Chapter 15 - Safe
Mikhael's POV
I felt myself getting dragged away from the crowd. I need not lift my own feet as they move on their own. I could still feel myself drifting away from reality. I could still see the mansion, my father on the ground, and hear the murmurs of the people who dared not help my father and me that night.
But there's this lingering scent that's calming me down in the middle of my episode.
"Mikhael!? Mikhael, okay ka pa ba?!"
I could recognize Miguel's worried voice despite my hallucinations. It was as if his voice was the only clear thing I could distinguish despite my chaotic mind.
"Gab! Tulong!"
I felt my ass hit the concrete ground. I felt a stinging pain on my left cheek that immediately snapped me out of my hallucinations.
The worried faces of my friends and Miguel flashed in my sight for a few seconds, then back at the mansion.
"Mikhael, gising!"
Another sting on my left cheek; this time, when I snapped back to reality, Miguel's face was closer to mine. His brows were furrowed, both ends almost touching each other.
"Anong nangyayari?! Dalhin na ba natin siya sa ospital?!"
Nangingibabaw ang natatarantang boses ni Miguel. Sa kabila ng kung anu-anong nakikita ko, gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko.
"Tangina, ngumingiti pa si gago." Narinig ko ang gigil na boses ni Xian na lalong ikinalawak ng ngiti ko.
"Huy! Anong gagawin natin?!" Si Miguel, inalog-alog pa niya ang katawan ko, kaya kahit papaano ay natatauhan ako at papalit-palit ang nakikita ko.
"Halikan mo." May isang nagsabi.
Kahit malabo pa ang paningin ko ay nakita ko ang naguguluhan na ekspresyon ni Miguel na nakatingala sa mga kaibigan ko.
"B-Bakit? Ano bang nangyayari sa kaniya?! Lasing na ba siya?! Na-betsin ba siya sa loob?" Sunod-sunod ang tanong ni Miguel.
Sa mga segundong ito ay bumabalik na ako sa katinuan. Mas lumilinaw na ang paningin ko at mas namumukhaan ko na ang mga kaibigan ko.
"Hindi pa 'yan lasing. Si Miks na bahala mag-explain sa'yo." Sabi ni Leon na nasa may uluhan ko.
Bumalik na ako sa tamang katinuan. Napagtanto ko na rin na nakalupasay kami sa sahig ni Miguel at inaalalayan nito ang likod ko.
Nagkatinginan kami ni Gab at sa tingin pa lang ay alam kong alam na niyang okay na ako. Napatakip pa ito sa bibig niya para mapigilan ang sarili niyang tumawa.
"Halik? Paanong halik? Peck lang o ano-"
"Halik, basta halik, okay na yun!" Si Leon na tarantandong ginagago si Miguel.
Maski si Xian na nasa likod lang din ni Miguel ay nagpipigil na ng tawa. Pinagmasdan ko si Miguel na mukhang hindi mapalagay.
"Kahit mabilis lang?"
"Oo~! Kahit mabilis lang," talagang si Leon ang pasimuno.
Nang magbalik ng tingin sa akin si Miguel ay agad akong napapikit. Nasa kaniya naman kung hahalikan niya ako. Okay lang kung hindi. Okay lang din kung oo.
Naramdaman kong bahagya niyang iniangat ang likod ko at inilapit ang katawan ko sa kaniya.
Nang bahagya kong iminulat ang mata ko ay nakita kong papalapit nang papalapit ang mukha ko sa kaniya.
Nakita ko ang bahid ng pagka-ilang sa mukha niya. Na-guilty ako bigla.
"Miguel," tawag ko rito.
Natigilan siya at agad napalayo ang mukha. "Okay ka na?!" Gulat nitong tanong. Agad akong tumango at itinuon ang palad ko sa semento.
"Okay na 'ko," ani ko rito at dahan-dahan na itinayo ang sarili sa tulong ni Miguel.
Nakita ko sa mukha ni Xian ang maliit na ngisi, ganun din kay Gab. Si Leon itong mukhang dismayado dahil hindi natuloy ang katarantaduhan niya.
"Anong nangyari? Na-betsin ka ba? O yung pheromone ba nung isang Omega sa loob? Nasobrahan ka ba?" Sunod-sunod ang tanong ni Miguel. Ang isang kamay niya ay nasa balikat ko pa, at kung titingnan niya ako ay parang inuusisa niya ang buong kalagayan ko.
Napakamot ako sa batok habang nag-iiwas ng tingin, "Hindi naman, ano lang, ahm..." napatingin ako sa mga kaibigan ko na hinihintay rin ang kasunod kong sasabihin.
Napatikhim ako at nagbalik ng tingin kay Miguel na namimilog ang mga mata at hinihintay ang sasabihin ko, "Sumama lang talaga pakiramdam ko." Pagdadahilan ko at bahagyang kumunot ang noo ni Miguel.
"Sure ka? Gusto mo na bang umuwi?" Tanong nito,
"Hindi 'yan, kaya pa ni Miks 'yan-"
"Pwedeng sandali?! Nakita niyo nang muntikang mag-agaw-buhay si Mikhael, pipilitin niyo pa na uminom."
Pare-parehas kaming napaigtad nila Gab nang galit na sagutin ni Miguel si Leon. Masama ang tingin nito kay Leon sa puntong napahakbang paurong ang kaibigan ko.
Nang muling humarap sa akin si Miguel ay kita ko kunot-noo nitong ekspresyon. "Kaya mo pa ba? Umuwi na kaya tayo?" Seryoso nitong tanong.
Nagparte ang labi ko para sumagot, pero agad akong natigilan nang masinghot ang amoy ng sampaguita na may halong pulot.
Napatikhim ako. Sina Leon at Xian ay agad na napalayo sa amin at nagpaalam na babalik sa loob.
I took a step towards Miguel, who probably doesn't know he's already releasing his pheromones. "I'm okay, Miguel. Nahilo lang ako saglit. I'll explain to you further pag-uwi, okay?" I talked calmly. I tried to release a bit of my pheromone in hopes it'll calm Miguel down.
My eyes shifted to Gab, who stood behind Miguel. He gave me a nod, which I returned as he walked back inside the bar.
Sumaltik ang dila ni Miguel bago bumagsak ang magkabilang balikat, "Sure ka na kaya mo pa? Uwi na tayo," aya niya,
"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko sa kaniya pabalik.
Napasuklay ito ng buhok niya palikuran gamit ang kaniyang daliri, "Mikhael, ikaw lang ang iniisip ko. Kaya ko pang magtagal dito hanggang umaga, pero ikaw, kaya mo pa ba?" Tanong niya, may halong gigil at pag-aalala ang boses.
Napatawa ako nang bahagya bago inayos ang bangs niya na nagulo, "Okay lang ako. Balik na tayo sa loob?" Malumanay kong aya sa kaniya. Bumuntong-hininga ito, nag-iwas ng tingin bago tumango.
Pagbalik namin sa loob ay nadatnan na namin sina Gab sa table kung nasaan sina Gen. May mga bagong tower na rin ng alak sa lamesa at panibagong mga pulutan.
"Hindi niyo naman sinabi na official na pala kayo," bungad sa amin ni Phil nang maupo kami ni Miguel.
"Anong official?" Taka kong tanong bago sumimsim ng alak sa baso na ini-abot ni Xian.
May ngisi sa labi ni Phil, ganun din sina Gen. Halos lahat sila ay may mga nakakalokong ngisi sa labi at tanging kami lang ni Miguel ang naguguluhan sa sinabi niya.
Phil took a puff out of his vape, "I heard Miguel awhile ago. He told Cathy that she can't kiss you. You're Migs' na raw kasi."
Namilog ang mata ko at agad napatingin kay Miguel na natigilan sa pag-inom ng alak.
His eyes darted at me, then placed his cup down and looked at my friends with his eyes almost jumping out of his eye socket.
Napatawa si Phil, "I heard it, loud and clear. You said 'He's mine, so back off muna kayo.' I heard it loud and clear, Miguel." Phil said.
My eyes grew wider as I looked at Xian beside me, who had this wide grin on his face. "May hindi kayo sinasabi sa amin, ha." Mapanlokong sabi ni Karl bago sumubo ng pulutuan.
Nasamid si Miguel at agad na napa-inom ng tubig, "Nag-panic lang kasi ako." Ani nito pagkalapag ng baso sa lamesa.
"Nakita ko lang na mukhang hindi okay si Mikhael kaya inagaw ko na siya mula dun sa Omega." Dagdag pa niya, halos sabay-sabay tumango ang mga kaibigan ko. Yung nguso pa ni Karl ay halatang nang-aasar sa sobrang haba nito na pwede nang sabitan ng ID lace.
"Pero hindi pa kayo?" Paninigurado ni Leon,
Nagbaling si Miguel ng tingin sa gawi ni Leon bago umiling, "Hindi," sagot niya, at muli akong napasimsim ng alak.
Narinig kong dumaing ng 'aray' si Xian sa tabi ko na pasimple kong siniko.
"Pero nagsabi naman na si Mikhael." Pare-parehas kaming napalingon pabalik kay Miguel.
"Nagsabi na?" Tanong ni Gen.
Napalunok ako ng laway. Nagbaling ng tingin ang mata sa akin si Miguel. Ngumiti bago nagbalik ng tingin sa mga kaibigan ko at umiling, "Wala, wala naman," sagot nito bago muling sumimsim ng alak.
Hindi na kami nagtagal sa Puesto at umuwi rin bandang alas-dos ng umaga. Nasobrahan pa sina Karl at Gen sa pag-inom dahil kinailangan pa nilang akayin nila Phil at Xian pauwi sa apartment nila.
"Hindi tayo magsasakyan?" Tanong ni Miguel nang maglakad kami palayo sa sasakyan kong naka-park sa kabilang kalsada.
Umiling ako, "May pulis daw na nagbabantay sa may 7-Eleven. Amoy alak pa man din ako," sagot ko, at nag-hum si Miguel.
Napakunot ang noo ko nang mapagtanto kong sinasabayan niya akong maglakad pabalik sa apartment ko, taliwas sa direksyon ng dorm niya.
Natigilan ako sa paglalakad at ganun din siya. "Bakit pala tayo papuntang Demarses? Halika, ihahatid kita sa dorm mo." Aya ko rito, nagpamulsa si Miguel, lumingon sa likuran namin bago umiling.
"Ayaw kong umuwi sa dorm. Sa'yo na lang ako makikitulog." Sagot niya, at bahagyang nagparte ang labi ko bago saka tumango, "Sure, no problem." Sagot ko rito at ngumiti si Miguel bago tumango.
Pagdating namin sa apartment ko, uminom muna si Miguel ng malamig na tubig. Tinanong ko pa kung may gusto ba siyang kainin, pero gusto na raw niyang matulog kaya umakyat na kami.
"We'll have to share the bed, okay lang ba sa'yo?" Tanong ko sa kaniya. Ikinukuha ko siya ng damit pamalit habang siya itong nakaupo sa gaming chair ko at nakasubsob sa lamesa.
"Okay lang, Miks, kahit saan ako." Sagot niya, halatang inaantok na.
"Alright," naglakad ako palapit sa kaniya dala-dala ang damit, "Magpalit ka muna ng damit, Miguel. Amoy alak ka. Magpapalapit lang din ako sa baba." Malumanay kong sabi rito, lalo pa at mukhang nakakatulog-tulog na ito.
Umungot siya, bahagyang gumalaw ang mata bago saka nagmulat at bumangon mula sa pagkakasubsob sa lamesa, "Saan yung banyo?" Tanong niya, paika-ika pa maglakad.
Inalalayan ko siya papunta sa banyo. Kumuha lang din ako ng damit na pamalit bago bumaba ng apartment at ginamit ang banyo sa baba.
Pagbalik ko sa kwarto ay nasa banyo pa rin si Miguel. Pinakinggan ko pa kung gumagalaw pa ba siya sa loob dahil baka nakatulog na ito. Inayos ko muna ang kama at binuhay ang aircon para mahimbing ang tulog namin parehas. Paglabas ng banyo ni Miguel ay halatang antok na antok na ito, kaya inaya ko na siyang matulog.
Naiigting ako kinabukasan nang walang maramdaman na Miguel sa tabi ko. Kahit nahihilo-hilo pa ay dali-dali akong lumabas ng kwarto.
"Miguel!?!"
"Ano?!!" Sigaw niya pabalik galing sa baba.
Napasapo ako sa dibdib ko bago nakahinga nang maluwag. "Napaano ka?!" Sigaw ni Miguel. Lumapit pa ito sa may hagdan para lang tanawin ako.
Umiling ako, "Wala naman, akala ko iniwan mo na naman ako." Ani ko at nakita ko itong sumimangot habang hawak-hawak ang siyanse.
Napakunot ang noo ko bago bumaba ng hagdan, "Nagluluto ka?" Taka kong tanong.
Napasuklay si Miguel sa bangs niya, "Hindi, naglalaba ako. Nakita mo nang may hawak na siyanse, tatanungin mo pa kung nagluluto." Masungit nitong sabi bago naglakad pabalik sa kusina na agad kong sinundan. "You don't have to cook. Nag-abala ka pa," ani ko nang sundan ko siya sa kusina. Nagsasangag na siya at may naluto na rin na isang itlog.
"Okay lang. At isa pa, narinig kong kumakalam yung sikmura mo kanina, kaya naisipan ko na magluto na." Sagot niya at utay-utay akong tumango. "Sa sala ka muna. Nakaharang ka diyan, eh." Pananaboy niya na ikinabungisngis ko nang bahagya bago pumunta sa sala at humiga sa sofa.
Dahil sa puyat at kalasingan kaninang umaga ay nakatulog ako sa sofa habang nagluluto si Miguel. Nagising na lang ako nang marinig ang tunog ng mga pinggan.
"Ayan, sakto, gising ka na. Kakain na tayo," ani ni Miguel habang inaayos ang lamesa.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Miguel habang kumakain kami. Napaangat ako ng tingin mula sa pagkain bago tumango, "Okay na. Okay lang naman talaga ako, Miguel. Sumama lang bigla pakiramdam ko kagabi kaya ganun." Pagdadahilan ko. Utay-utay, tumango si Miguel bago muling sumubo ng pagkain at hindi na ulit nagtanong tungkol sa nangyari kagabi.
Pagkatapos naming kumain ay saka lang ako napatingin sa cellphone ko. Bukod sa messages nila Gab kaninang umaga na nangangamusta sa amin ni Miguel, napansin ko na alas dose na rin pala ng tanghali.
Masyado yatang napasarap ang tulog ko kagabi, ah.
"Mikhael, uuwi na ako. Salamat sa kagabi at sa pagkain." Paalam ni Miguel. Nilingon ko siya at agad tumango, "No problem, ihahatid na kita." Ani ko bago pinatay ang cellphone ko. Tumango si Miguel habang itinutupi ang damit niyang hinubad kagabi. Pero nang tumingala ito at nakita ako ay agad napakunot ang noo niya.
"Okay ka lang ba?" Tanong nito.
Napakunot din ang noo ko bago pinakiramdaman ang sarili, "Oo...? Bakit?" Taka kong tanong.
Naglakad ito palapit sa akin. Napaigtad ako nang bigla nitong ilapat ang palad sa noo ko, "Siraulo ka, Mikhael! Nilalagnat ka!" Singhal nito na lalong ikinakunot ng noo ko, "Nilalagnat ako?" Taka kong tanong.
Napabuntong-hininga si Miguel bago niya ako hinila paupo sa sofa. "Anong nararamdaman mo?" Tanong niya at sinalat ko rin ang pisngi ko. "Masakit yung ulo ko, pero akala ko kasi hangover lang." Sagot ko at napakamot si Miguel sa sintido.
"May thermometer ka ba? Nasaan ang gamot mo?" Alalang tanong ni Miguel.
Tumuro ako sa may kusina, "May first aid box sa loob ng cupboard." Ani ko, at tumango ito bago pumunta doon at hinalungkat ang cupboard. Habang naghahanap si Miguel ng gamot ay pinapakiramdaman ko ang sarili ko.
Nilalagnat ako? Parang bago yata ito? Ang dalang kong makaramdam ng sakit o kahit anong uri ng sakit sa katawan.
"Oh, tingnan mo yung body temperature mo." Ini-abot sa akin ni Miguel ang thermometer. Pagkalipas ng lampas isang minuto ay tumunog na ito.
"Nilalagnat ka nga." Ani ni Miguel, bago ako inabutan ng gamot at baso ng tubig na kanina pa niyang hawak.
"Thank you," ani ko bago isinubo ang gamot at uminom ng tubig.
"Tara na, ihahatid na kita." Ani ko bago akmang tatayo nang higitin ako ni Miguel pabalik sa sofa, "Anong ihahatid? Dito ka lang, magpahinga ka." Utos ni Miguel na ikinakunot ng noo ko.
Napabuntong-hininga ako, "Miguel, kaya ko na sarili ko-"
"Kaya ko rin ang sarili ko kaya hindi mo 'ko kailangan ihatid." Putol niya sa akin at napakamot ako sa noo ko.
"Well, can you please stay? Bantayan mo nalang ako." Request ko rito.
Nakita kong nanlambot ang tingin sa akin ni Miguel bago muling sinalat ang noo ko, "Okay, fine, pero pwede bang makigamit ng computer? Mag-aasikaso lang ako ng thesis." Tanong niya at agad akong tumango.
Umakyat kami pabalik sa kwarto, nang i-lock ko ang pinto ay nakita kong agad napatingin si Miguel kaya agad ko rin iyong ini-unlock.
Binuhay ko lang ang computer at hinintay siyang maka-log in sa email niya bago ako natulog at nagpahinga.
Bandang alas sais ng hapon nang magising ako. Ang una kong hinanap ay si Miguel na natagpuan ko lang din sa lamesa. Tanging ang liwanag nalang ng Google Document ang nagpapaliwanag sa buong kwarto dahil dumidilim na rin ang langit sa labas.
"Migs," tawag ko rito, medyo pumiyok pa dahil sa uhaw at sama ng pakiramdam.
Agad akong nilingon ni Miguel. Napatayo ito mula sa bangko at agad akong nilapitan para salatin ang noo, "Parang hindi gumagaling ang lagnat mo. Dalhin na kita sa UHS?" Tanong niya at umiling ako.
"I'll be fine. Can I please have some water?" Miguel immediately nodded and rushed out of the bedroom. Within just few minuets, he came back holding a glass of water.
"Ipagluluto kita ng hapunan. Anong gusto mo?" Tanong niya. Naupo ako sa kama at uminom ng tubig.
"Kahit ano, Miguel." Sagot ko at tumango ito.
Sumama ako sa pagbaba niya dahil ayaw kong magpaiwan sa kwarto. Nahiga lang ulit ako sa sofa habang siya itong nagluluto sa kusina. Bandang 7PM ay nag-message Xian sa akin kung gusto ko raw ba sumama sa QC mamayang gabi.
To: Xian Benedict
Pass bro, nilalagnat ako.
From: Xian Benedict
Luh? Why? How are you na? Puntahan ka namin diyan?
To: Xian Benedict
No need, andito si Migs, inaalagaan ako.
From: Xian Benedict
Ahyyyyy, ayun, gagaling ka kahit walang paracetamol. Yakapsule lang ni Miguel ang kailangan mo, gagaling ka na.
Napatawa ako nang pagak bago napa-iling at nagbalik ng tingin sa pinapanood ko sa TV. Tinatanaw-tanaw ko si Miguel sa kusina at sa tuwing mahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya ay pinandidilaan niya ako na ikinakabungisngis ko lang.
"Kain na tayo, gutom na ako." Tawag sa akin ni Miguel sa kusina. Agad akong napabangon mula sa sofa at tinulungan siya sa paghahain ng lamesa.
Habang kumakain ay tahimik si Miguel. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay napaangat ang magkabilang kilay ko, "You good?" I checked on him,
He nodded before taking a bite out of the hotdog. "Masama pa pakiramdam mo?" Tanong niya, hindi agad ako nakasagot at pinakiramdaman ang sarili ko bago nagkibit-balikat.
"I don't know, yes, I guess," I replied, and he sighed before reaching for my forehead.
He hissed, "Taas ng lagnat mo, Miks." Singhal niya na ikinatigil ko sa pagnguya.
"Ayaw mo ba talagang magpadala sa ospital?" Tanong niya at umiling ako, "I'll be fine. Give it a few hours or until tomorrow." I replied, and he just nodded.
I was the one who washed the dishes after eating. If Miguel didn't storm off and got tired from arguing with me, he would've been the one to wash the dishes.
When I went up to my bedroom, I saw him lying down on the bed, busy on his phone. "Uminom ka na ng gamot mo?" Tanong niya at agad akong tumango.
I closed the door behind me, the lock clicking. "Can you stay for the night, please?" I pleaded.
Miguel lifted his eyes from his phone, then chuckled, "Andito na ako sa kama mo, oh? Ngayon ka pa magsasabi sa akin?" Sagot niya na pareho naming ikinabungisngis.
Kumuha lang ako ng damit na pamalit at pumasok na sa banyo. Pagbalik ko sa kwarto ay may kausap si Miguel sa cellphone, kaya dahan-dahan kong isinara ang pinto.
"Nasa apartment lang ako ng kaibigan ko, Ma. May tinatapos lang kaming gawain." Ani niya habang nakatingin sa akin.
[Sinong kaibigan? Si James ba? Yung beta?] Boses ng babae sa kabilang linya.
Napangisi si Miguel bago umiling, "Hindi, Ma,"
[Wala ka bang Alpha na kaibigan? Di ba meron? Hindi ka ba gusto ng mga 'yon?] Boses naman ng lalaki ngayon.
Naitikom ko ang bibig ko bago dahan-dahan na gumalaw sa paligid ni Miguel.
Humagikhik si Miguel nang bahagya, "Hindi, Pa. Sige na po, ibaba ko na yung tawag. Bye! Love you!"
[Bye, anak! Love you!]
[Love you, Migs!]
Miguel let out a sigh after ending the call. He looked in my direction and raised both his brows. "Pahiram ulit ng damit?" Tanong niya at tumango ako. "Ito oh, ipinaghanda na kita kanina." Sagot ko, bago ko iniabot sa kaniya ang shorts at T-shirt, pati na rin ang bagong brief.
Pagpasok niya ng banyo ay inayos ko na ang kama, lalo pa't medyo nagulo ang bedsheet nito. Paghiga ko ay siyang simoy ng pheromone ni Miguel na naiwan sa kama.
Ibinaon ko ang mukha ko sa unan na ginamit niya kagabi. Sa bawat pagsinghot ko rito ay siyang paggaan ng pakiramdam ko. Hindi na ako nakatiis at niyapos ko pa ang unan habang sinisinghot ang amoy nito.
His scent brings me to a state of ease and makes me feel lighter. If it's a thing, I would say it's healing me from my fever.
I don't know how long I've stayed in that position, inhaling his scent and feeling better. I just snapped back to my senses when Miguel spoke.
"Mikhael, baka naman ma-induce pa yung rut mo. Nilalagnat ka nga, in-rut ka pa." Pabalang nitong sabi. Agad kong binitawan ang unan at inayos pa ito.
Napakamot ako sa ulo, "I'm sorry, it's just making me feel better." I admitted.
Miguel nodded before placing down his used clothes. "Nababanguhan ka talaga sa pheromone ko? Hindi pa parang ang overwhelming minsan? Masyadong matamis?" Tanong niya,
Agad akong umiling, "No, it's not! It's perfect, Miguel! It's the best scent I've ever inhaled!"
Okay, I might have said that so enthusiastically.
A small smile crept onto Miguel's lips while walking towards me. "OA," bulong niya bago tumabi sa akin sa kama.
"Halika na, para gumaling ka na." Ani niya, nakabuka ang magkabilang braso.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya, pero lumapit ako sa kaniya. Nang dumampi ang katawan ko sa kaniya ay agad niyang ibinalot ang braso niya sa akin.
I panicked a bit. I didn't expect him to make such a bold move, but to take the opportunity, I wrapped my arms around his waist too.
"Ano ba kasing nangyari sa'yo at nilalagnat ka?" Tanong niya, malambing ang boses. Nag-hum lang ako at hindi sumagot dahil hindi ko rin naman alam kung bakit ako nilalagnat.
"Sinasabi ko sa'yo, dapat magaling ka na bukas. Kapag hindi ka pa rin magaling, kina Gab kita paaalagaan." Pagbabanta niya na parehas naming ikinahagikhik.
I snuggled on his chest, inhaling the faint scent coming out of his body. We stayed in that position. I am contented with the amount of scent I am inhaling. But a few minutes later, he started releasing more, which made my head snap up and look at him, "Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong.
Releasing pheromones could be a cause of many things. It could be voluntary, or the person could feel threatened, scared, angry, or in heat.
Ngumiti si Miguel bago umiling, "Wala, nag-release lang ako kasi sabi mo nakakagaan ng pakiramdam mo, eh." Sagot niya at agad nagparte ang labi ko. "Really? You're not feeling anything else? Scared? Angry? In heat?" I worriedly asked, which made Miguel burst out laughing.
"Hindi 'no! Baliw! 'Wag mo na lang sabayan para hindi maglaban yung pheromones natin at mauwi pa kung saan. Let me know na lang din if too much para matigil ko yung pag-release." Sagot niya, at agad akong tumango bago muling nag-unan sa dibdib niya.
The thing is, I could never get enough of his pheromone. I could smell it over and over again, because it's so soothing for me. His pheromone made me feel so relaxed that I found myself drifting to sleep.
But like a curse, like a prophecy that must always happen, I woke up in the middle of the night. I didn't even have to check the time; I know what time it is. I'll forever know what time it is.
Before things could even turn messy, I jumped out of bed. I was worried I might wake up Miguel; when I checked on him, he was still deep in his sleep.
I quietly left the room. My eyes were already starting to get blurry and grainy at the corners. I almost fell on the stairs. I couldn't even walk straight anymore. I couldn't see the steps clearly as my vision was starting to shift that night.
"No... no..." I chanted weakly as my knees complete gone weak.
I was lucky enough to reach the front door.
I don't even know what to do. I don't even know where to go or why I left the room.
I know I would be safer if I was next to Miguel. But at the same time, I don't want him to see me breaking like this.
I sat on the concrete, gripping my hair, pulling the strands as if it'll help. As if it'll erase the memory of that night. As if I won't see the sight of my father's lifeless body in front of me every time I close my eyes.
I could hear the dogs barking.
Nakakahiya, may coffee shop pa man din sa tapat ng apartment ko. Baka may mga tao doon at napapanood akong mabaliw.
I could feel the oxygen in my lungs running out. I could feel sweat dripping on my forehead. I wanted to open my eyes, just to show myself the reality that I am already 21 and no longer the 12-year-old boy who didn't know why his father is swimming in his own blood.
But my eyes are open. My eyes are open, and yet all I could see was the same nightmare. I am awake, and yet I am having this bad dream that I could never ever escape.
I gasped for air. I pressed my back against the concrete wall as tears mixed with sweat started streaming down my cheeks.
I'm crying because it feels like torture. I'm crying because I want it to stop, for the suffering to end. I'm crying because I am once again reminded that my father, who's the only one who truly loves me, died in front of me.
And I believed I was the one who killed him. That's what I know. I killed him.
I could feel the oxygen running out. I gasped for air, over and over again, but nothing seemed to enter my lungs.
All I wanted was the minute to end, and yet it felt like an eternity.
I was gripping my clothes, tight. I could feel the sweat on my feet who wants to take a step to reach for my father, but I know this is all just in my head. This is all just a hallucination that is slowly killing me.
And I know that the end of me will put an end to this suffering too.
"Mikhael!"
I gasped for air, and I finally felt it enter my lungs.
Miguel entered my sight, his eyes wide open, sweat on his forehead where a few strands of his hair stuck.
"Dadalhin na kita sa ospital, tara na-"
"I'm fine," I cut him off, voice faint.
He looked back at me, brows furrowed, eyebrows almost touching each other. "Anong you're fine?! Hindi ka okay, Miks!" He shouted.
He even tried to pull me up from the ground, but he couldn't even lift me an inch.
"Migs, Migs," I called him, shaking him back to his senses as he was in deep panic.
I licked my dry lower lips and swallowed my saliva. "Migs!" I reached for his cheeks to get his attention.
His eyes were red, tears forming in his eyes and his breathing deeply.
"I'm okay, I'm just having an episode." I breathed out, catching my breath.
Muling kumunot ang noo niya, "Anong episode?!" Taranta niyang tayong.
A faint smile drew on my lips, "Just... hold me, please. Hug me. Embrace me." I pleaded.
I could tell he was confused but hugged me anyway, pressing our bodies against each other. I rested my chin on his shoulder. I could tell he was releasing his pheromones, which I am very thankful for.
I sniffled, "Just stay here, please. Stay with me. Make me feel safe, Miguel."
------
a/n: hi guys! Sana safe ang lahat!!! Btw, draft ito kaya nakapag-update ako. As of now, I have... 10(?) chapter drafts for ABY, ang balak ko si utay-utayin siyang i-publish. pero idk if when ulit ako makakapagsulat for ABY kasi I'll juggle WOLC and my acads muna, siguro... 85% acads, 15% sulat ng WOLC hyehehhe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co