Truyen3h.Co

A Bloodless War

Kabanata 18

heartlessnostalgia

Kabanata 18

KUMALABOG ang dibdib ko. In front of me is Zeijan with a gun on his hand.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nanlaki ang mata ko at sa panic ay inangat ko ang baril at itinutok sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa ginawa ko at muling ibinaba ko ang tingin sa lalaking nasa lapag.

He shot him! Damn, binaril siya ni Zeijan!

"Alyx? What's happening? I can't see you!" Trece's voice echoed in my ear kaya kaagad kong pinatay ang earpiece ko.

"What the hell are you doing?" matigas niyang sabi sa akin at kinunutan ako ng noo.

Hindi ako nagsalita at tinutok sa kanya ang baril.

He took a step forward. Hindi naman ako natinag at nanatiling nasa ere ang baril ko.

"Lower the fucking gun down," mariin niyang sabi. Umiling ako.

"N-no!" I hissed. Lumapit siya, mas humigpit ang hawak ko sa baril.

"H'wag kang lalapit! I will shoot you!" sigaw ko. Umigting ang panga niya at pinasadahan ng kamay ang buhok.

"I won't hurt you, just lower it." Umiling ako.

"I don't believe you." Kumunot ang noo ko.

"Damn it," mariing sabi at napaatras ako nang iangat niya sa ere ang baril niya at itinutok din sa akin. Kumalabog ang dibdib ko at kumirot ang puso ko.

Kinasa ko ang baril ko at pinakatitigan siya habang malamig lang ang tingin niya sa akin at nakatutok pa rin ang baril niya.

"Lower the gun down," he repeated.

"In your face," sikmat ko at mukhang mas nainis siya sa sinabi ko. Halos mangitim na ang kulay asul niyang mata sa akin.

He looks fucking frustrated!

Nagtitigan kami. Masama ang tingin ko sa kanya at irita rin siya sa akin. He was eyeing me angrily.

"If you don't lower it down, dalawa tayong mahuhuli rito," mariing sabi niya sa akin.

"E 'di dalawa tayo sa kulungan!" laban ko.

"Damn, woman..." bulong niya pero hindi ako nagpatinag.

I tightened my grip on the gun and eyed him furiously.

"Ibababa mo o hindi?" he asked impatiently.

"Hindi!" I hissed. "At saka, sino ka ba, huh? Did I know you?"

He sighed. Maya-maya'y ibinaba niya ang baril at napahilamos ng kamay sa mukha niya.

"Alyx Riadna, lower it," mariin niyang sabi at natawa naman ako roon.

"Alyx? Huh? Akala ko ba hindi mo ko kilala?" I mocked.

His mouth parted, he licked his lower lip and tilted his head.

"Tang ina..." mura niya.

"Tang ina mo rin!" sigaw ko. Napasinghap siya at napakamot ng ulo niya.

"I'm not cursing you," he shook his head. "Just...lower the gun."

"Why would I?" I muttered. "Sino ka ba, huh?"

"Why are you so stubborn?" he hissed. "I'm just telling you to lower the gun."

"Eh, sa ayoko nga, eh!" I hissed. Hindi siya umimik at humalukipkip lang sa harapan ko.

I am strong, kahit nakaganoon pa siya ay hindi ako natinag.

Who knows? Baka kapag ibinaba ko 'to ay may dumamba sa akin mula sa kung saan!

I heard a sound kaya natigilan ako. Zeijan remained looking at me, nakatagilid pa ang ulo niya na animo'y inaantay lang na barilin ko siya.

Hindi ka natatakot, huh?!

"Move away, babarilin kita!" panakot ko.

He nodded.

"Go lang," aniya sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"Are you nuts?!" I hissed.""Umalis ka na lang d'yan at aalis ako!"

"I won't," sagot niya sa akin. Sumimangot ako.

If I was stubborn, mas lalo siya!

Ikaw kaya ang tutukan ng baril? Of course, you'll run!

I walked slowly, still holding my gun. Nanatili naman ang masamang tingin niya sa akin. I heard a weird sound again, nakita kong tumaas ang kilay ni Zeij at mabilis na tumingin sa paligid.

"Lower the gun kung ayaw mong mahuli rito," he said.

I shook my head.

"I am sure the police are on their way here because of the sound from the gun."

"Bakit? Huh? Ako ba ang bumaril?" I hissed. Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko at hindi ko maiwasang punahin ang itsura niya.

He looks fucking good with his suit and a gun on his hand make him looked hotter. Magulo ang kanyang buhok, madilim ang mga asul na mata at nakapirmi ang labi.

"You were holding the gun," he said. Napatingin ako sa kamay ko. "So, it was easy for them to assume that you shoot him."

Nakita kong inilagay niya sa likuran niya ang baril na hawak.

I heard the weird sound again, animo'y alarm.

"Behind you!" he exclaimed.

Mabilis akong lumingon at nangunot ang noo ko nang makitang wala naman. I was about to look at him when I suddenly felt a grip on my waist.

Nanlaki ang mata ko. Sa paglingon ko ay napamura ako nang hawakan ni Zeijan ang braso ko.

"What the fuck?!" I hissed. Hindi siya sumagot at hinigit pang lalo ang baywang ko mula sa likod.

He reached for my arm, kaagad ko siyang siniko kaya napamura siya pero hindi ako pinakawalan. Nang akmang sasabunutan ko siya mula sa likod ay nahuli niya ang kamay ko at isinama sa may t'yan ko kung saan ako nakakulong.

"Zeijan!" I hissed.

I stepped on his foot, napaatras kami roon sa ginawa ko kaya tumama siya sa pader.

"Fuck!" he cursed. I stepped on him again.

"The fuck, Alyx?!" matigas niyang sambit, halos maramdaman ko na ang hininga niya sa tainga ko.

He reached for my hand again pero hindi ako pumayag, kumawala ako sa kanya, sinusubukang apakan ang paa niya pero umiiwas siya.

Nakawala ang isa kong kamay, I reached for his head and pulled his hair making him groan in pain. Akala ko'y makakawala na ako pero sa isang iglap lang ay naabot niya ang kamay ko at iniikot ako.

We switched place. Nanlalaki ang mata ko nang tumama ang likuran ko sa pader habang ang isang kamay ko'y nakadikit sa pader.

Sinubukan kong tuhurin siya pero nakaiwas siya at inipit ang paa ko.

Now, I am trapped!

"Damn..." mura ko at iginalaw ang kamay kong may baril pero mabilis niyang naabot iyon sa kamay ko at sa mabilis na galaw lang ay nalaglag na ang magazine mula sa basyo nito.

My jaw dropped. Nang mapatingin ako sa mukha niya ay nakita kong inis na inis na siya.

Nabitawan ko ang baril nang higitin niya ang pulsuhan ko at idinikit din sa pader.

I blinked and cursed inside my head. Fuck! I am fucking trapped!

Nag-aalab ang mata niya nang sumulyap sa akin. His hands were busy gripping my wrist and I couldn't move. Ang kanyang labi ay nakatikom na parang nagtitimpi.

"B-bitiwan mo nga ko!" sigaw ko.

Hindi niya ako sinagot at mas nagsumiksik sa katawan ko. He smelled nice, like a smell of fresh shower gel and perfume and I gasped when I realized I just praised him again!

"Zeijan!" sigaw ko pero hindi siya papatalo. Masama niya akong tiningnan na parang may nagawa akong masama.

"Oh, I thought you didn't know me, huh?" he asked, mocking.

"Wow! Ako pa?! It was you who didn't know me for Pete's sake!" I hissed.

Hindi siya nakasagot. Tikom na tikom pa rin ang labi niya habang nakadungaw sa akin. I noticed that he didn't changed at all.

His face is still the same, though, he matured. Lalong mas nadepina ang features ng kanyang mukha simula noong huli ko siyang nakita nang ganito kalapit.

"Stranger ka na so, you shouldn't be holding me like this!" I hissed.

"Paanong hawak ba ang gusto mo?" sikmat niya. Kumunot na ang noo ko roon.

"Ayokong hawakan mo ko! I want you to let me go!" I hissed.

"No," matigas niyang sabi. Nakita kong mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya at halos magmura nang makita ang suot ko. Napababa ang tingin ko roon at napangiwi nang bumaba nga ang damit

"What the fuck are you wearing?!" sita niya.

"Gown! Tanga!" Naiinis na binitawan niya ang kamay ko at umawang lang ang labi ko nang ayusin niya ito sa dibdib ko.

Napakurap-kurap ako at kumalabog ang dibdib ko.

Instead of the dead man on the floor, why are we arguing about other things?

Wala sa sariling napasulyap ako sa lapag at halos mapatalon ako nang makitang gumagalaw pa ang nasa lapag! He was pointing the gun at us at sa panic ko ay hinatak ko si Zeijan palapit at mabilis na hinugot sa likuran niya ang baril at pinaputukan ang lalaki roon.

Bumagsak itong muli at umagos ang panibagong sariwang dugo.

"What the hell?!" Zeijan hissed. Naibaba ko naman ang baril at napalingon si Zeijan sa lapag at napamura. "What are you doing?!"

"He was about to shoot us!" sigaw ko. Muli siyang napamura at narinig ko ang kalabog ng mga paa.

"They're here..." malamig na sabi ni Zeij. Naguguluhang napatingin ako sa kanya pero mabilis niyang naabot ang baril sa kamay ko at hinawakan ang kamay ko.

Naguguluhang sumama ako sa kanya nang hatakin niya ako paalis. We ran, nang may makasalubong kaming guards ay kaagad akong itinago ni Zeijan sa likuran niya at nagpaputok ng baril.

Kumawala ako para sana makatulong pero hindi ako binitawan nito.

"Stay there!"

"I want to help!" I hissed.

"Shut up!" sita niya. Muli kaming tumakbo at nadaanan ko 'yong puting sasakyan kung nasaan ang Congressman kaya hinatak ko ang kamay ko mula kay Zeij at tumakbo roon.

"What—Alyx!" sigaw nito.

May nakasalubong akong guard na kaagad akong inambahan ng suntok pero kaagad akong nakaiwas at sinuntok ang mukha niya. Natumba siya pero kaagad na nakatayo at hinatak ang braso ko. I was startled, sisipain ko na sana siya pero napamura ito nang may sumapak ulit sa kanya.

Napatingin ako roon at nakitang galit na galit si Zeijan habang hawak ito. He was punching his face. Nakita kong tinutukan niya ng baril ang sentido nito at mabilis akong sumilip sa sasakyan at napasinghap nang makitang wala ng tao roon.

I groaned.

"Alyx!" lumingon ako at nagulat nang nagpapambuno na si Zeijan at 'yong guard. Nag-aagawan sila ng baril at umawang ang labi ko nang makitang may paparating na isa pa mula sa exit.

"Run, Alyx!" he shouted. Gulong-gulo na ang buhok niya habang nag-aagawan sila at kumalabog ang puso ko sa kaba dahil doon.

Damn, what will I do?!

Hindi na ako mapalagay kung anong maitutulong ko. Nang makita kong papalapit na 'yong isa ay kaagad kong naalala ang patalim ko.

I immediately reached the knife strapped on my leg and cornered him. Nangunot pa ang noo ko nang makitang mahahagip si Zeijan kaya napamura ako.

"Zeijan! Move!" napabaling ito sa akin at inaangat ko ang patalim at hinagis sa direksyon ng lalaki.

Zeijan moved away and the man fell on the floor when it hit his throat.

The guard hit his back on the white car. Tumututok ang baril kahit saang direksyon at nakita ko ang frustration ni Zeijan dahil doon.

"Fucking run, Alyx!" sigaw niya. Nagpalit naman sila ng pwesto. Zeijan was now on the car at halos matutok na sa kanya ang baril.

Hell no!

I ran, kaagad kong hinatak ang buhok ng guard kaya bumaling siya sa akin.

"Puta!" he cursed at nagpumilit na humarap muli kay Zeijan at sa pagharap niya ay sinalubong siya ng hampas ng baril sa mukha.

Napaatras siya at mabilis kong sinipa ang paa niya. He cursed again. Napasulyap ako kay Zeij at nakita kong halos mag-alab ang mata niya sa galit.

He clicked his neck, madilim ang mga mata niya at tumutulo ang pawis sa gilid ng noo niya. I kicked the man's leg again, napaupo ito sa lapag and one shot from Zeijan's gun and he's dead.

Doon ko na narinig ang buong alarm sa parking lot, malakas ito at nakakabingi na namatay pagkaraan. Kaagad akong napasulyap kay Zeijan at nakitang nakatingin din siya sa akin.

We heard footsteps again, mabilis akong lumapit sa kanya at kaagad niyang hinigit ang palapulsuhan ko at hinatak ako paalis. Sunod-sunod na putok ng baril ang nagpatigil sa akin. Kunot ang noo ni Zeijan nang lingunin ako.

"Don't stop!" he hissed. Kumapit ako sa braso niya at humawak siya sa baywang ko at pinauna akong tumakbo.

I saw him shooting the men following us. Ilang beses na akong muntik matamaan pero hindi tumatama dahil sa humaharang itong si Zeijan at iniiwas ako.

Nagtatago kami sa mga kotse sa bawat paputok nila para hindi kami tamaan.

I want to help but I don't have any gun with me! Tanging si Zeijan lang ang meron at nakita kong nagtataas-baba ang dibdib niya sa hingal.

He was sweating. Nakita kong sumilip siya sa may gilid para makita ang mga lalaki roon bago bumalik ulit sa pagkakaupo.

"Damn..." naihilamos niya ang mukha at umigting ang panga niya. Mukhang kasalanan ko ata kung bakit siya nadamay!

"Zeij..." tawag ko. Nilingon niya ako. I bit my lip. "Uh, ano, you really don't have to help me," sabi ko.

Kumunot ang noo niya at binasa ang labi niya.

"I am not helping you," he said as a matter of fact. Nanahimik ako.

"May atraso lang sa akin 'yang mga 'yan," aniya at nag-iwas ng tingin.

Napatango ako. Good, wala akong utang na loob!

Sumilip ako pero napamura sa gulat nang hatakin ako ni Zeijan kaya napaupo ako sa tabi niya pabalik.

"Ano?!" bulong ko.

"Matatamaan ka! Damn it!" irita niyang sita.

"Hindi 'yan! I'm used to this! Hindi ako basta-basta tatamaan!"

"I don't care! Basta h'wag kang sisilip!" he hissed. Bahagya siyang tumayo para sumilip at ako naman ang humila sa kanya kaya napaupo siya sa tabi ko.

"What?!" nilingon niya ako.

"H'wag kang sumilip, tatamaan ka!" sagot ko.

Nagsalubong ang kilay niya. Napapangiti na ako at maya-maya'y napailing siya at pinitik ang noo ko.

"You're still stubborn..." he said and licked his lip. My heart stung.

Nakarinig kami ng papalapit na hakbang kaya nanahimik kaming parehas. Sumiksik ako sa kanya para magtago at humawak siya sa balikat ko habang inihahanda ang baril.

"I have one bullet left," bulong niya. Humawak ako sa suit niya.

"I can fight," bulong ko pabalik.

"Don't you dare..." mariing bulong niya.

Kumalabog ang dibdib ko habang naririnig ang papalapit na hakbang ng mga lalaki.

My grip on his suit tightened, I am freaking nervous!

"Calm down. You'll be safe," he whispered at doon kumalma ang puso ko.

The moment I saw a man's shoes on the side of the car ay mabilis akong humiwalay kay Zeijan at hinatak ang paa nito. He fell, napamura ito at nagpaputok ng baril at kaagad ko siyang dinamba at pinilipit ang paa.

I heard a gunshot. Sa pagsulyap ko ay nakita kong sunod-sunod na paputok ng baril ang ginagawa nito kay Zeijan pero nakaiwas ito.

He flawlessly punched his face and kicked his leg. Sa bilis ay nagulat akong nasa likuran na si Zeijan at iniipit ang leeg ng lalaki sa braso niya.

Napasinghap lang ako nang may humila sa buhok ko. I screamed and grabbed his face.

This jerk!

Nakarinig ako ng putok. Sa muling pagsulyap ko ay bigla akong nanghina nang makita si Zeijan sa lapag habang may tama ang braso. I saw how his blood dripped on the floor. Kinabahan ako roon at hindi napansing nahatak na ako ng lalaki.

I hissed when he slapped me. Pumaling ang ulo ko roon at halos maging pula na ang paningin ko nang makitang nakikipaglaban pa rin si Zeijan doon sa lalaki kahit na may tama na ang braso niya.

I took a glance at the man and I immediately caught his face and punched him on his nose repeatedly. I grabbed his arm and twisted it and before he could even do anything ay kaagad kong hinampas ang ulo niya sa lapag hanggang sa magdugo iyon.

I rose up from the floor, get the gun and looked at the man who shot my Zeijan. I am fuming mad at him!

Zeijan and him were exchanging punches. I saw how Zeijan pushed him and jumped to kick him on the face at nang matumba ito sa lapag ay walang pagdadalawang-isip na pinaputok ko ang baril sa ulo niya.

Napaupo si Zeijan sa lapag habang sapo ang braso niya. Kaagad naman akong tumakbo sa kanya at hinawakan ang braso niya.

"Zeij..." I called.

Binalot ako ng takot. It was freaking bleeding!

"I'm fine..." hinahapong sabi niya. Napaluhod naman ako at hindi mapalagay.

"Gamutin natin..." mahinang sabi ko. He shook his head.

"Daplis lang 'to," he answered pero hindi ako nakinig. Kaagad kong pinunit ang laylayan ng gown ko at ipinambalot sa sugat niya para tumigil ang pag-agos ng dugo.

"Kahit na!" I hissed. Hinawakan ko ang braso niya at inalalayan siyang tumayo.

"Let's go..." mahinang sabi ko. Umiling siya at sumulyap sa akin.

I saw how his eyes softened, bumuntonghininga siya.

"Are you alright?" I nodded. Kumalabog ang dibdib ko sa takot para sa kanya.

"Yes, ikaw..." sumulyap ako sa braso niya.

"I'm fine as long as you are safe," mahinang sabi niya.

Natahimik ako roon. Ayaw na naman kumalma ang puso ko, akay ko siya habang naglalakad kami at natigil lang nang mag-ring ang telepono ni Zeij.

He fished his phone out, hawak-hawak ko ang baywang niya at nakaakbay siya sa akin habang naglalakad.

"Kuya," aniya. "Get rid of the CCTV's for me. We're safe..."

Sumulyap siya sa akin. I stared back at him.

"Yeah, I'm with my wife," aniya at doon ako natulala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co