Truyen3h.Co

Blind Love (To Be Published)

Kabanata 4

heartlessnostalgia

Kabanata 4

"GAGA ka!" Isang hampas sa braso ko ang nagpabalik sa akin sa sarili.

"Ano?" Nangunot ang noo ko kay Krista.

"Malantod ka!" irit niya. "Akala ko ba hindi muna love life ang aatupagin mo?"

"Huh? Hindi naman ako nagla-love life," sagot ko.

"Anong hindi?! Ano 'tong nalalaman kong nagpapanggap kang jowa ni Sir Dash?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis na tumakbo para takpan ang bibig niya.

"Ano bang sinasabi mo?! H'wag ka ngang maingay!" I hissed. Nagsalubong naman ang kilay niya at hinatak ang kamay ko paalis sa bibig niya.

"So totoo?! Huh?" sita niya.

"Hindi ko naman siya boyfriend! Ano, uhm... Nagpapanggap nga lang akong fiancée niya," paliwanag ko at iniikot ang tingin ko sa paligid.

"Wow! Fiancée pa pala? Aba matindi! Akala ko jowa lang, bride-to-be na pala ang peg mo!" Napa-face palm ako sa lakas ng boses niya.

"Manahimik ka nga!" Sinipa ko siya pero hindi siya nanahimik at nanlalaki ang mata habang tumatalon.

"'Di ako makapaniwala! Sa lahat talaga, sa mga Sandejas ka pa na-involve? You're so swerte, Reah!" tili niya. "'Yan ang pangarap ko, eh! Makaasawa ng may datung, mas maganda lalo na kung afam!"

"I am doing this para sa pag-aaral ko..." sabi ko naman.

"Pag-aaral na naman siya, o!" Ngumiwi siya sa akin. "If I know, tuwang-tuwa na naman 'yang keps mo dahil sa fafa ka napunta!"

"'Yang bibig mo talaga!" sigaw ko. Halos sabunutan ko siya sa inis. "I am just pretending! At saka hindi naman 'to magtatagal! Kapag naayos na ang operasyon niya ay titigil na ako..."

"Asus! Pa-humble ang ate mo! Lelang mo, Reah! Kunwari ka pa pero kilig na kilig ka! Parang ganiyan 'yong sa pocketbook na binabasa natin 'di ba?" Napaisip ako pero tumango rin sa sinabi niya.

"Oo, medyo..." sagot ko, nangingiti.

"Medyo ka d'yan! Oo na oo to the highest level!" she exclaimed. "Look naman 'yong itsura ni Sir Dash, pak na pak! Grabe 'yong good boy awra niya sa umpisa pero suplado pala! Ang sarap niya i-kiss!" tili niya.

Natigilan ako.

"Anong i-kiss?" Kumunot ang noo ko.

"Iki-kiss ko! Kasi ang gwapo-gwapo niya! Ang swerte-swerte mo!" sabi niya. "Alam mo ba, girl. Secret lang natin 'to, ah?"

"Ano? Anong sikreto na naman 'yan?"

"Secret lang, huh, pero sa kanilang tatlo si Sir Dash talaga ng crush ko!" Humagikhik siya. Nanliit naman ang mata ko at sumimangot.

"'Di ba? 'Di ba? Agree ka ba sa 'kin? Ang gwapo niya, 'di ba?" Halos maghugis puso ang mata niya pero hindi ako sumagot. Hindi ko rin alam kung bakit napuno ako ng inis dahil sa sinasabi niya. Ayokong magsalita dahil baka bigla kong masabi na may gusto rin ako kay Dash.

I mean, ako ang nauna! Ako lang dapat!

But I kept my mouth shut.

"Ikaw, Reah, ha? Ikaw na ang bahala kay Fafa Dash, kahit 'di mo ako sinasagot sa kakadada ko rito! Go lang nang go!" Itinaas pa niya ang kamay.

"Oo na, manahimik ka na..."

"Oh, e, bakit nakasimangot ka? Bakit crush mo rin ba si Sir Dash?" Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay. "Kung bibigyan lang ako ng chance, gusto ko makipag-swap sa 'yo tapos palit tayo—"

"Hindi kita bibigyan ng chance!" irita kong sabat. Natigil siya pero unti-unti'y ngumisi sa akin. Alam kong inaasar niya lang ako pero 'di ko mapigilang 'di mairita.

Minsan na nga lang ako magka-crush tapos aagawin pa niya?

"Ako ang nauna, naiintindihan mo? Ako. Kaya sa 'kin siya," naiirita kong sabi. Halos malukot na ang mukha ko sa inis.

Lumaki ang ngisi niya.

"Sabi na, e!" Humagalpak siya ng tawa. "Kailan pa?" tanong niya habang tinutudyo ako.

"Matagal na."

"Ay, nauna na! Ano pa bang laban ko d'yan?" Humalakhak siya. "Baka magkatuluyan kayo niyan, huh? Ireto mo na lang ako kay Sir Zeijan!" Sumimangot naman ako. "Hala siya o, ang damot!"

"Akala ko ba ibabalandra mo 'yang dyoga mo sa mga foreigner? Hala, doon ka! Sige!" Hinawakan ko ang braso niya.

"Ang hard mo sa 'kin! Puhunan ko lang 'to 'no, e, sa 'yo nga puhunan na, may tubo pa!" Bumusangot ako at nag-init ang pisngi ko.

Bumaba ang tingin ko sa dibdib at niyakap ang sarili.

"Krista!" Singhal ko.

Kung 'di ko lang ito kaibigan baka na-tape ko na ang bibig na bastos!

"Ano?! Swerte mo nga may dibdib ka! Hindi tulad kong patag!" Tumakbo siya habang tumatawa. I was about to run after her when I saw Kuya Iñigo with Dash.

Kaagad akong natigil at may kakaibang kabog akong naramdaman sa dibdib ko.

"Hi!" Kuya Iñigo exclaimed. Ngumiti ako nang makita sila. Biglang nasa tabi ko na ulit si Krista na ngiting-ngiti. Naglakad patungo sa puwesto ko sina Kuya at kaagad na bumaling ang tingin ko kay Dash na inaalalayan niya.

"Good morning, Sir!" ani Krista na malaki ang ngiti.

"Good morning!" Kuya Iñigo smiled at her.

Nakatitig lang naman ako kay Dash na tahimik lang, he was biting his lip at bahagyang nakatungo.

Pinasadahan ko siya ng tingin. He was wearing a black sweater and black pants, medyo maulan din kasi kaya marahil ay nilalamigan siya. His hair was messy, nakikita ko ang ilang tikwas doon pero ang gwapo niya sa ayos na gano'n.

Is it really possible? To be this handsome kahit walang ayos? Kahit ata pasuotan namin siya ng garbage bag, nagliliwanag pa rin siya. Somehow, totoo rin pala 'yong mga nababasa ko.

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na ang tinititigan ko lang noon.

"Is Rhea here?" Natigil ako sa pag-iisip nang biglang magsalita si Dash. Natahimik si Kuya Iñigo at si Krista na nag-uusap at bumagsak ang tingin kay Dash.

Natulala lang ako at umawang ang labi ko.

Tumikhim si Kuya Iñigo. "She's not here, she went home last night at babalik lang siya sa susunod na araw—"

"Stop fooling around, Kuya," malamig na sabi nito. Natahimik si Kuya Iñigo at nilingon ako at nakita ko ang gulat sa kanya. Nakita kong umangat ang ulo ni Dash at nakita ko ang pagbasa niya ng labi niya.

"She's here..." aniya.

Biglang tumikhim si Kuya Iñigo at nagulat ako nang bigla akong sikuhin ni Krista. Nanlalaki ng mata niya habang tinitingnan ako.

"Uhh..." Tumikhim ako. "Dash..."

"See? She's here..." he said. My eyes widened when the side of his lips twitched.

"What?" Kuya Iñigo was shocked at maging akong ay natulala. Did Dash just smirk? "Dash, bangag ka pa ba?" Kuya blurted out like it was almost impossible he'd react that way.

Unti-unting nawala ang reaksyon ni Dash at kaagad na sumimangot. He stood straight at mahigpit na humawak sa cane niya.

"Let's eat; I'm hungry..." pag-iiba niya ng usapan.

Bigla siyang tumalikod at akmang maglalakad pabalik mag-isa ay kaagad akong tumakbo palapit sa kanya at pinigilan ang braso niya.

"Fuck!" he cursed in shock kaya bahagya akong natulak at napaatras ako.

"Sorry..." paumanhin ko bago napahawak sa braso ko na medyo nanakit dahil sa pagtulak niya.

Nagulat lang ako na naglakad siya bigla! I didn't expect he'd turn his back to walk on his own! Paano kung madapa siya, hindi pa naman niya kabisado rito kaya nagulat ako at napatakbo nang wala sa oras.

"Rhea?" tawag niya.

"Uh, oo. Sorry," sabi ko. I saw how his forehead creased at mayamaya lang ay umigting ang panga niya. Nagulat ako nang ilahad niya ang kamay.

"I'm sorry..." aniya. Nagulat ako at halos marinig ang pagwawala ng puso ko. Nakita kong may naglakad sa tabi ko at sinilip ako ni Kuya Iñigo.

"Are you alright?" aniya.

Napakurap ako at tumango bago bumaling kay Dash na nakalahad pa rin ang kamay.

"I'll go first inside, I'll call my wife. Ikaw na bahala kay Dash," sabi niya at hindi ko na siya nabigyang pansin dahil kay Dash.

Mabilis akong naglakad palapit kay Dash at hindi ko na napigilan ang sarili ko na abutin ang palad niya. When I touched his hand, the familiar flutters in my stomach came back, the electricity running from his hand on mine's back again.

We walked hand in hand towards the house. Wala siyang imik at ako nama'y inaalalayan siya. I grabbed the opportunity to stare at his face, the calm yet exciting feeling was back, just like what I always feel whenever I see him.

"Left..." sabi ko at natigil siya dahil doon.

"What?" Nakita ko ang bahagyang pagpaling ng ulo niya sa puwesto ko. "Sa kaliwa tayo liliko, muntik ka na kasi mabangga..."

"Oh..." Bumilog ang bibig niya bago tumango. "Sorry, I didn't know..."

Napangiti ako at humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Marahang hinila ko siya paliko sa kaliwa at dahan-dahan kaming naglakad.

"Last night," bigla akong natigil ng magsalita siya. "I didn't have any nightmares."

Mas nawindang ako sa pag-angat ng labi niya para sa ngiti.

"Talaga?" Kinagat ko ang labi ko at napangiti.

He talked and smiled at me!

"Hmm..." He nodded.

Napaiwas ako para kalmahin ang sari. Sa muling pag-angat ko ng tingin ay saktong bigla siyang tumungo at nanlaki ang mata ko nang halos magdikit na ang ilong namin.

I was trying hard not to breathe! We're close and I don't know if he even noticed!

Nag-palpitate na ang puso ko. Gusto kong lumayo pero hindi ko magawa dahil magdidikit ang mukha namin kapag gumalaw ako!

"Thank you..." he whispered. I lost my senses in just a snap, remembering the things that happened last night that made me sleepless.

.ೃ࿔ ✈︎ *:·

"I hate darkness, I loathe it. Please, leave it on. I can't afford to see more darkness in this dark place," mahinang sabi niya.

I could feel my heart shattering.

"You're pitying me."

"Hindi..." Umiling ako kaagad.

"Don't lie. I know. Look how useless I am," mahinang sabi niya. "This is a curse. Ano bang nagawa kong mali? There are a lot of shits in this world who deserve this suffering. Why me?"

Hindi ko siya nasagot dahil kahit ako'y 'di rin alam bakit gano'n. I just listened. He needed this.

"Since I lost my eyesight, I lost everything. My job, my business, everything! Because of this, I was confined here. Hindi makaalis mag-isa, hindi makagalaw mag-isa! I felt like I'm some useless shit!" mariin niyang sabi.

"You're not useless." Nangunot ang noo ko. Mas tumungo pa siya para itago ang mukha niya kaya mabilis kong binitiwan ang kamay niya at naupo sa kama.

He tensed but I caught his hand again.

"Can I hug you?" I asked.

Hindi siya kaagad sumagot pero nang mapansin ko ang pag-relax ng balikat niya'y lumapit na ako at marahang yumakap. He gave in, burying his face on my shoulder.

Hinaplos ko ang likod niya at mayamaya pa ay narinig ko ang pagsinghot niya.

I closed my eyes and caressed his back to calm him. Nagulat man ako ay hindi ko ipinahalata nang pumaikot ang kamay niya sa baywang ko at niyakap ako pabalik.

He cried on my shoulder, his grip on my waist tightening.

"I-I'm sorry for what I've said, Rhea..." bulong niya.

"Sshh, ayos lang, naiintidihan ko," I whispered back. Nanunubig na rin ang mga mata ko dahil sa mga luha.

"I-I was mad at everything, for losing everything..." bulong niya at mas yumakap pa. Sumiksik siya sa leeg ko habang sumisinghot. "I... I blamed you... But then realized it was all my fault, kung hindi lang sana ako nagmatigas noon, sana ay hindi nangyari—"

"Sshh, calm down, ayos lang..." alo ko.

Nararamdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko galing sa mga luha niya pero mas niyakap ko lang siya. He cried on my shoulder. I hope it somehow lifted the weight he was carrying off his chest. I caressed his hair softly.

When he calmed a little, lumayo ako at hinaplos ang pisngi niya. Tinuyo ko ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko at nakita ko ang pamumula ng mukha niya.

Sumandig siya sa kamay ko at hinayaan ako sa ginagawa bago bumuntonghininga at nagsalita.

"Since I became blind, I never had a sleep without nightmares..."

"What nightmares?" I asked him. Hinawi ko ang buhok niya paalis sa noo niya habang nakikinig sa kanya.

"I dreamed about the accident, the crashing of planes, the darkness, the monsters... I don't know. Random horrible shits," mahinang sabi niya. "Everything..."

"Gaano ka na katagal binabangungot?" I asked.

"I've been blind for almost four months. I spent three months at the hospital and a month at home..." mahinang sabi niya. "Ever since I woke up in the hospital, it was like that for me. I couldn't tell my family–I won't. I don't want to add weight to their shoulders."

Nakita kong umangat ang kamay niya na parang may hinahanap kaya inilapit ko ang kamay ko na kaagad naman niyang kinuha at hinawakan.

"I was mad when I heard your name. I was devastated. Ikaw ang sinisi ko sa lahat kahit alam kong wala kang kasalanan. I just wanted someone to blame..." pag-amin niya. "After you left, they talked to me."

Tumango ako at tumitig sa kamay niya. His warm hand is large and calloused against my small ones.

"And that enlightened me, kahit nakakairita pakinggan na mali ako, but I am admitting it. I have said hurtful words and I am so sorry."

Natawa ako. "Ayaw mong umaamin na may mali ka?"

"Hindi ako nagkakamali," aniya kaya mas natawa ako. "Well, until now..."

"It's fine. Admitting your mistakes was already a big thing. I am not mad, I understand what you feel..." Pinisil ko ang kamay niya bago muling hinawi ang buhok paalis sa mukha niya.

"They're right," he murmured.

Napanguso ako at sinilip siya. "Right about?"

But he shook his head.

"Just p-please, please don't turn off the lights..." mahinang sabi niya. "I-I'm scared... I'm scared that darkness would take me again..."

"I won't..." I promised.

"S-salamat..." aniya.

Natahimik kaming dalawa. However, it wasn't in an awkward sense. Sa totoo lang ay komportable ako no'n kahit na kumakalabog ang dibdib ko sa lapit naming dalawa.

I could smell him. I could feel his warmth. I am holding his hand.

Tinitigan ko ang mukha niya at ang pisngi niya na may bakas pa ng mga luha. He was playing with my hand, walang imik na gumuguhit lang siya sa palad ko at hinahayaan ko lang siya.

"Nagpapaantok ka?" I asked him. Bigla naman siyang natigilan sa ginagawa at nag-angat ng tingin.

"A-are you leaving?" The hesitation was evident in his voice.

"Hindi pa..."

"What time is it?" tanong niya sa akin at napatingin ako sa orasan. It's already eleven twenty-three.

"Maaga pa," sagot ko.

He bit his lip and nodded. Kinuha ko ang kamay sa kanya para punasan ang luha sa pisngi niya. Marahang hinaplos ko ang balat niya paakyat sa benda sa kanyang mata.

I cleared my throat.

"Can I take this off?" alangang tanong ko. Nang hindi siya magsalita ay kaagad akong nagsalitang muli. "It's fine if you're not comfortable–"

"Why?" tanong niya.

"I just want to clean your face," sabi ko. "But if—"

"Take it off," he cut me off.

"H-huh?"

Seryoso?

"You can clean my face and take the cloth off." Nabigla ako sa pagpayag niya pero nangiti.

Mabilis akong tumayo para kumuha ng tuwalya at binasa iyon sa banyo. Pagkatapos ay bumalik ako sa puwesto niya, naupo sa tabi niya bago ilapag sa may lamesa ang maliit na planggana.

"Tatanggalin ko na, ha?" paalam ko.

He nodded and straightened his back. Tumayo ako para matanggal ang benda niyang nakatakip sa mga mata.

As I was removing it, I didn't know I wasn't actually breathing properly until I could see his face without the bandage hiding his beauty.

His eyes remained closed, and there was a thin line of scar on the side of his eye.

"Pupunasan ko na..." His eyes remained closed as he nodded. Piniga kong muli ang bimpo bago ko idinampi iyon sa balat niya. In this proximity, I could see his face better. His thick eyebrows, his long eyelashes, his pointed aristocratic nose, his angled jaw, and his thin red lips.

I smiled as I was cleaning his cheek softly.

My Dash Rakiel hasn't changed at all, still the same face as the first time I saw him. If there are changes, it's because he matured.

I cleaned the side of his ear. Nakita kong napangiwi siya at tumagilid ang ulo kaya natawa ako nang mahina at sinilip ang mukha.

"May kiliti ka?" tanong ko.

He bit his lip and nodded.

"Yes..." he confessed, a faint of blush spreading in his face.

"Really?" Napailing ako at inilipat ang punas sa ibang parte ng mukha niya.

Nang bumaling ang atensyon ko sa maliit na peklat sa gilid ng mata niya ay wala sa sariling hinaplos ko iyon.

"That's ugly..." aniya. Umiling ako habang pinapadaan ang daliri ko roon.

"Hindi..." It made him pause. "Imperfections always make an art beautiful. And in your case, you're an art created by God, and this scar..." I caressed it softly. "...is your imperfection that makes you beautiful."

May nahulog kung saan kaya napalingon ako pero pagbalik ko nang tingin kay Dash ay natulos nang makitang nakamulat na siya.

Umawang ang labi ko.

I saw his blue eyes again. The eyes I haven't seen for so long.

It wasn't moving and was just focused in one direction. I can also see a faint white color on his irises.

"Dash..." I called.

"Is that still beautiful?" he asked me.

Tumango ako at pinakatitigan ang mata niya. I raised my hand and waved it in his face, pero hindi sumabay ang mga mata niya.

I smiled sadly and placed my hand on the side of his eyes instead. I caressed it, reveling in the look of his beautiful eyes.

"It's still an art, Dash. Beautiful," I whispered. Natigil ako nang hinawakan niya ang kamay kong nasa mukha niya, unti-unti iyong ibinaba bago marahang pinisil at hinaplos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co