anito ng malambing na tinig. Buong pag-tataka na tumitig sa akin si Jamie, at nababasa ko ang tumatakbo sa kaniyang isipan ng sandaling iyon. "Let me see nga Lea." Dahan-dahan nitong inaagaw muli ang aking kamay, na iniiwasan na masaktan muli ako sa pag-hila niya doon.

"H-Hindi, ayos lang talaga ako J-Jamie." Kabadong turan ni Lea dahil natatakot akong makita at malaman din ni Jamie ang ginagawang pamamalupit sa akin ng kaniyang Kuya. "J-Jamie." Tinaas ni Jamie ang suot kong sleeves at ganun na lamang ang gulantang sa mga mata nito ng makita ang bakas na pasa at sugat sa aking kamay at katawan. "J-Jamie, ayos lang talaga ako, huwag kang mag-alala." Kabado kong tinig at hahatakin ko sana pabalik ang aking kamay pero ayaw niya pa din bitawan.

"Ano ito Lea? Pasa ba ito? Bakit ka nag karoon ng ganito? Who did this to you?" Naging matalim ang tinig nito. Nakita ko rin sa kaniyang mga mata ang labis na pag-alala nang makita niya iyon sa akin.
Namutla na ang labi ni Lea sa labis na takot, ng sandaling iyon at pag-init na rin ng sulok ng aking mga mata.

"Ah-eh."

"Lea!"

"Nakuha ko lang iyan dahil naka-tama lang naman ako sa lamesa kanina.. O-Oo, naka tama nga talaga ako J-Jamie." Pag dadahilan ko na sana naman maniwala siya sa sinabi ko. Pinag-pawisan ng malagkit si Lea na baka malaman ni Jamie ang totoong nangyayari sakanilang dalawa ni Mark. Ayaw ko rin sabihin na sinasaktan ako ng kapatid niya.
Ayaw kong magalit siya.
Ayaw kong lumala pa ito, kapag sinabi ko sakaniya ang totoo.

"Sinasaktan ka ba ni Kuya? Sinasaktan ka ba niya? Ano?" Nabalot ng katahimikan sa panig naming dalawa. Napaka-lakas din ng kabog ng dibdib ni Lea ng sandaling iyon na hindi niya maipaliwanag. Kaba, takot at nerbyos na ang lumukob sa akin. Hindi ko alam kong paano ko sasabihin sakaniya ito. "I get it. Sinasaktan ka niya talaga.." matabang na tinig ni Jamie at binitawan nito ang aking kamay. "Tatawagan ko si Kuya ngayon na, hindi ako makakapayag na saktan ka lang niya ng ganito Lea!" Naging matalim ang tinig nito at tangkang kukunin ang phone nito sa bulsa ng mabilis ko naman itong pinigilan.

"Sandali lang Jamie, p-please huwag mong sabihin." Pag-mamakaawa kong tinig. Gumilid na rin ang luha sa aking mga mata. Natatakot ako na baka ako naman ang saktan at pagalitan ni Mark, kapag sakaling nalaman nitong nag sumbong ako sa kapatid niya. Ayaw ko na.
Ayaw ko na muling maranasan ang pag-bubugbog at pag mamalupit sa akin ni Mark.
Ayaw ko na muling umiyak.
Ayaw ko na nang gulo.
Kahit ganito ang ginagawang pag-trato sa aking asawa, kaya ko pa naman tiisin.
Kaya ko pa naman eh.
At hindi naman ako nag rereklamo doon.
Gusto ko, maging maayos ang samahan namin ni Mark, kaya't ayaw ko na lumala pa ito.

"Bakit Lea? Hindi naman ako makakapayag na saktan ka lang ng ganiyan ni Kuya."

"May hindi lang kami nag karoon ng pag kakaintindihan na dalawa, kaya't ganun.. H-Hindi naman sinasadya ng kapatid mo na saktan ako. N-Ngayon lang nangyari ito. P-Please Jamie huwag mong tawagan si Mark please. N-Nag mama-kaawa ako sa'yo." Garalgal kong tinig sakaniya.

"Huwag ka ngang mag sinunggaling sa akin Lea at huwag mo rin pag-takpan ang ginagawang pag-mamalupit sa'yo ni Kuya dahil mismo nang pasa at sugat sa katawan mo, ang makakapag-sabi na sinasaktan ka talaga niya." Anito. "Matagal na ba ito? Matagal kana ba niya sinasaktan? Dahil ba ito sa akin Lea? Dahil ba ito sa dare k-ko sa'yo kaya't sinasaktan ka ni Kuya?" Basag na tinig nito.

"It's not that Jamie." Saad ko. "Kasalanan ko naman talaga kong bakit paminsan nag-aaway kami ng K-Kuya mo. Huwag kang mag-alala dahil okay naman talaga ako, kaya ko pa naman eh." Mapait kong tinig, at doon ko nakita ang sakit at kirot sa mga mata nito.

"I know Lea, alam kong pinaparusahan ka ni Kuya dahil akala niya sinira mo buhay niya.. Alam ko rin kong saan capable si Kuya Mark, kaya't huwag mong sisihin ang sarili mo, dahil hindi mo naman talaga kasalanan." Saad nitong muli. "Pasensiya na talaga Lea , dahil sa akin nag hihirap ka. Dahil sa akin nasasaktan ka ng ganito sa piling ni Kuya... Kong may kapangyarihan lamang sana ako na itama ang lahat ng aking pag kakamali, sana hindi ko na lang di-nare iyon sa'yo ng gabing iyon... Pasensiya na talaga Lea. Huminggi ako ng kapatawaran sa'yo, dahil kasalanan ko naman talaga eh. Ako ang nag sira ng buhay mo dahil sa dare ko sa'yo." Emotional na tinig ni Jamie.

Mapait na ngumiti si Lea at hinawakan ang kamay nito. "I'm alright Jamie, hindi mo naman kasalanan eh. At tyaka choice ko naman na gawin ang dare mo sa akin...Wala akong pinag-sisihan nang nagyari ang bagay na iyon, dahil dumating ang anak ko... Dumating sa buhay ko si Steven at iyon ang pinaka -magandang nangyari sa buhay ko."

"Maraming salamat Lea." Naiyak na tinig nito at humigpit ang pag-hawak nito sa aking kamay. "Basta nandito lang ako para sa'yo. Kapag sinaktan ka ni Kuya, sabihan mo kaagad ako ha?"

"Oo Jamie." Niyakap siya ng buong higpit ng kaibigan at sinuklian niya naman ng mahigpit na yakap ito.

Nanatili ng ilang minuto si Jamie sa amin bago nito napag-desisyonan na umuwi. Alas nuwebe pa naman pasado ng umaga at may naka-laan pa naman ng ilang minuto bago uwian ng kaniyang anak sa school. Hatid-sundo ni Lea ang kaniyang anak sa school, kaya't bago umuwi si Steven maaga na din umaalis si Lea sa bahay para sunduin ang anak.

*****
"Good afternoon Mam Lea." Pinag-buksan ng pinto si Lea ng katulong ng maka-pasok siya sa Mansyon ng kaniyang mga magulang. Naisipan ni Lea na dumaan muna sa bahay ng kaniyang mga magulang para dalhan ito ng kaniyang bi-nake na cookies at cakes, bago sunduin si Steven sa school.

Iyon kasi ang hilig ni Lea ang mag bake ng cookies at cakes na kaniyang pinag-kakaabahalan na gumawa sa lahat.

"Good afternoon din Yaya, nandiyan po ba si Mommy?" Ginala ni Lea ang paningin sa kabuuang bahay, at mistula lamang maids ang kaniyang nakita, na abala sa kanya-kanyang mga ginagawa.

"Pasensiya na po Mam, kakaalis lang po ng Mommy niyo."

"Ah ganun ba? Sina Kuya nandiyan ba?"

"Wala po nasa Office pa din po sila." Anito. "Pero nandito po ang Daddy niyo Mam." Tugon nito na ako napa-kurap.

"Ha? Nandito si Daddy?" Tumango na lang ito bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.

"Opo, nasa likurang bahagi po siya sa may pool." Tugon nitong muli. Nakapag-tataka naman na narito ang kaniyang Daddy sa bahay, na dati-rati, na ganitong araw naroon ito sa aming kompaniya.

"Maraming salamat talaga Yaya." Napa-ngiti na lang si Lea ng mapa-dako ang tingin sa paper-bag, na hawak ko, na may lamang cookies at cake na ginawa ko kanina.

"Sige po Mam." Maiwan ko na muna kayo." Nag vow na lamang ito, at nag lakad na paalis.

Dumiretso na si Lea sa kusina para handain ang pag-kain at nilapag sa plate ang ginawa kong cookies at cake. Nag timpla na rin si Lea ng paboritong kape ng kaniyang papa at nilagay iyon sa tray. Gusto ko kasi na ibigay ito sa aking Daddy.

Gusto kong ipa-tikim ang ginawa ko, para sakaniya.

Napaka-bilis ng kabog ng kaniyang puso na nag lalakad patungo sa kaniyang Daddy. Kahit malayo paman siya, damang-dama niya na ang kakaibang tensyon na lumukob sa aking dibdib. Hindi ko maiwasan na pag-pawisan at manginig habang hawak ko ang tray, papunta sa direksyon ni Daddy.

Naka-upo si Daddy sa upuan at hindi nito napansin ang presensiya ko dahil nag babasa siya ng newspaper. Buong ingat na nilapag ni Lea ang hawak na tray sa glass table na tabi lamang ni Daddy, at buong ingat na nilagay iyon na inayos.

"D-Daddy, hinandaan ko po kayo ng snacks, sana po magustuhan niyo." Kabado na turan ni Lea, na wala pa din akong makuhang reaksyon si Daddy. Unti-unting binaba ni Daddy ang newspaper na hawak niya at humarap siya sa akin. Doon nanginig ang buong kalamnan ko, ng mag tama ang napaka-lamig at walang emosyon nitong mga mata.
Ganun pa din kalamig ang trato ay pakiki-sama niya sa akin.
Ang mga matang ayaw ko nang muli masilayan.
Ang mga matang, nag bibigay kirot sa aking puso.

"Alam mo po Daddy, bi-nake ko po iyan na cookies at cakes. Kumain kana po, dahil paborito mo talaga ang ginawa ko, dahil alam kong gustong-gusto mo po iyan." Pilit kong pinapa-sigla ang aking boses, na kahit sa loob ko, pinag-hihinaan na ako.
Hindi pa rin nag babago ang paraan ng pag-titig niya sa akin.
Ang mga matang bahid ng galit.
Nakaktakot ang itsura ni Daddy, na hindi ko maiwasan na matakot, ng tuluyan.

"Pwede kana sigurong umalis, pagkatapos neto!" Malagong at suntok sa aking dibdib ng kaniyang sinabi.

"P-Pero Daddy."

"Yaya!" Dumaongdong ang malakas at nakakatakot na tinig nito na ako'y kabahan lalo.

Pawisang lumapit sa direksyon namin ang takot na takot na mukha ni Yaya Clarita. "Yes po Sir." Nag vow pa ito sa harapan ni Daddy tanda ng pag-galang.

Tumikhim at umayos ng pag-kaupo si Daddy sa upuan. "Ihatid mo na si Lea sa labas ng gate, dahil uuwi na siya!" Final na tinig nito na ako'y pang-hinaan.
Bakit?
Bakit ganito?
Bakit napaka -hirap pa din sakaniya na patawarin ako?

"Po?" Gulat na tinig ni Yaya Clarita, na animo'y hindi nito inaasahan ang kaniyang narinig.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa'yo, o gusto mong masisante rin sa trabaho?!" Galit na tinig ni Daddy, na kulang na lang mamutla si Yaya sa labis na takot.

"O-Opo Sir." Kabado nitong turan, na animo'y napilitan na lamang sa naging utos sakaniya ni Daddy.

Tumayo si Daddy at hindi ako naka-ligtas sa napaka-talim na pag-titig niya sa akin.
Mga titig na, nag panakit ng puso ko.

"At itapon mo na rin itong pag-kain na dala niya at baka mag-kasakit pa tayo sa bitbit niyang basura!"malagong na tinig nito at bahagyang ginalaw ang plate, na animo'y ayaw nitong tikman iyon. "Sa susunod ayaw kong papasukin mo si Lea dito sa pamamahay ko! At sa sunod na maulit pa ito, masisisante kayong lahat sa serbisyo niyo!" Bantang tinig nito, na kina-yuko naman ng ulo ng mga katulong na naroon, na halatang ayaw nilang salubongin ang nag-babagang mga mata ni Daddy.

"Y-Yes Sir."

Puno ng galit ang mga mata ni Daddy at nag-simula na nitong ihakbang ang mga paa, para umalis.

"Sandali lang D-Daddy." Garalgal kong pigil lamang sakaniya. Alam kong magagalit siya sa aking ginawa pero wala akong paki-alam doon. Nanatili pa din naka-tingin siya sa akin pero wala pa ding pag-babago sa kaniyang mga mata. Ilang beses sinuntok ang puso ko sa lamig at walang emosyon na mga mga nito. "Alam kong galit kayo sa akin Daddy, dahil na rin sa pag kakamali na ginawa ko sa'yo noon
Alam kong b-binigo ko kayo dahil maaga akong nabuntis.. Na maaga akong nag p-pakasal.. Pero Daddy naman sana naman patawarin mo na ako.." basag kong tinig at nag simula nang manubig ang mga mata ko sa sakit at kirot ng puso ko. "Ano pa ba dapat kong gawin para lamang matanggap at mapatawad mo ako? Lahat gagawin ko D-Daddy. Lahat gagawin ko para mapa tawad mo lamang ako.. Hindi ako mapapagod na pumunta dito araw-araw, para mahinggi ang kapatawaran mo." Kasabay ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.
Ang sakit-sakit na nang puso ko, na hindi na ako maka-hingga sa sakit.
Napaka-sakit lamang dahil simula non'ng may nanyari sa aming dalawa ni Mark.
Parang tinakwil niya na ako.
Pakiramdam ko, binura na niya ako sa buhay niya.
Napaka-sakit lang eh.
Napaka-sakit lang dahil, mismo ko pang Daddy hindi ako magawang tanggapin.
Gano'n na ba napaka-kasalanan ang nagawa ko?
Lahat ng masasakit na salita at ginawa niya sa akin, lahat ng iyon nilunok at tinanggap ko.
Gumagawa ako ng paraan para lamang matanggap niya ako muli.
Mag hihintay ako.
Kahit gaano pa katagal.
Aasa ako.
Aasa ako na tatanggapin niya muli ako.
Kahit impossible na mangyari ang bagay na iyon.

"Huwag mo nang subukan! Kinalimutan ko na may anak ako! Umalis kana Lea, dahil kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita mapapatawad!" Asik nito at nag martsa na itong mag lakad paalis.

Sinundan na lamang ni Lea ng tingin ang kaniyang Daddy na nag lakad paalis, at sa bawat hakbang ng mga paa nito paalis sa naturang iyon, ang nag bigay din ng sakit at kirot sa kaniyang puso.

Million na karayom ang tumusok sa puso ko ng sandaling iyon. Hindi ko na magalaw ang aking mga paa na sundan siya paalis.

Sobra na.
Ang sakit-sakit na.

Aasa ako Daddy.
Hindi ako mawawalan ng pag-asa na balang araw, mapapatawad mo ako muli.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co