Truyen3h.Co

Amadeo Dela Cerna

CHAPTER 03

Maribelatenta



Isang buwan, sa loob ng isang buwan na pagtira ni Francia sa Dela Cerna condominium ay parang dalawang beses pa lang siyang nakita ni Amadeo na lumalabas ng araw. Kaya naman parang gusto ng maniwala ng binata na totoo ang sinabi nito sa kanya. Still he want to be civil with the unit owners of his condominium even if he's really curious now about Francia. First time niya kasing makarinig ng tungkol sa kondisyon nito at parang nagdadalawang-isip pa nga siya kung papaniwalaan ang sinabi nito no'ng magkausap sila. At 'yong tungkol naman sa paglabag nito sa pag-pintura ng unit nito ay hinayaan niya na lang muna. 

  "I-I'm sorry.." Hingi ko ng pasensiya sa babaeng nakasabay ko sa elevator. Napatitig kasi ako sa kanya dahil sa kakaibang kondisyon ng balat niya. May mga patches 'yon at hindi ko alam kung peklat ba o balat. At tiningnan niya din kasi ako, baka isipin niya ay kung anu-ano na ang iniisip ko tungkol sa kanya. 

Ngumiti naman si Jimvee, namumukhaan niya ang babaeng kasabay niya ngayon dito sa elevator. At kung hindi siya nagkakamali ay ito 'yong babae na nakatira sa katapat niyang unit. "Okay lang, sanay na ako. Mero'n akong vitiligo." Sabi niya sabay tingin sa kanyang balat. 

Nahihiya naman akong ngumiti. Parang mas gusto ko na lang na magkaroon ng kondisyon niya kaysa naman 'yong pagkakaroon ko ng solar urticaria. "Ikaw yata 'yong nakatira sa katapat kong unit sa 4th floor." Sabi ko pa. 

"Ako nga, I'm Jimvee.." Inilahad ni Jimvee ang kanyang kamay para makipagkilala, akala niya pa nga ay hindi nito tatanggapin ang pakikipag-kamay niya pero buti na lang at tinanggap din nito. Madalas niyang makita ang babae tuwing gabi, kung hindi niya ito nakakasabay dito sa elevator ay nakikita naman niya ito sa lobby o kaya sa ibaba. Pero ngayon lang silang dalawa nagkausap. 

"Francia, ako si Francia.." Nakangiti kong pakilala, isang buwan na akong nakatira dito sa condo at sa isang buwan na 'yon ay siya pa lang talaga 'yong nakakausap ko na taga dito mismo maliban sa mga empleyado dito. 

Jimvee smiled at her, and when the elevator opened they went outside together. 

"Narinig ko na 'yong tungkol sa condition mo, at hindi na din 'yan gumagaling diba?" Sabi ko naman sa kanya, sa pagkakaroon ko kasi ng solar urticaria ay nagkaroon din ako ng pagkakataon na mag-research tungkol sa iba pang skin condition. At isa nga 'yong tungkol sa vitiligo na alam ko. At hindi siya nakakahawa gaya ng iniisip ng iba. 

"Oo hindi na talaga gumagaling pero hindi din naman siya life threatening kaya ipinagpapasalamat ko 'yong tungkol do'n. Pero kasi ang mahirap sa ganitong kondisyon ay 'yong kung anu-ano ang maririnig mo sa ibang tao." 

"Pero at least nagagawa mo pa din ang gusto mo kahit ganyan ka. Saan ka pala nagtatrabaho? Lagi kita nakikita pero nahihiya naman akong i-approach ka." Tanong ko naman, kasi kapag nakikita ko siya kapag gabi ay mukhang galing siya sa trabaho lalo pa at nakabihis nga siya ng pang-alis. 

"Sa Dela Cerna towers ako nagtatrabaho at bagong lipat lang din ako dito, siguro nauna lang ako sa 'yo ng kaunti. Sandali ikaw lang din mag-isa ang nakatira dito no? Kasi pareho lang tayo kung gano'n." Sabi ni Jimvee. 

Tumango ako. "Oo, ako lang talaga. Nasa ibang bansa ang mga magulang ko pero mas pinili kong tumira dito. Sa Manila talaga ako naka-base dati pero kasi dahil sa condition ko kailangan kong maghanap ng ibang lugar na titirhan."

Napakunot noo naman si Jimvee, nasa tapat na silang dalawa ng kani-kanilang mga unit pero makikipag-kuwentuhan muna siya dito sa kapit-unit niya dahil ngayon niya lang naman ito nakausap. "C-Condition? Anong condition? May vitiligo ka din?"Tanong niya pa sabay tingin dito mula ulo hanggang paa. Pero wala naman siyang makita na patches sa balat nito katulad ng sa kanya kaya sure siyang wala itong vitiligo. Nakasuot lang kasi ito ng maong na short at saka t-shirt at makinis naman ang balat nito. 

"Hindi vitiligo, mero'n akong solar urticaria. Ibig sabihin bawal akong maarawan at kailangan ko din umiwas sa ibang klaseng ilaw dahil puwede siyang mag-trigger sa condition ko." Kuwento ko sa kanya, mas okay kasing magkuwento sa may mga mero'n din skin condition dahil mas open minded sila. Kaysa sa mga normal na tao na kung anu-ano pa ang iisipin tungkol sa 'yo. At buti naman mukhang okay siya kausap dahil pareho nga kaming may kakaibang kondisyon.

"S-Solar urticaria? Kaya ba tuwing gabi lang kita nakikita kasi bawal ka sa araw?" Sabi ni Jimvee na parang iniisip kung may gano'n ba talagang klaseng kondisyon. 

Tumango ako. "Yes you're right, gano'n na nga. Kaya sa gabi din talaga ako gising at sa araw naman ay nasa loob lang ako ng bahay." 

"Oh my God, ngayon lang ako nakarinig ng ganyang case. Akala ko sa movie lang mero'ng ganyan pero totoo pala." Parang hindi pa din makapaniwala na sabi ni Jimvee. Akala niya mahirap na 'yong sakit niya sa balat pero mas may malala pa pala sa kanya. At ang mahirap pa ay bawal pa palang maarawan. "Para ka palang vampire kung gano'n." 

Natawa naman ako sa sinabi niya. Pero tama naman siya, para talaga akong vampire dahil sa kondisyon ko kasi nga bawal akong maarawan. Tapos mas active din ako sa gabi kaya kung tutuusin ay bampira nga talaga ako siguro. "Parang gano'n na nga, kaya huwag kang magtataka kung makikita mo ako kapag gabi ha." Pabiro ko pang sabi. Kaunti pa lang kasi ang nakatira dito sa 4th floor at swerte ko nga dahil may nakatira na sa katapat kong unit. 

Natawa na din si Jimvee pero alam niyang mas mahirap ang kondisyon nito sa kondisyon niya. Dahil unang-una mas marami kang hindi magagawa tapos kailangan hindi ka pa maarawan. "Walang problema at maganda nga 'to nakakuwentuhan kita eh." Sabi niya pa dito, nahihiya kasi siya i-approach ito kahit nakakasabay at nakikita naman niya kapag umuuwi siya. Siyempre visible ang condition niya at iniisip ng ibang tao na nakakahawa ang mga patches niya sa katawan. 

"Nice meeting you din Jimvee, so paano pasok na ako sa loob." Paalam ko sa kanya, sure naman kasi ako na hindi lang 'to 'yong unang beses na makakausap o makakakuwentuhan ko siya eh. Naglakad-lakad lang talaga ako sa ibaba kaya nakita ko siya no'ng pabalik na ako. 

"Sige Francia, next time mag-kuwentuhan ulit tayong dalawa." Balik na sabi ni Jimvee dito. 

Dela Cerna brothers 01 to 06 is complete on Patreon and vip group. Want to read this series? Dm me on my fb page! (Maribelatenta stories)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co