Chapter 11 - Date
Mikhael's POV
[Malas mo naman, Miks! May exam ka pa bukas! Kaya mo na yun, ih! 'Wag ka na mag-review!]
Walang tigil ang pangungulit sa akin ni Leon sa call. Kanina pa ito tawag nang tawag sa akin at kanina ko pa rin siya hindi pinapansin, pero paano ako makakapag-focus sa inaaral ko kung tunog nang tunog ang cellphone ko?
Napa-iling ako habang pinapatok ang kuko sa lamesa, "Baliw, hindi ko kaya yun, BioChem, yun, Leon." Ani ko habang inuulit-ulit na basahin ang reviewer ko.
[Awit! Pero pag-isipan mo pa rin! Mga 2am pa naman siguro sila magpe-perform. Habol ka, pre!] Ani niya at nag-hum ako, tutok na tutok sa monitor.
"Oo, oo, tingnan ko." sagot ko rito,
[Gege, bye,] pinatay na nito ang tawag.
Ipinikit ko nang mariin ang mata ko bago napahilamos sa mukha. Dinampot ko ang vape ko na nasa tabi lang ng mouse ko at humipak ng sapat lang na aabot sa baga ko.
Napatingala ako sa kisame at ibinuga ang usok na amoy mint. Inikot-ikot ko ang sarili ko sa bangko at ipinahinga ang mga mata ko ng ilang minuto bago ipinagpatuloy ang pagre-review.
Alerto ako sa oras dahil baka abutan ako ng alas dose.
"Fucking finally,"
Thankfully, I was able to finish studying by 11:30. I couldn't say I'm confident for the exam tomorrow, but it's enough for me to blurt everything out on paper and practice some sample questions.
After I turned off my PC, I immediately put on a thick hoodie since it's cold outside and grabbed my phone, keys, and wallet. I rushed out of my apartment and made sure I locked the door and gates before hopping in my car.
I was starting my engine when I suddenly had the urge to check my phone.
While heating up the car, I scrolled through Messenger to see if someone had messaged me while I was drowning in my reviewers for the past 3 hours.
My eyes caught Miguel's name, and I unconsciously tapped on it. It was still my messages I sent last night that he had read hours later.
I wanted to message him again, ask if he's watching at the fair, but I'm afraid he has poor signal just like last night and won't see it. I turned off my phone, tossed it to the passenger seat, and drove off.
I parked meters away from the park since there's a lot of people walking by and there's probably no available parking spaces near the fair anyway.
I checked my watch when I stepped out of the vehicle: 11:43; I still have time.
I called Leon to ask him where they are. He said they're eating on one of the shawarma stalls, but since there's heck a lot of stalls that sell shawarma, he told me to meet them at the humongous, inflated Gardenia at the center of the park.
I found them by 11:54. My heart was already beating fast, and it was probably obvious since Gab looked concerned.
"Nood tayo doon, Miks? Oh, gusto mong kumain?" tanong ni Gab.
I unconsciously looked at my watch again, 11:55, shit. "I-I... I-I don't know-"
"Rides, mag-r-rides si Mikhael." Hinigit ni Leon ang kamay ko at dali-dali kaming pumunta sa may mga rides.
Titingnan ko sana ulit ang relo ko nang pigilan ako ni Xian at hinawakan ang braso ko hanggang sa makasakay kami sa rides.
The tension was gone the moment the boat started swaying. My heartbeat somehow calmed down as my friends started shouting and screaming even though the swaying of the boat was minimal.
Until I completely forgot about time. We were screaming like maniacs, drawing attention from the people around. And in the middle of the chaos and shouts from my friends, my mind was at peace for that exact moment.
And for the rest of the time while waiting for FitterKarma to perform, we ate, took the rides, and played at the fair until it was finally time for the band to perform.
Hindi na kami nakipagsiksikan sa crowd dahil dinumog talaga ito. Naging sensitive pa si Xian dahil may naamoy siya kaninang Omega na medyo ikinahihilo niya.
We were jamming meters away from the stage, singing and swaying our hands in the air when I caught a familiar stance.
I squinted my eyes, and despite the distance and poor lighting, I was able to recognize Miguel.
A smile grew on my lips before I immediately pulled my phone from my pocket. Thankfully, there was a signal here, I immediately called him and pressed my phone against my ear.
I watched him as he noticed my call and answered it. [Hello? Mikhael? Napatawag ka?] His voice was loud, shouting.
I didn't answer yet and stopped myself from giggling.
[Hello?] Nakangisi ako habang pinapanood siya. [Mikhael?] Sigaw nito at hindi ko na napigilan ang sarili kong humagikhik.
"Ang cute mo diyan sa bonnet na suot mo ngayon. Smile ka nga." Nakasuot siya ng knitted bonnet na color green, yellow, at white.
Nakita ko itong natigilan at biglang naglibot ng tangin, [What the fuck?! Paano mo nalaman?!] Sigaw nanaman ito at naglakad-lakad habang patuloy ang ikot ng tingin.
"Yung kaibigan mo ba 'yon?" Tinapik ni Xian ang balikat ko at itinuro si Miguel na palakad-lakad. Lumalayo pa siya lalo kung nasaan kami.
Natawa ako, "Oo," sagot ko kay Xian bago pinatay ang tawag.
"Miguel!" Sigaw ko bago tumakbo palapit sa kaniya para habulin ito. At kahit papaano, sa ingay ng paligid, narinig niya ako.
Agad namilog ang mata nito nang makita ako. "Akala ko ba may exam ka?" Tanong nito, kunot ang noo at mukhang naguguluhan.
Tumigil ako sa harap niya at nagkibit-balikat, "I finished my reviewer just on time, so I decided to stop by and watch." Sagot ko at nagparte ang labi ni Miguel bago utay-utay tumango.
"Kadadating mo lang?" Tanong niya at agad akong umiling.
"Hindi, kanina pa before 12." Sagot ko at utay-utay itong tumango.
I was quick enough to catch the glimpse of disbelief in his eyes.
My lips parted, "Wait, I didn't mean to purposely reject you yesterday. I didn't actually think I'd finish reviewing before twelve, and I was also... not... I mean, I also wanted to go out but, I-"
"Mikhael, Mikhael, kalma. Hindi ako nanghihingi ng paliwanag." Putol sa akin ni Miguel.
Kumawala ang isang pagak na tawa sa bibig ko bago napakamot sa batok, "Sorry, it's just I suddenly felt guilty for saying I'll be studying, then I came here and didn't inform you." I admitted.
Kumunot ang noo ni Miguel bago tumawa, "OA mo, Mikhael. Kasama ko kaya mga kaibigan ko. Hindi naman kita naisip kanina." Dagdag niya bago ako hinampas sa braso.
Nagparte ang labi ko bago napatawa nalang din nang pagak dahil tinatawanan niya ako.
"Ganito nalang, ano... ahm," napasaltik ito ng dila, "Bawi ka nalang sa Saturday. Last day na 'yon, ha! Libre mo 'ko." Ani niya, at agad akong tumango.
"Sure, anong gusto mo? Shawarma?" Nakangisi kong tanong. Agad ngumiwi ang labi ni Miguel bago ako ulit hinampas sa braso, "Mapupurga na ako ng kaka-Shawarma, Mikhael. Iba naman!" Ani niya, napahagikhik ako bago tumango.
"Alright, alright, something else? What else haven't you tried?" I asked, crossing my arms.
Napakamot si Miguel sa batok, "Ano... siguro ano- KALAPASTANGAN NA!!"
Napaigtad ako nang bigla itong sumigaw at tumakbo pabalik sa mga kaibigan niya. Napangisi ako bago umiling. Bumalik ako kina Xian at nanood ng performance. Hindi na ulit bumalik si Miguel sa akin pagkatapos. Nawala siguro ako sa isip niya.
"Musta exam?" Tanong sa akin ni Gab nang ilapag namin sa lamesa ang binili naming tanghalian.
Napabuntong-hininga ako bago inilapag ang bag sa katabing bangko, "End the sem," sagot ko na ikinahagalpak nila ni Xian ng tawa.
"Midterms palang 'yon," ani ni Xian at napahilamos ako sa mukha.
"Midterms palang ' yon? Akala ko katapusan ko na." Sagot ko bago sumubo ng pagkain.
"Humble o hambog? Tapos top notcher nanaman, 'yan siya." Ani ni Gab na ikinahagikhik namin na tatlo.
"Puyat pa," ani ko habang ngumunguya.
Narinig kong sumingal si Xian, "Napupuyat ka pala? Akala ko aswang ka na." Ani nito na ikinahagikhik naming tatlo.
Pagkatapos naming kumain ay sumaglit muna kami sa Raymundo para manigarilyo. Quarter to 1PM ay bumalik na rin kami sa loob ng campus at inihatid ko pa silang dalawa sa mga klase nila bago ako nakapasok sa klase ko.
Vacant ako ng 3-4 kaya umidlip muna ako sa sasakyan. Alas quatro ang huli kong klase at hanggang 5:30 iyon. Muntik-muntikan pa akong makatulog sa room. Ilang beses kong sinampal-sampal ang sarili ko para lang magising ako.
"Malas, amputa." Mura ko nang mahulog pa ang susi ng sasakyan sa may kanal. Mabuti nga hindi nahulog sa mismong kanal! Nakakainis lang na nahulog pa, kitang uwing-uwi na yung tao.
Nagluto ako ng chopsuey pag-uwi at kumain habang nanonood. Pagkatapos ay naghugas ako ng pinagkainan at mga pinaglutuan bago naglinis nang kauntian at naligo na. Umakyat na ako sa kwarto at nag-review na para sa kasunod kong exam sa Lunes.
As expected, bandang alas diyes ay nag-aya si Leon. Walang sinabi kung saan, basta nasa labas daw sila ng subdivision sa may 7-Eleven.
Napahilamos ako sa mukha bago ko pinatay ang computer at nag-jacket lang bago lumabas ng apartment dala ang sarili ko, wallet, cellphone, at susi.
Natanaw ko agad ang mga ito sa labas ng 7-Eleven. Nang makita ni Xian ang sasakyan, agad itong tumayo, at ganoon na rin sila Gab at Leon.
"Busy ka?" Tanong ni Leon pagkapasok.
Umiling ako habang nakatingin sa side mirror para tingnan kung may sasakyan ba sa likod, "Hindi naman, nagre-review lang." Sagot ko bago nagmaneho paalis.
"Sa'n tayo?" Tanong ko sa mga 'to. Obviously, hindi lang bar ang nasa isip ng mga ito. Pinagdala ba naman ako ng sasakyan.
"Nag-c-crave daw si Gab ng bulalo, specifically sa Tagaytay." Sagot ni Xian na ikinasinghal ko.
"Putanginang craving 'yan, Tagaytay pa amputa! Bumili ka ng cup noodles, boom, bulalo!" Ani ko na ikinahagalpak naming apat ng tawa.
Mabilis lang ang biyahe namin papunta sa Tagaytay. Halos paliparin ko rin ang sasakyan dahil natatakot akong abutan sa pagmamaneho.
"Anong sa inyo? Sagot ko," tanong ni Gab nang makarating kami sa kainan na nagtitinda ng bulalo.
Agad akong umiling, "Kahit ano na sa akin," sagot ko habang nakapamulsa at pinapatok-patok ang sapatos sa sahig. Um-order sina Xian at Leon ng ibang pagkain at beer.
Okay pa ako habang nagso-scroll sa Facebook at sa Freedom Wall ng UPLB. Dumating ang pagkain at excited na excited pa akong humigop ng sabaw nang bigla kong mabitawan ang kutsara.
"Tangina...!" Muntik-muntikan pa akong matumba sa pagmamadaling makatayo sa bangko.
"Miks! Miks!" Naririnig ko ang sigaw ng mga kaibigan ko, pero nagsimula nang mangibabaw ang static na tunog sa tenga ko.
"Fuck!" Fuck!
Natisod ako sa batuhan sa labas ng kainan, unang bumagsak ang magkabila kong kamay kasunod ang mga tuhod ko.
"Mikhael!!" Tawag ng isa sa mga kaibigan ko.
Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko at animo'y pagsasara ng lalamunan ko.
"Mikhael! Breath! Breath!" Someone grabbed my shoulder, shaking me as if it'll help.
The static sound. It keeps on getting louder and louder. A car passed by the road, and the moment the lights hit my face, it felt awfully familiar.
"Ah!!" I dropped to my back, my bum pressing against the rocks on the ground.
"Mikhael! Huminga ka!" Kinwelyuhan ako ni Xian. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko, ang paninikip ng lalamunan ko at pagkaubos ng hangin sa katawan ko.
They were all looking at me, facing me. And I feel so little. I feel so helpless.
"Mikhael,"
"Miks!"
"Miks, nasa Tagaytay ka!"
I lowered my head. When I heard a faint voice on my left, I looked at it, then to the right, then left again.
I felt a sudden sting on my hands, and I immediately looked at it.
My vision started playing on me. I know it's playing tricks on me again because it keeps on flashing the same bloody hands from that night as I look into my hands.
"Tangina-" bigla akong binuhat ni Xian mula sa lupa bago sinapak.
"Mikhael! Gising!" Sinapo nito ang magkabila kong pisnge.
"Nasa Tagaytay tayo, Mikhael! Wala sa bahay niyo! Wala sa mansyon! Nasa Tagaytay! Andito tayo sa..."
"Sa Nanay Sita's Eatery! Bulalo, Miks! Yung bulalo lalamig! Naghihintay sa lamesa!"
Inalog-alog nito ang mukha ko. Pinipilit na sa kaniya lang ako nakatingin, "Mikhael," tiningnan ako nito nang diretso at malalim sa mata.
"Snap out of it, Mikhael. Matagal na panahon na 'yon at wala kang kasalanan, okay?" Malambing ang pagkakasabi nito.
Naramdaman ko ang paggaan ng pakiramdam sa dibdib ko. Ang pagbagsak ng balikat ko at ang muli kong paghinga.
Nawala ang static, nawala ang parang itim na frame sa paningin ko.
Natapos na, 12:01 na.
Inalalayan ako nila Gab pabalik sa lamesa. Ang ibang kumakain ay nakatingin sa amin at nagbubulungan. Nakatungo akong naupo sa bangko at dinampot ang kaninang naibagsak kong kutsara.
Nakakahiya. Pero mas nakakawala ng ulirat ang ma-torture nang ganito.
Wala sana akong balak pumasok kinabukasan. Bukod sa puyat sa pagpunta namin sa Tagaytay kagabi, hindi ko alam kung paano ko itatago ang pasa sa kaliwang pisnge ko.
Si Xian naman kasi, eh, masyadong nilakasan. Alam kong binigyan ko siya ng consent na sapakin ako kapag inaatake ako, pero 'wag naman sana yung malakas.
Dahil malamig-lamig pa naman ang panahon ay nag-hoodie nalang ako papasok at sinigurado na kahit papaano ay natatakluban nito ang mukha ko. Nakasalamin din ako na may makapal na frame, dagdag pantakip.
Na-late ako ng ilang minuto sa pagpasok. Nasa classroom na ang prof at nagtuturo na ito nang maupo ako sa tabi ni Miguel na nakahalumbaba sa bangko niya at halatang puyat din.
"Pumunta ka sa fair kagabi?" Bulong ko rito,
Tumango ito habang nagsusulat, "Hindi ko na natapos. Nahilo ako sa pheromone nung isang Alpha." Sagot niya at nag-hum ako bago nagbalik ng tingin sa unahan.
Nagka-activity pa kami sa klase, kahit tuloy walang gana at napilitan akong mag-participate at mukhang ganun din si Miguel.
Paakyat ako ng hagdan nang may humigit sa bag ko, paglingon ko rito ay si Miguel ito na mukhang natisod sa hagdan at muntikan nang matumba.
Agad ko itong hinawakan sa braso para alalayan, "Anyare?" Natatawa kong tanong rito.
Nag-angat ito ng tingin at magkasalubong pa ang kilay, pero biglang namilog ang mga mata nito at nagparte ang labi, "Ikaw? Anyare sa'yo?" Tanong nito bago tumayo nang diretso.
Agad kong napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin at agad siyang binitawan, "Wala, okay lang ako." Ani ko, bago siya tinalikuran at naglakad paakyat ng hagdan.
"Mikhael!" Narinig ko ang tawag nito sa likuran ko, kaya mas binilisan ko ang lakad, pero naabutan pa rin ako nito.
"Bakit ka may pasa sa mukha?" Nagulat ako nang bigla akong nitong higitin sa braso at iniikot paharap sa kaniya.
Agad kong hinigit ang hood ng jacket ko, "Wala 'to-"
"Ay, wow, ginagawa niya akong tanga." Ang lutong ng pagkakasabi niya nito na muntikan kong ikahalakhak.
"Wala nga, pasa lang 'to." Sagot ko bago nagpamulsa sa hoodie.
Napakamot si Miguel sa kilay niya, "You're telling me na bigla nalang 'yan tumubo sa mukha mo? Ayos, ah." Sarkastiko niyang sabi na ikinatawa ko at umiling.
"I got into a little fight and... that's it. Nasapak ako." Pagdadahilan ko at pinanliitan ako ng mata ni Miguel.
"Nakaganti ka naman?" Tanong niya at kumunot ang noo ko. "What?"
"Yow! Miks!" Parehas kaming napalingon ni Miguel kina Xian na naglalakad pababa ng hagdan.
"Uy! Migs! Andito ka rin!" Nakangiting sabi ni Leon.
Tumango lang si Miguel. Base sa ekspresyon niya, mukhang hindi na maganda ang mood niya.
Narinig kong humagikhik si Xian bago humakbang palapit sa akin at hinawakan ang hood ng jacket ko, "Patingin nga ako ng artwork ko. Wow, ube na-aray!" Humagikhik ito matapos kong hampasin ang kamay nito.
"Siraulo ka talaga," ani ko bago inayos ang pagkakasuot ng hood sa ulo ko.
Nakabungisngis kaming tatlo nila Leon nang mapatingin ako kay Miguel na diretso ang tingin kay Xian at mukhang hinuhusgahan na nito ang buong pagkatao nito, "Uhm... Miguel," tawag ko rito.
Nilingon ako nito, "Yeah?" Nakataas ang magkabilang kilay.
"Are you okay?" I hesitantly asked.
He nodded, "Oo, okay lang. Una na ako," ani nito bago kami tinalikuran at naglakad na paalis.
Bago pa ako makapagsalita ulit ay natangay na ako ni Leon papunta sa Vega para kumain ng meryenda.
Nang datnan ko si Miguel sa classroom sa Copeland ay nakasuot ito ng earphones niya, naka-cross ang braso at nakatulala sa sahig.
My lips opened, I wanted to say 'hi' but I hesitated since he looked mad as fuck. I quietly sat next to him as if I'm some sort of ninja sneaking in.
I pulled my phone out of my pocket and opened Facebook when Miguel suddenly spoke.
"Yung kaibigan mo yung sumapak sa'yo?" Tanong nito, nakaharap ang buong katawan sa akin at kunot ang noo.
I was taken a back with his sudden question. My lips parted, "U-Uh... uhm..." I don't know what to say!
Binasa nito ang labi niya bago umiling. "Nevermind, Mikhael. Sorry, ang pakialamero ko dun. Okay lang kung hindi ka magsabi. Sorry, akin." Ani nito bago nag-ayos ng upo.
Nag-panic ako bigla, "Wait, no, hindi sa ganun, Miguel." I removed the hood of my jacket.
"We just had a little... situation and... Xian had to knock the shit out of me so he punched me."
Nakita kong ngumiti siya, pero yung pilit, bago umiling, "No need to explain, Mikhael." Maikli niyang sagot bago nagbaba ng tingin sa cellphone niya.
I let out a sigh and leaned on my chair. Is he mad? Why is he mad? Is he concerned? Nag-aalala ba siya sa akin? Okay lang naman siya mag-alala, okay lang.
Miguel didn't speak to me or even spare me a glance during our activity for this course. Or maybe I am over-analyzing things because he looks okay while chatting with our other classmates. I couldn't say he's ignoring me too since we bumped into each other while playing and he even held my arm so I wouldn't lose balance.
But why do I feel like there's a thick atmosphere around us?
"Saan ka mamaya, Mikhael?" Tanong ni Karl habang nagbibihis kami.
Lilingunin ko na siya nang makita si Miguel na lumabas ng isang cubicle, dala-dala ang bag niya, at mukhang pauwi na.
"Ha?" Nilingon ko si Karl bago dali-daling isinilid sa bag ko ang damit na hinubad ko, "Una na ako, pre. Bye." Paalam ko rito bago dali-daling lumabas ng banyo at hinabol si Miguel.
Naabutan ko na ito sa labas ng gym, "Miguel!" Tawag ko rito bago tinakbo ang ilang metro naming distansya.
"Bakit?" Tanong nito nang maabutan ko na.
I adjusted my bag on my shoulder, "Are you mad?" I directly asked.
His brows furrowed, "Ha? Hindi, ah! Bakit naman ako magagalit?" Natatawa nitong tanong habang inaayos sa balikat niya ang bag.
I scratched the back of my head, "It's just... you were looking intensely at Xian this afternoon, then I could also feel a tension around us too, so..." I shrugged.
He squinted his eyes, then laughed a few seconds after. "People-pleaser ka nga pala," ani niya, na medyo ikinaparte ng labi ko.
"Okay, sige, sasabihin ko na," ani niya bago ihinarap ang buong katawan sa akin.
I straightened my back to listen to what he's gonna say.
Isinaltik nito ang dila niya, "Siguro... nainis lang ako na sinapak ka ng kaibigan mo tapos ganun siya umasta kanina. Parang hindi siya na-guilty sa ginawa niya." Ani nito bago humakbang palapit sa akin.
He reached for my face and held my chin, turning my face to the side to look at the bruise on my face. "Tingnan mo nga 'yang mukha mo, oh. Ubeng-ube. Nag-sorry na ba manlang sa'yo si Xian?" Tanong nito.
It was my eyes that only looked at him since he was holding my face tightly. I swallowed the lump in my throat, "He... didn't, but-"
"Kita mo na. Sabihin mo, mag-sorry siya. Tatanda niyo na, nagsusuntukan pa kayo. Gumanti ka ba? Dapat gumanti ka." Ani niya, parehas naming ikinatawa.
Binitawan na nito ang mukha bago inayos ang bag niya, "So gumanti ka ba?" Ulit nitong tanong. Pang-ilang tanong na niya 'yan.
Umiling ako na ikinabuntong-hininga ni Miguel, "Nagpapakawawa ka doon. Apex Alpha ba 'yon?" Tanong niya at napangisi ako bago umiling.
"Kita mo na. Kayang-kaya mo 'yon kung tutuusin." Ani niya, na ikinabungisngis namin parehas.
Parehas kaming napalingon nang marinig sila Karl na tawagin ang pangalan ko.
"Akala namin umuwi ka na." Ani nito nang maabutan kami, hinihingal pa siya.
Napalingon ito kay Miguel, "Okay lang si Migs?" Tanong nito at agad namang tumango si Miguel.
"Yeah, okay lang ako. May pinag-usapan lang kami ni Mikhael." Ani nito bago tumingin sa akin. Agad naman akong nagbalik ng tingin kina Karl.
"Una na ako, pagod din kasi ako, eh." Paalam ni Miguel, kaya muli akong nagbaling ng tingin sa kaniya.
Nagpaalam na sina Karl, Gen, at Phil kay Miguel habang ako itong natuod sa kinatatayuan ko.
Nakaka-ilang metro na ng lakad si Miguel nang saka lang ako nagkalakas ng loob na tawagin ito, "Miguel,"
Natigilan ito sa paglalakad at nilingon ako, "Bakit?" Sigaw nito.
Napalunok ako ng laway, "Anong oras tayo bukas?" Tanong ko rito.
Naaninag ko pa na kumunot ang noo nito bago kumiling ang ulo, "Chat-chat nalang tayo mamaya o bukas. Basta gabi na tayo pumunta." Sagot nito at nagparte ang labi ko bago tumango at kumaway na sa kaniya.
Tinatanaw ko pa ito hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko nang bigla akong akbayan ni Karl, "Ano yun? Anong ganap niyo bukas? Date yun 'no?!" Nanlaki ang mata nito bago ako sinakal, "Gago! Valentines bukas! Lala! Sabi na, trip mo si Migs, eh!" Sinakal-sakal ako nito, kaya agad kong inalis ang braso nito sa leeg ko.
"Ingay mo, Karl!" Singhal ko rito bago kinuha sa bulsa ang susi ng sasakyan.
"Sasakay ba kayo o hindi?" Tanong ko rito bago naglakad paalis.
Dahil Biyernes ay maaga kami nila Gab sa Puesto. Isinama ko na rin sila Karl dahil kahit papaano ay magkakilala na naman sila nila Gab at Xian.
"Ay, Xian," tawag ko rito nang may maalala.
"Sabi ni Miguel, mag-sorry ka raw sa'kin kasi sinapak mo 'ko." Ani ko bago inilapag ang baso sa lamesa.
Nagkatinginan sila Karl at halatang gulat na gulat, "Siya gumawa sa'yo niyan?" Tanong ni Karl, sabay turo kay Xian.
Napabungisngis si Xian bago umiling, "May consent mo naman ako, ah." Ani niya at tumango ako, "Oo nga, pero sabi ni Miguel, mag-sorry ka raw." Ani ko, bago muling sumimsim ng alak.
Napahagikhik si Xian, "Fine, fine, I'm sorry for punching you. But you damn well know it's for your own good. Kung hindi kita sinapak, baka kung napaano ka kagabi." Sagot nito at tumango ako pati sila Gab at Leon.
"Inatake ka kagabi?" Tanong ni Phil at tumango ako, "Inabot ako sa Tagaytay." Sagot ko bago sumubo ng nachos.
"Ay! Speaking of Miguel!" Pumalakpak bigla si Karl, na ikinalingon namin lahat sa kaniya.
"May date sila ni Miks bukas." Ani nito, sabay turo sa akin.
Namilog ang mga mata nina Gab at Xian habang si Leon itong nasamid sa alak, "Naks! You date now? With an Omega?! For real?!" Leon exclaimed, wiping the side of his lips.
I chuckled before shaking my head, "It wasn't a date. Pupunta lang kami sa Feb Fair." Sagot ko bago sumandal sa bangko at patago na humipak ng vape.
Leon faced me hard, I think his neck just cracked. "On Valentine's Day? Nahh, man! You're gonna crack Migs," he said, which made me choke on the smoke.
"You fuck!" I slapped his shoulder. "No, I'm not! You know how hard I try not to mess with any Omega anymore." I reminded them before reaching for my cup.
Phil poked my arm, which made me face him. "So... what will you two do tomorrow- oh, and I heard you'll meet at night." He arched a brow, and my lips parted in disbelief.
"Fucker, of course gabi! Hindi naman bukas yung fair ng daylight, eh." Ani ko rito at napahagikhik silang anim.
"So it's really a date?"
"Hindi nga," sagot ko agad kay Gab. Ngumisi ito, "Night out? On Valentine's night?" He asked, a teasing smirk printed on his lips.
I sighed and shook my head before taking another sip of my drink.
"Come on, Miks, there's nothing wrong if you two have a date. Come on, you're young adults, that's normal. You're making a big deal out of it." Phil gave me a pat on the back.
I looked down at my cup, licking the bottom of my lips. I let out another sigh and nodded while playing with my drink. A smile formed on my lips. "I guess... we can call it a date."
-------
a/n: Ey, POV na ni Miks! Dito na mag sta-start ang palitan nila ng POV hehe, I'm not like others kasi, eme HAHAHAH gusto ko kasi alam nating lahat ang nangyayari sa buhay ng bawat isa, sila lang ang hindi nakakaalam, for me mas thrilling yun HAHAHAHAH
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co