Kabanata 16
Kabanata 16
"HERE, Lyx." Trece handed me a box na kaagad kong tinanggap.
"What's this?" I asked, sinisipat ng tingin ang kahon. Naupo ako sa sofa at pinakatitigan iyon.
"Gown," aniya. I stopped, kumunot ang noo ko at kaagad na napatingin sa kanya.
"Gown? For what?" takang tanong ko.
"For your next mission," she told at napatawa ako at humarap sa kanya.
"What is it this time?" nakangiti kong sabi.
"You're going to a party," sagot niya sa akin.
"What is it? A simple one or an elite party?"
"Elite..." she answered and that made me smile.
"Kaninong party ba?" Binuksan ko ang kahon at napangisi nang makita ang kumikinang na kulay pilak na gown.
"Hindi na importante," sagot niya. "All you have to do is shut the congressman's mouth."
"What happened? May nakaalitan na naman si Antonio?" I asked her, annoyed.
"Probably yes," she shrugged.
"Ang alam ko kasi tinanggihan ni Congressman Yap 'yong business proposal ni Antonio," she said. "You know that man."
"No one would even dare rejecting him, bago pa man makakanta sa iba ang mga taong ganoon, pinapatay niya na," I continued.
"Hmm, nothing new," sagot niya.
"But this certain man rejected his offer." Nguso ko at sumulyap sa tablet kung nasaan ang litrato ng Congressman. "Palaban."
Trece laughed, naupo siya sa tabi ko at inayos ang buhok ko.
"We're really used to living this way," aniya.
"Bata pa tayo, nandito na tayo. Even if we don;t want this, hindi natin kayang lumayo dahil sa hawak nila ang leeg natin. We grew up with this, it's possible we'll die like this," I said bitterly.
If I was just another person then, I'll be happy.
Nang sunduin ni Hawk si Trece ay kaagad akong tumayo para pumunta sa kwarto ni Mommy. She''s with her therapist right now, ilang buwan na rin ang nakalipas nang palihim ko siyang hinanapan ng espesiyalista para sa kalagayan niya.
I can see that she's improving. She responds to her therapist almost everytime they have sessions. Pasekreto nga lang dahil kung hindi, hindi niya ito papayagan.
"Miss Alarcon?" I smiled at the Doctor.
"Yes, Doc?"
"Your Mom's doing great, Miss. She responds to every test and that's a good sign," aniya sa akin.
"Thank you," sumulyap ako kay Mommy at nakita kong nanunuod siya ng palabas na ibinigay ng therapist na makakatulong sa recovery niya.
"She is doing well, maybe months or weeks, mas malaki na ang improvement sa kanya," he smiled again, ang maliit na biloy ay lumabas sa kabilang pisngi niya na mas lalong nagpagwapo sa kanya.
"Mabuti na lang nakilala kita," tawa ko. Ngumisi siya at nagkibit-balikat.
"You're lucky," he chuckled. "May magaling ng therapist ang Mommy mo, may gwapong nakikita ka pa araw-araw."
"What?" my eyes widened. "You're not even handsome!" I hissed.
"Ows? You always look at me, Lyx. Ako kaya ang pinagwapo sa lahat," He winked and ruffled his hair.
I froze. Not because I was amazed but because it reminded me of someone.
"Stop it, Ad..." nag-iwas ako ng tingin at pinakialaman ang telepono ko.
"There you are again," aniya sa akin. "Bakit kapag sinasabi kong ako ang pinakagwapo sa lahat, tatahimik ka?" Kumunot ang noo ko.
"You're not even that pinakagwapo you're claiming you are," sagot ko at iniba ang atensyon ko.
"Bakit? Do you know someone with a handsome face like this?" aniya. Sumulyap ako sa kanya, matapos ay pumahalumbaba.
"Hmm," I nodded. "Mas pa..." sagot ko at nang mangulit pa siya ay hindi na ako umimik.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
I was busy the whole day. May shooting ako kaninang umaga para sa bagong commercial ko and at night, there'll be a press conference for a movie together with Brad.
I know how it seems weird but three years ago, after months of being hiatus, we became partners in movies. It all just started when I helped Brad in memorizing his script tapos ay nakuhaan kami ng litrato.
It looks sweet but that was nothing for me. Nagulat na lang ako pag-uwi ko ay nagkalat na ang article tungkol doon. Pagkatapos ay bumuo na lang ng love team. They said we look good together. Binawi rin nila ang mga bash na natanggap ko and that's where the peak of my career started.
Too good to think that I'm still in show business after all those years. Mahirap pero kinaya.
"Lyx, may bibilhin lang ako saglit tapos alis na tayo." Tumango ako sa sinabi ni Jana at tipid na ngumiti.
He left to go the counter. Nanatili naman akong nakaupo habang inaantay siyang bumili ng kape, I was in my disguise today.
Shades, black cap and a simple shirt and pants. Pauwi na rin kasi at ayokong makaagaw ng atensyon.
Medyo mahaba ang pila sa counter kaya paniguradong matatagalan siya. Pinakialaman ko ang mga latest magazine sa rack para libangin ang sarili ko.
I scanned every page, wanting to see something interesting but I couldn't see any kaya binuklat ko ito sa may bandang dulo at halos mapatalon ako nang makarating sa page na binuksan ko.
My heart skipped a beat. Napaayos ako ng upo at tinaggal ang salamin ko para mabasa nang mabuti ang article.
"Is the last Sandejas' bachelor dating?"
It was what's written in the page. Ibinaba ko ang tingin ko sa litrato at kaagad kong nakagat ang labi ko sa nakita.
It was him with his two-piece blue tuxedo. His hair was cleany fixed on his head, his arrogant blue eyes were looking at the camera and he had no smile on his face.
Nalipat ang tingin ko sa katabi niya sa litrato at naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. It was an elegant lady in red, nakakapit iyon sa braso niya at matamis na nakangiti sa camera.
Alliah, that's her name.
It was a charity event last week at ayon sa article ay pangatlong beses na silang nakita na magkasama sa mga event.
I closed my eyes and smiled faintly. That's how life goes, Lyx. Baka kagaya ng sinabi ng iba, baka kami 'yong pinagtagpo pero hindi itinadhana.
I heard the store door opening. Nanatili akong nakatitig sa litrato sa magazine at iniangat ko ang daliri ko. I put my finger on his face, tracing his features.
If only I can see you again...
Those three years were hard to endure. It was the hardest years of my life, kung alam mo lang, Zeij...
"I want Café Americano..." a british voice said from somewhere. Kinuha ko ang telepono ko at kinuhaan ng litrato ang picture ni Zeijan sa magazine.
Of course, wala 'yong babae! Napangiwi ako.
"A black coffee will be fine." I froze on the spot when I heard that.
Kumalabog ang lintik kong puso. My stomach suddenly felt weird, naramdaman kong may nagwawala roon kaya nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mata ko nang makita ang isang babae at lalaking nag-uusap sa harapan ko.
"Puro ka kasi black coffee kaya bitter ang life mo!" the woman exclaimed.
She's a beauty, I admit.
With those rounds, shining black eyes, straight black hair, reddish thin lips and pointed nose, she's something.
"Mana ka sa mga kapatid mo, dinadamay niyo pa ko," Zeijan said in a deep baritone.
"It's true naman! You should try drinking sweets para maging sweet ka naman minsan," the lady said.
"Am I not sweet?" Namulsa si Zeijan at ngumiti sa babae. Napalunok ako.
"Sweet!" ngumuso 'yong babae at nagtago ng ngiti.
"Ayon naman pala," ani nito.
"But...but I want you to try something new naman. Hello, it's already the new age!" she exclaimed.
"No," he shook his head, amusement is all I can see in his eyes.
"Yes!" she cheered.
"No..."
"Yes?" The lady pouted and stared at him cutely. "Hmm, sige na, please? For your princess?" ngiti nito.
I saw him stared at the lady deeply, maya-maya pa ay ngumiti siya at tumango at napapalakpak naman ang babae at humalik sa pisngi nito.
"Thank you! You're the best!" she cheered. Hinawakan naman ni Zeijan ang balikat nito at pinirmi.
"Calm down, princess..." he chuckled. "Ngayon lang 'to, okay?"
"Okay! Ako na o-order, pahinga ka muna. Kanina pa tayo nag-iikot," ani ng babae.
"Alright." Ngiti niya at ginulo ang buhok nito. "Go, order na, basta h'wag kang makikipag-usap sa mga lalaki ro'n, huh?"
"I won't..."
"Okay, love you..." he said.
I felt the pain on my chest, napahawak ako sa dibdib ko at napabuntonghininga.
"Love you too! Sayaw ka budots mamaya, huh!" Zeijan laughed and shook his head.
"Shut up," he said, chuckling.
Nang pumihit siya paharap ay dagli akong tumungo at ibinaba ang cap ko para matakpan ang mukha ko.
My heart was thumping loudly, hindi ko alam kung ano or weirdo lang talaga ako pero sa bawat tunog ng hakbang niya ay bumibilis ang tibok ng puso ko.
His steps and my heartbeat seemed to be the only sound I'm only in this crowd. Hindi ako mapakali, para akong maduduwal na hindi ko maintindihan.
He's getting near! Nag-panic ako.
Nanginginig kong isinuot and sunglasses ko pero napatalon ako sa gulat nang may magsalita.
"Excuse me." Nalaglag ang salamin ko. My eyes widened.
Shit!
Mas tumungo ako para itago ang mukha ko at ibinaba pa ang cap. I tried reaching for the glasses pero malapit sa paa niya!
Sana kainin na ako ng lupa! Damn it!
I extended my arm, kulang na nga lang ay gumapang ako paalis at nang makukuha ko na ay biglang inabot niya rin kaya nagkahawak ang kamay namin.
Oh, my god!
Napatalon ako at mabilis na inalis ang kamay ko roon. Nanatili akong nakatungo habang nagdadasal na maglaho na lang.
I saw him getting the glasses, napalunok ako.
"Here," inabot niya sa akin ang glasses at hindi nililingong hinablot ko iyon.
"Woah!" he exclaimed. "Calm down, Miss..." he chuckled.
Hindi ako umimik at nanatiling nagtatago ng mukha. Inilagay ko rin ang buhok ko sa gilid ng mukha ko para kahit papaano ay matakpan ang mukha ko.
"Uh, mind if I sit beside you?" he asked me. Nanatili akong nakatungo. "Miss? I... won't do anything, don't worry."
Why don't you just leave, huh? Alyx?
"Uh, Miss?" aniya.
Mabilis at paulit-ulit akong tumango, mukhang tanga.
"O... 'kay?" he sounds amused. He sat beside me and I flinched in shock when our shoulders touched!
Santisima! Bakit walang nagturo sa akin kung paano kumalma? I'm hyperventilating for pete's sake!
Mabilis akong umusog palayo sa kanya kahit na sumiksik na ako sa pinakagilid but it's still not far enough for us!
Nagkunwari akong nagbabasa ng magazine pero wala na akong naiintindihan. I was scrolling my phone, inaantay na dumating na si Jana para makaalis na kami rito.
Naramdaman kong gumagalaw ang sofa. Palihim akong sumilip at nakitang umusog ng upo si Zeijan. Nang mapansing lilingunin niya ako ay mabilis akong tumungo at halos isubsob na ang mukha ko sa binabasa ko kunwari.
"Hello, Kuya..." I heard him saying.
"Hmm, kasama ko. Bumili ng kape, eh," aniya sa telepono. "Okay, I'll take care of her, d'yan kami sa bahay niyo ni Ate kakain ng dinner, huh? Tinatamad ako magluto."
"Of course, papayag ba akong may kausaping lalaki 'yon?" he chuckled.
My heart throbbed painfully.
"She's my princess, alangang pabayaan ko?" he said.
Princess? I smiled faintly.
He finally found his perfect match. Sa bagay, bagay naman sila.
With that beauty he's with kanina, tapos siya, bagay na bagay sila.
Napailing ako at hinanap ang number ni Jana sa phonebook. I immediately called him the moment I saw his name.
"Lyx? Wait lang, huh? Malapit na ang number ko."
"Can we go home?" pabulong kong tanong.
"Huh? Ayos ka lang? Did you cry?" tanong niya at kaagad akong napahawak sa pisngi ko at napansing basa iyon.
"No..." I chuckled, pretending again. "Ma-masama lang ang pakiramdam ko, I wanna go home..."
"Sige, sige..." he sighed. "Hang there in a minute, ako na sunod sa order..."
The line went off. Inilapag ko ang telepono sa taas ng magazine at tumitig na lang roon. I can still feel his presence. It feels weird but I felt like someone's staring at me pero hindi ako nag-angat man lang ng tingin.
"Uy, latest magazine 'to, Miss?" Napatalon na naman ako sa boses na iyon. I nodded, still not looking.
"Patingin?" inabot ko ang phone ko paalis at inabot sa kanya ang magazine. Kinuha niya iyon, tahimik lang akong nakatulala sa hita ko.
While everyone is moving on, why am I left behind?
"Damn, ang gwapo ko talaga rito!" he whispered, amused.
Ang lungkot ko ay napalitan ng pagkamangha.
Ang kapal pa rin ng mukha, oh! Napatawa ako at napakagat labi.
"What's funny?" Natahimik ako sa tanong niya.
Umiling ako at mas tumungo.
"Why are you looking down? Are you alright?"
Halos mapamura ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit likas na madaldal ang lalaking 'to.
He's even talking to strangers!
"Oww, can you speak?" kausap niya pa. Kinalabit niya ako at halos mapatakbo ako palabas.
Itong lalaking 'to, hindi ka ba marunong makiramdam, huh?
I shook my head.
Ang tagal naman ni Jana!
I was really nervous. Nang may naupo sa tabi ni Zeij ay umusog pa siya palapit sa akin at nagkadikit ang braso namin. I can smell his scent; he still smells the same.
I missed it.
"Lyx, halika na..." My eyes widened when I heard Jana's voice. Hindi ako kaagad sumagot.
I saw a foot in front of me, probably Jana's.
Natahimik si Zeijan sa tabi ko. I felt him tensing beside me, parang may malaking asong dumamba sa akin habang pinapakiramdaman iyon.
"Oh, my god. I think I saw you somewhere." Mabilis akong nag-angat ng tingin at nakitang nakatingin si Jana sa tabi ko.
"Nakita na kita, eh," aniya. Umawang ang labi ko. "Oh my, god! Ikaw 'yong ex ni Aly—" Mabilis akong tumayo at hinawakan ang braso ni Jana.
Mukhang nagulat siya sa ginawa ko.
"Lyx! Magkasama pala kayo ni—" Pinanlakihan ko siya ng mata. Napatango siya at nagulat din at kinakabahan man ay humarap ako kay Zeijan na nakaupo roon.
The moment our eyes met; memories came back that easily. I felt chills running down my spine as I looked at his blue eyes.
"P-pasensiya na..." mahinang sabi ko at nanatili itong nakatingin sa akin.
His stare was cold as an ice—blank, emotionless.
"Uh, ano..." Bago pa man ako makapagsalitang muli ay narinig ko ang boses ng magandang babaeng kasama niya kanina.
"Let's go na," ani nito. Mula sa akin ay lumipat ang tingin niya sa babae. He smiled at her, bumigat ang dibdib ko.
"Are you done?" aniya at inabot ang hawak ng babae.
"Hmm..." She smiled at napasulyap siya sa akin. Nabakas ko bigla ang gulat sa mata niya.
"Hi..." aniya. Umawang ang labi ko sa matamis na ngiti na ibinigay ng babae.
"H-hi..." tumikhim ako at inayos ang buhok ko.
"Oh, Lyx? Nandito ka pala." Lumingon ako nang may magsalita at nagulat nang makita si Brad sa likuran ko.
"B-Brad..." bati ko, gulat.
Si Jana naman ay nanlalaki lang ng mata habang nakatingin sa akin.
"Why did you leave early? Sabay tayo mag-di-dinner, 'di ba?"
"Huh... Ano..." Napansin ko na ang bulungan sa paligid. Some fished their cameras out to take pictures kaya inayos ko ang cap ko.
Nagulat ako nang maramdaman ang kamay ni Brad sa baywang ko. Napatingin ako roon at nakitang pinipirmi niya ang kamay niya.
"OMG! Sila pala talaga sa real life!" I heard a giggle. Inabot ko naman ang kamay ni Brad sa baywang ko para alisin pero pinirmi niya lang iyon.
Muli akong sumulyap kay Zeijan at nakitang nasa baywang ko ang tingin niya. Kumalabog ang dibdib ko at muling pinaalis ang kamay ni Brad.
"Uh, I know you, guys." The lady said kaya napatingin ako sa kanya.
Zeijan remained stoic. Nang sumulyap ako sa kanya ay nanatili ang malamig niyang tingin at mabilis na umiwas para sipatin ang telepono niya.
"You're the loveteam, right?" aniya. Humugot ako ng hininga.
"Yup!" Brad smiled at her, mas lumakas ang bulungan at natamaan pa ang mukha ko ng flash.
Damn it!
"Oh! Sabi na, eh!" She smiled at us. "Bagay na bagay kayo..."
May tumikhim. Lumingon ako kay Zeij at nakitang kunot na ang noo nito at umiigting ang panga. He looks pissed, like he doesn't want to see me again.
"Let's go," ani nito sa dalaga.
"Okay! Anyway, you know them?" tanong niya at nakita kong sumulyap sa Zeijan gamit ang malamig niyang mata sa amin.
Sumulyap siya kay Brad at sa akin na nagtagal nang ilang segundo at naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. He eyed us nonchalantly then shifted his gaze to the lady before shaking his head.
"No," sagot niya.
My heart dropped. Nakagat ko ang labi ko at pilit na ngumiti roon sa magandang babae na kunot lang ang noo.
"O-oh? But I saw you watching—"
"Uh, mauuna na kami," sabi ko at napakagat-labi nang medyo pumiyok ako.
She nodded. Natanggal ko naman ang kamay ni Brad sa baywang ko at nauna na akong maglakad paalis. Hinabol ako ng mga tao kaya naipit kami sa gitna.
I smiled faintly and a tear escaped from my eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co