Wakas
Wakas
"YOU have to find this person, Archer..." I nodded as I listen to Tiger.
He's briefing me again for a new assignment.
Not the usual but involves this unknown person. Ang balita ko kasi ay nakakalusot ang taong ito sa mga kasamahan ko at maging sa awtoridad.
There's this known drug lord we've been trying to find at itong ipinapahanap sa akin ay ang kanyang kanang kamay sa pagkakaalam ko. This person wasn't a normal one, a great one they say but I still can't find anything about that person or if that person is a he or a she.
"Hey, Axel..." I clicked the ear set and spoke.
"Yes?"
"Found anything about it?" I asked.
"Nothing..." aniya at napabuntonghininga ako.
This person was really a pain in the ass. The last time we encountered her group ay wala ring nakamata sa kanya. Ang nakuha ko lang na impormasyon ay ang kasarian niya and that was it.
How can a girl do it? Nothing can go out of my grasp except her and now, she's giving me a hard time.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
"YARI ka, Arch, pinapatawag ka ni Tiger." Napaayos ako ng upo at ibinaba ang kinakain kong sandwich nang magsalita si Phoenix.
"Now?" my forehead creased. He nodded.
"Yes, you better be prepared. Yari ka." He exclaimed pero sa halip na kabahan ay natawa ako at inihagis sa kanya at pagkain ko.
"Keep that, babalikan ko mamaya." I combed my hair with my fingers and walked.
"Uy, pakagat!" he exclaimed at napasimangot ako at nilingon siya.
"Don't you dare! Gawa sa akin ni Kuya Raf 'yan. Kabisado ko 'yan, konting kagat lang, tingnan mo, mayayari ka sa akin," banta ko.
"Damot!" he hissed, and I smiled at him mockingly before smirking.
Nang makatalikod na talaga ay doon na naman ako kinabahan.
What the fuck, Zeij? Tiklop ka na naman kay Tiger?
Nahahanapan ko lang kasi ng kalokohan 'yon para 'di ako mapagalitan but now, what will I do with just one information? I've been looking over this woman for almost two weeks and yet...
I stood straight the moment I entered his office. I saw him on his swivel, signing paper works.
"Hello, Tiger!" I greeted cheerfully.
Damn, I sounded girly, but I have to para hindi ako pagalitan.
"Stop with your tone, Sandejas. Any information?" istriktong sabi niya at natahimik na ako.
I licked my lower lip and combed my hair again.
"Uhm, I..." lumapit ako sa kanya at naupo sa upuan sa harapan niya at dumekwatro. "I found out that she's a girl."
"And?" nilingon niya ako at ngumisi ako sa kanya.
"Secret..." I answered at nawala ang ngiti niya.
"You jerk—" Inabot niya ang papel para ihampas sa akin.
"J-joke lang, sir!' I exclaimed at mabilis na umilag.
"Isa! I am not joking around, Archer. Sasabihin mo o ano?" he eyed me seriously and I am fucking doomed. "Tell me more."
"Uhm, here..." Ipinasok ko sa bulsa ang kamay ko at nang ilabas ko ang palad ay nakakuyom na ito.
I let him see my closed fist at nakita kong napabaling siya roon.
"What is that?" he asked me seriously, his forehead creased as he stared at my closed fist.
"This is the infos I found..." sabi ko at mas tumitig siya roon.
"Where?" he asked.
I opened my hand and showed him my empty palm.
Kumunot ang noo niya at napabaling sa akin.
"Nothing..." tumawa pa ako. "I found nothing, Sir."
"You fucking asshole!" napukpok niya sa ulo ko ang papel at napasigaw ako roon.
"Sir! Mahirap hanapin talaga—aww! J-joke lang, Tiger!" I shrieked habang umiiwas.
"Ikaw na lalaki ka! Bakit ba kita tinanggap sa opisinang 'to, huh?! You do nothing but to joke around—"
"Joke lang, Sir! Kalma! H'wag kang magpaka-Tiger, masayado mo namang kinareer!" mas nagalit siya sa akin at napamura ako nang mahila niya ang tainga ko.
"Fuck! Aray! Tang—"
"Minumura mo ko?!" he shouted at nanlaki ang mata ko at napailing.
"H-hindi po... Ako 'yon! Ano, tang ina ko—"
"Ano bang ginagawa mo rito?! Lumayas ka sa harap ko!" napangiwi ako nang bitiwan niya ang tainga ko at napanguso bago napahawak sa nananakit kong tainga.
He was almost red, galit na galit na siya sa kalokohan ko at nang mapatingin pa siya sa akin ay ngumiti ako nang pilit at nag-peace sign.
"Ikaw—" aamba siyang susuntukin ako kaya mabilis akong tumayo at itinaas ang kamay ko.
"I will find more infos, I promise!" I exclaimed.
"Just make sure of that, you jerk! Kapag hindi ka pa nakahanap ng paraan para matunton ang taong 'yan then I will fire you! Hindi na rin kita kilala rito, naiintindihan mo?!" he hissed.
"Then, I will introduce myself again. Uhm, I'm Zeijan-gwapo-Sandejas..." natahimik ako nang samaan niya ako ng tingin. "Sabi ko nga..." tikhim ko. "I'll do my best, Sir!" I exclaimed at bago pa man niya ako mahambalos ay mabilis akong tumakbo palabas.
So, that night, I worked harder. Nang malamang may bagong operasyon ang kanang kamay ng drug lord kasama ang mga tauhan ay pinasundan ko sila. The woman escaped without someone from my team seeing her, kung may nakakita man sa kanya ay patay na nang matagpuan namin.
One thing that we're successful that night is finding where is she going and that's when my plan started.
Kagaya ng nakasanayan, I pretended to be someone else again.
Zeijan Cueno, that was my name whenever I'm in disguise, that identity is complete with documents, birth certificate, SSS, Barangay clearance, whatever it is. They made sure I have that identity so no one would suspect me.
Now, all I have to do is to find who that woman is, catch her and kill if possible.
I went to the sea to take a dip just to freshen myself. I just came out from the kitchen, I cooked because Zeijan Cueno is somehow a chef, waiter, bartender, anything.
I let the water washed my body. Hinawi ko ang buhok kong basa at sinuklay gamit ang mga daliri ko. Tiningnan ko ang paligid, papalubog na rin ang araw pero medyo marami pa rin ang tao sa dalampasigan.
Wearing only my board shorts, I walked out of the water at kaagad kong napansing may grupo ng mga babaeng nasa dalampasigan.
They waved at me at kaagad na tumaas ang sulok ng labi ko. I grabbed the towel from the big stone and put it on my head.
Pinunasan ko ang buhok ko gamit ang t'walya at nakitang nagtutulakan sila papalapit. I am positive that it was because of me.
Hindi sa pagmamayabang, huh, pero sa aming tatlo kasing lalaki, ako ang pinakagwapo. Ayaw lang tanggapin ni Kuya at Dash pero ako pinakahabulin sa amin. Kahit nga aso minsan hinahabol ako kaya I'm really confident how good looking I am.
Natawa ako sa sariling naisip at napanguso.
"Uh, hi!" a high-pitched voice is what I've heard, nabaling ang atensyon ko sa lumapit na mga babae.
Tatlo sila, 'yong isa ay maputi na balingkinitan at 'yong dalawa ay medyo morena. They were pretty, I admit, just not my type.
Gusto ko kasi 'yong medyo maldita para nakakatuwa asarin.
"Hi," I flashed a small smile at nagsikuhan sila.
"Uh, kasi, kanina ka pa namin tinitingnan sa malayo habang nasa dagat ka and we find you attractive and uhm..." napakamot ng kilay 'yong maputi.
"Hmm, really?" I cocked my head.
I knew it!
"Uhm, yes and we're hoping to know at least your name—"
"Alyx, what the hell are you doing?!" nawala ang atensyon ko sa mga dalaga nang makarinig ng napakalakas na sigaw.
My forehead creased.
"What?!" a woman's voice screamed back at kaagad na naagaw iyon ng atensyon ko. Ibinagsak ko ang t'walya sa balikat ko at nilingon ang mga babae.
"What's happening there?" I asked.
"Uh, may shooting kasi. 'yong si Brad, Tessa tsaka si Alyx nand'yan..." ani ng morena. I nodded.
Shooting, huh?
"I told you to play with the water! Bakit puro ka puro pose at kaway ka r'yan?!" a scream again.
"What?! of course not!" the woman answered.
I bit my lip and tried taking a peek pero maraming mga tao kaya umayos ako ng tayo.
"So, what's your name?" napabaling akong muli 'dun sa tatlo.
"Uh, Zeij..." sagot ko at nakita kong nag-ngisian sila. I licked my lip and stared at the shooting site.
"Uh, Zeij? Wow! Ang gwapo naman—"
"Excuse me," I smiled a little bago tumalikod at naglakad paalis. I was drying my hair while walking towards the site.
Wala naman talaga akong interes sa mga ganito but I don't know what got me today...
Nakasingit ako pagkarating doon at kaagad kong nakita ang dalawang artista sa may dalampasigan habang magkalapit. The director was still shouting kaya bumaling ako sa sinisigawan niya and I stopped when I saw the woman.
She is wearing a red stringed bikini, hugging her curves perfectly, she has long legs, balingkinitan ang pangangatawan. She has fair skin, long black hair and something tugged my chest when I saw her face.
She is beautiful, with her brave black eyes, piercing towards those around her. She has thin reddish lips, reddish cheeks and pointed nose. Beautiful, like Helen who launched a thousand ships.
"Artista ako kaya dapat mapansin ako! What's the purpose of this film if—" She exclaimed but stopped.
"Ayon nga, eh, hindi ka naman ang bida! Sila ang bida!" the director screamed back at her, making her shut her mouth.
Kaagad na kumunot ang noo ko roon.
Why the hell is this asshole shouting at her?
"Extra ka lang, okay?! Extra!" the director screamed at kaagad kong nabakas ang sakit sa matapang na mata ng babae.
What the fuck? Why the hell is he shouting at her?!
Nagsitawanan ang nasa paligid dahil doon and that annoyed me more. Nakita kong napairap ang babae.
She looks annoyed and sarcastic, napalabi pa siya habang tumatalikod siya sa camera.
Why would she let these people laugh at her? She doesn't deserve that!
"Gago, pare, ang sexy!" I stopped when I heard that.
I saw two men beside me, drooling over a photo. Pa-simple akong sumilip at kaagad kong naramdaman ang pagkulo ng dugo ko nang makitang kinukuhaan nila ng litrato 'yong babaeng nakapula.
"Gago, ang sarap syotain ni Alyx! Tang ina ng katawan!" Tinapik ko ang camera at nalaglag iyon sa lapag. The side of my lips lifted.
"Gago ka pala, eh!" sigaw nila sa akin.
"Mas gago ka..." I said coldly. "Who gave you the right to do that to a woman, huh? That was clearly a harassment," mariing sabi ko.
"Ano?! Tang ina mo, anong harrasment ang sinasabi mo r'yan?!"
"In other words, I can get you two on jail in a cold cell if I want," malamig na sabi ko.
I don't want to fight but these two are fucking assholes.
"Ano bang pakialam mo kung—"
"You don't clearly know how the law works kaya h'wag kang magmagaling," I told him. "Baka bukas na bukas, malamig na rehas na ang mahawakan niyo."
They stopped. I saw how their faces turned pale and it's my turn to smirk at them.
"Now, give me the fucking phone." Walang pag-aatubiling iniabot nila sa akin ang telepono at walang pagdadalawang-isip kong binura ang lahat ng litrato nila sa babae.
No woman deserves to be treated like this. May nanay ako, my brothers have their wives and I have a sister at ayoko sa lahat ay ang maranasan nila ang pambabastos na ganito.
"Learn how to respect," malamig na turan ko at ibinalik sa kanila ang telepono. Naguguluhang umalis sila roon at napahalukipkip na lang ako at napailing.
I stared at the woman again and shook my head.
You are hella attractive, woman, too bad hindi marunong rumespeto ang iba.
Imagine what I felt the moment I saw her at the bar, looking so beautiful in her black dress. She's a head-turner, nasa malayo pa lang siya ay marami nang nakatingin sa kanya.
But lucky me, she was looking at me the whole night. I played with the music, nanatiling nakatingin siya sa akin roon habang sumisimsim ng alak.
Her beautiful midnight eyes illuminated with the lights; her lips were slightly parting each time she'll drink at hindi ko na napigilan ang sarili kong lumapit sa kanya.
This is actually the first time, women come to me and not the other way around, so this is different.
She has this charm that can attract me, I can actually tell she can wrap me around her fingers the moment she'll talk to me and it's true.
"I saw you when I was on the stage." I told her and her brows raised. "And I wonder if—"
"You wanna ask me to dance? Sorry but I am not interested," she answered me and I chuckled.
Damn it, she's cool! I already like her!
"No, no... Not that..." I shook my head and smiled.
"Gusto ko lang sanang itanong kung..." I stopped and saw how she became curious and I was freaking amused.
Damn, man. She's a beauty!
"K-kung?" She stuttered and my lip twitched. I watched her every reaction and it was really attractive. Her smile, her voice, I think I am going crazy.
"Gusto ko lang sana itanong kung open-minded ka ba sa business?" I asked and amusement filled me when her mouth parted in shock.
Right, baby... Ang gwapo ko, 'no?
Crazy as it sounds but just hours after meeting her, I am crazily drowned to her. I asked her to marry me in an instant at dahil pareho kaming wala sa sarili ay nagpakasal kaming dalawa.
I didn't regret it at all, those days that we're together were the best days of my life. Though, may pagka-amazona siya, she's lovely the way she is.
Hindi ko nga lang maintindihan minsan kung bakit siya pinagkakatuwaan ng media. I am doing almost my best to stop every bad article about her. She doesn't deserve to be treated like this, I mean, hindi naman niya sinira ang relasyon ng sinasabing love team daw.
I am the best version of myself when I'm with her, but I am also fragile. I can cry in front of her, I can laugh, lahat ng emosyong meron ako ay naipakita ko sa kanya because my heart's comfortable with her. Kaya kahit anong pilit niyang mag-annul kaming dalawa ay hindi ko siya pinapakinggan.
Bahala siya sa buhay niya, she's my wife and it will stay that way.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
"WHAT happened to your mission, Arch? Found out who Viper is?" Phoenix asked from the other line. I shook my head and sighed, pinagmasdan ko ang asawa kong natutulog sa tabi ko at hinawi ang buhok niya.
"Not yet..." I lied.
"What? Yari ka kay Tiger, you know he'll get mad at you for real now. Marami pang magagawang transaksyon 'yang babae kapag 'di ka kumilos..."
"I know..." sagot ko. "I'll find her."
"Siguraduhin mo lang. Arch, time is running, mas lalaki pa ito kung hindi mo magagawa. The moment you see her, kill her if possible." Hindi na ako sumagot roon at ibinaba ang linya.
I threw my phone at mas lumapit sa asawa kong natutulog sa tabi ko. She was tangled in white sheets with her black hair covering a part of her face.
Nangiti ako at marahang iniangat ang ulo niya paakyat sa braso ko. I pulled her closer to me at napaungol siya pero sumubsob rin sa dibdib ko.
I can't do my mission, I'm sorry...
How can I kill my wife? My enemy? No way, I won't even let anyone lay a finger just to hurt her.
Hindi ako papayag na may manakit sa kanya. Even if she's an enemy, kahit siya pa si Viper, wala akong pakialam. It's my responsibility to take care of her no matter who she is because she's my wife...
"I love you, Misis," mahinang bulong ko at niyakap ang likuran niya. She hummed; her bare chest was brushing against mine at napangisi na ako roon at napailing.
"You're seducing me even now, kahit tulog ka." Kausap ko at hinaplos ang buhok niya.
Gumalaw siya at bahagyang tumingala sa akin kaya ibinaba ko ang tingin. She unconciously licked her reddish lips, still swollen from my unstoppable kisses.
"I love you," bulong kong muli at hinagkan ang labi niya. "I will protect you from anyone, just don't leave me."
And you know what hurts the most?
It was being left behind the moment you promised her you'll protect her with all your might.
What hurts the most was hearing hurtful words from her.
"Let's end this..." she said coldly, making me shut my mouth.
"H-huh?"
"Let's separate..." she said coldly at kaagad na binalot ng takot ang puso ko.
What? Why?
"M-may nagawa ba ko?" my voice broke. "B-baby, did I hurt you? Nasaktan ba kita?" I asked her softly.
Baka may mali akong nagawa. Did I hurt her in any way? Ano roon? I can...
"Ayoko na sa 'yo," mariing sagot niya at doon na tumulo ang mga luha ko.
Fuck it, man, that hurts...
"B-baby, tell me what I did wrong. Please, baby, I'll make up for that," I asked her, scared.
Hindi pwedeng iwan niya ako dahil doon, kung may nagawa ako, I can make up for that. I will do anything, just please, no...
"M-misis ko, please, answer me. Nasaan ka? I'll come to you, sorry kung ano mang nagawa ko—"
"Hindi ka ba nakakaintindi?" she exclaimed, enraged. "Ayoko na sa 'yo. 'Yon lang 'yon."
"A-anong ayaw mo sa akin? W-we can fix this, baby. Come on, where are you?" I still asked hopefully to change her mind.
Anong nangyayari? May babae ba ako? She's the only woman in my life! Anong mali? Am I not enough?
"Come home, wife. Please, let's talk. Sabihin mo sa akin kung anong nagawa ko—"
"Wala kang ginawa! Ayoko lang talaga sa taong katulad mo!" sagot niya. "I don't want a lowkey guy like you! Ayoko sa taong wala akong patutunguhan! Ayokong pagtawanan ako ng mga tao dahil sa mahirap ang asawa ko!" sigaw niya at patuloy lang na tumulo ang nga luha ko habang nakatulala.
I fisted my hands. My eyes were tightly closed, stopping my fucking tears from falling.
Tang inang buhay 'to, ang hirap magmahal. Tang ina.
"Anong trabaho mo, huh? Waiter? DJ? Mapapakain ba ako ng taong ganyan?" Hindi ako sumagot at tinanggap ang lahat ng masasakit na sinabi niya.
I understand, Ree...
"Ayoko sa mga taong kagaya mo. I don't want someone to laugh at my life! Hindi ka nababagay sa akin." I gasped to stop myself from sobbing and begging her to take me back, na h'wag na niya akong iwan kasi hindi ko kakayanin.
"Please, Zeijan. Just let me go, hindi na kita kayang pakisamahan," mariing sabi niya at napatango lang ako sa pamamanhid ng puso ko.
"I will send you the annulment—"
"Kahit minsan ba, nagustuhan mo ko?" I asked her, for the last time, still hoping.
Please, say yes... Please... Just say yes and I will do anything to change your mind, kahit itaboy mo ako ulit. Gagawin ko ang lahat, please...
"No..." she answered.
I nodded and smiled bitterly.
"Hindi kailanman kita nagustuhan..." aniya at natulala lang ako roon.
I did not speak after that. Wala akong ginawa kung hindi ay ang matulala habang umaalpas ang mga luha sa mga mata.
Maybe I was a terrible person, maybe I am hard to love...
"S-saan ko ipapadala ang papers sa condo na 'yan o sa—"
"Send it here, I will sign it," I answered coldly and before I could change my mind ay pinatay ko ang linya bago hinagis ang telepono ko sa pader.
Damn you, Sandejas. You suck at loving.
I really suck at loving, I think, because after that ay para na naman akong asong sunud nang sunod sa kanya. I told myself to stop and move on, but I just can't. I know everything about her for the past years we're separated. Minsan ay pupunta pa akong mga mall show niya para panoorin siya sa malayo.
She became more and more beautiful each passing days. Mas sumikat siya, mas dumami ang nagkakagusto sa kanya. She even got paired up with this fucking Brad.
She's successful, she achieved her dream. Naaalala pa niya kaya ako? Kahit minsan kaya ay naisip niya ako?
"Kuya, what do you think about forgiving?" nawala ang atensyon ko sa telepono nang magsalita ang prinsesa ko.
"Yes, princess?" Zidney sat beside me, her face is soft, she looks untouchable, delicate...
"Would you forgive someone who left you behind?"
That pained me, napasulyap ako sa kapatid ko at inabot ang kamay niya.
"It's not easy to forgive, princess," sagot ko. "Masakit, mahirap, kasi iisipin mo kung anong mali mo, kung anong pagkukulang mo. You'll think kung may mali ba sa 'yo? May kaiwan-iwan ba sa 'yo," sagot ko at natahimik siya roon.
"But find the goodness in their hearts, you should know the reason behind, bakit ka iniwan," paliwanag ko. "Kasi kahit papaano may rason 'yan and that's where you'll start thinking if that person deserves to be forgiven or not..."
She nodded at me and smiled.
"Hugot na hugot ka, Kuya, hmm?" I chuckled.
Inakbayan ko siya at natatawang yumakap siya sa akin.
"Based on experience 'yan, Zidney-tot... Forgiveness is what set a person free. Bakit mo naman naitanong 'yan?" sumulyap ako sa kanya.
"Hmm, wala lang. May napapanood kasi akong mga palabas so I was thinking," sagot niya sa akin.
Natawa ako at ginulo ang buhok niya.
"Basta, don't let hatred eat your good heart, princess." Tinuro ko ang puso ko. "Heart is the most powerful part we have, don't let it die because of pain. Let go, forgive..."
She nodded and smiled softly at me at pinisil ko ang ilong niya kaya natawa siya at pinalo ang kamay ko.
"Kuya nga!" reklamo niya.
"Hoy, ikaw, babae ka. May narinig na naman akong reklamo sa 'yo ng mga empleyado," sikmat ko.
"Huh? Ano na naman?" Tumaas ang kilay niya at umirap.
"They called you the devil in red dress. What's that?" Tumawa siya at pumalakpak pa.
"Really?" I nodded; my forehead creased. Mukhang tuwang-tuwa pa siya sa tawag sa kanya kaya kinurot ko ang pisngi niya.
"Ikaw, h'wag mo sabihing sa akin ka nagmana?" tumango siya at napailing na lang ako at ginulo ang buhok niya.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
"MISTER!" Napaayos ako nang tayo nang marinig ang boses ng misis ko. Nagpaalam ako kay Zid bago tumayo at naglakad palabas.
I saw my wife on the side of the pool, ang paa niya ay nakababad roon at itinatali ang kanyang buhok.
She's wearing a black bikini top and shorts, mabuti na lang at kami lang ang nasa bahay namin at kung hindi ay ikinulong ko na lang ito sa kwarto at doon ko na lang siya sa kama namin pinag-swimming.
Marahan akong naglakad palapit sa kanya at biglang humalik sa pisngi niya.
She screamed in shock. Nanlalaki ang matang napatingin siya sa akin at napangiti ako at humalik sa pisngi niya ulit.
"Hi, Misis..." I greeted.
"Nakakagulat ka!" napahawak siya sa dibidib sa gulat at napangiti ako roon bago hubarin ang shirt ko at naupo sa tabi niya para yakapin ang baywang niya.
"Okay ka lang?" I asked. She nodded at me bago sumandal sa dibdib ko.
"Kasi... I was just thinking..." aniya. Napalingon ako sa kanya. She's on my chest ang kamay niya'y naglalaro sa may t'yan ko.
"Hmm?" I kissed her head.
"Kasi 'di ba, ang tagal ko ring walang mission so, I was thinking kung..."
"No..." sagot ko at umiling. She pouted, kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin. "You've been in an accident; you were pregnant with Zion, so, talagang wala kang misyon."
"But I'm fine now," she insisted. "And two years old na si Zion, I think I can come with you, nami-miss ko na rin 'yon," sabat niya pa.
"You know, baby." Inilayo ko siya sa akin at hinaplos ang pisngi niya. "I was just scared for you, you know, I won't bear it if I lose you again..."
"You didn't lose me naman." Ngumiti ako at sinuklay ang buhok niya. I caressed her soft cheeks with my thumb and touched her lips.
"Kahit na..." sabat ko at pinatakan siya ng halik. "You and Zion are my treasure, ayokong i-risk kayo."
"We don't like to risk you, too," sabi niya at sinuklay rin ang buhok ko. "Kaya sige na."
I shook my head and she closed and opened her eyes, making her look adorable in my sight.
"No, Ree..."
"Sige na, Zeij! I love you!" ungot niya at yumakap sa baywang ko. I chuckled, niyakap ko siya pabalik ko at hinagkan ang ulo niya.
"No, Misis..."
"Ayoko na nga!" she pushed me, nanlilisik ang mata niya sa akim pero sa halip ay natuwa lang ako.
She looks fierce while doing that, sexy.
"Love you, Misis..." ngisi ko.
"Whatever! 'Di na kita love!" sikmat niya.
I raised my brow, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan nang mariin ang labi niya kaya napasinghap siya.
"You didn't mean it! Ang gwapo ko kaya!" I exclaimed at bago pa man niya ako masapak ay tumalon na ako sa pool.
I swam towards the other end and combed my wet hair, I licked my lips and smiled at her pagkaahon ko.
Nakita ko siyang nakatitig sa akin. I saw her swallowed hard, pinagmasdan ko siya at nang mapagtantong ang pagtitig niya sa akin ay tumikhim siya at umirap.
"Come on, Misis..." I offered my arm. "Let's swim."
"Mag-isa mo," she hissed. "Puntahan ko lang si Zion, baka gising na," she murmured pero ngumisi lang ako sa kanya.
"Wait..." I took a deep breath and swam back to the other end. Sa pagkaahon ko ay nakadukwang na siya sa gilid ng pool at inaantay ako.
"Akyat mo ko." Itinaas ko ang kamay ko, naglalambing.
"Kaya mo na 'yan, ang laki-laki mo na..." akmang tatayo na siya.
"Misis! Please..." I whined. She sighed, nang tinagilid niya ang ulo niya ay nakita ko ang makinis niyang leeg kaya mas nagpa-cute ako.
"Come on, baby, lift your husband up." I offered my hand at napailing siya at halos mapapalakpak ako nang abutin niya ang kamay ko.
She pulled me up at nang makatayo at magpantay kami ay bigla ko siyang niyakap habang basa pa ako.
"What?" nanlaki ang mata niya sa ginawa ko pero tumawa lang ako at nagpatihulog pabalik sa pool habang yakap siya.
She screamed, bumagsak kami sa tubig at napasinghap siya at napakapit sa akin.
"You asshole!" she screamed. I chuckled. I saw her struggling kaya mabilis ko siyang binuhat. She encircled her arms on my nape and put her legs on my waist.
Basang-basa kaming dalawa.
"Nakakainis ka!" she exclaimed and smacked my arm.
"Sorry... Sorry..." tawa ko at binuhat siya. I put my hand on her butt to scoop her up, masama naman ang tingin niya sa akin kaya ngumuso ako.
"Kiss mo na lang ako, baby..." binatukan niya ako.
"Kiss mo mukha mo, kahit kailan ang harot-harot mo!"
"Lambing lang, eh," I put her back to the side of the pool. Pinaupo ko siya roon bago nanatili sa pagitan ng hita niya. I put my arms on her legs habang tinitingala siya.
"Love mo pa rin ako, 'di ba?" I raised my brow.
"Love kita kung papayagan mo na ako ulit sumama sa 'yo," sambit niya pero umiling lang ako. "Zeijan! Please!"
"Pag-iisipan ko pa..." sabat ko.
What if buntisin ko siya ulit para di na siya makasama sa akin? Baka mapahamak lang siya.
"Don't you ever think of getting me pregnant again." Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya.
"Paano..."
"See?" tawa niya at pinaglaruan ang buhok ko. "Mga galawan mo, Zeijan, ano?"
"Eh, kasi natatakot ako para sa 'yo," paliwanag ko.
"I am not a child anymore, Mister, you know that. Nagkataon lang iyon noon."
"Pero baby pa rin kita." I saw her flushed. Nagtago siya ng maliit na ngiti kaya kumalabog ang puso ko.
"Ganito kasi 'yan, Zeij..." aniya at hinanap ang mata ko.
She caressed my cheek, napapikit ako sa haplos niya at isinandal ang mukha ko sa kamay niya.
"Ikaw na rin ang nagsabi, we can't get stuck in the past," marahang sabi niya. "We nearly died but it shouldn't stop us from doing what we want."
"Mas makakampante ako kapag kasama kita kaysa iiwan mo kami rito ni Zion kapag may misyon ka. What if something happened to you? I am scared too, baby." Iminulat ko ang mata ko at napabuntonghininga.
"Ree..."
"Baby, I'll be safer when I'm with you." Natahimik ako roon. "We always look behind each other's back, right? 'Di ba, ang sabi mo walang iwanan?" I nodded at hinagkan ang palad niya.
"Yes..." I whispered. She leaned in and kissed my lips.
"Then, Mr. Sandejas, do you trust me?" she stared at my eyes.
"Of course, Mrs. Sandejas," I answered. She smiled, napakagat naman ako ng labi bago unti-unting napangisi.
"You are so damn hard-headed, woman." I sighed and hugged her stomach.
"Is that a yes?" she asked, and I kissed her stomach instead.
"Oo na."
She yelped. Natutuwang yumakap siya sa akin at binuhat ko siya pabalik sa pool kaya napatili siya pero kumapit rin sa akin.
I kissed her lips, napangiti siya sa ginawa ko at humalik sa akin pabalik kaya mas nangiti ako at niyakap ang baywang niya.
"Dada!" We both stopped when we heard a voice. "Don't eat my Mimi face!" Napahiwalay kami at sabay na napatingin kay Zion na tumatakbo palapit sa amin.
My son...
"Hi, Zion-gwapo! Lapit kay Dada!" humalik ako kay Ree bago lumangoy palapit sa dalawang taong gulang kong anak.
He was wearing his swimming trunks at napasigaw pa ito nang dalhin ko ito sa pool.
"Lamig!" sigaw niya.
"Ang gwapo kong anak! Kiss mo si Dada!" I exclaimed at natuwa nang humalik sa akin ang anak ko.
"Baby ko!" my wife called at sabay kaming napatingin ni Zion.
"Yes?"
"Yesh, Mimi?" we said in unison.
Natigilan ako at nakita kong natawa ang asawa ko. Nagkatinginan kami ni Zion at napanguso ng sabay.
"Ako unang baby ni Mimi mo..." I said.
"Akin Mimi! Ako baby!" he exclaimed. His blue eyes resembling mine at masama ang tingin niya sa akin.
"Alam mo anak, Zy, ako muna ang baby ni Mimi na nauna sa 'yo kaya h'wag—"
"Ako baby niya!" Natawa ako bigla nang sabunutan ako ng anak ko. "Ako baby! Baby!" sigaw niya sa akin.
"Oo na. Opo, sorry na." I chuckled. Tumatawa si Ree sa may malapit sa amin habang pinagmamasdan kami at lumangoy para buhatin si Zion.
"Mimi! Mimi, ako baby po?" I smiled when I saw her nodded at our son.
"Yes, baby. Ikaw ang baby ni Mimi," she talked to our child.
He resembles her a lot, from the dark color of his hair, his brave eyes, his lips. Mana sa Mommy niya.
Ang nakuha sa akin ni Zion ay ang asul nitong mga mata at ang medyo curvy nitong buhok. We'll, he's also handsome, s'yempre ako ang Daddy!
Pinagmamayabang ko pa nga kay Kuya at Dash na mas gwapo ang Zion ko kay Alchiel-taba at Macky-macaroni pero pinahabol lang ako sa aso nila kaya wala akong nagawa.
Baka nga crush din ako ng aso kaya palagi akong hinahabol.
Well, I'm handsome...
"Ikaw na lalaki ka, pati anak mo pinapatulan mo." I laughed when I saw my son's face, pati anak ko iritado na sa akin.
"Joke lang, Zy. Love ka naman ni Dada," lambing ko.
"Away mo ko!" he hissed at humalik ang asawa ko sa pisngi nito bago lumapit sa akin.
"Love ka ni Dada, Zy... Joke lang siya, baby ko kayo parehas," she said at humalik din ako sa pisngi ni Zion bago sila niyakap na dalawa.
"And my babies are Mimi and Zion," sabat ko naman.
"Baby niyo ko?" he asked in a small voice.
We nodded. I saw my son's eyes brightened.
"'Di ba Mimi, gwapo ako like Dada?" Napahagalpak na ako ng tawa.
Napapikit ang asawa ko at napahilot sa sentido niya dahil sa katotohanan ipinaalam ko sa anak ko.
"Zeijan Ruais!" she hissed at kumindat lang ako.
I still remember that one unfaithful night when I almost lost her. Brad pushed me to the edge of the building, ilang hakbang na lang ay paniguradong mahuhulog ako.
I was looking at my wife, naroon siya at sumisigaw habang tinatawag ako. Napansin ko ang umiilaw sa damit ko kaya napamura ako.
Umikot kaagad ang paningin ko, I shouldn't die, hindi pwedeng mawala na lang ako nang gano'n, how about my wife?
"This whole building will blow in thirty seconds..." tawa ni Brad habang umuubo ng dugo.
This asshole! Damn it! What should I do?!
Napatingin ako sa asawa ko, she shook her head, her tears are falling from her eyes at nalaglag ang luha ko habang nakatingin sa kanya.
No, baby... Don't cry...
"N-no, Zeij! No! Don't jump!" she screamed.
Wala akong maisip na gawin. My thinking was blocked looking at her crying face, she was bleeding! Pero kung hindi ako tatalon ay sasabog ang buong lugar! My wife's life is more important than mine!
"Mamatay kayong lahat! Mamatay kayo!" tawa ni Brad na muling tinamaan ng bala sa dibdib at padapang natumba sa lapag.
Napabaling ang pansin ko sa kalayuan at kitang-kita ko ang isang lalaki habang nakatutok sa pwesto ko ang kanyang baril.
Fuck!
I took a step back at narinig ko ang boses ni Trece sa kabilang linya.
"Okay! Okay! I'll deactivate it!" she exclaimed at napaharap ako sa asawa ko pabalik sa lalaking may hawak ng baril at nakatutok sa akin.
"N-no! P-please, Ree... Don't come near me!" I shouted.
"N-no... No, Zeij! H'wag..." nanginig ang boses niya at nanghina ako roon.
"I-I can't risk you..." mahinang sabi ko.
"N-no! H'wag kang ganyan! Please..." her voice broke at mas nanghina ako roon.
The bomb will deactivate, kapag hindi ako tumalon rito ay tatamaan naman ako ng bala, surely, that will be the death of me!
"I love you..." I said softly at her.
Bahala na. I don't know if I can do this...
I saw the helicopters, nakita ko ang galing sa agency at nang makitang nakatingin sila ay tumango ako.
"D-don't, please..." iling niya.
"M-mahal na mahal kita, Misis. H'wag mong kakalimutan 'yan," my voice broke. Ang kaba ko ay hindi na matanggal.
I checked my rappelling device on my back at nang makakita ng bakal roon sa may gilid ay huminga ako nang malalim.
"Z-Zeij!" she screamed, stopping me.
Sinusundan naman ako ng baril at alam kong kapag nagtagal pa ako rito ay babarilin na niya ako.
I stared at my wife and my heart pained upon looking at her.
Kahit anong mangyari ikaw lang, Alicia... I wished this plan works...
I readied my things.
"I'm sorry, I love you..." I stared at her and gave her my sweetest smile and took a step backward at kasabay ng sigaw na iyon ay ang pagbagsak ko sa ere.
I threw my rappel as it hit and clasped the metal above. Mahigpit akong kumapit roon at itinapak ang paa ko sa pader.
Damn it! Kaunting mali lang ay babagsak ako!
I heard a gunshot at kaagad akong natigilan roon. My heart thumped wildly at narinig ko ang sunud-sunod na putukan sa itaas.
I heard the helicopter approaching at nang makita si Marz na naroon ay ipinilit nilang lumapit sa pwesto ko.
"Jump here, Archer!" sigaw niya at inihanda ko ang paa ko.
I moved myself and jumped towards their direction. I caught his arm in the air at napamura ako nang iangat niya ako sa helicopter.
"Fuck..." I cursed and shook my head. "Anong nangyari sa taas?"
"I don't know..."
"Go up! Now!" I commanded at 'yon na lang ang panlulumo ko nang makita ang asawa ko.
She was coughing, lying on the cold ground, bathing with her blood.
"N-no..." nanginig ang boses ko. "Alyx... No..."
I was not functioning that time, tulala ako habang nag-aantay ng resulta mula sa doktor. Luckily, she survived but the months she's in coma, hindi ako matahimik.
Hindi ako halos makatulog habang binabantayan siya. I don't work, naroon lang ako sa tabi niya at inaantay na magmulat ang mga mata niya.
Imagine my happiness when she woke up. Halos lumuhod na ako dati sa mga doktor para gawin ang lahat para iligtas ang asawa ko but I think my prayer is more powerful. He heard my prayers, na kahit masama rin akong tao ay pinakinggan niya ako.
He heard me, I begged Him to wake my wife kasi gusto ko pa siyang pagsilbihan at makasama and He did what I wished. He saved my wife, gave me a family and now, having these two wonderful people feels great and I couldn't be more thankful.
This is what the Almighty gave me, my family... I thanked Him very much for that.
This is the life I am praying for and I will take care of my wife, my son and our future family members for the rest of my life.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
"HEY, Arch!" Phoenix's voice is what I've heard from the other line.
"Hmm? What's up?" I asked. Katatapos ko lang maligo at nakita ko ang asawa kong nakaupo roon sa harapan ng salamin habang nagsusuklay.
She is only wearing her bathrobe, sabay kasi kaming naligo na dalawa at s'yempre, naglandian kami do'n kaya mga two hours kami.
I smiled when she glanced at the mirror. I saw her blushed kaya lumapit ako.
"May pinapasabi ang Tigre..." ani Phoenix.
I kissed the top of her head at tumingala siya nang gawin ko iyon kaya humalik ako sa labi niya.
"What is it?" I asked. Inabot ko ang suklay ng asawa ko at sinuklayan ang buhok niya. Iniipit ko ang telepono sa balikat ko.
"Tonight, you have a mission." I stopped, kaagad akong napatingin sa Misis ko at nakitang nakamasid din siya sa akin.
Inabot ng asawa ko ang suklay paalis sa kamay ko at ni-loudspeaker ko ang telepono ko.
"Tell me about it," sabi ko at kaagad na tumayo ang asawa ko at mabilis kong binuksan ang cabinet ko para sa shirt ko.
"There's this syndicate..." aniya at mabilis kong sinuot ang pantalon ko.
"Location, Nix?" my wife asked.
Nang sumulyap ako sa kanya ay nakitang nagsusuot na siya ng brassiere kaya lumapit ako sa kanya at tumulong sa pagkabit.
"Oh, hi, Lyx! Pinayagan ka na ni Arch?" ani nito.
"Shut up, Nix. Location?" sikmat ko kaya napatawa si Ree pati na rin si Nix.
"Tondo..." aniya. I nodded.
"Send me the complete location, 'kay? Then, ready the team," sabi ko.
Humiwalay sa akin ang asawa ko at nakitang naghahanap ng damit doon habang naka-underwear kaya napalabi ako.
"Noted, they will export drugs papuntang States," ani Phoenix at bumaling ako sa telepono at inabot iyon.
"Okay, we'll be there soon, ikaw na bahala mag-briefing sa mga tauhan. I'll see you at the location..."
"Yes, Sire!" he said, and the line went off. Sa muling pagsulyap ko kay Ree ay naka-crop top na siya kaya napasimangot ako.
"Misis, labas 'yong tyan..." I whine.
"So?" nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.
"May makakakitang ganyan," reklamo ko at napakamot ng kilay.
Natawa siya sa akin, pinagmasdan ko siyang magsuot ng fitted na pants at ankle boots.
Even if she's already a mother, she still has a body to die for. In fact, palagi pa rin siyang cover ng mga magazines and I am cool with that. Though minsan nakakairita rin pero wala naman akong magagawa.
That was her passion, she liked posing for cameras and I will support her with that. Mas dumami rin ang roles niya sa mga palabas, though, hindi na rin siya pumapayag na bida siya dahil may kissing scenes and it's also a big no for me.
But in any case she would be open for it again in the future, then, I'll let her. It's work. Kahit naman umayaw ako'y kung ayos lang sa kanya'y wala akong magagawa.
It's her work. I can't meddle.
Magseselos na lang akong palihim sa tabi-tabi at ipagkakalat na misis ko siya!
"Alam mo, Mister, magbihis ka na," sabi niya.
"Eh, kasi 'yong damit..." turo ko sa t'yan niya.
"It's fine..." tawa niya. "Ang cute kasi nung outfit kaya 'yan..."
"Pero..." She hushed me. Natahimik ako nang naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
"D'yan lang ako sa tabi mo..." she assured me.
"Promise?" She nodded at doon na ako napahugot ng hininga.
I caressed her waist, marahang hinablot ko siya palapit sa akin para hagkan ang labi niya bago lumayo.
"Okay, Viper..." I chuckled. "You do as I say, hmm?"
"Yes, Archer..." ngisi niya. Nang maghiwalay kami ay kaagad kong pinihit ang pigura ng isang anghel sa may dresser.
The closet moved, kaagad iyong umikot at sa likuran nito ay ang isang panibagong kulay puting pinto.
My wife put her fingerprint at nang magbukas iyon ay kaagad na nagliwanag ang paligid. We entered the door at kaagad kong nakita ang nakahilerang mga baril.
I saw different kinds of knives, guns, and any tools we always use. Kinuha ko ang malaking bag roon at sabay naming inilagay ang mga baril na madadaanan sa bag.
Nang makuha ang isang maliit na baril ay tinawag ko ang asawa ko.
"Hey, Ree..." I called, nang lumingon siya ay kaagad kong hinagis sa kanya ang baril na kaagad niyang sinalo. I saw how she swirl the gun with her fingers before putting it on her back.
She contacted Trece and Hawk at nang maayos na ang mga kailangan ay pumunta muna kami sa kwarto ng natutulog na si Zion para humalik.
"We'll be back, son..." I whispered.
Sabay kaming lumabas sa kwarto ni Zion at nagkatinginan kaming dalawa bago ko pindutin ang remote.
The lasers all around the room activated, nang magsaboy ng kaunting powder si Alyx ay nakita ko ang kulay pulang linya na kaagad ding nawala.
"Tell Ari about this, 'kay? Kapag umiyak si Zy ay papasok iyon rito so make sure..." my wife said at kaagad akong gumalaw para makaalis kami kaagad.
I put my ear set on, nakita ko ring ganoon ang ginagawa ni Ree at napatingin ako sa kanya nang magsuot siya ng leather jacket, I am wearing one too...
Napangiti ako roon.
We both rode our Ducati. Sabay kaming nagsuot ng helmet at nagkatinginan.
Damn, she looks hot in there.
"You have your gun with you, baby?" I asked and she nodded, showing me the gun.
"Let me pull the trigger." I said and her forehead creased. She was about to say something when I smirked at her.
"And I'll aim straight to your heart." I winked. Her mouth parted.
Natawa na lang ako nang kaltukan niya ako pero natatawang yumakap at humalik sa akin.
"Ang dami mong punch line, Sandejas. Gusto mo punch?" she showed me her fist, but I just caught it and kissed her knuckles, chuckling.
"Drive safely, Misis..." I said and she nodded and gave me a thumbs-up.
"You too, Mister..." aniya at kaagad akong kinilig doon.
"Love you, Viper!" I exclaimed at narinig ko ang tawa niya bago tumango sa akin.
"Love you too, Arch," aniya.
I was about to say something when she started the engine and drove her motorbike. Nanlaki ang mata ko nang mauna siya sa akin kaya napairit ako at napasipa.
"Misis, wait for me!" I screamed and drove my motorbike just to catch her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co