Truyen3h.Co

A Bloodless War

Kabanata 15

heartlessnostalgia

Kabanata 15

MY tears fell. Napapikit ako at sa pagmulat ko ay nakita ko ulit ang nakahigang si Zeijan.

My hand felt numb, so I tightened the grip. One by one, I took a step forward and each step feels wrong, it feels heavy.

I pointed the gun at him again and closed my eyes. That's when I remembered Zeijan's warm smile while holding my hand. I saw his sweet blue eyes, his cheesy jokes, his calming voice.

Naalala ko lahat at sa pagmulat ko ay nanghina ako.

Suddenly, my fingers shook. Nabitawan ko ang baril at napaupo habang sapo ang mukha ko.

"I-I can't..." I whispered.

No, hindi ko kaya... Ayoko...

Napaluha akong lalo at tinakpan ang bibig ko.

"T-this isn't true... Hindi..." I kept on saying, convincing myself. Ang bigat sa dibdib ko ay kinakain ang katawan ko. Nawawalan ako ng lakas. Nanghihina.

He moved. I gasped. Kaagad akong napatayo at inabot ang baril ko. I was shaking as I walked. Gusto ko mang lumayo kaagad ay dinala ako ng mga paa ko sa kanya.

I sat next to him, shaking. Inabot ko ang mukha niya at umalpas ang hikbi sa labi ko nang makita kung gaano ito kaamo. I touched his face softly, with my hands trembling and my tears falling.

I touched him because this will be the last time, I will see him. I have to go. Aalis ako dahil kailangan, dahil hindi kami pwede. Dahil niloko niya ako.

He moved again. Aalis sana ako pero nahawakan niya ang kamay ko kaya natigil ako. He didn't open his eyes and just held my hand. He's still asleep pero naramdaman ko ang halik niya sa likod ng palad ko at ang pagyakap niya sa kamay ko.

I tried removing my hand, but his grip is so tight I can't escape.

Zeij, please... Let me go...

I moved my hand again and tried removing it and when I did, kaagad akong tumayo at mabilis na nagpalit ng damit. I immediately got my important things while shedding tears.

I have to go away. I can't see him again.

"T-Trece?"

"Lyx? Why?"

"C-could you fetch me? Please?" pabulong kong sabi sa telepono.

"Huh? Bakit?"

"P-please, Trece... I have to go," bulong ko at mahigpit na napahawak sa telepono.

"Huh? Sige, wait, where are you?" I told her exactly where I am. At bago ako lumabas ay muli akong sumulyap sa kama kung nasaan si Zeijan at mabilis na napatalikod paalis.

I didn't know how I got into Trece's car. Tahimik akong umiyak sa likuran ng sasakyan habang siya'y nakatingin lang sa akin sa salamin.

She's not saying anything, tanging ang mapanuring tingin ang ibinibigay niya sa akin at ikinaluwang ng loob ko iyon.

How is that possible? Si Zeijan... Si Archer.

How did that happen? Paanong... Parang impossible! Zeijan is just Zeijan, my husband! Bakit... Bakit siya si Archer?

I remembered the man who saved me while I was fighting with the fake one, the one wearing a black hoodie, that one man who got stabbed on the waist. Si Zeijan.

But why? Why did he lie? Why did he fool me?

"Lyx..." Sa nanlalabong mga mata ay sumulyap ako kay Trece. Bumaba ang tingin ko nang iabot niya sa akin ang isang panyong puti at pagkatapos ay malungkot na ngumiti.

"It's going to be fine," she assured me, tila alam ang nararamdaman ko.

"T-Trece..." I called her and she immediately stopped the car.

Kaagad siyang lumabas sa sasakyan at lumipat sa backseat at nang makapasok ay kaagad akong hinila para sa isang mahigpit na yakap.

I cried on her shoulder. I was sobbing loudly as she caressed my back.

"Calm down, Lyx..." I shook my head.

"S-Si Zeij, Trece." My voice broke.

"What about him?" Hindi ako nakasagot at mas niyakap lang siya. "Did you end everything?"

Umiling ako at halos maghabol na ng hininga.

"What happened?" lumayo siya sa akin at pinunasan ang mukha ko mula sa mga luha. "Alam mo na ba?" she suddenly asked.

"W-what?" I asked.

"I checked and...you're married to a Zeijan Sandejas, Lyx. Not to a Zeijan Cueno." I blinked back my tears. Napatungo ako at nasapo ang dibdib ko.

So, he did lie to me again, this time, his surname.

"That's why Atty. Sandejas rejected us, kasi sa kapatid ka pala niya kasal."

Now, that makes sense. He lied to me... For real now, paanong hindi ko ito paniniwalaan?

"That man is a bachelor, Lyx. They owned different kinds of law firms, bars and airlines. He's not just no one..."

Hindi ako nakasagot at nanatiling nakatulala sa kamay ko. I couldn't process everything, in just a snap, everything turned out to be worst.

One second, we're happy, now... It all turned upside down.

"P-pwede mo ba akong dalhin kay Mommy?" I asked her and she looked at me, concerned.

"Are you sure? Naroon ang mga tauhan ni Antonio. Your Mom's jailed in one of the rooms there," aniya sa akin.

"I-I want to see her..." bulong ko.

"That's impossible, mahihirapan tayong makalusot sa mga tauhan doon," aniya sa akin.

"I can climb on the walls," sagot ko. "I just have to see her."

"But you're injured. 'Yong paa mo, ano bang nangyari d'yan?"

"I'll be fine," I breathe. "I-I just want to talk to my Mom."

"Okay..." Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay ko.

"Study the mansion's structure first, kung saan ang mga bantay para makalusot ka," aniya sa akin. "I'll just call Hawk para makibalita."

I nodded. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko.

You can't cry now, Alyx. He fooled you! Bakit ka pa umiiyak?!

"Here, Lyx." Trece hand me a tablet na kaagad kong inabot.

I have to see my Mom. I have to keep her safe, even if it means I'll be in danger.

The screen lit, forming a 3D image in the air. I put the tablet on my lap to study the map in the air. I studied the mansion's exit and every entrance. I saw where the guards are, where his men are. I zoomed the map and moved to see the details.

Matapos kong makita iyon ay kaagad kong ibinaba ang tablet at huminga nang malalim. I fixed my hair in a bun and wipe the dried tears in my eyes.

Nang makarating kami sa exclusive subdivision kung nasaan ang mansyon ay pumarada kami sa lugar malayo roon. I removed the bandage on my feet and smiled faintly while looking at it.

This isn't actually deep, but he insisted to... Sinaway ko ang sarili ko at umiling.

"Lyx, here..." Trece hand me something to cover my wound na kaagad kong ginamit. I wore my boots and my leather jacket. Inayos ko ang baril sa likuran ng pantalon ko at lumabas ng sasakyan.

"I'll check you from here," ani Trece sa akin. She gave me a knife.

"Thank you." I was about to go when she stopped me. Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang braso ko.

"Be careful, Lyx..." she said. Hinawi niya ang buhok at tinitigan ako. "Hawk told me that he already found out, na hindi si Archer 'yong napatay."

"Okay..." I nodded.

"They've been searching for you right now, don'' get caught," marahang sabi niya.

"I won't..." I smiled at her and hugged her. "Thank you."

Sa likuran ako ng mansyon dumaan pagkarating. I saw a lot of people in black fitted shirts and a gun on their sides.

I fished my phone out and called the nurse.

"What room is Mom in?" I asked.

"Po? Third floor po, 'yong pinakadulong kwarto sa kaliwa," aniya sa akin. "Bibisita po kayo, Ma'am?"

"I'll go there, can you cover me? Sa terrace ako aakyat..."

"Po? Hala, Ma'am sa entrance na lang po—"

"I can't," mahinang sabi ko. "Abangan mo na lang ako sa kwarto ni Mom, I just have to see her."

"Sige po, sabihan ko rin po si Ma'am."

My phone beep before I could even keep it.

From: Mister:

Saan ka, Misis?

I heaved a deep breath. Kaagad kong pinatay ang telepono ko nang makita ang pangalan niyang tumatawag at itinago sa bulsa ko.

Marahan akong naglakad gamit ang back door at naabutang may nagbabantay na dalawa roon. I walked slowly towards the first one and held his arm.

Nagulat siya sa biglang paghawak ko pero bago pa man siya makapagsalita ay hinampas ko ang batok niya na nagpatumba sa kanya.

I dragged him to the side and grabbed his gun. Lumapit naman ako roon sa may isang guard sa may pintuan papasok ng kusina.

"Kuya..." tawag ko.

Nilingon naman niya ako at nakita ko ang gulat niya pero bago pa niya mahugot ang baril niya ay hinampas ko ang kamay niya. He attacked me, umiwas ako sa ambang pagsuntok niya at pumunta sa likuran niya.

He turned and tried punching me but I caught his wrist and twisted it. He groaned, he was about to get his gun that's when I punched his face and pushed him to the wall and bang his head.

Nang matumba siya ay kaagad ko siyang hinila papunta roon sa may halaman at nang makapasok ng kusina ay kaagad na nagtago.

I heard their conversations. Narinig kong hinahanap nila ako at utos daw ni Antonio.

They really found out that it wasn't Archer, huh?

I heard a voice coming near me kaya napatakbo ako palabas ulit. Damn! I was close!

I clicked my neck and stared at the distance between the ground and the second floor. Kaagad akong sumampa sa bakod at inabot ang sanga ng puno para makaakyat.

Napangiwi ako nang namanhid ang talampakan ko pero kumapit ako. I brought myself up the second floor immediately, jumping to the edge quietly.

"Where are you, Lyx?" Trece voice is what I've heard.

"Second floor..." sagot ko at idinikit ng maayos ang earpiece sa tainga ko. "Can you check if there are people in the hall?"

"Okay, activate your glasses..." I immediately opened my camera and threw the lipstick with a hidden camera inside the hallway connected to my glasses.

An empty hallway flashed on my eyes.

"There, Lyx. Have you seen it?"

"Yes, thank you," mahinang sabi ko at ipinalibot ang tingin ko. I walked slowly, picked up the lipstick and stood. Muli ko iyong ibinalik sa bulsa ko at marahang naglakad sa gilid.

"Deactivate all the cameras inside the mansion," I asked Trece.

"Got it!" When I saw the green light slowly disappearing from the cameras ay mabilis akong naglakad nang diretso.

I used the stairs to go up to the third floor. I jumped and hid when I saw three men talking.

"Lagot kay boss 'yong anak-anakan niya!" humagalpak sila ng tawa.

"Nagmamagaling kasi, akala mo naman nakita talaga niya 'yong Archer!" sabi ng kalbo.

Bakit kayo? Nakita niyo ba? Have you ever tried searching for Archer?

"Baka isasama na 'yon sa tatay niya!" Nagtawanan sila. "S'werte na lang niya at tulala iyong nanay niya at kung hindi, naku! 'Yon ang punterya ni Boss!"

When they got out from my sight ay 'tsaka lamang ako lumabas at pinakatandaan ang mukha ng tatlo.

You don't know me, assholes. Wait until I wring your neck and choke you to death.

"Lyx! Faster! Pumasok ka na sa kwarto! May aakyat d'yan!" Trece exclaimed kaya mas binilisan ko ang lakad ko at napasinghap nang may humarang sa akin.

"Aba't nandito ka pala!" Nagulat ako nang makitang galing siya sa isang kwarto roon.

He pointed the gun at me, kaagad akong nagtaas ng kamay.

"Wala akong balak na masama," I said calmly.

"Sumama ka sa akin! Ihahatid kita kay Boss!" He groaned loudly and when he's about to drag my arm, I quickly step on his foot and smacked his arm to get the gun.

"Tang ina!" nahila niya ako kaya napamura ako at siniko ng malakas ang t'yan niya.

"Putang—" I hit his head with my forehead and grabbed his shoulder. I dropped the gun with my sudden move but immediately hit his head on my knee.

He groaned and reached for my hair, nahila niya iyon kaya nawalan ako ng balanse.

"Gago ka! Tang inang babae 'to!" he shouted, touching his bleeding forehead.

"Motherfucker..." I hissed at him.

Sumugod siya, kaagad akong nakaikot paalis sa lapag at tumayo.

"Viper! The gun! Get it!" Trece shouted on the other line at kaagad na nag-focus ang mata ko sa baril sa lapag.

He's close! Bumalik ang tingin ko sa lapag at ginapang ang baril. I hissed when he dragged my feet. Napamura pa ako nang tumama ang kamay niya sa masakit kong paa.

"Fuck!" I tried reaching the gun.

"Hayop kang babae ka! Papatayin kita!" he screamed.

Napasinghap pa ako nang makita niya ang patalim na nasa may sapatos ko.

He lifted the knife in the air. I did my best reaching the gun and I quickly moved my body and shoot his head, making a loud noise as his body dropped on the floor.

Kaagad akong natigilan nang mag-alarm ang buong bahay. Kaagad akong napatayo at mabilis na tumakbo papasok sa kwarto ni Mommy.

"Viper! Get out of the house!" Trece shouted on the other line pero hindi ko siya pinakinggan.

I saw the nurse.

"Ma'am!" she exclaimed kaya kaagad na hinanap ng mata ko si Mommy at nang makita siya na nakaupo sa wheelchair ay tinakbo ko ang distansiya namin.

I knelt in front of her and hugged her tightly, not minding the sound alarming the whole house that I am here.

"M-mom..." my voice broke. Kaagad akong humiwalay sa kanya at nang makita ang lumuluha at maamo niyang mga mata ay napaiyak ako.

"M-mommy..." bulong ko at hinawakan ang pisngi niya.

"Hmm... Hmm..." She hummed, tears falling from her eyes.

"I-ilalayo kita rito, Mommy. Ilalayo kita," paulit-ulit kong sabi at hinalikan ang noo niya.

"Hmm..." I knew she wanted to speak but she couldn't, she was just humming as she looked at me.

"Mommy, sorry, I love you..." kausap ko sa kanya.

"M-ma'am!" I stilled when I felt a hard thing on the back of my head.

"Hmm! Hmm!" my Mom hummed, panicking.

"Sumama ka sa amin!" A man's voice is what I've heard. Napatingin ako sa Mommy ko na halos magpumiglas, maabot lang ako. Umalpas ang mata niya at mas lalong nanlambot ang katawan ko.

"I-I'll be fine, Mom," I whispered.

"Tahimik!" Idiniin niya pa ang baril sa likuran ng ulo ko.

"S-sasama ako!" sigaw ko at itinaas ang kamay ko.

"Tayo!" he shouted. I heard the nurse crying and my Mom humming painfully.

"Harap!" Marahan akong humarap at nakitang halos limang kalalakihan ang nakatayo at nakapaikot sa akin habang nakatutok ang mga baril.

I froze. I couldn't fight anymore.

"I'll go with you..." pabulong kong sabi, hilam ng luha ang mga mata.

Kaagad na may lumapit sa akin para itali ang mga kamay ko sa likuran habang ang isa'y nakatutok ang baril sa sentido ko.

"Lumaban ka ang papasabugin ko 'yang ulo mo!" he hissed. I nodded slowly.

"I-I won't fight..."

Hinatak nila akong palabas. Napaiyak ako sa sakit ng ginawa nila pero mabilis na hinanap ko ang mata ni Mommy. I smiled at her, assuring her pero tanging takot, sakit at panibugho lang ang nakita ko sa mata niya bago magsara ang pinto.

They brought me to the hideout. Tulala ako at tanggap na ang kapalaran.

I will die, I knew it.

Pero at least, 'di ba, nakita ko si Mommy? Nakasama ko siya. Nasabi kong mahal ko siya.

Nadapa ako nang itulak nila ako sa lapag pagkapasok. I took a deep breath when my body throbbed painfully.

Hinatak ng lalaki ang braso ko patayo at hindi na ako lumaban nang itapon niya ako sa isang silya. Itinali niya ang kamay ko sa silya at lupaypay akong nakaupo roon. Nanghihina. Natatakot para sa Mommy ko.

"Ang yabang mo, pumatay ka pa pala ng mga kasamahan namin para makita ang Nanay mo, huh?" mapang-uyam na sabi ng lalaking nagtali sa akin.

"They deserved to die anyway," I answered him back. His eyes widened, iniigkas niya ang kamay at nang akmang sasampalin ako ay kaagad na nagbukas ang kwarto.

Nasilaw ako sa liwanag mula sa labas at nakita kong natigilan at mabilis na lumayo ang lalaki sa harapan ko.

A slap made me stop. Malakas na igkas ng kamay ni Antonio ang sumalubong sa mukha pagkarating nyia.

"Putang ina mong babae ka!" he said, enraged. "Tang inang, ang lakas ng loob mong galitin ako!"

Hindi ako sumagot at tumitig lang sa kanya.

"Lolokohin mo pa akong si Archer ang napatay mo—"

"I didn't know it wasn't him!" sagot ko.

Isang igkas ng kamay niya ang naramdaman ko sa kabilang pisngi ko.

My cheek stung.

"Sasagot ka pa?!" galit niyang sigaw sa akin. "You fooled me! Anong akala mo, hindi ko malalaman, huh?!"

I was fooled too...

"Ang tanga-tanga mo! Kagaya ka lang rin ng iba! Palpak! Walang-kwenta!"

I know, I know I'm worthless...

"I sent you to that fucking mission because I believed you'll kill that asshole, but you didn't!" sigaw niya. "Naloko ka na, Viper! Tang ina, bakit ang bobo mo?!"

"I thought it was him! He asked me to fight! Akala ko siya!" Sinipa niya ang paa ko at halos mapaiyak ako roon pero tinatagan ko ang sarili.

"It was hard finding him! No clues! No everything! You can't blame me if—" he strangled me. Umawang ang labi ko at naghabol ng hininga.

"Puta, lumalaban ka na ngayon?!" My chest went up and down, catching my breath.

Nagpumiglas ako pero nakatali ang kamay ko at sipain ko man siya ay wala akong lakas.

"Akala mo ang taas mo na?! Kinakalaban mo ako?!" his eyes were bloodshot. Parang mawawalan na ako ng hininga at bibigay na ang katawan ko. His grip on my throat is tight.

He finally let go. Parang mamatay na ako nang maghabol ako ng hininga at taas-baba ang dibdib ko. I need air!

"Lalaban ka pa?!"

I shook my head, retrieving all the air I've lost.

"Sumagot ka!" Hinawakan niya ang panga ko at idiniin, hinahanap ang mga mata ko.

"N-no..."

"Sino si Archer?!" sigaw niya.

Nanahimik ako pero naghahabol pa rin ng hininga.

"Sino ang totoong Archer?!" his loud growl almost stopped me.

Si Zeijan... Hinabol ko ang hininga ko at matapos ay umiling.

"I-I don't know..." Tinulak niya ako pabalik sa upuan at sinuntok ang pisngi ko. Kinagat ko ang labi para mapigil ang pag-iyak.

"Who the hell is Archer, Viper?!" sigaw niya.

I shook my head again.

"H-hindi ko alam..." I breathe.

"Sino?!" I shook my head again and again.

"I-I don't know... I don't know," ulit ko.

"Putang ina! Hindi mo sasabihin?!" Umiling ako at napa-ingit nang hilahin niya ang buhok ko.

"H-hindi ko alam! Hindi ko kilala si Archer!" sigaw ko ng paulit-ulit.

"Walang-kwenta!" he hissed. Tinulak niya ang ulo ko at naputol ang hininga ko nang maramdaman ang suntok niya sa sikmura ko.

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

"B-BAKA mapahamak siya..." nagising ako sa umiiyak na boses.

"She'll be fine..."

"S-she won't! Look at what happened to her, Hawk! S-sana sumama ako sa kanya! She's—"

"Sshh..." I saw Trece and Hawk hugging in front of me. Pilit na tinutulak ng umiiyak na si Trece si Hawk habang hinihila siya payakap nito.

"She's strong, Trece... Come on, calm down." He kissed her hair.

"N-No... Natatakot akong—"

"G-guys," I called them. Nakita kong natulak ni Trece si Hawk at nanlaki ang mata niya.

"L-Lyx!" She exclaimed. Tumakbo siya palapit lalo at napangiti ako nang yumakap siya sa akin.

"S-sorry, Lyx... Hindi ako nakapunta kaagad. Hindi kita naligtas." She sobbed.

"I'm fine, Trece," mahinang sabi ko. "Wala kang kasalanan."

"Kahit na! K-kung sumama ako sa 'yo, e 'di sana..."

"Kung sumama ka, dalawa kayong nakahiga d'yan," malamig na sagot ni Hawk. Napangiti ako, napasinghap naman si Trece at nilingon ito.

"You jerk! Wala ka man lang bang concern sa kaibigan natin?!" sigaw niya.

I shook my head, tumaas ang kilay ni Hawk at ngumisi.

"Viper is a cat. Siyam buhay niyan..." sumulyap siya sa akin. "'Di ba, Vipe?"

"Fuck you!" I said, chuckling.

Natawa siya at si Trece naman ay muling kumapit sa akin.

"H'wag mong pansinin 'yang bwiset na 'yan! Walang concern!" she hissed.

"Come on, Trece." Hawk chuckled. Inabot niya si Trece pero sumimangot lang ang huli at sinipa ito. "Lumabas ka rito! Mag-uusap kami ni Vipe!"

Hawk left. I smiled at Trece. Ngumiwi naman siya at hinawakan ang pisngi ko.

"Your face's swollen," malumanay niyang sabi. Napatingin naman ako sa paa ko at nakitang nakabenda ito at nananakit ang buong katawan ko.

"N-nasaan tayo?" I asked.

"Hawk's unit," sagot niya. "I brought you here when I found you unconscious. Ka-uuwi lang din kasi ni Hawk galing sa misyon niya."

"What happened?"

"You were asleep for a day and half, Lyx. Ako na ang gumamot sa 'yo, si Antonio may gawa nito, 'di ba?" I nodded and stared at my hands.

"Buti na lang at hindi ka niya pinatay, I was scared for you, I called Hawk kaya nagmamadali siyang napauwi rito. Sorry if I was too late," mahinang sabi niya.

"Ayos nga lang," I smiled at her.

"How's my Mom?" I asked.

"Tita's fine, hindi naman siya pinakialaman ni Antonio. I manipulated the surveillance sa kwarto ni Tita kaya namo-monitor ko."

Napahawak sa dibdib ko at nakahinga ako nang maluwang.

"Salamat," I breathe.

Thank, God, even if I commited sin, you heard my prayer, she's safe.

"Oh, kumain ka muna." Binigyan niya ako ng pagkain na kaagad kong kinain. I am really hungry. Maamong nakatingin lang naman sa akin si Trece kaya ngumiti ako.

"Thank you, Trece. Sa inyong dalawa ni Hawk," I said, sincerely.

"No worries, Lyx. Tayo lang naman magkakaramay, 'di ba? Walang iwanan," she smiled.

"Uh, I saw you two earlier," sabi ko. "Naalala na ba niya?" tukoy ko kay Hawk.

She stopped. Nakita ko ang pagkagat niya sa labi niya at sumagot.

"He somehow remembered us, kaunti lang. Minsan kapag may misyon siya," sagot niya sa akin.

"That's good to hear."

"I wish we'll be at peace someday," Trece whispered.

Nakatitig lang ako sa telepono ko habang sunod-sunod ang pagdating ng mga mensahe at missed calls. My heart was beating loudly and it feels so damn heavy. I keep on seeing his name, asking me my whereabouts, panicking, begging me to call him back.

My phone rang. Napatalon ako nang makita ang pangalan niya at bumilis ang paghinga ko.

I can't answer it!

The line cut off. Nakagat ko ang labi at nakitang umilaw itong muli dahil sa tawag niya.

Pikit mata kong sinagot iyon at sinalubong ako ng baritonong boses niya.

"Alyx! Fuck! You finally answered!" he sighed in relief. Naipikit ko ang mata ko.

"What do you want?" malamig kong sagot sa kabilang linya.

"Where are you? Nawala ka na lang bigla paggising ko! I was so damn worried, kung saan-saan ako pumunta para—"

"Let's end this," I said coldly. Natahimik siya.

"H-huh?" he was confused.

"Let's separate," I said. Humapdi ang puso ko kaya huminga ako nang malalim.

"M-may nagawa ba ko?" narinig ko ang takot sa boses niya. "B-baby, did I hurt you? Nasaktan ba kita?" malambing at nanginginig na ang boses niya.

Napakapit ako sa bedsheet at tumulo ang luha ko.

"Ayoko na sa 'yo," mariing sagot ko.

No, no, I'm sorry, Zeij...

"B-baby, tell me what I did wrong. Please, baby, I'll make up for that." He sounds scared. Kinalma ko ang sarili ko.

"M-misis ko, please, answer me. Nasaan ka? I'll come to you, sorry kung ano mang nagawa ko—"

"Hindi ka ba nakakaintindi?" I said sharply. "Ayoko na sa 'yo. 'Yon lang 'yon."

Natahimik siya. Ramdam ko ang sakit sa dibdib ko. Nanghihina na pero tinibayan ang loob para paniwalaan niya ang kasinungalingan ko.

"A-anong ayaw mo sa akin? W-we can fix this, baby. Come on, where are you?" I stopped my sob. Umiling ako at nagbaba ng tingin.

"Come home, wife. Please, let's talk. Sabihin mo sa akin kung anong nagawa ko—"

"Wala kang ginawa! Ayoko lang talaga sa taong katulad mo!" sagot ko. "I don't want a lowkey guy like you! Ayoko sa taong wala akong patutunguhan! Ayokong pagtawanan ako ng mga tao dahil sa mahirap ang asawa ko!" sigaw ko at narinig ko ang marahas niyang paghinga sa kabilang linya.

"Anong trabaho mo, huh? Waiter? DJ? Mapapakain ba ako ng taong ganyan?" Hindi siya sumagot.

I'm sorry, Zeij... I'm sorry.

"Ayoko sa mga taong kagaya mo. I don't want someone to laugh at my life! Hindi ka nababagay sa akin." I heard his sharp breath intake in the other line.

Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko.

I can't bear this. Damn! Ayokong maging sagabal ako sa 'yo. Hindi ka bagay sa katulad ko dahil wala akong kwenta. Hindi tayo pwede, hinding-hindi...

You're Archer at ako... Ipapahamak lang kita.

"Please, Zeijan. Just let me go, hindi na kita kayang pakisamahan," mariing sabi ko.

Hindi siya sumagot sa kabilang linya pero naririnig ko ang paghinga niya. Napasinghap ako at sinapo ang bibig ko.

"I will send you the annulment—"

"Kahit minsan ba, nagustuhan mo ko?" I heard his deep and baritone voice.

I nodded repeatedly.

"No..." He gasped; I bit my lip. "Hindi kailan man kita nagustuhan," sagot ko.

I am mad at you for fooling me... But I like you so much it hurts.

Katahimikan na naman ang namayani. Hindi siya nagsasalita at ako nama'y nagpipigil ng hikbi.

"S-saan ko ipapadala ang papers sa condo na 'yan o sa—"

"Send it here, I will sign it..." he said coldly, and my mouth parted when he cut the line.

I felt like my heart dropped from my chest and shattered on the floor. Napahawak ako sa dibdib ko at napahagulgol ng iyak.

In another life, Zeij. I wish our fates would cross paths again and I will find you, I hope when that time comes, pwede na tayo...


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co