Chapter 2 - Alpha
Miguel's POV
"Aray!!" Napasigaw agad ako nang mauntog ako sa bakal ng bunk bed.
Bakal? Sa top bunk ako, ah? Bakit ako nasa bottom bunk?
"Dahan-dahan kasi," agad akong napalingon kay Kuya Tim na nakaupo sa stool sa may lababo at kumakain.
Napakunot ang noo ko habang hinihimas ang ulo kong nauntog, "Anong nangyari kagabi?" Taka kong tanong.
Si Kuya Tim, na may pinapanood sa cellphone niya, ay nag-angat ng tingin bago nagkibit-balikat, "Awan, dinala ka rito nila James, passed out, akala ko dahil sa sobrang kalasingan. Yun pala, na-trigger ka ng isang Alpha sa Tresto." Sagot niya at doon ay nagparte ang labi ko.
"Nag... karoon ako ng heat episode sa Tresto?" Taka kong tanong.
Nagkibit-balikat ulit si Kuya Tim bago sumimsim ng iniinom niya, "Siguro? Hindi naman kita maamoy kagabi. Ang sabi ni James, natagpuan ka raw nila sa banyo na nakahandusay sa sahig, tapos may Alpha na kasama. Pero naturukan ka raw ng suppressant kaya hindi natuluyan yung heat mo." Sagot niya pabalik at mas lalong kumunot ang noo ko.
Una kong kinapa ang leeg ko para hanapin ang turok, bago ang kanan kong braso, "Talaga? Saan daw?" Tanong ko habang hinihimas ang balat ko.
"Ewan ko rin, hindi ko alam, eh." Sagot ni Kuya Tim, busy pa rin sa phone niya.
Sabagay, bakit ko nga naman siya tatanungin, eh hindi naman siya ang kasama ko kagabi sa Tresto? Ang huling natatandaan ko nalang ay...
"Ay tangina!!!" Napasapo ako sa aking mukha bago muling napahiga sa kama.
Narinig kong humagikhik si Kuya Tim, "Gets naman. Canon event na sa mga Omega ang magka-heat scare sa Tresto. Hindi na bago yun. 'Wag kang mag-alala, hindi ka naman siguro ma-free-freedom wall." Natatawang sabi niya.
Hindi ako nakakibo; hindi ako nakatawa kagaya ng ginagawa niya , lalo pa at iba naman ang naiisip ko.
Si PI 10!! Si PI 10 yung huli kong kasama sa banyo! Tapos... pumasok yung mga kaibigan niya at doon na ako nahilo!!
"Ahhh!!!" Napasabunot ako sa buhok.
Si Kuya Tim na naghuhugas na ng pinagkainan ay humahalakhak pa rin. "Sa banyo ka naman daw inatake, walang masyadong nakakita- well, siguro noong inilabas ka na, meron nang nakakita sa'yo," ani nito.
Nang alisin ko ang kamay ko sa aking mukha ay ramdam na ramdam ko ang init nito. Ang pula-pula ko na siguro.
Hinihingal pa ako dahil ilang segundo ko rin nalimutang huminga habang hinihiling na sana'y nilamon nalang ako ng kama, "May... ibang kasama si Jamesi kagabi?" Tanong ko, naghahabol pa rin ng hininga.
Naupo ako sa kama habang si Kuya Tim ay lumingon sa akin. Nang makita niya ang hitsura ko ay napatawa ito nang pagak. "Ayusin mo nga hitsura mo. Wala, walang kasama si James, siya lang. Bakit? May iba kayong kasama kagabi?" Tanong niya, pinagtataasan pa ako ng kilay.
Bahagyang namilog ang mata ko bago agad ikinunot ang noo, "Wala! Wala 'no- wala kaya." Ani ko bago bumangon ng kama.
"Magbabanyo muna ako," paalam ko para maka-iwas na sa kung ano pa ang maisipan niyang itanong.
Sinuyod ko ang aking buong katawan para hanapin ang marka ng turok. Halos limang minuto rin akong naghahanap hanggang sa makita ko ang may tuyong dugo sa kaliwa kong braso. Marunong yung nagturok sa akin. Alam kung saang parte magandang magturok.
Noong first year kami na inatake ako ng heat sa gitna ng klase ay tinurukan ako ni James sa leeg, malapit sa litid, muntikan ko pang ikamatay yun.
Napalingon ako sa aking repleksyon sa salamin. Medyo maputla ang labi ko at mapungay ang mata. Kinilatis ko rin ang leeg ko at bandang dibdib kung sakali man na... may mga pangyayaring nag-init kagabi bago pa ako maturukan.
Dahil may hangover at puyat ay marahan akong gumalaw sa dorm at naghanda na ng pagkain ko.
Nag-aasikaso ako ng thesis ko at nagtatanghalian na rin ng noodles nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagkadampot ko nito ay agad na bumungad sa akin ang pangalan ni James.
[Uy! Musta?!] Nakasigaw agad ito pagkasagot ko sa tawag. Buti nalang ay nakaalis na si kuya Tim at mag-isa nalang ako ngayon.
Napahilamos ako sa mukha, "Okay lang, nagthe-thesis. Bakit?" Tanong ko bago inayos ang salamin ko.
Si James, na mukhang naglalakad, ay hindi agad nakasagot. [Maglu-lunch kami nila Lexi at Faith sa Student Union, sama ka?] Tanong niya.
Suminghot ako bago dinampot ang cup noodles na kinakain ko at ipinakita iyon sa kaniya, "Kumakain na ako," sagot ko,
Nilingon ni James ang cellphone. Naningkit ang mata bago tumawa nang pagak. [Sus! Si cup noodles! Graduating ka, ha! Baka ngayon ka pa magkasakit sa bato!] Singhal niya na ikinahagikhik ko bago napa-de-quatro sa bangko.
Humagikhik ito, [Nakakuha nga ng units sa HK at PI 10, na-confine naman sa UHS dahil sa sakit sa bato.] Dagdag pa niya na muli kong ikinahagikhik.
[Sige na kasi! Sumama kana! Libre kitang sisig,] pangungulit nito.
Napahagikhik ako bago muling napahilamos sa mukha, "Ang layo naman-"
[Lalakarin nalang! Ipakita mo ang walking es-kills mo!] Putol nito sa akin, hinihingal na sa paglalakad.
[Bilisan mo at nasa may main library na ako. Sisig din yun, 'wag mong tanggihan ang grasya.] Ani niya at tumango ako bago pinatay ang laptop.
"Oo na, oo na, pupunta na." Ani ko, bago tumayo mula sa pagkakaupo sa stool.
[Sige, sige, hintayin kita sa Sperm Bridge.] Ani niya at nag-hum lang ako bago niya pinatay ang tawag.
Nagkita kami ni James sa may tulay, at ang unang-unang ginawa nito ay ang pintasan ang suot kong sweater, "Init na init, naka-sweater ka?" Ani nito habang naglalakad kami.
Suminghal ako, "Anong problema mo sa sweater ko? Eh, sa nilalamig ako," sagot ko sa kaniya.
Nilingon ako nito at naningkit ang mata, "Masama pakiramdam mo?"Tanong niya at agad akong umiling.
"Hangover lang," sagot ko at tumango siya.
Nang makarating kami sa SU building ay nakahain na ang sisig na sinasabi ni James, "Naka-cup noodles nanaman 'to sa dorm niya. Sunog na nga atay, sunog pa kidney, aray ko!" Ani nito nang maka-upo kami.
Umismid si Faith, "Kamusta ka naman? Grabe yung kagabi, nakasuntok pa ako nang wala sa oras." Ani niya at agad napakunot ang noo ko.
"May sinuntok ka?" Taka kong tanong habang naghahalo ng sisig.
Tumango si Faith habang naghahalo rin ng sisig niya, "Yung isang Alpha sa banyo, yung may hawak ng hiringgilya. Akala ko kasi... kung anong ginagawa sa'yo, eh." Ani niya, at agad nabuo ang ngisi sa labi ko.
"Yiee, concerned siya sa akin!" Pang-aasar ko, nag-angat ng tingin si Faith bago ako inirapan.
"Paanong hindi kami maco-concern sa'yo? Eh apat na Alpha ang nakapalibot sa'yo kagabi? Yung isa, yapos-yapos ka pa!" Singhal ni Lexi.
Susubo na sana ako ng pagkain nang matigilan ako, "May... nakayapos sa akin na Alpha?" Taka kong tanong.
Tumango ito, "Oo, nakaganito sa'yo, oh." Hinila nito si Faith para i-demonstrate ang scenario kagabi.
"Well," itinulak nito si Faith, "Hindi naman nakayapos, naka... ganun lang sa'yo. Basta puro amoy ng Alpha yung banyo kagabi! Gets ka namin kung bakit ka nagkaganun." Pagkekwento ni Lexi.
Utay-utay akong tumango bago sumubo ng pagkain, "Anong hitsura nung Alpha na nakayapos sa'kin?" Tanong ko.
Nag-angat ng ulo si Lexi bago bahagyang napakiling, "Uhm... chinito na maputi, matangkad, naka-white shirt tapos denim na jacket. Tapos... naka-gel yung buhok at may nakalawit na ilang strands sa noo." Sagot niya at tumango ako.
"Wow ha, detailed." Pang-aasar ni Faith na agad naman hinampas ni Lexi.
Si PI 10 yun- siguro? Hindi ko na rin gaanong matandaan ang mga mukha kagabi. Ang natatandaan ko lang ay yung pheromone na amoy ng mamahaling pabango, pero para akong nasa garden dahil amoy bulaklak iyon. Hindi ko lang matandaan kung anong bulaklak.
"Kamusta ka? Hindi mo 'ko sinagot kanina." Bahagyang sinipa ni Faith ang paa ko sa ilalim ng lamesa na siyang ikina-igtad ko.
Nilunok ko ang pagkain, "Okay lang, hangover nalang ang nararamdaman ko. Yung heat..." pinakiramdaman ko ang sarili ko.
"Wala, nilalamig lang ako nang kaunti pero hindi naman 'to signs ng heat ko." Sagot ko at agad tumango ang tatlo.
"Mukhang mamahalin yung suppressant na itinurok sa'yo kagabi. Kasi yung ibang suppressants mo, after 12 hours, lumilipas na yung effectivity. Pero yun... mukhang mamahaling brand." Ani ni James, at agad akong tumango bago muling sumubo ng pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay agad din kaming umalis sa SU dahil may mga klase pa sila. Naglalakad ako sa may tulay nang maamoy ang pamilyar na pheromone. Agad akong natigilan bago naglibot ng tingin sa paligid. Sa kabilang gawi ng tulay ay nakita ko si PI 10 na napapalibutan ng mga kasama niya. Ibang mga mukha iyon at hindi ang mga kasama niya kagabi.
Nagtagpo ang mga mata namin, agad akong nag-iwas ng tingin at dire-diretso sa paglalakad.
Nakatulog ako nang makabalik sa dorm. Bandang alas quatro ng hapon ay na-alipungatan ako nang dumating sila Kuya Chris at Luke. Inalok ako nitong kumain, pero tinanggihan ko iyon dahil itutuloy ko pa ang thesis ko.
Gabi na nang mapagdesisyunan kong lumabas. Sinubukan pa akong pigilan nila Kuya Chris dahil delikado na raw at magpa-deliver nalang ako. Pero bilang isang Omega na pinipilit sirain ang norm na fragile ang mga Omega, nagpumilit akong lumabas.
Napadpad ako sa isang eatery na may nakalagay na unli sabaw. Dahil medyo nilalamig talaga ay naakit ako nito at doon na naghapunan. Habang kumakain, napapansin ko ang pailan-ilan na pagtingin sa akin ng mga tao.
Dalawa lang ang pwedeng dahilan niyan. Una, nakikilala nila ako mula sa Tresto kagabi. O di naman kaya ay nangangamoy ako.
Pasimple kong inamoy ang pulso ko bago ang damit na suot ko. Hindi naman ako nagre-release ng pheromone, siguro ay... trip lang nilang tingnan ako?
Malalim na ang gabi nang maglakad ako pabalik sa dorm. Bibili sana ako ng balut nang biglang may tumawag sa akin.
"Hello, Ma?" Agad lumawak ang ngiti sa labi ko nang sagutin ang tawag.
[Oy, Migs! Kamusta? May pera ka pa ba diyan?] Tanong nito at agad akong tumango na para bang makikita niya kahit naka-voice call lang kami.
"Opo, Ma, meron pa. Kakatapos ko nga lang kumain ngayon, eh." Sagot ko habang sinisipa-sipa ang bato sa kalsada.
[Talaga? Anong kinain mo? Baka puro ka noodles diyan, ha! Sinasabi ko sa'yo!] Nagpigil ako ng tawa sa sinabi niya.
"Sa karinderya lang po-" Natigilan ako.
Shit, buking nanaman na lumalabas ako kahit gabi na.
[Jusko ka naman, Miguel! Alas onse na! Lumalabas ka pa ng dorm mo?! Baka mapaano ka diyan sa labas! Sinong kasama mo?!] Sunod-sunod na ang sermon nito.
Napahimas ako sa aking sintido, "Ma naman, mag be-bente tres na ako ngayong taon, hindi na ako bata-"
[Ano kung bente tres ka na ngayong taon?! Bata ka pa rin! Delikado ang kalsada! Sinasabi ko sa'yo! Alam mo ba, yung anak nung tindera dito sa may sa atin, yung Beta? Ay, buntis baga-]
"Ano?!" Napasigaw ako. Mabuti nalang at nasa may madilim akong parte ng eskinita at walang ibang makakarinig sa'kin.
"Talaga?! Paano? Sino?!" Taka kong tanong habang naglalakad.
[Ay yung isang tambay dito na Alpha. Ang sabi-sabi ay high compatibility daw yung dalawa kaya ganun na kahit Beta yung isa ay... nakabuo.] Sagot ni Mama na ikinahagikhik ko.
"May high compatibility pa silang nalalaman," natatawa kong sabi.
[Pero hoy, Miguel Andrei! Baka nakakalimot ka! Nasaan ka na ngayon? Bilisan mo ang pag-uwi, naku, sinasabi ko sa'yo!] Namilog ang mata ko nang maalala ni Mama ang ipinuputok na buchi niya kanina.
"Opo, ito na nga, malapit na." Hindi pa naman talaga ako malapit. Tatlong kanto pa ang layo ko sa dorm at hanggang ngayon ay nasa madilim pa rin ako na parte.
[Ka-Omega mong tao, layas ka sa gabi! Paano kung mapaano ka? Kapag ikaw napagaya sa anak ni-]
"Ma, ito na, uuwi na. Tatakutin mo nanaman ako sa paganiyan-ganiyan mo." Putol ko rito bago mas binilisan ang lakad. Mabuti at nakalampas na ako sa madilim na parte at nasa may unang kanto na.
[Tingnan mo ka, takot ka naman pala tapos ikaw itong-"
"Maaaa!!" Pagmamaktol ko na ikinahalakhak ni Mama sa kabilang linya.
[Si Miguel 'yan? Musta, 'nak!?] Narinig ko ang boses ni Papa sa kabilang linya.
"Pa, pagsabihan mo nga 'yan si Mama! Tinatakot nanaman ako!" Pagsusumbong ko habang mas binibilisan ang lakad dahil naiihi na ako.
Narinig ko ang tawa ng mga magulang ko sa kabilang linya, [Hayaan mo na ang Mama mo at nag-aalala lang 'yan sa'yo, alam mo naman na love na love ka diyan.] Ani ni Papa na ikinaguhit ng isang ngiti sa labi ko.
[Ay, siya nga pala, Migs, magpapadala ako sa Linggo ng pera pambili mo ng inhibitor. Last week ka ng buwan nagkakaroon, ano?] Tanong ni Papa at nag-hum ako.
"Yes, Pa. 'Wag na masyadong malaki yung ipapadala mo, ha. Bibili nalang ulit ako nung generic na suppressant." Bilin ko rito.
[Bakit anak? May Alpha na tutulong sa'yo-]
"Ma naman! Kadiri!!" Putol ko rito. Habang ako itong nandidiri ay siyang halakhakan naman ng mga magulang ko sa kabilang linya.
[Sabi ko naman kasi sa'yo na pumayag ka na sa alok ng best friend mo noong high school. Casual lang naman daw kapag kailangan mo at kailangan niya.] Napahilamos ako sa sinasabi ni Mama.
Paano niya nagagawang sabihin na tanggapin ko yung alok ng best friend ko noong high school na maging... fuck buddies kapag may heat cycle ako at rut siya?! Bakit ba ang casual-casual lang sa kanila nun?!
"Ayaw ko ngani~~," sabi ko matapos makalampas sa pangalawang kanto.
"Tsaka Ma, paano kung..." napahilamos ako sa mukha.
Paano kung makabuo?! Paano kung mabuntis ako?! Ga-Graduate akong may sumisipa sa tiyan?!
[Anak, delikado kasi yung kada heat cycle mo, turok ka lang nang turok. 'Yang kidney mo, kawawa. Tsaka kapag nag-asawa ka na, baka mahirapan kayong makabuo dahil nagkaproblema ka na sa katawan.] Seryosong sabi ni Mama.
[Akala ko ba gusto mong mag-asawa kapag bente singko ka na tapos sa bahay ka nalang at mag-aalaga ng mga anak niyo habang nag-tatrabaho yung asawa mo?]
Nahulog ang panga ko sa sinabi ni Papa. Si Mama ay halos sumigaw na sa cellphone sa kakatawa habang ako itong nakakaramdaman ng kahihiyan sa buong katawan ko.
"Pa naman..." mahina kong sabi habang nakatayo sa gitna ng eskinita.
[Anak, diba sabi naman namin sa'yo ng Mama mo na okay lang yun, hindi kami tutol dun. Basta kaya kang buhayin ng mapapangasawa-]
"Okay na, Pa, gets ko na. 'Wag mo nang ulit-ulitin." Putol ko rito bago nagpatuloy sa paglalakad.
[Oh sige, sige, hindi na at baka naiinis ka na sa amin ng mama mo.] Sabi ni Papa, napabuntong-hininga ako bago pumasok sa gate ng dorm namin.
"Hindi naman, Pa. Hindi ako naiinis. Nakauwi na po pala ako." Sagot ko pagpasok ng dorm. Sila Kuya Luke ay napalingon pa sa akin.
[Sige, sige, magpahinga ka, 'wag magpupuyat. Yung pera ipapadala ko sa Linggo.] Bilin ni Papa, nag-hum ako habang nakasandal sa hagdanan ng bunk bed.
"Sige po, salamat, goodnight," Paalam ko,
[Oo, goodnight. Ma, goodnight na raw- Goodnight, anak! Love you!] Sigaw ni Mama na maski ang mag roommate ko ay nakarinig.
Bahagya kong inilayo ang cellphone mula sa tenga ko, "Sige po, goodnight, love you." Paalam ko bago ko pinatay ang tawag.
"Sweet naman nila," ani ni Kuya Chris habang busy sa laptop niya.
Napahagikhik sila kuya Tim at Luke habang napa-iling naman ako bago kumuha ng damit na pamalit pantulog.
Alas nuebe na ako nagising kinabukasan. Ilang minuto akong natulala sa kama bago naisipan na bumili ng tinapay sa kalapit na bakery para sa almusal. Habang kumakain ay nanonood ako ng movie sa laptop habang nag Ti-TikTok naman sa cellphone.
Bandang alas dose ay saka ako umalis ng dorm para kumain sa WeDeliver ng tanghalian. At pagkatapos ay dumiretso na ako sa CAS building para sa PI 10.
Hindi gaya noong nakaraan na sa likuran ako umupo, ngayon ay nasa bandang gitna na ako. Dahil medyo maaga pa, ay iilan palang kami sa classroom kaya isinuot ko muna ang earphones ko bago nanood ng TikTok.
Sunod-sunod na dumating ang mga estudyante. Hindi ko naman iyon pinapansin, lalo pa't wala akong kakilala sa mga iyon.
"Hey, Miguel?" Nang mag-angat ako ng tingin kay PI 10 ay nakaangat ang kaliwang kilay nito habang nakapameywang na nakatayo sa tabi ko.
"How are you? Okay ka na? Hindi ka naman nagka-reaction sa suppressant na itinurok namin sa'yo?" Tanong niya. Yung tanong niya, pang-concerned. Pero yung ekspresyon niya, parang naiinis pa siya.
Pinigilan ko ang sarili kong ngumiwi. "Hindi naman, okay lang ako." Sagot ko bago nagbalik ng tingin sa cellphone.
Hindi na ito nagsalita pa at umalis na mula sa pagkakatayo sa gilid ko. Ilang segundo rin ang lumipas, pero maya-maya ay nagulat ako nang naupo ito sa bakanteng bangko sa tabi ko.
"Wala ng vacant seat." Ani nito habang inaayos ang bag.
Sinong nagtanong?
"Would it be okay with you if I sat here?" Tanong niya na medyo ikinataas ng isa kong kilay.
Eh, ikaw? Okay lang sa'yo na may katabi kang Omega? Baka mandiri ka.
Tumango ako, "It's fine," mailap kong sagot bago inalis ang earphone dahil dumating na ang prof.
Bago magklase ang prof namin ay pinakuha kami nito ng ⅛ na yellow pad. Kumukuha palang ako ng ¼ sa bag nang kinulbit ako ni PI 10.
"Hati tayo," hindi pa ako nakakatanggi, pero inilapag na nito ang ⅛ sa bangko ko nang hindi man lang tumitingin.
Ano ba 'tong tao na 'to? May sapak ba 'to?
Napaismid ako, "Salamat," ani ko bago napilitang magsulat doon.
Makalipas ang sampung minuto ay ipinapasa iyon ng prof namin at inisa-isang basahin ang mga papel para makilala ang mga estudyante niya.
"Miguel Andrei Tan? Migs?" Tawag nito sa akin. Agad akong nagtaas ng kamay, nang makita ako ni Ma'am ay ngumiti lang siya bago tumango.
"Mikhael Anthony Zamora... the fifth? Miks?" Tawag niya.
Nagtaas ng kamay si PI 10. "Ako po," ani niya.
Bahagyang namilog ang mata ni Ma'am, "Okay, Migs and Miks. Migs and Miks. Magkatabi pa talaga kayo, ha." Inulit-ulit niya iyon na para bang minememorya niya habang ang ibang estudyante ay napatawa sa sinabi niya.
"Is it Mik-hael, or May-kel?" tanong ni Ma'am.
"May-kel, Ma'am," sagot ni PI 1o- Mikhael.
Tumango si Ma'am bago pumunta sa kasunod na papel. Pagkatapos niyang matawag lahat ay nag-klase na siya.
Paminsan-minsan ay nagtatama ang tingin namin ni Mikhael dahil hinahabol ko ng tingin si Ma'am at dahil nasa aisle seat siya ay tumatama ang tingin ko sa kaniya.
Nang matapos ang klase ay agad akong lumabas ng classroom para magbanyo. Sakto naman na pagkalabas ko ng banyo ay na-tiyempuhan ko si Mikhael kasama ang lalaki sa bar.
"Uy! Si... uhm-"
"Miguel, pare," siniko ni Mikhael yung kasama niya.
"Right, right, Miguel! Kamusta ka na?" Hahakbang sana ang lalaki nang pigilan iyon ni Mikhael.
"Not too close, baka ma-trigger siya sa pheromone mo." Pigil nito. Ang lalaki ay agad na napalingon sa kaniya, maski ang dalawa pang lalaki.
Nahihiya akong ngumiti bago napakamot sa batok, "Okay lang, pre, ano... nagkataon lang yung sa Tresto."
Baka isipin nila, Omega na nga ako, maarte pa ako. Edi doble-doble na ang baba ng tingin sa akin ng mga 'yan.
Natawa ang isa niyang kasama, "Pagpasensyahan mo na si Leon. Ganiyan talaga 'yan kapag may Omega sa paligid, parang asong nauulol." Sabi ng isa na siyang ikinahagalpak nilang apat ng tawa, kasama si Mikhael.
Napahakbang ako paurong.
Asong nauulol? Nasisiraan kamo kayo ng bait kapag may Omega sa perimeter niyo. Para kayong mga uhaw na uhaw at mga hayok na hayok, kaya naman kinakatakutan kayo. Hindi naman na bago iyon, ganiyan naman talaga kayong mga Alpha.
---------
a/n: Hindi naman 'to enemies to lovers, gais. Hindi sila matagal na magpupuksaan, mabait yan si Mikhael heheheh, si Migs judger lang pero mahiyain
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co