Chapter 3 - Pheromone
Miguel's POV
"You know what, tara na. May pupuntahan pa tayo." Natauhan ako nang biglang magsalita si Mikhael.
Tumango ang dalawa sa kasama niya habang ang isa ay napakunot ang noo. "Bakit hindi natin ayain si Miguel? Diba? Sama ka sa SB?" Tanong sa akin nung Leon.
Nagparte ang labi ko bago umiling, "Hindi-"
"'Wag na. Baka hindi siya komportable sa atin." Sabat ni Mikhael bago naglakad pababa ng hagdan. Agad itong sinundan ng dalawa niyang kaibigan habang si Leon ay kumaway muna sa akin bago siya naglakad paalis.
Kumawala ang isang mapait na tawa sa bibig ko bago napasinghal, "Ako pa talaga ang hindi komportable?" Napa-iling ako.
Halata naman na siya ang may ayaw sa akin. Sinabi na nga niya noong isang araw, diba? Unfortunately, Omega ako. At under ako sa kaniya dahil isa siyang Alpha at nasa tuktok ng ABO hierarchy.
Bago pumunta sa gym ay may nadaanan akong food stall at bumili muna ng burger na kinain ko rin habang naglalakad. Pagdating ko sa classroom ay wala pang katao-tao rito, kaya naman naupo ako sa bangko sa may sulok bago isinuot ang earphones ko.
Ilang minuto ang makalipas bago nagsidatingan ang mga estudyante. Sa tuwing may papasok sa classroom ay mapapaangat ako ng tingin, kaya naman nang pumasok si Mikhael at ang iba naman niyang mga kasama ay nagtagpo ang mga mata namin.
Agad akong nagbaba ng tingin, nilakasan ang volume ng cellphone ko at sumandal sa pader.
Nagulat nalang ako nang bigla akong tamaan ng bangkong nasa tabi ko. Pagtingin ko rito ay sila Mikhael ito at mga kaibigan niya na nagtutulukan at higitan.
May hinihigit si Mikhael na kasama niya patayo mula sa bangko na siya ring tumulak sa kaniya.
Napakunot ang noo ko bago inalis ang earphones ko.
"Diyan kana-"
"Ayoko nga!"
"Bakit?! Ang arte mo naman-"
"Ayoko ngang tumabi kay Miguel!"
Nang mapatingin sa akin ang kakulitan niyang kasama, parehas silang natigilan at maski si Mikhael ay lumingon na rin sa akin.
Napasinghal ako. Dinampot ko ang bag ko na nasa sahig bago tumayo mula sa bangko na kinauupuan ko.
Nang dumaan ako sa likuran ni Mikhael ay sinadya kong banggain ng balikat ko ang likod niya. Pero dahil mas focus ako na banggain siya'y hindi ko napansin ang nakakalat na bag ng kaibigan niya sa sahig na siyang kinatisuran ko.
"Uy!!"
Mahigpit akong nahawakan ni Mikhael sa braso dahil kung hindi ay plakda ang mukha ko sa sahig.
"Okay ka lang?" Tinulungan ako ng kaibigan niya na makatayo nang maayos.
Tumango ako bago binawi ang braso mula kay Mikhael, "Okay lang." Sagot ko bago nilakdangan ang bag na nakaharang sa harap ko.
"Saan ka pupunta?" Nagsalita yung Mikhael.
Nilingon ko ito at tinaasan ng isang kilay, "Lilipat ng bangko. Nakakahiya naman sa'yo." Inis kong sabi bago lumipat sa kabilang sulok ng classroom. Mabuti nalang at may mga bakante pang bangko kahit malapit nang mapuno ang mga ito.
Pagkaupo ko ay nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko na nakatingin silang apat sa akin. Nang lingunin ko ito ay agad nag-alis ng tingin ang tatlo pero itong si Mikhael ay nanatiling nakatanaw sa akin.
Napakabastos talaga. Ngayon lang ako nakaranas ng harap-harapan na nang di-discriminate ng Omega. Iskolar na ng bayan 'yan? Sayang ang tax ng taumbayan kung sa ganiyang uri ng estudyante lang napupunta.
Dahil unang klase palang naman namin ay nag-discuss muna ang prof at hindi muna kami pumunta ng court para magkaroon ng activity.
Nang matapos ang klase ay natagalan akong lumabas dahil nag-ayos pa ako ng gamit. Nakasabay ko pa iyong apat na lumabas, pero dahil nababanasan ako sa pagmumukha ni Mikhael na kanina pa tingin nang tingin sa akin ay dali-dali akong umalis ng gymansium.
Pagbalik ko sa dorm, nadatnan ko si Kuya Tim at Chris na naghahanda na sa pag-alis habang si Kuya Luke naman ay naka-uwi na. Pagsapit ng alas sais ng hapon ay mag-isa na ako sa dorm.
Nagpapakulo na ako ng tubig para sa cup noodles ko. Nang kumulo na iyon, napatayo ako at sinalinan na ang bulalo ko. Marahan ko iyong dinala sa study table ko at hinintay na maluto.
Muntikan ko pang makalimutan na may pagkain pala ako dahil masyado akong tutok sa ginagawa ko. Hindi na tuloy mainit ang sabaw ng noodles, kaya medyo hindi ko na iyon na-enjoy na kainin.
Gustohin ko man na lumabas pa ay tinatamad na ako. Tiniis ko nalang ang malamig na noodles at sinabayan pa ito ng SkyFlakes dagdag pampabusog.
Alas onse na ng gabi nang matapos ako sa ginagawa ko. Itinapon ko lang sa basurahan ang pinagkainan ko, nag-toothbrush bago sumampa na sa double deck.
Magse-set dapat ako ng alarm sa cellphone ko nang tumunog ang sikmura ko. Napapikit ako nang mariin bago ipinatong ang cellphone ko sa dibdib at napahilamos sa mukha.
"Nakakagutom~~!!!" Pagrereklamo ko. Sana lang ay hindi ako narinig ng kapitbahay ko.
Bumaba ako ng double deck para tingnan kung anong makakakain ko. Puro biscuit at sachet ng kape ang laman ng snack box ko. Kahit kainin ko iyon, hindi masisiyahan ang tiyan ko dahil gusto ko ng maalat na pagkain pero hindi tsitsirya, kaya wala rin silbi ang cornbits ko.
Kahit tinatamad at inaantok na, pinilit ko ang sarili kong lumabas. Tahimik ang mga eskinita na nadaanan ko maliban nalang sa bandang Puesto kung saan hanggang labas ay may mga nagkalat na estudyante.
Pumunta ako sa pinakamalapit na 7-Eleven para bumili ng rice meal nila at doon na iyon kinain. Dahil nasa 7-Eleven na rin ako ay bumili pa ako ng tuna melt at kinain iyon habang naglalakad.
Nasa bandang Puesto ako nang may makabungguan ako. Ayan, cellphone pa habang naglalakad, Migs!
"Shit!" Mura ng lalaki. Hindi ko agad ito namukhaan dahil medyo nasa madilim kaming parte. Pero nang tamaan ang mukha niya ng ilaw ng dumadaan na motor ay nakilala ko ito.
Pucha... si Mikhael!
"Okay ka lang?" Tanong nito. Malalim ang boses at halatang naka-inom na.
Bahagya akong napa-ismid-hindi ko na napigilan. Tumango ako, "Okay lang, sorry." Ani ko, bago naglakad paalis sa harap niya, binangga ulit ang balikat ko sa balikat niya.
"Miguel, about this afternoon-"
"Hindi ako interesado!" Sigaw ko rito dahil nakakalayo na ako.
Hindi ito sumagot, pero narinig ko ang yabag ng paa na sumusunod sa likuran ko na ikinapikit ko nang mariin. At kahit anong bilis ng hakbang ko ay naabutan pa rin niya ako.
"Let me explain," his voice sounded guilty. When I faced him, his expression looked guilty too.
Kumunot ang noo, "Hindi mo kailangang mag-explain. Hindi yun big deal." Ani ko. Gusto ko lang matapos 'to, umalis, at umuwi na.
Ang OA naman niya! May pahabol-habol at 'Let me explain' pa siyang nalalaman! Fictional character yarn?
Napakamot ito sa batok, "What I did was rude," he admitted.
Tumaas ang isang kilay ko, pero hindi nagsalita.
"I shouldn't have... said that. But I really didn't mean it in a bad way! Hindi ako nangdi-discriminate or what! I just... don't really wanna sit next to you or even... be close to you." His voice faded at the end as he avoided eye contact.
Kumawala ang isang singhal sa labi ko bago ako napahilamos sa mukha. "Hindi kita gets, pare. Labo ng ugali mo." Ani ko, bago siya tinalikuran. Mabuti naman at hindi na niya ako hinabol dahil mukhang malakas na ang tama niya at kung anu-ano na ang sinasabi.
Hindi nang di-discriminate? Pero ayaw akong makatabi o makalapit manlang?! Eh ano palang trip niya? Anong atraso ko sa kaniya para kamuhian niya ako?
Hindi naman pwede na may galit na agad siya sa'kin dahil noong Miyerkules ko lang siya nakadaupang-palad! Wala pa akong kasalanan sa kaniya!
Ipagpatuloy pa niya yung ugali niyang 'yan, baka sa susunod meron na.
Pero ngayon?! Ano bang problema niya sa akin?! Dahil Omega ako?! Edi discrimination nga! Bobo naman niya!
Maaga akong umakyat sa upper campus kinabukasan. Wala pa akong almusal dahil wala na rin naman akong makakakain sa dorm at tinamad na rin akong bumili.
Nag-asikaso ako ng para sa thesis ko at inabot din ako ng tanghali doon dahil nagpa-consult ako sa research adviser ko.
Sa mga ganitong oras, nagsisisi ako na hindi ko ito tinapos last sem. Pero huli na para magsisi.
Quarter to 1 na nang matapos ako sa ginagawa ko. Dahil walang jeep pababa ay nilakad ko mula upper campus at nag-short cut nalang para hindi gaanong mahaba ang lalakarin ko. Pagbaba ko sa may Freedom Park ay sumakay na ako ng jeep papuntang Raymundo Gate. Nag-take out na lang ako ng pagkain sa WeDeliver para kainin iyon sa dorm.
Natulog ako nang buong hapon. Nang magising ako ng alas sais ng hapon ay may mga messages sa akin sina Mama na nangangumusta dahil buong araw na akong walang paramdam. Pagkatapos kong mag-reply sa kanila ay nagbihis na ako ng pajama at T-shirt bago lumabas ng dorm para kumain ng hapunan.
Nagawi ako sa Agapita sa paghahanap ng kakainan. Pumasok ako sa karinderya at doon um-order ng sisig. Payapa akong kumakain ng hapunan habang nag-sc-scroll sa cellphone ko nang may biglang umupo sa harapan ko.
"Hi,"
Mula sa pagkakasubsob sa lamesa ay napaupo ako nang maayos bago maglibot ng tingin, "Anong... ginagawa mo rito?" Taka kong tanong nang makita si Mikhael na nakaupo na sa harapan ko.
Bigla-bigla nalang siyang sumusulpot, nakakagulat.
Tinanggal nito ang suot na cap, "I was passing by and saw you, I pulled over and... just wanted to talk to you." Sagot nito, halatang hindi pa rin makalimot sa mga pinaggagawa niya kahapon at kagabi.
Bumuntong-hininga ako, "Kung tungkol pa rin 'yan sa mga pinagsasabi at pinaggagawa mo, okay na. Tapos na. Kalimutan mo na para hindi na tayo mag-usap pa. Tutal ayaw mo rin naman sa akin, eh-"
"That's not what I mean," he cut me off. Voice firm and serious.
Nag-iwas ako ng tingin para hindi niya makita ang inis kong ekspresyon. Kahit Alpha 'to, uupakan ko 'to. Alam kong ako ang dehado sa huli, pero masuntok ko lang 'to ng isa o dalawa, mapapanatag na ako.
"I'm not that kind of Alpha who discriminates Omega." He said, gently this time.
Nagbalik ako ng tingin sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay, "Bakit ganun ka makapagsalita? Noong Wednesday, narinig ko yung usapan niyo na disappointed kang Omega ako. So may problema ka nga sa pagiging Omega ko?" Inis kong tanong rito. Hindi ko pa namalayan na ang katawan ko ay lumalapit sa lamesa sa sobrang inis.
Sumaltik ang dila ni Mikhael, "Paano ko ba i-e-explain 'to?" Bulong nito bago napakamot sa batok niya.
Napatawa ako nang pagak bago lumayo mula sa lamesa, "Hindi na. 'Wag na. 'Wag ka nang mag-explain." Inis kong sabi bago sumubo ng pagkain.
Gusto ko na sanang umalis at mag-walk out. Ang problema, nasa kalahati pa yung pagkain ko at sayang naman kung iiwan ko nalang.
"Miguel, I swear, I have a reason-"
"Oo na, oo na! May reason kana!" Inis kong sabi rito, nakatuon ang atensyon sa pagkain at sunod-sunod ang subo para makaalis na.
"I don't want you to see me that way. Hindi ako ganun." Bulong nito, habang may bahid ng panggigil sa boses niya.
Tumango lang ako, sunod-sunod pa rin ang subo. "I'm just keeping my distance from Omegas because- uy,"
Nabulunan ako ng kanin, nalunok ko nang hindi ko pa nangunguya.
Agad tumayo si Mikhael habang ako itong mauutas na sa kaka-ubo at may mga kanin nang tumatalsik sa lamesa.
"Drink water," nang itapat ni Mikhael ang baso sa bibig ko ay agad ko iyong inabot at ininom, hawak-hawak ang kamay niya na hawak ang baso.
Naubos ko ang isang puno doon at isang dighay ang kumawala sa labi ko. "Bless you," ani ni Mikhael.
Bumagsak ang balikat ko habang naghahabol ng hininga. Saka ko lang din napagtanto na hinihimas pala ni Mikhael ang likod ko at agad iyon iwinaksil.
"Okay na, okay na," tinaboy ko ito paalis sa likuran ko.
"Are you sure you're okay?" Tanong nito nang maupo pabalik sa bangko sa harap ko.
Inayos ko ang salamin ko bago tumango, "Oo nga, okay na ako. Quits na rin tayo dahil ikinuha mo 'ko ng tubig. Kaya pwede ba? 'Wag kang bigla-biglang susulpot para magpaliwanag." Singhal ko rito at tumango ito nang isang beses.
"Fine. But... if you need anything, you can ask me for help." Ask him for help? With that tone of voice? He sounds like he's being forced to make peace and say that.
I cocked a brow, "Hmm, oo na." Ani ko, bago dinampot ang cellphone ko. Kita mo nga naman, naubos ko rin yung pagkain.
"You're leaving?" Tiningala ako nito nang tumayo ako.
Tumango ako, "Alangan. Dala ko na gamit ko, diba?" Pabalang kong sagot dito.
Tumayo ito mula sa bangko, "Let me send you home-"
"Hindi na. Masyado tayong magiging close kapag ganun. Baka malasin ka pa kapag kasama ako." Putol ko rito bago lumabas ng karinderya.
Dahil sa pagod ko sa pag-aasikaso ng thesis buong araw at sinagad pa ni Mikhael ang natitira kong energy, maaga akong nakatulog sa dorm.
At kung wala pang tatawag sa akin ay hindi pa ako magigising kinabukasang umaga.
"Hello?" Garalgal ang boses ko.
[Ay naku, kagigising lang,] narinig kong sabi ni Papa na agad kong ikinabungisngis.
"Morning, Pa," bati ko habang nagkukusot ng mata.
[Oh, morning, anak. Ano... nagpadala na ako ng pera sa card mo, check mo nalang mamaya, ha?] Ani niya at nag-hum ako.
"Salamat, Pa, withdraw-hin ko mamaya," ani ko bago ako nakamulat nang maayos at napatulala sa kisame.
[May dagdag na rin yun, mag mall ka o kumain ka sa labas. Mag-grocery ka na rin para may pagkain ka diyan sa dorm mo.] Ani niya at nag-hum ako.
"Tipirin ko nalang yun, pangdagdag na rin sa ambagan sa inuman." Biro ko na parehas namin ikinahagikhik ni Papa.
[Ay sus 'tong batang 'to,] singhal ni Papa na ikinahalakhak ko bago umupo sa kama.
[Basta yung gamot mo at pagkain, unahin mo yun.] Bilin niya at nag-hum ako, "Siyempre, mahirap na magutom." Ani ko at napatawa si Papa.
[At kapag malala ang heat mo... patulong ka nalang sa kaibigan mo na Alpha.] Dagdag pa niya na ikinatawa ko nang pagak bago napahilamos sa mukha.
"Si Papa baga, kaya na ng gamot 'to." Sagot ko na may halong pagrereklamo.
Humagikhik si Papa sa kabilang linya, [Oh, sige, sige, una na ako at may trabaho pa ako. Bye, Migs! Ingat anak!] Paalam niya,
"Bye, Pa! Ingat sa trabaho! 'Wag magpapakapagod!" Bilin ko rito bago ibinaba ang tawag.
Dahil alas diyes na ng umaga ay agad akong naligo para umalis ng dorm. Nag-withdraw muna ako ng pera sa 7-Eleven bago naglakad sa botika para bumili ng mga suppressant at inhibitor.
"Sorry, Sir, out of stock po ang generic namin na suppressant ngayon. Kung gusto niyo po, meron kaming branded rito." Alok sa akin ng pharmacist bago inilapag sa counter ang isang vial.
Napakagat ako sa labi. Dinampot iyon bago pinagmasdan, "Magkano 'to, Miss?" Tanong ko.
"850 po ang isa, Sir." Sagot niyo. Agad ko iyong inilapag pabalik sa counter, "Walang iba, Miss? Yung... mas mura?" Tanong ko.
Tumalikod ang pharmacist sa akin at may kinuhang mga gamot, "Ito sir, 750, ito po 500, itong isa, 350."
Naitikom ko ang bibig ko bago pinagmasdan ang tig-350. "Hindi na po muna, Miss, salamat po," ani ko bago umalis sa botika.
Dahil mainit na ang sikat ng araw at gutom na rin ako, sumakay na ako ng jeep papuntang Calamba para mag-SM. Kakain muna ako doon at magpapalamig, mamayang hapon nalang ako maghahanap ng gamot.
Pagdating ko sa SM ay lampas alas onse na. Sakto rin ang dagsa ng mga tao, kaya natagalan akong maka-order sa kainan at makahanap ng table.
Nag-send ako ng picture sa magulang ko ng pagkain para masigurado nila na kumakain ako nang maayos- minsan.
Pagkatapos kong kumain ay naglakad-lakad na ako sa mall at nag-window shopping. Binalak ko pa sanang manood ng sine, pero pagtingin ko sa oras ay mag-aalas-tres na pala at medyo napapagod na rin ako.
Na-traffic pa ang jeep na sinasakyan ko at halos mag-isang oras kami sa biyahe. Mag-aalas singko na nang makababa ako para maghanap ng gamot.
Ang pangalawang botika na pinuntahan ko ay walang tinitindang generic na suppressant, kaya naglakad ako sa kasunod na botika.
Pagpasok ko doon ay agad akong dumiretso sa counter,
"Miss, suppressant po,"
"Inhibitor po sa'kin,"
Napalingon ako sa gilid ko nang may makasabay na bumili sa counter.
Agad akong napangiwi nang magtagpo ang mga mata namin ni Mikhael.
Nagparte ang labi nito bago humakbang paurong, "You go first," ani niya at sinenyasan pa ako na mauna na.
Tumango ako, "Salamat." Lumapit ako sa counter.
"Suppressant, Miss, yung generic po." Ani ko.
"'Yan lang po, Sir?" Tanong ng pharmacist.
"Syringe na rin po at... yung patches- yung 12 pieces lang." Dagdag ko pa.
Habang kinekwenta ng pharmacist ang pinamili ko, napalingon ako kay Mikhael na nakatayo sa gilid ko at may dala-dalang Pocari Sweat.
Tinaasan ako nito ng kilay at bahagyang umangat ang gilid ng labi, "Meron ka na?" Tanong niya.
Umiling ako habang tinutuktok ang daliri sa counter, "Next week pa," sagot ko at nag-hum ito.
"Malapit na rin ako." Ani niya, at nagbalik ako ng tingin sa counter.
Inabot ko na ang bayad ko sa pharmacist at kinuha ang mga binili ko. Nanatili ako doon dahil hinihintay ko ang sukli ko.
"Why use the generic ones?" Tanong ni Mikhael.
Nagkibit-balikat ako, "Kasi mas mura at same lang naman ang effect." Sagot ko, hindi siya nililingon.
"You know na hindi diba?" Ani niya, "Branded ones tend to last longer than generic ones. Which means you'll have to take a lower dosage than using a generic one." Dagdag pa niya.
Bahagyang napakunot ang noo ko bago siya nilingon, "Alam mo... may point ka," ani ko, "Pero hindi ko kasi talaga afford yung mga branded. Intense kasi yung-" Natigilan ako bigla. Napakagat ako sa labi ko bago napalunok ng laway.
Hindi ko ikinahihiya na Omega ako, pero nahihiya akong pag-usapan ang heat ko sa public lalo na sa taong hindi ko naman ka-close.
"Intense ang alin?" Tanong ni Mikhael.
Naitikom ko ang bibig ko bago umiling, "Wala, wala. Basta yun, mahal ang branded para sa akin. Yung generic, 150 lang ang isa, eh. Tumatagal na rin naman ng anim na oras kaya okay na yun." Sagot ko sa kaniya at utay-utay siyang tumango.
Mabuti nalang at bumalik na ang pharmacist at naibigay na ang sukli ko. Dali-dali akong umalis sa counter para hindi na makasama si Mikhael.
Paglabas ko ng pharmacy ay may nadaanan akong nagtitinda ng banana cue. Dahil medyo gutom na sa kakahanap ng generic na suppressant, bumili muna ako at nagmiryenda saglit sa tabi.
Kumakanta-kanta ako habang ngumunguya ng saging nang mapalingon sa kanan ko at nakita si Mikhael na naglalakad palapit sa akin.
Ano nanaman?!
"Masosorry ka nanaman ba?" Tanong ko rito nang wala nang isang metro ang lapit niya sa akin at nagtagpo ang mga mata namin.
Kumunot ang noo niya, "What? Hindi, ah. Pauwi na ako. Taga Demarces ako, eh." Turo nito sa direksyon ng subdivision.
Natigilan ako sa pagnguya. Nag-assume ako doon.
Napatawa nang pagak si Mikhael, "Akala mo kukulitin nanaman kita?" Tanong niya, may nakakalokong ngisi sa labi.
Umismid ako bago lumingon sa kabilang gawi, "Oo. Makulit ka, eh." Ani ko at narinig ko itong humagikhik.
"Whatever, Miguel. I was just trying to explain my side." Napangiwi ako habang ngumunguya.
Nagbaling ako ng tingin sa kaniya, "Ah wala, hindi. Nang di-discriminate ka. Nandidiri ka sa mga Omega-"
"Sst! Don't say that! Baka may makarinig tapos isipin nila ganyan talaga ako." Sita nito sa akin, nakamulagat ang mata at bahagya pang nanggigil ang boses na ikinahagikhik ko bago inilapit ang banana cue sa labi ko.
Papakagat na sana ako nang may maamoy bigla.
"Uh... Mikhael," tawag ko sa kaniya.
"Yeah?" sagot nito,
"Uh..." napalunok ako ng laway, "Nagre-release ka ng pheromone?" Tanong ko bago nagbalik ng tingin sa kaniya. Para akong kinakapos ng hininga bigla at nakakaramdam ng kakaibang kulo sa bandang puson.
Nakita kong namilog ang mga mata niya at sa mukha palang niya ay guilty na ito.
He tilted his head, "You were releasing too." he was sure of it.
Napakunot ang noo ko bago inamoy ang pulso ko. Shit! Oo nga! Sumisingaw pheromone ko nang wala akong kamalay-malay! Letcheng pre-heat period 'to!
Napahakbang ako paurong mula sa kaniya, "Shit! Sorry! Hindi ko alam!" Humakbang ulit ako ng isa pa.
Ang unethical ko naman! Bastos kung tatawagin ng iba. Hindi tama na bigla-bigla nalang akong nangangamoy pheromone sa public. It can cause a disturbance or even trigger an Alpha to undergo rut.
Kagaya ni Mikhael! Pati tuloy siya, naparelease ng pheromone dahil sa akin!
"I-It's fine, and I'm sorry too for releasing mine. Yours was just... triggering me, and I couldn't control it." His voice was shaky, and the aura around him changed a bit, too. I can tell he's getting intoxicated with my pheromone, and consuming more would lead to an unwanted rut period in public.
"I think we should part ways now and... calm ourselves down." Ani niya at agad akong tumango.
"Yes, yes, I'm sorry, Mikhael-"
Tumango nang marahas si Mikhael. "It's fine, take care on your way home. Umiwas ka sa mga Alpha, baka kung anong gawin sa'yo--- fuck! Ang bango ng pheromone mo!"
---------
a/n: woah woah woah, bakit nagkaka-amuyan na ng pheromones diyan?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co