Chapter 15
Tattoo
"F-Faustino t-tama na," pa utal utal ang aking pagpigil sa kanya. Halos maipit ako sa dingding. Nakaupo ako sa kanyang bookshelves at nakaparte ang aking mga hita. Habang siya ay nasa gitna ng mga 'to.
Ang aking damit ay lukot lukot na at hindi ko na maisalarawan kung gaano ka gulo ang aking buhok.
Halos hindi ko masabayan ang kanyang kilos sa sobrang sabik. Hindi ako makahalik pabalik dahil uhaw na uhaw ito sa aking labi.
Tinulak ko siya ng malakas kaya nakawala ako. Agad siyang tumingala at namahilamos ng mukha. Namumula akong umiwas at bumaba para ayusin ang aking sarili.
Hindi ako makapagsalita.
"I'm sorry." paos niyang patawad. Huminga ako ng malalim at tumango. Hubad baro parin siya ng tumalikod ako at binuksan ang pintuan pero ng buksan ko iyon ay tumambad sa akin si Jezia na Karol sana sa pintuan!
Nanlaki ang mga mata lalo nang hinagod ako nito ng tingin gamit ang naniningkit na mga mata.
Umubo ako at nilampasan siya. Kumakalabog ng husto ang dibdib ko. Bago ako bumalik sa pwesto ko ay naghilamos muna ako ng mukha at inayos ang buhok sa comfort room.
Shit! Ano nalang iisipin ni Jezia? Mas lalo akong machichismis dito! Lalo na hubad nang pang itaas si Faustino nang pumasok siya!
Nainis ako dahil parang isang eksena na dumalaw sa aking isipan na baka, nabitin si Fauastino at kay Jezia niya iyon ibubuhos lahat? Baka.
Pinilig ko ang sarili at binatukan. Nagulat nang may biglang humalakhak. Si Jezia pala ay pumasok rin dito sa banyo.
Nakangisi ito at humalukipkip.
"Anong ginawa niyo sa loob ng office ni Mr. Grey?" mapanuya ang boses nito. "Did you two do it inside his office?" hinawakan pa nito ang buhok ko inikot ikot.
Hindi ako sumagot. Nairita aki ng bahagya sa kanyang paghawak sa aking buhok.
"O baka naman , hindi gumana ang iyong pang aakit sa kanya? Alam ko naman na ganon' talaga yung' mga babaeng galing sa club o mga bar. Dala dala na nila 'yung kati sa katawan." sinabi nya' iyon na parang nandidiri.
Ngumisi ako. Parang puputok ang batok ko sa inis pero itinago ko iyon.
"Ayoko kasing magsalita. Lalo na sa katulad mo. Kung gusto mo hingin mo 'yung cctv records kasi may cctv naman iyong office ni Sir Faustino. Atleast, ayon makakapagsabi ng totoo kung paano ako uhaw na uhaw na hinalikan ni sir Faustino. At masasabi ko lang Jez, masarap siya." matamis ko siyang nginisihan. "Magaling siya mula noon, hanggang ngayon."
Napanganga siya. Nakarehistro ang pagkakahiya sa kanyang mukha. Umalis ako doon habang nakatunganga siya.
Huminga ako ng malalim dahil parang ka'y bigat ng araw ko ngayon. Nakabalik na ako sa pwesto at napangunot ang noo ni Marga ng makita ako.
"Malungkot ka?" tanong niya.
Umiling ako. "Wala. Baka kasi magkakaroon lang ako."
"Hay. Hirap nga niyan. Moodswing!" tumango tango siya. "Tsaka ako nga e. Bigla rin ako nalungkot!"
"Bakit naman?" takang tanong ko.
"Kasi birthday ko ngayon." pabulong niyang sinabi.
"Oh! Happy-"
"Shhh!" pinatahimik niya ako. "Wag' mong lakasan! Wala akong pang libre sa mga walang hiyang kasamahan natin! Tsaka nag iipon ako!"
"Happy birthday!" bulong ko. Tumawa kaming dalawa.
Naging sobrang busy namin dahil bisperas na bukas ng Sinulog. May mga nagpa reserved ng rooms na mga manager ng mga artistang naimbitahan dito sa Kabankalan.
Nakaramdam ako ng pagod bandang alas tres ng hapon. Nagpa break samin ng thirty minutes kaya balak kong magkape.
Napawi ang ngiti ko sa labi ng palabas ng Hotel ng makita si Frosto sa labasan. Kakalock lang nito ng kotse niya.
Natuod ako ng ilang sandali pero nang nagtagpo ang aming tingin ay ngumiti ako. Ngumiti siya pabalik sa akin.
"Where are you going?" tanong niya. Hawak niya ang susi sa kanyang kamay. Ibang iba na siya ngayon. Parang naging malambot siya at mabait. Ramdam' ko iyon. Baka siguro sa mga nangyari noon.
"Magkakape lang. Ikaw?"
"Magkakape rin." Ngumisi siya. "Sabay na tayo?"
"Sure."
Sumakay ako sa kanyang kotse bago namin tinungo ang malapit na starbucks. Aapila sana ako dahil mahal dito. Kape lang naman na tig 10 pesos ang gusto ko pero dito niya ako dinala. Dahil nga mukha talaga siyang seryoso ay nanahimik nalang ako.
Pinaupo niya ako sa dtwo seater table na andoon at siya ang umorder. Gusto kong ako ang bumayad sa sarili ko pero alam ko ugali ni Frosto.
May iilang studyante dito at napapasunod ang mga tingin kay Frosto. Alam ko iyon, bihira makakita ng kasing tindig at kasing guwapo nila Frosto at Faustino dito sa probinsya kaya namamangha sila.
Napanguso ako habang tinitingnan siyang papalapit. Ngumiti siya sa akin.
"How's work?" tanong niya.
"Medyo busy kasi bisperas bukas.Ikaw? Kamusta kana? Minsan lang kita makita dito."
Malamlam ang kanyang tingin sa akin. "Busy with work in Manila. Dumalaw lang ako dito. Mabuti naman maayos ka rito. We've been searching for you almost a years pero tinigil rin ni Faustino.Kaya pala."
Napalunok ako. "B-Ba't niya ako hahanapin? G-Galit siya sa akin noon. Sobra." Humugot ako ng hininga. "Galit na galit siya ng mahospital si Genevive."
Umiling si Frosto at may inisip. Parang ang dami niyang gustong sabihin sa akin.
"Alam namin ang ginawa nila. Lalo na nang mama ni Genevive. And my twin lost his focus in the past few years. Ayaw niyang kausapin siya ninuman pagkatapos ng aksidente niya."
"Ha?" napaayos ako ng upo. "Naaksidente si Faustino?"
Ngumiti si Frosto. Ngiting hindi umabot sa kanyang mata. Hinagilap niya ang aking kamay at hinawakan ito.
"Ava patawarin mo'ko sa mga nagawa ko noon." pasalit salit niyang tinitigan ang mga mata ko. Nakikita ko ang pagmamahal at lambot doon. Kinabahan ako.
"We treated you like nothing." huminto siya. "Pero ang dami mong binago sa amin. Sobrang buti mong tao Ava. Inaamin ko may mga kasalanan rin ako. I don't know..." umiling iling ito. "Hindi ako pinatulog ng ilang buwan ng mawala ka. I guess it's my karma."
"Frosto nakaraan na iyon. Lahat tayo nagkakamali. Sobrang nagmahal lang talaga ako noon at pinaglaban ko kahit hindi na tama."
"Yeah. You kept it as a secret kahit alam mong may relasyon kami noon ni Genevive. Nakikita ko sarili ko sayo. Kahit alam kong mali at pinaglaban ko parin."
Ngumiti kami sa isa't isa.
"I hope we'll be a good friend. You're so precious Ava." dagdag niya. Lalo akong napangiti.
"Kaibigan naman talaga kita Frosto. Tsaka nga pala mabuti hindi ka nagpatattoo tulad ng kambal mo."
"Uh! Yeah." ngumisi siya. "Nagpatattoo si Faustino dahil nasunog yung balat niya sa aksidente. Sinubukan niyang habulan ang bus na sinasakyan mo noon dahil alam niyang aalis ka. Napakagago ewan ko sa kanya. Hindi naman ako kinakausap basta lasing siya nun. Nabalitaan namin na nahospital ka at paalis ka kinabukasan kaya kahit lasing siya sinundan niya ang bus na sinasakyan mo."
Halos hindi ako makahinga habang pinapakinggan ang sinasabi ni Frosto!
"Nabangga siya sa isang truck at sumabog ang sinasakyan niya. Ang tattoo niya ngayon may peklat iyon Ava. "
Shit. Kaya unang tingin ko palang kakaiba ang tattoo niya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co