Truyen3h.Co

Beautiful Liar

Chapter 16

frezbae

Sinulog

Kahit sa trabaho ngayong bisperas ay hindi mawaglit sa isipan ko ang tattoo ni Faustino na nakita ko. At kung bakit siya nagpatattoo dahil may peklat iyon? Dahil hinabol niya ang bus na sinasakyan ko?

Para saan? Para magalit ng lubos sa akin? 

Nakabili na ako kahapon ng cellphone. Maaga ang aming out ngayon dahil nga bisperas.  Maraming nagpupunasan ng oling sa labas kaya ayokong lumabas o kahit man lang kumain sa Gaisano.

"Hay! Ang saya nila! Mamaya gagala ako kasama ko mga taga sa amin! Ikaw?" Tanong ni Marga.

Umiling ako. "Uuwi ako diretso. Wala naman akong kasama e."

Kinalabit niya ako. "Ba't di ka sumama sa amin? Kahit noon ba hindi ka talaga nagsisinulog? Masaya kaya!"

"Nagsisinulog naman kaso sandali lang!"

"Naku! You missed the fun! Alam mo ba may artista! Lalo na ngayon at bukas!"

Alam ko iyon dahil ang iba halos nasa amin naka check-in kaya kami busy.

Umiling nalang ako at ngumisi kay Marga. Abala kami sa computer sa aming harapan nang..

"Miss, pwedeng pa check-in?"

Ngumuso ako. Nagpipigil ng sariling ngisi. "Uhm. Puwede sir."

Kinagat niya ang labi. "Pwedeng pa check-in sa puso mo?"

Humagalpak si Marga sa tawa bago tumili. Umiling ako.

"Tagal mong nawala ah," napuna ko. Nakita ko ring may dalang starbucks si Austin. Pinakita niya iyon sa akin.

"Coffee for you." binigay niya iyon sa akin kaya tinanggap ko.

"Ay sana all. Starbucks!" singit ni Marga kaya siniko ko siya.

"Pwede ba tayong gumala mamaya? You know. Mamasyal at kumain."

"Naku! Pumayag kana Ava!" singit na naman ulit ni Marga.

Tumaas ang dalawang kilay ni  Austin. Nag aantay siya ng sagot ko. Tumango ako ng marahan sa kanya.

Ngumiti siya sa akin bago namulsa ng kanyang pantalon. "Susunduin kita dito mamaya. Sa office lang ako sa itaas." kumindat ito sa akin bago umalis.

Halos mawala naman ako sa aking sariling katawan sa sobrang pag tulak sa akin ni Marga.

"Marga naman!" saway ko dahil namumula ito.

"Hay! Pag ako talaga naging kasing sexy at ganda mo...hay!"

Nagpatuloy ang busy naming araw. Dahil nga sobrang busy, hindi ko nakita si sir Faustino. Gusto kong tanungin kung bakit niya ako sinundan? Para saan?

Kinakabahan ako sa maaring rason niya.

Bago umalis kanina si Austin ay kinuha niya ang aking cellphone number. Binigay ko naman iyon.

Nang mag alas tres na ay nag ayos na ako. Nasa locker na ako at kakatapos na magsuklay lang ng buhok at nagsuot lang ng black spaghetti top at hapit na pantalon.

Ang nga kasamahan ko ay nagmamadali nang lumabas at usap usapan na ang sinulog.

Sa bulwagan ng hotel ay nag aabang na sa akin si Austin. Ang hindi ko lang inaasahan ay kung bakit kasama niya si Faustino.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Umawang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala!

Parang hindi siya mayaman tingnan! Parang hindi siya yung may ari ng hotel! Ang cellphone ko na nasa aking kamay ay nagtagal doon ang kanyang tingin. Huminga ako ng malalim.

Naka itim na sando siya. Kitang kita ko na lalo ang tattoo niya sa ganitong ka liwanag ang araw. Naka cap rin siya at may hawak na sigarilyo. Si Austin naman ay naka itim na t shirt. Nakahalukipkip ito at nakatingin sa malayo pero nang makita ako ay napaayos ng tayo.

"Hey!" tawag nito.

Ngumiti ako. "Hi." simpleng bati ko.

"Gustong sumama ng pinsan ko. Double date." ngumisi si Austin sa akin.

Napalunok ako at napatingin kay Faustino. Double date? May date si Faustino? At sinong nagsabing date ito?

Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Faustino dahil tumalikod na ito at sumakay sa kanyang sasakyan.

Naiinis ako. Hindi ko alam kung may karapatan ako pero para sa anak ko, naiinis ako.

"Bwesit!" bulong ko sa sarili tsaka padarag na kinuha ang aking cellphone dahil umiingay ito.

"Are you okay?" tanong ni Austin ,nagtataka sa inasal ko.Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kanyang sasakyan.

"Uh oo." ngumiti ako sa kanya at sinagot ang unknown number na kanina pa tumatawag.

"Hello? Sino 'to?"

"Bruha ka! Andito ako sa entrance ng Gaisano! Ang dami ko nang oling maawa ka sakin!"

Napangisi ako at napahagikhik. Naiimagine ko si Vicco na punong puno ng uling pero maarte parin.

"Sige! Dadaanan kita!"

"Okay! My goodness ang damit ko nagmukhang basahan!"

Umirap ako.

Nakita ko si Austin na napakagat labi habang nakatingin sa akin.

"Uhm. Puwede ba nating daanan ang kaibigan ko sa Gaisano?"

"Of course!"

"Thank you!" pasalamat ko dito.

"Nakakahumaling talaga ang tawa mo. You look so beautiful. Hindi nakakasawa." gigil niya iyong sinabi na ikinapula ko.

Nakita ko rin sa rearview mirror na nakasunod ang sasakyan ni Faustino sa amin. Umirap ako.

Pigil na pigil ako para tanungin kung sino ang kadate ni Faustino.

Huminto kami sa entrance ng Gaisano at nakita doon si Vicco. Bukod doon, marami nang uling ang sasakyan ni Austin dahil sa mga nadadaanan namin kanina.

"Hay jusko! Kadiri yung mga babaeng nanghihimas sakin!" sunod sunod na ang pagmumura ni Vicco pero napatigil at napaubo ng makita si Austin.

"Gagala kami Vicco. Gusto mong sumama?"

"Na ganito ang mukha ko?!"

Tumawa ako. Ngumisi naman si Austin.

"Ganyan talaga dito. Mamaya ganyan narin mukha namin!"

Hindi nga ako nagkamali. Dahil ng lumabas kami ng sasakyan ni Austin ay dinumog kami agad ng karamihan. Nilagyan nila ako ng uling sa mukha at kung saan! Tumawa ako ng husto!

"Uy guwapa!"

"Number mo be!"

"Butangi sa titi nayon! Kadako hu!"

"Fuck off." malamig na wika ni Faustino na basta basta nalang sumulpot sa gilid ko at nauna nang tumungo sa mga nakahilerang inuman na nandoon. Magkadikit dikit lamang ang mga inuman at sobrang daming tao na!

"Hay! Ganito pala dito!" sabi ni Vicco. Naramdaman ko naman ang kamay ni Austin sa aking baywang.

"Baka mawala ka." bulong ni Austin sa akin. Tumango lamang ako at sumunod kay Faustino kung saan siya pupuwesto. Ang mga babae ay halos hindi siya malagyan ng oling dahil mukhang natatakot lalo na ang mga lalaki. Si Austin naman ay itinaas pa ang t shirt para magpalagay ng uling sa kanyang abs.

"Palagay rin ako!" sigaw rin ni Vicco pero hindi na siya narinig ni Austin dahil dinumog na siya ng mga maraming babae.

Pumwesto kami sa walang masyadong inuman. Papagabi na papaginaw narin ang paligid.

Nagkatinginan kami ni Faustino nang umupo ako sa harapan niya. Si Vicco naman ay maingat na umupo sa tabi nito. Si Austin ay nagpupunas ng mukhang ,mukhang hinilamusan niya.

"Goodness!" Sabay upo nito.

Agad namang may nilagay na dalawang bucket ng inumin sa aming mesa at inihaw na manok.

Natakam ako doon. Uminom muna ako sa beer na nasa harapan bago kumain sa manok.

"Kumain muna bago uminom," narinig kong sabi ni Faustino. Nabigla ako doon at nakita kong nabilaukan si Vicco at nailuwa ang manok na kinain.

Si Austin naman ay may sinagot na tawag kaya hindi niya narinig.

"Faus, where's your date? Akala ko kasama mo siya?" Tanong ni Austin ng matapos siya.

Uminom si Faustino sa beer bago mariing tumingin sa akin.

"Susme!" narinig kong singit ni Vicco nang makita ang tingin sa akin ni Faustino.

"Naunahan ako." Simpleng sagot nito.

"That's bad!" humalakhak si Austin. Napanguso ako at nagpatuloy sa pagkain. Nagutom kasi ako kanina sa trabaho. Mabuti nalang may kanin rin dito.

"I'll get her later.I'll make sure of it." dagdag ni Faustino bago tumungga sa beer niya. Nanliit naman ang titig ko sa mga manok na nasa aking harapan.

Hindi ako makatingin kay Faustino!

"Pakilala mo sakin." malamig ang boses ni Austin nang sumagot kay Faustino.

Paswabeng humalakhak si Faustino.
"Ang akin ay akin Austin."

Padarag na nilapag ni Faustino ang bote bago tumingin sa braso ni Austin na nasa aking likod nakaakbay. Nagsukatan ng tinginan ang magpinsan na ikinakaba ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co