CHAPTER 02
This will be the last chapter here on wattpad. This is on going now on Patreon and vip group. Dm me on my fb page if you want to join!
Nang mga sumunod na araw ay inasikaso ni Francia ang unit niya. Madalas ay sa gabi siya nagpupunta dito dahil nga sa araw ay tulog siya at ang pinaka-araw niya nga ay ang gabi. Inayos niya ito at unti-unti ng nilagyan ng mga gamit. Pero higit sa lahat ay nag-decide siya na pinturahan ito ng gusto niyang kulay. She painted it black even if her favorite color is violet and pink. May balcony ang unit niya at talagang pinalagyan niya 'yon ng sliding door, pero kulay itim din kaya medyo mahal ang pagpapagawa niya kasi hindi naman 'yon ang common na kulay na ginagamit. Pinasiguro din niya na hindi mapapasok ng sinag ng araw ang unit niya na siyang pinaka-kailangan niyang iwasan.
She have this condition called solar urticaria, it's a rare condition in which exposure to ultraviolet or UV radiation, or sometimes even visible light, induce a case of urticaria or hives that can appear in both covered and uncovered areas of the skin. It is classified as a type of physical urticaria. Kaya maging ang mga ilaw na ginagamit niya sa bahay ay kailangan pa talagang i-test. At lahat ng ilaw niya ay sa ibang bansa niya pa talaga binili. It's called light testing that can help to determine which wavelengths of light trigger her reaction, allowing for more targeted avoidance strategies. Kung hindi kasi mate-test 'yong mga ilaw na ginagamit niya ay maaaring makasama sa kanya 'yon at mag-trigger ng allergy niya.
Francia is a half British and half Filipino, he's father is a British and her mother is a Filipino. At first her mom thought her condition was a genetic. Na baka nakuha niya ang ganitong klaseng kondisyon sa kanyang ama. But when they went to doctor they found out that she have a rare allergic reaction to sunlight. Hindi gano'n kalinaw kung may genetic factors ba ang sakit niya dahil sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa din talaga ang tungkol dito. May pag-aaral kasi na nagsasabi na hindi naman inherited ang pagkakaroon ng solar urticaria pero kahit ano pang paliwanag ang malaman niya tungkol sa kanyang sakit ay isa lang ang masasabi niya. At 'yon nga ay hindi biro ang pagkakaroon nito dahil naging kakaiba nga ang buhay niya. She change her lifestyle, there's a lot of things she can't do because of her condition. Ang simpleng paglabas during day time ay hindi niya puwedeng gawin. Dahil kapag inatake siya ng matinding allergy niya ay puwede niya 'yong ikamatay.
She leave her parents to United Kingdom but they also visited here in the Philippines once every three months. Ayaw talaga ng mga magulang niya na magpunta siya dito sa Pilipinas dahil grabe naman talaga ang init dito. But she want to live normal, she applied on various online job that she can work from home as well. At may mga kompanya naman na tumanggap sa kanya. Kaya naman talagang masaya siya na magkaroon ng kalayaan ngayong nandito na siya sa Pilipinas. She just want to enjoy her life, na hindi man siya makalabas sa araw at hindi niya magawang maka-pamasyal man lang kagaya ng normal ng tao ay pilit niyang ginagawang simple at masaya ang bawat araw na dumadaan sa kanya. At mula sa pagtira niya sa Manila ng ilang buwan ay nahanap niya nga itong Legazpi, Palermo kung saan nakita niya nga na may condominium na tinatayo at ready to occupancy pa ang ibang unit. Kaya nag-search siya agad tungkol sa lugar at nalaman niya ngang hindi naman gano'n kainit dito at malinis pa ang hangin. Kaya mula Manila ay nag-decide siya na dito na nga lang tumira.
Alas dos ng hapon ng marinig ni Francia ang pagtunog ng doorbell sa kanyang pintuan. Agad naman siyang tumayo para buksan 'yon, maayos na ang unit niya dahil napinturahan niya na ito gaya ng suot niya. She choose a glossy black paint, kaya hindi mo malaman kung isang studio na ba itong unit niya o ano. Pero hindi pa siya tapos maglinis kaya 'yon talaga ang ginagawa niya ngayong araw.
Napakunot noo naman si Amadeo ng mapagbuksan siya ng isang babae, wait isang magandang babae. Maputi ito at matangos ang ilong na siyang agad na napansin niya nga. Maging ang mukha nito ay maliit lang din at balingkinitan din ang katawan. Tiningnan niya pa nga 'yong number na nakalagay sa pintuan nito kung hindi ba siya nagkamali ng pinuntahan pero ito talaga 'yong sadya niya.
Nagulat naman ako ng mamukhaan ko 'yong lalaking nasa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay siya 'yong may-ari nitong condominium! Pero anong ginagawa niya dito?
"Are you Ms. Imperial?" Tanong ni Amadeo sa babae, ibang-iba kasi ang ayos nito kaysa noong nakita niya ito sa office at nagre-request nga na pinturahan ang unit nito. Dahil ngayon ay nakasuot lang ito ng shorts at t-shirt. Basta lang din nakatali ang buhok nito, malayo sa itsura nito no'ng unang beses niyang nakita kung saan balot na balot nga ito.
"Y-Yes, and why?" Balik kong tanong, hindi ko alam na pupuntahan ako dito pero hindi naman na ako dapat pang kabahan kasi nakita na niya na iba ang pintura ng dingding ko.
Amadeo breath out, mukhang matigas ang ulo ng Ms. Imperial na 'to dahil kitang-kita niya na kulay itim na ang pintura ng dingding ng unit nito. "You change the color of your unit without our permission. And this is prohibited, we can give you a fine for doing this and not following our rules."
"That's okay, you can give me a fine. Magbabayad na lang ako and beside I already told your engineers countless time that I'm willing to pay for the change color of my unit but they keep saying no."
"Can I take a look inside of your unit?" Sabi pa ng binata dahil mukhang buong unit talaga nito ang pininturahan. At sa tingin niya ay ito lang din ang nagpintura dahil wala namang sinabi ang mga guwardiya sa ibaba na may nagpapagawa nga ng unit sa building na ito.
Binuksan ko ang pintuan ng maayos at pinapasok siya pero bago 'yon ay pinahubad ko muna talaga ang suot niyang sapatos. I don't care even if he's the owner of this condo, dahil space ko naman 'tong pinasok niya.
At doon nga nakasigurado si Amadeo sa hinala niya, the woman really painted the whole unit. At hindi siya sanay sa ganitong kadilim na lugar. Kahit sabihing may bukas na ilaw sa loob ay madilim pa din talaga, maging ang papunta sa balcony ay kulay itim din ang kulay ng sliding door. At wala talagang pumapasok na liwanag ng araw dito sa loob dahil 'yong bintana ay naka total black out din. Kaya nagtataka na tuloy siya kung bakit ganito ang unit nito, samantalang mukha naman itong normal kung tutuusin. "Why you change the color of your walls like this? Our company have a strict regulation about this, and as an owner of this condominiums I can't let any unit owners disobey our rules."
Lumapit ako sa kanya, I understand his point. Talaga sigurong may mga ganito sa iba't-ibang community pero I need to think about my own safety. And I just want to have a safe place to live with as well. At kung kailangan kong ipaliwanag kung bakit ko ginawa 'to ay gagawin ko. "Let me introduce myself again Mr. owner of these condominiums." Pauna kong sabi kasi feeling ko kapag hindi ako nagpaliwanag ay baka masundan pa ang pagpunta niya dito. At 'yon ang gusto kong iwasan. "My name is Francia and I know I didn't followed your rules here, but I have a rare condition called solar urticaria. HIndi ko gustong gawin 'to o pinturahan ang buong unit na 'to ng kulay black but I need to do it for my own sake. Bawal akong ma-expose sa araw kaya pati 'yong sliding door papunta sa balcony ay talagang pinaayos ko ng todo pati na din 'yong bintana. I can't be exposed even on artificial light or else I'm going to have an allergy reaction. All I want is to have a livable space that's why I did all of this."
Para namang natameme si Amadeo sa sinabi ng babaeng kaharap niya. Hindi man niya lahat naintindihan ang sinabi nito pero isa lang ang pinaka-naintindihan niya sa lahat. At 'yon nga ay ang bawal itong maarawan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co