Truyen3h.Co

Beautiful Liar

Chapter 20

frezbae

Opisina

Halos mapaos ako kakasigaw dahil narin sa takot at sa kadiliman.

"Tulungan niyo ‘ko!" dumaloy ang aking luha. Bakit ba kasi nasa locker ang bag at cellphone ko?!

Namamawis na ako kakasigaw at  biglang bumukas ang banyo. Nakita ko ang singaw ng liwanag mula labas nang may biglang bumuhos sakin ng tubig! Nakita ko pa yung baldeng may lamang tubig sa itaas!

Umawang ang labi ko. "Sino yan?! Palabasin niyo 'ko!!"

Mabaho ang tubig na binuhos sakin!

"Tulong!!" muling sigaw ko nang muling magsara ang pintuan ng banyo! Nasa isang cubicle ako at mataas ang dingding nito! Sinubukan kong umapak sa inodoro pero hindi ko maabot.

Nawalan ako ng pag asa. Bukod doon ay pilit kong iniisip kung sino ang gumawa sakin nito? Batid kong malalim na ang gabi.

Umupo ako at sinuksok ko ang sarili sa gilid at nakaramdam ng ginaw. Dahil sa maraming emosyong nararamdaman ay iniyak ko iyong lahat.

"Tulungan niyo k-ko." dumaloy ang akinh luha ulit at yumuko. Naramdaman ko ang pamimigat ng aking talukap hanggang sa may bumukas ng pintuan ng banyo. Mahina akong napamulat at nakitang nabuksan ang ilaw ng banyo!

"Shit!! Ava?!" Isang malakas na kalampag sa cubicle kung nasaan ako ang aking narinig.

"S-Sir Faustino!" napalunok ako dahil hindi ko ito inaasahan! Nasundan iyon ng maraming ingay. Palatandaan na marami sila sa labas.

"Step back." utos nito sakin.

"O-o." umatras ako para hindi matamaan ng pintuan. Ibig sabihin ay matibay ang pagkakalock sakin dito? Bakit hindi nila iyon agad mabuksan sa labas?!

Isang kalampag lang ay agad iyong nabuksan. Nakita kong may dugo ang kamay ni Faustino at nakabukas ang iilang butones ng kanyang polo.

Nakasilip sa likod niya ang mga kasamahan namin at si Marga. Nakita ko pa si Jezia doon na sumilip rin.

Maging sila ay nagulat sa itsura ko. Umigting ang panga ni Faustino at wala sa isip na hinubad anh polo para ibigay sakin.

"Sir! Ito nalang pong jacket ko. Wala na po kasi kayong pang itaas." alok ng isanh kasamahan ko ditong lalaki pero tiningnan lang siya ng matalim ni Faustino. Kumamot ito sa ulo at yumuko nalang.

"Ava ayos kalang?" alalang tanong ni Marga.

Tumango ako habang niyakap sakin ni Faustino ang kanyang polo. Umiwas ako dahil kitang kita ko ang pag laway ng mga kasamahan ko sa kanyang katawan!

“Damn! You're cold." bulong ni Faustino.

"Ava, mag banyo ka muna sa locker nalang natin. Sasamahan kita." alok ni Marga.

"No. She'll shower in my office."

Pumikit ako ng mariin at muling dumaloy ang aking luha. Walang makakapawi sa kaba na nadarama ko ng mga oras na iyon. Buong buhay ko, ngayon lang nangyari sa akin ito.

"Ava  ayos kalang? Sinong nag-lock sayo?” Sunod sunod na tanong ni Marga sakin. Kahit lutang ako ay nakuha kong ngumiti kay Marga na nag aalala sakin. Nakita ko rin na nagsimula na ang kasamahan kong mag usap tungkol sa nangyari sakin.

Nagulat ako ng may mga tao agad na armado ang nandito. Kinabahan ako. Gusto kong tanungin si Faustino pero maging ito ay maraming tinawagan. Hila hila niya ang kamay ko.

“Ask the security why the cctv's was unattended!" napamura si Faustino at padarag na binuksan ang kanyang opisina. Binalot ako agad ng lamig ng aircon. Marami siyang inutos. Kinabahan rin ako dahil hindi lang man raw nakita ng security na may pumasok na iba. Ibig sabihin dito lang sa loob ang gumawa nun’ sakin?

Sino naman kaya?

Huminga ako ng malalim nang makita ang pagyuko ni Faustino sa kanyang mesa at nakatuko doon ang kanyang dalawang kamay. Binigyan ko pa yata siya ng malaking problema.

“Puwede naman akong umuwi na muna. D-Di'ba may meeting pa kayo?"

Matalim ang tingin niya sa akin. Lalo na sa aking katawan. Umahon siya sa mesa at sakto namang may kumatok sa pintuan.

Batid kong malalim narin ang gabi at wala nang masyadong tao dito sa Hotel bukod sa mga night shift at mga guests.

“Sir," may sumungaw mula sa pintuan. "Ito napo ang pinabili niyo." anito.

Kinuha iyon ni Faustino at ibinigay sakin. "Change." utos nito at tinuro ang banyo.

Tinitigan ko iyon. Ito siguro ang inutos niya kanina? Ang bilis naman. Kinagat ko ang labi nang makita siyang nag aabang ng aking gagawin.

Binuksan ko ang pintuan ng banyo niya. Malinis dito at amoy panglalaki. Kinabit balikat ko nalang iyon at pumasok na sa shower para makaligo na.

Ginamit ko ang nandoon na shampoo at sabon. Mabilis kong ginawa iyon. Nagbihis at nagpapatuyo nalang ako ng buhok sa tuwalya. Ang damit ko ay sinabit ko doon sa rack at lumapit sa malapad na salamin.

Hindi parin ako nakamove on sa nangyari. Pakiramdam ko, may susunod pa. Pakiramdam ko, may gustong ipahamak ako.

Tinitigan ko ang damit na suot sa salamin. Floras dress ito na may laso sa baywang. Saktong sakto at hanggang tuhod naman ang haba.

Aalis na sana ako nang may mahagip ako sa gilid ng salamin ,katabi ng hand soap. Pamilyar na pamilyar ito sakin!

Binubot ko ang nakasuksok doong bagay at inangat. Halos magimbal ako ng makita ang dalawang pares na ito!

Ito yung....ito yung nawala kong panty at bra sa unang tagpo namin ni Faustino at Frosto sa Hotel noon! Akala ko hinati nila ni Frosto pero naka'y Faustino pala lahat!

Sa ka'y tagal nang panahon ay tinago niya ito?!

Hindi ko alam kung magagalit ako o tatawa. Bumuga ako ng hangin at lumabas ng banyo. Umayos siya ng upo sa swivel chair niya nang makita akong lumabas.

"Bakit na saiyo parin ito?" bungad ko agad sa kanya. Napalunok siya at nangunot ang noo sa hawak kong panty at bra kong halos lagpas tatlong taon na nawala sakin!

"Bakit hindi ka makasagot?" tila demanding ang boses ko. Namaywang siya at tila hari na tinaasan ako ng kilay. Humalukipkip ako.

"I told you Ava. I am willing to be your-" napalunok siya. "-fuck buddy."

Napanguso ako. "Imposibleng tinago mo'to ng ilang taon Faustino. Bakit?" Naningkit ang aking mga mata na nakatingin sa kanya.

"I already told you." sagot niya.

Tumango tango ako at nilapag sa kanyang mesa ang mga iyon.

"Puwede naman." sang ayon ko. Nilapitan ko siya at tinulak pabalik-upo sa kanyang swivel chair habang ako ay umupo sa mesang nasa harapan niya. Nilagay ko agad ang aking paa sa nakaumbok niya.

"Pwede Faustino.Just fuck and no feelings attached. Naiintindihan mo?"

Hinilot niya ang kanyang sentido tila naisstress sa sinabi ko. Hindi siya nagsalita pero tumango siya.

Umangat ako para hilahin ang polo niya para makatayo siya. Tiningala ko siya. Dumagdag ang madilim na opisina niya sa mga gusto kong gawin.

"Fifty thousand per fuck?" offer ko sabay ngisi. Unti unti kong hinulog ang suot na bestida at isang higlap lang ay wala na akong suot.

Sa kabilang banda siya naman ay  seryoso lang at nanghahamon akong tinitigan.

"At-” unti unti kong hinawakan ang butones ng polo niya para kalasin. "No kissing.Just...fuck." dagdag ko.

Umungol siya tila hindi na kayang mag antay. Tila walang pake sa mga sinasabi ko dahil gustong gusto niya nang manunggab!

Ang mga nangyari ay tila nalimot namin. Hindi ko matandaan kung saan saan na kami dinala ng bugso ng apoy.

Ginawa namin iyon sa mesa niya, ginawa namin sa sahig,ginawa namin sa dingding , sa sofa at sa banyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co