Chapter 10 - Cute
Miguel's POV
"Ha?" Bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mikhael.
Napasinghal ito nang bahagya. Nakaangat ang kaliwang gilid ng labi, "Inaaya kitang pumunta sa Feb Fair." Nakangiti nitong sabi.
Nagparte nang bahagya ang labi ko bago tumango, "Ah, oo naman! Pupunta naman talaga ako sa Feb Fair. Sasama nga ako sa rally, eh. Pero 'di ko sure kung makakapunta ako sa Day 1," sagot ko, at itinikom nito ang bibig niya bago tumango.
"Pupunta kami ng mga kaibigan ko. Sumama ka sa amin." Aya ko sa kaniya.
Bahagyang bumagsak ang ngisi niya at naging ngirit nalang bago napatungo at napakamot sa batok.
"I mean... y'know... just the two of us?"
Muling nakunot ang noo ko, "Tayong dalawa lang?" Taka kong tanong.
Tumango si Mikhael, nakatungo pa rin nang bahagya pero nakaangat ang tingin sa akin, "Yeah, tayong dalawa lang." Nagparte ang labi ko bago tumuwid ang likod, "Pag-isipan ko muna." Sagot ko at tumango si Mikhael.
"Great, uhm, so... kakain ka na? Can I join you?" Tanong niya at mas lalong nagparte ang labi ko.
"Uhm..." napahakbang ako paurong, "Kikitain ko kasi kaibigan ko, eh. Actually, andun na siya, hinihintay ako." Paalam ko, bahagyang nagparte ang labi ni Mikhael bago agad tumango.
"Sure, sure! Take care! Eat well!" Ani niya, at ngumiti ako nang maliit bago tumango at naglakad na paalis.
Imbes na kumain sa karinderya ay nag-take out nalang ako dahil baka makita pa ako ni Mikhael at mahuli na wala naman pala talaga akong kikitain na kaibigan at nagdadahilan lang. Para rin akong tanga na alisto sa kalsada habang naglalakad pauwi dahil baka hindi pa ito nakakaalis sa loob ng Raymundo at makasalubong ko pa.
To: James Aldred
Jam, free ka ba tonight?
Ilang minuto ko ring hinintay si James na mag-reply habang kumakain ako. Nakakalahati ko na ang pagkain ko at saka lang ito sumagot.
From: James Aldred
Free naman
From: James Aldred
Kapag naka-uwi na ako galing Calamba, HAAHAHAH TRAFFIC, PUTA!
Napatawa ako nang pagak sa reply ni James, "Bwisit," bulong ko bago nag-type ng reply.
To: James Aldred
gege, chat mo 'ko kapag free kana.
From: James Aldred
Punta ako tresto with friends mga 10pm, sama ka?
Napanguso ako nang bahagya bago napaisip. Deserve ko ba mag-Tresto? May extra ba ako? Meron naman. Sige na nga.
To: James Aldred
ge, sabihan mo 'ko kapag andun kana, sunod ako.
From: James Aldred
YOWN!! Nais one! Gegegege
Muntik-muntikan na akong makatulog kakahintay kay James. Naghahalo ang pag-aalala at inis sa akin kakaisip kung nakauwi na ba ito at nakalimot lang mag-message o baka may masamang nangyari rito sa daan.
To: James Aldred
Akala ko nilamon kana ng Pansol at hindi na nakauwi.
From: James Aldred
Sorry na!! Traffic eh! Anong gusto mong gawin ko, lumipad? Punta kana ritoooo!!
To: James Aldred
Ito na nganiiii
Dahil malamig na sa daan at medyo nakakatakot na rin dahil lampas 11 PM na, halos 4 minutes ko lang nilakad ang mula sa dorm papuntang Tresto sa sobrang bilis ng lakad ko.
"Migs!!" Nakasigaw agad si James nang pumasok ako, naka-table sila sa may pader kaya kahit papaano ay nakita ko agad siyang pakaway-kaway.
Agad ako nitong inakbayan pagkalapit ko sa kanila, "Oh, eto na ang Kuya Migs niyo, sige Migs, bigyan mo sila ng tips para i-basic ang FBS 21." Ani nito at agad napakunot ang noo ko bago napatingin sa mga nasa table. Halo-halong mukha nanaman ito, pero ang iba ay halatang freshie dahil mga fresh pa.
Napatawa ako nang pagak bago umupo, "Aralin niyo lang. 'Wag niyong itambak. Kilalanin niyo agad after collection." Ani ko at tumango si James bago ako inabutan ng baso.
"Binasic ni Migs yung FBS 21 noong freshie kami. Pabasbas na kayo diyan." Ani nito sa mga freshie na ikinasinghal ko lang bago umiling at sumimsim na.
Nawala sa isip ko ang gusto kong itanong kay James. Masyado akong nag-enjoy sa pagpa-party dahil kay James. Kung sinu-sino ang kilala. Maski nasa graduate school ay mga kilala na nito.
Sabagay, kung hindi lang siya delayed, baka nasa graduate school na rin siya.
Sa tuwing may mauubos na tower sa table namin ay may bagong dadating. Halatang may tama na rin si James at ang mga tao sa paligid ng table. Hindi rin ako gaanong umiinom dahil magpapa-check up pa ako bukas at kukuhaan ako ng AMH. Kaunti-kaunting inom lang muna ako ngayong gabi.
May pheromone rin na umaalingasaw na hindi ko nalang gaanong pinapansin. Hindi na bago 'yan, talagang halo-halo ang amoy ng mga pheromone rito sa bar.
"Migs Tan, pare! Aports ko!" Pakilala sa akin ni James habang naka-akbay-akbay sa balikat ko.
Nakita kong bahagyang namilog ang mata ng babae at tumaas ang magkabilang kilay. "Hindi mo pa pinapakilala sa akin 'yan," ani nito. May ngisi sa labi.
Hindi nakalampas sa mata ko ang pagbaba-taas ng tingin nito sa akin na ikinalunok ko ng laway.
Humagikhik si James bago ako pabirong sinakal ng braso niya, "Mahiyain kasi 'to, 'di ba, Migs?" Nilingon ako nito at pinagtaasan ng magkabilang kilay.
Bahagya akong napasinghal habang nakataas ang kaliwang gilid ng labi, "Medyo lang," nahihiya kong sabi bago nagbalik ng tingin sa babaeng hindi maitatanggi na Alpha.
The way she looks at me is a clear sign she's trying to hit up on me. Just with that gaze, those dominating and seducing eyes, she could have me any second.
"Omega?"
Both my brows jolted up when she asked. She licked his lower lip, then pointed at me, "You're an Omega?" She asked again.
My lips parted, then look at James, who had this huge grin on his face. "Obvious ba? Ganda rin talaga kasi nito ni Migs minsan, eh." Sinakal ako lalo ni James at agad kong inalis ang kamay niya sa braso ko.
"Gets naman. He does look nice," she said, taking a sip from her drink while her eyes were locked on me.
"Kilala mo na ba 'to? Gagi, hindi pa 'no?" Itinuro ni James ang Alpha.
Sumimsim ako ng alak at umiling, "Hindi pa. Hindi mo pa ipinapakilala-"
"Achari, but it's just Chari, honestly." She reached out her hand for a shake, which I immediately took. Hindi ko rin alam kung bakit parang atat-atat akong makipag-kamay sa kaniya. Instinct?
"Five seconds walang malisya na dapat kapag ganiyan, eh!" Kantyaw sa amin ni James.
Agad namilog ang mata ko at napalingon kay James, "Huy," siniko ko ito, "Baliw!" Kunot-noo kong sabi bago nagbalik ng tingin kay Chari na hawak-hawak pa rin ang kamay ko.
Itinaas nito ang kaliwang kilay bago bahagyang tumango, "I don't mind." Ani nito na ikinaparte ng labi ko.
Binawi ko ang kamay ko at nahihiyang nag-iwas ng tingin at napakamot sa batok, "Five seconds lang naman, oh! Migs, 23 ka na! Five-second kiss won't get you pregnant!" My head snapped at James, who had this wide smile printed on his lips.
I jokingly aimed a punch at him, which made him flinch before looking back at Chari, who was standing right across me and had her left hand inside her pocket while the other was holding her red cup.
I mean... 5 seconds won't hurt?
Napalunok ako ng laway. "Five seconds lang-"
Agad na nagsigawan ang mga taong hindi ko kilala sa table. Si James itong itinulak pa ako habang si Chari itong nakalapit na agad sa akin.
"Five seconds! Walang malisya! Five seconds! Walang malisya!"
"Five seconds! Walang malisya! Five seconds! Walang malisya! Five seconds! Walang malisya!"
Sunod-sunod nilang kantyaw, maski ang ibang tao sa ibang table ay nakikantyaw na.
I massaged my temples before placing my cup down on the table. Chari was already standing up in front of me, and the moment I faced her, she held my shoulder. "You okay with this?" She asked, her voice deep.
I nodded while raising both my brows.
As her lips touched mine, the bar went into chaos. Halos mabingi ako sa sobra nilang ingay lalo na si James na nagtatatarang sa likuran ko.
"5... 4... "
My eyes caught a glimpse of a familiar face at the side. It was Mikhael, surrounded by his friends who were cheering and shouting together with the crowd. But despite the chaos happening around him, he just stood there, watching.
"1!!"
Chari pulled away, and so did I. I immediately licked my upper lip while James grabbed my shoulder and started jumping.
"Wooh! Grabe!! Parang ngayon nalang ulit kita nakitang lumandi! Ang aga naman ng Valentine's mo, Migs!!" Panay ang talon ni James sa tabi ko habang ako itong natameme at napako sa kinatatayuan ko.
Tangina... ngayon na lang ulit ako nakahalik.
Naka-ilang 'Five seconds! Walang malisya!' rin ako. Hindi man ako nalasing at nakarami ng alak, hinayaan ko nalang din ang sarili ko na maging wild ngayong gabi at makipaghalikan sa iba. Minsan lang naman, hindi lagi.
Nang mag ala una na ng umaga ay inaya ko na si James pauwi. Dahil pagod din naman ito galing sa biyahe niya ay nagpaalam na rin ito at sumama sa akin sa paglabas.
"James..." Tawag ko rito. Magka-akbay kami ngayon, parehas mabagal ang lakad. Kahit hindi naman mga lasing ay mukha pa rin kaming zombie na naglalakad sa kalsada.
"Oh? Susuka ka?"
Napatawa ako nang bago, "Gago, hindi," umiling ako, "Inaya ako ni Mikhael sa Feb Fair, kaming dalawa lang daw." Ani ko habang nakatulala lang sa kalsada na nilalakaran namin.
Narinig kong sumipol si James, "Date yun, Migs." Ani niya, at napanguso ako bago siya nilingon, "Hindi yun. Hindi naman ako tipo nun." Kontra ko at humagikhik si James.
"Paano kung oo? Trip mo rin ba yung Alpha na yun?" Tanong niya at agad akong umiling.
"Hindi, eh. Pero mukha naman siyang okay. Mukhang playboy lang, kaya takot akong ma-fall. Pero mukha rin siyang masarap-"
Humalakhak ng tawa si James, "Edi... try mo, ONS lang." Ani niya, at bumuntong-hininga ako.
"Ang daling sabihin, ang hirap gawin. At isa pa, maraming sex partner yun." Ani ko at narinig ko ang maliit na 'ahay' ni James.
"Close ba kayo?" Tanong niya.
Nakarating na kami sa may madilim na eskinita, "Medyo. Depende." Sagot ko at nag-hum pabalik si James.
"Tangina, ito ba ang dahilan kung bakit mo 'ko gustong makausap? Kung sinabi mo lang, sana 'di na kita inayang uminom. May seryoso pala tayong pag-uusapan." Ani ni James na ikinahagikhik ko.
"Close kayo nun, gago. Inaya ka nga sa Feb Fair. Pumayag ka na, last mo na 'yan, sige ka." Dagdag pa niya, nag-hum ako. "Sige, sabihin ko sa kaniya payag ako sa aya niya." Ani ko.
Nang makarating kami sa tapat ng dorm ay binitawan na namin ni James ang isa't-isa. "Ayain mo na rin makipag-ONS. Try lang naman. 'Wag mo nalang i-sakto sa cycle mo." Ani ni James habang naglalakad ako papunta ng gate.
Napatawa ako nang pagak bago binusak ang gate. "Gege, try ko bukas." Sagot ko na ikinahagikhik namin parehas. Na para bang magkikita kami bukas ni Mikhael.
Tanghali na rin ako naggising kinabuksan. Dahil wala pa halos dalawang baso ang ininom ko ay walang bahid ng kahit anong lasing sa katawan ko. Iyon nga lang, puyat ako kaya hindi ko napansin ang missed calls ng magulang ko at mga messageds. Nagdahilan nalang ako na may ginagawa kanina kahit ang totoo ay mahimbing pa ang tulog ko noong mga oras na tumatawag sila.
Agad akong naligo pagkabangon dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Inasikaso ko na rin ang laundry ko na isasabay ko paglabas.
Bandang 1:30 na rin nang makakain ako. Nagpalipas lang ako saglit ng init sa karinderya bago umalis na para pumunta ng ospital. Magpapakuha lang naman ako ng test samples kaya hindi ako gaanong natagalan. Pagkatapos ay umalis na rin ako at pumunta sa upper campus para mag-asikaso ng thesis.
Mag-aalas sais na nang makababa ako sa F-Park. Simula na sa Martes ang Feb Fair at nagsisimula nang mapuno ang park ng mga booths at rides. Napansin ko na may mga food stall nang nakabukas kaya sumaglit ako para bumili.
Nakakatawa lang na may nakasalubong ako na natatandaan ko sa Tresto kagabi, kaya nagkabungisngisan nalang kami.
Medyo nakakahiya na isa siya sa mga naka-momol ko kagabi pero... wala, hanggang doon nalang yun.
Kina-Lunes-an ay bumalik ako sa ospital para sa results ng blood test at AMH ko. Naghintay ako ng halos kalahating oras bago ako tawagin ng nurse.
"Miguel Tan?"
Napamulat ako at agad na napatayo nang tawagin ng nurse.
Kumaway ito, "Dito po, Sir." Ani nito na agad kong sinundan.
"Kamusta, Miguel? Akala ko hindi ka magpapa-checkup ngayong February, eh." Bati sa akin ng doktor.
Bahagya akong napabungisngis bago umupo sa harap niya, "Busy po sa acads, kaya nakakalimot ako." Sagot ko, at nag-hum si Doc Raffy habang may kinukuha na folder sa likod niya- records ko.
"You had your cycle last... week? Or last-last week? Kamusta naman? Any..." humarap ito sa akin habang hawak-hawak ang isang puting folder.
Bahagya akong napanguso habang nakatingin sa lamesa niya at nag-iisip, "Wala po, Doc. As usual, suppressants lang ang meron ako." Sagot ko at tumango si Doc.
May dinampot itong bagong papel sa lamesa niya na mukhang resulta ng blood test at AMH ko.
Tumuwid ang likod ko at sinubukan pa na silipin ang results na para bang may makikita ako. "Kamusta po, Doc? May nagbabago ba sa... egg reserve ko?" Kinakabahan kong tanong habang ipinapahid ang namamawis kong kamay sa pantalon ko.
Inayos ni Doc ang suot niyang salamin at pinagmasdan ang results.
Tumikhim ito, "Sad to say, Miguel, mababa pa rin ang ovarian reserve mo. Halos pareho lang ang results ng nakaraang check-up mo." Sagot niya at doon ay bumagsak ang magkabilang balikat ko.
Nagparte ang labi ko, "W-Wala po ba talagang ibang lunas diyan, Doc? Do I really have to take medications?" Nagbabakasakali kong tanong.
Kahit anong gusto kong umayos ang lagay ko, hindi ko naman magawa-gawang mag-maintenance. Una, mahal. Dagdag gastusin pa iyon. Pangalawa, hindi ko pa naman kailangang kailangan magkaroon ng mataas o normal na ovarian count. At pangatlo, umaasa ako na maayos pa ito nang walang iniinom na gamot.
Napakamot si Doc sa kilay niya, "You know you have an option besides the pills." Tinaasan ako nito ng magkabilang kilay, na agad ko namang ikinasimangot.
Napahagikhik si Doc, "And it's more effective and reliable. Wala pang risks para sa katawan mo." Dagdag niya, napalingon ako sa may bintana ng clinic niya.
"Doc..." binasa ko ang labi ko bago nagbalik ng tingin sa kaniya, "Hindi pa naman kasi ako nagmamadali na... alam mo na, magka-anak. Ang akin lang... gusto ko sana na pagdating ng panahon na handa na ako at mag-aanak na ako, kaya ko. Kaya na ng katawan kong makabuo." Ani ko at tumango si Doc nang marahan.
Ibinaba nito ang lab results ko, "Hindi sa tinatakot kita, pero kung patuloy na ganito ang results ng AMH mo at kung magpatuloy na mababa ang ovary reserves mo, possible na hindi na ito maka-recover sa future and ma-stuck ka sa ganito kababang ovary reserves."
Parang may bumara bigla sa lalamunan ko. Nagbaba ako ng tingin sa palad kong nagkukuskusan sa isa't isa at hindi nakasagot.
"Mga... approximately ilang taon pa na ganito, Doc, bago tuluyang mag-deplete ang ovary reserves ko?" Tanong ko bago nagbalik ng tingin kay Doc.
Nakita kong bahagyang kumunot ang noo ni Doc, "What do you mean?" Nagkiling ang ulo nito.
Tumikhim ako, "Ilang taon pa na kapag nagpatuloy ang mababang ovary reserves ko bago siya tuluyang ma-stuck sa mababang count and mahihirapan na akong mabuntis?" Tanong ko at nagparte ang labi ni Doc.
"Hindi ko masabi, Miguel. Pero... sabihin na natin na in the next 2 to 3 years, kapag ganito pa rin ang sitwasyon mo na puro ka turok ng suppressants tuwing magkaka-cycle ka, mahihirapan kang mabuntis kapag gusto mo na." Sagot niya at utay-utay akong tumango.
Para akong tuod na naglalakad palabas ng clinic ni Doc habang paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Doc.
Isa nga sa mga pangarap ko yung magbuntis at magka-anak, tapos mukhang mapupurnada pa. Kahit pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko sa high school at nila James ngayon sa college tuwing sasabihin ko na gusto kong magka-anak at maging tatay- o nanay, seryoso pa rin ako at desidido sa desisyon ko. Tapos ngayon, mukhang hindi pa matutupad.
"Aray-!" Kunot-noo akong tumingin sa nakabanggan ko, pero ilang segundo lang ay agad bumagsak ang balikat ko at nagparte ang labi.
"Mikhael?" Hindi ko makapaniwalang tawag dito.
Namilog ang mga mata nito bago inayos ang salamin na suot-nagsasalamin pala siya?
"Miguel, anong ginagawa mo rito? Masama ba pakiramdam mo?" Agad akong napa-igtad nang bigla niyang ilapat ang palad niya sa noo ko para salatin kung mainit ba ako.
Inabot ko ang pulso niya para alisin ang kamay niya sa noo ko at nahihiyang napakamot sa batok, "Ano... uhm... hindi, ano lang, check-up lang. CBC, ganun. Alam mo na, tumatanda na, maigi nang nasisigurado na okay pa ako." Pagdadahilan ko. Sigurado na kapag sinabi ko sa kaniya ang totoo ay tatawan lang din niya ako gaya ng mga kaibigan ko.
Nagparte ang labi niya at utay-utay na tumango. Napansin ko na may hawak-hawak din siyang papel gaya ko, "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Iniba ko ang usapan.
Itinaas ni Mikhael ang papel na hawak niya, "Testosterone test ko, mataas kasi sperm count ko at masyado rin mataas ang pheromone hormones ko." Sagot niya at bahagyang napakunot ang noo ko.
"Ha? 'Di ba delikado yung ganiyan? Kailan pa 'yan?" Taka kong tanong. Narinig ko na ang bagay na 'yan. May Alpha akong kaibigan noong first year na nagkaroon din ng ganiyang kondisyon. Nag-transfer out tuloy siya para malapit lang sa bahay nila sa Benguet.
"Last week lang ako nakaramdam ng symptoms. Pero nag-collapse kasi ako kahapon habang nagba-basketball. Ngayon ko lang nakuha yung results." Sagot niya at utay-utay akong tumango.
"Mikhael Zamora?" Parehas kaming napalingon nang tawagin ng nurse ang pangalan niya.
"That's me. Gusto mo bang ihatid na kita pauwi? Baka hindi naman gaano magtagal yung check-up ko." Alok niya at agad akong umiling.
"Hindi na, uuwi na rin ako." Sagot ko, at tumango si Mikhael, "Aight, see you sa Wednesday," paalam nito, at tumango lang ako bago siya tinalikuran at naglakad na paalis.
Kinabukasan ay sumama ako sa rally para sa first day ng Feb Fair. Late na rin nang makarating sina Faith at Lexi at patapos na ang rally dahil may mga klase pa ito. Pagsapit ng dilim ay saka naman dumating si James dahil hanggang alas sais ay nasa upper campus pa ito at wala rin siyang masakyan na jeep pababa.
"Pumunta ka sa rally?" Tanong ni James habang kumakain kami ng shawarma at naglalakad-lakad. Nag-hum ako habang hinahabol ng bibig ang puting sibuyas muntikan nang mahulog mula sa shawarma ko.
Pagkaubos namin ng shawarma, bumili naman kami ng Ilocos empanada. At pagkatapos ay nagkaayaan naman kaming mag-bingo.
Nagkakasiyahan na kami sa bingo at nakakapanalo na rin kahit papaano nang bigla akong sikuhin ni James.
"Hindi kayo nagkita ni Mikhael?"
Natigilan ako at ganun din sina Faith at Lexi sa kaliwa ko. Namilog ang mata ko at nilingon si James na pakurap-kurap lang sa tabi ko habang nakatingin sa akin.
"Ha?" Halos manginig ang boses ko.
"Mikhael? Sinong Mikhael?"
"Yung Alpha na Mikhael?"
Natigilan ako sa tanong nina Lexi at Faith. Sila naman ang nilingon ko at nagpilit ng ngiti. "A-Ah... Oo," nagpeke ako ng tawa, "Inaya niya kasi akong... pumunta sa Feb Fair pero... ano- uhm, hindi ko na-confirm sa kaniya-"
"Inaaya kasi siya nung Mikhael na mag-date ngayong Feb Fair. Kaso mukhang hindi siya sinipot." Dire-diretso ang bunganga ni James at walang kapreno-preno.
Ilang segundo kaming nagkurapan ni James at mukhang wala sa isip niya ang mapagtanto ang ginawa niya.
Bahagyang napaurong ang katawan nito palayo sa akin, "Hindi ba alam nila Faith at Lexi?" Tanong niya, nakaturo sa dalawa sa likod ko.
Minulagatan ko ito ng mata bago nag-amba na susuntukin ito sa tagiliran na agad naman niyang ikina-igtad.
"May something na kayo nung Mikhael na yun?"
Agad akong napalingon kay Lexi nang magsalita ito. Umiling ako, "Wala, ah! Laro 'yang si James!" Singhal ko agad. Nagtunog defensive pa nga.
Napahalakhak si Lexi habang si Faith, itong kunot-noong nakatingin sa akin, at mukhang nandidiri pa.
"Yieee!! Lumalandi ka na?! -"
"Hindi!" Agad akong napasigaw sa pang-aasar ni Lexi. "Eh, inaaya ka na mag-date, eh! Ano 'yan?! Foodtrip?!" Singhal nito at agad akong napahilamos sa mukha.
"Awan! Hindi ko alam! Hindi naman niya nilinaw at hindi ko rin na-gets! Basta nag-aya siya, ganun." Natataranta ako bigla. Baka kasi kung ano ang isipin nila sa amin ni Mikhael at ayaw ko lang magsimula ng rumor o misunderstanding.
Narinig kong humagikhik si Faith bago napahilamos sa mukha at umiling, "Ang OA mo, Migs. Nagtatanong lang naman kami. Masyado kang defensive, akla! At isa pa, lumandi ka rin talaga! Ga-graduate na tayo!" Hirit ni Faith na ikina-angat ng gilid ng labi ko.
"Saka na, kapag may trabaho na." Ani ko bago nag-ayos ng upo at muling humarap sa lamesa.
"Ay wow, ganyan din sabi sa atin noong high school. Sa college, marami ka pang makikilala, pero anong nangyari?! Puro taken! Sige ka, kapag naghintay ka pa hanggang sa magkatrabaho ka, kapre talaga mapapangasawa mo!" Singhal ni Lexi na ikinahagalpak naming apat ng tawa.
Alas onse na nang magkaayaan kaming umuwi. Sa may bandang Oblation Park kami naghiwa-hiwalay dahil sa loob lang naman ng campus nakatira si Faith habang si Lexi ay sa malayo pa at ganoon din si James.
Dahil lampas na sa curfew sa Raymundo Gate, kinailangan ko nang lumusot sa ilalim at nag-ala-Spiderman para lang maka-uwi. Ayan, layas pa.
Hinabol ko ng tingin si Mikhael nang pumasok ito sa classroom kinabukasan. Iniisip ko ang sinabi ni James kagabi na hindi raw ako nito sinipot kahit ang totoo ay hindi naman ito nagparamdam o nag-aya sa akin kahapon.
Baka... busy? Baka may ibang kasama? Baka may ibang naaya?
"Nakita ko kayo kagabi sa Feb fair," natauhan ako bigla nang magsalita ito pagkaupo sa tabi ko.
Mabilis ko itong nalingon habang nakaparte ang mga labi at kumukurap-kurap, "Andun ka kagabi?" Taka kong tanong.
Tumango si Mikhael, "Yeah, nag-message kasi ako sa'yo kaso hindi ka sumagot. So pumunta ako just in case na... makita kita." Ani niya na ikinaparte ng labi ko.
"Nag-chat ka?" Taka kong tanong at tumango ito. "Check your phone, nag-deliver yung messages ko, eh." Ani niya at agad kong binulatlat ang Messenger ko.
Nahulog ang panga ko nang makita ang messages niya kagabi na kasagsagan kaming kumakain at nagbi-binggo.
"Shit," bulong ko. Ibinaba ko ang cellphone ko at nagbalik ng tingin kay Mikhael na bahagyang naka-angat ang gilid ng labi at ang magkabilang kilay, "Nakita mo na?" Tanong niya at utay-utay akong tumango.
"Sorry, Mikhael, hindi ko nakita. Mahina rin kasi talaga yung signal sa F-park kagabi at... nagkasiyahan kami nila James kaya hindi ko napansin." Ani ko at tumango si Mikhael.
"It's fine, gets naman na mahirap na rin talaga mapansin ang phone kapag nasa fair." Ani niya at utay-utay akong tumango.
Naka-guilty naman. Siguro, sign na kagabi yung binuko ako ni James kina Lexi at Faith kagabi. Dapat tiningnan ko ang Messenger ko at nagkabakasakali.
Ayan, binggo pa, olats naman!
"Free ka ba tonight? Tara, nood tayo." Ani ko at muling nagbaling ng tingin sa akin si Mikhael.
"May exam ako tomorrow morning, eh." Sagot niya at nagparte ang labi ko bago utay-utay tumango, "Sige, next time nalang." Ani ko bago nag-ayos ng upo lalo pa at pumasok na si Ma'am ng classroom.
Bago pumunta sa Copeland ay sumaglit ako sa loob ng Raymundo dahil nag-c-crave ako ng turon. Pagkabalik ko sa campus ay sumakay na ako ng jeep dahil wala ako sa mood na maglakad.
"Mahimatay, pangit, ha."
Naririnig ko ang kulitan nila Karl at Mikhael habang nag stre-stretching kami para sa HK. Naghagikhikan silang magkakaibigan at sa hindi inaasahan ay napatingin sa akin si Mikhael. Nahuli niya akong nakatingin sa kanila at bigla akong nataranta at nag-iwas ng tingin.
Nahimatay nga pala siya noong nakaraan? Ano nga ulit nangyari sa kaniya? Nakalimutan ko na.
Nagkaroon kami ng short play ngayong araw. At salamat naman na kahit Omega ako ay may kumuha pa rin sa akin bilang kagrupo nila.
"Migs 'no?" Tanong ng isa kong kagrupo habang naghahanda kami dahil kami na ang sunod na lalaro.
Tumango ako, "Ano nga ulit pangalan mo? Sorry, hindi ko kayo gaanong kilala." Nahihiya kong sabi at bahagyang ngumisi ang lalaki.
"Diego. May background ka ba sa basketball or anything?" Tanong niya at naipit ko ang labi ko bago umiling.
"Wala pero... may sports naman ako noong high school, so hindi rin ako ganun kahina kahit Omega ako." Sagot ko at biglang nagparte ang labi niya.
"Omega ka? Gagi, hindi halata!" Bahagya ako nitong siniko sa braso at medyo masakit iyon.
Napakamot ako sa batok, "Bakit hindi halata?" Curious kong tanong.
Nakita ko ang mata niya na nagbaba-taas ng tingin sa akin, "Hindi ka ganun ka feminine. Pero napansin ko rin ngayong lang na ang soft ng features mo." Sagot niya at nahihiya akong ngumisi bago tumango.
Nang oras na namin maglaro ay sinusubukan ko namang makipagsabayan sa kanila. Iyon nga lang ay talagang mga agresibo silang kumilos at mas mabilis na tumakbo kaysa sa akin. Pero ang mahalaga ay nakakasabay ako, maalam mag-dribble, at higit sa lahat, nakaka-shoot ako.
"Nice one, Migs!" Tinapik ni Diego ang balikat ko.
"Salamat," nahihiya kong sabi bago nagpahid ng pawis gamit ang kamay.
"Wooh!! Grabe! Ang galing mo, Migs!!" Napalingon ako sa gawi nila Karl na nagsisigaw. Nagche-cheer ito sa akin kasama si Gen na medyo ikinahiya ko pa.
Kalma, dos lang yun, kung maka-cheer sila akala mo na-shoot ko mula half court, eh.
Nanalo naman kami at sa buong laro ay naka 7 points lang ako. Nauna na rin akong magbihis dahil alam kong magsasabay-sabay nanaman sila at malulunod nanaman ako sa pheromones ng mga ito. Nauna rin akong umalis at maagang nakauwi sa dorm para maligo at magpahinga.
Alas nuebe na nang mag-aya sila Lexi na lumabas. Noong una ay tinatamad pa ako pero nang maalala na tutugtog ngayon ang Fitterkarma ay dali-dali akong pumunta sa campus.
As usual, walang katapusang shawarma ang kinain namin. Bumili rin kami ng buko juice at nagpalipas-oras ulit sa bingohan habang hinihintay na Fitterkarma na ang tutugtog.
Mag a-alas dos nang lumabas ang Fitterkarma. Kahit malayo-layo ay natakbo namin iyon at nakalapit sa stage nang tama sa oras.
"Sa mga kalsada ng Siquijor!~~" Sinasabayan namin ang kanta at halos hindi na namin makita ang mga tao sa stage.
Kaniya-kaniya kaming tono ng kanta nila Lexi habang si Faith itong videographer namin. Puno nanaman ang IG story ng isang yun, akala mo'y PowerPoint presentation sa sobrang dami.
"Kanibalismo!!~ 'Di ka matiis! Kapag inalis mo! Ika'y mamimiss!~" Sinusuntok-suntok pa ni James ang dibdib niya na para bang dumaan ito sa madugong break-up.
Habang sinasabayan ko ang kanta, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa na agad kong kinuha.
Namilog ang mga mata ko nang makita kong tumatawag si Mikhael sa Messenger.
"Wait lang," inalis ko ang kamay ko sa balikat ni Lexi at bahagyang lumayo bago sinagot ang tawag.
Idinikit ko ang speaker ng cellphone ko sa tenga, "Hello? Mikhael? Napatawag ka?" Sagot ko rito. Mas nangingibabaw pa rin ang tugtog sa kaliwang tenga ko.
Napakunot ang noo ko nang hindi agad siya sumagot, pero may naririnig din akong ingay sa linya niya.
Parang... parang parehas lang ng naririnig ko sa kabilang tenga ko.
"Hello?" Inalayo ko sa tenga ko ang cellphone para tingnan kung buhay pa ba ang tawag. "Mikhael?" Sigaw ko rito.
Napakunot ang noo ko nang marinig ang hagikhik nito, [Ang cute mo diyan sa bonnet na suot mo ngayon. Smile ka nga.]
------
a/n: uyyy, nakakasampung chapters na hahahaha, ayun, sorry dahil naka-focus ako ngayon sa WOLC ko, goal ko kasi tapusin bago ulit ako maging alipin ng UP kkskksksk.
Okay lang naman yung chapter 'no? Malaman naman. May... mga discovery? HAHAHAHAH, ayun, sana na enjoy niyo!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co