Chapter 29
Ginger
Kabado ako sa airport palang. Paglapag palang namin kanina ay walang kupas na ang pagtawag ni nanay sa aking cellphone.
Hindi ako sanay. Sa mga hawak palang ni Faustino sa akin ay hindi na ako sanay. Ewan ko kung bakit maraming napapatingin sa amin. Mayroon ring sumalubong kay Faustino na apat na nakauniporme.
"Walter, make sure everything is all set when I get home."
"Noted Mr. Grey."
"Call me if there's a problem." Dagdag ni Faustino bago naglaho si Walter at tatlo nalang ang nag escort at nagbitbit ng aming mga dala.
"Ava! Tawagan mo nalang ako mamaya ha? Mauna na ako." bumeso beso sakin si Vicco at nilapitan si Faustino.
"Papiga fafa." piniga piga nito ang braso ni Faustino. Nagkasalubong ang kilay ni Faustino at tinaliman ng tingin si Vicco.
"Hay! Ang tigas! Gusto kong hawakan ang abs kaso baka mabigwasan ako ni fafa!"
Mahina akong tumawa at umiling.
"Loko ka! Gala tayo bukas nang gabi huh? Isama mo si Faustino kung hindi ka payagan."
Sa sasakyan palang halos mahimatay na ako sa samu't saring nararamdaman ko. Una, makikita na ni Ginger ang ama niya. Pangalawa, anong mga sasabihin ni nanay kay Faustino. Pangatlo, pagkatapos ng lahat na ito. Ano na ang masusunod?
Isang SUV na itim ang aming sinakyan at may sariling driver. Si Faustino ay katabi ko sa backseat. Hinihimas niya ang kamay ko habang nakahilig ang kanyang batok at nakapikit.
"I-I'm nervous. Shit." namutawi niya bigla. Parang pinipiga ang puso ko. Hinimas ko pabalik ang kamay niya kaya napamulat siya.
"Si Ginger ay masayagin Faustino." Napalunok ako. "Parang wala siyang kinagagalit sa mundo. Tahimik at mabait."
Tumango tango si Faustino. Umiwas na ako ng tumagal ang kanyang tingin sakin pero hinawakan niya ang aking baba at pinaharap sa kanya. Tinaas ko ang aking kilay.
"Bakit-"
Hindi natuloy ang aking tanong ng hinalikan niya ako sa labi. Ang kanyang kamay na nasa aking leeg ay tumungo sa aking batok at mas hinapit pa ako ng malalim.
Napaungol ako ng pumasok ang kanyang dila sa aking labi. Hiyang hiya ako dahil alam kong nakikita ng driver ang paghalik niya sakin kaya bahagya kong tinulak si Faustino.
Liyong liyo ako sa kanyang halik at bahagya pa akong nang init.
"Lalagpas tayo ulit sa halikan Ava kung kasal na tayong dalawa."
Napakagat labi ako. Pinipisil pisil ko ang aking kamay.
"Uh, paano si Ginger kung hindi tayo pakakasal?"
Napapikit ito at napamura. May ngising lumabas sa labi nito bago pumormal ang ekspresyon nang hinarap ako.
Dinilaan niya ang labi bago bumulong sa akin.
"Hindi matatapos ang buwan na ito ay magiging Ava Grey kana?"
Napapikit ako at dahan dahang tumango.
"P-Puwede naman."
Narinig ko ang mahina niyang halakhak sa tenga ko. Pinanggigilan niya ako ng bahagya.
"Anong puwede naman? Napipilitan kalang ba?" bulong niya.
"Hindi ako napipilitan!" inis kong sagot. Huli ko natanto na parang tinulak ko ang sarili ko sa bangin dahil sa sarap ng tawa niya.
"Goodness Ava. I find you so cute.Damn baby."
Mapapantal na yata ang labi ko dahil sa kakahalik niya sa akin sa loob ng sasakyan.
Pagkahinto ng sasakyan ay nasilayan ko ulit ang bahay ni nanay na napapaligiran ng mga halaman. Mas naging maganda ito lalo ngayon.
Kahit si Faustino ay ginala rin ang tingin sa bahay.
"Pasok na tayo sa bahay. Naghihintay na si nanay." anyaya ko. Tumango si Faustino at kinausap ang kanang kamay niyang si Walter. Nakasunod pala ito samin mula pa kanina.
Hawak ni Faustino ang aking baywang nang pumasok kami. Hindi ko mailarawan ang dagundong ng puso ko.
"Ma'am Ava! Ikaw na po pala iyan! Hali kayo at nagpahanda si Ma'am ng mga pagkain." nagulat ako ng biglang sumulpot ang katulong ni nanay na naglilinis pala ng mga halaman.
"A-Ah, sige po!"
Pagpasok namin ay sinamahan kami ng katulong paupo sa six seater sa dining area. Hindi na ako mapakali. Gustong gusto ko nang hanapin ang anak ko.
"Ya, si Ginger?"
"Mabuti naman at nandito na kayo. Alam kong pagod kayo kaya kumain na muna kayo." biglang sulpot ni nanay sa likuran ko.
Ang ganda niya sa simpleng puting bestida na hapit sa kanya kaya mas lalong kumurba ang kanyang katawan. Tumayo ako para halikan siya at niyakap niya naman ako ng mahigpit.
"Aray nay!!" napaigik ako ng kurutin niya ako sa tagiliran.
"Tapos ka na bang magpakarupok? Kaya heto na?" winagayway niya pa ang dalawang kamay sabay taas ng kilay kay Faustino.
"Magandang araw nay." bati ni Faustino na ikinapikit ko.
"At ikaw.Dakilang gago ka." dagdag ni nanay. "Napakawalang hiya mong malibog karin tulad ng tatay mo."
Oh shit!
"Nay!" saway ko kay nanay.
"Manahimik ka. Pagkatapos kitang paaralin? Gumapang ako sa tae para mapakain ka! Naglandi ako para matustusan ka tapos eto? Biglang lumandi ka, nabuntis, nasaktan, lumayo, nagpakatupok at tapos eto na ulit? Ab! Baka may part two pa ito Postiso bibigwasan na kita!" sabay kuha sa kutsara at duro kay Faustino ni nanay.
"Nay, wala na po. Pangako." ang bait bait ni Faustino. Yung' kaba ko naman abot langit na. Kulang nalang hampasin ako ni nanay ng plato.
"Mabuti.." ngumiti si nanay ng pagkatamis tamis. Minsan naiisip ko na manang mana nga ako sa kanya.
"Walter." nabigla ako ng tawagin ni Faustino ang kanyang kanang kamay.
"Here sir." binigay ni Walter ang isang attaché case kay Faustino. Nilapag naman iyon ni Faustino sa mesa at bumalandra sa aming harapan ang maraming pera! Punong puno ng pera!
"1 billion as I promise, nay and...." may binigay pa si Walter kay Faustino na isang documento. "Titulo ng lupa para sa anak ko."
Napamulagat ako! Hindi ko akalain na seryoso ang usapan nila!
"Teka lang-"
"Salamat ng marami Faustino! Yaya!"
"Ma'am?"
"Tawagin si Ginger sa kuwarto niya." utos ni nanay. Hinapit naman ako ni Faustino nang napayuko ako sa kahihiyan.
Hindi to tama! Sumusobra si nanay! Kakausapin ko siya mamaya!
Umalis si yaya para kunin si Ginger at hindi nagtagal ay bumaba si yaya kasama si Ginger sa hagdan.
Lumamlam ang titig ko sa aking anak. Natuod naman si Faustino sa kanyang kinauupuan. Kinagat ko ang labi ng umingay ang upuan hudyat na tumayo si Faustino para salubungin ang aming anak na sobrang ganda habang suot suot ang bestidang kulay pink at nakapusod ito.
"Ginger apo.Siya na si papa mo. Yung kinukwento ko sayo tuwing gabi bago ka matulog."
Titig na titig si Ginger sa amang nakaluhod sa kanyang harapan. Unti unti nitong hinubad ang sandal na suot at.....at hinampas sa ulo ng kanyang papa!
"Ginger!" sabay sabay na saway namin ni nanay kay Ginger.
Nakaawang ang labi ni Faustino at gulat na gulat.
"Lo-Lola saan na ang sapatos mong palaging h-hinahampas kay lolo Paulino? S-Sasapatosin ko rin po si p-papa."
"Oh my god nanay! Anong ginawa mo kay Ginger!" sugod ko kay nanay. Nakita kong hinapit ni Faustino ang aming anak at niyakap ng mahigpit. Sa huli, umiyak narin si Ginger sa bisig ng kanyang papa.
"W-Wala akong k-kinalaman diyan Ava h-ha." sagot ni nanay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co