Truyen3h.Co

A Bloodless War

Kabanata 6

heartlessnostalgia

Kabanata 6

HINDI ako nakapagsalita. Mas umawang pa ang labi ko sa sinabi niya habang siya'y seryoso at matiim pa ring nakatingin sa akin.

"U-Uh," tumikhim ako at umayos ng tayo.

"Zeij—"

"And who told you to leave without telling me?" sinalubong niya ang mata ko. His eyes were now almost pitch black, annoyed.

"K-Kasi I was bored and..."

"You'll leave me whenever you're bored?" Kumunot ang noo niya.

"Hindi naman! Gusto ko lang magpahangin tapos 'yon!"

"Pa-hangin?" he scoffed. Ibinaba niya ang paniyo sa labi ko at umayos ng tayo. "And yet I saw you here kissing another man?"

"I didn't!"

"You did!" he hissed. "I looked like a fool searching for you all over the place yet you're just here with that boy!" Tinuro niya ang dinaanan ni Brad.

"I did not kiss him! He kissed me! Hindi mo ba nakitang sinampal ko siya?!" I hissed.

"But you didn't push him right away!"

"Because I was shocked!" sigaw ko. "Makaasta ka akala mo wala kang ginawa, ah! Akala mo ba hindi ko nakita 'yong pakikipaglandian mo sa kusina! Patawa-tawa ka pa!" sigaw ko.

"She's just my friend!" aniya, kunot ang noo.

"Then, Brad's also my friend!" sigaw ko.

Now we looked like a couple fighting over petty things! Partida, second day pa lang namin ito! Paano kung magtagal pa!

"You don't kiss your friends!" he hissed.

"And you don't laugh with your friends!" I screamed frustratedly back and I saw how his mouth parted in shock.

Miski ako ay natigil.

What kind of fucking reason was that, Alyx?!

Natahimik kaming dalawa, nag-iwas ako ng tingin at hinigpitan ang hawak sa revolver ko.

Damn, bakit ba hawak ko pa 'to? What if he sees this?

"Alyx," he called me by my name. Napatingin ako sa kanya na halos pagsisihan ko naman kaagad.

His gaze was just too much, I am a socialite and I can stand gazes of thousands and millions of crowds, yet his stare is different, it's a bit more intense and intimidating.

Halos manlambot ang tuhod ko sa tingin niyang ibinigay sa akin.

"Don't change the topic, we're talking about you and the kiss from your man," matalim niyang sabi.

"He's not my man! He's just a friend," giit ko ulit.

"You two kissed!"

"Hindi! He kissed me! Kanina palabas na ko then he came to me and told me something. Then ayon, hindi ako pumayag. Then, he kissed me! Malay ko ba, nagulat ako sa ginawa niya and it took me a while to push him! I know you saw that I slapped him!" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"What did he tell you?" tanong niya.

Tumikhim naman ako at nag-iwas ng tingin.

"W-Wala," sabi ko.

"Alyx," he said in a warning tone.

"E, wala nga!" I hissed. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag. Kung galit ang tingin ko sa kanya ay mas nakitaan ko ng awtoridad ang kanya.

"He won't force you to kiss him if it's just a simple talk," giit niya, mas iritado na.

I breathe hard. Mariin ipinikit ko ang mata at sinalubong kong muli ang mata niya at nabakas na kasing lamig iyon ng asul na dagat sa gabi.

Walang mangyayari kung magsisigawan lang kami rito, we might end up pulling each other's hair!

"Okay," I said calmly. Ngumuso naman siya at maya-maya'y naramdaman kong gumaan ang kamay niya na nakahawak sa may braso ko sa tapat ng ulo ko.

"Okay, I'm sorry..." he sighed. Ibinaba niya ang hawak sa braso ko at dinala sa mga daliri ko.

"Explain," marahang sabi niya.

"Kasi, ano..." humigpit ang hawak ko sa revolver sa likod ko.

"What, hmm?" tanong niya. "I'm sorry if I shouted, I was just scared when I didn't saw you at the room where I left you tapos nakita ko pang may..." tumikhim siya.

"Sorry," sabi ko. "Kasi, si Brad, uhm, was my co-star, tapos ano, he told me he wants to be with me..." pag-amin ko.

"And? Pumayag ka?" Mabilis akong umiling.

"Of course not! Bakit ako papayag? And he has a love team! Dahil nga sa kanya kaya ako na-ba-bash!" sabi ko.

"Then, why did he kiss you?"

"Kasi nga, tumanggi ako! Do you think papahalik ako kahit kanino? If it isn't for my shoot, then I won't let anyone kiss me! Sa 'yo lang naman ako papahalik—" bigla akong natauhan sa lumabas sa labi.

Nanlaki ang mata ko at nang bumaling ako sa kanya ay nakita kong nakanguso siya, nagtatago ng ngiti. I saw how his eyes filled with amusement, suminghap ako roon at tumikhim.

"I-I mean—"

"It's only you, I want to kiss too," marahang sabi niya. Kumalabog ang dibdib ko.

Come on, heart! Function!

You're not like this, right?! Wala pa kayong isang linggong magkakilala niyan! Wake up!

I almost slapped myself.

"Z-Zeij," tumikhim ako.

"Hmm?" sumulyap siya sa labi ko. I unconsciously wet my lips.

Umiling naman ako nang wala ng masabi. I saw him gulped and stared at my lips again. Nang bahagyang inilapit niya ang mukha sa akin ay tumingala ako.

"I wanted to erase his mark on your lips so bad," he whispered.

Halos maamoy ko na ang bango ng hininga niya habang nakalapit sa akin. He was breathing hard, napapikit naman ako nang bahagyang dumikit ang labi niya sa gilid ng labi ko.

"E-Erase it, then..." wala sa sarili kong sabi at hindi ako naging handa sa biglang pagsalakay ng labi niya sa akin.

He kissed me fervently, kaagad akong kinapos ng hininga roon at mabilis na umangat para mas mahalikan pa siya. He nipped my lips, napapikit ako nang mula sa kamay ko ay umangat ang kamay niya sa pisngi ko.

He held my cheek as he kissed me—hard, wanting, erasing someone's mark and replacing it with his. He knocked my teeth and I immediately opened my mouth to welcome him. Naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa pader dahil sa pag-abante niya.

I lifted my other hand so I can touch him pero pakiramdam ko ay kulang. Mas humalik pa siya at halos kapusin ako ng hininga. He tasted every side of my mouth, yet I felt it isn't enough.

"W-Wrap your hands around my neck," he whispered huskily, his blue eyes were shining a bit from the light on the post near us.

Mabilis akong tumango. He kissed me again. Ang isang kamay ko na nasa braso niya ay kaagad kong iniangat sa batok niya. Wala sa isip na binitiwan ko ang hawak kong revolver para yakapin ang leeg niya.

Natauhan lang ako nang may narinig akong pagbagsak.

"What's that?" Humiwalay bigla si Zeij sa akin.

"H-Huh?" maang ko, kinakabahan.

"May bumagsak," ani Zeijan at akmang sisilip sa gilid ko ay mabilis kong hinawakan ang pisngi niya.

"H'wag!" I shouted.

"Huh?" he suddenly looked confused.

"H-H'wag mong pansinin 'yon!" I panicked.

"But something fell, baka—" Akmang sisilip siya ay mabilis akong tumingkayad at hinuli ang labi niya.

Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko pero sa huli ay kumislap lang ang mata niya at hinawakan ang baywang ko. I hugged his neck, mas tumungo naman siya sa akin para mas mahalikan ako.

Every touch of his lips made me shiver. I felt like fire was slowly ignited inside me, napapaso ako pero ayaw ng katawan kong magpapigil.

I gasped, pulled his hair more and a moan left my lips when I felt his hand on my butt, playfully squeezing it.

I left his lip and kissed his jaw kaya mas idiniin niya ako sa pader. Natamaan ng paa ko ang baril ko kaya napahiwalay ako sa panga niya.

Damn it, pahamak ang baril na 'to!

Nawala na naman ang focus ko sa baril nang si Zeijan na mismo ang humalik sa pisngi ko. He kissed my cheek and my jaw softly; I can almost hear his peck.

Mabilis kong sinipa patagilid ang baril para mapalayo sa akin habang dinarama ang halik niya.

He kissed my neck and I tilted it to give him more access, I gasped when he bit my skin. Nasabunutan ko ang buhok niya sa ginawa.

"Zeij," I gasped.

"Hmm?" he hummed ang bit my skin. Napaigtad pa ako nang haplusin niya pang lalo ang pang-upo ko.

"Damn," I said heavily. Iniabot ko ang damit niya at wala sa sariling iniangat iyon.

I touched his chest and felt his warm and hard body. Napamura siya sa ginawa ko at humalik sa balikat ko.

"Damn it, Ree..." bulong niya. Napalunok ako at nang bumagsak ang strap ng damit ko ay naghabol ako ng hininga.

He kissed my throat. Nang muling bumalik ang labi niya sa labi ko ay mas hinaplos ko ang matigas niyang dibdib. I played with his nipple and purred a bit when bit my shoulder.

His breathing was hard and fast. Nang umangat ang kamay niya sa tiyan ko paakyat sa dibdib ko ay halos idiin ko na ang sarili sa kanya.

It was just too hot here! Parang natupok ako ng apoy sa kabila ng napakalamig na hangin! He molded my breast, napakapit ako sa kanya at iginalaw ang balakang ko.

"Damn it, wife..." Zeijan cursed.

"I-I want..." mas idinikit ko ang katawan ko sa kanya.

"Fuck," he kissed me harshly and his hand found its way inside my shirt to cup my boob.

"Zeijan!" I said in between our kisses. Hindi siya natinag. Napaigtad ako nang paraanan niya ng daliri ang dibdib ko at minasahe iyon.

"Tang ina," mariing mura ko, halos silaban na.

"Your mouth," Zeijan said. Muling binigyan niya ako ng halik at mas humaplos sa dibdib ko.

I groaned with his every squeeze. Halos mapaupo na ako sa panlalambot ng tuhod ko pero nakaalalay sa akin ang asawa ko. I was shaking. Pilit namang ibinababa ni Zeij ang strap ng damit ko para hanapin ang dibdib ko.

He kissed my collarbone habang hinahaplos ko ang ulo niya sa ginagawa at halos manghina na. The intensity of his kisses was just too much for my being. It feels like I've been in the highest cloud with just his touch and kisses!

"R-Ree," kinagat ko ang labi ko at iniangat siya para sa palitan namin ng halik. He let go of my breast at halos mapamura ako roon.

"Zeij!" I hissed. He chuckled and held my waist instead. Parang kaming teenager na sabik sa isa't isa. Halos mawalan na kami ng hininga sa mga halik at napaigtad ako nang may maramdamang may gumagapang sa braso ko.

"Z-Zeij, makiliti!" sita ko. Namumungay ang matang hinarap niya ako at kumunot ang noo niya.

"Hmm?" he asked and gave me a confused look.

"Makiliti sa braso ko," sagot ko.

"Why?" aniya at tumungong muli sa akin pero bago pa man mailapit ang bibig niya ay may parang gumapang sa braso ko.

I stopped.

"What's the matter?" ani Zeij na nakahawak pa rin sa baywang ko.

"S-sa braso ko," sabi ko. Nangunot ang noo niya. He moved a little bit at mula sa baywang ko ay umabot ang kamay niya sa braso ko.

"Why? Hindi naman kita hinawakan sa bras—" nakita kong napatigil siya matapos hawakan ang braso ko. I saw how his mouth parted, his eyes widened, and my forehead creased.

"Zeij, what's—"

"Tang ina! Ipis!" he shouted. Mabilis akong napatingin sa kamay niya at napatili ako nang makitang nasa may braso niya ang ipis.

"Oh, my god!" I screamed. Tumalon ako roon at napamura siya.

"Fuck! Fuck!" He was cursing! Lumayo ako sa kanya at nanlalaki ang mata ko.

Oh, my god! I hate that creature!

Nakalayo na ako sa kanya pero hindi gumalaw si Zeijan habang naka-extend ang braso niya. He was cursing really hard, ang ipis naman ay nasa may braso niya at hindi rin gumagalaw.

"Zeij!" I screamed.

"Fuck, Misis! Help me!" he hissed. Mabilis akong umiling.

"No! Ayoko niyan!" sigaw ko. "J-just remove that thing from your arm!"

"I can't!" He hissed. Nakita ko ang pamumutla niya.

Halos hindi na huminga si Zeijan, nakita ko pang namumutla na siya habang nakatulala sa ipis at napamura pa siya nang umangat ang pakpak ng ipis.

"Fuck! Fuck! Ito na siya!" he exclaimed horribly.

"Itaboy mo!" sigaw ko. "Gumalaw ka! Para umalis!"

"No! Fuck, liliparan ako!" sigaw niya.

"J-just move! Oh, my god!" My eyes widened.

"Damn! Damn!" Naglakad pa ang ipis sa may braso niya at napatili ako nang lumipad 'yon dahil sa biglaang paggalaw ni Zeijan ng kamay sabay takbo.

"Tang ina!" Napamura si Zeijan, tumili ako nang lumipad papunta sa akin ang ipis at tumungo.

"Alyx!" he hissed. Nang makita kong lilipad na naman sa akin ang ipis ay tumitiling tumakbo ako kay Zeijan na halos hilahin na ako paalis.

Kumapit ako sa braso niya. Halos hilahin ko naman siyang paalis pero hindi siya gumalaw. Nakita kong may tinititigan siya.

"Zeijan! Let's go!" I exclaimed.

"Wait!" hinawakan niya ako. "Buhay pa siya!" aniya at tinuro 'yong ipis na nakadikit lang do'n sa pader.

"So?!" frustrated kong sabi. "Let it be! Let's go! Baka liparan tayo ulit!"

"We have to kill it!" he hissed.

"Mag-isa mo!" I hissed. Ngumiwi siya sa akin.

"Samahan mo ko!" Hinila niya ako.

"No!" Pinalo ko siya. "Ikaw na mag-isa! Bakit kasi 'di na lang natin iwan!"

"What if he comes back?! Then, visit me on my sleep?" Halos masapo ko ang noo ko.

"Asshole! Hindi s'yempre, kilala ka ba niyan?!" I exclaimed.

"Kahit na! May napapanuod ako naghihiganti mga 'yan!" aniya.

"What?!" sinuntok ko ang braso niya.

"Let's kill it!"

"Ikaw na! H'wag mo akong idamay!"

"Damn it," ngumiwi siya sa akin. "Samahan lang, eh!" inarte niya.

"Go, Zeij! Bakit ka ba takot sa ipis, huh?" I asked him.

"Hindi ako takot!" aniya at pinanlakihan ko siya ng mata.

"Then, go! Kill it!" I insisted.

"Lilipad nga!" he shook his head.

"Akala ko ba hindi ka takot?! Patayin mo nga kung matapang ka!" hamon ko.

He cursed. Pinasadahan niya ang kamay ang buhok at nagpalinga-linga sa paligid.

"Tang ina, nakakahiya ako!" he hissed.

"Buti alam mo!" I hissed. He gave me a sharp look, nagulat na lang ako nang walang sabi-sabing sinakop niya ang pisngi ko para humalik sa labi ko bago bumitaw.

"Okay na, may strength na ko!" Huminga siya nang malalim at tumalon-talon pa.

"Fuck, baby, para sa 'yo 'to!" he exclaimed. At sa pagkawindang ko ay napailing ako at halos matawa.

What the hell, Zeijan?

Naglakad siya paabante, nakakuyom pa ang kamay niya at lumapit doon sa ipis. Tumungo pa siya at may dumampot ng bato.

Oh, he's going to kill the cockroach with a stone? Habang papalapit siya ay halos mag-cheer na ako.

Go, Zeijan!

Naririnig ko ang mura niya at nagulat ako nang bigla niyang hinagis ang bato ro'n sa ipis na hindi man lang tinamaan at mabilis na tumakbo.

"Run!" he hissed at napatili ako nang lumipad ang ipis bago tumakbo.

I ran after Zeijan na nauuna pa sa akin! This asshole!

Halos hingalin na ako habang sumusunod sa kanyang parang may sayad na tumatakbo sa may dalampasigan.

Nang makalayo na kami ay tumatakbo pa rin ang loko na hindi man lang ako hinintay kaya napaupo ako sa buhangin sa sobrang pagod.

I gasped and looked around. Mabuti na lang at gabi na at wala na ganoong tao sa beach at marahil tulog na.

Napapagod akong sumalampak doon. Halos mapahiga ako sa sobrang paghahabol ng hininga dahil sa ka-abnormal-an ni Zeijan at napapikit.

"Water!" I exclaimed. Ipinikit ko ang mata ko at napahawak sa dibdib ko.

Napatungo ako at natigil lang ako nang makarinig ng yapak. Maya-maya pa'y may nakita akong sapatos sa may tapat ko kaya nag-angat ako ng tingin at napairap nang makita si Zeijan doon.

"Here," inabot niya sa akin ang isang cup ng buko juice na nakangiti pa.

"Oh, buti naisipan mong bumalik?" I hissed. Tumawa siya at inabot ko naman ang dala niya at walang pagdadalawang-isip na lumagok doon.

Sumalampak din siya sa buhanginan sa tapat ko.

"I bought that kaya dumiretso ako," napansin kong hinihingal rin siya. He was wetting his lip and was smiling lazily. I noticed his disheveled, wet hair falling on his forehead.

Our eyes met and he smirked at me.

Malamig ang paligid pero mainit ang pakiramdam ko habang kasama siya.

He's smiling brightly. Naglalaro ang tinging iyon ng mga mata niya at kaagad akong tumikhim at inabot sa kanya ang tirang juice.

"Oh, uminom ka," sabi ko. Sumulyap siya roon bago umiling.

"No, drink it all..." ngumuso naman ako at ininom ang natitira roon.

"Napagod ka ba?" aniya. Inabot niya ang buhok ko at natigil ako nang ilagay niya iyon sa likod ng tainga ko.

"Obvious ba?" I hissed. "Pinatakbo mo ko nang ilang milya and I never knew takot ka sa ipis!"

"Sungit naman ng misis ko!" he exclaimed and chuckled.

"Shut up, Zeij!" sita ko. Nakita ko pang kumapa siya sa bulsa niya at naglabas doon ng panyo. He moved a little closer at hindi na ako nagulat nang punasan niya ang pawis sa noo ko.

"Hindi nga ako kasi takot sa ipis," aniya. Napairap ako.

"Come on, umamin ka na. Grabe nga 'yong ginawa mo kanina. I thought you're going to kill it then guess what? You just threw a piece of stone!" I hissed unbelievably.

"Kasi nga biglang parang lilipad siya! Tang ina no'n, feeling butterfly!" Napatawa ako bigla.

"Bwiset ka, Zeij! Kulang na nga lang tumili ka kanina nang dahil sa ipis!"

"Nagulat ako! Damn, I really hate that pest! The last time na nagkaroon niyan sa bahay ginawa akong human shield ng mga abnormal kong kapatid!" Napatawa ako roon at naupo naman siya sa tapat ko ulit.

He's wearing a plain white shirt and pants. Napansin ko ang pagsayaw ng silver dog tag sa kanyang leeg kaya napanguso ako.

"Then, bakit ka naman takot na takot do'n? I understand myself kasi naman, I'm a girl, tapos s'yempre it's normal naman na takot ako sa cockroach."

"So, kapag lalaki, bawal?" he said flatly.

"Oh, hala, bakit lalaki ka ba?" sabi ko at nakita kong umayos siya ng upo at matiim akong tiningnan. I laughed at his reaction, tumiim pa ang panga niya sa sinabi ko.

"Baka gusto mong magbuntisan tayo rito?" he asked.

I stopped laughing. Nag-init ang pisngi ko at awkward na pinalo ang hita niya.

Damn it, Alyx!

"You're funny!" I laughed awkwardly.

"I'm not joking," seryosong sabi niya. Luminga pa siya sa paligid at nagsalita ulit.

"No other person is here, and we're married so I think we should start planning for a family."

"Zeijan nga!" Pinalo ko siya at doon na siya napatawa at ngumuso.

"So, ayon nga, my brothers hid behind me tapos ako 'yong naliparan ng ipis!" kwento niya.

I laughed. Nawala ang uhaw ko at umayos ng upo para makinig sa kanya.

"Then, na-trauma ka ro'n?" I asked.

"'Di lang 'yon! They even made me watch a freaking show!" he hissed. Napangiti ako roon at hinawi ko ang buhok sa may noo niya at inayos.

"Show?"

"Oo, sabi nila kapag 'di ko raw pinatay 'yong ipis, susugurin ako pabalik kasi 'di lang daw isa 'yon, eh, tatlo 'yon silang mag-fi-friends." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What? Ano ba 'yong pinanuod sa 'yo?" tanong ko.

"'Yong ano, 'yong may tatlong magkakaibigan na ipis tapos, hmm, I don't know if the big one is a cat or what tapos kahit anong gawin ng isang pusa na 'yon, naghihiganti 'yong tatlo—"

"What the heck, Zeij?" Nanlaki ang mata ko.

"Cartoons 'yon!" he explained.

"What exactly did you watched and why did you believe it?"

Don't tell me it's a kid show?

"Kasi raw totoo nga 'yon, tsaka may bumisita sa aking ipis no'ng gabi pagtulog ko," kumbinse pa niya sa akin.

"Ano 'yong title no'n, eh, hmm...what's that again?"

Napaisip siya at maya-maya'y ngumisi nang maalala.

"Oggy and the cockroaches!" He exclaimed happily at sa gulat ko ay nabato ko sa kanya ang plastic cup ng buko juice.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co