Kabanata 30
Kabanata 30
"WHERE are you going, Alyx?" I stopped at napalingon sa Daddy ko. He was staring at me. Si Mommy ay nakaupo sa sofa at nakita kong nakamasid din siya sa akin.
"Cemetery..." sagot ko. He sighed and nodded.
"You'll visit it again?" aniya. Tumango ako at tipid na ngumiti.
"Yes, I will just check it..." sagot ko.
"Why don't we just remove it? Matagal ko na iyong sinasabi sa'yo." I shook my head at hinawi ang buhok ko.
"No, Dad. Maybe sa susunod na lang," sagot ko at nakita kong tumango ang Dad ko at sinenyasan akong lumapit.
"Bye, Dad. Baka aalis din ako mamaya pagkagaling sa sementeryo," sabi ko.
"Where are you going?" tanong niya at lumapit ako kay Mommy para humalik at magpaalam.
"To the island, saglit lang ako..." sagot ko sa kanya.
"Okay. Mag-iingat ka, hmm?" I nodded at matapos humalik ay kaagad ding umalis.
I drove my car towards the cemetery, tahimik ang buong kotse at tanging ang paghinga ko na lang ang naririnig. I sighed.
I missed him... I really do...
I decided to open the radio and heard a song.
To be young and in love in New York City. To not know who I am but still know that I'm good long as you're here with me,
Napangiti ako at natagpuan ko na lang ang sariling sumasabay sa kanta. I hummed and sang.
I like me better when I'm with you... I like me better when I'm with you... I knew from the first time, I'd stay for a long time 'cause, I like me better when I like me better when I'm with you...
My mood lifted at nakangiti na nang lumabas ng sasakyan. Tinanguan ako ng guard matapos at kaagad akong ngumiti sa kanya bago pumasok.
I walked towards the tombs at kaagad na kumalabog ang dibdib ko habang nakatingin doon, still, the feeling's the same, walang nagbago.
Pinapatanggal na nga ito ni Dad pero ayoko pa rin dahil nagsisilbi itong ala-ala sa nangyari noon.
I caressed the tomb and sighed, maybe when the time comes...
Nanatili akong nakatitig roon ay napahawak sa dibdib ko. This tomb is somehow a reminder of what happened to my life. It was a year ago when that incident happened.
I was shot in my chest. Kaagad akong dinala sa ospital, agaw-buhay at halos mawalan na sila ng pag-asa nang malamang malapit sa puso ang tama ng bala sa dibdib ko.
I have a less than half chance to live before and after the operation, so it was risky.
I was in coma for six months and it was a miracle, I still lived. It was actually a rare case, mostly namamatay ang mga taong natatamaan ng bala sa may parte ng puso.
I was really tough, I think, kasi lumaban talaga ako para sa buhay ko. Kagaya nga rin ng sinabi nila, matagal mamatay ang masamang damo so, maybe that's one of the reasons why I ams still breathing.
Matapos ng ilang minuto sa puntod ay pinagpag ko ang damit at tumayo. Nang lumabas ako ay kaagad akong sumakay sa kotse ay dumiretso sa agency para magpahatid sa isla.
It was the island where my husband and I first met. I wanna visit that place again, gusto kong balikan ang lahat... Lahat-lahat mula simula.
Nakatitig lang ako sa ibaba habang nakasakay sa chopper. I hear nothing but a faint sound from the headphone I am wearing.
I can see the vast blue ocean below, just like his eyes, calm and peaceful. Para ring langit minsan, maliwanag kapag masaya at madilim kapag malungkot at galit.
I can see the mountains from here, greener than they looked the last time.
"Ma'am, malapit na po tayo." The pilot caught my attention at sa paglingon ko sa kabilang parte ay nakita ko na ang isla.
I smiled at kaagad na naexcite nang makitang papalapag na kami roon.
Inalalayan ako ng piloto pababa at kaagad akong nagpasalamat sa kanya bago umalis at dumiretso sa villa.
It was on the other side of the island, ang parte kung nasaan kami nagkita noon ay may mga tao at bukas sa publiko at ang parte naman na ito ay pribado.
I entered the place and was welcomed by the cold, fresh air. Mula sa kinaroroonan ko ay naramdaman ko ang lakas ng hangin at ang amoy ng dagat.
I smiled. Tinakbo ko ang kwarto at kaagad na tumalon sa kama para humiga. I relaxed myself and picked up my phone. Inabot ko ang telepono ko at napangiti nang makita ang litrato naming dalawa ni Zeijan. It was our photo noong kumain kami dati.
Nakangiti ako sa camera habang siya'y nasa tabi ko at inilagay niya ang dalawang chopsticks sa gilid ng labi niya bago ngumuso.
I chuckled at pinakatitigan ang mukha niya sa screen.
I missed you, my Zeijan. Sana isinama mo na lang ako. Hindi 'yong ganitong iiwan mo akong mag-isa.
Sa halip na magmukmok ay nagdesisyon na lang akong magpalit ng damit. I wore a two-piece bandeau swimsuit and high waisted bikini.
Hinawi ko ang buhok ko at kaagad na isinuot ang aviators bago naglakad palabas bitbit ang lotion ko.
Amazement filled me the moment the white sand touched my bare feet. It was satisfying to look, napakaganda sa mata at nakita ko rin ang mga shells na nagkalat sa buhangin.
There were coconut trees everywhere at ako lang ang nakikita kong tao sa parteng ito ng isla. Naupo ako sa sun lounger na naroon sa may malapit sa dalampasigan at nahiga.
All I could hear was the sound of crushing waves and the sound of the air that's touching my skin.
I sometimes wonder how God managed to do all these wonderful things in nature. Paanong ang dagat at langit ay naging asul? Paanong ang mga puno't halaman ay naging berde?
Paanong ang hangin ay hindi nakikita pero nararamdaman?
Paanong ang dugo ay pula?
It's really amazing, on how he managed to draw these things with its rightful color. I couldn't imagine having a green sky and a purple blood.
Umayos ako ng upo nang matanaw ang papalapit na yate sa isla. My forehead crease, I don't get a visitor for as long as I remember. Solo ko ang isla ngayong araw so bakit?
Nang mas papalapit pa ang yate ay nakita kong may tauhan mula sa isang villa ang lumabas at tumulong doon sa pagtali ng yate.
Nanatili akong nakatitig doon at kaagad na nabaling ang pansin ng isang lalaking tumalon mula sa papalapit na yate at naglakad papalapit sa pwesto ko.
Naibaba ko ang aviators habang nakatingin roon at nangunot ang noo ko.
Habang mas papalapit ay kumaway sa akin ang lalaki at umawang ang labi ko.
I saw the man wearing a white polo and white khaki pants. Nakabukas ang lahat ng butones ng polo nito kaya hantad ang dibdib nito habang naglalakad.
His hair was slightly disheveled with his black aviators covering his eyes. The side of his lifted nang mapatayo ako sa upuan ko.
"Misis ko!" he screamed at nangingising kumakaway sa akin.
"You asshole!" I screamed.
I saw Kuya Iñigo and Dash on the yacht waving at me.
"Miss mo ko?!" he screamed at mas binilisan pa ang paglakad.
"Mukha mo!" sigaw ko.
"Why? Love mo pa rin ako, 'di ba? Wait—oh, shit! Fuck!" bigla siyang natalisod at nadapa at napapikit ako ng mariin at napabuntonghininga.
This man... Napailing ako.
Humagalpak ng tawa si Kuya at Dash at nag-apir pa.
"Tang ina niyo!" he screamed kaya nagmamartsang lumusong ako sa tubig at inalalayan siya patayo.
"Tumayo ka nga r'yan!" sikmat ko at mabilis siyang tumayo at biglang umamo ang mukha.
"Hi, baby! Pa-kiss!" he pouted his lips at bago pa man niya ako mahalikan ay tinakpan ko ang bibig niya at umirap.
"Basa ka na oh, Zeij! Mamaya na 'yang kaharutan mo!" sikmat ko at napanguso nang makita ang basang khaki pants niya at ang dulo ng polo niya.
"Gusto ko ngayon..." ungot niya at tinaasan ko siya ng kilay at nang makitang nagpapalambing na naman siya ay kaagad kong hinila ang kwelyo niya palapit sa akin at inabot ang labi niya.
He smiled when I kissed him, bahagya pa siyang tumungo mula sa akin at napasinghap ako nang higitin niya ang baywang ko palapit sa katawan niya para mas palalimin ang halik.
I hugged his nape as he deepened the kiss, mas idiniin niya ako sa kanya at kinagat ang pang-ibabang labi ko bago humiwalay at ngumisi.
"Miss me?" he whispered hoarsely at natatawang pinalo ko ang braso niya bago tumango at humalik sa baba niya.
"You jerk, tatlong araw kang wala!" I hissed at mas tumawa siya roon bago itinaas ang aviators at humalik sa akin.
"I made it fast, Misis. One week to three days real quick," aniya at sumimangot ako.
"You should have brought me with you! Bakit mo kasi ako iniwan?" maktol ko at nakita kong sumayaw ng kasiyahan sa mata niya bago yumakap at sumiksik sa leeg ko.
"I... won't leave you... Ever." Bulong niya.
"You did..." bulong ko at yumakap sa likuran niya.
"Three days without you is torture, Misis. I won't leave you again even just for a day." Mas napangiti ako sa bulong niya.
The warmth of his body calmed me, hinaplos ko ang buhok niya at mas humigpit ang yakap niya sa baywang ko bago humalik sa balikat ko.
"I love you, Misis. Na-miss kita nang sobra-sobra!" I chuckled and nodded.
"Me too, so much, mister."
"Pa-kiss nga!" he pouted pero hindi pa man nagkakalapit ang mga labi namin ay kaagad akong nagulat nang may magsalita.
"Tama na landian, uy, may mga bata..." I stopped when I saw Kuya Iñigo. Kaagad kong natulak ang asawa ko at kumaway sa dalawang bata.
"Hi, kids!" I cheered at nagmamaktol na yumakap sa baywang ko ang asawa ko at nagmasid din.
"Hello po, Tita! Magandang umaga mula sa magandang ako!" Crest exclaimed at matamis akong napangiti nang makita ang malambing na itsura nito. Nasa dagat rin sila habang hawak sa kamay ang kambal na si Alchiel.
"Hello po..."Alchiel said and smiled a little. I saw his father's aura with the child at alam ko kaagad kung saan ito nagmana.
"Hi, Lyx!" napangiti ako lalo nang makita si Thallia at kaagad na kumaway. "Kanina pa kami kinukulit ni Zeij na pumunta dito kasi nandito ka raw. So..." she smiled at kumapit kay Kuya na nakasando at board shorts.
Nakita kong hinihila ni Crest ang naiiritang kakambal na si Alchiel at pinagmasdan sila.
"Inaaway ni Alchiel-taba si Crest-ganda," bulong ni Zeijan kaya pinalo ko siya at mas napatawa siya sa akin.
"Dash-beybe! Reah-tot!" biglang sigaw ni Zeijan kaya napalingon ako at nakitang kasunod na nina Kuya ang mag-asawa.
Fleureah is smiling softly habang nakakapit sa braso ng asawa. I saw Dash carrying Macky, their son at kaagad silang ngumiti nang makita ako.
"Hi, Alyx..." Dash smiled.
"Hello..." bati ko at nakita kong napabaling siya kay Zeijan at ngumisi.
"Bitin?" halakhak nito.
"Damn you..." he hissed bago sumimangot kaya mas napatawa ako at nailing Si Dash.
"Sabik na sabik na 'yan kanina, look at him, nadapa pa bago nakarating," he laughed. Napatawa rin ako at ang asawa ni Dash.
"Reah-tot! Pati ba naman ikaw?!" pagmamaktol niya.
"Sorry, sorry..." Reah laughed and shook her head.
"Inaano ko kayo, huh? Bad." He sighed at sumimangot kaya niyakap ko ang leeg niya at yumakap siya sa akin.
"Ikaw, Misis? Bakit mo ko inaaway? Love mo ko, 'di ba?" bulong niya.
"Of course." I chuckled. "I was just annoyed at you for leaving me..."
He sighed, maya-maya'y bumuntonghininga siya at napatili ako sa gulat nang bigla niya akong buhatin.
I encircled my arms on his neck as he carries me off the sea. Nakita kong naroon na ang mga mag-asawa kaya sumandal ako sa dibdib ni Zeij.
Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin at nakita ko ang maliit niyang ngiti sa labi bago umupo sa sun lounger na inuupuan ko kanina.
He sat and put me on his lap. He kissed my cheek at mas napangiti ako roon at kumalabog ang dibdib ko sa ginawa niya.
"You know I can't bring you to a mission right now, Ree," bulong niya. "I have to consider your safety, habang hindi pa ako panatag sa kalagayan mo, I won't risk you..."
"And what would you risk? Your safety?" nilingon ko siya at nakita ko ang paglambot ng mata niya. He hugged my waist and placed his head in between my neck and shoulder.
"My safety over yours..." he whispered. "May kasalanan ako sa 'yo."
"Wala. You have nothing to do with it." Hinaplos ko ang buhok niya.
"If I didn't jump, kung hinayaan ko na lang sanang ako ang mabaril then you wouldn't stand and get shot instead..." Memories came back that easily.
I still remembered waking up in a hospital bed, with nothing but the four walls around me. I was scared that time, knowing that I still lived and Zeijan didn't.
Sa pagmulat ko ng mata ay kaagad akong kinain ng takot. I started crying when the nurses approached me, telling me to calm down.
"Z-Zeijan... Si... Zeij..." iyak ko habang nagwawala sa mga hawak nila.
"Miss, please, calm down." But I didn't. I screamed, I cried. Kumikirot nang literal ang sugat sa may dibdib ko sa kakaiyak at pagwawala.
Sana... sana namatay na lang din ako...
No... Zeij...
The door opened at sa paglingon ko ay nakita ko ang humahangos na asawa ko. Mas lalo akong napaluha, lalo na nang nakita ko ang pagkislap ng luha sa kanyang asul na mga mata.
"M-misis..." his voice broke, mas umalpas ang mga luha sa mga mata niya at mabilis na hinawi ang mga tao roon.
I cried harder when he embraced me tightly, caging me on his arms. He cried on my shoulder, sobbing like a kid, finally found his lost home.
"P-please... H'wag mo na akong iwan," paos niyang sabi.
I nodded and hugged him tighter at ang sugat ay tila naghilom sa mainit na yakap niya sa akin.
"You're thinking about it again..." mahinang sabi niya at pinunasan ang luha sa pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Sorry..." I murmured, sumandal ako sa katawan niya at nakita kong inabot niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.
"I can't lose you again, wife. You're my world, my life, my everything. I can't risk you again..."
"I couldn't risk you too..." hinawakan ko ang daliri niya at pinagsaklop ko ang kamay namin.
"I love you, my Zeijan..." bulong ko. "Ikaw lang hanggang dulo."
I stared at him and saw his teary eyes. Ngumiti ako at hinawi ang buhok niya.
"Ang gwapo ng baby ko kapag ngumingiti, so, h'wag ka iiyak, hmm?" lambing ko at nakagat niya ang labi niya at tumango sa akin.
"Smile, baby..." He smiled at kumalabog ang dibdib ko kaya hinaplos ko ang pisngi niya.
"Mahirap maging adulting..." aniya makaraan at hinawi ang buhok kong sumasabog sa malakas na hangin.
"Huh?" I asked.
"Gusto ko baby mo lang ako." Hirit niya at nag-init ang pisngi ko kaya napatawa siya at hinawakan ang balikat kong exposed dahil nakabikini lang ako.
"Lagyan kita lotion, baby..." aniya at natatawang bumaba ako sa hita niya bago dumapa sa lounger habang siya'y inaabot ang lotion sa gilid ko para lagyan ang likod ko.
"Your Dad told me galing ka ulit sa puntod?" sumulyap ako sa kanya at tumango. "Why?"
"Nothing, I just feel like it," sagot ko at napabuntonghininga. "I was just thinking if I would let them remove it or what."
I was referring to the tomb Antonio made to fool my father. It was the tomb with my name and my Mother's. Binibisita ko kapag stress ako o kaya ay walang magawa.
"You decide for that, baby..." he said.
"Kasi... Ayoko namang makalimutan na lang ang mga nangyari noon, that made me stronger. Siguro kung hindi nangyari ang kay Antonio noon ay wala ako ngayon dito."
"We all need to heal, baby..." marahan akong humarap at inabot ni Zeij ang braso ko para pahiran ng lotion.
"If that tomb makes you remember the pain you felt, let's remove it and if it makes you stronger then don't..." aniya at sumulyap sa akin. "But if you'll ask me, I would remove that..."
"Hmm? Why?"
"Because you have to move forward from your past, moving on doesn't mean you'll forget it, you'll just move past it so you'll progress." Napatango ako sa sinabi niya at nagsalita.
"You think so?" he nodded and smiled at me.
"And I couldn't look at that tomb with your name and your Mom's, kahit walang laman iyon ay paranoid ako. I can't see my wife's name in that piece of stone. No way." I chuckled and napatango rin sa kanya.
"Then, help me removing it?" he nodded and kissed my head.
Nagkatuwaan kami sa dalampasigan matapos namin kumain. May bonfire sa gitna namin.
The kids are now sleeping, kaming anim lang ang nandito sa dalampasigan para magkwentuhan.
Yakap-yakap ako ni Zeijan habang nakasandal ako sa dibdib niya at nakabalot sa akin ang jacket niya.
I can hear the loud crash of waves from the sea to the shore. Ang liwanag ng buwan at apoy lang ang nagbibigay ng liwanag sa amin sa gabing ito.
"Tapos ayon, patay na patay sa akin si Ree kaya pumayag siyang pakasalan ako—" Binatukan ko siya.
"Ang kapal ng mukha mo..." simangot ko.
Nagsitawanan silang lahat at itinuro ni Dash si Zeijan bago tatawa-tawa.
"You can't fool us, Zeij..." he laughed. "I remembered how bitter he was the last time! Binato pa nga kami ng buto ng manok nang nalamang sinagot na ako ni Kaia..."
Nakita ko ang pagtawa ni Reah bago tumango sa akin.
"True! I even heard him talking to someone on the phone while he was in Sta. Monica, ikaw ba 'yon?" Napaisip naman ako roon at nang tingnan ko si Zeij ay nakamasid ito sa akin.
"Ako ba 'yon?" He hid his smile at tumango kaya nagkantyawan sila.
"He also told me he'll kill for you!" Reah exclaimed kaya mas napatawa kami.
"Bakit mo ko binubuko? Secret 'yon!" ngiwi niya.
"You're whipped, Zeijan-beybe..." Kuya laughed. "He's a cock blocker, Alyx."
"Huh? Why?" takang tanong ko.
"Hari ng pambibitin!" The two brothers exclaimed in chorus kaya nagtawanan kami at ang mga babae ay nagsitanguan sa akin.
"So? Dalawang beses niyo na nga akong pinapakialaman!" sikmat ng asawa ko.
"Wow! Nakakahiya naman sa'yo!" Kuya hissed. "Imagine how many times you did that to me?"
"Hoy, Kuya Raf! 'Di ko naman sinasadya! Biglaan nga lang!"
"Just accept it, man. Ilang beses mo na rin akong nataymingan... Remember sa falls?" ngiwi ni Dash at nakita kong namula ang pisngi ni Reah at tinakpan ang bibig ni Dash.
"Shut up na! Laro na lang tayo!" My husband hissed at maya-maya'y tumayo para kumuha ng kung ano.
"Anong lalaruin?" Thallia yawned at sumandal kay Kuya.
"Ikaw, laruin kita..." napatawa ako bigla at nakita kong nanlaki ang mata ni Thallia at hinampas ang t'yan nito.
"You perv!" She hissed at napailing si Reah at natawa sa binulong ng asawa namang si Dash.
"Hoy, landian kayo nang landian!" patalon-talon na bumalik sa pwesto ko si Zeijan at naglapag ng bote sa gitna.
"Tara, Ree, landian din tayo sa kwarto," sabi niya kaya kinaltukan ko siya at natatawang napahawak siya sa batok.
"Maharot na bata..." Kuya exclaimed, disappointed.
"Malanding matanda..." Zeijan smiled at him kaya napamura si Kuya at hinagisan ng balat ng chichirya ang asawa ko kaya napatawa kaming lahat.
"Truth or dare tayo..." Zeijan said.
"Corny!" Dash exclaimed at ngumuso si Zeij at sinamaan ito ng tingin.
"'Di h'wag kang sumali!"
"Oo na, sige, pagbigyan mo na ang kapatid mo. Game." Kuya Iñigo started.
"Bait namain ni Attorney!" Zeijan exclaimed, smiling widely as he stared at Dash. "I told you, mas love ako ni Kuya, 'cause I'm special..."
"Special child kamo, gunggong..." nagsamaan sila ng tingin.
"Game..." Dash placed the bottle in the middle at ang unang naturo ay si Kuya Iñigo.
"Damn..." reklamo nito.
"Truth or dare?" Dash asked.
"Dare..." ani Kuya.
"Okay, wait..." nakita kong kumuha ng bote ng alak si Dash at dinala sa gitna. Naglagay siya ng isang baso roon bago kinalahati ang lamang alak.
"Drink this..." napatawa sila roon.
"Oh, no you don't..." Thallia shook her head.
"I can do it, baby..." Kuya said with determination.
"No..." Iling nito at napaawang ang labi nang tinungga iyon ni Kuya ng diretso at biglang natulala at tumikhim.
"I-I'm fine..." He stuttered at napahagalpak ng tawa ang mga tao roon.
"Goodluck, Ate." Zeijan laughed.
"Damn, tutulugan lang ako nito, eh!" reklamo niya kay Kuya na nakasiksik na sa leeg niya at nakalingkis na parang ahas sa katawan niya.
The bottle pointed at Reah and she chose the dare, Kuya's dare is to hug Zeijan at ngumuso ako roon at nanlaki ang mata ni Dash.
"No fucking way!" Dash exclaimed at tatawa-tawa ang nakayakap sa akin na si Zeij at humalik sa pisngi ko. "He won't let Reah-tot to hug me..."
"Yes way..." Kuya smiled evilly, flushing.
"'Di ako papayag! I am the only one allowed to hug Kaia!" sikmat nito at pilit na niyayakap ang baywang ng natatawang si Reah.
"Then you hug your brother, love na kayo..." tawa ni Reah at napangisi si Kuya bago tumango.
"Go, Dash..." Reah cheered. Sumimangot si Dash at natatawang bumulong sa akin si Zeij.
"Told 'ya..." He whispered bago ako pakawalan ang iniangat ang kamay niya.
"Come on, Dash-beybe! Hug me!" he spread his arms widely at ang nag-aalangang si Dash ay tinulak ni Kuya kaya nadapa ito kay Zeijan at napatawa ako nang magsakalan ang dalawa sa buhangin.
"Tama na! Tama na!" pigil ko at tinulungang tumayo at humahagalpak pa rin sa tawa na si Zeijan sa lapag at kinuha naman ni Reah ang nakabusangot na si Dash.
"Para kayong bata!" pagalit ni Reah at biglang umamo ang mukha ni Dash at ngumuso.
"Kiss mo na lang ako, Kaia..." he pouted kaya tinakpan nito ang bibig niya at pinaupo.
"Ang dumi-dumi mo na." Pinagpagan ko ang damit ni Zeijan na ngumisi lang sa akin at pinisil ko ang ilong niya. "Lumalambot ka na ba?" Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi.
"Gusto mo anakan na kita?" nawala ang ngisi ko at kumindat siya bago lumingkis sa akin.
"Maya na lang..." tawa niya.
The next one the bottle pointed was my husband at nakita ko ang pagwala ng ngisi niya dahil sa naiisip marahil na plano nitong si Dash.
"So, Zeijan-beybeh..." he nodded.
"Umayos ka..." Zeij hissed.
"Truth or dare?"
"Dare..." ani nito at mas napatawa si Dash bago bumulong sa medyo lutang na si Kuya na napatawa rin at sumandal na naman sa asawa.
"So, Zeij... Tayo ka..." nagdadabog na tumayo ang asawa ko at pumaywang.
He was wearing a black shirt and board shorts, bahagyang basa pa ang buhok niya dahil sa kaliligo lang namin sa dagat kanina at may buhangin pa ang damit niya.
"I want you to dance..." napaubo ako at mas sumambakol ang mukha ni Zeij.
"Gusto ko 'yong Reah-tot dance..." hagalpak ni Thallia at mabilis na tumango si Dash at natatawang napailing si Reah at napatakip ng mukha.
"Go, Zeij! Show your moves to your wife!" Kuya exclaimed at interesante akong napaharap kay Zeij na nakatitig at nakanguso sa akin.
"Ayoko, nakakahiya sa reputasyon ko kay Ree!" He hissed.
"Wala ka namang reputasyon!" Dash laughed at nang mapabaling sa akin si Zeij ay natawa ako at nag-thumbs-up sa kanya.
"Go, Mister!" I cheered.
"Woah! Go, Zeijan-beybeh!" tawanan nila at maya-maya'y humawak siya sa baywang niya at kasabay noon ay ang pagkanta niya.
"Tot tot tot..." he moved his waist, swirling it like a hula-hoop dancer kaya mas napahagalpak ako ng tawa.
I saw Dash recording him at maya-maya'y gumiling-giling na ito sa pagsayaw at halos maiyak na ako kakatawa sa kanya
"Oh, my god! Stop it!" halos maiyak na ako sa tawa at si Kuya ay sinasabunutan na ni Thallia habang humahagalpak sa tawa.
"Tot-tot..." Todo bigay pa siya sa sayaw niya na umikot pa bago gumiling kaya nahila ko siya paupo at niyakap para kumalma sa kalokohan niya.
"Wooh! Party!" sigaw ni Zeij kaya niyakap ko ang leeg niya para manahimik siya.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
HE was in the bathroom and I am preparing my clothes to wear for later tonight at the bar. We've decided to go to the other side where we actually met, doon sa bar.
We'll party, that's it...
Habang nag-aayos ako ng mukha ay lumabas si Zeijan ng banyo na bagong ligo. His hair was still wet, ang iilang butil ng tubig na nagmula sa ulo niya pababa sa pisngi niya at sa dibdib niya.
I licked my lips and followed the water.
"You can do it with your tongue instead..." napaayos ako ng upo at sumulyap sa kanya.
"Loko, magbihis ka na nga!" hinagisan ko siya ng tissue at natatawang sinalo niya 'yon at hinagis pabalik sa akin.
"Okay, baby. Anong suotin mo?" tinuro ko ang dress ko sa kama at nakita kong naupo pa siya roon habang nakatingin sa damit.
He was only wearing a white towel on his waist down for Pete's sake!
"Magbihis ka na, Mister." Nilingon ko siya at naabutang nakatitig siya sa damit ko.
"Kita 'yong cleavage..." he whined at natatawang nailing ako at ngumiti sa kanya.
"Hindi ka pa rin sanay?" he shook his head at mabilis akong tumayo mula sa may salamin at lumapit sa kanya.
Inabot ko ang t'walya ko na nakasabit sa upuan at naglakad palapit sa kanya. I dried his hair, nag-angat naman siya ng tingin sa akin at nakita kong namungay ang mata niya.
"Love you, Misis..." I nodded and smiled. Pinunasan ko ang pisngi niya pababa sa leeg niya at inabot ang labi niya.
"I love you too, come on, Zeij... Labas na tayo?"
"Sige, pero kiss mo lang ako kapag nagseselos na ako sa nakatingin sa 'yo, hmm?" Natawa ako at tumango para pumayag na siya.
Magkahawak-kamay kami habang naglalakad patungo roon sa kabila. I was amazed the moment I saw the dancing people in the shore wearing hawaiian clothes.
Napapasabay ang ulo ko sa tugtog at nang lingunin ko si Zeij ay napapasayaw na rin siya.
I kissed his cheek and encircled my arms on his arms.
Nadaanan namin ang mga bumubuga ng apoy roon sa gilid. The hotel is still there, dito nagtatrabaho kuno si Zeijan noon. Naku-curious din ako sa kwarto namin na pinagtuluyan namin dito noon na hiniram niya raw.
"Hey, Mister..." bulong ko.
"Hmm?"
"Remember the room where we stayed there?" turo ko sa hotel. He nodded. "Uh, nand'yan pa? Can we sleep there later?"
I saw his lips lifted kaya ngumuso ako at kinurot ang tagiliran niya.
"That's not what I mean!" I hissed. "Gusto ko lang naman..."
"Don't worry, Misis. Sa akin naman 'yong kwarto so..." he chuckled at mas napangiti ako roon at tumango.
The moment we entered the club ay kaagad kaming nakaagaw ng pansin, uhm, maybe not me... They were looking at my husband, mostly girls.
Nakita ko ang grupo ng mga babaeng natigilan sa pagkekwento at napatingin sa kanya. My husband's only wearing a white shirt and his dog tag on his neck. Nakakulay itim na pants rin siya at itim na leather boots and there's nothing special about his clothes yet...
Mas kumapit ako sa braso niya at nakita kong natigil si Zeij at nilingon ako. He smirked when he saw me at maya-maya'y inakbayan ako at humawak ako sa baywang niya habang naglalakad.
"Zeijan!" I was shocked when I saw Zeijan's friends, sina Phoenix, Axel and even Marz is here!
"Hey..." he greeted at nang mapatingin sa akin ng tatlo ay napangiti ako at tumango.
"Oh, si Alyx!" I waved at mabilis na tumabi sa akin si Zeij at iniangat ang kamay niya sa sofa kung nasaan ako nakasandal.
"My wife..." he smiled at sumandal ako sa balikat ni Zeij. They were talking beside me, puro asaran sila at lokohan at napapansin ko ring pinagtitinginan kami rito.
I saw girls looking at our direction, madalas pa ay kinukuhaan ng litrato kami, hindi ko lang sigurado kung sino sa aming dalawa.
The group of girls whispered to each other and giggled before looking at my husband's direction kaya sumimangot ako.
Zeijan is still talking to his friends, his hand was on my leg na marahang humahaplos doon habang ang isa'y nasa likuran ng sinasandalan kong sofa.
"Mister..." he glanced at me, ibinaba niya ang tainga para pakinggan ako at inilapit ko ang labi para bumulong.
"May nakatingin sa 'yong mga babae." Bulong ko.
"Hmm? Where?" He was oblivious of his surrounding, ito talaga...
"In front..." bulong ko at nakita kong sumulyap siya roon. The girls giggled. Nagpuyos ako ng inis at pinalo ang hita niya pero natawa lang siya at sumiksik muli sa akin.
"My wife is still the most beautiful for me," bulong niya at nag-init ang pisngi.
His friends left us alone in the couch kaya nangharot na naman ang asawa ko. He was kissing my cheek, mula sa pwesto ko ay amoy na amoy ko siya.
"My wife is jealous, isn't she?"
"Obviously," napairap ako at tinagilid ang ulo ko nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. "They were obviously swooning over you. Why do you have to be that attractive, hmm? Wala ka namang ginagawa..."
"Don't worry, I only swoon because of you..." he bit my neck at nakagat ko ang labi ko roon. His hand caressed my leg at nang iaangat na niya iyon at hinila ko ang kamay niya paalis.
"No..."
"Hmm, sige na..." inarte niya.
"We're in a public place, Zeij..."
"So?" humalik siya sa balikat ko at maya-maya'y sa pisngi ko na naman.
"So ka r'yan! Kanina ka pa pinagtitinginan yet nilalandi mo ako..."
"Hmm, let them see you own me, baby... Claim me." And I did, I caught his jaw and kissed his lips instantly.
He chuckled when I did that. Mabilis niyang hinawakan ang baywang ko at pinalaliman ang halik. The taste of his lips was sweet and kinda minty at the same time.
He lapped my lip, kissing it fully. And kamay niyang nasa sofa ay ngayo'y nasa may balikat ko na para mas mahalikan ako.
I welcomed his tongue and kissed him back the same intensity he was giving me. Mas napaatras ako sa sofa at mas humarap siya sa pwesto ko.
"Damn, baby..." bulong niya sa tainga ko. We were both panting, marahang tinulak ko siya paupo sa sofa at nangingiting sumandal sa dibdib niya.
Wala na ang mga babae sa malapit nang lumingon ako kaya napatawa ako.
"See? They already know you owned me... Mrs. Sandejas."
A loud sound played on the speakers. Nakita ko ang babaeng DJ na nagpapatugtog doon sa gitna at ang mga tao'y nagkakagulo sa gitna para sumayaw.
I can see the party lights dancing with the song, napuno ng usok ang lugar at nakita kong nakatitig si Zeij roon.
"Would you like to play for me?" bulong ko. I saw how his eyes shifted, napasulyap siya at ngumiti.
"Can I?" I nodded at mabilis siyang humalik sa pisngi ko bago tumayo.
"I'll be back, stay put, baby..." he winked at natawa ako nang tumakbo siya papunta roon sa stage.
I saw him talking to the DJ, ito 'yong babae noon na kasama niya rito at nanatili lang akong nakamasid sa kanya.
"Hi, Miss..." napalingon ako nang may naupo sa tabi ko. Hindi ko ito pinansin.
"Uhm, I can see that you're alone... Would you mind if—"
"Sorry, I have my husband with me..." putol ko.
"Husband? But I thought..."
"Go, spread it to the media. I won't mind." I smiled softly before smoothing my dress and went to the crowd.
"Sorry to interrupt you guys but we've got here a very special guest..." the woman said.
"For our regulars here, I know you know who our best DJ is, right?" biglang may nagsigawan. Napatawa ako at humalukipkip habang nakasulyap roon sa stage.
"I want to welcome our guest for today, anyone knows who he is?"
"Zeijan! Zeijan!" they cheered at mas nagkagulo ang crowd.
"Zeijan!" I also screamed.
"Let us welcome, our DJ for tonight, Mr. Zeijan Ruais Sandejas!" halos mabingi ako sa tilian. Umusok ang stage at napangisi ako nang makita si Zeijan sa gitna roon.
"Missed me?" his hoarse voice echoed making the crowd scream his name.
"This is for my wife..." he winked at my direction at doon na nagsimulang tumugtog.
A loud song bombarded the room, nagsitalunan ang mga tao habang nagsisigawan at sumasayaw.
The lights were dancing. Sa muling pagsulyap ko kay Zeijan ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin bago ngumisi at sinuot ang headphone niya.
His fingers started playing with the gear at mas sumabog ang nakakaindak na tugtog sa lugar.
The crowd went wild. I saw how my husband played with the music with his fingers, his dog tag dancing with his move.
His wavy black hair danced the way his blue eyes illuminated the lights.
"Jump! Jump!" the crowd jumped, may napaatras pa sa akin kaya napaatras ako pero napatawa na lang sa huli.
You are really a magnet of attention, hmm? Mr. Sandejas?
Hinawi niya ang buhok niya habang sumasabay sa kanta at napangiti ako.
My lovely boy, I really thought I've lost you that night...
I started swaying with the song. May yumaya sa aking sumayaw pero kaagad kong inilingan at mas masaya pang pagmasdan si Zeij sa stage habang nakatitig sa akin.
I smiled at him and I saw how he licked his upper lip and the side of his mouth lifted.
I admire how our story was put on its right place again. Noon ay nakatingin lang ako sa kanya sa malayo pero ngayon ay ako na ang tinitingnan niya mula sa malayo.
Suddenly, a familiar music played.
Bahagyang kumalma ang tugtog. It was the same music years ago yet with different tune this time.
It was the first song we danced together and the first time we saw each other.
Ang magulong ilaw ay kumalma kasabay ng kanta at nagtaka ako nang unti-unting magsialisan ang mga tao sa gitna.
They made a path in the middle at napapatras rin ako pero natigil ako nang makita ang asawa kong naroon sa gitna ng mga tao.
He was holding a boquet of white roses at nang magsalubong ang mata namin ay kumalabog ang dibdib ko.
You were the shadow to my light... Did you feel us, another start. You fade away...?
He walked slowly towards me and my mouth parted when he handed me the flowers before smiling.
"Surprise, Misis..." he said. Napangiti ako at mabilis na inabot ang bulaklak.
"Why?" mahinang sabi ko at nang ilahad niya sa akin ang kamay ay inabot ko kaagad iyon.
Afraid our aim is out of sight Wanna see us, Alive...
I placed my hand on his shoulders at nakitang inabot niya muna ang bulaklak kay Phoenix doon sa gilid bago abutin ang baywang ko.
Where are you now? Where are you now?
We swayed slowly at nakita ko ang pagbabalik ng mga tao sa normal na ayos.
Where are you now? Was it all in my fantasy? Where are you now? Were you only imaginary? Where are you now?
"Hi, Miss... Open minded ka ba sa business?" he whispered.
Napahagalpak ako ng tawa at pinalo ang balikat niya at natatawang yumakap siya sa akin at humalik sa ulo ko.
"I love you, Misis..." Napangiti ako at sumandal sa dibdib niya. It was beating rapidly, like it would burst into thousand pieces with happiness.
"Mahal na mahal din kita..." bulong ko.
"If I would turn back the time, I'd still choose to die for you..." narinig ko ang pagwawala ng mga halimaw sa t'yan ko at tumango ako sa kanya.
Another dream, the monsters running wild inside of me...
"I'd also die for you..." I whispered back and shifted my gaze. Sa pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang kislap sa mga mata niya.
I saw how his tears glisten on his eyes, napapikit siya at sa muling pagmulat ay ngumiti sa akin.
"I wouldn't know what would happen to me if you didn't come back, pease, don't leave me again..."
"I won't..." inabot ko ang mukha niya at hinaplos ang pisngi niya.
I'm faded... I'm faded... So lost...
"I am lost without you, baby. Your smile is the air I breathe, without you, I am lost." My tear fell as I nodded at him.
"I promise... I won't leave you again..." I stared at his eyes. "But promise me you'll stay with me too..."
"I promise, Ree... Forever, if there's such a thing, I would never leave you." I smiled, contented.
I just love this man so much I would die a thousand times for him...
"I have good news for you..." bulong ko makaraan sa kanya at nakita kong hinanap niya ang mata ko habang isinasayaw ako.
I was hugging his nape at nakita ko ang pagtataka sa mata niya sa sinabi ko.
"What is it?" he whispered. I can feel the excitement as I saw his curious eyes, I know he was excited too kaya mas natuwa ako.
"You... Wouldn't believe this..." I said.
"Hmm?" ngumuso siya. "What is it, Misis? Come on, I'm curious..."
"Uhm, kiss muna..." my lips protruded at walang pagdadalawang-isip na inabot niya ang labi ko para bigyan ako ng mababaw na halik sa labi.
I closed my eyes and kissed him softly too at hinawi ko ang buhok niya habang naghahanda akong magsalita.
"I..." I smiled at ngumuso siya habang nagpapabitin ako.
"What, Misis? I'll die because of anxiety..." he said at natawa ako pero mabilis na tumingkayad at bumulong.
"We're having a baby..." I whispered at nakita ko kung paano nalaglag ang panga niya sa gulat.
His eyes widened at maya-maya'y naluluha na siya.
"Y-you mean..." humawak siya sa t'yan ko.
"Yes..." I smiled at napamura siya at mabilis akong niyakap.
"Oh, my god. Damn... Shit! I'm going to be a father!" bulong niya at maya-maya'y nagsisigaw doon.
"I'm going to be a father! We're pregnant!" sigaw niya at napasigaw ang mga tao at nagpalakpakan.
Napatawa ako nang makita sina Kuya at Dash sa unahan at tumakbo roon ang asawa ko kaya natawa ako.
"Akala niyo kayo lang! May baby na rin ako!" he exclaimed at natawa ako nang yakapin niya ang mga kapatid niya na natatawa lang sa kanya.
He ran back to me at kaagad na nawala ang sasabihin ko nang hagkan niya ang labi ko at yakapin ang katawan ko.
He was kissing me softly, like I was a porcelain he's afraid to touch and break. His kisses are all full of love, passion and adoration.
"I love you... Thank you..." he whispered sincerely at nangilid ang luha ko nang lumuhod siya sa harapan ko at hinalikan ang tyan ko.
"Hi, baby... Daddy Zeijan is here..." Kausap niya sa tyan ko at muling humalik kaya napaluha na ako.
He rose again and claimed my lips as he hugged me tight.
"Let's go, baby... I have another surprise for you." He whispered at marahang hinila ako palabas ng bar.
I was curious pero hindi na ako nagtanong dahil sa excitement. He brought me near the shore at 'yon na lang ang gulat ko nang makita ang pulang tela sa gitna at mga upuan sa gilid.
It was night yet the place was so bright, ang mga ilaw ay nagliliwanag. Flowers were placed everywhere.
Mas umawang ang labi ko nang makita ang Mommy at Daddy sa harapan. I saw Tita Lena at Tito Ejercito. Naroon din ang magkakapatid. I saw Zidney na mukhang kakarating at nang makita ako ay matamis siyang ngumiti.
Napalingon ako kay Zeijan at nakita ko ang pag-ngiti niya at ang paghalik niya sa likuran ng palad ko.
"What..."
"Surprise!" he smiled. "We'll have our wedding tonight, Misis..." Kumalabog ang dibdib ko at hindi makapaniwalang napatingin sa gitna at nakita ang pari roon.
I saw my friends on the other side, waving at me at iilang mga kakilala. My mouth parted at halos hindi ako magkamayaw sa saya.
"Oh, my god... You mean..."
"Hmm, I'll marry you again tonight," he whispered and kissed my cheek.
"Why? I mean, bakit gabi?" I asked weirdly. Nakita ko kasing humihikab pa ang mga bata roon.
"Uhm," napakamot siya ng batok. "Para unique?" he chuckled at natawa ako sa kanya.
"T'saka para diretso na honeymoon..." he said kaya kinurot ko ang tagiliran niya.
"Aww! Joke lang! Love you, Ree!" he exclaimed kaya nagsitawanan ang mga tao habang nakatingin sa aming dalawa roon.
"I'm really happy today, plus the fact that we have our baby now," bulong niya.
"Mamaya kapag tapos ng kasal, laro tayo," aniya kaya kumunot ang noo ko.
"Huh?" I asked.
"Let's play zombies, higa ka tapos kakainin kita." Humagalpak siya ng tawa.
Nag-isang linya ang labi ko at sinabunutan siya at sumigaw-sigaw naman siya roon habang tumatawa at naeskandalo na kaming dalawa sa harap ng bisita sa harapan.
"Sorry na... sorry na..." he was laughing as he calmed me down.
"Ang harot mo kasi!" I hissed.
"Hindi na, mahal naman kita, eh," tawa niya at humalik sa noo ko at mas niyakap ako. I melted and closed my eyes.
"I love you too..." bulong ko.
"Later, there is no bloody war in between us, I want a bloodless war with you, baby. It's only a war between you and me... in the bed..." he whispered hoarsely.
Love is like war, easy to begin yet hard to stop.
In this life, I realized that there is someone who can make you feel full. There is someone that will fill your empty spaces and make you whole. Someone who will accept whoever you are, whatever you are...
Life isn't just about fairytales. Sometimes, it's about facing your fears and overcoming it with the power of love. Wala namang perpekto, lahat naman ay nagkakamali at isa na ako roon. I may have started at the bad side but at least, I was on the right side in the end.
Everything is fair in love and war. You just have to accept it, to embrace it and in my case. My Zeijan is the love that brightens the war in my life, my dark past.
I stared at him and smiled knowingly.
He's my husband, my greatest enemy, my lover, my one and only Archer.
"I want a bloodless with you too, Mister..." I whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co