Truyen3h.Co

Beautiful Liar

Chapter 26

frezbae


Dumaguette

Tahimik kaming tatlo sa loob ng sasakyan ni Faustino. Panakanaka niya akong tinitingnan.

"Just tell me if you want to eat." paalala niya. Tumango nalang ako. Sa totoo lang, wala akong gana. Lumilipad ang isipan ko.

Mamaya, tatawagan ko si nanay.

"After this we'll flight back in Manila."

Napapikit na ako.

"We?" singit ni Vicco. "Papa Manila ka Ava?" umayos siya ng upo sa likuran.

"H-Hindi ko pa natawagan si nanay Faustino."

"Tatawagan ko mamaya si nanay." sagot niya sakin.

Nasapo naman ni Vicco ang labing tinitikom niya at kunwari, nasa labas ang tingin.

Inaamin ko na kinakabahan ako ng lubos. Three years old na si Ginger at naghahanap na ng papa. Kung hindi dahil kay nanay siguro lumaking malungkutin si Ginger.

Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa pagkuha ni nanay kay Ginger sakin. Napalaki niya ng maayos ang anak ko. Nakakatulong ang gabay ng isang ina sa isang anak.

Pahapon na nang makarating kami sa Duma. Naaliw ako sa mga magagandang tanawin habang nasa biyahe.

"Grabe ang daan! Parang roller coaster!"si Vicco habang inaalsa ang dala niyang bag. Ngumiti ako sa kanya. Napasulyap ako kay Faustino na may kausap na dalawang lalaki. Mga hindi ko kilala.

Kinuha ko ang bag ko na inayos para sakin kanina ni Vicco.

"Anong beach ba'to Ara? Wala akong nakitang pangalan nito. We've been here in Dumaguette pero hindi tayo napadpad dito. Gosh, this place is so beautiful. Look at the white sand!" tinuro ni Vicco ang looban na kita lang dito kahit malayo.

"Silliman Beach. Mas malayo to sa napuntahan natin." sagot ko.

Kanina sa mataas na bahagi ng daan ay tanaw na namin ang kalawakan nitong beach at ang white sand nito. Mayroon pang mini Island sa gitna ng dagat na mayroong maraming cottage papunta doon gamit ang isang tulay na matibay na kahoy.

Tumango si Vicco at inispatan ang mga baguhang dumating. Mga englishero rin kaya nakuha ang pansin ni Vicco.

"Wow! daks oh!" kagat labi pa nito. Hinampas ko siya agad sa braso habang nakangisi ako.

"Tara na nga!"

"Wow! Nagmamadali? Atat na atat ka diyan kay Fafang fogi?"

Umiling ako at inirapan siya tsaka nilagay ng mabuti sa kamay ang aking bag.

Bago pa kami makapasok kay nakalapit na si Faustino. Kinuha niya ang bag sa akin na hindi ko naman mabitawan.

Kumalabog ang puso. Ganon ka simple, sa simpleng paglapit niya at simpleng pag amoy ko sa kanyang bango ay kumakalabog na ang puso ko. Ni hindi ko siya matitigan sa mga mata.

"Kaya ko na'to."

Hindi siya nagpatinag at kinuha talaga ang bag ko sakin. Nakita ko pa siyang kinuha ang iba niyang gamit at kahit sa bigat nun ay balewala lang iyon sa kanya.

"Good afternoon Mr.  Grey, this way. Your employees are enjoying our beach front." Isang guide na babae ang lumapit sa amin at ngumiti.

Tumango lamang si Faustino at hinawakan ang aking baywang tsaka ako hinila kung saan pupunta. Dumaan kami sa hallway na halos kita ang lawak ng beach at white sand nito. Ang dagat ay kulay asul!

"Goodness! Ang ganda! Tamang tama ngayon para magswimming! Hindi mainit!" si Vicco sa gilid ko.

Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko parin mababalewala ang hawak sakin ni Faustino na panay naman ang turo ni Vicco sa kamay ni Faustino na nasa baywang ko.

Lumipat pa kami sa isang mas malaking building. May mga nag escort pa saamin dahilan na maraming tumitingin.

Seryoso lamang si Faustino at ang kamay niya ay nasa aking kamay na. Tila wala sa kanyang sarili ni hinihimas himas na niya iyon. Gusto ko na sanang umapila at lumayo lalo na nang makita ko na ang mga kasamahan namin!

Nasa cottage na sila. Halos limang cottage ang naroroon at halos lahat na babae ay nakabikini na.

Nakita ko rin na napatingin si Jezia sa amin na laglag ang panga. Naka pulang bikini ito at agad namang kinuha ang kanyang cellphone.

"Ava!" si Marga na halos hindi makaya ang katawan niya nang tumakbo sa amin. "Dumating ka! Akala namin hindi kana talaga dadating!"

Panay naman ang anyaya ng iba kay Faustino na kumain lalo na't pagod ito.

Minuwestra nalang nito ang kamay, tanda na tumatanggi at kinuha ulit ang kamay ko.

Umawang ng husto ang labi ni Marga nang makita iyon. Halos mamula ako nang marinig ang mga bulong bulongan ng kasamahan namin.

"Hambal ko gid daw! Patay luyag gid na si sir kay Miss Ava!"

"Bagay man sila duwa ah! Guwapo kag guwapa. Ka hot pa naman kay sir!"

"Yummy bala ya dzae!"

Kinagat ko ang aking labi.

"Hindi na.  Magpapahatid nalang ako ng pagkain sa kuwarto namin ni Ava."

Impit silang napatili lalo na si Vicco na tila sinasabunutan na si Marga.

Hindi ako makapagsalita. Tila aftershock pa ang lahat lahat ng ito sa akin. Ang dami kong iniisip kung saan ako magsisimula. Sa lahat.

Hinila na niya ako sa isang pasilyo papasok ng hotel. Doon palang ako nagprotesta.

"Faustino h-hindi ko pa alam ang gagawin sa ngayon. Uhm, matutulog tayo sa isang kwarto? Si Vicco?"

"May sarili siyang kwarto Ava. Why? Ayaw mong tumabi sakin?"

Kunot noo itong nakatingin sakin habang nasa loob na kami ng elevator.
Hindi ako sumagot.

"I said we'll take it slow so don't worry."

Hindi parin ako sumagot.

"Are you inlove with someone else?" mahinang tanong nito. Tila iyon ang nasa isip niya kaya hindi ako makasagot sa kanyang mga tanong.

"Am I too late?" kumalabog ang puso ko lalo. Kaya hindi ako makapagsalita e. Kasi, noon hindi siya ganito. Hindi siya ganito ka talkative!

Mas lamang ang pisikalan namin noon kaysa ngayon na naglalabas na siya ng saloobin at nakitaan ko siya ng emosyon.

Umiling ako. "Nabibigla ako sa lahat.Iyon lang."

Parang hindi niya tanggap ang rason ko. Nakatitig parin siya sakin ng nanunuri. Lumabas na kami ng bumukas ng lift at pumasok sa pinakadulong pintuan na kulay gold.

Pagkapasok ko palang hindi na magkamayaw ang puso ko sa pagkalabog. Parang ako'y nabitag.

Ginala ko ang aking mga mata. Parang alam na alam na niya ang gagawin. Kaya nang makita ko siyang binuksan ang kurtina para makita namin ang lawak ng dagat ay nangalkal na ako sa aking bag.

Tumayo siya malapit sakin at may tinawagan. Narinig kong umorder siya ng pagkain.

Pero hindi na doon napukol ang pansin ko dahil parang maiiyak ako sa laman ng aking bag.

Naalarma ako at agad na hinanap ang aking cellphone!

"What happened?" nagtaka rin si Faustino sa aking pagka panik. Hindi ko na yata madrawing ang mukha ko.

Hindi ako sumagot. Inaantay ko ang pagsagot ng baklang ito!

"Oh Ava? Bakit ka napatawag? Kailangan mo nang tubig? Hindi ka makalakad?" Tumawa pa siya. Narinig ko pa ang ingay ni Marga.

"Ano 'tong dinala mo sakin?! Yung sa bag ko!" gitil ko. Hindi ko na alintana si Faustino sa aking tabi. Frustrate na frustrate nako!

"Huh? Hala bakit?"

"Wala kang dinala saking damit! Puro bra at panty lang to Vicco!"

"Ahehehe. Ganon’ ba? Nakalimutan ko dahil nga nadala ako sa halikan niyo ni Faustino-"

"Ay! Naghalikan sila! Kinikilig ako!" sabi ng sumingit kay Vicco. Narinig kong nagkakagulo na sila doon at si Vicco ay todo chismis naman sakin.

"Oo at alam niyo ba sa sasakyan ng sir Faustino niyo-"

Pinutol ko na ang tawag. Halos maiyak ako sa kabwesitan ngayon ni Vicco. Hindi ko namalayan na tumatakas na ang konting luha sa sobrang inis ko.

Narinig ko ang tawa ni Faustino at pagpahid niya doon sa konting luha ko.

"Iyakin ka talaga." pilyo niyang sabi sakin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co