Truyen3h.Co

Beautiful Liar

Chapter 19

frezbae

Kadiliman

"Ahh!!" nanginig ang aking tuhod sa huling pagkakataon. Hapong hapo ako sa ilalim ni Faustino. Basa ang aming katawan ng pawis at ramdam ko ang pagod.

Umalis siya sa aking ibabaw at umupo. Sa tulong ng ilaw ng bituin at buwan ay nakita ko siyang pawis na pawis rin. Umiwas ako at inabala ang sarili sa pag aayos. Hinagilap ko ang aking saplot at sinuot ang mga iyon.

Habang nagsusuot ako ng saplot ay pinunasan niya ang aking pawis na ikinatigil ko.

"Sorry for making you tired." bulong niya.

Umiling lamang ako at ngumiti. "Ayos lang. Tulad ng sabi ko Faustino...gusto ko ang katawan mo. Hanggang doon nalang iyon."

Natigilan siya at nakitaan ko ang hinanakit ang kanyang emosyon.

"Hindi na ako ang Ava noon na magpapaalipin dahil nangangailangan ng pera. Ang Ava ngayon Faustino ay katawan mo lang ang gusto. Kalibugan lang. Fuckbuddies. Kung ayaw mo pwede kang humindi," ngumiti ako ulit na ikinaigting ng panga niya.

"Ihahatid na kita." Iyan lang ang sinabi niya sa akin. Pareho kaming dalawang tahimik pabalik sa bahay. Hindi iyon malayo kaya nakarating kami agad.

Alas tres na nang madaling araw at may trabaho pa'ko mamaya.

"Salamat sa pagkain." ewan parang may kakaiba iyong meaning sa utak ko.

Bago ako lumabas ay hinawakan niya ang aking braso.

Nagtagal ang kanyang tingin sa nakahawak niyang kamay sa aking braso.

"I'm cool with it," napalunok siya. "I mean I-I can be your fuckbuddy."

Ngumisi ako. "Pag - iisipan ko. Salamat ulit." nagmamadali akong umalis pero nakita ko ang pagkataranta niya.

Nang makarating ako sa bahay ay nagtaka ko na bukas ang pintuan.

"Ayy! Multong bakla!" nasapo ko ang noo ng bigla biglang sumulpot si Vicco sa aking harapan at may kulay puti pa ang buong mukha!

Humalukipkip siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Nag aakusa ang kanyang titig.

"Para kang ginahasa ng Arabo." panimula niya na ikinakamot ko ng buhok.

"Ewan ko sayo." pumasok ako ng bahay at bumuntot naman siya sakin.

"Tawag ng tawag si nanay mo! Kinakamusta ka! Hating gabi tumatawag nag aalala raw sayo. Baka raw napano kana! Aba syempre sabi ko wag na siyang mag alala dilig na dilig ka dito!"

Umawang ang labi ko. "Ano kaba Vicco!"

"Sasabunutan niya raw yang buhok mo sa ilalim!" dagdag niya.

"Kakausapin ko si nanay mamaya. Hindi ko kasi nakita at nabasa yung mga tawag niya." rason ko habang nasa hagdan na.

"Hindi nasagot kasi umuungol ka na naman? Kitang kita ko kaya na si Fafa Postiso yung naghatid sayo!"

Hindi ko na siya sinagot at sinirado ko na ang pintuan ng aking kwarto. Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Tinext ko naman si Marga na baka malate ako at ayos lang naman sa kanya.

Kinabukasan ay na-late nga ako. Si Vicco mag gogrocery raw kaya sasabay na siya sakin. Nakasuot akong gray na tube na pinatungan ko ng itim na blazer at itim rin na pencil cut skirt.

"Ako na magbabayad ng bibilhin ko." si Vicco at ayaw tanggapin ang perang nilalahad ko.

Nasa labas na kami ng South Gate Inn. Siya ay nasa loob ng trycicle.

"Ano kabaWag' na! Tanggapin mo na'to." pamimilit ko.

Inirapan niya ako. "Hindi. Ipadala mo nalang yan kay Ginger!"

Nakapadala na ako para sa anak ko nung kelan at itong perang hawak ko ay para sa grocery na ayaw naman tanggapin ni Vicco.

Wala akong nagawa nang umalis na ang trysikel. Huminga ako ng malalim at pumasok nalang sa Hotel.

Medyo maraming tao at nakita kong may dalawang inaasikaso si Marga.

Mabilis kong tinungo ang aking pwesto.

"Sorry.Late ako." paumanhin ko. Agad namang nakaalis na ang dalawang nagcheck in.

Umirap siya sakin at sinundot ako. "Oo na! Alam ko na! Dinaanan rin ako dito kanina ni sir! Dahil raw kasi pagod ka sa pag alis niyo kaninang madaling araw! Naku! Ikaw ha!"

Nanlaki ang mga mata ko. Bakit iyon sinabi ni Faustino? Nakakahiya!

Napatigil kami nang makita si Jezia na narinig pala ang aming pinag usapan.
Umirap si Jezia sa amin bago umalis.

"Hala! Problema nun?" nagtaka si Marga.

"Ewan ko. Magtrabaho na tayo."

Time  heal all wounds. 

Sa lumipas na mga taon, natuto akong patawarin ang mga taong nanakit sa akin noon. Natuto akong, magpatawad. Natuto akong kalimutan ang mga natamasa kong sakit.

Pero mukhang hindi ko matatakasan ang nakaraan.

Kahit sinubukan kong takasan ay nilalapit parin kami ng pagkakataon. Ayos na ako na ako lang ang bubuhay sa anak ko. Alam kong mali ang ginawa ko noon kaya hindi na ako nagpumilit pa sa buhay ni Faustino.

Lumaban ako kahit mali. Hinanapan ko ng kahit konting butas nang tama para lang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya. Paano ako lalaban kung ako lang ang nagmamahal?

Nakakapagod magmahal nang walang kapalit. Ngayon, gusto ko ring iparamdam sa kanya na katawan niya lang ang gusto ko. Na hindi ko rin siya kailangan at kahit anong pagkakataon ay pwede akong makahanap ng lalaking para sa akin.

Kahit anuman ang nangyari ay hinding hindi ko nakakalimutan ang sakit na natamasa ko noon. Pero kahit ganon, hindi ako magtatanim ng poot ninuman.

"Sabay tayong mag lunch?" si Marga ay nag aayos na nang sarili para sa lunch break namin. Medyo antok n nga rin ako at nahuhulog na ang talukap ng mata ko.

Hay. Gala kapa kung gabi Ava!

Nag aayos na ako ng sarili ng lumapit sakin ang security ng hotel.

"Miss Ava! Pinabibigay po ni sir Austin!"

Nakita kong mga pagkain iyon. Ayon at sinundot sundot na naman ako ni Marga.

"Hay naku! Iba talaga pag maganda!!"

Umiling ako at ngumisi. "Salamat manong!"

Kinuha ko ang cellphone at tinext si Austin na salamat sa pagkain. Agad naman siyang nagreply sakin.

Ikaw pa! Malakas ka sakin. May I invite you for dinner? -Austin.

Napangiti ako at nireplyan siya.

Sure- Ako

Kinain naming dalawa ni Marga ang pagkain dahil sobrang dami nito. Hindi ko kayang ubusin.

"Magpapameeting raw mamaya si sir Faustino bago mag dismiss. Mukhang gabi na naman tayo makakauwi nito."

Nangunot ang noo ko. Pano na yung dinner namin ni Austin?

"Tungkol raw saan?"

"Sa bakasyon natin," sabay kain niya sa fries. "Yung extension ng hotel sa Bacolod muna ang papalit dito. Kaya kahit one week pa ang bakasyon natin!"

Nakaramdam ako ng excitement.

Habang kumakain kami ay nakita namin na may limang naka business suit ang pumasok. Kasama na roon si Frosto at Faustino.

Nagtagpo agad ang tingin namin ni Frosto at tumango siya sa akin. Tila importante ang kanilang pinag uusapan ng banyagang kasama.

Kinagat ko ang labi nang makita si Faustino na seryosong seryoso at hindi ako nakita.

"Grabe, mukhang may bigatin na namang client si sir! Tiba tiba na naman tayo!"

Lahat kami ay nag antay hanggang sa mag announce ang aming head na magproceed na sa conference room ng hotel.

"Magbabanyo lang ako Marge ha?" sabi ko kay Marga habang tinutungo na namin ang conference room. Kanina ko pa tinitiis ang ihi ko.

"Sige! Dalian mo ah! Alam mo namang mainitin ang ulo ni sir Faustino kapag nalelate ka!"

Nang makaabot ako sa comfort room ay binuksan ko agad iyon at pumasok sa isang cubicle. Hindi pako nakatapos ng biglang nakarinig ako ng pagkalock.

Nangunot ang aking noo at isang ingay ng takong na tumakbo ang aking narinig.

Tumayo agad ako at mabilis na nag ayos at kinabahan ng hindi mabuksan ang lock ng banyo.

"S-Sinong nag-lock sakin dito?!" kinalampag ko ang pintuan at mas lumakas ang aking kaba.

"Buksan mo'to!!" kinalampag ko iyon ulit. "Tulong!!" mas lumakas ang takot ko ng namatay ang buong ilaw ng banyo. Wala akong nakita kundi kadiliman.

"Tulong!!" malakas kong sigaw.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co