Truyen3h.Co

Beautiful Liar

Chapter 9

frezbae

Mustang

Mabilis akong pinakawalan ni Faustino. Umigting ang kanyang panga.

"Be professional. Finish your work." malamig ang kanyang boses tsaka siya nagmartsa paalis.

Umirap ako. Be professional e' siya naman itong namamahiya sa akin.

"Selos." sabay irap ko sa kawalan.

Hindi na ako kinulit ng mga kasamahan ko nang bumalik ako. Parang walang nangyari. Naging normal ang araw na iyon maliban sa sumasakit ang buo kong katawan.

Nag book ako ng ticket online. Isang araw nalang at sabado at linggo na. Araw iyon ng rest days ko.

Hindi rin ako nagkamali dahil dinatnan ako kinabukasan kaya parang basang sisiw ang aking pakiramdam.

Pinilit ko ang sariling maligo at mag ayos. Nagsuot ako ng jeans at pink na tshirt na may tatak ng SouthGate Inn. Basa pa ang aking buhok ng lumabas ako para makaalis na ng may nakita na naman akong sasakyan sa kalsada.

Nakaupo si Austin sa hood ng kanyang kotse. Napatigil ako. Umayos ito ng makita ako. Nilapitan ko siya.

"Uh nandito ka."

Tumango ito at binuksan ang pintuan ng kanyang kotse.

"Pupunta kasi akong hotel at naalala kita. Isasabay na kita." ngumiti siya sa akin. Naalala ko ang mga nangyari kahapon.

"N-Nakakahiya naman Austin-"

"No more buts. Come on! anong klase akong lalaki kung nandito nalang rin ako at iiwanan pa kita?"

Nagsink in sa utak ko ang sinabi niya. Pumayag akong sumama sa kanya. Single mom ako at wala ako sa kahit anong relasyon kaya hindi naman siguro ito masama.

"Nag away raw kayo kahapon ng boss mo?" nasundan iyon ng maliit niyang tawa.

Umawang ang labi ko dahil parang simple lang ang pagkakasabi niya nun.

"Oo kasi marami akong mali."

Tumango siya. "Matagal na pala kayong magkakilala ng pinsan ko?"

Napalunok ako at tinitigang ang malawak na palayan.

"S-Sa Manila."

"Palagi akong nasa party nila sa Manila and I saw you twice."

Tumango tango ako. "Talaga?"

"Oo. Ang daming chicks doon pero sayo lang ako nagkainteres." kinagat niya ang labi habang nasa daan ang tingin.

Umiling ako at ngumuso. "Kayong mga lalaki hindi talaga mabubuhay na walang nilolokong babae."

"Woah! May pinang huhugutan!" tumawa pa ito. May accent talaga sila pag mag salita.

"Totoo naman."

"Pero honestly Ava. You're one of a kind."

Shit. Narinig ko na yan noon at wala na akong tiwala sa salitang yan. Masasaktan lang ako sa huli.

Pinarking niya ang kanyang sasakyan sa parking lot ng South Gate Inn at halos mapamura ako dahil sakto ring nagparking ang Mustang ni Faustino! Halos magkasabay lang kami. Wala namang kibo si Austin. Hindi na ako nag isip pa at lumabas na.

"Salamat Aus! B-Bawi ako next time."

Tumawa ito at tumango. "Dinner?"

Tiningnan ko si Faustino sa gilid at tila may kinukurikot sa kanyang cellphone.

"Tingnan ko mamaya."

"Sure!"

Nauna na akong pumasok at nakitang nasa reception na si Marga. Kumaway pa ito sa akin.

Maraming bumabati sa akin kahit sa mga eksena na nasaksihan nila kahapon.

Mabilis akong tumungo sa locker at mabilis na nilagay doon ang bag ko. Sakto ring may lumabas na dalawang lalaking kasamahan ko sa boys locker.

"Hi Ava! Kape pala oh!" inabot sakin ni Archi ang starbucks na kape.Siniko naman siya ng kasamahan niya.

"Ito sa akin Ava donut! Sakto sa kape mo!"

Napangiti ako dahil sa trying hard nilang magtagalog para sa akin.

"Ang bait niyo! Salamat dito ah!"

"Maliit na bagay!" sabay nilang dalawang sinabi.

"It's early in the morning. Go back to work!" napatalon ako sa boses na kumulog sa aming likod.

Dahil doon ay naibagsak ko ang kape at nagkalat iyon sa sahig. Umawang ang labi ko na hinarap si Faustino habang ang dalawa naman ay nagkukumahog na umalis.

"Ang aga aga nagagalit ka!" Papatulan ko na lalo na't meron ako ngayon.

"Kagabi lang kita sinabihan Ava. Bakit,mayroon na naman?" sita niya sa akin. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Mas malaki na siya ngayon. Halata sa kanyang polo ang matigas niyang dibdib. Hapit rin at sakto sa kanyang hita ang suot na slacks..

"Kasalanan ko ba na maganda ako?" sa sobrang inis ko iyon ang nasabi ko. "I am single! Anytime pwede akong lumandi! Wag' kang mag alala pipiliin ko iyong walang sabit! Okay na?"

Inirapan ko siya at iniwan ang kalat nung' kape doon. Mas mabuti pang tratuhin niya akong hangin kaysa ganito!

Pinindot ko ang elevator at sumunod siya sa akin na pumasok. Pumikit siya ng mariin at sumandal sa dingding.

"Reject Austin's offer. Date me." paos ang kanyang boses. Humalukipkip ako. " You don't know him well."

Gusto kong matawa. Parang linya lang noon ni Frosto.

"Mas gusto ko nga yung lalaking may thrill."

Napalunok siya. Namumula ang kanyang mga mata sa sobrang galit na hindi ko maintindihan.

"Kamusta na pala s-si Genevive?" kunway' tanong ko.

Namulsa siya. "She's abroad."

Tumango ako. Aaminin kong may nararamdaman parin akong hapdi sa dibdib.

"Mabuti naman. A-Ano yung anak niyo? Babae o l-lalaki?"

Kinabahan ako sa kanyang isasagot.

"I'm not the father. She aborted the baby...." kumuyom ang kamay niya. "Frosto loathe her so much."

Umawang ang labi ko. Hindi ko inisip na kaya iyong gawin ni Genevive! Isipin ko palang iyon sa anak ko gagawim iyon ay halos madurog na ang puso ko.

Nung mga panahon na iyon ay iyon ang gusto kong aminin kay Faustino pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon.

"Ikaw? H-Hindi ka nasaktan sa ginawa niya?" gumaralgal ang aking boses. Tandang tanda ko noon kung gaano ako ka walang laban kung si Genevive ang usapan.

Nagtagpo ang aming tinging dalawa. Bumukas ang elevator at hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Ang mga tingin niya tila nasasaktan.Ano pa na ang inaasahan kong sagot niya?

Nasa gitnan ako ng trabaho ng biglang tumunog ng aking cellphone. Kumalabog ang aking puso.

Mula ito sa unknown number na minsan nang nakatext sa akin.

Date Me.

Shit. Napamura ako ng malakas na ikinabigla ni Marga.

"Nangyari sayo? Sino ba yang katext mo?"

Umiling ako. "W-Wala."

"Wala 'raw e nagbablush ka! Hmm, let me guess. Si Mr. Grey o Mr. Cojuanco?"

"Tss!" Inirapan ko si Marga. "Ang bibig mo! Baka machismis pa ako mamaya!"

Pabagsak niyang nilagay ang timpak timpak na mga records sa desk namin.

"Hindi ka pala aware na ikaw nga trending dito e! Dati raw' yung magkapatid! Ngayon raw' yung magpinsan naman!"

Umawang ang labi ko.

"S-Sinong nagsabi niyan?"

Umirap siya at nangalumbaba.

"Edi' si Jezia! Naku! Mabuti nalang gabi ang shift nun!"

Nang gumabi na ay nag pack up na kami. Kumaway si Marga sa akin nang sumakay siya ng trysikel. Tinitigan ko ang kalsada dahil baka gaya ng gabi gabing senaryo ay maraming nakapila doon na trysikel driver pero ngayon ay iba ang bumungad sakin.

Si Austin nasa hood ng kanyang sasakyan at umayos ng makita ako. Sa kabila naman ay si Faustino na kakalabas lang sa kanyang Mustang. Nakasuot ito nang polo at madiin agad ang titig kay Austin tsaka bumaling sakin at nagtaas ng kilay.

Si Austin naman ay nakataimtim rin ng tingin kay Faustino at halata ang tattoo niya sa braso dahil sa suot na sando.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co