Chapter 12
Iphone
Tinulungan ako ng driver ni nanay para maipasok ko siya sa bahay. Malalim na ang gabi nang makarating kami.
Naglinis ako ng katawan pagkatapos kong ilapag si nanay sa kanyang kama. Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay tinabihan ko si Ginger.
Napanguso ako nang mapagmasdan ang kanyang mukha. Ang ganda niya. Parang 'yung mga bata na napanood ko sa mga Italian movies sa sinehan sa Kabankalan.
Parang girl version ni Faustino.
"Hayy..." napapikit ako at napasapo sa noo. "Ano nalang gagawin ko kung makita siya ng ama niya? Hindi puwede." hirap na hirap kong sabi.
Huling araw ko na dito. Hindi ko maiwasan ang hindi maging emosyonal. Dahil sa alam ni nanay na doon ako nagtatrabaho sa hotel nila Faustino mas lalong naging matibay ang desisyon niyang hindi ipadala sa akin si Ginger.
Nasa hapag kami at pinapakain ko si Ginger.
"May trabaho ka doon kaya walang magbabantay! Kawawa ang apo ko! Atsaka ikaw nalang ang magbakasyon dito. Malaki naman ang sahod mo e."
Wala akong nagawa kundi tanggapin ang mga pangaral ni nanay. Ngayon ay pupunta kami sa mga Clothing branches ni nanay.
Mayroon raw siyang dalawang naipatayo dito sa Manila. Ang isa sa Bonifacio Global Center ang isa naman ay sa isang mall.
Nag ayos ako at si Ginger naman ay inayusan ni nanay. Dadalhin rin namin ang yaya ni Ginger para hindi kami mahirapan.
Nasa sasakyan na kami nang may gusto akong tanungin kay nanay.
"Nay, madalas ba kayong lumabas ni Ginger?"
Umiling siya. "Pag may mga aayusin lang ako sa trabaho at may bibilhin na importante dinadala ko siya. Pero hindi madalas. Alam ko naman na kahit natapos na ang anumang nangyari sayo noon mag eexpect talaga mga 'yan kasi naikama ka ng gunggong na yun!"
Namula ang aking pisngi at hindi na ako nagsalita pa. Tinitigan ko ng mabuti si Ginger. Ngumisi ito sa akin at inabot ang aking pisngi.
Hay. Alam ko noon na ayaw na ayaw ng ama mong magkaanak. Palagi siyang nagbibilin na hindi ko makaligtaan ang pills kasi nga ayaw niyang magkaanak.
Magagalit siya kapag nalaman niyang may anak siya lalo na sa akin. Alam kong galit siya sa akin at baka balak maghiganti.
May kung anong kumudlit sa puso ko. Noong pinasok ko ang ganong' sitwasyon noon kay Faustino, alam ko nang magiging miserable ako. Lalo na ang puso ko. Wala akong puwang sa kanya.
Mas mabuti nang may magandang alaala ako mula sa kanya.
Nauna kaming tumungo sa mga establemento sa BGC. Nakita ko doon na may isang building na kulay gray at dalawang palapag iyon.
Ang pangalan na bumungad sa akin ay "Ginger's Touch".
Napatingin ako kay nanay na diretso lang ang tingin habang ako ay naghuhumerintado na ang puso sa saya.
Hawak ko si Ginger ng pumasok kami. Binati kami ng security ng Clothing line ni nanay at mas namangha pa ako sa loob.
"Ava. Ito nga pala si Red. Isa sa mga designer ko. Napulot ko lang yan noon sa isang Bar at magaling yan."
Ngumiti ako dito.
"Ito naman si Vodka. Walang special sa kanya."
Imbes na mainis at humagalpak pa ang dalawang bakla na designer ni nanay sa mga damit. Nagtuksuhan pa ang mga 'to.
Hindi naman raw gaano sila kakilala at nagulat nalang si nanay na naimbitahan siya sa isang party.
"Marami kasing pumapasok dito at hindi ako gaanong active kaya hindi ko rin alam na may mga mayayaman na palang nagpupunta dito." paliwanag pa ni nanay.
Hindi na ako magtataka kung bakit ang gagara ng mga damit ng anak ko.
"Ang gaganda!" hindi ko maiwasan ang mamangha. Hinila ko ang kulay pulang silky na dress. Ang slit nito ay nasa gilid ng hita at may nakakabit doong parang isang kwintas sa slit ng dress na ito.
"50,000 ang halaga ng kwintas na iyan sa Europe. Expensive yan kaya tengga nalang yan diyan." sabi ni nanay nang makitang nakatitig lang ako doon.
"Ang mahal." singhap ko.
"Utangin mo muna. Bayaran mo'ko pag nakasahod kana."
.
Umirap ako kay nanay at napanguso. Umirap rin ito pabalik sa akin. Aba! Parang hindi ito hikain noon ah!
Kinuha ko yung dress. Balak ko sanang isukat ito sa dressing room nang mag mahagip ako. Nanlaki ang aking mata nang makita ko ang kakapasok lang na babae!
Ito 'yung kasama ni Faustino kagabi!
Hinagilap ko kung nasaan sina nanay. Nakita kong pumasok sila na sa tingin ko'y opisina ni nanay. Napasapo ako sa dibdib dahil sa kaba.
Alam kong nakita ako nito kaya nagkunwari akong namimili.
"Hi!"
Napapikit ako dahil sa bilis ng paglapit nito sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.
"Hello!" bati ko sa kanya.
"Ito pala 'yung botique ng mama mo? I just heared sa party na maganda nga pala ang quality dito kaya nagpunta ako."
"Ah! Oo naman. Pumili kalang."
Bumaba ang tingin nito sa hawak ko. "Oh, that's expensive! There's a ruby pendant!" singhap nito.
Bumaba rin ang tingin ko sa hawak ko. Oo nga mayroong ruby na pendant ito na pabilog.
"How much is that?"
Ngumisi ako at pinakita ang tag. "Eighty thousand ang nakalagay e."
"Oh! Mayroon pabang ibang kulay niyan?"
Mabait naman pala ito. Agad namang nag assist ang mga empleyado ni nanay. Mayroon namang ibang kulay pero wala nang kulay pula.
Grabe naman pala ang gastos ni nanay dito!
Nag excuse ako para makapasok sa opisina ni nanay. Nang makapasok ako nakaupo siya doon. Hapong hapo ako.
"Kaya hindi ko nilabas si Ginger kasi namukhaan ko yang babae. Kasama yan kagabi ng kajugjugan mo noon di'ba?" ngumisi di nanay at umiling. Nakita ko ngang nakatingin si nanay sa cctv , sa harapan ng mesa.
Hindi muna ako lumabas at kinulit nalang ang anak ko sa loob. Pumunta rin kami sa isang mall doon at binisita ang space ni nanay doon. Marami ring tao sa loob.
Hindi na ako nagsubok ma tanungin si nanay tungkol kina tita Agnes at Genevive. Alam kong wala naman siya pakealam sa mga iyon. Ang alam ko lang ay nakatira parin si tita Agnes sa dating mansyon nila at si Genevive ay nasa ibang bansa.
Nang umuwi kami ay nagulat ako kung bakit nasa labas ng bahay si Vicco! Nasapo ko ang noo dahil nakalimutan kong dalawin ang puntod ng aming kaibigan!
Pinapasok ko siya sa loob. Kinamusta niya si nanay at kinarga ang anak ko. Si nanay naman ay nagpaluto ng makakain ni Vicco.
Kinuha ni nanay si Ginger kay Vicco.
"Mag usap na muna kayo diyan at papatulugin ko ang apo ko."
Inabot ko si Ginger at hinalikan sa labi bago ito dinala ni nanay. Si Ginger ay hindi umiyak. Sanay na sanay siya sa kanyang lola.
"Maayos naman pala ang pamumuhay ng nanay mo dito. Jusko, buti nalang nalaman ko ang bahay ng nanay mo! Kung hindi ko pa pinahanap ay hindi mo talaga ako kikitain!"
Umirap ako at pagod hinilot ang aking sentido dahil sa buong araw na pag gala ay nakaramdam ako ng pagod.
"Oy! Ano iyan? Pagod ka? Hindi puwede! Uuwi kana bukas kaya aalis tayo! Ngayon kalang nakauwi dito sa Manila kaya mag bar tayo!"
Napamulagat ako. "Vicco! Maaga ako bukas!"
"Oh ayaw mo ‘nun? Sa eroplano ka nalang matulog!"
Wala na akong nagawa ng itulak na ako ni Vicco para mag ayos. Pumayag rin si nanay at walang naging angal.
Nagsuot ako ng light pink na tank top at may terno iyong itim na palda. Pinaresan ko narin ng stringed sandal. Walang gana ko ring pinuyod ang aking buhok.
Nang lumabas ng kwarto ay parang mahuhulog na ang talukap ng mata ko.
"Tsaka nga pala, bakit hindi ka nagrereply sa akin ha?"
Doon na ako natauhan ng maalala na wala na akong cellphone at nahihiya akong maghingi ng pera kay nanay. Inutang ko pa nga yung dress sa kanya .
"Nasira yung cellphone ko."
"Kahit kailan ang clumsy mo talaga."
Sumakay kami sa SUV nila Vicco. Mag aalas onse na nang gabi. Mukhang matutulog nga ako bukas sa eroplano nito!
Masigla si Vicco nang makaapak na kami sa loob ng club. Ganon parin tulad ng dati ay asal lalaki siya sa mga ganito. Nakakawit ang aking kamay sa kanyang braso.
"Umuulan ng lalaki!" impit niyang bulong sa akin. Dahil sa musikang masigla at enerhiya ng mga andito ay nabuhayan ako at nawala ang aking antok.
Umiling nalang ako at napangisi.
May iilang lalaking lumapit sa amin habang naghahanap kami ng space.
"Miss? Wanna have fun?" tanong ng isang banyaga. Hindi ako makasagot.
"Ah! May anak na'to! Taken na!" nag wink pa si Vicco doon kaya umatras ang lalaking banyaga. Tumawa ako ng malakas.
Hindi ko na nasabayan ang nangyari dahil lasing na lasing na ako ng musika sa gitna ng dance floor. Hawak ko pa ang inumin sa aking kamay. Bahagya akong nababasa ng inumin ni Vicco na nasa ere rin.
"Bruha! Next mong uwi dito punta na tayo si Puntod ni Chelsea ha!" Paalala sa akin ni Vicco. Nagsisigawan na kami dahil sa ingay ng musika.
"Oo! Ay!" nabuhusan ako ng inumin ni Vicco dahil may nakabunggo sakanya.
"Hey! Watch your steps bitches!" sigaw ni Vicco. Inawat ko agad siya at baka makahanap pa ng kalaban dito.
"Vicco!" natatawa ko siyang sinaway. "Bathroom muna ako! Basang basa ako!"
"Sige! Sa sofa lang ako."
Nagkahiwalay kami sa dance floor. Nagtungo ako sa second floor dahil nandoon ang banyo. Alam ko dahil napuntahan ko na itong bar noon.
Medyo nakaramdam ako ng pagkahilo ng biglang may humawak sa braso ko.
"You look drunk miss. Need help?" hindi ko mamukhaan ang lalaki. Nag uulap ang mata ko dahil sa alak.
Umiling ako at hinila ang aking braso.
"Miss-"
Naputol ang anumang sasabihin niya dahil sa isang aninong nasa harapan namin.
Ewan ko. Kahit anino lang yun ay kumalabog ang puso ko. Nang makita ko kung sino iyon ay umiwas ako para makatungo na sa banyo.
Dahil sa asik ko sa kanya ay may kamuntikan na akong makabangga na babae. Tumili ang mga babaeng iyon kahit hindi ko naman sila nabunggo dahil sa hawak sa akin ni Faustino!
"Where's your table? Hahatid kita."
Umirap ako sa kanya. "Hindi ko pa nakakalimutan ang cellphone ko na nabasag dahil sayo! Palitan mo iyon!"
Kahit madilim ay nakita ko ang kanyang porma. Tulad noon, polong puti na nakatupi hanggang siko niya at kanyang slacks na itim. Ang sapatos niya ay mahaba at nagsusumigaw ng karangyaan.
Umirap ako.
Wala siyang pake sa mga nakakakita sa amin. Marahan niya akong hinila patungo sa gilid. Nanibago ako sa hawak niya. Hindi katulad noon.
"Isang gabi kapalit ng Iphone mo Ava." hirap na hirap niyang sabi at napalunok.
Gusto kong ngumisi dahil iba ang epekto nun sa akin. Kita mo nga naman kung sino ang nakamiss ng aking katawan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co