Kabanata 11
Kabanata 11
I touched his chin while he's sleeping deeply beside me. Tahimik lang ako at mabilis ang pagtibok ng puso habang pinagmamasdan siya.
He looks really good kahit natutulog. His long lashes, thick eyebrows and aristocrat nose are enough to sue all the male models I knew.
My heart's beating fast when I suddenly remembered what I almost did.
Ang tanga-tanga ko.
Paano kung hindi siya dumating? What if I really drowned myself in the tub and died? Paano na si Mommy? Paano na ang pangako ko sa kanyang aalagaan at poprotektahan ko siya sa lahat ng bagay?
Napahugot ako ng hininga.
What are you thinking, Alyx? Why are you so reckless? Why are you so dumb?
"Hmm..." he hummed. Natigilan ako nang mas lalo niyang niyakap ang baywang ko at isiniksik ako sa dibdib niya.
"Zeij..." I whispered. He hummed again and caressed my back.
"Yes?" paos ang boses niyang tanong.
Hindi na ako umimik at niyakap ko na lang siyang pabalik. If my life was simple, masaya sana, kaso hindi...
I slept again for I don't know how long. Nagising lang ako nang marinig ang ring sa cellphone ko.
Gumalaw ako pero hindi ko nagawa dahil sa yapos sa akin ni Zeijan. Iniangat ko ang tingin ko sa mukha niya at nakitang bahagyang nakaawang pa ang labi niya.
Napangisi ako. Ang gwapo talaga, kapag ako siguro ang nakanganga habang tulog, mukha akong palaka pero kapag siya...why is it so unfair?
Iniabot ko ang kamay niya sa baywang ko at marahang inialis. He groaned pero hindi niya ako muling nahigit.
Nang makawala ako sa kanya ay dagli kong kinuha ang phone sa gilid at lumabas sa may terrace. It was still, I think, six in the morning. Medyo madilim pa kasi ang kalangitan at wala pa akong nakitang nagkalat na mga turista sa ibaba.
Nayakap ko ang sarili dahil sa lamig at sinagot ang tawag.
"Viper!" Trece's voice was what I've heard from the other line.
"Morning," paos kong sagot.
"I won't beat around the bush. You really need to get rid of Archer!" natigilan ako roon.
"Why? May nangyari ba?" tanong ko.
"Wala siya rito pero nahuli 'yong mga tauhan natin sa Japan! Hawk said that he tracked us down and sent the infos he knew to his agency!"
"How..." mariing naipikit ko ang mata. "How the hell did he do that?"
"I don't know how he knew about our operation! Nag-error na lang bigla kahapon ang website natin at nag-block! The moment I'm able to retrieve it, nawala lahat ng files! From the name of the clients, to the address and bank statements!" she hissed.
"Fuck him!" I cursed. Nag-uumpisa na akong mawalan ng timpi. Hinilot ko ang sentido ko at nagmura.
"I have back-up for that, but we can't risk those informations!" tumango ako at mas pinakinggan siya. "What can we do, Viper? Please... Lagot tayo nito kapag dumating sa kanya ang nangyari."
"He might use that to keep us all down," mariing sabi ko. "I still can't understand how he breached our system!"
"Ayon nga rin ang pinagtataka ko, we've been working with this all these years na hindi napapakialaman ang system pero ngayon..."
"Do you have any other infos from him? I think I found him," pabulong kong sabi at iniikot ang paningin ko.
"He has a tattoo..." aniya at kaagad kong naisip ang braso ng lalaking tinawag ni Zeijan na Arch.
"What tattoo?" tanong ko.
"I don't know, what kind or what part of his body.'Yon lang ang nasagap kong impormasyon. And I also know that he's also a part of Intelligence. He's doing dirty jobs for them."
I sighed.
"That's probably one of the reasons kung bakit niya tayo napakialaman," I answered.
The fucker is that skilled, I hate it!
"I saw someone with a tattoo on his arm, I can feel that it's him. Isa pa, Arch ang tawag sa kanya rito. He has this weird look," I said.
"You only have days remaining, Viper."
"I know..." my jaw clenched. "I will kill him. I promise, just call me if you find more infos from him or if Antonio found out anything about this already."
"Okay, Hawk is working things out in Japan, ayaw niyang makarating din ito sa iba." Nang ibinaba ko ang phone ko ay napatungo ako.
Damn it!
Mariin ang hawak ko sa telepono ko at napatitig sa kawalan. How will I corner that fucking asshole?
I only have three days remaining and I can't risk it! Hindi lang ako ang mapapahamak, madadamay rin si Hawk at Trece! And my Mom!
Fuck, I can't screw this up!
My hand formed a fist. Malalalim ang paghinga ko at nang may naramdaman akong braso sa baywang ko ay kaagad akong napatalon. Mabilis kong hinablot ang kamay at inikot at sa pagharap ko ay mabilis na sinuntok ang nasa likuran ko.
"Ouch!" my mouth parted when I saw Zeijan.
Nakahawak siya sa panga na sinuntok ko.
"A-aww, Misis 'yong..." napalingon ako sa kamay niyang pinipilipit ko at napapasong nabitawan ko iyon.
"Oh, my god!" I exclaimed in shock. "Sorry!"
"Aww..." ipinaling niya ang ulo niya habang hawak ang panga at nakaangat sa ere ang kamay.
"Shit, Zeij! Sorry!" I panicked. Mabilis kong hinila ang kamay niya para makaupo pero napadaing pa siya sa sakit.
"Ree! Aww!" nabitawan ko ang kamay niya at napalunok nang paulit-ulit. Namumula ang mukha niya at dumudugo ang gilid ng labi niya.
"Sorry..." hindi na ako mapakali at mabilis na inabot ang mukha niya. I held his cheek and caressed it softly.
"Sakit..." nakangiwi niyang sabi.
"Sorry, nagulat ako sa 'yo," mahinang sabi ko. I wiped the blood on the side of his lips at napaaray pa siya roon.
"Ree..." he whined.
"Sorry, sorry..." I apologized. "Bigla ka kasing lalapit alam mong..."
"I just want a hug," he muttered. Napatitig naman ako sa kanya at ipinaling ang ulo ko.
Damn, this heart of mine isn't a friend. Why do you have to beat like that?
"H-hug ka r'yan..." sikmat ko. "Halika nga sa loob, gamutin ko." Inabot ko ang isang kamay niya at hinila siya pabalik sa kwarto.
He sat on the bed, kumuha ako ng bulak at panggamot sa medicine kit at bumalik sa kanya. Napasinghap pa ako nang makitang nagtatanggal siya ng shirt at ginulo ang buhok niya.
I cleared my throat.
"M-magbihis ka nga," kumunot ang noo ko.
"Ayaw..." iling niya at nag-indian sit sa kama. "Gamutin mo ko, Misis," nguso niya.
"Ano pa nga ba..." I sighed.
Tumabi ako sa kanya at kaagad niyang hinawakan ng baywang ko kaya tinapik ko siya.
"Zeij, stay!" I hissed.
"Am I a dog?" ngiwi niya. Napairap ako sa kanya at napangiti.
"Shut up, mas magdudugo ''ang labi mo sa kakadaldal mo," sita ko. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang panga niya.
"Ang lakas mo sumuntok, boxer ka ba?" Sinamaan ko siya ng tingin at inilapit ang bulak sa labi niya.
"Baka gusto mong suntukin ulit kita," I warned.
"Grabe ka sa mister mo!" he hissed. "Tatanong lang, eh."
"Sa set 'yan," I lied. "Kapag may shoot kasi na may fighting scene, 'di ako nag-do-double."
"Oh?" I nodded. Nang idikit ko ang bulak sa labi niya ay napamura siya at napaatras.
"Alcohol!" he hissed.
"Ano ngayon?" sumimangot ako.
"Masakit!" napahawak siya sa gilid ng labi niya.
"Kagat lang ng langgam 'yan!" Umiling siya at hinawi ang kamay ko.
"Sinabi mo na 'yan, eh!" reklamo niya.
"I'm telling you, parang sting lang ng langgam."
"Yeah? Tapos 'yong langgam kasing laki ng dinosaur?" he hissed, and I chuckled.
"Hay naku," I sighed. "Ang laki mo na, takot ka sa alcohol."
He laughed softly.
"'Di pa ako malaki, baby mo ako, eh," he chuckled.
"Zeijan!" I hissed. "Tigilan mo ko." Lumayo ako sa kanya.
He chuckled at inilahad ang kamay niya.
"Come here, baby..." he called me. "You're blushing."
Napahawak naman ako sa pisngi ko at tumikhim.
"Mestisa lang 'yan," sabi ko at nangingiting tumango na lang siya sa akin at inabot ako.
"Come on," ngumuso siya.
Matapos ang ilang minutong harutan at sigawan dahil sa kalokohan niya ay natapos din kami. Maybe I punched him really hard dahil nagsugat ang gilid ng labi niya.
Zeijan was busy cooking in the kitchen while I checked my e-mails for any infos about that certain Archer. I plan to dispatch him this instant bago pa ito malaman ng nasa itaas at madamay ang Mommy at mga kaibigan ko.
I've seen his face, ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay ang alamin ang eksaktong kinaroroonan niya at kung may kasama siya rito. Maybe he knew about our plans kaya gumagawa rin ito ng paraan para mapigilan kami.
The doorbell rang. Napatigil ako roon at kaagad na nilingon ang pintuan.
"Misis, sino 'yan?" boses ni Zeijan mula sa kusina.
"I'll check!" I shouted back. Tumayo ako at inilapag ang phone ko sa sofa bago lumapit sa pintuan.
I took a peek on the peep hole at nangunot lang ang noo ko nang makitang walang taong nakatayo.
"Who's that?" I whispered and shook my head.
Baka napag-trip-an lang.
But the moment I stepped away ay kaagad itong tumunog muli.
My forehead creased. Mabilis akong tumingin sa kusina kung nasaan si Zeijan at pabalik sa pinto. Bigla akong natakot na baka mga tauhan na naman ito ni Archer na susugod sa akin kagaya noong nakaraan.
Damn, I don't have my gun!
The doorbell rang again. Tumiim ang panga ko.
I started walking towards the door. I have a bad feeling about this.
Sa pagsilip ko sa peep hole ay wala akong nakitang kahit ano kaya mabilis kong pinihit ang doorknob para buksan. I was welcomed by the cold air the moment I stepped outside. Inilibot ko ang paningin pero ang walang taong hallway lang ang nakita ko.
Muli akong naglakad pero natigilan nang may natapakan. Kaagad akong tumungo at napasinghap nang makita ang isang maliit na kulay itim na kahon na naroon.
My heart thumped. Kaagad akong sumulyap sa CCTV at dumukwang para suriin ang kahon.
It was just a plain black box, kaagad kong hinawakan iyon at binuksan at tumambad sa akin ang isang papel. I immediately fished that out of the box to take a look but what was written there sent me chills all over my spine.
In red, bold letters, a note was written.
SEE YOU TONIGHT, VIPER. -A
Kumuyom ang kamay ko at mabilis na tumayo. I was about to run after whoever brought this here but Zeijan's voice stopped me.
"Misis, breakfast's ready!" Mabilis akong napalingon at nakitang nasa may pintuan na siya at matamang nakatingin pa sa akin.
His bare chest showing, making me see his well-toned body. He's only wearing his maong pants, slightly hanging on his waist.
Parang malalaglag na nang wala sa oras kaya napatikhim ako.
"Fix your pants..." kumunot ang noo ko pero natawa lang siya at namaywang.
He combed his hair with his fingers and tilted his head.
"Ano 'yan?" Nakita kong nakabaling na ang tingin niya sa hawak ko kaya mabilis ko iyong nalukot at itinago sa likod ko.
"Wala," I said.
"Can I see?"
"Bakit naman? Galing lang 'to sa manager ko, uhm, uuwi na raw muna sila dahil tapos na ang shoot dito," I lied.
He stared at me, malalim ang tingin niya na tila sinusuri ako at mas napahawak ako sa gusot na papel sa likod ko nang humakbang siya palapit.
I stilled. Halos mahabol ko na ang hininga ko habang seryoso siyang naglalakad palapit sa akin.
He towered me, nakita kong may sinilip siya sa likuran ko kaya halos mapamura na ako sa harapan dahil sa kanya. Pumunta siya sa likuran ko at mabilis akong nagsalita.
"Zeij! Wala lang—" paglingon ko ay nakita kong nakadukwang siya roon sa box na nabuksan kaya nakagat ko ang labi ko.
"Zeij! Ano lang—"
"Naiwan mo ata rito," aniya at biglang tumayo. He smiled at iniabot sa akin ang kahon.
Napamaang ako at bumilis ang kalabog ng puso.
"Your manager's weird, kailangan kapag may sasabihin naka-box pa?" he asked. Hilaw akong ngumisi.
"Ah, uso sa kanya 'yan," mahinang sabi ko at inabot ang kahon.
He smiled and nodded. Isinara niya ang pinto at hinawakan ang kamay ko.
"Let's eat..." aniya at inakay ako.
We were silent the whole time, ako'y iniisip ang sulat na natanggap ko at si Zeijan na tahimik at nagmamasid sa akin, sinasabayan ang pananahimik.
He was just looking at me with those piercing blue eyes, hinuli pa niya ang mata ko habang sumisimsim siya ng kape kaya napanguso ako.
"Tahimik mo," bati ko at uminom ng kape.
"Ginagaya lang kita," ngiti niya. "What are you thinking, baby?"
Halos mabuga ko at iniinom ko at napasinghap. Napatawa siya at inabutan ako ng baso ng tubig.
I was paranoid the whole day, I immediately contacted Trece for back-up, pina-check ko rin sa kanya ang CCTV ng hotel but we found nothing on the footage, it was already deleted before we even had the chance to see it.
An address was written at the back of the paper. Isang lumang warehouse iyon dito at matagal nang naabanduna.
I received a message saying that I should go alone to see him which I didn't do. My men are already on their way here at sa isang tawag ko lang paniguradong dadating sila.
I tied my hair in a clean ponytail, put on my black leather jacket and tight pants. Isinuksok ko sa sa likuran ko ang baril at ang patalim ay naka-strap sa may hita ko.
Mabilis na ipinaandar ko ang Ducati ko at nang makarating sa lugar ay napailing ako.
Why would he choose an old, abandoned building for a meeting? Wala man lang class? I thought Archer's rich. We could fight in yacht para may class naman but...
I shrugged.
Typical place for movies, then?
I shook my head and examined the place. It was dark and creepy, halatang matagal na itong walang tao dahil sa mga alikabok at sapot sa paligid. I checked my surroundings, I knew my men are here, hiding somewhere.
We must let Archer think that I'm alone so I can corner him.
Habang naglalakad papasok ay nag-ring ang phone ko. I saw Zeij's name on my phone, but I ignored it.
He's at the club tonight, Dj daw siya sa ngayon.
The moment I entered the abandoned building, I felt uneasy. I saw a single chair in the middle of nowhere, with a hanging light in the center. Wala na'ng ibang ilaw bukod doon at sa ibang parte ay mga naglalakihang mga karton lang.
Kunot ang noo akong naglakad doon, everything's quiet na animo'y walang ibang tao roon maliban sa akin. I checked the gun on my back to make sure.
Lumapit ako at hinaplos ang bakal na upuan doon.
"You came," I almost jumped when I heard a voice. Nabitawan ko ang upuan at napatingin sa may pintuan.
I saw a man walking, wearing a black shirt and pants. Nakapamulsa itong naglakad papunta sa akin at umangat ang sulok ng labi ko nang makita kung sino ito.
"I knew it was you," I said coldly.
He laughed.
"You're lucky I gave you the privilege to see me, I could have killed you without you... knowing about me," he said.
It was the man I saw last time with Zeijan. That man with a tattoo on his arm.
"So, why see me here? You missed the chance of killing me, I would kill you instead this time," I muttered.
He laughed. I smirked.
Sige, magpakasaya ka.
"You woman, sa tingin mo ganoon na lang iyon? You're nothing but a weak woman, anong laban mo sa akin?"
"Come on, Archer. Don't underestimate me," I said darkly.
"Archer?" Tumawa siya, nangunot ang noo at umiling. "Yeah, yeah, I'm Archer." He showed me his grin.
Natigil ako saglit pero hindi ko ipinakita sa kanya ang pagtataka ko.
"You're obvious, how could I not know you?" tumaas ang kilay ko at nakita ko ang pagkatuwa sa mata niya. Nang-uuyam ang tingin niya at napatawa na naman.
"You're feisty," aniya. "I like it." Kumunot ang noo ko pero sa halip ay lumapit lang ako sa kanya.
"Well, I don't like you," mariing sabi ko. "I don't like someone meddling with my job, I don't want someone ruining it for me."
"So, you're Antonio's daughter, huh?" Umiling siya.
"No," mariing sabi ko. He's not my father and he will never be.
"You're beautiful," he touched my cheek, napaatras ako nang bahagya roon pero hindi niya ako hinayaan.
He has this strong aura, mariin ang tingin niya sa akin pero hindi ako nagpatinag.
"Pwede naman natin itong pag-usapan ng maayos, you can leave your so-called father and join us, maganda ka, sexy, you're also great in fucking I think and—" I slapped his face.
Natigilan siya roon at nakita ko ang galit niyang tingin sa akin.
"Too bad, you're not that good for my fucking," I said in grimace.
"Bitch!" Nang sumugod siya sa akin ay kaagad akong nakaiwas. I readied myself, nang makalapit siya at kaagad ko siyang sinuntok.
His face welcomed my punch na mukhang nagpagalit pa lalo sa kanya. Hinatak niya ang kamay ko sa ginawa pero mabilis kong sinipa ang paa niya.
He groaned in pain, cursing me.
"You don't underestimate what a woman can do, asshole," malamig kong sabi.
He rose again, I was about to kick his face but he immediately caught my feet and twisted it. Napaupo ako roon pero bago pa man niya ako masugod ay nasipa ko siya kaagad.
Mabilis akong nakatayo. I clicked my neck and looked at him.
"Stand. Ayoko ng mahinang kalaban," nang-uuyam kong sabi.
"Fuck you!" galit niyang sigaw.
Napangisi ako. "No, thanks."
Nang makatayo siya ay mabilis siyang sumugod pero nakaiwas ako. Everytime he'll go near me, I will change my pace.
Natatawa ako sa galit niya at napailing.
"Why can't you catch me, huh?" I laughed. That frustrated him even more.
"I will kill you!" he exclaimed in rage, sa sobrang bilis niya ay hindi ako nakaiwas sa suntok niya. My cheek welcomed his punch that I groaned in pain pero kaagad akong nakabawi.
Sinalag ko ang kamay niya at sinuntok siya.
I bumped my forehead with his and punched his nose. He cursed and held my arm tightly kaya mabilis ko siyang siniko at sinipa.
He fell on the ground again. Masakit ang mukha ko sa suntok niya pero hindi ako nagpainda. Mabilis akong naupo sa may dibdib niya at pinaulanan siya ng suntok.
He was pushing me, but I strangled him, sa bawat paghawi niya ng kamay ko ay 'yon din ang suntok na ibinibigay ko.
"Fuck you, bitch!" Tinulak niya ako pero halos pilipitin ko ang leeg niya.
He's flushing, almost suffocating but I felt no mercy. Tanging ang galit at determinasyong mawala siya sa landas ko ang namutawi.
"This is for meddling with me and this," I punched him twice. "Is for messing with my face!"
Nawalan siya ng lakas sa ginawa ko. Pikit na ang isang mata niya at putok ang labi.
I laughed and shook my head. Mabilis akong tumayo at inabot ang baril sa likod ko.
I pointed the gun on his forehead while he's struggling to be freed. Sinipa ko siya nang gumalaw siya at mas idiniin ang baril sa ulo niya.
"Move and you'll die."
"F-fuck you!" he coughed and pushed my hand.
"You could have killed me when you still have a chance," maang ko. "Weakling."
I put my finger on the trigger, readying myself to shoot him but stopped when he grinned at me.
"Behind you," he said, and I shifted my gaze, only to felt pain on the back of my head. Sa gulat ay hindi ako nakaganti nang kumirot ang ulo ko sa paghampas.
I fell, nabitawan ko ang baril ko at bumagsak.
Nanlabo ang paningin ko roon pero sinubukan kong tumayo. Nakarinig ako ng ingay, tunog ng pagpasok at putok ng baril. Sinubukan kong imulat ang mata ko at kahit nanlalabo ay nakita kong nakikipaglaban ang mga kasamahan ko.
I tried standing, pero napapahiga lang ako ulit sa pagkahilo. Damn it! I didn't see it coming!
"Fuck!" a familiar voice was what I heard. Sa muling pagmulat ko ay nakita ko ang isang lalaki sa harapan ko.
I can't see his face, but I saw him fighting with Archer.
Napapikit akong muli at sinubukang magising. Napahawak ako sa ulo ko at napamura nang may nabakas akong dugo.
Ipinaling ko ang ulo ko. Damn, I shouldn't be this weak while my men are fighting!
Kahit nahihilo ay ginawa ko ang makakaya ko para tumayo. Kaagad na may sumugod sa akin at sa isang putok ko ng baril ay tumumba siya.
Someone approached me again, nakaiwas ako sa suntok niya at mabilis kong sinuntok ang mukha niya sabay sipa sa kanya.
I felt someone kicking me behind dahilan para mapaabante ako sa gulat. Mabilis ko itong nilingon at nakitang tauhan ito ni Archer.
He was grinning, tumatalon siya habang nakaambang susuntok kaya umangat ang labi ko. I may be dizzy, but I know how trying hard this man could be!
I smirked. Pinalis ko ang dugo sa gilid ng labi ko at lumapit.
"Puta, tingnan natin kung makaya mo 'ko!" he shouted. I laughed.
"You don't know what you're doing, old man," I smirked.
He ran towards me, kaagad akong sinalubong ng kamay niya pero kaagad akong umiwas at pumunta sa likod niya. I punched his head, napamura siya at mabilis na humarap sa akin. I pointed my gun at him pero sa gulat ko ay may dumamba sa likod ko ay napasinghap ako at naramdaman ko ang pagtabig ng kung sino sa kamay ko.
I cursed when my gun fell on the ground. I immediately caught the asshole behind me and wring his neck. Kaagad ko ring iniikot ang paningin ko at kaagad na umakyat sa upuan at tumalon.
I kicked the old man's face and he hissed.
"Tang ina mo!" I smirked. Nang may umamba sa akin ay walang awa kong sinipa ang mga paa nila at iniuntog sila.
I crashed the other man's head on the ground until his blood splattered on my face.
Napasulyap ako kay Archer habang kalaban pa rin niya 'yong lalaki kanina.
Tauhan ko ba 'yon?
My forehead creased. The man Archer was fighting was wearing black, naka-cap din itong itim at naka-hoodie kaya hindi ko makita ang mukha.
He was fighting Archer with his hand, kahit na may hawak na patalim si Archer ay mabilis itong nasasalag ng lalaki. He was punching his face, naiiwasan niya rin ang patalim ni Archer at napaawang ang labi ko nang mabilis niyang mapilipit ang kamay nito para agawin ang kutsilyo.
Is this Hawk? Hindi naman ganito ang mga tauhan ko!
I've been hearing gunshots over the abandoned place, bodies were scattered everywhere with bloods on the floor.
May humatak sa balikat ko kaya napaatras ako. The old man I've been fighting earlier has with a gun now, pointing it on my head but instead of being scared, I smirked.
"Go, pull it," maang ko.
"Papatayin kita!" sigaw niya. I laughed.
"Come on, go," I smirked. Nanginig ang kamay niya habang nakatutok sa akin ang baril.
I smirked. Reverse psychology, people won't often do what you told them to.
He was shaking, kahit na ipinapakita niya sa aking kaya niyang iputok ang baril ay hindi niya magawa.
While he was struggling, pa-simple kong kinukuha ang patalim sa may hita ko at itinago sa likuran ko.
"Scared?" I smiled wickedly.
Mas nagalit siya, sumigaw siya sa galit at nang naramdamang ipuputok na niya ang baril ay dagli kong tinabig ang kamay niya kaya pumutok iyon at tumama sa kasamahan niya at bumagsak.
I twisted his hand, headbutted him and stabbed his chest.
Pinagtutulungan na ngayon ng ilang lalaki 'yong kalaban ni Archer kanina! I rose up immediately and walked towards them.
Mabilis kong hinatak ang shirt nang umamba roon sa lalaki at binali ang leeg niya. I kicked the other one's neck.
Nakahiga na rin sa lapag iyong si Archer at basag na ang mukha. Mabilis kong binalingan 'yong lalaking naka hoodie pero kaagad ito nag-iwas ng tingin at hindi ko makita ang mukha niya sa dilim.
Napatitig ako sa kanya na napaupo dahil sa suntok ng isa pero mabilis niya itong nasalag at umawang ang labi ko nang masaksak siya sa tagiliran!
"Behind you!" the man in hoodie shouted, sa paglingon ko ay nakita ko si Archer na umiigting ang panga. His eyes are bloodshot, animo'y galit na galit sa akin!
Hindi ako nakaiwas sa biglang pagsuntok niya sa akin. I groaned when his punch landed on my stomach, nasapo ko ang tiyan ko at napaupo.
Naghabol ako ng hininga sa ginawa niya.
Bahagyang tumahimik. Nang nagkasa ng baril si Archer sa harapan ko ay napadaing ako, my stomach hurts, miski ang ulo ko ay nananakit na rin.
"I told you to come alone pero 'di mo sinunod," mariing sabi niya.
"Ano ako, tanga?" natatawa kong sabi. "I won't go here without any plans, asshole!"
Archer laughed histerically.
"But guess they can't do anything now? You'll be dead before the sun rises, Viper," he smirked.
I heaved a deep breath, I failed. Damn right, Viper, you fucking failed.
I stared at Archer directly without even blinking. I can't show him I am weak, kahit na nasa bingit na ako ng kamatayan hindi ako pwedeng maging mahina.
"Too bad I can't fuck you before dying," he mocked me at nagpuyos ng galit ang dibdib ko.
"I would rather die than fuck you, anyway," I spatted back.
"Mukhang masarap ka pa naman, artista ka, 'di ba? Baka naman laspa—" before I could speak ay isang putok ng baril ang narinig ko.
My mouth parted when Archer fell on the ground with a hole on his chest.
Sa paglingon ko ay nakita kong nakatayo na 'yong lalaking naka-hoodie at pinaulanan ng putok ang nakahigang si Archer sa lapag.
The man is continuously shooting him! Kahit wala ng buhay ay inubos nung lalaki ang bala niya sa katawan ni Archer!
"Viper!" I saw Trece and Hawk running towards me at muling ibinalik ko ang tingin sa lalaking nakatalikod habang sapo ang tagiliran niya.
He's bleeding!
I was about to speak but my friends blocked him from my view.
"Are you alright?!" Trece shouted.
"Damn, Vipe! We'll go to the medic!" Hawk tried carrying me pero hinawi ko lang sila paalis sa paningin ko.
The man!
"Teka! 'Yong—" I stopped when I saw nothing in front of Archer's dead body on the ground.
"What is it?" Hawk asked, holding my arm.
"'Yong lalaki..." turo ko pero wala na ito roon, what was left is his blood on the ground.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co