Truyen3h.Co

A Bloodless War

Kabanata 5

heartlessnostalgia

Kabanata 5

"WHAT?!" halos mabingi ako sa sigaw ni Jana sa kabilang linya.

"Ja—"

"Anong kasal?! Gaga ka!"

"I'll explain, okay?"

"Paanong explain?! Are you nuts? How about your career?!" he hissed.

"Look, Jonathan..."

"You bitch! Jana! Jana!" he hissed. I rolled my eyes.

"Okay, whatever. Just, I'll explain, okay? I was just drunk..." sabi ko.

"Drunk pero nagpakasal ka?! Legal 'yon! Paano na ang advertisements—"

"Kalma, Jana!" I muttered under my breath. Eksaheradang huminga naman ang bakla sa kabilang linya.

"Ikaw talaga, Alyx! Pinapasakit mo ang ulo ko!" Jana hissed but my sight shifted to Zeijan who's been changing his clothes.

Mula sa suot niyang shirt kanina ay kasulukuyan siyang nagpapalit ng isang puting uniporme.

I was just staring at him, ogling over him secretly. Nanlalaki ang mata ko dahil sa bawat pagbatak ng muscles niya sa braso habang inaayos ang butones ng damit niya.

He's wearing a white chef uniform. Ang sabi niya sa akin ay tutulong daw siya ngayong gabi sa pag-se-serve sa hotel sa baba dahil sa absent siya kaninang umaga. He was combing his hair using his fingers at nang magtagpo ang mata namin ay nanlaki ang mata ko at napasinghap.

I saw him smiled. Tinagilid niya ang ulo niya habang nakatingin sa akin kaya napamura ako at mabilis na nagpaalam sa kausap ko.

"S-sige, Jana... B-bukas na lang." I almost cursed when I stuttered.

"Huh? Eh, paano 'yong issue mo—" I cut the line. Mabilis na ibinaba ko ang phone sa kama ni Zeijan at natulala nang maglakad siya papuntang harapan ko.

"Do you want to come to the kitchen?" he asked me.

"U-Uh, ano..." napatikhim ako at nakita ang hindi maayos na pagkakabutones sa itaas na parte ng uniporme niya.

Tumayo ako at inabot ang damit niya. He was startle with my sudden move. Kinalas ko ang butones ng damit niya para ayusin.

"Hmm, do you want me to stay here?" malambing niyang sabi. Nag-angat naman ako ng tingin at nagsalubong ang mata namin.

"H-huh?"

He chuckled. Gano'n na lang ang gulat ko nang hawakan niya ang baywang ko at hinapit palapit sa katawan niya.

"If you want to cuddle all night, then..."

"Anong sinasabi mo r'yan?!" My eyes widened yet I couldn't deny the loud thumping inside my chest.

"You're unbuttoning my uniform; you want to cuddle?"

My heart jumped.

"No!" natulak ko siya pero sadyang malakas siya at nahawakan ako.

"I-I was just fixing it! Hindi kasi maayos ang pagkakabutones!" depensa ko.

"Okay, Misis..." he chuckled at bumaba ang tingin sa uniform niya. Marahang binitawan niya ako at sumulyap muli sa damit niya pabalik sa akin.

"Fix it for me?" Napanguso lang ako at lumapit muli sa kanya para ayusin ang uniporme.

He isn't bad at all. Akalain mo ba namang maghanda para sa late reception kuno ng wedding namin? Maganda naman siya kausap, minsan may pagka-abnormal at bastos nga lang. But overall, mapagtitiisan na.

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

"WALA bang makakakita sa akin do'n?" I asked him. Nakasuot ako ng cap at nakaitim na shirt, this is his clothes. I have no choice but to wear these.

"Hmm, you'll stay in my room there. I don't think may makakakilala sa 'yo," aniya at humawak sa pulso ko.

"Paanong wala? Hello, I'm Alyx Alarcon! Walang hindi nakakakilala sa akin!" I hissed. He laughed, nanliit naman ang mata ko roon at sumulyap sa kanya.

"Hindi nga kita kilala," aniya at nawala ang ngiti ko.

"You might be joking, right? It's impossible—"

"It is possible, I don't know you, so, hindi na nakakagulat kung 'di ka nila kilala."

"Are you guys, aliens?" I asked. Mas napatawa siya, ang asul niyang mata at sumayaw at ang buhok niya'y sumunod sa hangin.

"Nah, we just don't know you." He smirked.

Hinila ko naman ang kamay ko sa hawak niya at namaywang.

"Excuse me, Mr. Cueno, I mean, who would not know me? I'm the biggest star here! I'm beautiful, sexy and seducing! Lakas ko pang maka-attract!" pagmamataas kong sabi. I even removed my cap and pointed my face.

"Ang dami kong lead roles ngayon! I'm like one of the FHM's sexiest and—" Natigil ako nang mapansing nakatitig lang siya sa akin.

My throat dried up. Matiim siyang nakatingin sa akin habang dumadaldal ako at may maliit ns ngisi sa labi niya.

"You're lovely," aniya.

Natahimik ako.

"And yes, you're fucking charismatic," aniya at nang mapansing natutulala na ako sa kanya ay mabilis akong napatikhim.

"Uhm, ano, let's go na..." I cleared my throat.

Damn it, I've been hearing compliments for thousands of times pero but I am not affected like this by a man! Bakit nang siya ang pumuri sa akin ay natahimik ako?

"Okay, Misis," he chuckled. Nagulat pa ako nang kunin niya mula sa kamay ko ang cap niyang suot ko kanina at ibinalik sa ulo ko.

Sabay kaming pumunta loob ng resto sa hotel na iyon gamit ang back door.

Nagsisigawan na tao ang narinig ko kaagad pagkapasok namin. I was welcomed with people in their uniforms carrying trays of foods.

"Table two raw! Follow up!" A woman in her 40s exclaimed.

Naglakad kami ni Zeijan sa pagitan ng tatlong chef doon na nagluluto at napaatras ako sa gulat nang lumaki ang apoy sa niluluto ng isang chef.

"Are you alright?" nilingon ako ni Zeijan kaya mabilis akong tumango at kumapit sa damit niya.

"Come on," inabot niya ang kamay ko mula sa damit niya at hinila ako papalapit pang lalo sa kanya.

We walked faster this time, hindi ko rin tinanggal ang cap ko sa takot na magka-eksena. Kahit naman sabihin ng lalaking 'to na hindi ako kilala rito ay malay ko ba? Sa ganda kong 'to, impossibleng walang maka-recognize sa akin!

"Zeijan!" Napahinto kami parehas nang sumalubong sa amin ang kaibigan niyang si Phoenix na naka-uniporme rin.

"Nix," Zeij called him.

"Kanina ka pa hinahanap ni chef," aniya at napalingon sa akin. "Uy, Lyx, nand'yan ka pala," bati niya.

Iniangat ko naman ang cap ko para ngumiti.

"I'll go," ani Zeij at bago pa man makapagsalita si Phoenix ay nahila niya ako paalis.

We entered the quarters, sa tingin ko ay para sa mga nag-ta-trabaho. May double deck na kama rito at cabinet. Dito marahil nag-i-s-stay ang mga trabahante kapag break.

"Stay here," hinawakan ni Zeij ang balikat ko at tinanggal ang cap mula sa ulo ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Walang mag-be-break ngayon so, walang papasok dito. Wait for me here. It will only take an hour or two, tulong lang ako sa pagluto at serve." paalam niya.

Napatingin naman ako sa paligid ng lugar at tumango.

"Can I walk around outside? Parang boring, eh," sabi ko.

"No, stay here. We'll walk at the shore mamaya kapag out ko." I pouted and brushed my hair.

"Boring dito," reklamo ko. He shook his head and glanced at his watch.

"It's late, Ree. Mapanganib sa labas and the paparazzis, baka mapagtripan ka pa." I stopped and sighed.

"Okay," I gave up.

He grinned. Tinagilid niya ang ulo at hinaplos ang pisngi ko.

"Now, be a good girl and stay here. I'll cook for you later." He kissed my head and left.

Napabuntonghininga ako at pabagsak na naupo sa kama. I tried watching television pero na-bo-bored lang ako. I changed the channel and smiled when I saw my commercial on TV.

It was a hard liquor commercial, naka-halter top lang ako roon at short shorts. My hair was in curls and I'm wearing a red lipstick. Napapangisi ako habang pinapanuod ang thirty-second commercial na 'yon.

I am smoking hot there, so, impossibleng hindi pa ako napapanuod ng asawa ko sa TV? O kaya 'di siya nagti-TV?

I stopped.

Wait, what? Asawa?

Napasinghap ako at dali-daling pinatay ang TV. Napatili pa ako at ibinaon ang mukha sa unan na naroon.

No! No! Magpapa-annul kayo, Alyx!

Hindi porke't gwapo siya ay tanggap mo ng kasal kayo? And he's not wealthy! Kailangan mong maging praktikal!

Napaupo ako bigla nang magring ang telepono ko at halos mapamura ako nang makita ang pangalan ni Hawk sa screen.

I have no other choice but to answer it.

"Hawk," I acknowledge him.

"Viper, how is it going?" aniya.

"Wala pa ring balita," sagot ko. Narinig ko ang buntonghininga niya sa kabilang linya.

"You only have two weeks there! Kung hindi mo magagawa 'yan ay mapapahamak tayong lahat!" He hissed.

"I know! Just—how can I find him? Sa dami ba naman ng tao rito, sa tingin mo mahahanap ko siya kaagad?" sabi ko, naiirita. I am trying to be formal pero hindi ko nagawa.

"That fucking agent is like a wind, walang pasabi! He doesn't even have a tracker or what. Malinis na malinis ang pagtatrabaho," aniya.

Nakagat ko ang labi ko at sinuklay ang buhok ko.

""Then, tell me how can you find him? Ni trace o ano wala nga ako," sabi ko.

"I will call Trece," aniya sa akin. Huminahon ang tono.

"Yes, you should. He only gave me two weeks to kill that bastard and yet, hindi ko pa rin alam kung sino 'yon!" reklamo ko.

"Swerte mo pa rin dahil dalawang linggo ang ibinigay niya sa 'yo. The agent before you were only given three days and when he failed, you know what happened," aniya. Mariin namang ipinikit ko ang mata at hinilot ang sentido.

"I saw how he killed him, Hawk," sagot ko.

"Then you should work harder, hindi lang buhay mo at namin ang nakasalalay rito, Viper," sabi pa niya at napasinghap na lang ako.

"Call Trece and text me the details. Pagkatapos ng shoot ko, paplanuhin ko na ang lahat," paliwanag ko.

The line went off. Ibinagsak ko ang phone ko sa kama at napamura.

Damn it, ano ba 'tong pinasok ko?

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

THIRTY minutes ang nakalipas na wala akong ginagawa. I tried surfing online pero puro pang-ba-bash lang ang nababasa ko kaya itinigil ko.

Jana even called and told me to come to his suite pero hindi ko sinagot. Even our director was furious, ni hindi raw ako sumipot man lang kanina pero para saan pa?

I was just an extra for pete's sake!

Tumayo ako at ibinulsa ang phone ko bago binuksan ang pintuan. Nang sumilip ako ay nakita kong nagkakagulo pa rin sa kusina. Hinanap ng mata ko si Zeijan at seryoso itong nagluluto.

He looks hot, nakagat ko ang labi ko habang nakatingin sa kanya pero nawala lang nang may babaeng lumapit sa kanya at binulungan siya.

He lowered his face to listen to her at nang umapoy ang kawali ay napatili ito at umatras.

Zeijan laughed. Nangunot ang noo ko.

Anong tinatawa-tawa mo r'yan, hinayupak ka!

The girl looks scared. Humawak pa siya sa braso ni Zeijan at nagtago sa likuran nito at halos manugod na ako roon.

The heck, you want me to wash your face with a hot cooking oil?

"Liza! Mag-serve ka rito!" someone shouted. Bigla namang umayos 'yong nasa likod ni Zeij at nagpaalam paalis.

Napanguso ako at napairap.

'Yan, sige, landi pa more!

Sa inis at bored ko ay umalis na ako sa kitchen gamit ang back door. I decided to go to my unit to check my things, kung pwede rin ay roon na ako matulog. Sana lang ay walang mga paparazzi.

Ibinaba ko ang cap sa ulo ko habang naglalakad. May nakasalubong akong grupo ng kabataan at narinig ko pa ang usapan nila.

"Saw Alyx's article? Nakakahiya siya 'no?" the girl said.

"I know right! Palibhasa kasi, hindi gusto ni Brad at hindi siya ang lead role ngayon!" Napangiwi ako roon.

The hell?

"At saka wala siya sa shoot! Guess she hid on her Mom's skirt! Nakakahiya siya!" Mas nangunot naman ang noo ko roon.

Nang akmang lalagpasan na nila ako ay iniba ko ang boses, mas ibinaba ang cap ko at nagparinig.

"Alyx didn't want Brad! So eww kaya!" maarte kong sabi at natigilan sila roon.

Napalingon sila sa akin kaya natawa ako at mabilis na naglakad paalis.

Sa back door ako dumaan sa hotel, thanks kay Zeijan at may bago na akong tip para mabuksan ang door knob. Dati kasi kapag nagbubukas ako ng pintuan ay may tools akong ginagamit. And yeah, it kinda takes time.

Kinuha ko ang hairpin ko sa bulsa at binuksan ang door knob doon.

"Yes!" I exclaimed when I opened it. Luminga-linga pa ako sa paligid at nang walang makitang kahina-hinala ay umakyat na ako sa hagdan.

Good thing, my room is located at the third floor so hindi ako napagod paakyat. I checked the hallway first at nang walang makitang tao ay naglakad ako.

"Guess I can probably stay here, then?" bulong ko at binuksan ang unit ko.

I went in to change my clothes, I wore a comfy sleeveless top and shorts. Nag-tsinelas din ako at tinali ang buhok ko.

Nang sumilip ako sa terrace mula sa kwarto ay nakita ko sa may dalampasigan na nagpa-pack up na ang production.

They're done for today, ilang scenes kaya ang nagawa nila?

Naupo ako roon at inaliw muna ang sarili at nang balak ko sanang matulog na ay naalala ko si Zeijan. Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mata ko nang makita ang oras.

I was here for two hours! Ni hindi ko napansing nakatulala lang ako rito!

Kinalikot ko ang phone ko para tawagan si Zeijan pero naalala kong wala akong number niya kaya napabalikwas ako. Mabilis kong hinawi ang buhok ko at halos takbuhin na ang labas pero tumunog ang phone ko.

I opened it and my forehead crease when I saw a message from Trece.

From: Trece

Archer stays in Cilyest Hotel. Found this just now. Quick, Viper!

Kumalabog ang dibdib ko. That hotel is where Zeijan works! Hindi kaya nakasalubong ko na si Archer kanina pero hindi ko lang alam?

Napaatras ako mula sa pintuan. Dagling tinakbo ko ang kwarto ko at kinuha mula sa ilalim ng unan ko ang revolver ko. Inipit ko ang baril sa likod ko at mabilis ang matang ipinaikot ang tingin sa loob ng kwarto ko.

What if he knows me and followed me here?

Nilapitan ko ang bintana at mabilis na isinara ang kurtina. I also locked the door towards the terrace and checked for any bugs around. I checked for cameras and other recording devices and found none.

Nang makampante ay inayos ko ang sarili para lumabas. As long as I stay here and plot something, hindi ko pwedeng hindi sabihan si Zeijan.

Knowing him, he must be worried right now.

Sa emergency exit ako muling dumaan pababa. I was gripping the gun at my back. Like a hawk, I checked the place for suspicious things.

Nakahinga ako nang maluwang nang makalabas ng exit pero halos mapatalon naman ako nang makita si Brad doon.

"Brad?" gulat kong sabi.

"Alyx," he called me. Bigla akong nagtaka sa biglaang paglitaw niya.

"What are you doing here?" takang tanong ko. Tinanggal ko ang kamay ko sa baril, hinayaan ito sa likod ko at pinirmi sa harapan ko.

"I just missed you," aniya. I stopped.

"What do you want?" I asked him. "And why are you here? You can just use the main entrance and—"

"People will see me," aniya. "Mag-ka-ka-issue na naman."

"At sa tingin mo kapag may nakakita sa 'yo rito, hindi mag-ka-ka-issue?" sikmat ko.

"Alyx, please, I just want to talk..." aniya. I sighed.

"Then, talk," sabi ko at humalukipkip. "I have things to do, Brad."

"I missed you," ulit niya.

"And?" Tumaas ang kilay ko.

"I want us to be together," he said, and I wasn't shocked at all after hearing that.

He's been secretly giving me motives. One time, I went on a date with him and that's when my career got ruined. Dahil nga sa ka-love team niya si Tessa ay sinabing inahas ko raw si Brad at malandi raw ako.

Issues spread around show business and where did it take me?

"Look, Brad," mahinahon kong sabi. Humakbang palapit sa akin si Brad pero hindi ako gumalaw man lang.

"What we did was only a one-time thing," sabi ko. Kumunot ang noo niya roon.

"Alyx—"

"I went out on a date with you, once, and that's it. Don't expect me to—" I was startled when he held the back of my neck and kissed my lips.

Sa gulat ko ay natulala ako.

He massaged my nape and pulled me even closer, when I felt him biting my lip ay napasinghap ako at natulak siya.

Umigkas ang kamay ko at sinalubong nito ang pisngi niya.

"How dare you?!" I exclaimed.

"A-Alyx, look..." Mariing pinunasan ko ng palad ang labi ko at tinuro ang daan.

"Leave," matigas kong sabi.

"Alyx, I was just..." napuno ng alinlangan ang mata niya.

"Leave!" sigaw ko. Napatungo naman siya at napabuntonghininga.

"Fuck," he cursed and kicked a stone. Nang tumalikod siya at umalis ay napamura ako sa galit.

"Shit!" I cleaned my lips using the back of my palm frustratedly.

"Damn it!" I cursed. Nasipa ko pa ang bato sa inis sa lalaking 'yon nang makarinig ako ng kaluskos.

I stopped.

Mabilis kong ipinalibot ang tingin ko at nang makitang gumalaw ang halaman sa isang banda ay mabilis kong hinawakan ang baril sa likod ko.

"Who's that?"

No one answered. I walked quietly, mahigpit ang hawak ko sa revolver.

Mas marahan at walang ingay akong naglakad at hinawakan ang halaman. I breathe hard at mabilis na hinawi ang halaman pero wala akong nakita roon.

Hindi kaya hayop lang?

Umayos ako ng tayo at napasigaw sa gulat nang biglang may humatak sa siko ko at isinandal ako sa matigas na pader. Kumalabog ang dibdib ko.

Iniangat ko ang baril na hawak pero bago ko pa man iyon maitaas nang husto ay nakita ko ang mukha ng may hawak sa akin ngayon.

"Z-Zeij?" biglang itinago ko ang baril sa likod ko.

Fuck!

His eyes were cold and blank. Nanuyo ang lalamunan ko roon at kinabahan.

"Z-Zeij..." tawag ko ulit.

Damn, his look is scarier than anything!

His lips were in a tight line and his eyes were piercing my insides. Mas kumalabog ang dibdib ko roon sa hindi maintindihang kaba.

"B-bakit ka nandito? I was about to go back—" itinaas ko ang isang kamay ko at akmang hahawakan siya pero pinirmi niya iyon at gano'n na lang ang gulat ko nang idikit niya iyon sa pader katapat ng ulo ko.

"Zeij," I muttered under my breath. Namumungay na ang mata ko sa kaba sa kanya at sa epekto nito sa akin.

Bumagsak ang tingin niya sa labi ko kaya umawang ito at bumalik sa mga mata ko ang tingin niya.

He looks mad, like I've done something wrong.

Kumunot ang noo niya at bumitaw sa kamay ko at may kinuha sa bulsa niya. I was confused at first pero hindi makapaniwalang tiningnan siya nang makitang paniyo ito at idinampi niya iyon sa labi ko na parang may nililinis roon.

"Who the hell gave you the right to kiss another man, Alyx Riadna?" matigas niyang sabi bago salubungin ang mata ko.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co