Truyen3h.Co

Apollo's Obsession

CHAPTER 02

Maribelatenta



Present..

Hacienda Tejano..

"You don't give me a choice.." Matapang na sabi ko sa kaharap kong si Appolo. I can hardly believe that I'm now wearing our wedding ring-a stunning pink carat diamond that cost hundreds of millions. I feel unworthy of it; after all, I'm just a dentist, and I can't wear such an extravagant ring every day. At aside do'n ay hindi naman talaga ako binigyan ng lalaki na 'to ng choice, we just got married for Christ sake! Hindi lang 'to tungkol sa suot-suot kong singing kung hindi pati na din sa pagpapakasal naming dalawa.

"Exactly, I will not really give you a choice Ruby," Apollo is sitting comfortably across from her with one ankle resting on his knee. He appears calm, while Ruby seems as if the entire world has just shifted beneath her. He has waited for this moment for seven years, and that wait has been long enough.

"Pero hindi kita gusto, at lalong wala tayong relasyon na dalawa Apollo." Matatag kong sabi sa kanya, hindi ko akalain na bigla na lang siyang susulpot sa pinapasukan kong public hospital at bigla na lang akong isasama sa kung saan. I remembered him, siya ang taong pinagkaka-utangan ng Daddy ko. We already met before and that was seven years ago. Kaya naman hindi talaga ako makapaniwala na sa pangalawang beses na magkikita kami ulit na dalawa ay ganito na ang mangyayari. Hindi ko naman kasi alam na seseryosohin niya ang sinabi niya dati na pakakasalan niya ako kung hindi makabayad ang Daddy ko sa kanya. We had been married for less than an hour. And I'm still wearing my medical scrub suits until now. Nagpunta kami sa kapitolyo ng Pontecillo at nagpakasal nga sa judge. At talagang legal ang nangyari dahil kilala ko din ang judge na nagkasal sa aming dalawa na Ninong niya pala. Tapos heto, dinala niya na ako dito sa bahay daw niya.

Napa-igting ang panga ni Apollo sa sinabi ni Ruby sa kanya. Bakit parang sumikip ng bahagya ang dibdib niya sa sinabi nitong hindi siya nito gusto. "Ang utang ay utang, your father still owes me 300 million pesos." Pagpapa-alaala pa niya sa utang ng ama nito.

"Pero patay na ang Daddy ko Apollo!" Sabi ko naman, my father already died 5 years ago. And yes my mother and I saw him for the last time before he passed away. At inamin niya sa amin ang utang niya sa mga Tejano. My father became addicted to gambling, at ang perang pinag-bentahan niya ng mga baril na pagmamay-ari nga ng pamilya Tejano ay napunta sa sugal na naitalo niya din naman.

"And so? Ano naman kung patay na si Fernando? Hindi biro ang perang tinakbo ng ama mo. At sinabi ko naman na sa 'yo noon na babalik ako para maningil." He leaned back in the chair, eager to observe every emotion that crossed her face. Alam niya kasing darating ang araw na 'to, alam na alam niya.

Napailing ako, oo tandang-tanda ko 'yong araw na nagpunta siya sa bahay namin at hinahanap niya ang Daddy ko. Pero hindi ko naman akalain na tototohanin niya ang mga sinabi niya noon. Hindi naman na kasi siya nagpakita pagkatapos no'n at ngayon lang talaga ulit. "Hindi puwedeng gawin mo akong pambayad sa utang na hindi ko naman ginawa. Ang Daddy ko ang may utang sa 'yo at hindi ako Apollo."

"I know, but can you pay me that 300 million pesos, Ruby? Dahil hindi pa kasama ang tubo sa halagang pinag-uusapan natin." Sabi ni Apollo, madali lang naman siyang kausap eh. As long as kaya nitong bayaran ang utang ng ama nito ay handa din siyang pakawalan ito. But she can't pay him, at dito siya sigurado.

Napayuko ako, paano naman ako makakapag-bayad ng gano'ng klaseng kalaki na halaga sa kanya? I'm just a dentist, at nagsisimula pa nga lang ako sa buhay ko. Ni hindi ko pa nga magawa ang pangarap kong dental clinic dahil wala pa akong ipon. Hindi pa din naman kalakihan ang sahod ko ngayon dahil sa public hospital nga ako nagtatrabaho.

Apollo slowly rose from the chair, the movement alone was enough to make Ruby tense. He didn't rush and he didn't need to.

Kinabahan naman ako ng maglakad siya palapit sa akin. There was something daunting about his demeanor-he stood tall, composed, and exuded strength. Pero sa nakalipas na mga taon ay wala naman akong narinig tungkol sa kanya dito sa Pontecillo. His expression was inscrutable, with his dark eyes locked onto mine. That's why I instinctively stepped back when he came to a halt in front of me.

"This is your only choice Ruby, beside we already married and what happened earlier in front of the judge was legal." Ani Apollo ng makatayo at makalapit sa harapan nito.

I had to angle my head a bit to make eye contact with him. Being so close, he appeared even more intimidating. Pero tama siya, alam kong legal ang nangyaring kasal sa amin kanina. Siguro kung ibang babae ay hindi tatanggi sa kanya, he is affluent, and the people in Pontecillo know him, particularly his family. Pero kasi baka hindi niya na ako payagan magtrabaho pa. Being a dentist is my ultimate dream, kaya nga talagang nag-sikap ako pag-aralin ang sarili ko mag-isa dahil pangarap ko talagang maging dentista. At hindi siya ang makakapag-patigil sa akin sa gusto kong gawin.

"The debt is settled now that we are married, and you are my wife." Sabi pa ni Apollo maya-maya.

Napaawang na lang ang bibig ko, hindi ko pa din kasi maintindihan kung bakit nauwi sa kasal ang utang ng Daddy ko sa kanya. Na kung tutuusin ay hindi naman ako dapat ang magbayad at naiipit ng ganito. "I don't even know you Apollo, hindi kita kilala ng personal at ang tanging alam ko lang tungkol sa 'yo ay ang pangalan mo at kung gaano kaimpluwensiya ang pamilya mo dito sa Pontecillo. Marriage is not a joke either, hindi ko alam kung ano bang naisip mo o plano mo. May trabaho ako, at kung patitigilin mo ako dahil 'yon ang gusto mo kasi kasal na tayo ay sasabihin ko na ngayon pa lang na hindi ako papayag."

Napangiti si Apollo, this is still the Ruby he met seven years ago. Palaban at sinasabi ang nasa isip. "Wala akong planong patigilin ka sa pagiging dentista mo kung 'yon ang iniisip mo Ruby."

"That doesn't change anything; I can't simply become your wife just because my father owes you money." Sabi ko sa kanya, baka kasi mamaya ay sinasabi niya lang ang mga 'to para hindi na ako magreklamo pa.

Apollo step closer, "You already my wife, at gaya ng sinabi ko hindi naman kita pagbabawalan na magtrabaho. Your father made a choice. Ngayong kasal na tayong dalawa at asawa na kita ay bayad na din ang utang ni Fernando sa akin."

"But I made mine." Hindi na ako natakot pang tingnan siya sa mata pero ang kaba ko ay grabe na. My hands curled into fists at my sides.

"We're already married, Ruby. You can be upset with me every day if that's what you choose, but this marriage won't be annulled."

"Pero bakit mo nga ako pinakasalan? Hindi kita mababayaran ng halagang sinasabi mo." Para akong mauubusan ng sasabihin dahil wala naman talaga akong maibabayad sa kanya ng gano'ng klaseng kalaki na halaga. Para kasing ang hirap paniwalaan na porket na kasal na kami ay hindi na niya ako sisingilin pa.

For a brief moment, Apollo's demeanor became a bit gentler, but just a little. "Because seven years ago, I met you once." Sagot niya dito, then he paused. "And apparently, once was not enough."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co