Chapter 27
Emosyon
Lumabas ako ng banyo na nakaroba. Si Faustino ay nauna nang maligo. Natigil ako nang makita siyang nakahubad ang pang itaas habang may katawagan sa cellphone.
Nakasuksok sa kanyang cotton shorts ang isa niyang kamay at may katawagan sa kanyang cellphone. Dahil nga naramdaman niya siguro ang presensya ko, napatingin siya sa akin.
Bumaba ang aking titig sa kanyang malabatong katawan. Napalunok ako dahil sa kanyang abs at dibdib na may mumunting buhok.
"Yes nanay. She's with me." nakatitig na sakin si Faustino. Natauhan ako agad nang marinig ang pagsabi niya na "nanay."
Bahagya akong lumapit sa kanya. Hindi ko na alintana ang mamasa masa kong buhok.
"Si nanay?" mahinang tanong ko.
Tumango si Faustino habang nakikinig sa kung anumang sinasabi ng inay. Nilahad ko ang kamay ko kay Faustino, tila nakuha niya ang gusto ko kaya binigay niya iyon sakin.
"Ano tingin mo sa apo ko? Kay Ginger? Agad agad niyong makukuha? Aba hindi!" hindi pa pala tapos si nanay sa kanyang sinasabi. Napapikit ako dahil pinapagalitan niya pala si Faustino!
Napatingin ako kay Faustino na nakatitig lang sakin at hinila ako sa baywang tsaka inamoy ang aking buhok.
"N-Nay."
"Hindi! Hindi Faustino! Alam kong marupok iyang anak ko e. Pero si Ginger apo ko'to. Bago mo'to makuha aba bigyan mo muna kami ng house and lot na nakapangalan na kay Ginger! Naiintindihan mo? At-"
Hindi pa talaga tapos si nanay. Napangiwi ako dahil nakaloud speaker ang cellphone! Lahat lahat ay naririnig ni Faustino!
Ni hindi ako makasingit!
"At! Wag’ na wag’ mong gagalawin yan si Ava! Alam mo naman ‘yang malanding iyan basta ikaw basta basta nalang ibubuka yang puday niya! Kahit na maganda at sexy yan e’ shunga yan!"
Umiinit na ng husto ang pisngi ko lalo na nang humalakhak si Faustino sa tenga ko.
"At! Tigil tigilan mo na nga iyang pagpapadala ng kung ano ano dito sa bahay Postiso! Hindi ko matatanggap ang mga iyan! Marami niyan si Ginger! Oras ang kailangan ni Ginger! Hindi ko ikakait ang buong pamilya para sa kanya pero wag’ na wag’ mong sasaktan si Ava! One billion ,house and lot bago mo sila makuha sakin! Naiintindihan mo?"
"Opo nay." sagot ni Faustino.
"At! Sabihin mo sa hinayupak mong ama na tigil tigilan ako dahil hindi nako inlove sa kanya! Sapatosin ko siya ulit kapag lumapit lapit dito!"
Oh God! Napahilamos na ako ng mukha.
"Nay, si Ava to." mahinahon kong pagpigil sa kanya. Natigil rin si nanay sa kabilang linya.
Narinig ko ang painsulto niyang pagsinghap.
"Magkasama talaga kayo sa iisang kuwarto? Napakarupok."
"Nay, mag uusap po tayo. Uuwi kami diyan bukas."
Si Faustino naman sa kabilang banda ay tinititigan ako ng mariin.
"Oo! Mag uusap talaga tayo. Marami tayong pag uusapan." kinakabahan na ako sa boses ni nanay.
"Sige nay."
Nauna niyang binaba ang tawag kaysa sakin. Sinauli ko narin kay Faustino ang kanyang cellphone.
Huminga ako ng malalim. "Galit si nanay sayo noon pa man."
Matamang tumango si Faustino. Nagbitaw ang aming titigan ng may may kumatok sa pintuan. Binuksan iyon ni Faustino kaya umupo muna ako sa kama.
Nang bumalik siya ay binigay niya sa akin ang dalawang paper bags. Tinanggap ko iyon at sinilip at nakitang mga damit iyon.
"I think it will fit." nakatitig rin siya sa mga damit na bulaklakin. Tamad akong tumango at inantay siyang lumayo ngunit mas lumapit lang siya at itinukod pa sa magkabilang gilid ko ang kanyang mga kamay.
Tinitigan niya ako at bumaba ang kanyang mata sa aking labi. Naliliyo ako sa sobrang lapit naming dalawa.
" Uuwi tayo ng Manila. Sakin ka uuwi."
Suminghap ako. Ang kalabog ng puso ko ay sobra sobra.
"Hindi ko alam F-Faustino. Hindi ko pa alam ang mga dapat kong gagawin."
Huminga siya ng malalim.
"I know it's hard for you to forgive me. I understand."
Kumalabog ang puso ko. Sa totoo lang, hindi ko na iyon iniisip pa.
Papagabi na nang lumabas kami ng kuwarto. Sinuot ko na ang saktong sakto na damit na pinabili niya.
Smokey floral top at isang kulay black na shorts. Mabuti rin kahit na binigo ako ni Vicco sa damit ay may dala naman siyang tsinelas ko. Iniisip ko tuloy na sinadya ba'to ng bruhang iyon?
Palabas palang ay nakaligid na ang mata ni Faustino sa damit ko.
"You did'nt bring a jacket?" tanong nito.
Nangunot ang noo ko. "Uh, wala akong dala e. Hindi nadala ni Vicco."
Umigting lang ang panga niya bago ako hinawakan sa baywang at hinila palabas.
Naaamaze ako sa mga pailaw na palamuti sa labas. Dito palang sa loob, rinig na rinig ko na ang ingay ng nagbabanda at hiyawan ng mga tao.
Ang alam ko sagot lahat ni Faustino. Ang rooms, ang lahat na pagkain at kung ano pang irerequest nila.
Naramdaman ko agad ang lamig ng ihip ng hangin sa aking balat. Napangiti ako dahil sa hindi kalayuan ay nakita ko ang mga kasamahan namin.
Ang tatlong cottage ay punong puno ng mga kasamahan ko sa trabaho. Tila maging sila ay nakakain narin at nakapahinga na. Nakikikanta sila sa banda na nasa harapan ng cottage at sa gilid naman ay ang mapinong white sand patungong dagat.
"Ava! Come here!" malayo palang ay rinig na rinig ko na ang boses ni Vicco. Lumadlad na talaga siya. Naka maiksing shorts siya at croptop na t- shirt. Katabi niya rin si Marga na kumakaway sakin. Dahil sa pagsigaw ni Vicco ay napatingin narin samin ang iba.
Ang mga kasamahan namin ay mapanudyo ang tingin samin. Bukod pa sa amin, ay mayroon ring ibang turista na naririto.
Tipid akong ngumiti ng umupo kami ni Faustino sa cottage.
"Naku sir! Salamat talaga sa pa outing sa amin sir! Nag eenjoy talaga kami!"
Nang makaupo kami ay may karagdagan ulit na beer at chicken barbecue.
Nagsikuhan si Vicco at Marge na tila close na close na.
"Uh excuse me sir! Pwede po paabot ng uhm...beer?" biglang sumingit si Jezia sa gilid mismo ni Faustino.
"Sure!" sagot nito at kinuha ang isang beer at binigay kay Jezia.
"Thanks sir!"
Napanguso ako at kumurot sa chicken barbecue para matikman iyon. Nang umayos ako ng upo ay nakita kong nasa kabilang cottage pala sina Austin at Frosto!
Sumaludo sakin si Frosto ng makita niyang nakatingin ako sa kanya habang ngumingisi naman sakin si Austin.
Ngumiti ako sa kanila. Nakaramdam ako ng saya nang natantong, nandito kami ngayon ,magkasama at nagsasaya.
Biglang hinaplos ni Faustino ang aking hita dahilan na napatingin ako sa kanya.
"Fucking Frosto." inis na sambit ni Faustino.
"Hmm.Mabait ang kambal mo Faustino," nakahalukipkip na ako. Siya naman ay halos makaubos na nang isang beer. Walang nag istorbo sa amin na kasama namin sa cottage.
"Not really. He's bad," sagot niya sakin. Pinukol ko siya ng masamang tingin.
"He's been crushing on you and I don't like it." dagdag niya.
Naamoy ko agad ang amoy ng beer mula sa kanya. Umiling ako sa kanya. Nagbadya akong kukunin ang isang beer ng pigilan niya ang kamay ko kaya nabitin iyon sa ere. Halos lahat ng kasamahan pala namin ay nakatingin at napatingin rin sa kamay naming dalawa.
"Iinom ako." bulong ko dahil sa kahihiyan.
Suminghap si Faustino at tila napipilitang tumango.
"Isa lang."
Tumango nalang ako.
Nakita kong nagbabalak nang sumayaw si Vicco at ang iba pa nang makita nilang marami nang nagsasayawan at naghihiyawan. Hindi ko na namalayan na buong sandali na pala akong nangingiti.
"I can't wait to hug my daughter.." biglang sabi ni Faustino ng ilang sandali. Lumamlam ang tingin ko sa kanya.
Tinitigan ko ang kanyang malakas na dating. Ang kanyang matikas na tindig at seryosong anyo, ngayon, ang kanyang mga mata ay nahaluan ng lungkot.
Parang kinukurot ang puso ko kapag nakikita ko siyang ganito.
"Ginger Morgana Pojas. Three years old. So like me.That's all I know." nakayuko siya ng sabihin niya ito. Umawang ang aking labi.
"Faustino I'm sorry." parang maiiyak ako.
Namalayan kong wala nang masyadong tao dito sa cottage. Ang kaninang rock na musika ay napalitan ng mabining kanta.
"Shh.It's all my fault. I deserved all of it. The longing...the suffer. I deserved it," paos ang boses niya ng sabihin iyon. Hinahaplos na niya ang aking buhok.
"I'm so inlove with you." bulong niya. Kinagat ko ang aking labi. Ang labi niya ay napakalapit na sa labi ko. Naliliyo ako sa sensasyong ito at gusto ko nalang pumikit at halikan siya ng tuluyan.
"Faustino!"
Naitulak ko siya ng marinig ang sigaw sa aming gilid. Isang Genevive na umiiyak ang aking nakita. Sa tabi nito ay si Jezia na nakahalukipkip. Dahil sa sigaw na iyon ni Genevive ay naagaw niya ang pansin nila Vicco at iba pa. Agad nangunot ang noo ni Vicco at Marga tsaka lumapit. Napalunok ako.
Maging sila Frosto ay napatayo.
"Hindi to maaari! Bakit kayo magkasamang dalawa?!" tila naghihisterya na si Genevive.
"What are you doing here Genevive?! I told you to fuck off!" tumayo si Faustino. Bahagya niya akong naitago sa likuran niya. Kahit na ganon ay sumilip parin ako. Nakitaan ko ng pagmamakaawa ang emosyon ng pinsan ko. Kumirot ang aking puso.
"Fuck o-off?! Faustino mahal na mahal kita! K-Kahit noong bata pa tayo mahal kita! Hindi pa ba sapat ang pinagsamahan natin huh?"
"It's all useless Genevive. Hindi ko pa nalilimutan ang ginawa niyo kay Ava. Go home."
Lumapit si Frosto sa amin kaya nakita siya ni Genevive. Hindi parin siya nagpatinag. Kitang kita kong nasasaktan siya.
"Oo na! Nagkamali ako! Nakagawa ako ng mali dahil mahal kita. Give me my chance Faustino.Babe! Please.."
"Ava, let's go." seryosong akong pinatayo ni Faustino upang makaalis. Ngunit hindi ako makakilos.
"No." umungol si Genevive. "Faustino let's talk!! Walang hiya ka Ava!" sigaw niya ng makitang hindi interesado si Faustino at tila lalapit pa lalo.
"Hoy! Hoy! Hoy! Wag mong kakantihin yang kaibigan ko makakalbo kita." pumagitna si Vicco.
Nakita kong hinila ni Frosto si Genevive. Nagpatianod na ako ng Faustino na nakahawak sa aking baywang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co