Truyen3h.Co

A Bloodless War

Kabanata 12

heartlessnostalgia

Kabanata 12

"DID you contact him?" Trece asked, sitting next to me on the hospital bed.

"No..." mahinang sagot ko at ipinalibot ang tingin ko sa kwarto. I'd been staying at the hospital for a week now.

After that fight, my friends brought me here for my head to be treated. The injury wasn't that severe, wala naman ding internal bleeding ang nangyari kaya ayos lang.

Antonio was really happy for me, talagang binisita niya ako rito matapos mabalitaan na natapos na ang misyon namin. He praised me, telling me na hindi siya nagkamali na ako ang pinili niya.

He was happy I finally killed Archer which I didn't. Hindi ko siya pinatay, that man in black hoodie did it for me.

Hinanap ko siya pero hindi na rin siya naabutan. He's not one of our men, I am sure of that. Wala ring naabutan sina Trece nang ipinahanap ko sa kanila ang lalaki.

He was gone in a blink of an eye, tanging ang bakas na lang ng dugo mula sa kanyang tagiliran ang naiwan sa lugar.

Nasa Maynila rin ako ngayon dahil nga sa nangyari, I lost contact with my husband. Nawala ang phone ko at hindi ko alam kung saan napunta. Maaaring nahulog habang nakikipaglaban doon.

As much as I want to call Zeijan, hindi ko magawa. Una, wala akong number niya and I don't want him to see me at this state.

Magtataka 'yon panigurado, may pasa rin ako sa may pisngi at may sugat ang labi ko.

I looked tortured, what would my husband think if he sees me like this?

"Madadamay siya rito, Vipe," Trece told me. I nodded.

"That's why I have to keep him away from me. Zeijan's a good man," sagot ko sa kanya.

I've already told her everything.

"Anong plano mo?"

"Annulment," mahinang sagot ko. "I need to process the documents urgently, in secret. Baka magamit pa sa akin ni Antonio si Zeij kung sakali. I can't risk his safety."

She sighed and nodded.

"Anong name niya? I can try getting his number para ma-contact mo siya. I know a lawyer din who can help you with this case..."

"Zeijan Cueno," I answered. "But, if ever I'll contact him, anong sasabihin ko?"

"Tell him you have to break up," aniya.

"Eh, hindi naman kami!" nasapo ko ang ulo ko.

"Hindi kayo pero mag-asawa kayo!" ani Trece sa akin. "You just have to choose, his safety o malaman ni Antonio ang mga ito?"

"His safety, of course!" nahihirapan kong sabi. "He deserves better, not some murderer."

"Murderer..." mapait na napangiti si Trece, her chinky eyes shining a little. "Hindi natin gusto pero pumatay tayo ng tao."

"Too bad, fate is cruel to us. Kung normal lang sana tayo, kung maayos ang naging buhay natin e 'di sana..." Malungkot akong ngumiti.

"E 'di sana, ikinasal na kami ni Hawk," malungkot niyang sabi. I stopped, kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya at mabilis na inabot ang kamay niya.

"Trece..." Hinawi ko ang luha ng kaibigan ko.

"Sorry, Vipe..." tumulong siya sa paghawi ng luha niya. "I-I just love Hawk so much, but we can't be together."

"Malay mo, someday..." Mapait akong ngumiti. "Someday, we'll be together with the person we love without barriers and hesitations. Someday, everything will fall into its right place, hindi naman siguro masamang umasa na balang-araw ay makakalayo tayo sa mundong 'to, 'di ba?"

She nodded and I gave her a soft smile before pulling her into a hug.

"Ma'am?" sabay kaming napalingon nang may pumasok na nurse bitbit ang isang pumpon ng rosas at basket ng mga prutas.

"Yes?" Trece asked, drying her tears.

"Uh, may nagpapabigay po kay Ma'am Alyx," aniya kaya natigilan ako.

"Sa akin?"

She nodded. "Opo, Ma'am."

Wait, may nakakaalam na ba na media na narito ako?

"Sino?" I asked.

"Uh, lalaki po, Ma'am. Hindi po nagsabi ng pangalan pero fan niyo raw po." My mouth parted; my heart suddenly skipped a beat.

"A-anong itsura?"

"Uh, gwapo po!" Ngumisi siya. "Uh, matangkad, macho tapos..."

Napatayo ako sa kama at mabilis na naglakad palabas.

"N-nand'yan pa ba?"

"Po?" mabilis kong binuksan ang pinto at mula sa malayo ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod. Nakapamulsa ito habang naglalakad palayo.

Nagtambol ang puso ko. Nakagat ko ang labi ko pero bago pa man ako makatawag sa kanya ay may narinig ako komosyon.

"Alyx? Alyx Alarcon?" Natigilan ako nang makita ang photographer ng isang sikat na magazine.

Hindi ako nakaimik. Nangunot ang noo niya nang makitang naka-hospital gown ako at bago pa man siya makapagsalita ay nahatak na ako ni Trece papasok.

Hindi na nakakagulat na headline na ako sa diyaryo kinabukasan, kaagad ding kumalat na nasa hospital ako at mukhang bugbog-sarado sa social media.

Is my bruise a big deal? Oo masakit na nasapak ako sa mukha pero ang i-headline 'yon ay nakakairita!

"Are you sure Zeijan Cueno is his name?" I nodded while eating grapes.

I'm not sure that it was him I saw, parang siya pero paano naman niya nalamang nandito ako? Isa pa, he could have called and see me!

"Wala siya sa database," aniya, nangunot ang noo ko roon.

"Paanong wala?"

"I couldn't find his name," aniya habang nangangalikot sa laptop niya.

"Sure ka?" tanong ko at hinaplos naman ang roses na dumating kahapon.

"Hmm," she nodded. "But anyway, mukhang hindi naman ata kumpleto 'to." She shrugged.

"May Zeijan na ibang spelling, mayroong eksakto kaso iba naman," she said.

"Oh? Sino?"

"Zeijan Ruias Sandejas..." aniya. Kumunot ang noo ko, something stirred inside me when I heard that kaya naipaling ko ang ulo.

"Parehas sila ng name..." I pointed out. She nodded and sighed.

"Oo, pero anyway, may naalala ako! 'Yong lawyer na tinutukoy ko may chance na related dito sa Zeijan Sandejas na 'to."

"Really? Anong name?"

"Ra... Rafael? Rafael Sandejas?" Napaisip siya. "Hindi Raf pangalan niya, eh, kumbaga second name lang pero malay mo, 'di ba."

I nodded. How can I tell Zeij that we'll breaking the marriage off?

"'Di bale, ta-try ko ulit mamaya para macontact mo siya," aniya sa akin.

Sandejas? Sounds familiar, marami akong naririnig tungkol doon pero hindi ko naman sila kilala at nakita pa.

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

"PRESSCON, Alyx! Ikaw talaga, hindi pa nga showing ang movie pero may scandal na naman!"

"You know how media works, Jana! Hahanapan lang nila ako ng butas," reklamo ko at inilugay ang buhok ko.

I wore a pink backless dress for this so called presscon, kasama ko rin sina Brandy dahil nga para ito sa movie at dahil cast ako ay wala akong choice kung hindi ang sumama at makihalubilo sa tao.

Of course, media is there at wala akong takas.

"I fell tapos nauna 'yong mukha ko..." I said straightly in the camera.

Yeah, that was the dumbest reason ever! But what could I say?

"Then why does it look like you've been punched?" ani ng reporter. I smiled and flipped my hair sideways.

"Sa bahay 'to, I lost track of my steps at gumulong ako pababa," sagot ko naman. "No one would punch me, anyway." I smiled.

"Then, bakit hindi mo inilabas ito sa publiko?"

This is what I hate about this.

"For privacy," I answered. "But then, it has been exposed so..." nagkibit-balikat ako.

Marami pa silang tanong sa akin pero hindi ko na ito sinagot. I rose from my seat, kaagad na may guard na umabot sa kamay ko para alalayan ako pababa.

I walked towards the exit pero siksikan, sigawan at flash ng camera ang nakikita ko. Kumunot ang noo ko, nagsisiksikan na sila para makalapit.

"Alyx! How about the man na kasama mo sa isla?!" I stopped. Gulat akong napatingin roon at nakita ang isang lalaking nagsusumiksik palapit sa akin.

"Ano mo siya? Anong relasyon niyo? Bakit—"

"Move! Tapos na ang interview!" sigaw ng mga guard at pino-protektahan ako paalis.

Did he saw Zeij?

Pagkapasok ko pa lang ng dressing room ay doon na ako nakahinga nang maluwang at napahawak sa dibdib ko. Pagaling na rin naman ang pasa ko at hindi na gaanong kahalata.

"Alyx!" Gulat akong napaayos ng tayo nang lumapit sa akin si Brandy at hinawakan ang balikat ko.

"Are you fine? Anong nangyari sa 'yo? Why did you have—"

"I fell, okay?" malamig kong sabi. Tinanggal ko ang hawak niya sa balikat ko.

"You fell? Bakit—"

"Sinabi ko na sa presscon kanina kung bakit," mahinang sagot ko naman. Kumunot ang noo niya at akmang magsasalita nang lumabas kung saan si Tessa na nakataas pa ang noo.

She eyed me from head to toe and smirked. Ipinaikot pa niya ang kamay niya sa braso ng tulalang si Brad at nagsalita.

"Why don't you go back to the hospital, Alyx? Your face still looks..." ngumiwi siya. Napasimangot ako.

"Still looks what?" tumaas ang kilay ko at humalukipkip.

She looks disgusted, halatang nang-aasar ang mukha sa kinalagyan ko.

"Ugly," aniya at tumaas ang labi. I chuckled.

Oh, come on! That pride we got there!

"Just admit it, Tess..." I smiled wickedly. "Admit it, na sa ating dalawa, ikaw ang kailangan ng ospital. Not just for facial, maybe it'll be great if you have reconstructive surgery. Hindi na kasi kaya ng turok 'yang pisngi mo, eh."

I saw how her mouth parted, nakita kong nagsisikuhan ang mga staff sa may likuran at napangisi ako.

"I know someone who can do your face," maarteng sabi ko. "I'll recommended you to her."

"You bitch—"

"Bye!" I waved and walked away. Kumindat pa ako sa mga staff doon kaya nagsitawanan sila at nag-thumbs-up sa akin ang iilan.

I contacted Jana when I got into the parking. Hindi rin kasi ako natuloy sa pagbaba dahil sa paparazzi sa ibaba.

"Jana, how can I go out?"

"That's our problem, Lyx! Pinapalibutan ng reporters ang van! Akala nila nandito ka sa loob!" He exclaimed.

I sighed at napahilot sa sentido ko.

"Pa'no 'yan?" Inilibot ko ang tingin ko at nang makitang walang tao sa kabilang gilid ay dahan-dahan akong naglakad doon.

"Do you know someone? Pasundo ka?" aniya. I sighed.

"Wala..." mahinang sabi ko.

Trece was back in our agency, samantalang si Hawk ay sa isang misyon na naman kaya wala talagang mangyayari sa akin dito!

Muli akong sumilip sa van namin pero napakaraming tao kaya napakamot ako ng kilay. Damn, bakit ba hindi ba uso ang privacy sa mga taong 'to?

"How about I take a cab?" tanong ko sa kanya at sinuklay ang buhok ko.

"Goodness, Alyx! No!" he said. "Ganito na lang, ilalabas namin 'tong van para iligaw 'tong mga 'to then we'll be back to fetch you. Nasaan ka ba?"

"Near the parking's restroom."

"Then, stay there. Hide if you see some people, babalikan ka namin." I saw how the van drove away. Humabol doon ang mga reporter pero may iilang naiwan sa pwesto.

Mali ata ang pinasok ko, sanay naman na ako sa mga taong walang paki sa privacy but it keeps on getting on my nerves every damn time!

I heard footsteps. I panicked. Hindi ako magkandaugaga kung saan magtatago kaya tumakbo ako papasok ng restroom pero bago ko pa man iyon maabot ay may humila sa kamay ko.

My breath hitched. Hinatak ko kaagad ang kamay ko at sinubukang umalis pero mas malakas siya sa akin!

"Let go!" And before I knew it, I was being dragged somewhere!

A man was holding my wrist and dragging me! Sa bawat haltak ko ng kamay ko ay siya ring hila niya sa akin.

"Let me go!" I screamed and spank his arm. Biglang lumingon sa akin ang lalaki at halos mabuwal ako nang makita ang madilim na mukha ni Zeijan habang nakatingin sa akin!

"Zeij?!"

Hindi siya nagsalita at hindi na ako nagpumiglas sa hila niya. Nagulat pa ako nang maglabas siya ng kung ano sa bulsa at maya-maya ay tumunog ang isang mamahaling sportscar sa harapan namin.

Nagmartsa siya habang hila ako at binuksan ang sasakyan. Halos itapon na niya ako sa loob ng sasakyan sa inis niya.

Padarag na isinara niya ang pinto at tumakbo sa kabilang side.

His aura's scary, walang imik niyang iniayos ang seatbelt ko habang tulala ako sa kanya at hindi makapaniwala.

How did he find me here? Tapos...sa kanya ba 'tong sasakyan?

"Zeij..." mahinang tawag ko, hindi niya ako sinagot at nanatili ang tingin sa daan. He's gripping the steering wheel hard, his veins protruding.

Umiigting din ang panga niya sa bawat pagkalabit ko sa kanya pero hindi ako iniimik.

"Zeij," pangungulit ko. His lips moved as he bit it.

"Zeijan," still no response.

"Baby!" I said. I saw him froze, mas lumalim ang kunot ng noo niya pero hindi nagsalita.

I bit my lip.

"Uy, Mister! Talk to me!" That's when he stopped. Napasinghap pa ako sa biglaang pagpreno niya, kung wala akong seatbelt ay nalamang tumilapon na ako!

"What did you say?" mariing sabi niya at napakapit lang ako sa seatbelt ko.

"Huh?" I blinked.

"Anong sabi mo?" ulit niya. His jaw was clenching, halatang galit ang itsura.

"Sabi ko, kausapin mo ko," sagot ko at humarap sa kanya. "Zeij kasi, I can explain..."

He tilted his neck and drove again. Hindi na ako humihinga habang nag-da-drive siya.

Iniisip ko 'yong mga paliwanag ko. How will I explain my sudden disappearance? 'Yong mga pasa ko? 'Yong annulment?

He stopped in a prestigious hotel, kitang-kita ko habang nasa byahe ang naglalakihang mga building. Pulos salamin ito simula pataas hanggang pababa at may mga puno rin sa paligid na nagbigay ng sariwang hangin.

Nakaawang ang labi ko habang pumaparada si Zeijan doon. Kaagad siyang lumabas ng sasakyan at napakurap ako nang buksan niya ang pintuan sa side ko. He offered me his hand at nagdadalawang-isip ako kung kukunin ko ba iyon o hindi!

Sa huli tinitigan ko lang iyon na mas nagpatiim ng panga niya.

"Get out," mariin niyang sabi. Nakagat ko ang labi at mabilis na lumabas.

Nang maisara niya ang pinto ay nakatitig lang ako sa kanya. My breathing hitched when our eyes met.

"S-sa 'yo 'to?" turo ko sa sasakyan. Umirap siya at hinagilap ang kamay ko pahila sa kanya.

Tumama ako sa dibdib niya sa ginawa kaya napasinghap ako at napakapit sa kanya. I felt his hand on my back, caressing my exposed skin at narinig ko ang malalim niyang paghinga.

"Do you fucking have to expose your skin?" mariing sabi niya. Nagwala na naman ang friends ko sa sikmura.

"Uh, ano..." hindi magkandaugaga kong sabi.

"Hindi ka ba nilalamig?" Lumayo siya sa akin at mabilis na hinubad ang jacket niya bago ipatong sa likuran ko at hinawakan ang balikat ko papasok.

Naguguluhan pa rin ako, ni hindi siya nagsalita pagkapasok namin sa hotel at dire-diretso lang ang lakad namin papunta elevator.

Nakita kong may pinindot siya roon at walang kibo habang magkatabi kami. I heard nothing but his deep breaths and sighs.

Langhap ko rin ang pabango niya mula sa pwesto ko na pakiramdam ko ay kaya nitong sakupin ang buong pagkatao ko. Gulantang ako nang makitang ang kwarto na pinasukan namin pagkaalis ng elevator ay sakop ang isang buong malaking floor.

From the glass window, an ash colored sofa, flatscreen TV and the intricate designs of furnitures, nakakalula!

Sa muling pagsulyap ko kay Zeijan ay naroon na siya sa gilid at may kung anong kinukuha kaya napatitig ako sa kanya.

I fucking missed him!

Sa isang linggo ko siyang hindi nakita, sobrang na-miss ko siya!

I didn't know what I'm doing, basta ang alam ko lang ay nabitawan ko ang jacket ni Zeijan sa balikat ko dahil sa pagmartsa ko palapit sa kanya.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong yakapin siya sa likuran na nagpasinghap sa kanya.

"Damn!" he cursed in shock when he felt my embrace. I can feel him stopped for a while kaya mas humigpit ang yakap ko sa likuran niya.

Why...why does he feel so warm everytime? Why does his presence calm me? How can he manage to make me feel home and safe?

"Mister..." I whispered. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na pumihit at kinabig ako palapit sa katawan niya.

Halos maiyak ako sa yakap niya kaya napasubsob ako sa dibdib niya. I sobbed, na-alarma naman siya sa narinig kaya mabilis niyang nahawakan ang balikat ko para silipin ang mukha ko.

"Ree..." malambing niyang sabi. His angry eyes were gone and were replaced by his soft and concerned ones.

"Z-Zeij," my voice broke again. Napamura siya at mabilis akong binuhat kaya napakapit ako sa leeg niya.

He let me sit on the sofa at mabilis na lumuhod sa harapan ko para hawiin ang luha ko.

"Why are you crying?" I shook my head and lowered my face.

I honestly don't know why the hell I am crying. Is it because I finally saw him after days? Is it because I missed him? Dahil ba malungkot lang ako?

Hindi ko alam!

"Ree..." he called me at hinanap ang mata ko.

"W-why?" He stared at me for a while and shook his head.

"Stay here," aniya bago tumayo. I dried my tears habang nag-aantay sa kanya.

Nababaliw na ba ako? Bakit ako umiiyak ng ganoon? I cried the last time noong muntik na ako magpakalunod tapos ngayon na naman...

Bakit kailangang makita ni Zeijan ang mga kahinaan ko?

Natauhan lang ako nang makitang papalapit na si Zeijan habang hawak ang maliit na batya ng tubig at medicine kit. Naupo siya sa tabi ko at nagtatakang napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang pisngi ko at hawiin ang buhok ko.

"B-bakit?" paos kong tanong. Hindi naman siya nagsalita at pinigaan ang maliit na t'walya mula roon sa batya at ipinunas sa mukha ko.

He cleaned my face, nakita kong tinatanggal niya ang make-up sa mukha ko dahil sa presscon kanina at kunot lang ang noo niya habang ginagawa iyon.

My bruise! Nang maalala ko ang pasa ko sa pisngi ay kaagad akong napaatras pero tumiim lang ang tingin niya sa akin.

"Stay," he warned me at parang pusa akong ngumuso at hinayaan siya.

"Sorry, Zeij..." mahinang sabi ko. Hindi siya nagsalita at nanatili sa pagpunas ng mukha ko.

He was serious while doing that. His blue eyes darkening as he touched my cheek with the bruise.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" mariing tanong niya.

Kumalabog ang dibdib ko.

"S-sinabing ano?"

Damn, alam niya?

"What happened..." aniya.

Anong nangyari? 'Yong kunwaring nalaglag ako sa hagdan o 'yong sa abandonadong bodega?

"Uh, nala—"

"Tell me the fucking truth, Alyx Riadna. Anong nangyari sa'yo?" he scoffed.

"Nalaglag ako sa hagdan." His forehead creased, tila namangha na hindi maintindihan sa sinabi ko.

"Then, bakit hindi mo sinabi sa akin? Why the hell did you leave without fucking telling me?!" I noticed his frustrations.

"I lost my phone tapos nahihiya akong tawagan ka, you might worry—"

"At sa tingin mo hindi ako mag-aalala dahil hindi mo sinabi?" Natahimik ako. "I was looking for you everywhere, ang sabi ko nasa bar lang ako. You even told me you'll just stay home pero bakit wala ka na pagbalik ko? Huh?"

"K-kasi nga nasa ospital ako—"

"Maynila pa talaga dinayo mong ospital, huh?" mariing sabi niya. "I looked for you in all those fucking hospitals there pero wala ka! Akala mo ba hindi ako nabaliw kakahanap sa 'yo?"

Natigilan ako. I saw him stopped too upon realizing what he'd said kaya napalunok siya at nag-iwas ng tingin.

Pinigaan pa niya kunwari 'yong t'walya kaya nakagat ko ang labi ko.

I really missed Zeijan! Nababaliw na ata ako!

"I-I missed you, Mister," I confessed.

His jaw clenched.

"H'wag ako, Alyx Riadna," he cleared his throat and licked his lower lip.

Nagpigil ako ng ngiti.

"Baby!" Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. "Sorry na..."

He blushed. Napanguso ako nang mamula ang tainga niya kaya nagpigil ako ng tawa.

"Stop it, Alyx. Hindi ka nakakatuwa," irita niyang sabi pero hindi nakaligtas sa akin ang pagpigil niya ng ngiti.

"Didn't you miss me?" mahinang sabi ko. "Na-miss kita ng one hour."

Sumimangot siya sa sinabi ko at pinasadahan ng palad ang buhok niya.

"One-hour lang? The fuck, Ree?" I laughed. Napailing naman siya sa akin at pinisil ang ilong ko.

"I'm fuming mad at you, woman. Hindi pa tayo tapos," sikmat niya pero humalik sa noo ko kaya nag-init ang pisngi ko.

"They didn't even take care of you here!" inis niyang sabi. "Are you sure you just fell on the stairs? Para kang binugbog! 'Di naman kita binubugbog, 'di ba?"

Umiling ako at hinayaan siyang tingnan ang pasa ko.

"Your make-up made it look like it's fine but it's not with me!" aniya. "Pina-check mo na ba 'to sa doktor? Bakit ganyan 'yan?"

Eh, kasi ang sakit ng suntok ng hinayupak na Archer!

"Galing na nga akong hospital, 'di ba nga, hinatidan mo pa ako ro'n ng roses tsaka fruits?" sabi ko. Hindi siya nakagalaw saglit pero umiling.

"Hindi ako 'yon," aniya. Sumimangot ako.

"Come on, Zeij. I saw your back," sabi ko.

"You know me from the back?" I nodded. "S'yempre naman, bakit hindi?"

"Then, bakit hindi mo nakilala..." nabitin sa ere ang sinasabi niya at inabot ang ointment doon sa lamesa para lagyan ang pisngi ko.

"Nakilala 'yong ano?" I asked. Umiling siya at inabot ang baba ko, he examined my lip and flicked it kaya napatalon ako.

"Zeijan!" I hissed.

"Nagkaroon ka rin ng sugat sa labi, oh!" sita niya. "Your lips weren't like this a week ago!"

Napangiti ako roon.

"S'yempre, tumama mukha ko kaya gano'n, Zeij."

"Zeij, Zeij na naman! Kanina, mister tawag mo sa akin nang 'di kita pinapansin tapos ngayon... Stop playing with my feelings!" maktol niya.

Napahagalpak ako ng tawa at inabot ang pisngi niya.

"Sige, mister na! Minsan lang ako ganito." Tawa ko. Umirap siya at inilagay sa likod ng tainga ko ang buhok ko.

"Anyway, give me your phone later," aniya at naisip ko kaagad ang bago kong phone. Nagtaka naman ako at hinanap ang mata niya.

"Why?" I asked.

"You owe me a week, Misis. Akin ka sa isang buong lingo," aniya kaya napangisi ako at tumango.

"Okay..." I smiled. "Pero anyway, kaninong car 'yong kanina 'tsaka itong condo?" Ipinalibot ko ang tingin.

"Friend," sagot niya. "Pinahiram sa akin."

"Ang yaman naman ng mga kaibigan mo!" I said, amused. "Ano 'yon, sobrang close niyo naman para pahiramin ka nito!"

"Gwapo ang asawa mo, h'wag ka nang magulat." He laughed. Tinampal ko ang balikat niya.

Ibinaba niya ang tingin niya sa t'yan ko at hinawakan ang bandang sikmura ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Hindi masakit?" aniya at marahang idiniin ang kamay niya roon. I shook my head and stared at his hand. Doon ako, sinuntok noong nakaraan.

"Bakit naman sasakit 'yan?" maang kong sabi at pinagmasdan siya pero wala namang kakaiba sa reaksyon niya.

"Nothing, baka ginutom ka lang kasi nila." Ngiti niya kaya napailing na lang ako.

"You're weird," sabi ko pero umismid lang siya sa akin at tumayo sa harapan ko. I stilled when he examined my head at may kung anong hinahanap doon.

"What the hell are you doing, Zeij?" tanong ko at napangiwi pa nang masagi ng kamay niya ang sugat ko sa ulo.

"Wala, tsine-check ko lang, baka may garapata."

"Zeijan!" I hissed. He laughed. Sa inis ko sa sinabi niya ay sinuntok ko ang tagiliran niya at 'yon na lang ang gulat ko nang mapamura siya.

"Aray, fuck!" he cursed habang sapo ang tagiliran niya at pabagsak na naupo sa sofa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co