Chapter 14 - Mine
Mikhael's POV
"Deep?" My brows furrowed, their ends almost touching, while my lips parted a little.
I scoffed, "OA naman sa deep," ani ko bago sumimsim ng alak.
Tumango si Xian, "Oo nga naman, pre. Mag-o-one month palang na magkakilala si Miks at Migs." Ani nito, bahagyang tumango si Gab.
"But Mikhael is not used to this kind of bond with an Omega. He always has this wall around him when it comes to an Omega whom he spends a night with. But this," he tapped his index finger on the table, "This is different. Miguel is different. He let his guard down. Years of building that damn wall for Omegas have vanished just for an Omega boy- Omega Minus boy." He had this playful smirk printed on the corner of his lips; he even cocked a brow at me before taking a sip of his drink.
Hindi pa ako nakakaisip ng isasagot kay Gab nang tapikin ako ni Leon sa braso, "Yung totoo, Miks, gusto mo na talaga siya?" Tanong nito.
Natigilan ako bago marahan siyang hinarap, "Hindi ko alam, eh."
Napahilamos sa mukha si Leon habang sina Gab at Xian itong napahagikhik sa harap namin.
"'Yan tayo, eh. Matalinong tao, iskolar ng bayan, kaso bobo sa pag-ibig." Napakamot si Leon sa kanyang kilay.
"It's just a yes or no, Miks. Gusto mo na ba talaga si Migs? Do you feel like you're willing to risk everything for him?" Gab asked, seriously.
I took a deep breath before leaning on my chair and giving him a nod. "I want to. I have this urge to risk everything for him." I replied, and Xian immediately sneered.
"'Yan tayo, eh! Alpha things! Alpha things!" Sigaw nito na agad nagpahalakhak kina Gab at Leon habang ako itong napangisi lang at umiiling bago sumimsim ng alak.
"Eh pa'no 'yan? Pati buhay niya isusugal mo?" Tanong ni Gab, pinagtataasan ako ng kilay.
Ilang segundo ko siyang pinagmasdan bago nagsaltik ng dila, "Maybe he doesn't wanna have kids. Omegas and women have different opinions on pregnancy and having kids nowadays. Bumababa ang birth rate ng Pilipinas, diba? Because Omegas and women decide not to have kids. And in this economy, pare?!" Sagot ko at tumango sina Xian at Leon.
"Oo nga naman," tinapik ni Leon ang balikat ko, "Madalang na ngayon ang gustong magka-anak lalo na sa age group natin. Plus! Omegas and women hate it when people push them on having kids. And based on Miguel's attitude, he looks like someone who also made up his mind." Leon added.
"Edi wala ka palang problema. You like Miguel, who's an Omega. You don't wanna have kids, probably Miguel too, edi all goods kana pala, eh." Ani ni Leon at tumango kami.
"That is if Miguel doesn't wanna have kids," Gab said, and the three of us looked at him.
"KJ mo, gago," siniko ni Xian si Gab, "Hindi yun. Alam mo, Gab, napaka-ano mo-"
"Ano?" Tinaasan ng kilay ni Gab si Xian,
Napahilamos sa mukha si Xian, "Basta! Bakit mo ba ipinipilit na gusto ni Miguel na magkaanak? Dahil lang Omega siya?" Pabalang na tanong ni Xian dito.
Nagkagulo silang tatlo dahil sa pang-aasar nina Xian at Leon kay Gab. Nanatili lang akong nakaupo doon at malalim na iniisip ang mga itinanong ng mga kaibigan ko.
Do I really like Miguel that way? Do I like him that much that I am willing to risk things? Mukhang tama rin naman sila Xian at Leon. Having kids is not always the endgame. And knowing Miguel, who has always been different from other Omegas I've met. Palaban siya, may sariling paninindigan at desisyon. Hindi siya yung tipo ng Omega na submissive at susunod basta-basta sa mga sasabihin sa kaniya.
I tried to ignore him in our classes by Friday. Just like Wednesday, he didn't give a shit whether I sat next to him or not. He's busy in his own world and doesn't even spare me the slightest glance. Na para bang wala talaga siyang pake? Parang walang pinagsamahan?
"Bakit mo ba iniiwasan si Miguel?" Tanong sa akin ni Karl nang madatnan nila ako sa classroom namin sa gym na nasa kabilang side pa rin.
Napasaltik ako sa dila, "Wala naman, may... may tinitingnan lang ako." Ani ko, at pinangkitan ako ng mata ni Phil.
"LQ kayo?" Tanong nito at agad ko siyang nilingon, "Luh! Hindi 'no! Hindi naman kami ni Miguel." Sagot ko at tumango silang tatlo.
"Oh, ayan na si Migs." Ani ni Gen, pare-parehas kaming napalingon sa gawi ng pinto kung saan pumasok si Miguel. Naka-HK uniform ito, nakasakbit ang backpack sa isang balikat habang nakasuot ng earphones sa magkabilang tenga at nasa sahig ang tingin.
"Sure kang hindi kayo LQ? Mukhang matamlay rin si Migs, eh." Tanong ni Phil na hindi ko na nagawang sagutin dahil busy akong pagmasdan si Miguel.
Can I really be this hard and pretend I'm not having a hard time?
"Nag-away ba kayo? - hoy! Miks!"
Habol ako ng tawag ni Phil nang bigla akong tumayo at iniwan sila sa kabilang gawi ng classroom. Kahit medyo kinakabahan ay nilapitan ko si Miguel, nagpatay malisya na dumaan sa harap niya para maupo sa bakanteng bangko sa tabi niya.
He kept his attention on his phone while wearing earphones on both his ears. I carefully put my bag on the floor and steal glances at him.
I could only bring myself to sit back next to him, but talking and speaking up feels a bit too much now, and I don't have the courage to start a conversation with him after ignoring him last Wednesday and today.
I could feel the tension around the two of us during the whole class. Even though we're not even looking at each other nor interacting, I could still feel tense and nervous.
Alam kong may ginawa akong mali kaya ako nagkakagnito. At gusto ko sana na bago matapos ang araw ay magkausap na kami ni Miguel.
"Next week, we will have another short play like last time. If you'll have your susceptible phase next week, please let me know immediately so I can excuse you, okay?"
Everyone nodded in unison. When our professor bid his goodbye, we started gathering our things, and some even went straight out of the room. When I saw Miguel put his bag on his back, I panicked and immediately called him.
"Miguel," he stopped on his tracks and faced me.
He raised both his brows, "Bakit?" Halata sa boses niya na hindi siya interesado.
Napatikhim ako, "Ihahatid na kita," alok ko, at umiling ito. "Aakyat pa ako sa upper campus, magco-consult sa adviser ko." Sagot niya at nagparte ang labi ko.
"Sasamahan na kita," alok ko, at inayos niya ang strap ng bag sa balikat niya. "'Wag na, baka gabihin ako." Sagot niya, at tumango ako, "Then... mas okay kasi baka wala ka nang masakyan pababa kapag ginabi ka." Sagot ko at kumunot ang noo ni Miguel.
"Susunduin mo 'ko sa taas?" Tanong niya, pinanliliitan ako ng mata.
Umiling ako, "Hihintayin kita." Sagot ko at nagparte ang labi niya. "Ikaw bahala," ani nito bago naglakad na palabas ng classroom.
Agad ko siyang sinundan, bago lumabas ay nilingon ko sila Phil at nag-thumbs up bago hinabol si Miguel na bumababa na ng hagdan.
Tahimik ang biyahe namin paakyat ng upper campus. Hindi ko pa alam kung paano ko sisimulan o paano ko siya kakausapin tungkol sa pag-iwas ko nitong nakaraan.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil lang nahuhulog na ako sa kaniya kaya ako umiiwas. At hindi ko rin naman pwedeng sabihin ang dahilan kung bakit takot akong mahulog sa kaniya nang tuluyan.
But I really want to make it up to him before he started thinking about other reasons why I ignored him.
"Dito lang ako sa may hagdan, Mikhael." Natauhan ako nang magsalita si Miguel. Agad akong napapreno at pinanood ko siyang bumaba ng sasakyan.
"Miguel," tawag ko rito bago pa niya masaraduhan ang pinto, "Saan kita hahanapin diyan?" Tanong ko. Napakurap-kurap si Miguel bago tumingala sa building, "Pumunta ka lang sa second floor, tapos pagkaakyat mo ng hagdan, may mga bangko sa harap ng office, doon ka nalang maghintay." Sagot niya, at tumango ako.
Pagkaalis niya ay agad akong naghanap ng parking. Pagkatapos ay dali-dali akong bumalik sa building kung saan siya bumaba at umakyat sa second floor.
Naupo ako sa bangkong sinasabi niya at kaliwa't kanan ang tingin para makita kung saan ba siya lalabas doon. Ilang estudyante rin ang dinaanan ako at ang iba pa ay mukhang namumukaan ako dahil nginitian at kinawayan ako ng mga ito.
May pailan-ilan na prof ang napapatingin sa akin dahil mukha akong bata na inihabilin doon. Makalipas ang isang oras ay nag-message ako kay Miguel na nasa tapat ako ng office
Makalipas pa ang halos isa pang oras ay nagsimula nang dumilim ang langit at paligid. Na-seen naman ni Miguel ang message ko pero hindi siya nag-reply. Hindi pa ako gaanong nag-aalala dahil marami pa rin naman ang tao sa office sa harapan ko at hindi pa gaanong nakakatakot kahit wala nang tao sa hallway sa bandang kaliwa ko.
Madilim na nang biglang bumukas ang isang pinto sa gawing kanan ko. Nang makita ko si Miguel na dala-dala ang laptop niya ay agad akong napatayo at inayos pa ang T-shirt kong bahagyang nagusot.
"Andito ka pa?" Taka niyang tanong.
Nagparte ang labi ko bago tumango, "Di ba sabi ko hihintayin kita?" Nakangiti kong sabi.
Utay-utay tumango si Miguel. "Gutom ka na ba?" Tanong niya bago niya inayos ang strap ng bag sa balikat.
"Ikaw ba? Gutom ka na?" Tanong ko pabalik sa kaniya.
Tumawa nang pagak si Miguel bago napakamot sa noo, "Tanong ko, tanong mo rin." Ani niya na bahagya ko rin ikinatawa.
"Yeah, I'm kinda hungry. Tara, kakain? It's on me." I offered. Miguel stared at me for a few seconds before nodding, "Sige, sabi mo, eh," ani niya at bumaba na kami ng hagdan.
Paglabas namin ng building at naglalakad na papunta kung saan naka-park ang sasakyan ay mga kumaway pa sa kaniya.
"Si Kuya James?" Narinig kong sigaw ng isa.
"Wala, hindi ko alam kung nasaan." Sigaw pabalik ni Miguel sa kausap niya sa kabilang kalsada.
"Ikaw ha, pinagpapalit mo na si Kuya James!" Sigaw ng isa pabalik.
Napangisi lang ako nang bahagya bago binuksan na ang pinto ng passenger seat, "Baliw!" Sigaw ni Miguel bago naglakad na papunta ng passenger seat.
"Salamat," ani niya bago sumampa na sa sasakyan.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko matapos makakuha ng lakas ng loob na basagin ang katahimikan sa loob ng sasakyan.
Ibinaba ni Miguel ang cellphone niya. "Hindi ko alam, eh. Kahit saan na." Sagot niya na medyo ikinailing ko.
"Gusto mo mag-noodles sa apartment?" Alok ko rito. Wala akong maisip na kainan ngayon.
Narinig kong tumawa nang pagak si Miguel, "Pero actually, mukhang masarap nga ang noodles ngayon. Anong noodles meron ka?" Tanong niya,
"Korean noodles,"
"Buldak?" Tanong niya agad at tumango ako, "Oo, meron akong Buldak." Sagot ko at nag-hum si Miguel.
"Sige, mag-Buldak nalang tayo- ay! Tapos bumili na rin tayo ng siomai sa Papu's." Ani niya at mukhang na-excite pa sa siomai.
Napangiti ako nang bahagya bago tumango. Ipinasok ko muna ang sasakyan sa loob ng Demarces bago namin nilakad ang Papu's para bumili ng siomai. Habang naghihintay ay may mga nakita si Miguel na kakilala niya at nakipagkuwentuhan sa kaniya habang ako itong nakaupo sa gilid at tahimik na naghihintay.
"May kasama ka pala?" Tanong ng isa nang tumayo ako para magbayad sa siomai na kay Miguel iniabot ng tindera.
Nilingon ako ni Miguel at nahihiya akong nagtaas ng magkabilang kilay at ngumiti sa mga kausap niya.
"Si Mikhael, friend ko." Pakilala niya sa mga kausap niya. Tahimik lang akong nakatayo sa tabi ni Miguel habang naghihintay ng sukli.
Umalis na rin ang mga kausap ni Miguel at sakto naman na nakuha ko na ang sukli.
"Tara na?" Aya niya at tumango ako.
Pagkabalik namin sa apartment ay naupo si Miguel sa sofa at ako naman itong dumiretso sa kusina para magluto ng noodles.
"Uubusin ko ba yung sauce ng Buldak?" Tanong ko kay Miguel habang nagpapakulo na ng tubig.
"'Wag, mababa lang spice tolerance ko." Sagot niya at nag-hum ako.
"Lagyan mo rin ng gatas at cheese." Request pa niya na ikinangisi ko bago nag-hum.
Hindi ako gaanong natagalan sa pagluluto. Medyo natagalan ako sa pagpla-plating dahil gusto kong malinis at maayos ang hitsura ng pagkain. Pati sauce ng siomai ay inayos ko pa at hindi inubos ang chili oil na kasama nito.
"Food is ready." I carefully placed the food tray on the table.
My head shifted to Miguel's direction when I heard no response from him.
"Miguel," tawag ko rito. Nang makalapit ako sa kaniya ay nakita kong nakatulog na ito, na medyo ikinangiti ko nang bahagya.
"Kakain na," mahina kong sabi habang marahan na inaalis ang ilang hibla ng buhok sa may mata niya.
Bahagyang gumalaw ang mga mata niya kasunod ang kamay niyang nasa tagiliran niya. Pinagmasdan ko lang siya at hinintay na magising.
Nang imulat niya ang mga mata niya ay direkta itong napatingin sa akin. Natigilan ako bigla. Hindi ko alam kung ano ang igagalaw ko sa aking katawan dahil pakiramdam ko'y nalulunod ako sa mga tingin niya.
"Kakain na?" Basag niya sa katahimikan.
Napatikhim ako bago agad humakbang paurong, "A-Ah, yeah, kakain na. Luto na yung pagkain." Natataranta kong sabi bago siya tinalikuran at naglakad na pabalik sa lamesa.
Sa sobrang pagkataranta ko ay nakalimutan ko pang ipaghigit ng bangko si Miguel na ginawa na niya para sa sarili niya.
"Mukhang sanay kang magluto ng Buldak, ah." Ani niya nang makita ang nakahain sa lamesa.
Napangisi ako, "Hindi gaano. Hindi rin ako palakain ng noodles, eh. Once or twice a month lang." Sagot ko at nag-hum si Miguel na nakasubo na ng noodles. "Iba talaga kapag may budget. Ako twice or thrice lang din mag-noodles." Ani niya at nag-hum ako.
"A month?"
"A week." Sagot niya na agad naming ikinahagikhik parehas.
Napa-iling ako, "You know, that's really not healthy." I said before eating a whole siomai.
Nagkibit-balikat si Miguel, "No choice, convenient at mura, eh." Sagot niya at nag-hum ako.
"I'm willing to cook for you anytime. Just let me know, and I'll prepare you healthy and filling meals." I said, and Miguel glanced at me before snorting.
"Willing? Eh hindi mo nga ako pinapansin noong minsan pa." Pabalang niyang sagot.
Doon ay natigilan ako. Naitikom ko ang bibig ko bago ko inilapag ang chopsticks na hawak ko.
"Miguel, about that..." he glanced back at me, his eyes wide open as if he was waiting for me to speak further.
Nagpahid siya ng gilid ng labi, "Nandiri ka sa'kin after nating mag-sex-"
"What?! No!! Definitely not!" I said, almost shouting.
Napahalakhak si Miguel, "Gagi, okay lang, ano ka ba-"
"Hindi ngani ako nandiri sa'yo~!" Sabat ko agad sa kaniya na ikinahagikhik niya.
"Eh ano? Bakit hindi ka namamansin?" Tanong niya, bahagya pang inilapit ang katawan sa lamesa at pinagtaasan ako ng kilay.
I took a deep breath and looked back down at my food. Tinitimbang ko pa kung ano ang mas madaling sabihin sa kaniya. Kung yung nararamdaman ko ba para sa kaniya o yung trauma ko na kahit ako ay hindi maipaliwanag nang maayos.
"Pero okay lang, hindi naman kita pipilitin na sabihin sa akin," ani ni Miguel, na ikinaangat ko ang ulo.
I examined his expression. It was obvious he was upset and a little disappointed. I can tell he's trying to mask it by eating and stuffing his mouth with food, but his brows and eyes cannot lie.
I swallowed the lump in my throat, "I like you, Migs."
He paused. I saw it. His hands, his eyes, his mouth from chewing. It was as if both of us stopped our movements, and so did the whole world around us.
I cleared my throat, "I'm afraid to fall harder because I don't know where it'll lead us, and I'm scared it'll hurt one or both of us in the end."
Miguel lifted his head, our eyes meeting each other. I could feel my lips trembling, and so were my hands. I could feel my flesh shaking and sweat building up on my forehead as I looked straight into Miguel's pair of honey orbs.
He swallowed the food he was chewing. "Gusto mo 'ko?" Tanong niya, nangangapa ang boses.
Naitikom ko ang bibig ko bago tumango, "This is actually my first time having these kinds of feelings towards an Omega. Yung mga nakaraan ko kasing relationship with Omegas, mostly fuck buddies or friends-with-benefits lang. I've never actually had a romantic relationship with an Omega before. That's why I honestly don't know how to handle or express it." I admitted.
Silence took over us for a few minutes. We were just there, sitting across each other, glancing at each other from time to time but surely avoiding eye contact.
To ease the tension in me, I took a big bite of noodles until my mouth was filled with it. I heard Miguel let out a chuckle before handing me a tissue, "Dahan-dahan, nagmamadali ka ba?" He joked. He said it so casually as if I just didn't confess my feelings.
I reached for the tissue and wiped the corner of my lips. "Hindi ako sanay makatanggap ng confession, eh." Ani niya na agad kong ikinatingin sa kaniya.
Pinaglalaruan niya ang tinidor na hawak niya, "Pero puwede ba na walang magbago sa'tin? I mean, ganito, yung... close tayo. Ayaw ko sanang awkward tayong dalawa?" He said it so softly and yet I already know what that means.
Napatawa ako nang pagak, "Pinahaba mo pa, just turn it down. Hindi naman ako masasaktan." Ani ko at namilog ang mga mata ni Miguel.
"Luh! Desisyon ka! Hindi pwede mag-isip muna ako? Kailangan ba may sagot agad?!" Singhal niya na ikinahagikhik ko.
"Fine, fine, take your time. I'll wait," I said before taking a sip of my drink.
Umismid si Miguel, "May pa wait-wait ka pa na nalalaman-"
Parehas kaming napatingin ni Miguel sa cellphone kong nasa kusina nang may tumawag dito. "Wait lang," paalam ko kay Miguel bago tumayo para lapitan ang cellphone at sagutin ang tawag.
"Gen? What's up?" I leaned on the sink, facing Miguel's direction, who was finishing his food.
[Uy, Miks! Puesto mamaya? Birthday kasi ng kaibigan ko. Sabi sa akin, i-invite na rin kita.] Ani niya at napakunot ang noo ko.
"Bakit daw? Kilala ko ba?" Tanong ko sa kaniya.
[Siguro? Kilala ka, eh. Punta ka nalang, pre. Tutal, sa inuman na rin naman ang uwi mo mamaya, eh.] Napahagikhik si Gen sa dulo na ikina-iling ko.
"Alright, alright, pero okay lang ba kung may kasama ako?" Tanong ko habang nakatingin kay Miguel na nagpupunas na ng pawis niya at namumula na ang labi mula sa anghang ng noodles.
[Yung family friends mo ba? Sige lang-]
"Hindi, si Miguel, pre." Bulong ko na narinig din naman ni Miguel. Nag-angat ito ng tingin sa akin at pinagtaasan pa ako ng magkabilang kilay.
[Ayyy!!] Lumiit ang boses ni Gen sa kabilang linya, [Oo naman, pre. Isama mo na ang Omegabaybeh mo.] Pang-aasar nito na ikinatawa ko nang pagak.
"Sige, sige, anong oras ba?" Tanong ko rito, pinapanood ko si Miguel na ubusin ang isang pitchel ng malamig na tubig.
[10PM daw sa Puesto, Miks. Message mo nalang ako kapag nakarating na kayo.] Sagot ni Gen at nag-hum ako.
"Alright, alright, we'll be there, thanks for the invite, Gen." After ending the call, I walked back to the table where Miguel had already finished the pitcher of water.
"Tara sa Puesto mamaya? 10PM?" Aya ko at bahagyang kumunot ang noo nito habang naghahabol ng hininga.
"Libre mo?" Tanong niya at umiling ako bago nagtuon ng magkabilang kamay sa lamesa, "Birthday ng kaibigan ng kaibigan ko, gusto lang kitang isama." Aya ko at nagparte ang labi niya.
Umismid ito, "'Wag na, baka ma-OP lang ako. Hindi ko naman kilala 'yon." Sagot niya, at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago napaisip.
"First of all, hindi ko rin naman kilala yung kaibigan ni Gen. Inaya lang din ako. Second, if gusto mo talaga ng kakilala mo, isasama na rin natin sila Gab." Sagot ko, at ilang segundo akong pinagmamasdan ni Miguel, nag-iisip.
Napanguso ako bago bahagyang lumiyad palapit. "Can you please come with me? Gusto talaga kitang kasama, eh." Malambing kong sabi rito.
Nakita kong utay-utay na gumuhit ang ngisi sa labi ni Miguel bago ilang segundo lang ay humalakhak na ito ng tawa. "Baliw! Si pa-cute naman ito! Oo na! Sasma na!" Natatawa nitong sabi at pabiro pa na hinampas ang braso ko na parehas naming ikinahagikhik.
Nagtalo pa kami ni Miguel kung sino ang maghuhugas. Dahil bisita ko siya, ayaw ko sanang gagalaw pa siya rito at maghuhugas ng pinagkainan. Pero pinanlakihan niya ako ng mata at nag-release pa ng pheromone. Hindi ko na nilabanan ang pheromone niya dahil kung magre-release rin ako ay siya ang kawawa sa huli. Kaya hindi na ako umangal pa at hinayaan nalang siyang maghugas.
"Susunduin mo nalang ba ako mamaya papuntang Puesto?" Tanong ni Miguel habang naghuhugas.
Napaangat ako ng tingin mula sa cellphone ko bago ko tiningnan ang orasan. "Pwede ba na magbihis na ako tapos sumama na ako sa'yo pauwi sa dorm mo? Tapos magpalipas nalang tayo ng oras bago saka pumunta sa Puesto?" Tanong ko,
Nilingon ako ni Miguel, pinagmasdan habang may maliit na ngisi sa labi bago tumango, "Sige, sabi mo, eh. Umuwi rin naman mga roommates ko, kaya okay lang." Sagot niya bago siya nagbalik ng tingin sa hinuhugasan niya.
Bago siya matapos sa mga pinagkainan ay nagpaalam na ako sa kaniya na maliligo at magbibihis muna ako sa taas. Binilisan ko lang din dahil ayaw kong paghintayin siya nang matagal sa baba.
"Tara na?" Aya ko rito habang bumababa ng hagdan, medyo nagtutulo pa ang buhok.
Tumayo si Miguel mula sa sofa at tumango, "Baka umidlip muna ako sa dorm, okay lang ba sa'yo?" Tanong niya at agad akong tumango. "Sure, no problem. Okay lang naman kahit ma-late tayo, eh." Sagot ko at tumango si Miguel.
Nasa sasakyan palang kami ay kita ko na ang antok ni Miguel. Nang makapasok na kami sa dorm nila ay agad itong humiga sa lower bunk habang ang bag nito ay tumilapon sa sahig.
"Higa ka lang diyan, Mikhael. Ingat nalang sa pheromones mo, 'wag ka nalang mag-iwan." Ani nito habang nakabaon ang mukha sa unan. Napangisi nalang ako at napailing habang pinagmamasdan ang kwarto nila.
Hindi rin naman ako inaantok o di kaya ay pagod, kaya naisipan ko nalang na maglinis ng kwarto nila. Inalis ko ang puno na nilang trash bag sa basurahan at pinalitan ng bago. Itinapon ko na rin ang mga basura sa lababo nila at inayos ang lampas isang dosenang pinaglagyan ng cup noodles. Nagwalis-walis na rin ako at nagpunas ng ibabaw ng mga cabinet. Hindi ko napansin ang oras at natigilan nalang nang bumangon si Miguel sa kama.
"Naglinis ka?" Tanong ni Miguel, nagkukusot ng mata.
Nahihiya akong tumango, "Yep, I hope you don't mind. Yung mga basura lang naman ang ginalaw ko. Wala akong ginalaw na ibang bagay lalo na sa tables niyo." Sagot ko at tumango si Miguel.
"Anong oras na?" Tanong niya habang may hinahanap sa kama.
Tumingin ako sa relo ko, "10:48," sagot ko at agad nagbalik ng tingin sa akin si Miguel, "Shit! Late na tayo! Bakit hindi mo 'ko ginising?!" Natataranta nitong sabi na maski ako ay nataranta. Hindi na ako nakaimik at pinanood ko lang siyang pumasok sa banyo dala-dala ang towel niya.
Napakamot nalang ako sa ulo nang malakas na sumara ang pintuan ng banyo. Naghugas lang ako ng kamay at nagpunas gamit ang tissue bago naupo sa kama na hinigaan ni Miguel.
And holy fuck, his scent is still here. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapahiga na rin sa hinigian niyang kutson at unan dahil nakadikit doon ang pheromones niya.
Ngayon lang ako naka-amoy ng ganito kabangong pheromone. I've been exposed to hundreds of pheromones before. It's always a mix of sweet pheromones from Omegas and strong pheromones from Alphas. And I always say that none of them actually smells nice for my taste.
Oo, mabango, pero parang karaniwang bango lang. Kumbaga sa bulaklak, amoy bulaklak na mabango lang ang sa kanila.
Pero itong kay Miguel? Ito yung tipo ng bango na ang gaan sa pakiramdam. Nakaka-relax. Nakaka-comfort.
"Mikhael, okay ka lang?"
Agad akong napabangon nang lumabas si Miguel ng banyo. Gaano katagal ba ako nakahiga doon? Mabilis ba talaga siyang maligo?
"Masama ba pakiramdam mo?" Nag-aalala niyang tanong bago lumapit sa durabox.
Agad akong umiling, "Hindi naman, okay lang ako. Napahiga lang din." Sagot ko at nag-hum ito habang busy na kumuha ng damit sa durabox.
Humarap ito sa akin. Saka ko lang napagtanto na wala pala siyang damit pang-itaas at tanging towel lang na nakabalot sa baywang ang meron siya. "Mabilis lang akong magbihis, promise." Ani bago naglakad pabalik ng banyo.
Ni hindi manlang ako nakakibo o nakapagsalita at naiwan na nakatameme doon.
Maya-maya ay lumabas na si Miguel sa banyo. Nakasuot siya ng simpleng pares ng jeans at puting T-shirt na may maliit na print sa bandang kaliwang dibdib. Pinanood ko siyang mag-ayos sa harap ng salamin at naglagay pa siya ng silver na kwintas na napansin kong singsing ang pendant.
"Bakit hindi mo nalang isuot yung singsing?" Suggestion sa kaniya, pero ang totoo ay gusto ko lang malaman ang history ng singsing na iyon.
Nilingon niya ang singsing, "Hindi na kasi kasya. Singsing ko 'to nung high school, galing sa kaibigan ko." Sagot niya habang busy na nagsusuklay ng buhok.
Bago umalis ay nagsuot pa siya ng itim na jacket na hanggang sikmura niya lang isinara ang zipper.
Pagdating namin sa Puesto ay agad kong nakita sila Gen. Malaki ang grupo nila sa isang tabi at halatang nakakarami na ang iba.
"Late ka!" Sita sa akin ni Gen nang akbayan ako nito.
Nagparte ang labi ko bago napalingon kay Miguel sa likuran ko na mukhang hindi na agad mapalagay, "Nagtae ako, pre." Nagbalik ako ng tingin kay Gen, "Akala ko nga hindi ko kakayanin, eh. Baka umuwi rin kami agad mamaya. Masakit talaga." Pagdadahilan ko habang pilit na inaabot ang kamay ni Miguel sa likuran ko.
Lilingunin ko sana siya nang bigla akong abutan ni Gen ng alak na hindi ko na natanggihan, lalo pa at kulang nalang ay isupalpal niya sa akin ang baso.
Naghiyawan silang lahat nang ma-bottoms up ko ang inumin. Pagkalapag ko ng baso sa lamesa ay agad kong nilingon si Miguel na nakangisi akong pinagmamasdan na ikinangisi ko rin.
Nakawala ako sa akbay ni Gen at agad na nilapitan si Miguel. I leaned closer to his ear, "If you see your friends, feel free to join them. But do know that I'll enjoy this night more if you're with me." I said. Miguel faced me, our lips inches apart from each other.
"Wala akong nakikitang kakilala ko kaya most probably dito lang ako." Sagot niya na parehas naming ikinangisi. I took the initiative to reach for his hand. The worst thing he can do is to say 'no', but as my fingers brush against his, he was the one who grabbed my hand and intertwined our fingers together.
Binigyan kami ni Karl ng bangko at sinigurado namin na magkatabi talaga kami ni Miguel. Habang nagkakasiyahan silang lahat ay nakaupo lang kami ni Miguel doon, umiinom, nagkukuwentuhan, habang magkakahawak ang mga kamay sa ilalim ng lamesa.
"Sa tingin mo, sa lahat ng mga tao rito sa Puesto, ilan na ang naka-ONS mo?" Tanong sa akin ni Miguel, nakasandal ang ulo sa balikat ko at pinipisil-pisil pa ang kamay ko na hawak-hawak niya.
Muntikan ko nang maibuga ang alak na iniinom ko, "Miguel naman, eh." Ani ko rito habang nagpapahid ng labi.
Napahagikhik si Miguel, "Hula lang. Nasabi ko sa'yo yung mga naka-sex ko before, tapos ikaw, kahit estimate, hindi mo magawa?" Tanong niya at napabuntong-hininga ako.
"Miguel, you know I'm at the high-portion of UPLB food chain," I said, a bit embarrassed about the fact that I am 'THAT' active.
Narinig kong humagikhik si Miguel, "Oo nga, alam ko. Kaya nga gusto ko lang malaman. If I'm gonna date someone who's at the top of the foodchain, might as well just know how high his position is." He replied, which made me pursed my lips and nod.
"Okay, well, approximately, in this room," I looked around, "Okay, I do recognize a few faces. Some are... ONS lang, some are situationship, some... momol lang-"
"So ilan nga?" Tinapik ni Miguel ang hita ko.
Nagbalik ako ng tingin sa kaniya na hinihimas na ngayon ang hita ko, "Approximately, 13 people. But that does not mean I had sex with those 13. As I said, some are just flings and make-out sessions." I replied.
Miguel lifted his head from my shoulder and squinted his eyes at me, "Grabe ka, kapag naging tayo ba, ititigil mo 'yan-"
"Of course! Hindi naman ako cheater. Oo, papalit-palit ako, pero hindi ako nagsasabay, ha! And on my defense, none of them were serious." I replied, and Miguel burst out laughing, pressing his forehead on my shoulder blade.
"Ikaw palang ang sineseryoso ko-"
"Sus! Sinabi mo siguro 'yan sa 13 na 'yon." Putol niya sa akin na ikinagulat ko at pareho naming ikinatawa.
Ibinaling ko ang buong katawan ko sa kaniya, "Hindi ngani at sa'yo lang ako nag-confess." Sagot ko na ikinahalakhak niya.
Miguel and I were having a good time- a great time, even, when his phone suddenly lit up when a notification popped up. But instead of focusing on the notification coming from Messenger, my vision focused on the time instead.
11:59pm.
My smile dropped.
One minute. I have one minute before I start seeing things.
"Miguel, saglit." Agad akong napatayo. Narinig ko pa na tinawag ako ni Miguel, pero nagsisimula nang magblangko ang isip ko.
Maganda nga sana kung blangko lang. Ang mahirap, sa kabila ng ingay ng paligid, naririnig ko ang pamilyar na boses at sigawan noong gabing iyon.
"Fuck...!" My hand ran through my hair. But then I felt something wet against my palm. I immediately pulled my hand from my hair, and I saw it. The blood. That same red, thick, and hot liquid dripping through my hands.
My throat tightened; I stopped on my tracks while everyone around me started blurring out.
"Miks! Here you are!"
I felt a hand against my arm. It wasn't Miguel's, nor Dad's. When I looked at the face, it was blurry; I couldn't recognize it.
Everyone started shouting, something my mind couldn't register.
"Five ...! Walang ...!"
"... seconds! ... Malisya!"
My visions started flashing and switching images. One second, it's the dancing and flickering lights of the bar; the next second, it's that damn mansion, the cold, tiled floor, and the people gathering around me.
"... seconds! ... Malisya!"
"Five ...! Walang ...!"
I started panting. I started gasping for air as I felt a hand wrap around my arms. The voices started getting louder and louder. But when I closed my eyes, all I could see was my father's lifeless body on the floor, while no one even budges to help.
"I'm sorry...!"
My eyes shot open when a familiar hand yanked me away. "Hindi siya pwede makipag five-seconds." Hearing Miguel's calm and soothing voice somehow snapped me out of my hallucinations.
I faced Miguel, who was standing beside me. His face looked tensed, nervous, and even floundering. "He's mine, so back off muna kayo."
----
a/n: Hi guys! It's been a while! So heads up lang na I am now focusing more on WOLC kasi gusto ko na siya tapusin. Then after I finish WOLC, mag lielow muna ako on writing. Kasi I am taking 5 major courses rn and mabibigat sila huhuh, student mode muna huhuhuh, sorry, takot sa failure, pero you know, hindi naman ako mag hiatus or discontinue or what mwheheehhe, pero ayun, I'm asking for patience and understanding ehehhe happy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co