Truyen3h.Co

A Bloodless War

Kabanata 10

heartlessnostalgia

Kabanata 10

"HOW is she?" I whispered. Lumayo ako sa set at tumabi sa may gilid para makausap ang nurse.

"Ayos naman po, Ma'am, pero kadalasan po hinahanap kayo," aniya.

I sighed. Hinilot ko ang sentido ko at napailing.

"Anong sinasabi mo sa kanya?"

"Ang sabi ko po nasa shooting kayo, Ma'am. Umiiyak nga po madalas, gusto po siguro kayo makita."

My heart flinched. Napahawak ako sa dibdib ko at naisip ang itsura ng Momny ko sa sinabi niya.

"T-tell her I'll be back soon," nagpipigil na luha kong sabi, marahang napapikit at suminghap.

My Mom was paralyzed and was left alone with my stepfather, parang nagsisi tuloy akong tinanggap ko ang misyon na ito.

"Sige po, Ma'am."

"Is he visiting her?" tanong ko.

"Si Sir po?" tukoy niya sa stepfather ko. "Hindi, Ma'am. Madalas po ay wala sa bahay at hindi po nagsabi kung saan pumupunta."

Bumalik ako ng hotel na hindi nagsasabi sa mga staff. I just texted Jana about my disappearance. Nanghina na rin kasi ako nang marinig ang sinabi niya tungkol sa Mommy ko.

I was twelve when the yacht we've been sailing sunk. Kahit maliit pa ako, I can still remember it clearly, on how I strived hard to live, kung gaano ko sinubukang iligtas ang pamilya ko.

Papunta sana kami noon sa isang isla para mamasayal kasama ang mga magulang ko, I requested that. Me, together with my Mom and Dad. We're really happy that time. Kasi sa kabila ng schedule nila ay nagkaroon kami ng oras para mag-bonding.

As a twelve-year-old kid, ang gusto ko lang ay ang makasama ang mga magulang ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari, hindi ko na rin masayadong maalala. Ang alam ko lang ay sa isang iglap ay nagkagulo na ang mga tao, nag-umpisa nang lumubog ang yate at nagsitalunan kami.

My Dad tried so hard to save us pero dahil sa alon ay nahiwalay kami ni Mommy. Like my Mom, I can't swim too, kaya magkayakap kami habang lumuluha at sinusubukang maghanap ng makakapitan.

Nahiwalay na rin kami sa karamihan ng passenger ng yate, hindi ko na rin nakita ang Daddy ko. I remembered how a large wave ate us, nabitawan ko si Mommy at lumubog ako.

I was struggling hard, hindi ako makahinga. Ang dinarasal ko lang noon ay ang mabuhay at makasama ang mga magulang ko. Sana, sana hindi na lang ako nag-ayang mamasayal. Sana ay nag-stay na lang kami sa bahay, sana ay hindi kami nagkaganito.

I lost consciousness, I thought that was the end of my life, but I woke up in a hospital, full of bruise. Kaagad kong hinanap ang mga magulang ko, my mother was in coma that time, head injury. Tumama ang ulo niya sa bato dahil sa alon, my dad, Alejandro, well, he...he didn't make it. He's gone.

Napapikit ako at hinawi ang luha ko.

I don't know what happened, hindi siya nailigtas ng rescuers, hindi na rin nakita ang katawan niya na mas ikinalungkot ko.

Half of the passengers died in drowning while me and my Mom were lucky enough to live. Isang buwan matapos ang aksidente ay may pumunta sa ospital, Antonio raw ang pangalan niya, ang sabi niya sa akin ay kaibigan daw siya ng mga magulang ko.

My Mom, Carmina, was still in coma, walang nag-asikaso sa negosyo nila ni Daddy kaya lumubog ito sa utang. Hindi ko alam ang gagawin ko, I was just a child back then. Wala akong nagawa kung hindi ang magdasal at umiyak.

That Antonio guy helped us. Siya ang nagpatakbo ng negosyo ng magulang ko habang walang malay si Mommy.

Isang taon pa ang lumipas at ibinalita sa akin na nagising na siya. Nagkukumahog akong pumunta sa ospital, kagagaling ko lang noon sa school pero hindi ako nagpapigil.

I rushed there, only to found out that my Mom was paralyzed. Panibagong dagok ito sa buhay ko. Mas lumubog kami sa utang, mabuti na lang at nandito si Tito Antonio para alalayan kami.

Naghihinagpis man ay naging matatag kami ni Mommy. She cries silently, kapag nand'yan ako ay tahimik siya at ngumingiti ng pilit pero kapag sa gabi, kapag nagpapanggap akong tulog ay 'tsaka siya umiiyak.

Antonio offered to marry my Mom, in order to save our company. Wala akong nagawa, I was just a kid and hindi rin kaya ni Mom kaya ikinasal sila sa papel.

He's good at first, inalagaan niya kami ni Mommy but time came when his attitude changed. Umuwi na lang siya, isang araw, lasing. Naabutan niya akong alas-syete na umuwi kaya nagalit siya. He pulled my hair, slapped me, kicked me, he abused me physically.

I was helpless that time, si Mommy ay nasa kwarto at hindi makagalaw at ang mga maids ay wala ring nagawa.

That becomes his hobby kalaunan. Uuwi siyang lasing at bubugbugin ako. Ayos lang sa akin, as long as he won't hurt my mother, ayos na ako, kaya kong tiisin ang lahat.

I just cried myself to sleep, hindi rin ako nagpakita kay Mommy dahil ayokong makita niya akong ganoon, mahina at puno ng pasa.

One time, Antonio came knocking on my room. Yakap-yakap ko ang paa ko habang naglalakad siya papasok.

I was scared. Paano kung saktan niya ako? Paano kung pagsamantalahan niya ako?

"Alicia," aniya, malambot ang tono. That stopped me.

Nag-angat ako ng tingin, nanginginig sa takot. He sat in front of me. Inabot niya ako pero lumayo ako sa takot.

"No, h'wag kang matakot," aniya. "May i-o-offer lang ako sa 'yo."

"P-po?" nanginig ang boses ko.

"Sumama ka sa akin, I have a proposal for you."

"A-ano po 'yon?"

"First of all, I am sorry for hurting you." Napalunok ako roon at nakuyom ko ang kamay ko. "I was just drunk, hindi ko sinasadya. Sana ay mapatawad mo ako."

Hindi ako nakasagot roon at napatungo na lang.

"Alicia, hija..." inabot niya ang baba ko para makita ko siya, napatalon ako pero sa takot ay hindi ako pumalag. "Gusto mong tulungan ko kayo, 'di ba? Gusto mong mas umangat pa ang negosyo ng mga magulang mo, 'di ba?"

I nodded. I saw his devilish smile na halos nagpakilabot sa akin.

"Come with me, ipapakita ko sa 'yo." Isinama niya ako sa isang bodega.

I was scared at gusto ko mang umatras at umayaw ay natatakot akong saktan niya ako at ang Mommy ko. I know he's influential the first time I saw him.

Sinalubong kami ng mga malaking tao pagpasok namin. They were all wearing black, with their blank face and big bodies. They looked like goons! May balbas din ang iba at naka-shades pa.

Nang may dumaang grupo ng mga lalaki ay napaatras ako at naiwan ako ni Antonio. I saw one of the goons smiling widely, ipinakita niya pa sa akin ang baril niya at pinasadahan ako ng tingin at halos tumakbo ako sa takot.

"Berto! Not her!" sigaw ni Antonio na nagpatalon sa akin.

"Bagong bata mo, Boss?" ani nito at mas tinitigan ako. I saw Antonio smirked and nodded, kumalabog ang dibdib ko roon.

"Alicia! Let's go..." Mabilis akong tumakbo sa kanya at kumapit sa shirt niya.

The men laughed. Lumingon sa akin si Antonio sa matigas at malamig na ekspresyon kaya nabitawan ko ang shirt niya.

"S-sorry po..." I stuttered.

I thought his proposal is simple, but it wasn't. Nalaman ko na isa pala silang sikat na drug dealer, marami silang planta sa iba't ibang lugar sa bansa. Hindi lang iyon, si Antonio ang founder at pinuno nito.

They're even exporting drugs in other countries. Hindi sila mahuli-huli ng pulis dahil sa impluwensiya, sa mga kakilala at kasabwat sa gobyerno.

They owned billions already at nadadagdagan pa iyon dahil sa mas lumaki at dumami ang planta nila. He has thousands of men working for him at isa na ako roon.

I had no choice. Tinakot niya akong papatayin niya ang Mommy ko kung hindi ako papaya. Tinakot niya akong ibibigay niya ako at hahayaan ang mga tauhan niya sa gagawin sa akin kapag hindi ako pumayag.

I may look strong outside, but I am not. My mother is my weakness, siya na lang ang mayroon ako.

Sa murang edad ay alam ko na ang takbo ng negosyo nila. Doon ko rin nakilala si Trece at Hawk na mga ulilang bata at nakatira na lang sa lansangan. They took advantage for kids like us kasi hindi mainit sa mata ng awtoridad dahil mga bata lamang.

Hindi lang kaming tatlo ang mga bata noong panahong 'yon, marami kami. Sila ang naging malapit sa akin dahil sa iniligtas nila ako nang muntik na akong halayin no'ng Berto na matagal na pa lang pagnanasa sa akin.

Nagsumbong ako pero tinawanan lang ako ni Antonio at pinagalitan. Berto was still there pero hindi niya ako pinakialaman ulit.

They trained us, together with the other kids as their agents to fight, steal, and even kill for them. Kapag hindi kami sumunod ay papatayin kami.

Para sa Mommy ko, para maging ligtas siya ay sumunod na lang ako.

He changed my name legally, from Alicia Marie Buenavides to Alyx Riadna Alarcon, I don't know why.

Nag-aaral ako noon kapag weekdays at kapag weekends naman ay nasa headquarters ako para mag-ensayo.

We have different trainers. We have one in taekwondo, kickboxing, fencing, mixed martial arts, and any combat sport. They also trained us how to make a bomb, to shoot, to use different kinds of deadly weapons I didn't even imagine of doing.

The trainers liked me because I'm a fast learner. Ako rin ang isa sa leading agents nila dahil sa mga achievements ko.

They recognize me as their best when I lead a drug operation—mag-aangkat kasi noon ng droga patungong China at naroon ang mga pulis at mga agent ng FBI para mag-abang.nNatunugan ko iyon kaya gumawa ako ng paraan para hindi mahuli. Nilito ko sila, we have three vans for the operation at nagpadala pa ako ng tatlo pa para lituhin sila.

We changed our routes, akala ko ay iyon na pero may nakabantay rin doon. Good thing mas kaunti kaysa sa orihinal na ruta.

Their leader was there, a senator, together with his hired policemen and bodyguards.

We fought them, dinala namin sila sa isang secluded na lugar para walang makakita. I killed the Senator, one of the most influencial and made it look like a suicide. That was my first kill, I was eighteen back then.

Ipinalabas naming binaril niya ang mga kasamahan bago nagpakamatay and as easy as pie, na-i-deliver sa China ang mga droga.

On my first kill, they praised me, they cheered for me but I was sad. I am a murderer, hindi iyon mawala sa utak ko.

Hindi ako nakatulog nang halos isang buwan kung hindi ako iinom ng sleeping pills. At dahil sa sobrang depress ko, isang araw, I took a half bottle of pills. I was hospitalized, umiyak si Mommy noon at galit na galit si Antonio.

He abused me when I woke up, halos mapatay niya ako noon sa katangahan ko, he put a gun on my head, akala ko katapusan ko na noon pero hindi niya itinuloy dahil sa isinulsol sa kanya ng mga tauhan niya.

I become numb after that, para sa Mommy ko na lang ako nabuhay.

Nakilala ko si Jana noong third year college ako, he's a talent scout at ni-recruit niya ako kaya ako naging artista. Sikat ako, I was one of the rising stars of the network, umuulan ako ng fans at endorsements.

Ayos lang din naman kay Antonio dahil nagamit niya ang pagiging artista ko para dumami ang kliyente niya. I don't do drugs at all, it's all for work to save my Mom and will never use that.

I've killed a lot of people, ayaw ko man ay naging bahagi na ito ng misyon ko. My team includes my two friends, Trece as our hacker and Hawk na kagaya ko ay ang sumusugod sa mga misyon.

Unfortunately, now, siya ang naka-assign sa Japan para sa pagmanman ng mga tauhan doon ng kalaban at ako naman ay ang nakatakdang pumatay kay Archer.

Archer is one of the best agents of DEA or the Drug Enforcement Agency. I don't know exactly if he works for them pero 'yon ang alam namin. That's what Trece found in her research.

There's nothing we can know from him, no one knew him or even saw him. Para siyang hangin trumabaho. Natunugan kami ng mga pulis noon dahil nakapuslit si Archer sa operasyon namin at nahuli ang iilang tauhan.

We trained those who were assigned in drug deliveries well. Kahit anong mangyari, kahit anong itanong sa kanila ng mga pulis ay hindi sila maaaring magsalita, may patalim sa leeg ang mga kamag-anak nila kaya once na magsalita sila, their families would be in danger.

Maraming operasyon na ang sumablay dahil sa lalaking 'yon at isang paraan para tumigil siya ay ang pagkawala niya sa landas namin.

I can't waste this, I have to kill him, that asshole. Mabuti na lang ay nakita ko na siya. Itinago rin kasi ni Antonio si Mommy simula noong nag-umpisa ang misyon ko, kasabay ng proyekto sa pag-arte. Mabuti na lang at may number ako ng nurse niya kaya nakukumusta ko siya. Kung hindi ko siya mapapatay ay hindi ko na makikita si Mommy.

Kung sasablay rin ako ay baka magaya ako sa isang kasamahan ko.

He was assigned to kill him, but he failed, mismo ang taong inakala niyang si Archer ay mali rin and because of that, Antonio killed him with his bare hands.

I saw how he died, they tortured him and mutilated him before throwing his body in an open area with a signage, "Adik ako, h'wag gayahin."

That's how my work goes—you'll kill or they'll kill you instead. You have to do dirty jobs in order to live and survived.

How awful was that right?

Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit ako narito. Dahil ito sa kagagawan ko dati. Siguro kung hindi ko sinabing magbakasyon kami, siguro kung nakontento na lang ako na makasama ang mga magulang ko sa bahay ay wala ako rito.

Then, my father would be alive, my mother would still be walking and happy and I am living my life normally, with friends and family.

I bet we'll be really happy, I bet hindi ko nararanasan 'to.

I miss them, I really miss my family... I wish my father is here.

My tear fell. Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng hikbi.

Inabot ko ang red wine sa tabi ko at sumimsim roon.

If they are here, hindi siguro ako nag-iisa. I wish...

Mas inilubog ko ang katawan ko sa tub na punong-puno ng bula. Kung magpakalunod kaya ako rito, will I die?

Can dying stop the pain?

My phone suddenly rang, saglit akong umahon at sinulyapan ang telepono ko na katabi ng wine.

Mister calling...

I smiled, he did that to my phonebook.

Tinitigan ko lang iyon hanggang sa mawala ang tawag. I sighed when it rang again at hindi ko pa rin sinagot.

He left the island two days ago, pupuntahan daw niya ang kapatid niya at aalagaan saglit.

He told me that his brother got blind recently because of an accident months ago. Ayoko siyang istorbohin, dahil may problema siya, ayokong makidagdag.

My phone rang again pero hindi ko ulit iyon sinagot at tinitigan lang. I received a text from him.

From: Mister

Answer the phone, baby.

Namatay din ang phone ko pagkalitaw ng message.

It rang again kaya napailing ako at iniangat ang kamay ko. Sa pag-abot ko ng phone ko ay natabig ko ang baso ng wine kaya nabasag ito.

The wine scattered on the floor like fresh blood pero binalewala ko iyon.

I answered the phone and his mad voice was what I've heard on the other line.

"Why aren't you answering the phone, Ree?" mariing sabi niya. "I was worried!"

"Sorry," I whispered on the phone. "M-masama lang ang pakiramdam ko." My voice broke but I pretended to cough.

He stopped.

"Are you crying?" biglang napalitan ng pag-aalala ang boses niya.

How did he know?

"N-no, may sipon lang." Mahinang sabi ko.

"Where are you?" tanong niya. Hindi ako sumagot. "Ree..."

"Hmm?" I hummed.

"Nasaan ka? Pupunta ako," aniya. I smiled bitterly.

You can't, Zeij. You're not here.

"Don't mind me..." I said. He sighed.

"Where are you? I'm worried, Misis," aniya sa kabilang linya. Hindi ako sumagot at sa halip ay bumuntonghininga.

"Alyx..." he called again.

"H-how's your family?" maliit na boses kong sabi.

He sighed exasperatedly. "They're fine, where are you?"

"'Yong kapatid mo, ayos na siya?" tanong ko ulit.

"Alyx..." he said in a warning tone.

"Pakisabi sa kanya, magpagaling siya," mahinang sabi ko. "Bantayan mo siyang maigi tapos ikaw, magpahinga ka rin—"

"Alyx Riadna!" he exclaimed. Natahimik ako. "Where the fuck are you?"

"W-wala ka naman dito..." I chuckled awkwardly. Tumulo ang luha ko.

"Just tell me where you are," he said darkly. Umiling lang ako at pinatay ang telepono.

I put it back on the side and closed my eyes.

Nakakapagod din pala?

Mas inilubog ko ang katawan sa tubig. I submerged my face on the water until my whole body is inside the tub.

Itinigil ko ang paghinga at hinayaang lumubog ang sarili. I didn't know how long I stayed there.

I wish in my second life, makasama ko na ang pamilya ko, sana sila pa rin. Sana maging maayos na ang buhay ko. I don't want to be involved in this kind of work, anymore.

Nakakapagod, nakakakonsensiya.

I wish, in my next life, I'll find my husband again, Zeijan. He's been good to me.

I suddenly felt a tight grip on my arm. That pulled me out of the water. Umawang ang labi ko para sumagap ng hangin.

"What the fuck, Alyx?!" Nagmulat ako ng mata at napaatras nang makita ang galit na mukha ni Zeijan.

"Z-Zeij..." my voice broke.

"What the hell are you doing?!" he exclaimed, enraged. Nakatiim ang panga niya at matalim ang tingin sa akin. "Huh?! Alyx Riadna!"

Inalog niya ang braso kong hawak niya.

"Paano kung 'di ako dumating?!" he hissed. "You could have died!"

"Z-Zeij..." I called his name at nanginig ang boses ko. He stopped, umawang ang labi niya at napasinghap ako nang bigla niya akong higitin at yakapin.

"S-sorry..." bulong ko at umiiyak na yumakap sa leeg niya. "S-sorry, sorry..." I said, sobbing.

Mas humigpit ang yakap niya sa akin, not minding that I am wet at nababasa na siya sa katawan ko. Malalalim at mabilis ang paghinga niya sa may tainga ko.

"You scared me..." Mariing bulong niya. "Paano kung 'di ako dumating kaagad! Paano kung—"

"W-wala ako sa sarili..." bulong ko at mas napahagulgol.

"What were you thinking?" rumahan ang boses niya at hinaplos ang buhok ko. "You fucking made me nervous..."

"P-patawad..." he hushed me and caressed my bare back.

"Sshh, ayos na." Bulong niya. Lumayo siya sa katawan ko at hinawakan ang pisngi ko. Lumuhod siya sa tabi ng tub at pinakatitigan ang mata ko.

"Don't do that again, okay?" Marahang sabi niya. He caressed my cheek back and forth while drying my tears.

"S-sorry..." basag ang boses kong sabi. His calm blue eyes made everything fine, my chaotic mind suddenly becomes peaceful.

Nang makitang nakaluhod siya roon at dagli ko siyang hinila at napatingin siya sa akin.

"M-may basag na baso, baka..." naupo siya sa gilid ng tub at hawak ang kamay ko.

"I'm fine," aniya. Nakita ko ang pagsulyap niya sa nabasag doon pabalik sa akin.

"Is that wine?" I nodded. Humawak ako sa kamay niya nang mas mahigpit. He sighed.

"I thought that was blood..." ginulo niya ang buhok at pagod akong tiningnan. "I was scared."

"S-sorry..." mahinang sabi ko. I wasn't thinking straight, hindi ko alam kung paanong nangyaring ganoon.

Gumulo ang utak ko, maayos naman kanina tapos... Mariin akong napapikit.

"Come here," sa pagmulat ko ay nakita kong nakatayo na si Zeijan sa may tabi ng tub. Napakurap ako nang ipinatong niya ang tuhod sa gilid at bigla akong binuhat.

"Zeij!" I panicked. I am naked!

Hindi siya sumagot at mas binuhat ako. Sa takot kong malaglag ay kumapit ako sa batok niya.

Seryoso ang mukha niya habang naglalakad buhat ako while I looked like trash. Nahihiya ako dahil sa wala akong suot na kahit anong damit, punong-puno ng bula ang katawan ko at basa pa ako.

Ibinaba niya ako sa tapat ng shower. Napatungo ako at niyakap ang dibdib ko. Nanginginig ang mga paa ko at bago pa man ako mabuwal ay nahawakan niya ang baywang ko.

"I'll clean you," aniya kaya nag-angat ako ng tingin.

"I-I can do it..." mahinang sabi ko pero nangunot lang ang noo niya at tumaas ang kilay.

"You can't even stand by yourself," mariing sabi niya.

"B-baka makaistorbo ako sa 'yo... I..."

"I am your husband, Alyx. It's my responsibility to take care of you." Aniya at nangilid ang luha ko.

"S-sorry..."

"Stop apologizing, magpahinga ka pagkatapos." I nodded. Binuksan niya ang shower at kaagad na tumama ang tubig sa ulo ko.

Binanlawan niya ang buhok ko na may bula pa. I watched him as he seriously washed my body. Nakatiim lang ang bagang niya at madilim ang mga mata niya.

He looks tempted, I can see it pero ipapaling niya lang ang ulo niya at huhugot ng hininga.

Pinatalikod niya ako at sinabunan ang likod ko. My heart is pounding hard, kung ibang lalaki siguro ay pinagsamantalahan na ako dahil sa lagay ko pero siya... He's different.

I can't help but feel the throbbing pain on my heart. Sa sobrang sarap sa pakiramdam ay sumasakit ang puso ko.

He's just too gentle and kind. He's a good person.

He washed my body, tinanggal niya ang sabon sa katawan ko pagkatapos akong banlawan. Nakatiim pa rin ang bagang niya at animo'y walang pakialan kung nababasa na siya ng tubig galing sa akin.

He's wearing a black body shirt and pants, naka-sapatos din siya at bagsak ang buhok niya sa kanyang noo habang seryoso sa ginagawa.

"P-paanong nandito ka?" I asked. Sumulyap siya sa akin at bahagyang umupo para sabunan ang paa ko.

"I went back earlier, kararating ko lang, I was about to surprise you but you surprised me instead..." malamig niyang sabi. I bit my lip.

Tumayo naman siya at tinapos ang ginagawa niya. Hinawi niya ang buhok sa mukha ko bago inilagay sa likod ng tainga ko.

He bit his lip at mariing pumikit.

"Damn," he breathes at nanatili akong nakatitig lang sa kanya.

"Let's go inside," aniya at kaagad siyang umabot ng robe at ipinasuot sa akin. Itinali niya iyon sa baywang ko at napasinghap ako nang bigla niya akong buhatin palabas ng banyo.

Kumapit ako at sumandal sa dibdib niya. Nakita kong napasulyap siya sa akin sa ginawa ko pero hindi nagsalita.

He put me carefully on the bed. Nakalaglag ang dalawang paa ko sa sahig at umayos siya ng tayo matapos akong ilapag roon. I saw him fishing his phone out of his pocket before calling someone on the phone.

"Phoenix," he called his friend.

Nanatili siyang nakasulyap sa akin.

"Yes, I'm here," aniya. Tumabi siya sa akin sa kama at hinawakan ang baywang ko palapit sa kanya.

I hugged his waist and rested my face on his chest.

"Could you put my things to my place?" aniya sa kaibigan. Hinaplos niya ang buhok ko at hinawi.

"Yes, naiwan ko sa may lobby ng hotel," aniya. "Tapos padalhan ako ng damit sa kwarto ng asawa ko. Yes, thanks..." ibinaba niya ang telepono.

Mas sumubsob ako sa dibdib niya at mas naging marahan ang haplos niya sa buhok ko.

"Are you alright?" sinilip niya ako.

I shook my head at napabuntonghininga siya at marahang kinalas ang kamay ko sa baywang niya. He tilted my chin and stared at me softly.

"H'wag mo nang uulitin 'yon, hmm?" he asked calmly, I nodded.

"S-sorry, wala lang ako sa sarili..." bulong ko. "A-are you mad?"

He stared at me and shook his head. Napapikit ako nang dumampi ang labi niya sa dulo ng ilong ko at hinaplos ang pisngi ko.

"No, I was just scared. Sorry kung nasigawan kita." I nodded.

"A-ayos lang, salamat..." sabi ko.

"Wait," humiwalay siya saglit para tanggalin ang sapatos niya. Tumayo siya at nakita kong pumunta siya sa cabinet ko. Kumuha siya ng damit ko roon at nanatili lang akong nakamasid sa kanya.

Kumakalabog ang dibdib ko sa bawat galaw at ginagawa niya. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at nang lumapit siya ay napatigil ako.

"Is it fine kung bibihisan kita?" marahang tanong niya.

I nodded.

Inalalayan niya ang kamay ko patayo at kinalas ang roba ko. I saw him gulping as he removed my robe pero pipikit lang siya nang mariin para kumalma.

He let me wear my undies. Humawak ako sa balikat niya at hinayaan siya. Matapos no'n ay biglang tumunog ang doorbell kaya napatigil siya.

Humawak siya sa baywang ko at kaagad na kinuha ang roba at ipinatong sa balikat ko.

"Stay here," aniya at lumabas sa kwarto.

Yakap-yakap ko naman ang roba sa dibdib ko at nang pumasok siyang muli sa kwarto ay may hawak na siyang damit. Inabutan niya ako ng baso ng tubig para uminom at inalis niya ang roba ko.

He let me wear his shirt. Umabot iyon sa may itaas ng hita ko at inalalayan niya ako paupo sa kama. He changed his clothes in front of me.

He wore a white shirt, almost same as mine and left his boxers on.

"Are you alright?" hindi ako sumagot. I am not.

"Let's rest," aniya at sumampa sa kama. Hinawi niya ang buhok ko at humiga sa kama, marahang hinila niya ako pahiga sa braso niya at mabilis akong yumakap sa dibdib niya.

He sighed. Hinaplos niya ang likod ko at humalik sa buhok ko.

"I can listen, baby... If you need someone to talk to, I'm just here for you," bulong niya at mas inilapit ako sa katawan niya.

Iniangat niya ang kumot bago ako yakapin nang mahigpit. I smelled his scent, gumaan ang pakiramdam ko noong dumating siya, parang nawala lahat ng nga iniisip ko dahil sa kanya.

I clutched his shirt kaya napatingin siya sa akin.

"Hmm?" he hummed. I smiled weakly and shook my head.

"Salamat, Zeij..." bulong ko.

"Basta ikaw," he smiled gently.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co