Truyen3h.Co

Amadeo Dela Cerna

CHAPTER 01

Maribelatenta



"I am not sure Ma'am kung papayag po na ipa-repaint niyo 'yong unit niyo ng ganyang kulay. May kulay lang po kasi talaga na ina-allowed dito sa condominium of ever gusto papalitan ng owner ang pintura ng unit niya." Sabi ng engineer na kausap ni Francia, isang Linggo na lang kasi ay lilipat na siya dito sa condo na kinuha niya. At ilang beses na siyang bumalik dito para sa request niya nga. Still pareho pa din ang sinasabi ng nakakausap niya at 'yon ang hindi niya maintindihan talaga samantalang willing naman siya magbayad. 

"Pero bayad ko naman na ang unit so meaning akin na ang space kaya dapat kahit anong gawin ko at gusto kong kulay para sa unit ko ay okay lang naman dapat siguro 'yon." Sabi ko naman sa lalaking engineer na kausap ko. Hindi ko kasi talaga ma-gets kung bakit bawal mag-repaint ng kulay, samantalang sa pinanggalingan ko naman na condo sa Manila ay puwede naman. 

"Nandoon na po tayo Ma'am pero may sinusunod po kasi na rules dito sa condo kaya 'yon po ang masusunod." Paliwanag na naman ng engineer. 

Nasa gano'n silang pag-uusap ng pumasok ang mismong may-ari ng condominium. Walang iba kung hindi ang tatlumpu't taong gulang na si Amadeo Dela Cerna. Tatlong condominium building ang pinapagawa niya dito sa bayan ng Legaspi kung saan maganda ang view dahil nasa mataas itong lugar. Tapos nakaharap pa nga sa dagat, tapos na ang lahat ng condo na ang bawat isang building ay mayroong 20th floor. Pero may mga pinupulido lang sila na mga area para mas maging maganda ang lugar. 

"Buti Sir nandito po kayo. May sadya po kasi si Ma'am, ilang beses na din po siya nagpunta dito tungkol sa request niya." Sabi ng engineer kay Amadeo. Ito ang isa sa maganda tungkol sa pinaka-may-ari ng pinagtatrabahuan niya. Hindi siya naiilang kausapin ito dahil napaka down to earth nito sa mga empleyado. At kapag may nilalapit ang mga unit owner ay madali lang itong lapitan. 

Tiningnan naman ni Amadeo ang babae na nakaupo, balot na balot ang buo nitong katawan at wala kang makikitang balat nito. Nakasuot ito ng kulay itim na leggings tapos naka-jacket pa at rubber shoes. Maging ang mukha ay may takip din tapos ay nakasuot pa ito ng itim na shades lahit pa mag-aalas singko na din naman ng hapon. 

"Good afternoon, I am Amadeo and I'm the owner of this condominium." Pagpapakilala ng binata sa babae. Iniisip niya na lang na dahil siguro sa relihiyon kaya ganito ito kabalot. 

Tumayo ako at tinanggap ang pakikipag-kamay ng lalaki. Maganda 'to at mismong may-ari na ang makakausap ko. "I'm Francia and I've been asking this for countless time, nag-rerequest kasi ako kung puwede ko bang palitan 'yong pintura ng unit ko. I don't like the white color on my wall, I want it black." Sabi ko agad dahil ayoko ng magpasikot-sikot pa. Gusto ko kasi sana na bago ako lumipat sa unit ko ay maayos ang lahat. At ang una-una nga ay 'yong kulay ng pintura sa dingding ko. 

Tumango-tango naman si Amadeo na para bang pinag-iisipan kung ano ba ang isasagot niya. "Our company have strict policy po, and isa doon ay ang hindi puwedeng magpalit ng kulay basta-basta sa bawat unit. But we have some other color naman na puwede niyong pagpilian, huwag lang talaga ang black." Napaka-mahinahon na paliwanag niya dito. Sabi nga ay wala namang hindi nadadaan sa maayos na usapan kaya ganito siya. 

"Pero 'yon talaga ang gusto kong kulay. Beside I already full paid the unit kaya ano pa bang problema? I'm also willing to pay for the change of my wall color." Sabi ko na naman, hindi ko kasi maintindihan kung bakit bawal samantalang sa iba naman ay puwede. Saka bakit ganito ba sila ka-istrikto? E nasa probinsiya naman ang lugar na 'to at hindi sa Metro Manila na mataas nga ang standard. And like what I've said I already paid the unit, kaya kung ano man ang gawin ko ay labas na sila doon. 

"Hindi po talaga puwede Ma'am, very strict po kami sa pagpapalit ng mga unit owner ng pintura ng unit nila. Hindi bawal magpalit pero hindi lang talaga puwede ang kulay na gusto mo." Sabi na naman ni Amadeo, hindi kasi ibig sabihin na bayad na ng owner ang unit ay okay na ang kung ano mang gawin nito doon. The condominium have still policy that need to follow, at gusto niyang maging strict sa mga policy na ginawa niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang wala akong ibang magagawa kung hindi gawin pa din ang gusto ko. Beside hindi naman siguro sila magtse-check ng mga unit. At kung gawin man nila 'yon ay tapos ko ng pinturahan ang unit ko. "Sige thank you na lang." Sabi ko sa kanilang dalawa at saka lumabas na ng office. 

Napailing na lang ng tingnan ni Amadeo ang engineer na kasama niya. Nag-uumpisa ng lumipat ang mga unit owner dito sa condo na tinayo niya kaya dapat lang ay ready din siya at ang mga empleyado niya sa kung anu-ano pa mang inquries ang itanong at sabihin sa kanila. 

Only the first two chapters will be posted here in wattpad. This story  is now on going on Patreon and vip group!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co