Kabanata 19
Kabanata 19
"WIFE?" nagtatakang tanong ko. Ibinaba niya ang telepono at nilingon ako.
"Let's go," aniya. Nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi makuha ang sinabi niya.
"Anong wife?" takang tanong ko. Hindi siya sumagot, I saw how his jaw tightened. Sa paglingon ko ay nakita ko ang malamig niyang mga mata.
"Nothing," he answered me pero hindi ko siya makuha.
"Pero kasasabi mo lang." Mariing pumikit siya at nabakas ko ang sakit sa mukha niya kaya napaayos ako ng tayo.
His wound!
"Sorry, uh..." I bit my lip. "Let's go," mahinang sabi ko.
Walang imik ko siyang inalalayan habang naglalakad. I was being cautious, lumilingon ako sa paligid at nagmamasid kung may kalaban.
"The CCTVs," mahinang sabi ko.
"That will be deleted by now," aniya sa akin. Nag-angat ako ng tingin at kumalabog ang dibdib ko nang makitang nakasulyap siya sa akin.
"Ah..." I nodded at nag-iwas ng tingin. My heart's beating so freaking fast!
It's been three years since we got this close! I can't help myself from feeling this way!
"Hanapin niyo sila!" That made us stop.
"Shit!" Zeij's hard voice was what I've heard. Kaagad akong napalingon sa kanya at nakitang salubong na ang kilay niya.
"Faster," he said. I nodded. Sumulyap siya sa paligid at ibinaba ang kamay niya sa balikat ko.
Umayos siya ng tayo na parang walang sugat sa kamay niya at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako paalis doon.
"Zeij! 'Yong sugat..."
"Let's go," he gritted his teeth. Nang makarinig kami ng yapak ay napamura ako.
We tucked and hide. Kaagad na hinawakan ni Zeijan ang baywang ko nang magtago kami sa kotse at nakita kong sumisilip siya roon.
"Do you have a gun?" he asked. Napatingin ako sa baril na hawak ko mula roon sa lalaki kanina at tumango.
"Oo pero..." I checked the gun and found out I only have one bullet left. "Isa na lang 'yong bala," I whispered.
"Damn..." Nang may dadaan ay kaagad kaming naupo sa gilid ng kotse para magtago.
"Nasaan ba ang kotse mo?" tanong ko sa kanya. Sumulyap ako sa braso niya at nakagat ko ang labi ko nang makita ang bakas ng dugo roon.
"Left side, pinakadulo," sagot niya sa akin. Napaisip ako.
Looking at it, from our place, we won't be able to run from here to there without being caught. The parking is so wide at talagang mahuhuli kami.
"How about we run a bit faster to get there?" bulong ko.
"That's impossible," sagot niya. Nakita kong kinakalikot niya ang relo niya.
"How can we get there, then?" I asked. "How about you run first tapos I will cover you" I suggested.
Nakita ko ang pagsasalubong ng kilay niya. He looked at me like I was the weirdest person ever!
"No," mariin niyang sabi. "Why would I run before you?"
"Because you're injured!" I hissed.
"Wala pa 'to sa bituka ko," aniya. Napakamot ako ng ulo sa frustration at hinarap siya. "Eh, paano tayo aalis?" bago pa man ako makasagot ay may nagsalita kung saan.
"Babae at lalaki raw ang may pakana. Guest daw sa party." We both stopped when we heard that.
"Nasaan na? Anong mukha?"
"Walang nasabi, patay na kasi lahat ng nakalaban nila!" sagot ng lalaki. Nang umangat ako para sumilip ay napasinghap ako nang may humila sa akin pabalik.
"I said stop looking!" pagalit ni Zeijan. Napanguso ako.
"Sisilipin ko lang..."
"I said don't, Alyx!" aniya at hinigit ang kamay ko palapit sa kanya.
"Kailangan nating makita 'yong mga animal na 'yon! Lagot tayo kay Congressman!" ani ng isang buong boses.
"Patayin mo 'yong lalaki kapag nakita, tapos ako bahala do'n sa babae." Kumalabog ang dibdib ko roon.
"Tang ina mo, pare. Naisipan mo pa 'yan?" humalakhak ito.
"Oo, para may silbi bago mamatay." Napalunok ako. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Zeijan sa tabi ko.
"Eh, paano kapag pangit pala?" Naririnig ko ang yapak nito.
"Hindi 'yan, may nakita ka bang pangit sa party kanina?" Nang sumulyap ako kay Zeij ay nakita kong halos mangitim na ang mata niya sa galit.
Hinawakan niya ang braso ko at isiniksik ako sa katawan niya.
"Tang ina, pare! Hanapin na natin, 'di naman 'yon makakaalis kaagad dahil ito lang ang exit at wala namang lumalabas. Excited na akong mahuli 'yong babae, tang ina, pare, pa-share!" Nanginig ang katawan ko sa galit sa narinig.
"Motherfucker," mariing bulong ni Zeijan. Napasinghap ako at idinikit ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap niya ang likod ko.
"Oo, isama mo rin si Waldo tapos ibigay natin kay Congress—" naramdaman ko ang pagtayo ni Zeijan kaya napamura ako at hinila siya paupo.
"No!" umiling ako. Salubong lang ang kilay niya sa akin.
"That asshole—"
"Ayos lang ako," mahinang sabi ko.
"They're harassing you—"
"I'm with you so I'm not scared," sagot ko. Umigting ang panga niya at mariing napapikit.
"Hindi ako papayag na ganoon ka pagsalitaan—"
"Shh, our priority is to escape." I calmed him. Huminga siya nang malalim, his jaw was still clenching kaya inabot ko iyon at hinaplos.
"Calm down, let's just escape," bulong ko.
He loosened up, kinagat niya ang labi at inabot ang daliri ko.
"We'll go safely, okay? Hindi ka pwedeng masaktan, you have a wound, Zeij. We shouldn't fight them," mahinang sabi ko.
"I can, it's just a wound," giit niya.
"Kahit na!" sikmat ko. "Kapag lumaban ka, pati na rin ako kaya dalawa lang tayong mapapahamak," paliwanag ko.
"All we have to do is to distract them, run and get in the car safely."
"Hmm..." tumango siya at sinuklay ang buhok niya. "But whatever happens, I want you to run toward my car and get away immediately."
"We!" sagot ko. "We will run, okay? Walang maiiwan."
He sighed and nodded. Nakita kong sumulyap siyang muli sa relo niya at maya-maya'y inabot ang telepono niya.
"Nix..." mahinang sabi niya.
"We're still here, parking lot," aniya. "Connect me to the alarm here, I have a plan."
Naririnig ko naman ang mga tunog ng yapak doon sa isang banda at hindi ko maiwasang kabahan. If it was just me, baka napatay ko na 'to but I'm with Zeij at ayokong mapahamak ulit siya.
"I'm with my wife, I have to get away safely." I stopped. Muli akong napatingin sa kanya at nang makita niya iyon ay nag-iwas siya ng tingin.
"Hmm, connect it now." Ibinaba niya ang telepono. I was about to speak but he shook his head.
"You..." kumunot ang noo ko.
"We have to go in five," prenteng sagot niya sa akin.
"Pero bakit mo—"
"Get ready..." bahagyang dumukwang siya para sumilip. Umayos ako. I fixed my gown and readied my gun. I don't know what his plan is but we have to get inside his car safely.
We waited. Nag-uusap pa rin ang mga tao roon at sa hula ko'y hindi na lang sila dalawa. Habang nakaupo roon at nakatulala ay may nakita akong ipis na gumagapang sa may harapan ko.
My forehead creased.
Napasulyap ako sa tabi ko at nakitang abala si Zeij sa pagsilip roon. Sa muling pagbalik ng tingin ko roon sa ipis ay umawang ang labi ko dahil wala na ito roon.
Shit!
Mabilis akong sumulyap kay Zeijan at 'yon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makitang gumagapang sa kamay niya 'yong ipis!
Damn! Bakit ipis pa!
"Zeij!" I called his attention.
"Huh?" tanong niya pero natigilan na. I saw how his forehead creased at napatingin sa kamay niya.
Oh, my god! No! Don't you dare shout, Zeijan!
"Putang ina!" sigaw niya. Napasapo ako ng noo.
"Fuck! Fuck no!" tumayo siya at pinagpag ang kamay niya. "Tang ina, ipis!"
Napatayo rin ako at nakitang nakaturo na sa amin ang mga lalaki.
"Ayon sila!" sigaw nila.
"Fuck!" I hissed. Napalingon ako kay Zeijan na halos masuka na habang tinitingnan ang kamay niya at mukhang walang alam sa nangyayari kaya hinila ko siya.
"Nakita nila tayo!" Doon na siya napaayos ng tayo.
"Huh?"
"Because you screamed!" I hissed. Napamura siya at mabilis na hinanap ng mata ang mga lalaki roon.
"Shit!" mabilis niyang hinagilap ang kamay ko at hinila, he pressed his watch, maya-maya pa ay nag-alarm sa buong parking lot at nagkagulo.
"Habulin niyo!" sigaw nila. Napasinghap ako nang marinig ang putok ng baril. I tucked. Kaagad namang pumunta sa gilid ko si Zeijan at hinarangan ako.
"Damn..." I saw him getting something on his suit. Hindi ko na masayadong napansin kung ano iyon dahil sa bilis ng galaw niya at nang itapon niya iyon sa likuran ay naglabas ng usok.
"Cover your nose!" he hissed. Mabilis kong tinakpan ang ilong ko.
We ran, nawala sa likuran ko si Zeijan kaya napalingon ako at nakitang nakikipagsuntukan na siya roon sa isang lalaki.
The smoke almost covered the whole place, it's getting blurry. Napaubo rin ako.
"Run, Alyx!" he shouted pero sa paglingon ko ay biglang may tumulak sa akin kaya napaupo ako. Gumulong ang baril na hawak ko dahil sa biglaang galaw.
I cursed. Kahit medyo malabo na dahil sa usok ay nakita ko ang lalaking dadamba sa akin.
I quickly kicked his feet kaya napaatras siya. He kicked me back, napamura ako sa lakas no'n at napasinghap. He moved closer and punched me, kaagad akong nakaiwas at hinila ang buhok niya.
"Tang ina!" he screamed. Mas lumabo ang paligid kaya medyo nahilo ako.
"Alyx! Damn it!" Hindi ko na napansing nahila rin nito ang buhok ko at hinawakan ang leeg ko.
He pressed my neck and gripped my hair kaya napaubo ako pero sinubukan ko pa rin siyang suntukin. When I got the chance, I punched every corner of his face.
"Puta, papatayin kita!" sigaw ng lalaki sa harapan ko. I saw how his eyes reddened like an addict.
Naghabol ako ng hininga at halos mawalan ng lakas dahil sa pagkakasakal niya sa akin but suddenly, I heard a gunshot. The tight grip on my neck loosened up at naramdaman ko ang hawak ng kung sino sa braso ko.
"Come on, baby, let's go!" I rose up. Naramdaman ko ang hawak nito sa baywang ko at may itinakip siya sa ilong ko.
"Let's run!" aniya at mabilis akong tumango. Sa paglingon ko ay nakita ko ang galit at takot na mukha ni Zeijan.
His face has this hard expression, but he still can't hide his soft and concerned eyes.
Sa pagtakbo namin ay naramdaman ko ang pananakit ng paa ko, I almost tripped kaya napahawak ako kay Zeijan at inalalayan niya ako.
I heard gunshots, dahil nga sa malabo na ang lugar dahil sa usok ay hindi ko na masayadong maaninag kung saan ito nagmumula.
Zeijan was guarding me behind. Hawak niya ako pero halos takpan ako habang may naririnig akong sunod-sunod na putok ng baril.
I heaved a deep sigh and closed my eyes.
Calm down, Lyx! He needs your help too!
Sa muling pagmulat ko ay naaninag ko na ang dulo ng parking lot. I can almost see his black car kaya mabilis akong lumingon kay Zeijan.
I grabbed him and ran. Mabilis siyang nakaagapay at inabot ang palad ko.
"Faster!" aniya at tumango ako.
"Habulin niyo! Bilis!" I heard after a cough. Mas nauna pa si Zeij sa pagtakbo habang hawak ako at nakita kong inaabot niya ang remote ng sasakyan sa bulsa niya.
His car made a sound at napahugot ako ng hininga nang halos wala na ang usok doon. Nakatakbo kami hanggang marating namin ang pintuan ng sasakyan niya. Kaagad akong pumunta sa isang pintuan doon.
I saw Zeijan going on the driver's seat kaya mabilis akong tumakbo roon.
"Get in the car, Lyx!" he hissed habang nakahawak sa pintuan ng driver's seat.
"Pasok!" I hissed habang inaaninag ang mga papalapit na mga lalaki.
"You enter the car! Ako ang mag-da-drive!" aniya sa akin.
"No! Ako! May sugat ka!" inaninag ko ulit.
"Don't be stubborn, Alyx! Ako ang—" Tinulak ko siya papasok sa driver's seat kaya napaupo siya roon.
"Lumipat ka sa shotgun!" I said.
"Pumasok ka!" sigaw niya, mabilis akong pumasok sa driver's seat at napamura nang bumagsak ako sa kandungan niya.
"What the hell?" kumunot ang noo ko.
"Lipat do'n! Ako ang mag-da-drive!" I hissed at ibinaba ang tingin ko sa kanya.
I was fucking seated on his lap! Dapat doon siya sa kabila!
"Ako ang mag-da-drive!"
"Ako!" sigaw ko. Umiling siya. "You're injured!" gumalaw ako sa hita niya at tinuro ang shotgun. "Lipat! Ako ang mag-da-drive!"
"Fuck, Alyx! Don't fucking move!" sigaw niya kaya nangunot ang noo ko.
"Inaano kita r'yan?!" I hissed at him and shifted my position at nakitang halos mamula na ang mukha niya.
"H'wag kang gagalaw! Damn it!" he hissed.
"Ako na kasi ang mag-da-drive! Lumipat ka!" I hissed.
"No!" he said hardly.
"Magpapahuli ako!" I threatened.
"Don't you dare!" Kaagad akong lumabas sa kotse at napamura siya at mabilis na lumipat sa shotgun.
"Damn, okay! Okay, get on the wheels!" iritang sabi niya kaya napangisi ako.
Good boy!
I heard a gunshot. Nanlaki ang mata ko.
"Tang ina, Alyx! Magpapakamatay ka ba?! Enter the fucking car and drive!" Mabilis akong pumasok at naupo sa driver's seat then I immediately closed the car, entered the keys and drove.
The car made a sound because of that at mabilis ko iyong pinaandar palabas ng parking. Mula sa likod ay nakita kong nakasunod ang mga lalaki kaya napatawa ako.
"Burn!" sigaw ko.
"I will burn you if you won't shut up!" iritang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Problema mo?!" sikmat ko.
"Paano kung tinamaan ka ng bala do'n, huh?!" mariing sabi niya.
"Tinamaan ba 'ko? 'Di naman, huh!"
"Paano nga kung?! Paano, huh?! I can just drive instead! Bakit ang tigas ng ulo mo?" he hissed frustratedly.
"Ayos nga lang ako! Tingnan mo, I'm here beside you! Hindi ako napahamak!" sagot ko at mas binilisan ang patakbo at napamura siya roon.
"Bagalan mo! Mapapahamak tayo niyan!" sita niya na nagulat sa bilis.
"E 'di nahuli tayo kung binagalan ko! Duh!" I mocked at napamura siya at napailing, mukhang stress na sa akin.
Napapangisi na ako. Nagulo niya ang buhok at nasapo ang noo niya.
"You'll be the death of me..." iling niya.
"Sorry..." tawa ko samantalang sumimangot naman siya.
"How can you still smile after that, huh? Muntik ka na," sabi niya at hinila paalis ang suit niya, leaving him him only in his white long sleeves kaya napatingin ako sa sugat niya.
"'Yong sugat mo..." I muttered. Nilingon niya ako at umiling.
"That's fine..." aniya. Nakita ko na namumutla na nang bahagya ang labi niya kaya sumikip ang dibdib ko.
"It's bleeding," mahinang sabi ko. Tumingin ako sa paligid at mabilis na ipinarada ang sasakyan sa tagong lugar.
"Why did we stop?" aniya. Hindi ko siya sinagot at tumagilid para abutin ang braso niya.
"You shouldn't have removed the cloth here." Inayos ko ang braso niya.
"Ayos na ako," he said.
"You're not, look at this. Tsaka 'yong dugo, bakit mas lumala?" Pumunit muli ako sa laylayan ng gown ko at ipinantali sa sugat niya.
Kahit daplis lang ito ay hindi ito biro. I saw his blood on his sleeves kaya napabuntonghininga ako.
"That asshole earlier, he punched my arm..." he said in a small voice, tila nagsusumbong.
"Sino ro'n?" kumunot ang noo ko.
"'Yong bastos."
"Ano? Walang hiya ang—"
"He harassed you. Don't worry, he's dead," sagot niya. Nagulat ako roon at napatingin sa kanya. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin.
Napatikhim din ako at nag-iwas ng tingin.
"Uh, sa condo tayo," he said.
"S-saan 'yon?" tanong ko at pinaandar ulit ang kotse.
"That... unit three years ago," he said and that made me stop.
Sa kanya 'yon? Napasulyap ako sa kanya at nakitang kunot ang noo niya habang nakatitig kung saan.
Sa bagay...
His phone rang. Nakita kong inabot niya iyon at dinala sa tainga niya.
"Alliah..." sagot niya sa telepono. "Hmm, I'm fine..."
Napatungo ako at ibinalik na lang ang tingin sa daan.
I almost forgot; he has a girlfriend.
He also lied to me three years ago, kaya hindi na rin nakakagulat na sa kanya iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co