Kabanata 13
Kabanata 13
"IS there any possible way para makita ko si Mommy?" I asked my Mom's nurse.
"Ma'am, nandito po si Sir sa mansyon sa ngayon. Marami rin pong tauhan kaya mukhang mahirap po makapuslit."
"Uh, do you have schedule kung kailan dadalhin ang Mommy sa hospital para sa check-up?" I asked.
"Wala pa po sa ngayon, Ma'am pero balitaan ko po kayo kung mayroon," she said.
"Sige, salamat..." I sighed and turned the phone off. Pikit-matang napasandal ako sa headboard ng kama at hinilot ang sentido ko.
Patay na lahat-lahat si Archer pero hindi ko pa rin nakikita ang Mommy ko. I asked Antonio about that pero ang sabi niya sa akin ay may tamang panahon para makita ko siya.
Gusto ko mang magalit ay natatakot akong masaktan ang Mommy kapag nagpumilit ako.
Just what the heck, right?
I did that for my Mom, yet he didn't allow me to see her!
Napatitig ako sa pintuan ng banyo kung nasaan naliligo si Zeijan. Mabilis kasi siyang tumakbo roon pagkasuntok ko sa tagiliran niya at hindi ko alam kung bakit.
He was almost crying in pain, tinatanong ko kung bakit pero umiiling lang siya at mabilis na tumakbo rito sa kwarto niya. Sumunod ako at nakitang nag-banyo siya.
I rose up from my seat and walked towards the bathroom's door.
"Zeij?" I knocked. Lagaslas lang ng tubig ang naririnig ko.
"Zeij?" ulit ko. Walang sumagot kaya idinikit ko ang tainga ko sa pintuan para makinig sa ginagawa niya.
"Fuck!" mura niya roon sa loob kaya kumatok akong ulit.
"Zeij?" No one answered. "Mister!" I hissed.
"Huh, Misis?" sigaw niya roon. Kumunot ang noo ko.
"Ginagawa mo r'yan?" I asked.
"Nothing!" sigaw niya.
"Okay ka lang?" I asked, concerned now. Nagtataka sa nangyayari sa kanya.
"Yes!" aniya pero parang 'di ako kumbinsido.
"Weh? Sure ka? How about your waist? Patingin nga!" sagot ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot sa akin kaya napanguso ako.
"Hey, Zeij..." I said. Nang wala siyang sagot ay tumalikod ako sa pintuan ng banyo at iniikot ang tingin sa kwarto niya.
I can't believe he borrowed this from his friend. Ang bait naman nito para magpahiram ng mamahaling condo unit at sportscar?
The door creaked. Napalingon ako at napaatras sa gulat nang makita si Zeijan na nakasilip doon sa siwang ng pintuan.
My mouth parted when he smiled. Nakasilip ang ulo niya roon sa pinto at kitang-kita ko ang tubig na mula sa ulo niya na bumababa sa pisngi niya.
He was dripping wet! I held my breath.
"I'm fine, you see..."
"B-bakit ka nand'yan?" I stuttered.
I can see a glimpse of his chest from here! God!
"Hmm, sabi mo patingin..." he smiled again. Kumunot ang noo ko at nagseryoso ng pilit.
"Okay na!" tikhim ko. "P-pumasok ka na ulit!"
"Hmm, pasok ka?" bahagyang binuksan niya ang pintuan ng banyo kaya nag-init ang pisngi ko at napasinghap.
"Zeijan! Isa, pasok!" I exclaimed. He laughed, sumilip pa siya sa pintuan muli bago kumindat sa akin.
"Pasok mga suki, presyong divi—" he sang.
"Zeijan!" I screamed.
"May dance steps ako, Ree! I can show it—"
"Isa! Balik, pasok!" sita ko at nakita ko ang pagnguso niya bago tumango.
"Lalambing lang naman," he whined at nakasimangot na sinara ang pintuan. Napatawa ako at bumalik ng upo sa kama bago sumandal.
Hindi ko na rin napansin na nakatulog na ako at nagising na lang ilang oras na ang nakalipas. Kaagad na dumako ang paningin ko sa orasan at napailing.
I slept for three hours!
I yawned. Iginalaw ko ang ulo ko at natigil nang maramdaman ko ang unan ko. I shifted my gaze, only to find that I'm resting on Zeijan's lap!
Nakahiga ako sa hita niya habang siya'y natutulog din habang nakasandal sa headboard ng kama. Napakurap ako at napangiti, napatingin ako sa kamay ko at kumibot ang puso ko nang makitang magkahawak ang kamay namin.
I caressed his hand, marahang hinaplos ko ang daliri niya at dinala sa labi ko. I kissed it softly, I saw him stirred a bit.
"Mister," mahinang tawag ko.
Hindi siya sumagot at bumagsak ang ulo niya sa pagkakatulog kaya napasinghap siya sa gulat.
"H-huh?" disoriented niyang sabi. Namumula pa ang mata niya kaya napahagikhik ako.
"Wala," ngiti ko. Inabot ko at mukha niya at pinisil ang ilong niya.
"Nakatulog pala tayo," boses ngo-ngo pa niyang sabi kaya napatawa pa akong lalo. I rose up from the bed and sat beside him.
He yawned, looking like an adorable five-year old boy.
"Sorry, Ree. I forgot to cook." I nodded and stared at him.
"Kumusta ka nga pala?" I asked. "'Yong tagiliran mo? Anong nangyari?" I took a glance at his waist.
"Uh, nothing, nakakonekta lang ata sa t'yan ko. Tinatawag lang kasi ako ng mga sanggre kanina," he smirked.
My forehead creased.
"Sanggre?" tanong ko. He nodded.
"Nagpatawag na mayroon daw meeting sa Encantadia, ayon nakipagbakbakan ako sa mga Hathor," aniya at mas nangunot ang noo ko.
What is he saying?
Nakita kong nagpigil siya ng ngisi nang hindi ko siya maintindihan.
"Are you in drugs?" I asked straightforwardly, namula ang mukha niya at napahagalpak ng tawa.
"'Di mo ko gets?" he asked, laughing, ngumuso ako at umiling. Halos maiyaki siya sa kakatawa at inabot ang baywang ko.
"Alam mo 'yong Encantadia?" he asked. I nodded.
"Yes? What about it?" takang tanong ko. Tumayo siya sa kama habang hawak ang kamay ko kaya nagtataka akong sumama.
Halos magsalubong ang kilay ko nang pumasok kami sa banyo.
"'Di ba, ''ong kaharian ng Hathor, Hathoria?" I nodded. Napapanuod ko naman kahit papaano 'yong palabas kaya medyo naiintindihan ko.
Ngumisi siya.
"Ito 'yong Hathoria..." tukoy niya sa banyo.
"Ano?!" I exclaimed. He laughed.
"Tapos, nang sinuntok mo ako, na-trigger 'yong inner Amihan ko kaya napasabak ako bigla sa bakbakan." Nakaawang lang ang labi ko sa mga sinasabi niya.
"Nakalaban ko si Hagorn sa pagsugod ko rito," he gently pulled me towards the toilet bowl.
"And I killed him," ngisi niya. "Kaya ako na ang nakaupo sa trono..." he motioned the bowl's seat.
What...the fuck?!
Marahas akong napatingin sa kanya. Namula ang mukha niya at nangingisi lalo.
"Pinalaki ba kitang ganyan?!" sigaw ko. Napahagalpak siya ng tawa. Sinakal ko siya at natatawang hinila niya ako.
"M-misis, joke lang!" he laughed. I choked him.
"Anong nalaklak mo?!" nahila niya ang kamay ko at iniyakap iyon sa leeg niya.
"Joke lang," tawa niya. Nakagat ko ang labi ko at pinalo ang likod niya.
"Walang hiya ka!" He laughed. Sa sobrang tawa niya ay napatawa rin ako at pilit na kumakawala.
"Zeijan!" tumatawa pa rin siyang inabot ang baywang ko.
"Ako na ang hari ngayon sa ating kahariang Hathoria," bulong niya at lumayo.
"At ikaw ang bagong reyna aking mahal na asawa." Kumunot ang noo ko at umawang ang labi ko.
"You—" bigla siyang tumakbo palabas kaya tumakbo rin ako at nang maabutan ay malakas kong sinipa ang pwet niya kaya nadapa siya sa kama.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
ABOT-abot ang kaba ko nang sabihin ni Zeijan sa aking pupunta kami sa bahay ng Kuya niya. He told me that it's his niece and nephew's monthly celebration. Four months na sila.
"K-kasama talaga ako?" tanong ko. He nodded.
"Of course," aniya.
"In fact, I already bought you a dress..." sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.
"Talaga?" He nodded. Hinawakan niya ang siko ko papasok ng kwarto at nakita ko roon ang malaking kahon.
Inabot ko iyon at nakitang damit nga ang laman.
"Kailan mo 'to nabili?" I asked.
"Noong bago ka pa nag-stay rito," aniya sa akin.
"Handang-handa?" I smirked.
He chuckled. Ngumuso naman ako at lumapit siya sa akin.
"Do you like it?" aniya, inilabas ko naman ang damit at pinagmasdan.
It's a navy-blue sweetheart dress.
"Hmm," I nodded. He has taste, huh?
"Thank you," I smiled.
"Welcome," dumukwang siya sa harap ko at sinilip ang mukha ko.
"Pero uhm, how much is this?" I asked. Looking at the dress, I know it costs thousands, mamahaling tela kasi ang gamit at may kristal pa sa may bandang dibdib ng damit.
"Mura lang," aniya na nangingiti.
"Mura?" napasulyap ako sa dress. "No, it's not..."
"It is, sale kasi seventy-five percent off." Napaling ko ang ulo.
Really? I don't think this kind of dress is on sale.
"Sigurado ka?" I looked at him. He nodded and reached for my chin.
"H'wag mo nang isipin, just wear it. Magpapalit na rin ako ng damit then we'll go..." aniya bago tumayo at iniwan ako roon.
I shouldn't be thinking about the price anyway pero 'di ba, nag-leave siya sa trabaho sa isla? Then, where is he getting his money?
Sa huli ay nag-ayos na rin ako. I'm nervous. Kung ganoon ay makikita ko ang pamilya niya. His parents might be there too, anong gagawin ko?
Hindi naman siguro magandang magpakilala agad akong asawa? I mean, it was shocking and mag-a-annul naman kami so...
Itinali ko ang buhok ko sa likod at hinayaan ang iilang kulot na hibla sa gilid ng noo ko. I wore Sapphire earrings paired with its blue necklace. I made it match the dress Zeijan bought me.
I heard a knock kaya napalingon ako sa pintuan.
"Ree?"
"Coming!" sigaw ko. Mabilis kong isinuot ang sandals ko at inabot ang purse ko.
I walked towards the door with composure, taas noo akong lumabas pero kaagad ako nawala sa sarili nang maabutan ang ayos ni Zeijan.
My mouth parted and my heart skipped a beat.
He's wearing a navy-blue button-down shirt, matching mine, a brown pants and a white sneaker.
Bukas ang dalawang butones ng kanyang suot na shirt, ang kanyang sleeve ay nakatupi rin hanggang sa kanyang siko kaya napangiti ako. I saw his built and praised it silently, he has this athletic stance and dominant aura.
He's talking to someone on the phone that he didn't notice I'm here. I saw him smiling at parang nagliwanag siya sa harapan ko.
"Damn," bulong ko.
It was my first time seeing him like this! I'm almost screaming!
His manly aura is still here but it made him look stronger. His messy hair made it look hotter for my liking!
"Yeah, we'll be going," aniya sa matigas na ingles na mas nagpatuyo ng lalamunan ko. Napakurap ako.
I saw him unconciously licking his lower lip kaya napatikhim ako. Calm down!
Sumabog ang kung anong dapat sumabog nang mapatingin siya sa akin. My already dry throat dried even more.
His blue eyes met mine, nakita kong napangiti siya at may sinabi sa kausap bago ibinulsa ang telepono.
"Hey," he said at umayos ng tayo. He walked towards me with his hand on his pocket. Halos mapahawak naman ako sa pader sa suporta.
Grabe na this!
"Hey, beautiful..." he said softly, almost whispering. Napalunok ako.
"O-oh?" I asked.
His lips twitched. Nakita kong pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya bago ako pasadahan ng tingin.
Malagkit ang tingin niya habang pinapasadahan ako ng tingin kaya halos hindi ako makahinga. He crossed his arms on his chest, looking strict while looking at me.
Kahit anong heels ko ata hindi ko siya mapapantayan. Dinudungaw niya ako at nag-init ang pisngi ko nang itaas niya ang damit sa may dibdib ko.
"What are you doing?" I asked.
"I should have chosen another dress," ngiwi niya at napatingin ako sa dibdib ko, my cleavage is exposed at mukhang naasar doon si Zeijan.
"M-maayos naman, huh?"
He tsk-ed.
"No," his jaw tightened and licked his lip. "Maraming titingin sa 'yo roon," reklamo niya.
"Sus, dati pa akong head-turner, excuse me..." I chuckled. Mas pumirmi ang labi niya.
"Damn confidence!" he gasped.
I laughed. Inabot ko ang kwelyo ng damit niya at inayos. Habang pinapasadahan siya ng tingin ay napasimangot ako.
"Marami ding titingin sa mister ko roon," I said softly while I'm fixing his sleeves.
He chuckled. Nag-angat ako ng tingin pero pinisil niya ang ilong ko at nagsalita.
"Sa 'yo lang naman ako nakatingin," he winked, and my cheeks flushed.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
ABOT-abot ang kaba ko habang nasa biyahe kami. Doon ulit kami sumakay sa sports car niya at hindi ko na siya kinulit sa pinaghiraman niya no'n sa kaba ko.
He's driving coolly, I saw a few visible veins protruding on his hands. Kagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan siya at nang sumulyap siya sa akin ay tumikhim ako.
"Uh, Zeij?"
"Yes, baby?" aniya, napalabi ako at nagsalita.
"Uh, wala bang masayadong tao roon?" I asked.
"Just my parents, brother and a few family guests," aniya. "Don't worry, walang kakalat na balita na nandoon ka." He smiled.
Hindi naman 'yon ang problema ko. I sighed.
"Uh, kasi ano, Zeij..." I hesitated.
"What is it?" sumulyap siya sa akin.
"H-hindi ba magagalit ang parents mo kung sasabihin mong kasal ka na?" Nakita kong natigilan siya roon. "K-kasi 'di ba, ano biglaan 'tsaka kakausapin natin si judge para..."
"I can just introduce you as my girlfriend..." putol niya sa sasabihin ko.
"Friend na lang." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at tumiim ang bagang. "Uhm, 'di ba, ano..."
"We're here," malamig niyang sabi at sa pagsulyap ko ay nakita ko ang isang napakalaking bahay. My mouth parted.
Isang busina lang ni Zeij ay nagbukas ang gate at tuluy-tuloy lang siya sa loob.
Wait! I thought...
"Whose house is this?" I asked him. Sumulyap siya sa akin at nagsalita.
"Sa asawa ni Kuya," aniya. Kumurap ako at muling sumulyap sa bahay.
Ang laki nito!
Sa pagkakatulala ko ay hindi ko na napansing nakalabas na si Zeijan at pinagbuksan na ako ng pintuan kaya nagulat ako.
His mood changed! Walang imik siya nang lumabas ako at malamig ang mga mata kaya kinabahan ako.
"Uh, are you mad?" mahinang sabi ko. His forehead creased na mas nagpalakas ng dating niya.
"No..." he breathes. Nagsalubong ang kilay niya nang haplusin ko ang pisngi niya.
"Sorry," mahina kong sabi, nahiya bigla sa asal ko.
You're annoying, Alyx! Maayos ang mood niya but you ruined it by mentioning the judge!
His eyes softened, nakagat niya ang labi at tinungo ako.
"Sorry din, I was just annoyed," aniya. Ngumuso ako.
"Did I ruin the mood?" I asked. He nodded and sighed.
Ayan sige, Alyx! You idiot!
"Sorry, I shouldn't have mentioned it," mahinang sabi ko. Hindi siya sumagot kaya na-stress ako lalo.
What should I do? Arrgh, I ruined this day! The mood is great yet...
Inabot ko ang pisngi nyia, mukhang nagulat siya roon at nag-aalangan pa ako kung gagawin ko ang iniisip ko pero sa huli ay nagawa ko rin.
Marahang idinampi ko ang labi ko sa kanya at saglit siyang natigil roon. His eyes are wide as he looked down at me kaya yumakap ako sa leeg niya.
I moved my lips, maya-maya pa ay naramdaman ko ang yakap niya sa baywang ko at ang pagsagot niya sa halik ko.
I gasped at his sudden move. Napayakap naman ako sa leeg niya lalo at mas lumalim ang halik na iginawad niya.
It was soft, yet deep. Kinagat pa niya ang labi ko at kaagad kong ibinuka ang labi ko para papasukin siya. It was still surreal, everytime our lips touched, still feels unreal.
"Hoy, Zeijan!" Napatalon ako sa gulat. Mabilis kong natulak si Zeijan at namumungay pa ang mga mata nang lumayo sa akin.
Mabilis akong napalingon sa gilid at nakita ang isang matangkad na gwapong lalaki at isang magandang babae.
"Hmm, baby..." akmang lalapit ang lutang na si Zeij kaya tinampal ko ang braso niya at tinuro 'yong dalawa kaya napalingon siya roon.
"Kuya!" he was shocked.
What?!
His brother chuckled, his blue eyes smiling, kagaya ng sa mata ni Zeijan! Umakbay siya roon sa babaeng katabi niya at nag-init ang pisngi ko.
"Ano na naman?!" Zeijan hissed. Napatawa ang Kuya niya at nilingon ako. His strong aura somehow intimidates me kaya napalunok ako.
"May kasama ka ata?" his brother's lip twitched. Napalingon din sa akin ang magandang babae at sinipat ako ng tingin.
She looks sophisticated on her white dress and curly hair kaya bigla akong nahiya.
Where's your confidence now, huh? Alyx?
"Girlfriend mo, Zeij?" The beautiful lady asked and smiled teasingly at Zeijan.
"Yes—"
"No!" sabay naming sagot ni Zeijan. Natulala ako matapos no'n at nanahimik din si Zeij.
The couple laughed. Nakita kong may ibinulong 'yong babae sa asawa niya at napangisi ito bago nilingon ang kapatid.
"Huli ka, balbon..." tawa ng lalaki at napamura si Zeijan at hinawakan ang baywang ko.
"Iñigo, Zeij's handsome brother." Nahihiyang inabot ko ang kamay ko nang ilahad niya ang kamay niya sa akin.
"Alyx po," sagot ko at tipid na ngumiti.
"Handsome?" Zeijan hissed at inagaw ang kamay ko sa Kuya niya.
"Hoy, Kuya Raf mas gwapo ako sa 'yo!" ngiwi niya. The lady smiled at sinuntok si Zeijan sa balikat.
"Mas gwapo si Iñigo, 'no!" she said.
"Hoy, Ate Thallia! Tingnan mo nga kami, huh? Mas gwapo ako!" pilit niya. Sinulyapan ko naman silang dalawa.
They looked somehow similar, blue eyes, aristocratic nose and chiseled jawline and thin red lips. Hawig din ang dalawa, ang pinagkaiba lang ay may cleft chin ang Kuya niya and Zeijan has a small cut on his eyebrow.
Iñigo looked strict and colder, strong and intimidating while Zeij, he has this bad boy look, he looks cocky and playful, yet he has this soulful and dominating look.
"Sige, ganito na lang..." ani ng babae. "Why don't we ask Zeijan's friend?" ani ng babae kaya napalingon ako sa kanya.
"A-ako?" She nodded and smiled.
"I'm Thallia by the way," she offered her hand. "Thallia San—"
"Cueno!" sigaw ni Zeij.
"Huh?" Thallia asked. Nakita kong napatingin din si Iñigo sa kapatid niya.
"Nothing," Zeij cleared his throat.
"Uhm, Alyx..." I smiled and reached for her hand.
"So, sige, Alyx." She smiled sweetly at nagulat ako nang marahang hilahin niya ako kay Zeijan na nagpasimangot dito.
"Ate naman, akin 'yan!" Zeijan hissed.
"Kumalma ka, 'di ko naman tatangayin ang friend mo!" she quoted.
Sumimangot si Zeij at nagpapaawang tumingin sa akin.
"So, Alyx..." she started. "Choose, sinong mas gwapo sa kanila."
What?
Naguguluhan akong napatingin sa dalawang magkapatid sa harapan ko na nagtatagisan na ng tingin.
"Mas gwapo ako," Iñigo hissed.
"Excuse me, mas gwapo ako," Zeijan hissed. Kulang na lang ay magsapakan sila kaya napangiwi ako.
"Stand straight, please," I said. Napaayos ng tayo ang dalawa.
Iñigo stood straight, namulsa pa siya samantalang si Zeijan ay matiim akong tinitingnan habang nakahalukipkip.
"Hmm," napaisip ako.
Gwapo sila parehas pero...
Napalingon ako kay Zeij, halos manliit ang mata niya sa akin kaya napangisi ako. Hindi papatalo 'tong mister ko, oh!
"My baby's more handsome," bulong ni Thallia sa akin.
"Ate Thallia! Walang ganyanan! Madaya!" Zeijan whined. Tumawa si Iñigo at kumindat sa asawa niya na tumatawa rin.
"Si ano," I bit my lip. Nangingisi na si Iñigo at napapasimangot na si Zeijan.
"Sige, Alyx Riadna, subukan mong piliin 'yan!" turo niya sa kapatid. Nagpigil ako ng tawa.
"I think," napahawak ako sa baba ko habang pinagmamasdan sila.
"Sige na, piliin mo na 'to, kawawa, 'eh," Iñigo teased.
"Fuck you, Kuya!" sigaw niya.
"Hindi, eh," sagot ko. Mas nagsalubong ang kilay ni Zeijan at mas napahagalpak ang mag-asawa.
Zeijan suddenly looked at me darkly, that made him look hotter. Siya naman talaga pipiliin ko kahit anong mangyari. I don't know but he has this effect on me that other guys didn't have.
Malalim ang tingin niya, tila binabasa ako.
Saglit akong napalingon sa likuran nila at napansing may papasok na grupo ng mga babae. I saw them giggled and I know they were pointing Zeijan.
Ngumuso ako.
The girls are close to us, mukhang bisita nina Iñigo kaya dagli akong nagsalita.
"Si Zeij," mabilis kong sagot.
"I knew it!" Zeijan exclaimed. Nawala ang atensyon ko sa mga babae nang dambahin ako ng yakap ni Zeij.
My eyes widened. The couple laughed.
"My Ree will always choose me!" Zeijan hissed at his brother at nag-init ang pisngi ko nang hawakan ni Zeij ang magkabilang pisngi ko at paulit-ulit na hinalikan ang ulo ko.
"Oh, god!" Thallia exclaimed.
"Friends, huh?" Iñigo said. Nang mukhang ang labi ko na ang pupuntiryahin ni Zeijan ay mabilis kong tinakpan ang bibig niya.
"Behave, Zeij!" sikmat ko. Lumiit ang mata niya sa akin at tumango bago ko naramdaman ang labi niya sa palad ko. Napaatras ako sa gulat at pinalo ang braso niya.
I am really happy that time, hindi rin natuloy ang paglapit ng mga babae kay Zeijan at nakakapit lang ako rito buong oras.
I know some of them knows me, nakita kong nagbulungan pa sila pagdaan namin pero hindi ko sila pinansin. Like Zeijan said, I believe hindi naman ito kakalat kaya okay lang.
Kinuha ako ni Thallia kay Zeij nang makita niya kami. She told him that Iñigo is looking for him kaya siya ang kasama ko ngayon.
I somehow feels odd about something, I mean, napakayaman naman pala ng pamilya ni Thallia para sa ganito kagandang bahay, celebration at mga bisita.
The guests looked rich, designer clothes din ang suot nila kaya nakakapagtaka kahit papaano.
"You look familiar," aniya at pinasadahan ako ng tingin.
"Huh?" napalingon ako kay Thallia.
"I think I saw you somewhere," aniya sa akin. Napangiti ako.
"Artista ako," I said. I saw how her eyes widened.
"Oh, my god!" She exclaimed. "I remember you! Ikaw 'yong may billboard do'n sa may EDSA?!"
I chuckled and nodded.
"'Yong sa alak?" she asked.
"Oo."
"You're gorgeous in person!" she exclaimed in amazement. I smiled.
"Thank you, ang ganda mo rin. Hindi na ako nagulat na nabighani si Iñigo sa 'yo."
"Nabighani talaga?" she chuckled. "If only you knew!"
"Anyway, mind if I ask something?"
"Sure," she said.
"Uhm, is this your house? Ikaw bumili?" I asked and I saw her forehead creased.
"Huh? No, my husband bought this." I stopped.
"Really? Sabi kasi ni Zeij..." napaisip ako.
"Si Zeijan?" Nakita ko ang pagseryoso niya. "Uhm, magkatulong naming binili 'to ni Iñigo"" Nag-iwas siya ng tingin sa akin.
My forehead creased. This is just so...weird.
"Anyway, do you know his job?" she asked me. I nodded.
"Marami," ngiti ko. "He's a cook, waiter tapos minsan DJ siya."
"Really?" Nakita ko ang aliw sa mata niya pero kaagad ding nawala at pagkatapos ay napansin kong nagseryoso siya.
"That jerk is lucky to have you," aniya at sumulyap sa mga bisita.
Hindi ako nagsalita. Gusto kong sabihing hindi rin naman kami magtatagal, na may annulment rin kami pero hindi ko ginawa.
"Anyway, Mommy and Daddy will like you," she said at kaagad akong nakaramdam ng kaba.
"T-they're coming?"
"They're on their way," she smiled at inakay ako papasok sa kusina.
I saw Iñigo and Zeijan talking, may hawak na macaroni salad si Iñigo samantalang si Zeijan ay nakapamaywang sa harapan nito.
"Pa'no ba malalaman kapag 'di na okay 'yong macaroni salad?" Iñigo asked Zeij.
My forehead creased. Nakita kong napaisip si Zeij at napahawak sa baba niya.
"Simple lang," ani Zeij na mukhang nagyayabang.
"How?"
"Tanungin mo," aniya.
Napatawa si Thallia.
"Sabihin mo, 'Pre, okay ka lang?' kapag sumagot, tang ina, Kuya itapon mo na 'yan!" Zeijan exclaimed.
My jaw dropped. Napabuntonghininga si Iñigo. Humagalpak ng tawa si Thallia at tinulak ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co