Truyen3h.Co

Beautiful Liar

Chapter 13

frezbae

Meeting

Nakakapanabik ang kanyang alok sa akin. Ngumisi ako sa kanya. Bahagya ko siyang tinulak. Pakiramdam ko kasi ay hindi na ako makahinga. Ang dumaan sa aming gilid ay bahagya pang napatigil at sinuri ang ginagawa namin ni Faustino.

Tinago ko ang kung anumang nabubuo sa isipan ko.

"Anong sinabi mo?" Kunwari hindi ko siya narinig. "Isang gabi kapalit ng Iphone?"

Napatigil ang isang grupo na dumaan sa gilid namin. Nasindak sa aking sinabi.

Pumikit naman ng mariin si Faustino tila nahimasmasan.

"Where's your table?"

"Magbabanyo lang ako." tumalikod agad ako at pumasok na sa banyo. Alam ko rin na nasa likuran ko siya at sumusunod. Hindi ko alam kung bakit niya pa'to ginagawa.

Inayos ko ang aking damit bago lumabas ng banyo. Nandoon lang siya at nakahilig sa dingding tila malalim ng iniisip.

"Hindi mo na ako kailangang ihatid sa mesa. Kasama ko si Vicco." panimula ko.

"Sasamahan kita kung ganon," muli akong napahinto sa paglalakad dahil sa kanyang sinabi.

Bahala siya.

Dire-diretso akong pumunta sa aming mesa at nakita doon si Vicco na may kung anong kinukulikot sa kanyang cellphone.

"Bakit ba kasi hindi pa iyon bumili ng bagong cellphone?" kausap yata nito ang sarili.

"Vicco-" Nakita niya agad ako ng tinawag ko siya.

"Hay! Salamat andito kana! Kanina pa tumatawag ang nanay mo! Walang tigil 'raw ang iyak ni-"

Halos masapo ko ang noo. Parang nakakita siya ng multo sa aking likod. Lubos lubos ang kaba na aking nararamdaman dahil sa kamuntikan na niyang masabi.

"Walang tigil ang iyak ng aso mo! Leche!"

Kahit nakalusot si Vicco ay parang nilubayan parin ng kaluluwa ang aking katawan!

Lalo na nang madilim ang tingin sa akin nu Faustino. Habang si Vicco naman ay napakagat sa kanyang daliri.

"Uhm," Vicco cleared his throat. "Mauna na kami ni Ava ,Faustino." pormal na ang boses nito  parang isang lalaking lalaki.

Hinila ako doon palabas ni Vicco.

"Hay jusko! Ang shunga shunga ko. Ewan! Ang hot nga talaga ni Faustino Ava!"

Umirap ako. Ba't doon napunta ang usapan?

"Ang kamay maugat! Laging seryoso! Ang swerte mo! Magkambal pa talag-"

"Hay.Tumahimik ka nga."

Tila may tama na nga rin ako ng alak. Nagmamadali kaming makauwi sa bahay at nag aalala ako para kay Ginger.

Nang makarating sa bahay ay inasikaso ko kaagad ang anak. Tumigil ito sa pag iyak at nakatulog sa aking bisig. At hindi nga ako nagkamali dahil antok na antok ako kinabukasan.

Naninikip rin ang dibdib ko habang inaayos ang aking mga gamit. Labag sa loob ko ang umalis lalo na't makita ang inosenting mukha ni Ginger.

"Mah," ungot ko at pinunasan ang luha sa gilid ng aking mata. "Babalik agad ako dito pag mabakante ako."

"O' sige walang problema. Bumili ka narin ng cellphone para maka videocall ka rito sa amin."

Tumango naman ako. Umalis ako doon na magaan ang pakiramdam ng makita ang ngiti sa labi ni Ginger. Kahit kailan, hindi siya naging pabigat. Parang ginagawa niya lahat para hindi madagdagan ang pasanin ko sa buhay.

Maaga ako umalis sa Manila. Dalawang oras ang biyahe ng eroplano mula Manila at dalawang oras na biyahe rin mula Bacolod pa Kabankalan.

Hindi ako nakaramdam ng pagod dahil tulog lang ang ginawa ko sa eroplano at bus. Hapon na nang makarating ako sa Kabankalan.

"Welcome back Ava!Pinagluto kita ng dinuguan! Nagtext kasi ang nanay mo sakin!"

"Wow! Salamat ho Aling Pena!" Kinuha rin ng kanyang asawa ang aking bag at nilagay sa bahay.

"Sus wala iyon! Hindi kana iba sa amin! Nahuya kapa ah!"

Kinuha ko sa traysikel ang dala kong pasalubong. "May pasalubong rin ako Aling Pena!"

"Woy! Kanami gid ni bala sang tupad balay ko! Kabuot! Kagwapa pa!"

"Mambobola ka talaga Aling Pena!" biro ko dito pabalik.

Hindi na ako nakapagtrabaho 'nung araw na iyon. Nagpahinga ako hanggang gabi.

Panibagong araw na naman ng magising ako kinabukasan. Maaga akong nagising at nag ayos. Pagka gising ko palang kumatok na si aling Pena at may binigay na sa aking kape at pang almusal.

"Maraming salamat Aling Pena!"

"Walang anuman! Daan ka sa bahay pag aalis kana ha? Papahatid kita sa asawa ko!"

"Opo!"

Isang spray nang aking perfume ay ready na akong umalis! Hinugot ko rin ang aking bag at lumabas ng bahay.

Balak kong bumili na mamaya ng cellphone. Ang hirap kasi ng ganito.

Hinatid ako ng asawa ni Aling Pena sa South Gate Inn. Nasa front desk na si Marga at nakangiti sa akin.

"Kamusta ang bakasyon?"

"Ayos lang!"

May mga nandoon na tila mga bisita rin. May iilang naka suit rin na tila may schedule na meeting kay Faustino.

"Dalian mo! Haggard na haggard na ako rito!"

"Oo! Sandali lang!"

Sumakay ako ng elevator para malagay na ang aking mga gamit sa aming locker. Gustong gusto ko nang magtrabaho. Nakakamiss magtrabaho.

Naglalagay na ako sa aking locker ng may dumaan rin sa aking gilid.

"Hi!"

Napatigil ako dahil si Jezia ito. Ngumiti ako pabalik. Natatandaan ko pa kung ano ang mga nakita ko.

"Morning to afternoon shift na ako. Ang bait nga pala ni Sir Faustino ano?"

Tumango nalang ako. Ano pa ba ang gusto niyang marinig sa akin at hindi pa ito umaalis? Humilig pa ito sa mga locker katabi ko.

"He's really hot. I'll find a way to taste his-" hindi nito natuloy ang anumang sasabihin at kinagat nalang ang labi.

"Oh!  sure! Patuloy mo lang pag lilibog mo diyan. May trabaho pa ako."

Sa totoo lang nakaramdam ako ng inis. Gawin niya kung ano ang gusto niya hindi niya kailangan iparinig sa akin!

Tumawa lang ito ng makaalis ako. Nabadtrip ako sa mga sinabi niya pero ginanapan ko ang trabaho ko ng maayos.

Andito na pala si Fuastino at halos magkasabay lang kami. Marami siyang inayos lalo na't makkamit na raw namin ang outing dahil mataas ang sales ngayon ayon sa graph ng Hotel.

Nagkaroon kami ng meeting mga alas tres ng hapon. Lahat ng empleyado ay kailangan sa meeting. Kasabay ko si Marga at ang iilang lalaki mula sa maintenance.

"Hi Ava!" bati ng mga 'to sakin.

"Hello!" bati ko pabalik. Nagsikuhan ang mga to at tumawa.

Nang makapasok kami ay halos kumpleto na ang lahat. Umubo ako at inayos ang iilang hibla sa aking buhok.

Dahil sa siksikan sa pintuan ay bahagya akong naitulak ng mga lalaking kasamahan ko sa likod kaya nauntog rin ako sa lalaki na nasa harapan ko.

Napasinghap ako lalo na nang malaglag ang hawak kong reports ng reception.

"Uy! Sorry! Hindi sadya."

Napapikit ako dahil halos andito lahat at napatingin sa amin.

Tumulong rin si Marga. "Naku! Iyang style niyong yan mga boys ha! Hindi maganda iyan!"

Inayos ko ang aking bandage skirt para pulutin ang mga iyon.

"Na ano na haw?"

"Mga gago gid na sila bala."

"Mga waka huya ara si sir po!"

Sunod sunod na narinig ko.

"Grabe ang bilog ng pwet niya!" anas ng bumangga sa akin. Nairita ako bigla.

"Roxas, Tampipi, at Delos Reyes surrender your ID's and you're fired..." Mariin ang boses ni Faustino nang sabihin iyon. May humatak rin sa aking braso at tinulungan akong kunin ang ibang nabagsak.

"S-Salamat Austin."

Umiwas nalang si Faustino at inayos ang laptop sa mesa niya.

"Please make it fast. Ayokong mag antay." malamig ang boses ni Faustino ng sabihin iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co