Truyen3h.Co

Anyone But You

Chapter 1 - Omega

_Dominous_


Miguel's POV

"Meron ka ba ngayon?"

Natigilan ako sa tanong ni Lexi sa akin. Napakunot ang noo ko, inamoy ang pulso bago umiling, "Wala, amoy ba?" Tanong ko, may bahid ng pagkataranta dahil ayaw ko namang naamoy na pala ng mga tao sa paligid ang pheromone ko tapos wala akong kamalay-malay.

"Amoy alin? Merong ano?" Tanong ni James, nagbalik-balik ng tingin sa amin ni Lexi.

Pinitik ito ni Faith sa noo, "Heat kasi, heat! Kung amoy yung pheromone ni Miguel, sabat naman kasi ito nang sabat." Singhal ni Faith na ikinahagikhik namin ni Lexi habang si James, itong minamasahe, ang namumula niyang noo.

"Pero Migs," nagbaling ako pabalik ng tingin kay Lexi nang bahagya nitong tapikin ang braso ko, "Amoy, kaunti lang, pero amoy." Dagdag ni Lexi na ikinaparte ng labi ko.

Muli kong inamoy ang pulso ko at mas naamoy ang pheromone ko, "Shit," mura ko bago bahagyang napangiwi.

"May blocker kayo? Kahit yung patch lang," tanong ko sa mga kaibigan ko.

Umiling si Lexi habang si Faith ay hinigit si James patabi dahil nakaharang ito at may dadaan.

"Wala Migs, ano lang..." May kinuha si Faith sa bag niya, "Katinko, okay na 'to?" Inilahad nito ang roll-on niyang Katinko.

Agad akong tumango bago iyon tinanggap, "Okay na muna 'to," ani ko bago iyon sinimulang ipahid sa pulso ko.

Pumasok na kami sa Raymundo Gate para magtanghalian. Papasok na sana kami sa isang kainan, pero nakitang masyadong marami ang estudyante rito, kaya pinili na lang namin na maglakad-lakad pa at maghanap ng kainan na hindi masyadong crowded.

"Kapikon kanina sa klase ko, may nag-release ng pheromone na Alpha, sarap bangasan!" Singhal ni Faith habang kumakain kami.

Muntikan pa akong masamid sa kinakain ko bago agad nagtakip ng bibig, "Bakit hindi mo ginawa?" Tanong ko at umirap si Faith, "Graduating na ako this sem, baka magka-record pa." Sagot niya na ikinahagalpak ng tawa ni Lexi.

"Wow, confident na ga-graduate this sem!" Pang-aasar ni James,

Sinamaan ito ng tingin ni Faith, "Hoy! Na-secure ko na ang unit ko sa HK at KAS 1! Wala nang makakapigil sa akin na maka-graduate! Kahit si Dean pa 'yan o si Chancy!" Singhal ni Faith, halos ibaon na ang hawak na tinidor sa mukha ni James sa kakaduro nito.

Napasinghal ako, "Respeto naman," bulong ko bago sumubo ng pagkain. Napalingon sa akin ang tatlo, nagkatinginan, bago saka napahagalpak ng tawa.

"Respeto sa wala pang unit sa HK at PI 10! AHAHAH!" Halakhak ni Lexi,

Si James na halos tumimbuang sa tabi ko kakatawa ay nagawa pa akong hampasin sa balikat, "Aray ko! Kasalanan ng gobyerno 'yan-"

"Talaga! Talagang kasalanan ng gobyerno! Budget-budget cut pa kasi, eh!" Singhal ko bago sumimsim ng tubig.

Halos bumaon ang puwet ng baso nang ilapag ko iyon sa lamesa, "Mag pre-pre-rog ako mamayang ala una, ipagdasal niyo naman ako." ani ko bago bumuntong-hininga.

Tumaas ang kilay ni Faith, "Pre-rog saan? HK o PI 10?"

"Parehas!" Singhal ko bago muling sumubo ng pagkain.

"Kaninong prof ba? Dapat doon sa mabait para maawa sa'yo." Tanong ni Lexi at bahagya akong napanguso.

"Sa PI, kay Ma'am Hani. Sa HK, kay Sir Steven." Sagot ko at naningkit ang mata ni Lexi habang ngumunguya.

"Si Ma'am Hani, mabait yun! May chance ka na makakuha ng unit sa kaniya. Si Sir Steven... prof ko yun sa HK 11 noong first year, eh. Mabait yun!" Sigaw nito bigla na para bang may na-realize siya na ikinagulat pa naming tatlo.

"Lalo na sa mga Omega! Naku! Makakakuha ka dun! May anak yun na Omega kaya malapit ang loob nun sa mga Omega!" Dagdag niya, at utay-utay akong tumango.

"Anong HK ba?" Tanong ni James, "Basketball," sagot ko.

Susubo sana ako ng pagkain nang mapansin na nakatingin silang tatlo sa akin. Napakunot ang noo ko bago ibinaba ang kutsara, "Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Malakas na ba yung amoy ko?" Nag-aalala kong tanong. Bago ko pa man amuyin ang pulso ko ay agad umiling si Lexi, "Hindi, Migs, hindi yun," sagot niya at lalong kumunot ang noo ko,

"Eh ano? May dumi ako sa mukha?" Kinapa ko ang magkabila kong pisnge.

Umiling si Faith, "Bakit HK basketball? Eh... puro Alpha dun," aniya, at napakunot ang noo ko.

"Hindi naman laging puro Alpha ang basketball, ah. Si James, kumuha ng HK basketball last sem, okay naman siya kahit Beta siya, ah." Sagot ko at ibinaling ni James ang katawan sa akin.

"Migs, iba yun, Beta ako, uhm... alam mo na, makakasabay pa ako sa mga Alpha. Eh paano kapag... pinag-trip-an ka ng mga yun? Paano ka?" Malumanay na paliwanag sa akin ni James.

Pinanliitan ko lang siya ng mata bago sumubo ng pagkain, "Grabe ka na sa Omega discrimination, ha. Ire-report kita," Biro ko rito na mukhang ikinataranta pa ni James.

"Migs, hindi sa ganun...! Makinig ka kasi," hinawakan ako nito sa balikat bago iniharap sa kaniya.

"Hindi sa dini-discriminate kita because you're an Omega. But let's face it, Migs, kapag... winalanghiya ka ng mga Alpha na yun... makakalaban ka ba?" Tanong niya.

Bumagsak ang balikat ko, tiningnan ng diretso sa mata si James bago bahagyang ngumiti, "Hindi," kumurap-kurap ako, "Pero... paano kung hindi nila ako pag-trip-an, diba? Besides! Kailangan ko na yung unit, and wala na akong choice dahil nag-prerog ako kahapon, wala, nag-prerog ako kanina, wala rin. Last chance na 'tong klase na 'to, so..." Nagkibit-balikat ako bago muling sumubo.

Sumaltik ang dila ni Faith, "Lexi, mag pre-rog ka na rin kaya sa HK ni Migs-"

"Huy!" Sita ko rito, "Edi may kaagaw pa ako? Guys," ibinaba ko ang kubyertos, "I'll be fine. Kaya ko sarili ko, masyado kayong OA, ha? Twice a week lang ang HK, one hour per day pa, how bad can it be?" Tanong ko sa mga 'to bago isinubo ang huling kagat ng liempo.

Pagkatapos kumain ay agad din kaming umalis dahil may klase si James sa upper campus habang si Faith ay may kailangang asikasuhin na papeles. Napadaan pa kami sa nagtitinda ng ice cream at hindi na nakatiis at bumili muna bago maghiwa-hiwalay. Ang Katinko roll-on ni Faith ay hindi na niya binawi dahil kakailanganin ko raw ito sa klase.

Mula sa Raymundo ay nilakad ko nalang ang CAS building dahil may 20 minutes pa ako at hindi rin gaano kainit. Pagpasok ko sa classroom ay agad akong naupo sa likuran, lalo pa't hindi pa naman ako sigurado kung mapapabilang nga ba ako sa klaseng ito. Pinanood kong mapuno ang classroom at base sa aking pag-uusisa ay mga freshmen ang mga ito.

Maya-maya ay pumasok na si Ma'am Hani, masayang binati ang klase at nag-discuss ng course syllabus. Nagbigay rin siya ng ilang reminders tungkol sa course bago agad din nag-dismiss ng klase. Wala pa yatang 30 minutes pero kailangan pa niyang kausapin ang mga mag-pre-prerog, in short, kami.

"Hello, hello," masayang bati sa amin ng prof nang lumapit kami sa unahan at ang karamihan ng klase ay nakaalis na.

Nang mag-angat ng tingin sa amin ang prof ay mukhang nagulat pa ito, "Ang dami niyong mag pre-prerog!" Gulat niyang sabi na ikinahagikhik pa ng karamihan sa amin.

She pressed her palm against the table, "Here's the thing... puno na talaga yung class, 35 na yung naka-enlist sa akin, and... I think hindi ko kakayanin if dadagdag pa." Pinanghinaan ako ng loob sa sinabi niya.

Kahit medyo nahihiya ay humakbang ako palapit sa table niya, "Ma'am please, ga-graduate po sana ako last sem pero naubusan ako ng units sa PI and HK. Itong dalawang course nalang pong ito ang kailangan ko, tapos makaka-graduate na ako." Pagmamakaawa ko. Ganitong-ganito rin ako last sem, sa ibang prof nga lang, at masyadong matigas ang prof na iyon ay pinapunta lang kami sa klase niya para sabihin na hindi na siya tatanggap ng prerogative.

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi, "Ma'am, magiging selfish na po ako, pero kahit ako lang po, oh." Pagmamakaawa ko. Kailangan ko ng units! Desperado na ako!

"Wait, bakit ikaw lang? Ma'am, ako rin po! Graduating po ako! Ako nalang po tanggapin niyo, 'wag na siya." Agad kong nalingunin ang lalaki sa tabi ko, napakunot ang noo ko at masama siyang tiningnan.

Alpha, halata. Sa tindig palang, hubog ng katawan, at aura, halatang Alpha 'tong mokong na 'to.

Napangiti si Ma'am, yung ngiting pilit na para bang hindi siya makapagdesisyon.

"Sino sa inyo ang graduating?" Tanong niya sa aming mga estudyante, agad akong nagtaas, pati na rin ang lalaki sa tabi ko.

"Oh... just two!" Pumalakpak si Ma'am.

"Is it okay ba sa iba na... I'll only take them- sorry guys! Sorry talaga! Maawa na muna kayo sa mga kuya niyo, graduating na sila, oh." Malambing na sabi ni Ma'am. Kung ako ang juniors, hindi ako makaka-hindi kay Ma'am.

Walang nagawa ang mga junior kundi ang pumayag sa sinabi ni Ma'am at umalis na. Naiwan kami ng Alpha na ito para kausapin si Ma'am.

"So..." may binuklat si Ma'am na maliit na notebook.

"What's your name para ma-asikaos ko sa AMIS?" Tanong niya.

"I'm-"

"Miguel Andrei D. Tan po," inunahan ko na ang isang 'to.

"Mi... guel, Andrei... D. Tan, okay! How about you?" She looked at the Alpha beside me, whom I dared not spare a glance.

Sa ganitong mga klaseng Alpha nag-aalala sa akin sila Faith, eh. Hindi naman ako takot sa mga ganito, mas nakaka-inis pa nga sila, eh.

The guy next to me cleared his throat, "Mikhael Anothony Zamora V po," ani nito.

Nanatili akong nakalingon sa may pinto at hinihintay nalang na paalisin ng prof. Kahit naiilang nang magtagal dito dahil sa Alpha na ito, ang bastos naman kung aalis nalang ako bigla.

"Alright, welcome to my class! And... see you this Friday!" Nakangiting sabi ni Ma'am, nagpasalamat na kaming dalawa bago nagpaalam at umalis na.

Mabuti nalang at hindi ko ito nakasabay sa hagdan dahil may kinausap itong mga tao, kapwa Alpha niya siguro. Kung nagkataon ay baka lalo lang akong mainis sa kaniya.

May isa't kalahating oras pa akong bakante bago ako mag-prerog sa HK 12, dahil may mga klase ang mga kaibigan ko, ay tumambay na lang ako sa F-park habang nag-sketches ng walang katapusan na Carillon Tower. Kung pera lang ang drawing ko ng Carillon Tower, eh di sana mayaman na ako ngayon sa dami kong drawing nito.

Mga bandang 3:30 ay umalis na rin ako dahil maglalakad pa ako papunta sa gymnasium. Saktong 3:55 ay nasa loob na ako at dumiretso na sa classroom kung saan sana ay matanggap ako.

Katulad kanina sa PI ay naupo ako sa pinakanglikod dahil nakakahiya naman kung nasa unahan ako tapos pre-rog naman pala ako.

Nagpaka-busy ako sa cellphone ko habang hinihintay kong dumating ang prof. Nakasuot pa ako ng earphones kaya hindi ko napansin ang dumating na isang grupo ng mga lalaki kung hindi ko pa maamoy ang mga pheromone nila.

Agad akong nagtakip ng ilong bago nag-angat ng tingin. Agad kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na mukha.

"Hi, ikaw ulit!" Bati niya sa akin, malawak pa ang ngiti sa labi at kung umasta ay parang magkaibigan na agad kami.

"Kilala mo, bro?" tanong ng isa niyang kasama. Inayos ko ang pagkakasuot ng earphones ko at ipa-play na sana ulit ang tugtog nang sumagot yung lalaki.

"Yeah, kaklase ko sa PI 10, pare." Sagot nito. Yung pagkakasagot talaga niya, parang magkaibigan na agad kami. Nakakalimutan niya yatang sinabi niya kanina na 'wag na akong bigyan ng unit at siya nalang.

Bumuntong-hininga ako bago muling nagpatugtog. Hindi ko aakalain na sa paligid ko pa talaga uupo ang mga ito. At itong isa, ano nga ulit ang pangalan niya? Katunog lang ng pangalan ko, eh. Basta siya, umupo pa talaga sa tabi ko.

Wala pa halos isang minuto silang nakakaupo nang maamoy ko agad ang pheromone na ikina-asim ng ekspresyon ko.

"Excuse me," hindi ako nakapigil.

Nilingon ako nito, nagtaas ng magkabilang kilay, "Yes?" May bahid pa ng ngiti sa labi niya.

Inalis ko ang kaliwang earphone ko, "May naaamoy kasi akong pheromone sa inyo at... medyo nahihilo ako sa amoy." Pabatid ko sa kaniya. Hindi naman masamang magsabi ako ng totoo. Hindi naman mabaho yung pheromone na naamoy ko, pero hindi ako mapapakali kung buong oras na andito ako ay maamoy ko ito.

Idagdag pa na Omega Minus ako at talagang mahina pagdating sa mga pheromone na 'yan.

Nagparte ang labi niya, ang mga kaibigan niya ay nasimula siyang asarin habang ang isa ay binatukan pa siya. Inamoy niya ang pulso niya bago ang damit niya, "I don't... smell, do I smell?" Nilingon niya ang mga kaibigan niya. Ang isa pa ay lumapit sa kaniya para amuyin siya mismo.

"Nah, hindi naman," ani ng umamoy sa kaniya.

Nagkagulo silang apat at nag-amuyan pa para hanapin kung kaninong pheromone iyon. Mukhang natagpuan nila ito sa isa nilang kasama dahil lumabas iyon at sa wakas ay nawala ang pheromone na hindi gaanong kabanguhan para sa'kin.

Nagbalik siya ng tingin sa akin, "Are you an Omega?" He asked casually, but his brows were a bit furrowed.

I nodded confidently, "Oo, pre. At halata naman na Alpha kayo kaya baka pwedeng... hindi tayo masyadong maglapit." Sagot ko at utay-utay siyang tumango.

"For real? Omega ka?" Tanong ng nasa likuran niya. Nilingon ko ito bago tumango, "Yep," sagot ko habang may maliit na ngiti sa gilid ng labi.

Napakunot ang noo nito bago napatakip ang kamao sa nakaparte niyang labi, "Tangina, di ko in-expect yun!" Ani nito sa katabi niya na ikinahagikhik pa nilang dalawa.

"I didn't know, sorry." Napalingon ako pabalik sa katabi ko na may kinuha sa bag niya, pheromone blocker yata.

Umiling ako bago tuluyang inalis ang earphone ko dahil dumating na ang prof sa unahan, "Hindi, okay lang. Mukhang hindi naman sa'yo yung pheromone kasi nawala na." Mabait kong sagot, lalo pa at mukhang na-guilty ito. Hindi siya nag-angat ng tingin at tumango habang nag spra-spray ng pheromone blocker sa sarili niya.

"Oh, still, just a precaution." Ani nito bago nag-angat ng ulo. Agad kong napansin ang pagbabago ng ekspresyon niya mula sa kaninang mukhang nagagalak na makita ako.

Ngayon ay mukha na siyang... disappointed?

Hindi kagaya sa PI 10 kanina, agad tinanong ni Sir Steven kung sino ang mga mag-pre-prerog at lampas sa isang dosena sa amin ang tumayo.

"Woah, ang dami niyo," tumawa nang pagak ang prof.

"Well, sadly, I can only take a few from you guys." May binuklat siyang papel sa unahan. Inayos ko ang suot kong salamin bago ko pinaglaruan ang sarili kong mga daliri.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa mga lalaking nakapaligid sa akin, kasama na itong si PI 10. Mga nakatingin din ito sa akin, ang iba ay nakabungisngis habang si PI 10 ay nakatulala lang sa akin. Nagbalik ako ng tingin sa professor sa unahan bago bumuntong-hininga.

"So... sino ang mga graduating sa inyo?" Tanong niya at agad naman akong nagtaas ng kamay at ganun din ang iba pang anim sa klase.

Gets naman...

Napasipol si Sir bago tumawa nang mapait. "Patay tayo diyan. I was thinking of only accepting 3 from you guys." Sabi ni Sir.

Gets naman ulit.

"And... I have already picked those three," may ini-angat itong papel bago isa-isang binasa ang mga student number.

Shit, wala ako doon.

"The rest, I'm sorry, guys, try niyo yung ibang profs or... better luck next sem." Ani niya bago ibinaba ang papel.

Bumuntong-hininga ako bago kinuha ang bag ko. Bokya nanaman. Paano na 'to? Last hope ko 'to, eh!

"Sir?"

Isasakbat ko na sana ang bag ko nang biglang magsalita si PI 10 na nilingon naming lahat.

Tiningnan ako nito. Ang mga mata nito ay malayo na sa hitsura nito kanina at mukhang hindi na interesado. "Baka pwedeng 1 more slot pa, Sir? Kasi... si... uhm... my friend here was supposed to graduate last sem kaso naubusan siya ng units ng HK. He's hoping to graduate this sem, Sir. Bigyan niyo lang po ng isang slot, Sir, para sa kaniya. Sige na, Sir. Makakaya po ba ng konsensya niyo na hindi siya makaka-graduate?" Ang mga kaibigan niya sa likuran ko ay napahagikhik at ganun na rin ang professor sa unahan.

"Talagang i-gi-guilt trip mo pa ako, ha?" Ani ni Sir na agad kong nilingon.

Gumagana ba, Sir?

"Gumagana ba, Sir? Sige na, Sir, kawawa naman yung kaibigan ko, oh." Nilingon ako ni PI 10, ngumiti nang pilit bago nagbalik ng tingin sa prof.

Tumawa si Sir bago tumango, "Alright, alright, you got me. You're in my class, Mr...??"

"T-Tan, Sir. Miguel Andrei D. Tan." Nauutal ko pang sabi.

Okay na? Pasok ako?! Pasok ako!!

Ang ibang mga estudyante na bigo na makakuha ng unit ay luhaang lumabas ng classroom habang ako ay hindi pa rin makapaniwala na nakaupo sa tabi ni PI 10.

"Congrats," mahina at walang kabuhay-buhay nitong sabi.

Nagparte ang labi ko bago nahihiyang ngumiti, "Salamat," ani ko.

Itinaas lang nito ang magkabila niyang kilay bago humarap na sa unahan.

Bahagyang napakunot ang noo ko sa inasal niya. Kinalaban niya ako sa slot ng PI 10 kanina, pero ngayon, tinulungan naman niya akong makakuha ng slot sa HK. At mukhang napipilitan pa siya kahit wala namang namimilit sa kaniya.

Hindi ko siya gets.

Nag-discuss lang si Sir ng course syllabus at grading system niya. Kagaya ng kaninang klase, maaga kaming na-dismiss dahil next week pa magsisimula ang totoong klase. Bago lumabas ng gym ay dumaan muna ako sa banyo dahil kanina pa ako naiihi sa sobrang lamig sa classroom.

Nag-aayos ako ng pantalon nang maagaw ang atensyon ko ng mga pumasok sa banyo na maiingay at nagtatawanan.

"Nagpapa-goodshot ka sa Omega nating kaklase, ha!"

"Anong goodshot?"

"You want him, don't you-"

"The fuck?! Pinagsasabi mo?! Tinulungan ko lang yung tao. Kawawa kaya!"

"Oo nga naman, pre! Omega yun, 'no! Kilala mo naman 'tong si Miks."

"Right. And it's disappointing. I thought we'd somehow be friends. But unfortunately ... he's an Omega."

Naningkit ang mata ko. Unfortunately? Bakit? Ano naman kung Omega ako? May mali ba? Hindi pwedeng makipagkaibigan?

O dahil ba Omega ako at Alpha siya? At hindi siya nakikipagkaibigan sa mga Omega dahil kami ang pinakamababang uri sa ABO hierarchy?

Aba... ayos siya, ah.

Napapikit ako nang mariin bago marahas na isinara ang zipper ng pantalon ko. Mukhang hindi pa nila ako napapansin o nakikilala dahil hindi pa rin sila tumitigil at kung anu-ano pa ang sinasabi.

Kung hindi pa ako haharap, hindi sila mananahimik. Namilog ang mga mata nila. Ang isa ay napahakbang pa paurong at hinampas si PI 10 sa braso. Sinamaan ko sila ng tingin isa-isa bago naglakad palabas, sinasadyang banggain ng balikat ko ang balikat ni PI 10 bago nag-marsta palabas ng banyo.

Sa sobrang inis ko ay nilakad ko ang mula sa gymnasium pauwi sa dorm. Hindi ko na namamalayan ang bilis ng paglalakad ko dahil paulit-ulit sa utak ko ang mga pinagsasabi ng mga Alpha na iyon kanina.

Nakakainis pa rin. Hindi naman ako pikunin at hindi ako masyadong sensitibong tao. Iyon nga lang, kapag usapang ABO gender, doon nag-iiba ang kulo ng dugo ko. Kung kukutyain nila ako dahil sa ibang bagay, okay lang. Pero kung mababa ang tingin nila sa akin dahil isa akong Omega, doon kami magkakaproblema.

"Oh, Migs!" Pare-parehas kaming nagulat nila Kuya Tim at Chris nang pumasok ako ng dorm. Kasama pa nito ang mga partner nilang Alpha.

Bumangon si Kuya Chris mula sa pagkakahiga sa braso ng boyfriend niya, "Musta pre-rog?" Tanong niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako habang nagtatanggal ng sapatos, "Sa awa ng Diyos, nakuha naman." Ani ko bago ibinaba ang bag ko sa study chair ko.

Napapalakpak si Kuya Tim, "Nice one! Told you makukuha mo yung unit!" Ani nito habang nakahiga sa kama niya at nakayapos sa boyfriend.

"Kapag ganiyan dapat nanlilibre ng isang tower, eh!" Kantyaw sa akin ni Kuya Chris na agad sinita ni Kuya Tim.

"Huyst! Tigilan mo si Miguel!" Sita nito, napahagikhik si Kuya Chris at ganun din ako bago sumampa sa double deck at doon ay nahiga. Nag-message pa ako sa group chat namin nila Lexi na nakakuha ako ng units bago namahinga.

Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog na. Kung wala pang tatawag sa akin ay hindi pa ako magigising para sagutin ang cellphone ko.

"Oh, hello?" Sagot ko rito. Inayos ko pa ang pagkakasuot ng salamin ko dahil nakatulog ako nang suot-suot ito.

[Hello, teh! Andito kami sa tapat ng dorm mo! Lumabas ka na diyan at mag Tre-Tresto tayo!] Sigaw ni Lexi sa kabilang linya.

Namilog ang mga mata ko bago agad napa-upo sa kama, "Huh?! Ang aga pa! -"

[Anong maaga?! Quarter to 11 na talaga, teh!] Putol nito sa akin.

Napakunot ang noo ko bago napatingin sa relo, "Shit, oo nga. Saglit lang, magpapalit lang ako ng damit." Ani ko, bago dahan-dahan na bumaba ng double-deck. Napansin ko na wala na rin sila Kuya Tim at Chris, baka nasa Tresto o Puesto na rin o kung saan man.

Wala pang sampung minuto ay nakababa na ako sa dorm. Sila Lexi, Faith, at James ay nag-aabang na sa labas at nakaaayos pa ng damit.

"Hindi niyo naman sinabi na mag-aayos pala ng damit." Natatawa kong sabi habang tinitingnan ang suot ko.

Napasinghal si Lexi, "Sus! Ano naman?! Andun tayo para mag-celebrate para sa units mo! Hindi para pumorma!" Pagtataray nito na ikinahagikhik ko.

"Well, maliban kay James, maghahanap 'yan ng Alpha niya." Pang-aasar ni Faith, si James, na busy mag-selfie sa gilid ay biglang nagbaling ng tingin sa amin.

"Bakit Alpha?! Omega nga sabi ang gusto ko!" Pagmamaktol nito, nagpapadyak pa sa sahig.

Humalakhak si Lexi, "Takot kasi 'yan mapuwetan!" Pinandilaan pa nito si James na nag-amba naman ng suntok kay Lexi.

Kung hindi ko pa aawatin ang dalawa ay baka nagsuntukan na ito sa harap ng dorm ko. Nang makarating kami sa Tresto ay naghanap muna kami ng table, mabuti nalang at natiyempuha namin ang isang grupo ng magkakaibigan na paalis na kaya nakakuha agad kami.

Si Lexi at Faith ang sumagot ng dalawang tower agad ng alak. Si James ay may pinuntahan na kaibigan niya sa kabilang table, kaya naiwan akong mag-isa.

"Si James?" Takang tanong ni Lexi nang makabalik sila ni Faith, kasunod na ang dalawang bartender na dala-dala ang dalawang tower ng alak.

Ibinaba ko ang cellphone ko bago itinuro ang gawi ni James, "Nasa mga orgmates niya," sagot ko, at tumango ang dalawa bago umupo na.

Nang makabalik si James sa table ay halos makalahati na naming tatlo ang dalawang tower. Si James ay mukhang naka-inom na rin at naka-yosi pa nang bumalik.

"Dinadaya niyo 'ko, ha! Inuubusan niyo 'ko!" Singhal ito bago tinungga ang isang basong alak.

"Wow ha, makareklamo, akala mo may ambag!" Binatukan ni Lexi si James na ikinahagikhik namin ni Faith.

Tinungga ko ang alak sa baso ko bago agad nagsalin ng bago, "Si Migs daw sasagot ng kasunod." Kantyaw ni James na agad kong nilingon.

"Anong ako?" Napasapo ako sa dibdib ko.

Humalakhak si James habang si Faith ay may ibinato rito, "What if ikaw kaya? Dami mong ebas, eh." Ani nito bago sumubo ng kropek.

Napa-iling ako bago sumubo rin ng kropek, "Meron ako next week, kailangan ko ng pera pambili ng blockers at suppressants." Ani ko, at agad tumango si James, "Gets naman," sagot nito.

Nang maubos namin ang isang tower ay agad um-order ng bago si James. Sila Faith at Lexi ay biglang tumayo mula sa mga bangko nila nang tumugtog ang 'S&M' ni Rihanna. Ang ibang mga tao ay pumunta na rin sa unahan at may nakabangga pa sa akin dahil sa pagtakbo nito. Ini-adjust ko ang upuan ko para makalayo sa mga sumasayaw at maiwasan na rin ang mahigit na sumayaw.

Sunod-sunod na ang mga tugtog na sinayawan nila. Babalik lang sila kapag kukuha ng alak. Si James ay may ipinainom pa sa akin na alak na galing sa kabilang table. "Sarap 'yan! Sarap 'no?" Sigaw niya sa akin pagkatapos kong tunggain ang alak.

Nagpahid ako ng nagkalat na alak sa labi ko bago tumango, "Oo, sarap," sagot ko at tumango ito. "O-Order ako niyan," ani niya bago ako iniwan ulit.

Habang nagsasayawan ang mga tao ay hindi na bago sa akin na may mga pheromone na umaalingasaw. Dahil halo-halo na ang mga ito ay hindi na iyon kaya-ayang amuyin at nag-aamoy panis na pabango.

Ako ang umubos ng isang tower, bumalik si James na may dalang bagong tower at sila Lexi at Faith ay saka lang bumalik para kumuha.

Sunugan ng kilay? Hindi. Sunugan ng atay? Oo.

Alas dos na ng umaga nang matauhan ako. Nabawasan na ang mga tao sa bar at humuhupa na rin ang pagsasayaw nina Lexi at Faith. Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo at pagkalasing, kaya pinili kong tumigil na sa pag-inom at magsimula nang maglinis-linis ng lamesa habang hinihintay ang mga kaibigan ko na ubusin ang alak.

"Magbabanyo lang ako," paalam ko sa kanila. Si James ay agad na nakalingon sa akin, "Samahan kita? Lasing ka ba?" Nag-aalala niyang tanong.

Agad akong umiling, "Hindi, diyan lang kayo." Sagot ko bago naglakad papunta ng banyo.

Sa urinal nalang ako umihi lalo pa at occupied ang mga cubicles. Tinatapik-tapik ko pa ang paa ko sa sahig at nag he-head bang sa tumutugtog na kanta sa labas nang may pamilyar akong pheromone na naamoy, mahina lang iyon subalit killaa ko na agad ang may-ari nito. Masyado itong pamilyar at agad akong napalingon.

Liit nga naman ng Los Baños.

"Oh? You party?" He sounded intrigued but awkward at the same time.

Nagpilit ako ng ngiti bago tumango at nagbaba ng tingin sa pantalon ko at isinara na iyon. Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa braso na ikinakunot ng noo ko.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nakita kong bahagyang nakakunot ang noo nito, "About what you heard-"

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo." Inis kong sabi bago binawi ang braso ko mula sa kaniya. Parang may pumitik bigla sa sentido ko. Naalala ko nanaman ang mga pinagsasabi nila ng mga kaibigan niya at kung gaano ako na-offend doon.

Papalabas na sana ako ng pinto nang bigla itong bumukas at nasundan ng mga hiyawan.

"Ayo! Miks! Hinahanap ka- woah! Omega guy from HK, right?" Tanong nung isa, nakaturo pa sa akin at malawak ang ngiti.

Napangiwi ako nang bahagya dahil sa halo-halong pheromone na bumabalot ngayon sa banyo. Mapupula na ang mukha ng mga ito at halatang mga lasing na, lalo na si PI 10.

Inayos ko ang salamin ko bago tumango, "It's Miguel, pare." Pakilala ko, seryoso ang boses.

Ngumiti ang lalaki bago tumango, "Right, right, I'm Karl. Miks' friend! Oh! And this is Gen, and Phil!" Pakilala niya sa mga kasama niya.

Kahit naiinis na makita nanaman ang nga mukha nila at mukhang walang bahid ng guilt dahil sa mga pinagsasabi nila kanina ay nagpilit ako ng ngiti at tumango. Bahagya akong napasinghot dahil sa tapang ng pheromone na naamoy ko ngayon, idagdag pa na lasing ako. Hindi ko alam kung ang init na nararamdaman ko ay galing sa alak o galing sa na-ti-trigger kong heat mula sa mga pheromone.

"If you need help with anything sa HK, you can always ask us- uy!"

Muntikan na akong matumba dahil sa pagkahilo. Si PI 10 ay agad akong nasuportahan sa braso para hindi tuluyang bumagsak.

"Hey, are you okay?" Naririnig ko ang boses niya pero hindi na iyon gaano kalinaw.

Bumunot ako ng isang malalim na hininga, "Pheromone, pre... masyadong... matapang," nauutal kong sabi habang pilit na nilalabanan ang pagkahilo.

"Shit! Labas, pre! Labas!" Sigaw ng isa sa kanila na hindi ko na namukhaan pa. Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko. Ang init na nararamdaman ko sa katawan ay nakilala ko hindi bilang pagkalasing kundi isang nagbabadya na heat cycle.

Napatungo ako, ilang beses ipinikit ang mata sa pagbabakasakali na mawala ang pagkahilo at luminaw ulit ang paningin. Sinusubukan kong i-kondisyon ang aking sarili at pakalmahin ang nagni-nitsang init sa katawan ko.

Nakaramdam ako ng pagtapik sa braso ko, "Miguel? Naririnig mo pa ako?" Malumanay niyang tawag sa akin. Agad akong tumango habang ang katawan ko ay tuluyan nang bumagsak sa sahig, naka-suporta pa rin ang mga kamay niya sa braso ko.

"Do you have any suppressants? Blocker? You're also releasing pheromones right now, hindi mo ba ma-control?" Bagama't naririnig ko ang bahagyang pagkataranta sa boses niya, mas nangingibabaw ang pagiging kalmado nito.

Umiling ako, nararamdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko at ang pagsakit ng aking puson. "Uuwi na ako, nasa labas lang yung mga kaibigan ko." Kahit nanginginig ang mga labi ay pinilit kong magsalita at sinubukang tumayo pero masyado nang nanghihina ang tuhod ko.

Sa sobrang init ng katawan ko ay parang yelo ang mga kamay niya sa braso ko, ang lamig ng tiles ay nararamdaman ko na sa puwetan ko kahit may suot naman akong pantalon.

"Can you walk-"

Agad akong umiling. Gumapang ang kamay ko sa may hita niya at napapisil doon nang mariin sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Para akong maiiyak sa sobrang init ng nararamdam ko, senyales na nagbabadya na ang heat ko.

Ang aga pa! Next week pa dapat 'to!

"Supressant! Suppressant!" May biglang sumigaw na ibang boses.

Hindi ko na nagawa pang maiangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa tiyan niya. Nakarinig nalang ako ng mga yabag ng paa at mga boses na natataranta.

"Do you inject suppressants? Okay lang ba? Do you give us your consent?" Marahang inalog ng Alpha na may hawak sa akin ang aking katawan.

Gumalaw ang ulo ko, pero hindi ko alam kung tumatango ba ako o umiiling. Naramdaman ko ang kamay na nagtaas ng manggas ng T-shirt ko, pero hindi na ako nakapag-apila. Mas lalo ko lang ibinaon ang mukha ko sa tiyan ng Alpha dahil parang nasusunog ako sa sobrang init at kahit papaano ay may nagagawa ang pheromone niya na sinasanghap ko.

"Migs! OMG! Migs!" Nakilala ko ang boses ni Lexi, pero sa sobrang pagkalunod, sa sobrang pagkalasing, at sa sobrang pag-iinit, bumigay na ang katawan ko at tuluyang nandilim ang paningin.

------

A/N: Hindi po tayo sponsored ng Tresto Pub hahahahaha, pero madalas 'yan mababangit dito. Tresto, baka namern, isang tower naman diyan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co