CHAPTER 03
"T-Talaga bang tayo lang ang kakain dito?" The dining room was so vast that as I slowly scanned the long table in the middle, I noticed it had eighteen seats, with nine on each side. At wala kaming ibang kasama kung hindi kaming dalawa lang talaga ni Apollo. Well aside do'n sa mga kasambahay niya na nakita ko kanina at ilang tauhan na rin. Natural lang naman siguro sa mayaman na katulad niya ang may bodyguards na nakita ko kanina ng puntahan at sunduin niya ako mula sa ospital na pinagtatrabahuan ko.
"Yes, why? I'm the only one who live here, may sariling bahay ang mga kapatid ko Ruby." Sabi ni Apollo, the dining table alone has already cost a million, and it is highlighted by the large chandelier hanging above them. May time na napupuno ng mga tao ang lamesang ito lalo na kapag may ginaganap na party dito sa bahay niya.
So kami nga lang talaga? at totoo pala talaga ang sabi-sabi na ang laki-laki ng bahay ng mga Tejano dahil nandito nga ako ngayon. Everything around me appears incredibly luxurious, from the marble floors and towering windows to the gold-trimmed walls and the paintings that seem big enough to fill an entire room. Hindi naman kasi ganito kalaki ang bahay namin, at malabo talagang magkaroon ako ng ganitong bahay tapos ako lang din ang titira mag-isa. And their staircase, na napaka-grandyoso talaga at siyang makikita mo kapag pumasok ka dito sa loob ng bahay. The ceiling is high, kaya maganda ang sirkulasyon ng hangin dito sa loob ng bahay kahit hindi na siguro buksan pa ang mga naglalakihang aircon.
This is not a simple farm house he was saying to me earlier.
This was a palace.
At parang hindi ko pa din ma-imagine na dito na ako titira tapos kasama pa siya. Marami pa kaming dapat pag-usapan ni Apollo dahil unang-una wala naman akong ibang dalang gamit aside sa personal kong bag.
"Let's eat, alam kong pagod ka kaya pagkatapos nito ay ipapakita ko sa 'yo ang magiging kuwarto mo." Sabi ni Apollo na pinag-sandok pa talaga ng pagkain ang asawa. Asawa, he is now married and is eagerly looking forward to the experiences that come with being a married man.
Tiningnan ko siya sandali, he have this bossy aura. 'Yong tipong kahit anong sabihin niya ay dapat masunod at talagang mangyayari dapat. Ni hindi na nga ako nakapalag pa kanina diba? I was aware that the Tejano family was affluent; I had heard enough about him to realize that he lives in a world that is entirely different from my own. Maging ang Daddy ko dati ay bukam-bibig kung gaano kayaman ang pamilya Tejano, at kung ako ang tatanungin dati ay baka isipin ko pa na over naman mag-kuwento ang Daddy ko. Pero ngayong nandito na ako mismo sa bahay ni Apollo ay talagang masasabi ko na tama nga ang kuwento ni Daddy. And speaking of my father, hindi ko maiwasang makaramdam ng galit sa kanya ngayon. Yes he passed away already, pero grabe itong iniwan niyang problema sa akin. I don't have plan to get married at this young age, I'm only 25 years old for Christ sake! Ang dami ko pang plano pero mukhang mauunsyami ang lahat ng 'yon dahil kasal na ako kay Apollo.
Hindi na nag-usap pa habang kumakain sila Ruby at Apollo, pagkatapos nito ay pinakilala ni Apollo ang asawa sa pinaka-mayordoma nitong bahay nila. His house is located in the middle of his 200 hectares land. At hindi lang ito ang lupain niya dahil mero'n pa na nandito din naman sa Pontecillo. Ang sabi nga ng mga tao ay pagmamay-ari talaga ng Tejano ang buong lalawigan ng Pontecillo dahil halos lahat ng negosyo na nandito ay sa kanila.
"She's old already pero ayaw niya pang mag-resign sa trabaho." Sabi ni Apollo na ang tinutukoy ay ang mayordoma nga nitong bahay niya. 65 years old na ang tinatawag niyang Nana Baneng pero malakas pa din talaga ito hanggang ngayon. Buhay pa ang Mommy niya ay nandito na ito at maski silang tatlong magkakapatid ay ito na ang nag-alaga sa kanila noong pinanganak sila. At dahil siya ang panganay sa magkakapatid ay siya ang talagang nagmana nitong farm house nila. Maging ang mga katiwala ng magulang niya na buhay pa hanggang ngayon ay nasa poder pa din niya. He holds Nana Baneng in high regard; she is like a second mother to him and his siblings.
"Good evening po." Nahihiya ko pang bati, naka-uniform pa ng pang-maid ang pinakilala sa akin ni Apollo. 'Yong tipikal na uniform ng mga kasambahay sa mga pelikula na kulay puti at kulay itim, gano'n ang sinasabi ko. And she seems nice, kaya parang hindi ko ine-expect na may nakatira din pala na katulad niya dito sa bahay ni Apollo. Iba kasi talaga ang pagkakakilala ko kay Apollo, he's ruthless and everyone know about it.
"Asawa ka ba talaga nitong si Apollo? Aba, bakit hindi man lang sa simbahan ginanap ang kasal niyo?" Tanong ni Nana Baneng, Vinedecta talaga ang pangalan niya at palayaw niya lang ang Baneng. Mas komportable lang talaga siyang tawagin na Nana.
"Asawa ko talaga si Ruby Nana, at kung ano ang pag-galang niyo sa akin at pagmamahal, e gano'n din sana sa kanya." Sabi ni Apollo sa matanda, wala talagang nakakaalam na nagpakasal na siya. At bilang na bilang lang talaga sa daliri ang may alam na kasal na siya ngayon. Maging ang mga kapatid niya ay hindi din alam ang tungkol dito kaya siguradong mabibigla ang mga 'yon.
Napataas ang kilay ko, bakit parang ang bait ng boses ng lalaking 'to? Ang layo-layo sa kanina na akala mo ay boss ko at empleyado niya ako.
"Aakyat muna kami sa itaas Nana, pagod din 'tong si Ruby kaya kailangan niya ng magpahinga." At talagang inakbayan pa ni Apollo ang asawa na katabi niya lang at iginiya na ito paakyat sa hagdanan.
Sandali, anong magpapahinga? Wala naman sa usapan naming dito ako matutulog ha? Kaya nang nasa kalagitnaan na kami ng hagdan ay hinawakan ko agad ang kamay niya. "Anong dito ako magpapahinga? Uuwi ako sa bahay ko Apollo." Sabi ko nga,
Napataas ang isang kilay ni Apollo na napahinto din mula sa paglalakad. "Why do you need to go home? This is your home now, Ruby." Puno ng otoridad na sabi niya sa asawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co