Chapter 8
Sugat
Kinurap kurap ko ang aking mga mata para ibalik ang aking mga luha. Tinapangan ko ang aking loob na titigan ang kanyang mga mata.
Parang ang hirap. Ang bawat anggulo ng kanyang mga mata ay nagpapaalala sakin ng mga mata ni Ginger. Kinagat ko ang labi at umiwas.
Ang aking anak ay aking kayamanan. Iingatan ko at itatago sa kung sinuman ang gustong kumuha.
"Para sa anak ni Aling Pena.A-Ang kapit bahay ko."
Ang kanyang tingin ay may hinahanap sa aking mukha.
"B-Bakit?"
Umiling siya. Nauna itong lumabas kaysa sa akin. Bumuga ako ng hangin. Masyadong naging hectic ang araw na iyon para sa aming lahat. Nakaplano narin sa aking isipan na pagkatapos kong puntahan ang himlayan ni Chelsea ay pupuntahan ko si nanay at Ginger.Plano kong dalhin siya dito. Sana nga pumayag si nanay.
Malapit na ang Sinulog kaya hindi rin ako makakapagtagal sa Manila dahil mas kailangan ako dito.
Lunch time ng pumasok sina Faustino at Austin. Hindi ko na nakita pa si Frosto. Siguro baka...may mahalagang bagay lang siyang ginawa dito.
Pareho silang nag-ngingisihan ng dumapo ang tingin ni Austin sa akin. May dala itong pagkain na nasa paperbag. Napawi ang ngisi sa labi ni Faustino. Isa isang binabati sila ng bawat empleyado dito. Umiwas nalang ako at nagkunwaring nakafocus sa pagkain ko.
Kaharap ko si Marga na malaki ang ngisi.
Lumapit si Austin sa mesa namin at nilapag ang paper bag.
"For you," ngumiti ito. Mas lalo siyang umuuklo para makabulong sa akin. "See you later."
Napalunok ako at nagtagal ang tingin sa bagay na pinatong niya sa mesa ko.
"Come on Aus.Marami pa tayong aayusin." Lumagpas si Faustino at nauna na sa elevator. Ni wala itong tinitigan sa amin.
"Hala! Parang nagselos si Mr. Grey."
"Huh? H-Hindi naman siguro-"
"Naku! Hindi raw! Simula noon hindi ko pa yan nakitang nag-suplado. Kasi noon wala lang hangin lang! Halos sa isanh linggo dalawang minuto lang 'yan namin makikita dito. Kaya alam mo ba na sobrang bait namin ngayong taon dahil andiyan siya!"
Kinagat ko ang aking labi.
"Sa kanya rin 'yung Soutland College e."
Shit. Halos mawalan na ako nang ganang kumain. Sa tagal ko dito ay hindi ko iyon alam!
Bumalik na kami sa trabaho after lunch. Katulad kahapon ang dami naming guests.
"Ava!" nagmamadaling lumapit sa akin ang manager. "Ilang ulit ka na nagkamali! Yung duplicate key ng room 10 ang naibigay mo doon na dapat ay sa room 11! Nagalit yung nasa room 10!"
Umawang ang labi ko at nagmamadaling chineck ang mga susi. Tama nga! Iyon nga ang naibigay ko!
"Sorry miss Pascual! Hindi na mauulit."
"Sige. Jusko Ava Pojas tatlong beses na ito ngayong araw! What happened to you?!"
Ang totoo niyan ay parang lalagnatin ako at masakit ang lahat na katawan dahil malapit na ang menstruation ko. Dahil nga nasa trabaho ako kaya kinokontrol ko ang mood swings ko.
"W-Wala miss Pascual. Hindi na talaga mauulit."
Umalis ito at si Marga na kakaalis lang mula sa office ni Faustino ay nakabalik na.
"Naku! Galit na galit si Mr. Grey. Napasa ko na sa email niya iyong records natin kahapon. May mali karin doon sa inincode mo. Dumuble iyong paglagay mo ng names ng guests natin. Yung napareserved sa isang room ay hindi na mahanap kung sino. Lagot tayo."
Kinabahan ako bigla.
"Baka andito lang sa unang record.W-Wait."
Naiinis na ako ng sobra dagdagan pa ng maya't maya ay may nakapila na naman.
Parang lalagnatin ako dahil sa inis at masakit rin ang aking puson.
Nasa kalagitnaan kami ng pagtatrabaho nang lumapit si Faustino sa amin. Ang mga nasa gilid na empleyado ,at janitor, at yung nasa harapan namin na security ay tila takot sa presensya ni Faustino.
"This is still wrong." malamig ang boses niya at binagsak ang iilang papeles na mga records nitong hotel.
The hell. Ako lang ba ang nag-tatrabaho dito?! Hindi niya sa banda ni Marga binagsak kundi sa desk ko mismo!
"Faus-Sir! Hindi naman po ako ang nag iisang empleyado dito."
"Are you questioning me Ava?" tila pinakikita nito sa akin na mataas siya kumpara sa akin.
"Hindi naman sir. K-Kasi may oras pa naman para diyan at -"
"Yeah," tumango tango si Faustino. "Stop intertaining some boys so you can focus on your damn work!"
Napapahiya na ako. Nakita kong nasa akin na lahat nakatingin. Sa sobrang bugso ng emosyon ko ay dumaloy ang aking luha.
"Nang dahil lang ba doon sir kaya mo'ko pinapahiya? Wala kang modo! Ikaw ang magtrabaho diyan!" hinampas ko sa kanya ang papeles at nanginginig ako na umalis.
Humihikbi akong tinungo ang elevator para makapunta sa locker. Tapos na ako sa araw na ito. Nasa pinakadulo na ang pasensya ko! Ubos na ubos na ang pasensya ko!
Pinunasan ko ang aking luha habang inaayos ang aking gamit. Padaskol ko iyon na nilalagay sa aking bag.
"Where are you going?"
Napapikit ako sa boses ni Faustino sa aking likod.
"Uuwi!"
"You're working-"
"Pinahiya mo'ko sir! Kung gusto mo patalsikin mo na ako!" Humikbi ako sa harapan niya. "Hindi kapa ba tapos sa paghihiganti mo sakin Faustino? Hindi pa ba sapat iyong pinagdaanan ko?"
Sumabog na ako ng sobra. Nasa harapan ko lang siya tinatanggap lahat nang sasabihin ko. Nakaawang ang labi niya.
"Ano pa ba 'yung dapat kong gawin? Oo nagawa kong utusan si Frosto para gawin iyon dahil bulag ako sa pagmamahal ko sayo noon! Na kahit mali naghanap ako ng butas para maging tama! Pero paano magiging tama kung ikaw mismo na pinaglaban ko ay tinakwil a-ako!?"
Ito ba ang gusto niyang marinig? Puta. Ang hirap manahimik.
Sinubukan niyang haplusin ang pisngi ko at hinayaan ko siya.
Pumikit siya ng mariin. Halos mapapikit ako nang maalala ko ang anak ko...anak namin sa eskpresyon niyang iyon.
"Tanggap ko na kahit k-kailan ay walang magmamahal sa akin bilang isang babae dahil sa minsan akong naging pota."
"Let's talk properly in my car-"
"Usap lang ba Faustino?" pinutol ko siya. Tinitigan ko ang sugat niya sa pisngi atsaka ako ngumisi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co