Kabanata 24
Kabanata 24
I saw how his mouth parted when he saw me at hindi pa man ako nakakapagsalita ay mabilis siyang tumakbo sa akin.
"R-Ree..."" lumuhod siya sa harapan ko at napasinghap ako at napatungo, nanginginig pa rin.
"Why..." naguguluhang napatingin siya sa akin at nakita ko ang pamumula ng mata niya.
"Z-Zeij..." I sobbed when I saw him looking at me softly with his blood shot eyes.
"Shit!" he cursed, and I sobbed loudly.
"Damn, baby..." Naramdaman ko ang hawak niya sa daliri ko kaya napatingin ako roon at nakitang nagmamadaling inaalis niya ang pagkakatali sa kamay ko.
He's panicking while untying me. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at narinig ko ang mahihina niyang pagmumura habang ginagawa iyon.
"Archer, kilala mo? What are you—"
"Fucking help me here!" he hissed, annoyed.
"Huh? Pero kalaban iyan—"
"Get her out of here! Fuck! Just do it!" Habang nakatulala kay Zeij ay nakita kong nagmamadaling lumapit si Axel at tumulong sa pagkalas ng pagkakatali sa kamay ko sa upuan.
"Damn, why the fuck did you do this?!" Nakita ko ang galit sa mga mata ni Zeijan habang inaalis naman ang tali sa paa ko.
"Kalaban siya, Archer! What do you think—"
"She's my wife!" he hissed, nakita kong natahimik silang lahat. Nanlaki ang mata ng dalawa roon sa likod at nakita kong natigilan din si Axel.
"Huh? Pero 'di ba—"
"And no one is fucking allowed to hurt her! Wala!" galit niyang sigaw na miski ako ay natulala. Kumirot ang puso ko at nakagat ko ang labi ko.
I cried when I saw him pushed Axel away from me just to eagerly free me from the chair. Nanatiling gulat ang mga tao roon habang nagmamadali si Zeij na pakawalan ako sa pagkakatali.
The moment our eyes met again, I melted. Napasinghap ako sa gulat sa biglaang pagyakap niya sa akin at nanghihina man ay umalpas ang hikbi sa mga labi ko.
"Misis..." bulong niya.
I sobbed harder and did my best to lift my shaking hand and hugged him back.
"I'm fucking scared. Shit!" mahinang bulong niya. Mas humigpit ang yakap niya sa akin. I felt him placed his hand on my nape as he leaned in as if he's protecting me.
"Z-Zeij, I'm...scared," bulong ko sa nanginginig na boses. He cursed again and gasped.
"I'll protect you, baby. No one will hurt you as long as I live, hmm?" he whispered at marahang kumalas sa akin.
Sa muling pagsulyap ko sa kanya ay nakita kong may luha ang pisngi niya. I lifted my hand and touched his face softly, nakita kong napapikit siya sa ginawa ko.
"S-sorry, Zeij. Sorry kung pinag-alala kita," bulong ko.
Isinandal niya ang mukha sa kamay ko at tumango. He held my hand on his cheek and kissed it lightly.
"H'wag mo na akong pinag-aalala, hmm?" mahinang sabi niya. I nodded. "Kasi mamatay ako, Alyx. Fuck, I am nothing without you so... don't you fucking scare me again like that," mariin pero nanghihina niyang sabi.
Napatango ako at nagpaubaya sa kanya. He held me, malalalim ang paghinga niya habang yakap ako at humalik sa noo ko.
"Uh, Arch?" I heard Axel.
"What?" mariing sabi ni Zeijan at tumayo para alalayan ako. I stood up, muntik pa akong mabuwal mula sa pagkakaupo pero kaagad niyang naagapan at nahawakan ang baywang ko.
"Who is she?" napalingon ako at nakitang nakatutok ang lahat sa amin.
"My wife," sagot ni Zeij.
His forehead creased. Nakapirmi ang labi niya at malamig ang tingin sa mga kasamahan. They were eyeing me curiously, ang iba ay naguguluhan at ang iba'y nasa bingit na ng pagsugod.
"Wife? She's an enemy, Archer!" ani ng lalaki kanina.
"I know..." malamig nitong sagot. Humigpit ang hawak nito sa baywang ko at kumalabog ang dibdib ko nang makitang may inaabot sa likod ang isang lalaki.
"Are you out of your mind, Archer? Kung galing 'yan sa kabila, she's probably—"
"Viper..." aniya. Napatingin ako kay Zeijan at nanlaki ang mata ko. "She's Viper..." pag-amin niya.
"What..." before Axel could even get a gun ay miski ako nagulat nang mabilis na mahila ni Zeijan ang lalaki sa isang gilid at inilagay ang braso niya sa leeg nito.
My eyes widened. I saw how he pushed the tip of his gun on the guy's head.
"Go, hurt my wife and I will kill him." Bahagya akong nagtago sa likuran ni Zeijan sa takot sa nangyayari.
"Are you out of your mind?!" sigaw ni Axel. I saw those men pulled their guns out and pointed it in our direction.
"No," sagot ni Zeijan. "I just want you to lower your fucking gun down and let us go."
Napailing ako roon.
"Zeij..." mahinang sabi ko at inabot ang hoodie niya.
We can't go out! Brad is there!
"What the hell are you doing, Archer? She's an enemy! We must kill her!" sigaw ng lalaking bastos.
"You want me to kill you first?" mariing sabi niya.
"Archer! What the fuck?" Axel hissed. "Calm down, will you?!"
Nakita ko ang talim ng tingin sa akin ni Axel kaya mas kumalabog ang dibdib ko.
Damn, nadadamay pa ang asawa ko dahil sa akin! What if they hurt Zeij because of me?
"Zeij..." mahinang sabi ko. I clutched his clothes pero nanatiling malamig lang ang tingin niya sa mga kasamahan niya roon at nakatutok pa rin ang baril niya sa ulo ng isang lalaki.
"Lower your gun, Arch..." ani ng Axel at muli akong nilingon. Parang may sinasabi sa akin ang mga tingin niya kaya muli akong napaharap sa asawa ko na determinadong ilayo ako rito.
I know him, he can betray his mates for me. I know he can kill this man just to save me but I can't let him do that.
"Zeij..." mahinang sabi ko. He remained stoic.
"Just stay there, Alyx.," mariing sabi niya. "I'll get you out of here."
He may be thinking that they'll hurt me kaya niya ito ginagawa. He's using this man so we can get out here safe but what will happen to him? Paano kung... Makaalis man kami ay siya naman ang pagtuunan ng galit ng grupo niya?
Muli akong napatingin kay Axel at sa mga tao sa likuran niya. They were alarmed, ang mga baril ay nakatutok sa amin.
Nahuli ko ang tingin ni Axel. He may look sharp, but I don't think he's that bad.
"Let us go and I'll let him live," ani Zeijan.
Damn, baby, you can't be bad for me...
I caught Axel's gaze. Sumulyap ako sa mga tao sa likuran niya at inilingan siya. His forehead creased, probably not understanding me pero umiling lang ako ulit.
Mukha namang naintindihan niya rin sa huli kaya sumulyap siya kay Zeij.
"We're not gonna hurt your wife, Zeij," he said.
"You can't fool me," ani Zeijan. "I don't want to do this but this is my wife we are talking about."
I saw Axel sighed. Maya-maya pa ay umiling siya at sineniyasan ang mga kasamahan.
"Lower your guns..." utos nito.
"Axel? We can't! Hindi pwede makawala 'yang babae—"
"I said lower your guns!" he hissed at natahimik sila pero sa huli ay ibinaba rin nito ang mga baril.
Kami na lang ang natira. Zeijan was still standing still, stiff, trying his best to protect me.
Muling sumulyap sa akin si Axel. He nodded at me.
"Hindi namin siya sasaktan, Arch," ani Axel. "I promise, just please lower your gun and let's talk about this."
"You know I can't, Xel," Zeijan blurted out.
Now it was my turn. Lumapit ako kay Zeijan at nakita kong napatingin sa akin ang mga lalaki roon.
"Zeij..." marahang sabi ko. I held his arm, napansin kong nakapirmi iyon kaya hinaplos ko. "Calm down," mahinang sabi ko. He remained stiff and shook his head.
"Lyx, if I let go... Sasaktan—"
"You trust them, right?" Nakita kong natahimik si Zeijan. "They are your friends. I-I know what they're saying is true." Sumulyap ako kay Axel at nakitang nakatitig siya at nag-aabang sa gagawin ni Zeijan.
"You can trust me," ani Axel. "We won't hurt her, Zeij. Just lower your gun."
"Come on, Zeij, let go..." mahinang sabi ko. I caressed his arm at napansin ko ang paglalim ng paghinga niya.
"Trust me, Zeij. Hindi naman nila ako sasaktan," sabi ko sa kanya. Marahang inabot ko ang kamay niya.
I softly caressed his hand with the gun, dumiin iyon pero hindi ako nagpatinag.
"I love you, Zeij... Trust me," I reached for his palm and gently took the gun out of his grip at sa gulat ay hindi na ako nahirapan roon.
The man pushed Zeij away making him step back kaya nahuli ko ang kamay niya.
I stared at him and saw his blood shot eyes, ang lamig ay unti-unting nilamon ng init at pagmamahal. I bit my lip.
"Okay, I love you... Calm down," mahinang sabi ko.
He blinked and I saw a tear falling, my mouth parted.
"Y-you do?" he whispered. Napangiti ako.
"Yes... Kaya kumalma ka na," sabi ko at hinaplos ang pisngi niya at napatawa na lang ako nang biglang hablutin niya ang baywang ko at sumubsob sa leeg ko.
"Woah!" I heard voices. Niyakap ko naman si Zeij at nang lumingon ako roon sa mga kasamahan niya ay napapailing at nag-aapir na.
"Cry baby!" Axel suddenly blurted out.
"Fuck you!" Zeijan hissed and hugged me tightly.
"Iyakin..." I chuckled. Nawala ang panghihina at takot ko sa ginawa niyang pagyakap sa akin.
"Mahal mo naman," bulong niya at humalik sa noo ko at nang lumayo sa akin ay hinawakan ang kamay ko.
"Okay, everyone, let's get back to work," ani Zeijan na parang walang nangyari kanina. Pinunasan pa niya ang mata niya at kumurap-kurap.
"Yes, boss!" aniya at sumaludo. I saw him stared at that man he almost held hostage at nakita kong ngumisi si Zeijan.
"Sorry..." aniya.
"Kinabahan ako, boss," tawa nito pero ngumiti rin. "Ayos lang, congrats!"
I stared at Zeijan and when he caught my eyes he smiled.
"Is that it?" naguguluhang sabi ko. "Hindi man lang kayo—"
"It's not new..." aniya at nagkibit-balikat. "Kapag bored kami rito nagbabarilan kami."
My eyes widened. He chuckled and reached for his gun from me at dinala ako sa mga kasama niya roon.
"Are you fine?" aniya. Tumango naman ako at kumapit sa kamay niya.
"Let's go." Inakay niya ako.
I saw Axel with the two other boys, 'yong kaninang pinipilit na patayin ako. And these two are perverts!
The two guys smiled at me, tinaasan ko sila ng kilay at mas lumapit kay Zeijan.
"Why is she here?" Zeijan asked Axel as he caressed my hand.
"Don't know, saw her in the gate with her hands tied. Nakatakip din ang bibig at mata niya," aniya. Napatingin sa akin si Zeij, nag-iwas naman ako ng tingin at nakagat ang labi.
"Axel brought her here, tapos tinawagan ka..." ani ng isa.
"We didn't know she's your wife, Archer," ani ng isa na medyo mataas ang buhok.
"Kaya binastos niyo?" mariing sabi ni Zeij.
Dumiin ang hawak niya sa akin at nang mapatingin ako sa dalawa ay nakatungo na ito at hindi na umiimik.
"Sorry, Arch..." ani ng dalawa.
"Say sorry to my wife, hindi ako ang binastos niyo, mga gago." Kunot-noo niyang sabi. Napatingin naman ako sa gulat nang pumunta ang dalawa sa harapan ko at tumungo.
"Sorry, Miss!" sabi nila nang sabay.
"Hindi namin alam. We didn't mean to say that."
"Oo nga, Miss. Sorry, ang ganda mo rin kasi kaya—"
"You want me to fucking blow your head off, Sanchez?" he asked sharply.
"J-joke lang, Archer! Ikaw naman!" he laughed awkwardly. Nang lumingon sila sa akin ay tumango na lang ako at muling kumapit sa asawa ko.
"Upuan..." ani Zeijan at nang paglingon ko ay may upuan na sa likuran ko. I sat there, kaagad namang sinilip ni Zeijan ang mukha ko at sinuri.
"What did you do to her?" ani Zeijan.
"Nothing..." ani Axel.
"Then, why is she wet?" ani Zeijan. Nakita kong napatitig siya sa akin at inabot ang damit ko.
"Uh, ano..." I saw Zeij stared at them. Nagtulakan iyong dalawa at maya-maya'y tumikhim si Axel.
"Uh, I... we woke her up so..." nagsalubong ang kilay ni Zeijan. He suddenly stood up and was ready to punch him pero hinatak ko ang damit niya kaya napabalik siya sa pwesto niya.
"Zeij, no..." I shook my head.
"But..."
"Ayos lang ako," sagot ko. He sighed, muli siyang dumukwang sa akin at hinaplos ang gilid ng labi ko.
"Who did this to you?" bulong niya.
I swallowed the lump on my throat as I answer him.
"A-Antonio..." sagot ko. I saw his jaw tightened.
"T-tapos si Brad..." I saw how rage reflected his eyes. Nakita kong halos mag-iba ng kulay ang asul nitong mga mata sa galit.
"That man?" I nodded. Humugot siya ng hininga at pinasadahan ng daliri ang buhok niya.
"Tell me where they are," mariing sabi niya. Napansin ko ang pananahimik ng tatlo habang nakikinig sa amin.
"T-they're outside," mahinang sagot ko. They cursed, akmang aabutin na ni Axel ang telepono niya pero pinigilan siya ni Zeijan.
"No, let's not make a move," ani Zeij.
"Archer, there are syndicates outside for—"
"Listen! Mapapahamak tayong lahat if you do that," ani Zeijan at muli akong nilingon.
"Why did they brought you here?" tanong niya sa akin.
"As a bait," sagot ko. "Y-you'll probably go here and save me, tapos... tapos kapag labas natin 'tsaka sila susugod."
I heard him cursed hardly in english. His jaw clenched and his eyes turned stoic.
"Ano pa?" aniya.
"T-tapos si..." natahimik ako at huminga ng malalim para makalma.
"S-si Mommy at mga kaibigan ko. They took them to scare me," pag-amin ko.
"Damn..." Axel cursed. "Bakit nila gagawin 'yon? You are Viper, right? So why..."
"I won't kill my husband..." iling ko. His mouth parted.
"So, that is why..." Tumango ito at sumulyap sa asawa ko. "You should have told us about her, Zeij! You said, hindi mo nahanap si Viper, yet you even married her!"
"Pakialam mo?" sikmat ni Zeijan, iritado na naman. "If I told everyone about this, do you think she'll be safe? Hindi lang tayo ang gustong pumatay sa kanya, Xel. Almost everyone is looking for Viper, planning to kill her so I won't fucking risk." I stopped.
"What do you mean?" tanong ko.
"There's a lot of people who wants you dead, Ree," aniya at hindi pa rin ako makapaniwala.
"Who?" I asked.
"Baka kaaway ni Antonio," aniya. Tumango ako. Maya-maya'y napatitig sa akin ang asawa ko at tumayo.
I saw how he removed his hoodie, making his shirt inside lift a little. Lumapit siya at isinuot sa akin ang hoodie niya at inayos ang buhok ko.
"What do you want us to do, Ree?" he asked. Napasulyap ako sa kanya at umiling.
"I... don't know, ayokong madamay pa kayo..."
"What if we you just tell Tiger about this?" ani Axel.
"No, not now," iling ni Zeij at nanatiling nakatitig sa akin. "We'll solve this for now, then contact him."
"Do you need help?" tanong ko. "I... I can help you."
Umiling si Zeij at inabot ang kamay ko.
"I just need you to be safe, let me do everything. We'll help your Mom and your friends. We'll get Antonio in jail."
"Salamat..." mahinang bulong ko. He smiled, his eyes shining as he looked at me.
"Everything for you, Misis..." aniya.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
THE people around are still giving me those weird stares as I sit beside Zeijan. He's on his laptop at nakatitig lang ako sa kanya habang mabilis siyang nagtitipa roon.
I saw codes, nakita kong ganoon din ang ginagawa ni Axel at maya-maya'y nag-uusap silang dalawa.
"Connect me to the site," ani Zeij at maya-maya'y ang codes ay napalitan ng CCTV footage.
It was the CCTV outside their place. Napatitig ako roon at nakitang walang kahit ano. The moment Zeijan clicked something ay lumapit iyon at nakita ko ang iilang van sa tagong lugar.
"That's them!" sabi ko.
"Xel, contact Phoenix. Ask him to activate the bombs here," aniya.
"Noted!" Axel fished his phone to contact someone.
"Baby, would you mind commanding those people?" nguso niya sa mga lalaki roon. "Tell them what to do..."
"Ako?" gulat kong sabi.
"Hmm," he nodded.
"Susundin ba nila ako? I mean, I'm the enemy here," I asked. Ngumiti siya at sumulyap sa mga lalaki roon.
"Ron," tawag niya sa isang lalaki roon. It was the man he hostaged earlier.
"Yes, boss?" ani nito.
"She's my boss, follow what she's going to say," ani Zeijan. My eyes widened.
"What?" gulat kong tanong.
"Go, baby. Tell them what to do," aniya at doon na ako napatayo.
I instructed them what to do once Brad made their way here. Bombs are activated. Nakahanda na rin ang mga tauhan sa paligid ng lugar para hindi makita.
One thing I hate about Brad is his stupidity. Why would he let me hear their plans kung pwede kong sabihin sa kanila Zeijan?
Damn, subukan nilang saktan sina Mommy, I will fucking kill them with my bare hands.
I changed my clothes, nananakit pa rin ang katawan pero kailangan kong maging malakas. I am not just fighting for myself, I will fight for my Mom, friends and for my husband. I won't ever risk them.
I strapped the gun on my leg. I am wearing a tight black jean and a black fitted shirt. I also wore a black leather jacket and boots.
Nakialam ako sa mga gamit nila roon and saw this. Sabi nila'y hindi naman iyon gamit at pag-aari ng kompaniya nila at spare lang. To my happiness naman ay kasya ito sa akin at saktong-sakto sa katawan ko.
I checked my face in the mirror and saw my swollen lip and a cut on my cheek. Matagal ito maghihilom!
Damn, Brad, humanda talaga sa akin ang lalaking 'yon.
Sa paglabas ko ay nakita kong busy ang lahat. Some were checking their guns and systems at nang maglakad ako palabas ay nakitang kong natigil sila.
I stopped.
What? Bakit sila nakatingin?
A topless Zeijan caught my eye, nakatalikod siya mula sa akin at kita ko ang pag-aayos niya ng baril.
My forehead creased.
Why is he topless? And his muscles are just in the right places! Damn, bakit ka ganyan?
Good thing is that, lalaki sila halos lahat dito. Kung may babae ay paniguradong kanina pa ako nanusok ng mata.
He shifted his position, sa muling pagtatagpo ng mata namin ay nakita ko ang lamig at seryosong mga mata niya. His hair fell freely on his forehead at may pawis pa ang pisngi niya.
My heart pumped faster than before, napakurap ako at napasulyap sa katawan niya.
Gosh, one, two... Anim! Anim na biyaya!
Someone whistled. Nangunot ang noo ni Zeijan at mula sa akin ay lumipat ang tingin niya roon sa lalaki kanina. 'Yon 'yong Sanchez na may pagkabastos.
"What, Sanchez?" napasinghap ako nang i-angat ni Zeijan ang hawak na baril at itinutok sa lalaki.
"H-huh? Wala, Arch..." ani nito at napamura bago nag-iwas ng tingin.
"What are you looking at?" biglang malakas niyang sabi. "Go back to your work!" he hissed at nakita kong napasulyap pa sila sa akin bago bumalik sa ginagawa.
What? Ako?
He stared at me coldly pero halos mapaso ako roon. He looks like he's gonna eat me alive, masama ang tingin niya kaya nagtatakang lumapit ako sa kanya.
"What?" I asked. Ngumuso siya at dumampot pa ng isang baril doon para lagyan ng bala.
"Oy, Zeij?" I asked. Hindi niya ako pinansin. "What have I done? Galit ka?"
"No..." iling niya at nag-iwas ng tingin.
"Then why are you ignoring me?" He did not answer and turned his back on me.
"Axel, paki—" I pulled his arm back and reached for his lips.
Napasinghap siya roon. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko at hindi pa gumalaw.
"Wala naman akong ginagawa," bulong ko sa labi niya. I kissed him lightly at ang asul niyang mata ay napuno ng intensidad at tapang.
"That's it..." he caught my waist and gave me a french kiss. Umawang ang labi ko at napakapit sa leeg niya.
"Wala ka pa ngang ginagawa ang dami nang naaakit... I fucking hate that," he muttered after kissing me.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
"I sent men in your Mom's place and they're making their way inside to ensure their safety," ani Zeijan habang nakasilip sa bintana.
"Once we killed them, we'll go straight there and save them, okay?" I nodded. Kinuha ko sa kanya ang telescope at sumilip din doon.
"Salamat, Zeij. I just want to make sure my Mom and friends are safe," pasalamat ko. Nakita kong nagsilabasan sa van ang mga tauhan ni Antonio.
They were bored, I guess... Kanina pa nila inaantay na lumabas si Zeij kasama ako and yet, wala pa rin.
"They're out now, Archer," sabi ko. My husband laughed and held my waist.
"Talaga?" he laughed on my ear. "Shall we go now, my lovely Viper?" Siniko ko ang sikmura niya at mas natawa siya pero pinindot ang earpiece at may kinausap.
"Do it now, Axel."
I suddenly heard gunshots.
"Stay safe, baby." Zeijan gave me a peck on the lips before turning his back and shoot the man in front.
I saw someone on his gun running towards me, he pulled the trigger pero kaagad akong nakaiwas. I ran towards him, grabbed his arm and kicked his feet. Natumba siya sa ginawa ko at mabilis na hinila ang paa ko. I kicked him again, harder this time and twisted his hand.
"Humanda ka sa akin!" I moved quickly when another man attempted to get me pero mabilis akong nakaiwas at natumba siya sa lalaki sa lapag.
I took the gun on the strap of my leg and shoot them. May humawak naman sa balikat ko kaya kaagad kong hinuli ang kamay nito at ibinalibag sa lapag.
He punched me. Nakaiwas ako roon at mas tinulak siya sa lupa. He fell again and I punched his face before squeezing his neck with my legs.
He choked. Pilit niya akong inaabot pero inipit ko rin ang kamay niya para hindi siya makagalaw. He coughed and I moved my leg and twisted his neck, making him fell on the ground, lifeless.
Halos putukan na ng baril ang naririnig ko sa minsang tahimik na gabi. There were bombs everywhere, nakita ko ang pagliwanag ng mga pagsabog sa paligid at mabilis kong inabot ang baril ko at tumakbo patungo kay Zeijan.
I shoot the man in his back kaya napatingin sa akin si Zeijan. Sa ginawa niyang iyon ay nasuntok siya kaya napaatras siya.
"Fuck!" he cursed and brought his attention back to the men he's fighting.
I went behind him and shoot every man who attempted to hurt him.
"Baby..." Zeij gripped my arm and hid me behind his back.
"Ayos ka lang?" hinihingal niyang sabi. I nodded at mabilis na nagpaputok ng baril.
"Where's your gun?" tanong ko kay Zeij.
"Naubusan ng bala," sagot niya at kaagad na hinatak ang braso ko para makaiwas sa isang lalaki roon.
"Puta, nagkampihan pa kayo!" the man punched Zeij pero nakaiwas ang asawa ko. He's still holding my arm at nang akmang susugod ang lalaki ay mabilis akong tumalon at sinipa siya.
He fell on the ground and my husband caught me.
"Damn, baby..." iling niya at napatawa ako at pumihit patalikod para sipain muli ang lalaking umambang tatayo.
"Here..." hinagis ko ang kutsilyo ko kay Zeijan na kaagad niyang sinalo.
I punched and shoot every man on our way; I saw Axel and their team fighting too. Sa kalayuan ay kita ko ang pag-utos ng duwag na si Brad sa mga tauhan ni Antonio.
My forehead creased. This fucking bastard.
"Stay close to me, Ree..." ani Zeijan at napamura ako nang mawalan na ng bala ang baril ko. Kaagad kong kinapa ang reserba ko sa likuran pero napamura lang nang maalalang nalaglag ko ata kanina.
I cursed. Napaatras ako nang mapalibutan kami ng mga lalaki at tumama ako sa likuran ni Zeijan.
"Damn it..." he cursed heavily. Sa paglingon ko ay nakita kong hawak niya ang kutsilyo at may dugo sa kamay niya.
"Hindi na kayo makakawala, sumama na lang kayo sa amin nang hindi na kayo masaktan," ani ng isang tauhan nila Antonio.
Damn, I remembered this face.
"Try..." ani Zeij at inabot ang daliri ko.
"Madami na kami, sa tingin niyo kaya niyo kami? Kung ayaw mong masaktan itong si Viper ay sumuko—"
"You die first." I tucked as Zeijan threw the knife on his direction, strucking his chest.
The chaos started, palitan ng suntok at mga baril ang naririnig ko. They were surrounding us, halos mabingi ako sa mga naririnig na sigaw pero hindi ko ito ininda.
I twisted the other man's neck and crashed his head on the ground at mabilis kong dinaluhan si Zeijan at hinila ang lalaking sumugod sa likuran niya.
I gave him an uppercut, nang mapaatras siya sa ginawa ko ay mabilis kong sinuntok ang ilong niya at pinatid siya para tuluyang matumba.
Zeijan caught my waist, napunta ako sa harapan niya at mabilis na tumungo para masuntok niya ang lalaki na kararating lang.
Their numbers are getting bigger! I saw fire everywhere, heard gunshots and screams.
The number of men going where we are is too much, I saw Zeijan's team doing their best to help but these people are just too much.
Damn, I never thought they'd be this prepared!
They attacked us at nabaling ang pansin ko sa isang lalaki roon na may dalang armalite. He was fighting but just keep on placing his gun on his back.
Napasulyap ako kay Zeijan at nakitang ang kamao na lang niya ang gamit sa pakikipaglaban. One wrong move and we'll get on trouble.
So, I ran towards that man's direction and fought him. Napaatras ako nang masuntok niya ako. My jaw stung.
"Damn you..." I hissed and tripped him. Nahila niya ang paa ko pero nakaganti ako.
He gasped when he scratched my hand, nahila niya ang jacket na suot ko at akmang kukunin ang baril sa likuran niya pero naunahan ko siya.
I saw a stone on the ground and quickly throw it on his face and it distracted him. His forehead bled.
"Putang ina mo!" sigaw niya. Behind him is another batch of men and when he's about to attack me ay mabilis kong naramdaman ang hawak ni Zeijan sa braso ko at mabilis na sinuntok ang lalaki.
I immediately get his armalite when it fell and lifted it in the air. I was about to pull the trigger when I felt Zeijan behind me, mabilis niyang kinasa ang baril na hawak ko at kaagad kong hinawakan ang gantilyo ng baril at nagpaputok.
It was multiple gunshots, bawat madaanan ng baril ay natutumba sa lapag. Every man coming on our way dies before they could even reached us.
The used bullets are falling on the ground everytime it kills an enemy.
Nanghina ako nang mawalan ng bala ang baril at matumba ang huling lalaking sumugod sa amin.
"Shit..." Sinalo ako ni Zeij at nanghihinang napasandal ako sa kanya.
"That was..." hinahapo kong sabi.
"Damn, baby, ang galing mo..." hindi makapaniwalang sabi niya. Napangiti ako at tumango.
"You too, Arch," sagot ko.
Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
"We'll go to your Mom now, alright?" I nodded and closed my eyes. I am just exhausted.
Sa pagmulat ko ay humalik sa noo ko ang asawa ko at tumingin sa paligid. Napatingin rin ako roon at napangiti nang makitang nakaupo na rin sa lapag sina Axel habang hinihingal.
"I'll get guns then we'll save them," aniya at tumungo para kunin ang baril sa isang patay na tauhan ni Antonio.
I smiled but gasped when I felt a grip on my neck. Sa gulat ko at napaatras ako at kumalabog ang dibdib ko nang maramdaman ang malamig na bakal sa sentido ko.
"Susuko ka o papatayin ko ang babaeng 'to?" it was Brad's voice.
"Fuck..." Umawang ang labi ni Zeijan at mabilis na iniangat ang baril sa direksyon ng lalaki.
"Let her go," mariing sabi ni Zeijan.
"Then, sumama ka sa akin, para makaligtas ang babaeng 'to," ani Brad. I shook my head, mas humigpit naman ang hawak nito sa akin at mas dumiin ang baril sa sentido ko kaya napapikit ako.
Damn it!
"Don't fucking touch her!" mariing sagot ni Zeijan. His eyes were burning with fire and rage. Halos lumabas na ang litid niya sa leeg sa galit.
"Then lower your gun, Archer," halakhak ni Brad. "If you want this little slut to live then lower your gun," mapanuyang sabi nito.
"No, Zeij..." I mouthed. Napaawang ang labi ni Zeij at napuno ng takot ang mga mata at napamura ako ng itaas niya ang kamay at unti-unting ibinaba ang baril niya.
"I won't fight," aniya at muling sumulyap sa akin. "Just let her go."
Humalakhak si Brad at mas idiniin ang baril sa sentido ko.
"Mahal mo ang malanding 'to?" tumawa si Brad.
"Sasama ako sa 'yo! Just let my wife go!" Zeijan exclaimed.
"Wife?" humalakhak si Brad at napailing. "Interesting, huh?"
"Let her go!"
"I won't—" I heard a gunshot. Napatili ako sa gulat at napapikit.
"Fuck!" the grip on my neck disappeared. Napamulat ako at nanlaki ang mata ko nang makitang nasa lapag na si Brad habang sapo ang balikat niyang dumurugo.
"Alyx!" Mabilis akong nahila ni Zeijan at isinubsob ako sa dibdib niya.
"Damn it..." he breathes and held me tighter, protecting me.
"Tang ina niyo!" Brad screamed. Napatingin ako sa kanya at nakitang naroon pa rin siya sa lapag.
"Y-you shoot him?" tanong ko kay Zeij at nakita kong umiling at inilipat ang tingin niya kung saan.
I shifted my gaze and saw a man in his 50's with a gun on his hand. He's wearing a black coat and tie, looking so formal and respectable.
Sa likuran nito ay may mga iilang mga lalaki rin at napahiwalay ako kay Zeij at napatitig doon sa lalaki.
He stared back at me and I saw his familiar black eyes. Kumalabog ang dibdib ko at umawang ang labi ko nang mapatitig at mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko.
Kahit matagal na ay hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. His face changed a bit, but this is him. I know it. I know him.
My tears fell.
It... it was the man whom we thought died in the yacht, the man I last saw when I was just twelve.
"D-dad?" my voice broke.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co