Chapter 28
Payapa
Hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin. Lumalamang ang lungkot sakin na makita na ganon' ang aking pinsan. Mahigpit ang hawak sakin ni Faustino habang hila hila niya ako patungo sa aming kuwarto.
Pagbukas ng aming kuwarto ay hindi ko alam ang gagawin kaya basta basta nalang akong umupo sa kama. Siya naman ay umiigting ang panga, nakapamaywang na nakatitig sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"We're done three years ago!" paliwanag nito sakin kahit hindi ko naman siya tinatanong. Halatang lasing siya.
"Mahal na mahal ka talaga ni Genevive Faustino," namamaos ang aking boses dahil narin sa pagod ng biyahe at sa antok.
Namumula ng bahagya si Faustino. Hindi ko maiwasan na lalong mamangha. Namamangha ako sa lahat lahat. Naninibago rin ako sa mga nangyayari. Hindi ako sanay sa ganito. Ganito na nakakapag usap na kami ng maayos at tumatagal ang titig niya sa mga mata ko na lubhang ikinalulunod ko.
Dinilaan niya ang labi atsaka lumuhod sa aking harapan. Sinikop niya ang aking dalawang palad. Nanlalaki ang aking mga mata habang tinititigan siyang nakaluhod sa aking harapan.
Ang kilala kong Faustino noon ay hindi luluhod ng ganito sa aking harapan.
"Ava," napalunok siya. "Bago ako humingi ng tawad sa anak natin...gusto kong humingi ng tawad saiyo..."
Naiiyak akong makita ang isang lasing na Faustino Grey ay ganito ka hina sa harapan ko ngayon. Parang nalulukot ang puso ko.
Yumuko ito at hinalikan ang aking palad. Nanatili doon ang labi niya.
"I love you so much. Alam kong takot ka sakin noon. Natrauma ka sa ginawa ko kaya hindi ako lumapit noon. Nakita kitang nag aaral kahit na buntis ka sa anak natin. Halos iuntog ko rin noon habang tinitingnan kang nahihirapan ka habang nasa labor ka noon. Nakita ko lahat na iyon Ava...and fuck, I fall hard to you. I am so inlove with you."
Bumagsak ang aking luha. Wala akong mamutawing salita. Parang inaasahan ko nang marami pa akong maririnig at malalaman mula sa kanya. Nanginginig ang aking kamay na inabot ang kanyang buhok at hinaplos iyon.
"I'm so inlove with my two angels.." bawat salita niya ay sisingsisi siya. "Hindi ako matibay Ava...even in my professions right now...I'm still weak. I can't even have my family. I'm such a stupid.."
"I am...." tumango tango siya.. "I am the one who made love with you in my Mustang. I am the one who you made love in the bar's couch.Yes..." lasing na lasing itong tumango. "I am and I am the only one.."
Nakatulog si Faustino kagabi sa aking hita. Nahirapan ako sa pag angat sa kanya sa kama. Alam kong lasing na lasing siya.
Maaga akong nagising na maaliwalas ang pakiramdam. Nakadapa pa sa kama si Faustino at hubad baro. Naghilamos ako at nag ayos para makapagkuha na nang aking makakain.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sakto namang may nag hatid sa aming pagkain.
"Ma'am Grey? Pinahahatid po ni sir Frosto."
Ngumiti ako sa babae at kinuha ang isang tray na puno ng pagkain. Nagpatulong pako dahil may dagdag rin siyang kape.
Nang mailagay ko na sa mesa ang mga pagkain ay nakita kong bumababa na nang hagdan si Faustino.
Hubad baro parin siya at magulo ang buhok. Napalunok ako ng makita ang mala tinapang nakaumbok sa kanyang gitnang hita.
"Gising ka na..kumain na tayo.." anyaya ko.
Kumuha ako ng malinis na pinggan at kubyertos ng yapusin niya ako mula likod. Ramdam na ramdam ko ang matigas niyang dibdib sa aking likod.
"How's your sleep?" paos niyang tanong.
"Ayos naman..." ngumiti ako ng tipid. "Kain na tayo?"
"Hmmm.." inamoy niya ang aking buhok. Bahagya ako napakagat labi dahil doon.
"Gusto ko sanang ikaw ang kainin tuwing umaga..." hinalikan niya ang aking leeg. Humigpit ang kapit ko sa mesa. Parang gusto ko nalang ihagis ang lahat na pinggan dahil sa nararamdaman.
"Magtatrabaho ako araw araw at uuwi sainyo ng anak ko. Gusto kong pagurin ka tuwing gabi...gabi gabi Ava sa ating kama. Sa opisina, sa banyo, sa kotse, kahit saan mo gusto..." dahan dahan ang bawat salita niya.
Nanghina ako at lumamlam ang tingin sa kanyang kamay na nakayakap sakin.
"F-Faustino.."
"Lahat nang iyon ay kung....pakakasal ka sakin Ava. Walang kama,opisina, banyo o sasakyan ngayon. Kasal muna bago ang mga iyon.." aniya. Isang halik sa aking leeg bago niya ako pinakawalan.
Fuck. Halos mapamura ako lalo na nang makita ang kanyang ngiting tagumpay at maganang pagkain.
Umubo ako at umupo na sa kanyang harapan. Tila ramdam niya ang panghihina ko dahil sa kanyang sinabi! Bwesit!
Maiisahan rin kita!
Pinilig ko ang ulo para matanggal ang pag iisip. Tahimik kaming kumain at nag ayos narin para makauwi sa Kabankalan. Aayusin ko pa ang mga gamit ko doon pero alam kong babalik ako dito. Napamahal na sakin ang Negros.
Nasa labas na kami ng Resort at nagpapaalam sa mga kasamahan namin na mananatili dito ng one week.
"Ava..hmm..." umungos pa si Marga at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik. "Hay! Ba't ba pakiramdam ko hindi kana babalik dito?"
Napanguso ako at tinitigan ang mga kasamahan ko na tumitingin rin sa amin. Si Vicco ay nakangiti na sa aking tabi. Si Faustino ay kausap ang kanyang kambal.
"Babalik ako! Ano ka ba!"
"Basta ha! Sabi mo yan ah!"
Niyakap ko ulit si Marga. Ang hirap nilang talikurang lahat. Lalo na sa mahabang panahon ay nakagaanan ko na sila ng loob.
"I'm staying in Mindoro Faus.." narinig kong sabi ni Frosto.
Umiling si Fausrino. "Face your problem first Frosto." madiin ang boses ni Faustino kaya nangunot ang aking noo.
Nagkatitigan si Frosto at Faustino. Umiling si Frosto at tumingala at tila nahihirapan.
"Genevive is lying. Your daughter is alive and kicking. Anong gagawin mo doon sa Mindoro? Babalewalain ang gulo na pinapalala ng babae mo."
Umirap si Frosto. "She was once your woman before you forgot-"
"Shut up. I don't care about her anymore.."
"Yeah yeah...what ever twin."
Kumindat sakin ni Frosto bago umalis. Napailing ako. Rinig na rinig ko iyon. Mas lumalala ang ugali ni Genevive. Mas sumasahol siya ngayon.
Walang pinagkaiba si Frosto sa mukha ni Faustino. Yun lang,mapaglaro si Frosto at pilyo.
"Hey, aalis ka ng hindi nakakapagpaalam sakin?" biglang sumingit si Austin.
"Hey couz!" bati rin nito kay Faustino.
"Austin!" nginisihan ko si Austin. Nakahawak agad ang kamay ni Faustino sa aking baywang at bahagya akong nilayo kay Austin.
Humalakhak si Austin at tinaas ang dalawang kamay.
"Austin...hindi kapa ba naumay sa babae mo kagabi? Sino 'yun? Si Milagros? May crush ata iyon sakin-"
"Tangina mo Faus manahimik ka." nagalit agad si Austin at nag walk out. Ngiting tagumpay si Faustino sa pag aasar sa kanyang kambal at pinsan.
"Let's go. I can't wait to meet my daughter." sabi niya at hinalikan ako sa sentido.
Suminghap ako at tinitigan ang payapang dagat bago tumango. Alam ko na malapit na ako sa pamumuhay na mapayapa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co