Prologue
Miguel's POV
"Ako pa talaga!" Singhal ko nang makasilong sa isang tent sa site habang pinagmamasdan ang sapatos at pantalon kong balot ng putik. Sa dinami-dami namin kaninang tumatakbo para lang makaalis sa ulanan, ako pa ang sinwerteng nabuslot sa maliit na butas na puno ng putik.
Agad kong tinanggal ang hard hat ko, kasunod ang aking vest na basang-basa na ng ulan. Inabutan pa talaga kami ng ulan sa field kanina at ni-isa sa amin ay walang may dalang payong. Ang pinakamalapit pa na masisilungan ay ilang metro rin ang layo kaya talagang nagpakabasa muna kami sa ulan bago makasilong.
"Migs," napalingon ako sa kasamahan ko. Tumakbo ito papunta sa gawi ko bago ako inabutan ng towel, "Basang-basa ka, magkakasakit ka nanaman niyan." Ani ni Traviz na parehas naming ikinahagikhik.
Agad akong nagpahid ng sarili nang makuha ang towel na ini-aabot niya, "Nasaan nga pala si Lexi?" Tanong niya bago naupo sa tabi ko.
"Meron 'yon ngayon, kaya hindi nakapasok." Sagot ko, nakita kong natigilan si Traviz; nagparte ang labi bago tumango. "Ah... oo nga pala, first week ng month ngayon." Ani niya na mukhang ikina-ilang pa niya na ikinangisi ko lang bago tumango.
May mga pinag-usapan pa kami tungkol sa site at mga kinumpleto para sa project bago na-dismiss at bumalik na sa kani-kaniyang hotel rooms. Agad kong hinubad ang nabasa kong polo at putikan kong pantalon bago naligo na para maiwasan ang pagkakasakit.
Naupo ako sa harap ng vanity para tuyuin ang nagtutulo kong buhok. Dahil sa ingay ng blower ay muntikan ko nang hindi mapansin ang pagri-ring ng cellphone ko. Nang makita ko ang caller ID ni Mama ay agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko at sinagot ang tawag.
"Hello?" Nakangiti kong bati rito.
[Oh, Miguel, kumusta ka na diyan? Kailan ka ba uuwi at... hinihintay ka na ni Mikee!] Ani ni Mama na ikinahagikhik ko bago marahan na sinuklay ang aking buhok.
"Three days pa, Ma. Sabihin mo kaunting tulog nalang, uuwi na ako." Malambing kong sabi,
Napabuntong-hininga si Mama, [Ay naku, araw-araw ka nalang hinahanap sa amin, gusto ka ngang puntahan! Eh ang layo-layo naman ng Vigan.] Pagkekwento ni Mama na mas ikinalawak ng ngiti ko.
"Nasaan po ba si Mikee ngayon? Kakausapin ko," tanong ko kay Mama,
[Tulog na, Migs, napagod sa school, bukas mo nalang kausapin.] Sagot ni Mama at utay-utay akong tumango.
Agad nagbaling ang tingin ko sa gawi ng pintuan nang may mag-doorbell rito, "Saglit lang," ani ko sa nasa pinto bago tumayo mula sa vanity.
"Ibaba ko na muna yung tawag, Ma. Bukas ulit tayo mag-usap kapag gising na si Mikee." Paalam ko kay Mama bago ibinaba ang tawag.
Inilapag ko ang suklay at cellphone ko sa lamesa bago lumapit sa pinto para pagbuksan ang nasa labas. "Oh, Traviz? Anong meron?" Tanong ko rito nang mabungaran si Traviz sa pintuan.
Bahagya itong ngumiti bago napakamot sa batok, "Dinner daw sabi nila James. Sayang din yung buffet sa baba, oh. Libre yun." Ani niya, na ikinangisi ko bago tumango. "Sure, sasama ako. I'll just grab my phone and keys." I replied, which immediately lit up Traviz's face.
We went down to the buffet area of the hotel, which has been our eating spot for the past days. Nadatnan na namin sila James doon, kasama ang iba naming katrabaho na kumakain na. Malayo pa kami ay nakita na agad kami ng mga ito at kumaway.
"Wow, fresh na fresh." Bati sa akin ni James nang maupo ako sa tapat niya.
Napa-ismid ako, "Bagong ligo lang. Ayaw ko nang magkasakit. Nahahawaan ko si Mikee." Ani ko bago inilapag sa lamesa ang cellphone at wallet ko.
Muli kaming tumayo ni Traviz para kumuha ng pagkain. Dahil sa pagod at gutom sa site ay naparami ang kuha ko ng kanin at mga ulam. Si Traviz naman itong talagang sinusulit ang buffet at puro seafoods ang kinuha.
"Ang ingay niyo, rinig ko kayo mula sa malayo." Sita ko sa mga kaibigan ko nang makabalik kami ni Traviz.
"Uy, Migs!" Tawag sa akin ni Faith na pinagtaasan ko lang ng kilay habang kumakain.
"Bar daw, aya ni James!" Napakunot ang noo ko bago sumubo ng pagkain.
Nag-angat ako ng ulo, "Hindi ba kayo napapagod? Hindi ba sumasakit mga katawan niyo?" Tanong ko sa mga ito na ikinahagikhik at hagalpak nila ng tawa.
Ngumuso si Faith, "Dali na! Minsan lang 'to, oh! Tanghali pa naman ang call time bukas!" Pamimilit nito.
Napangisi ako bago umiling, "'Yang ugali niyo noong college, dinadala niyo sa pagtanda, ha." Ani ko na ikinahaglak ng tawa ni James.
"Mas malala si Lexi noong college! Lakas mag-inom sa gabi, may 7am class pala kinabukasan!" Napahagalpak kami ng tawa lahat, ang kanin sa bibig ko ay muntikan ko pang maibuga kung hindi lang ako nakapagtakip ng bibig.
"Uy! Migs! Ano na? G? May malapit akong nakita kanina! Promise! Wala pang 500 meters yung layo!" Pagpupumilit talaga ni Faith, napahagikhik nalang ako bago tumango, "Oo na-"
"Yes-"
"Pero before 12 uuwi rin tayo, ha!" Putol ko rito, namilog ang mata ni Faith at maski si James ay napalingon sa akin, "Before 12?! Ano ka?! Si Cinderella?! KJ mo naman, pare!" Ani ni James na ikinabuntong-hininga ko.
"Sige 1am," Tawad ko at suminghal si Faith, "Alas dos manlang," Tawad nito na ikina-iling ko bago sumubo ng pagkain.
"1:30," Pakikipagtawaran ko. Si Traviz, na nasa tabi ni James, ay tahimik na kumakain habang humahagikhik lang. Mukhang nasasanay na rin sa kaingayan nitong dalawa. Sayang nga eh, wala si Lexi, nakakulong ngayon sa hotel room niya.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik muna kami sa kani-kaniya naming kwarto para magbihis. Bandang alas nuebe ay umalis na kami ng hotel at pinuntahan ang bar na sinasabi ni Faith.
"Hindi mo naman sinabi na gugutumin mo muna kami bago mag-bar! Ang layo, ha!" Singhal ni James nang makapasok na kami sa maingay at matao na bar.
Si Faith, na hindi na kasingsungit noong college at nakikipag-usap na kung kani-kanino, ay agad kaming naikuha ng table malapit sa mismong alcohol bar. Maya-maya ay bumalik na ito sa table at may kasunod na waiter na dala-dala ang mga inumin.
"Sagot mo 'to, Faith?" Tanong ni James na nauuna nang magsalin ng alak sa baso.
Umirap si Faith, "Oo na! Tutal diyan ka magaling! Magpalibre!" Singhal ni Faith na ikinahagikhik ko lang.
Inabutan ako ni Traviz ng alak na hindi ko na tinanggihan pa. Noong una ay nagke-kwentuhan lang kaming apat sa table. Halos laman ng kwentuhan namin si Lexi na inabot pa talaga ng red phase niya dito sa Vigan, hindi tuloy makapagtrabaho at makasama sa amin.
Hindi ko namalayan na nakarami na pala ng inom sila Faith at James. Hindi ko rin namamalayan na lumalalim na ang gabi. Nagulat nalang ako nang maghigitan ang dalawa papunta ng dance floor at doon nagwala- este, sumayaw.
Ang kasunod na bote ay sagot naman ni Traviz na lalong ikinasaya ng dalawa. Agad nilang sinalinan ang kani-kaniya naming baso bago kami hinigit ni Traviz sa gitna para sumayaw.
Sa tinagal-tagal ko nang hindi nakakapag-bar ay naninibago ako sa paligid. Naninibago ako sa pakiramdam na lasing at sumasayaw sa gitna ng maraming tao.
Inubos ko lang ang alak sa baso ko at sumayaw ng ilang minuto bago bumalik sa table. Si Faith ay kasunod kong bumalik dahil nahihilo na raw ito at nagpahinga muna.
"Uminom ka muna ng tubig." Inilapag ko sa harap niya ang baso.
Tumayo ako pero agad niya akong pinigilan, "Sa'n ka? 'Wag kang pumunta kung saan-saan. May mga Alpha na nagre-release ng pheromone kanina. Kapikon!" Pigil niya sa akin, napahagikhik ako bago marahan na inalis ang kamay niya sa braso ko.
"Magbabanyo lang ako, at oo, mag-iingat ako." Ani ko bago siya iniwan sa lamesa.
Pagpasok ko sa co-ed ABO restroom ay agad akong sinalubong ng mga pheromone na nagkalat sa banyo. Mabuti nalang at kakatapos lang ng red phase ko kaya hindi ako nito na-aapektuhan.
Pagkalabas ko ng cubicle ay lumapit ako sa lababo para maghugas ng kamay at maghilamos dahil medyo umiinit na ang pakiramdam ko. Nawala na rin ang matatapang na amoy at napalitan na ng mabangong floral scent.
Ylang-ylang 'tong bulaklak na 'to.
Napakunot ang noo ko habang naghuhugas ng kamay. Pamilyar yung amoy- masyadong pamilyar. Ylang-ylang na... matamis, na may pagka-creamy yung amoy pero matapang. Amoy mamahaling pabango, amoy...
"Mikhael,"
Nanginig ang boses ko nang makita ang pamilyar na mukha sa salamin. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko at agad siyang hinarap.
Nakatayo lang ito sa likuran ko, malalim ang tingin sa akin subalit hindi galit kundi gulat sa nakikita niya.
"Miguel," tawag niya sa pangalan ko.
Parang nanghina ako bigla. Marinig lang ang pangalan ko na lumabas mula sa kaniyang labi ay sapat na para gumapang ang kung anong kilabot sa kalamnan ko. Napahakbang ako paurong subalit tumama lang ang puwetan ko sa lababo.
Bakit ba pakiramdam ko'y natatakot ako kahit wala naman ako dapat katakutan? Wala rin naman akong atraso sa kaniya at kung iisipin, siya pa ang may kasalanan sa akin.
"Migs? Migs! Shit," agad akong napalingon sa gawi ng pintuan kung saan pumasok si Faith na parang tutumba anumang oras sa sobrang kalasingan.
"Tumatawag sa'yo si Tita," ani niya nang makalapit sa akin. Muntikan pa siyang madulas sa sahig kung hindi ko lang siya nasalo.
Napalunok ako ng laway bago nagbalik ng tingin kay Mikhael na na-estatwa pa rin sa kinatatayuan niya at naguguluhan kaming pinapanood ni Faith sa may lababo.
Shit, siya ba talaga 'to? O nakarami na ako ng inom at kung anu-ano na ang nakikita ko?
Inilapit ni Faith ang cellphone sa may mukha ko, "Tumawag si Tita, isinugod na raw nila si Mikee sa ospital dahil sa sobrang taas ng lagnat. I think you should go home na para maalagaan mo yung anak mo."
-------
A/N: hallu, hallu, hallu XD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co